120 Palaging Magiging Kasama Natin ang Pag-ibig ng Diyos

1 Mula sa lahat ng direksiyon, dinala tayo sa harapan ng trono ng Diyos, nagtitipon-tipon sa Kanyang harapan upang dumalo sa handaan ng kasal ng Kordero. Pinangunahan tayo ng Diyos sa mga kapanahunan at sa mga magugulong paghihirap, dinadala tayo sa kasalukuyan. Nagsimula ang paghatol ng mga huling araw sa bahay ng Diyos. Nagpakita ang tanging tunay na Diyos, nagsasalita mula sa Kanyang trono, at lahat ng nasa langit at lupa ay malugod na tinatanggap ang Kanyang pagdating. Nagagalak at nagpupuri ang lahat ng tao sa pagbabalik ng Diyos.

2 Pinangunahan tayo ng Makapangyarihang Diyos tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, araw-araw na lumalakad kasama ng mga iglesia upang tayo’y ipastol at diligan. Gumagamit Siya ng mga salita upang tayo’y hatulan, kastiguhin, subukin, at dalisayin. Itinatapon natin ang ating pagiging mapanlinlang at mga balatkayo, nagiging mga tapat na tao. Pag-ibig ng Diyos ang nagdurugtong sa ating mga puso nang malapit sa isa’t isa. Namumuhay sa loob ng Kanyang mga salita, magkakaugnay tayo sa puso at kaluluwa, at minamahal natin ang bawat isa. Payak at lantarang hinahangad ang katotohanan, mayroon tayong mga pagpapala ng Diyos. Isinasagawa natin ang katotohanan upang palaging umiral kasama natin ang Kanyang pag-ibig.

3 Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ang nagpadalisay sa atin, binibigyan tayo ng kakayahang matakot sa Kanya at umiwas sa kasamaan, at magkaroon ng tunay na pagsisisi. Mahabang panahon ang nakararaan ay itinapon natin ang ating mga kuro-kuro at kinahuhumalingan at relihiyosong seremonya. Hindi na tayo madadawit sa mga makamundong kaguluhan o pilosopiyang panlipunan. Nagpapalaya sa ating mga espiritu at nagdudulot ng labis na kasiyahan ang paggawa ng lahat batay sa mga salita ng Diyos. Nagbigay sa atin ng tunay na buhay ng tao ang pag-unawa sa katotohanan. Taos-pusong inilalaan natin ang ating mga sarili, gumugugol sa Diyos upang suklian ang Kanyang pag-ibig. Hinahanap natin ang katotohanan at isinasabuhay ang realidad upang magpatotoo sa pag-ibig ng Diyos.

4 Mga kapatid, sa mga panahong ito mahirap makakuha ng mga pagkakataong magtipon. Upang isakatuparan ang mga tagubilin ng Diyos, kailangan natin muling magparoo’t parito. Magulo ang daan patungo sa kaharian, at kailangan nating manalangin sa Diyos nang may iisang puso at isip. Hindi madaling magkamit ng buhay, lalong ginagawang mahalaga para sa atin na gawin ang ating makakaya upang magsikap. Bagama’t nagdurusa tayo sa pamamagitan ng paghatol sa atin, at naluha nang higit sa ilang beses, nabago ang ating mga disposisyon at natikman natin ang pag-ibig ng Diyos. Sinusunod natin ang Kanyang kalooban, ipinapalaganap ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Kanya. Dapat nating taimtim na mahalin ang Diyos, at hindi dapat maging dahilan upang masayang sa atin ang Kanyang mabubuting hangarin. Dapat nating taimtim na mahalin ang Diyos, nang ang Kanyang pag-ibig ay palaging maging kasama natin.

Sinundan: 119 Napakagalak na Maging Taong Tapat

Sumunod: 121 Ang Wangis ng mga Nagmamahal sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito