Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (8)

Nitong mga nagdaang araw, nagbahaginan tayo tungkol sa paksa ng kung paano kilatisin ang kakayahan sa iba’t ibang aspekto, hindi ba? (Opo.) Sa pamamagitan ng ating pagbabahaginan tungkol sa mga partikular na pagpapamalas ng iba’t ibang aspekto at antas ng kakayahan, kaya ba ninyong ibuod kung ano ang mahusay na kakayahan, ano ang katamtamang kakayahan, ano ang mahinang kakayahan, at kung ano ang ganap na kawalan ng kakayahan? Napakarami nating pinagbahaginan tungkol sa aspektong ito, kaya kailangang magawa ninyong ibuod ang nilalaman na ito at pagkatapos ay itugma ito sa mga partikular na pagpapamalas sa pang-araw-araw na buhay. Sa ganitong paraan, magiging medyo mas tumpak ang pagsusuri ninyo sa inyong sarili at sa iba. Kung hindi ka marunong magbuod, kapag nakakasalamuha ka ng mga partikular na tao sa pang-araw-araw na buhay, hindi mo sila makikilatis, at hind mo rin makikilatis ang sarili mong mga pagpapamalas at pagbubunyag sa iba’t ibang aspekto. Hindi ba’t mangangahulugan iyon na walang saysay kang nakinig? Dapat maging sanay ka sa pagbubuod. Ano ang ibig sabihin ng pagbubuod? Ibig sabihin nito ay paghahanap, sa loob ng partikular na nilalaman ng iba’t ibang aspektong ito, ang mga prinsipyo sa pagkilatis o pag-unawa sa iba’t ibang uri ng bagay. Sa ganitong paraan, nakakamit ang layunin ng pagbubuod. Kapag natagpuan mo ang mga prinsipyo, magagamit mo ang mga katotohanang prinsipyo para tingnan ang mga tao at bagay, at makikilatis mo ang iba at pati na ang iyong sarili. Pinatutunayan nito na nauunawaan mo ang katotohanan. Kapag nauunawaan mo ang isang aspekto ng katotohanan at nagagamit mo ito, magkakamit ka ng pagpasok sa katotohanang realidad sa aspektong ito. Kaya, hindi ba’t dapat nating ibuod ang partikular na nilalaman ng iba’t ibang aspekto ng kakayahan? (Oo.) Kailangan nating ibuod ito. Sa ganitong paraan mo lamang malinaw na mauunawaan ang mga katotohanang prinsipyong nauugnay sa kakayahan.

Kailangan mong malaman ang mga prinsipyo para makapagsagawa ka ng pangkalahatang pagsusuri sa mga taong may mahusay na kakayahan, hindi ba? (Tama.) Detalyado tayong nagbahaginan tungkol sa maraming partikular na pagpapamalas, ginagamit ang mga partikular na pagpapamalas na ito para suriin kung ano ang kakayahan ng isang tao. Kaya, ano ang mga pangkalahatang pagpapamalas ng mga taong may mahusay na kakayahan? Mayroon silang partikular na mga prinsipyo sa puso nila para sa pag-asal at pagkilos. Kahit hindi nila nauunawaan ang katotohanan o hindi pa naririnig ang katotohanan, mayroon na silang ilan sa mga pinakabatayang prinsipyo para sa pag-asal at pagkilos. Ibig sabihin, mayroon silang mga partikular na hangganan sa kanilang sariling asal. Sa partikular na antas, medyo naaayon o malapit sa mga katotohanang prinsipyo ang mga hangganang ito at, kahit papaano, ay malapit sa mga pamantayan ng konsensiya at katwiran ng pagkatao. Matapos nilang maunawaan ang ilang katotohanan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pagtanggap sa pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, kahit na hindi nila naranasan ang maraming usapin o espesyal na kapaligiran, nagagawa pa rin nilang maunawaan at maarok ang ilang katotohanang prinsipyo sa puso nila. Sa aktuwal na buhay, nagagawa nilang gamitin ang mga prinsipyong ito para pangasiwaan ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay. Siyempre, kapag pinangangasiwaan nila ang ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, hindi lang ito tungkol sa pangangasiwa ng mga isyu na simple at may isang aspekto lamang. Sa halip, kapag nakakatagpo sila ng iba’t ibang masalimuot at magkakaugnay na mga tao, pangyayari, at bagay, kaya nilang ilapat ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanang prinsipyo sa pagtrato at pangangasiwa sa mga ito. Isa itong pagpapamalas ng mga taong may mahusay na kakayahan pagdating sa mga usaping nauugnay sa mga prinsipyo. Dahil mahusay ang kakayahan nila, sa pamamagitan ng pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, kaya nilang hanapin para sa sarili nila ang mga prinsipyo sa loob ng mga salita ng Diyos para sa pagtingin at pangangasiwa ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay. Ang mga taong may mahusay na kakayahan na tulad nito ay kayang mamahala sa gawain nang nakapagsasarili, tinatapos ang bawat gampanin nang mag-isa. Isa itong pagpapamalas ng mahusay na kakayahan. Ano ang pangunahing pagpapamalas? (Ang pangunahing pagpapamalas ay na, sa pamamagitan ng pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, kaya nilang hanapin para sa sarili nila ang mga prinsipyo sa loob ng mga salita ng Diyos para sa pagtingin at pangangasiwa sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, nagagawang lutasin ang mga problema nang mag-isa at nakapagsasariling pamahalaan ang gawain.) Mismo—sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kaya nilang maunawaan ang katotohanan at mahanap ang mga prinsipyo para sa pagtingin at pangangasiwa sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, nagagawang pasanin ang gawain nang mag-isa. Ito lang ang nangangahulugan na pagkakaroon ng mahusay na kakayahan. Noong huli, sinabi natin na ang mgawang pasanin ang gawain nang mag-isa ay nangangailangan ng pagtataglay ng iba’t ibang abilidad. Ngayon, gamit ang mga katotohanang prinsipyo para sukatin ito, ito ay isang pagpapamalas ng mga taong may mahusay na kakayahan.

Ano naman ang mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan? Tiyak na labis na mas masahol pa sila kaysa sa mga may mahusay na kakayahan. Gayumpaman, hindi mahalaga kung mayroon mang mahusay o katamtamang kakayahan ang mga tao, bago nila matanggap ang pagtustos ng mga salita ng Diyos at maunawaan ang katotohanan, wala silang mga wastong prinsipyo sa pag-asal. Ang pagtamo ng pagkaarok sa mga prinsipyo para sa pag-asal ay dapat magawa sa pundasyon ng pagtanggap sa pagtustos ng mga salita ng Diyos at ng pagkaunawa sa katotohanan. Sa pamamagitan lang ng mga aktuwal na karanasan unti-unting mauunawaan ng isang tao ang mga prinsipyo para sa pag-asal. Kung isa itong taong may katamtamang kakayahan, kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos, kaya lang niyang maunawaan ang pangunahing kahulugan at ang mga hinihinging pamantayan na ipinahayag sa mga salita ng Diyos. Nauunawaan nila ang mga bagay na ito sa usapin ng doktrina, pero kapag nahaharap sa mga sitwasyon, hindi pa rin nila nagagawang gamitin ang mga katotohanang prinsipyo. Tanging sa pamamagitan ng patnubay at pagtustos ng iba, o pagkatapos maranasan ang maraming bagay, nila nagagawang maunawaan ang ilang batayang katotohanang prinsipyo. Ano ang tinutukoy ng “batayan” dito? Nangangahulugan ito na ang mga prinsipyong nauunawaan at naaarok nila ay pangunahing may isang aspekto lang at medyo mga simpleng prinsipyo, at nagbibigay-kakayahan sa kanila na pangasiwaan at lutasin ang mga ordinaryong problema, pero kapag nahaharap sa mga masalimuot na sitwasyon o konteksto, hindi nila alam kung paano kumilos ayon sa mga prinsipyo. Kailangan nilang umasa sa gabay at tulong ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan para harapin ang ilang masalimuot na problema o may sari-saring aspektong gampanin. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan. Ano ang kapansin-pansin sa mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan? Hindi sila nakapagsasariling nakakaunawa sa katotohanan o nakakahanap ng mga prinsipyo ng pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos. Hindi nila tumpak na maunawaan kung ano talaga ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos. Kailangan nila ng isang taong makikipagbahaginan sa kanila, susuporta sa kanila, at tutulong sa pagsuri sa mga bagay-bagay, at malinaw na magssaabi at magpapaalala sa kanila. Sa ganitong paraan lamang nila malalaman na: “Ito ay isang katotohanang prinsipyo. Dapat ko itong tandaan. Dapat akong magsagawa ayon dito. Dapat kong ipatupad ang gawain ayon sa ganitong pagsasaayos ng gawain.” Ito ay sa usapin ng kanilang pagkaarok. Pangalawa, sa usapin ng paggawa ng gawain, kapag gumagawa ng gawaing wala silang karanasan, hindi nila agad na magamit ang mga katotohanang prinsipyo para tingnan at pangasiwaan ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay. Kaya lang nilang pangasiwaan ang ilang gawaing may isang aspekto batay sa pagkaunawa ng ilang batayang katotohanang prinsipyo. Kapag nahaharap sa masalimuot na gawain na may kaugnay na maraming katotohanang prinsipyo, kailangan nila ang iba na magsuri ng mga bagay, at suportahan at tustusan sila. Ang mga ito ag mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan. Sa usapin ng personal na pagkaarok, kailangan nila ang iba na makipagbahaginan sa kanila at tumulong sa pagsuri sa mga bagay-bagay. Kailangan nilang makinig nang husto—hindi lang sa isang aspekto ng katotohanan kundi sa iba’t ibang aspekto, at sa huli, kailangan nila ng isang tao na magsasabi sa kanila kung ano ang mga batayang prinsipyo ng iba’t ibang aspekto ng katotohanan, nang sa gayon ay maunawaan nila ang ilan sa mga ito sa kanilang puso. Gayumpaman, kapag nakakatagpo sila ng mga masalimuot na sitwasyon, muli na namang hindi nila alam kung paano umarok at kailangan pa rin nilang maghanap. Ito ay sa usapin ng pagkaarok. Tungkol naman sa pangangasiwa sa iba’t ibang usapin sa gawain o aktuwal na buhay, ang abilidad nilang pangasiwaan ang mga problema ay kaya lang umabot sa antas ng pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo para pangasiwaan ang gawaing may isang aspekto. Kapag nahaharap sa masalimuot na gawain na may kaugnay na maraming katotohanang prinsipyo, medyo nahihirapan sila rito at kailangan nilang maghanap at magkaroon ng isang taong susuri sa mga bagay-bagay. Sila mismo ay hindi magagarantiya na kaya nilang gawin nang maayos ang gawain at hindi nila matukoy kung umaayon ba sa mga katotohanang prinsipyo ang ginagawa nila. Minsan, magkakaroon ng mga paglihis sa gawain nila. Gayumpaman, ang mga paglihis na ito ay mga paglihis lamang at hindi mga pagkabaluktot. Kung ang mga ito ay pagkabaluktot, magpapahiwatig ito ng mahinang kakayahan. Mayroong kaibahan sa pagitan ng mga paglihis at pagkabaluktot: Ang mga paglihis ay nangangahulugan na hindi ganap na naaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang gawain, hindi sapat na nagawa, o walang sapat na konsiderasyon, pero hindi naman mali ang direksiyon. Kaya lang, dahil hindi sapat ang kanilang karanasan sa gawain, o medyo mababaw pa ang pagkaunawa nila sa katotohanan at hindi sapat na tumpak ang pagkaarok nila sa mga katotohanang prinsipyo, hindi sapat na pasok sa pamantayan ang gawain nila. Maaaring palapit na ito sa pagiging pasok sa pamantayan, pero nangangailangan pa rin ito ng pagpapabuti para maging ganap na pasok sa pamantayan. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan. Ano ang pangunahing katangian ng ganitong uri ng tao? (Ito ay na hindi nila kayang gawin nang maayos ang isang aytem ng gawain nang nakapagsasarili; kailangan nila ng tulong at suporta mula sa iba para tapusin ang isang gawain.) Ang katangian nila ay na, sa usapin man ng pagkaarok o paggawa ng kanilang tungkulin, medyo mas mababa sila. Sa pangkalahatan, hindi nila kayang gawin nang maayos ang isang aytem ng gawain nang nakapagsasarili, nangangailangan sila ng suporta, pagsusuri, at panghihimok mula sa iba. Samakatwid, ang batayang katwiran na dapat taglayin ng mga taong may katamtamang kakayahan ay ang higit na maghanap at maghintay kapag ginagawa ang mga bagay-bagay. Kapag hindi nila makilatis ang isang bagay, dapat agad-agad at mapagpakumbaba silang maghanap—maghanap man sa mga katotohanang prinsipyo sa mga salita ng Diyos para magsilbing batayan sa sarili nila o maghanap sa mga nakakataas—at hindi kumilos nang bulag o naguguluhan. Pagkatapos gumawa sa loob ng ilang panahon, kung nalilito ka na tungkol sa maraming bagay, agad mong ibuod at itala ang mga ito, at maghanap sa mga nakatataas. Ang layunin nito ay na ipasuri at patingnan sa mga nakatataas mo kung ang gawaing nagawa mo sa panahong ito ay naglalaman ng anumang mga paglihis o kakulangan. Huwag masyadong mag-akala na mas matuwid ka kaysa sa iba, iniisip na mayroon kang karanasan sa gawain, at huwag magkaroon ng labis na kumpiyansa sa sarili. Dapat mayroon kang kamalayan sa sarili. Natalakay na ang mga pagpapamalas ng katamtamang kakayahan, kaya ano ang mga katangian ng mga taong may katamtamang kakayahan? (Hindi nila kayang gawin ang gawain nang nakapagsasarili; kailangan nila ang iba para sumuporta, tumulong, at sumuri sa mga bagay-bagay.) At ano ang mga katangian nila sa usapin ng pag-arok sa mga salita ng Diyos? (Sa usapin ng pag-arok sa mga salita ng Diyos, kaya lang nilang maarok ang ilang batayang prinsipyo pero hindi nila ito aktuwal na magamit sa gawain.) At ano ang mga katangian nila sa usapin ng kapabilidad sa gawain? (Sa usapin ng kapabilidad sa gawain, hindi agad na magamit ng mga taong may katamtamang kakayahan ang mga katotohanang prinsipyo para tingnan o pangasiwaan ang iba’t ibang isyu. Higit pa rito, kaya lang nilang panatilihin ang iisang aytem ng gawain; pagdating sa maraming aytem ng gawain, hindi nila kayang maarok ang mga prinsipyo. Hindi nila magawang bigyang-priyoridad ang iba’t ibang aytem ng gawain ayon sa kahalagahan o pagka-agaran para matapos nang maayos ang mga ito, lalong hindi nila makatwirang maisaayos ang gawain. Kailangan nila ng isang taong susuri sa mga bagay-bagay at gumabay sa kanilang direksiyon, at palaging tumulong at sumuporta sa kanila.) Totoo iyan. Ang mga taong may katamtamang kakayahan ay kayang gumawa ng gawaing may isang aspekto nang nakapagsasarili o, sa pundasyon ng pagkakaroon ng partikular na antas ng karanasan, kaya nilang mangasiwa ng simpleng gawain. Gayumpaman, kapag nahaharap sa mga masalimuot na isyu, lalo na sa gawaing may kaugnay na maraming katotohanang prinsipyo, nalilito sila at hindi nila alam kung paano magsagawa. Sa isang sandali, iniisip nila na dapat itong gawin sa ganitong paraan, at sa susunod na sandali, iniisip nila na dapat itong gawin sa ganoong paraan, pero hindi nila alam kung aling paraan talaga ang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi nila magawang suriin ang mga kahihinatnan na maaaring lumitaw kapag tuluyan nang natapos ang gampanin. Sa gayong mga sitwasyon, naiiwan silang walang landas. Maaaring maging mahusay sa isang aytem ng gawain ang mga taong may katamtamang kakayahan, pero kapag nahaharap sa maraming aytem ng gawain o medyo mas masalimuot na gawain, nalilito sila. Halimbawa, ang ilang lider at manggagawa sa inyo ay kayang mangasiwa ng isang aytem ng gawain kapag itinalaga ito sa kanila, pero kapag itinalaga sa kanila ang dalawa o tatlong aytem ng gawain, hindi nila kayang pamahalaan ang mga ito. Kahit gusto nilang gawin nang maayos ang mga ito, hindi nila ito magawa. Kapag abala sila sa gawain, sa sandaling banggitin ng isang tao ang isang problema rito o roon, nalilito sila at hindi nila alam kung paano lutasin ang mga ito. Bilang resulta, wala sa mga aytem ng gawain ang nagawa nang maayos. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan. Hindi kayang sabay-sabay na pasanin ng mga taong may katamtamang kakayahan ang dalawa o tatlong aytem ng gawain. Lalo na kapag nahaharap sila sa mga masalimuot o espesyal na sitwasyon, agad silang nalilito at hindi nila alam kung ano ang gagawin. Bilang resulta, hindi nagawa nang maayos ang gawaing maayos sana nilang nagawa, at ang mga aytem ng gawain na responsabilidad nila ay nagkakaproblema o naaantala. Samakatwid, hindi kayang pumasan ng dalawa o tatlong aytem ng gawain ang mga taong may katamtamang kakayahan, at naaangkop lamang sila sa mga simpleng indibidwal na aytem ng gawain. Palaging iniisip ng ilang lider at manggagawa na napakasimple ng paggawa ng gawain. Kapag ipinapaalam ng ibang mga tao ang mga problema, palag silang walang pakialam at hindi nila itinuturing na mga problema ang mga ito, iniisip pa nga nila na may problema sa pag-iisip ang mga taong iyon at na ginagawang masyadong komplikado ng mga taong iyon ang mga bagay-bagay. Sa huli, lumilitaw ang malalaking problema, at hindi nila malutas ang mga ito at saka lamang nila inuulat ang mga ito sa mga nakatataas. Masyadong kaunti ang karanasan ng gayong mga lider at manggagawa, at wala silang kabatiran. Sa gawain nila, palagi nilang inaakala na magiging maayos ang lahat, sumusunod lang sa ilang regulasyon at mapagmatigas na nanatili sa iisang landas. Gaano man kalubha ang mga problemang lumilitaw, bigo silang mapagtanto ang mga ito; higit pa rito, bigo silang mapagtanto na maaantala ng mga problemang ito ang pangkalahatang gawain kung hindi malulutas ang mga ito. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan.

Sa pangkalahatan, kung ang mga taong may katamtamang kakayahan ay pasok sa pamantayan sa lahat ng aspekto ng kanilang pagkatao, sa pangkalahatan ay kaya nilang maging mahusay sa isang gawaing may isang aspekto. Ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na hindi nila kayang tapusin ang komprehensibong gawain nang nakapagsasarili ay na pinahihintulutan lang sila ng kanilang kakayahan na maging magaling sa isang gawaing may isang aspekto. Pagdating sa isang gawaing nauugnay sa kanilang mga hilig, libangan, at kalakasan, sa usapin ng kanilang kakayahan, kaya nilang maging mahusay para dito. Gayumpaman, kapag nahaharap sa mga komplikasyon ng gawaing may sari-saring aspekto, nalilito sila. Kahit na mayroon na silang praktikal na karanasan, hindi sapat ang kakayahan nila para sa gampanin. Sinasabi ng ilang tao, “Ito ba ay dahil bata pa ako?” Hindi, hindi ganoon. Kung katamtaman ang iyong kakayahan, kahit kuwarenta o singkuwenta anyos ka na, hindi ka pa rin magiging mahusay sa pagpasan ng gawaing may sari-saring aspekto. Bakit Ko sinasabi ito? Matapos makaipon ng kaunting karanasan sa pamamagitan ng aktuwal na paggampan ng gawain, maaaring makakaya mong pangasiwaan ang isang partikular na gawaing may isang aspekto. Gayumpaman, nagagawa mo lang tapusin nang maayos ang gawain nang nakapagsasarili sa mga sitwasyong mayroon kang gabay, may isang taong sumusuri sa mga bagay, o may pagsubaybay ng iba—habambuhay na nananatiling hindi mo magawang pasanin ang gawaing may sari-saring aspekto nang nakapagsasarili. Ipinapahiwatig nito na may katatamtaman kang kakayahan. Pagkatapos makaipon ng kaunting karanasan sa paglipas ng maraming taon ng pagsailalim sa iba’t ibang sitwasyon, at pagkatapos maunawaan ang ilang katotohanang prinsipyo, hindi pa rin kayang pasanin ng ilang tao ang gawaing may sari-saring aspekto, lalo na ang gawain na kung saan dapat nilang pamahaalan nang nakapagsasarili. Kapag nakakatagpo sila ng masasalimuot na sitwasyon, nalilito sila at hindi nila magawang bigyang-priyoridad ang mga gampanin ayon sa kahalagahan o pagka-agaran. Ang gayong mga tao ay tiyak na may katamtamang kakayahan. Ang karanasan sa gawain ay sumasaklaw lamang sa isang aspekto ng kapabilidad sa gawain ng isang tao; hindi ito ang nangingibabaw na salik. Ang nangingibabaw na salik ay ang kakayahan ng isang tao at ang kanyang mga abilidad sa iba’t ibang aspekto. Ang karanasan sa gawain ay nagbibigay lang ng kaunting sanggunian. Siyempre, mahalaga rin ang karanasan sa gawain dahil nagmumula ito sa personal na karanasan, pero ang praktikal na karanasan sa gawain na ito ay hindi magbibigay sa iyo ng kakayahang mas tumpak na maarok ang mga prinsipyo ng gawaing may sari-saring aspekto. Kung mahusay ang kakayahan mo at tunay mong nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, kahit na wala kang karanasan sa gawain o hindi malawak ang iyong personal na karanasan, kaya mo pa ring pumasan ng pangkalahatang gawain nang mag-isa at mamahala ng gawain nang nakapagsasarili. Gayumpaman, ang mga taong may katamtamang kakayahan ay hindi kayang tumapos ng pangkalahatang gawain nang mag-isa; kaya lang nilang tapusin ang gawaing may isang aspekto at nangangailangan sila ng madalas na paghimok, pagsusuri, tulong, at gabay. Samakatwid, para sa inyong mga may katamtamang kakayahan, huwag ninyong isipin na ang pagiging magaling sa isang partikular na gawaing may isang aspekto ay nangangahulugan na kaya mong maging mahusay sa gawaing may sari-saring aspekto o kaya mong pamahalaan ang gawain nang nakapagsasarili. Ito ay isang ilusyon at maling pagkaunawa. May puwang sa pagitan ng magawang tapusin nang mag-isa ang partikular na gawaing may isang aspekto at ng magawang tapusin nang mag-isa ang gawaing may sari-saring aspekto—ibig sabihin, ang magawang pamahalaan ang gawain nang nakapagsasarili. Isa itong bagay na unti-unti ninyong malalaman sa pamamagitan ng karanasan. Maaring hindi madaling maunawaan ang mga salitang ito—tanging ang mga nakapaglingkod bilang lider o manggagawa sa loob ng maraming taon at may praktikal na karanasan ang nakakaunawa sa mga ito. Maaaring hindi nakakaunawa ang mga ordinaryong kapatid, hindi ba? Ang mga lider at manggagawa na nakapagpasan ng gawaing may sari-saring aspekto ay may praktikal na karanasan at nakakaunawa sa mga kaibahan sa loob nito—mayroon silang mga prinsipyo sa kung paano nila ginagawa ang kanilang gawain. Subalit ang mga taong may katamtamang kakayahan ay kulang sa mga ito. Ganap nang naibuod ngayon ang mga pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan.

Susunod, ibuod natin ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan. Ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan ay tiyak na mas malala pa kaysa sa mga taong may katamtamang kakayahan. Ano nga ba ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan? Sa pamamagitan ng kanilang sariling paghahanap o pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, bagama’t literal nilang nauunawaan ang kahulugan ng bawat pangungusap at sipi ng mga salita ng Diyos—pati na kung ano ang mga layunin at hinihingi ng Diyos—hindi nila nauunawaan kahit kaunti ang mga katotohanang prinsipyo o ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos. Ibig sabihin, hindi nila nauunawaan ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos sa kung paano tingnan ang mga tao at bagay, o umasal at kumilos, ni hindi nila nauunawaan kung ano ang mga kaugnay na katotohanang prinsipyo. Kapag kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos nang mag-isa, hindi nila maunawaan ang mga bagay na ito, at pagkatapos magkaroon ng mga karanasan sa mga tao, pangyayari, at bagay sa pang-araw-araw na buhay, hindi pa rin sila nakakaunawa. Kahit pagkatapos ng pagbabahaginan, nananatiling hindi malinaw sa kanila ang tungkol sa kung ano ang mga katotohanang prinsipyo. Ang ganitong uri ng tao ay may isang katangian: Bagama’t hindi niya nauunawaan kung ano ang mga katotohanang prinsipyo, kaya niyang ibuod ang mga regulasyong dapat niyang sundin sa pamamagitan ng pag-asa sa kanyang mga damdamin. Kaya niyang matandaan ang mga regulasyon—isang uri ng mahigpit na dogma o hanay ng mga panuntunan. Halimbawa, nakikipagbahaginan ang Diyos tungkol sa isang aspekto ng mga katotohanang prinsipyo, nagbibigay ng mga halimbawa ng mga positibong pagpapamalas, mga negatibong pagpapamalas, dalisay na pagkaarok, at baluktot na pagkaarok ng mga tao, kasama ng iba’t iba pang pagpapamalas, sa aspektong ito—sa huli, ano ang napapala ng mga taong may mahinang kakayahan mula rito? Sinasabi nila, “Naiintindihan ko na. Hindi pinahihintulutan ng Diyos na gawin ito o iyon. Hindi pinahihintulutan ng Diyos na kainin ito o iyon. Hindi pinahihintulutan ng Diyos na sabihin ang mga salitang ito, ang mga salitang iyon, o gamitin ang mga terminong iyon.” Ito ang natatandaan nila, at mahigpit silang sumusunod dito, iniisip na ang mga ito ang mga katotohanang prinsipyo. Naniniwala sila na kung susundin nila ang mga regulasyon, kasabihan, at paraan ng pagkilos na ito, sinusunod nila ang mga katotohanang prinsipyo. Kahit gaano mo pa sabihin sa kanila na ito ay pagsunod lamang sa mga regulasyon, hindi nila ito tatanggapin. Iginigiit nila ang pagsunod sa mga regulasyong ito, naniniwala na ito ay pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at pagsasagawa sa katotohanan. Imposibleng pakitunguhan ang gayong mga tao na walang espirituwal na pagkaunawa. Kung handa silang sumunod sa mga regulasyon, hayaan silang gawin iyon—basta’t hindi masama ang mga intensiyon nila, ayos lang iyon. Halimbawa, minsan Kong sinabi, “Kapag nagdarasal kayo, dapat kayong maging deboto; huwag kayong kaswal na magdasal. Sa mga angkop na kapaligiran, pinakamainam na lumuhod para magdasal, na magpatirapa sa harap ng Diyos para magdasal, at habang nagdarasal, dapat ninyong patahimikin ang inyong sarili sa harap ng Diyos at magdasal nang may pusong tumutuon. Ito ay pagiging deboto at pagkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso.” Pagkatapos itong marinig, ang mga taong may mahinang kakayahan ay mayroon lang isang regulasyon: “Para magdasal nang may pagkadeboto at may-takot-sa-Diyos na puso, dapat lumuhod ang isang tao.” Itinuturing nila na isang katotohanang prinsipyo ang lumuhod para magdasal, at sumusunod sila rito nang naaayon, naniniwala na ito ay pagsasagawa sa katotohanan. Kaya, anuman ang kapaligiran, iginigiit nila ang pagluhod para magdasal. Kahit kapag gusto nilang magdasal sa oras ng kainan, lumuluhod sila sa ilalim ng mesa para magdasal. Habang nagtatrabaho sa bukid, gaano man karumi ang lupa o anuman ang nasa loob ng lupa, lumuluhod sila para magdasal. Kahit kapag nahaharap sa mga kalamidad o malalaking pangyayari kapag kasama nila ang mga walang pananampalataya, kung gusto nilang magdasal sa Diyos, kailangan nilang humanap ng tagong lugar para lumuhod at magdasal. Naniniwala sila na ang pagdarasal lamang sa ganitong paraan ang naaayon sa mga layunin ng Diyos, kaya, anuman ang mga sitwasyon, kailangan nilang lumuhod para magdasal. Iniisip nila na sa pamamagitan ng paggawa nito, isinasagawa nila ang katotohanan. Higit pa rito, ang tingin nila sa kanilang sarili ay sila ang mga pinakadebotong tao, ang mga pinakamalapit na sumusunod sa daan ng Diyos, ang mga pinakanagmamahal sa katotohanan, at ang mga pinakanakakapagpasakop sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Kita mo, ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan. Ang ganitong uri ng tao ay mas mababa at may problema pagdating sa pag-arok. Palagi nilang mahigpit na inaayos ang mga prinsipyo sa iisang pangungusap o regulasyon. Ginagamit nila ang pamamaraan ng pag-unawa sa mga salita at kaalaman para unawain ang katotohanan, at siyempre, isinasagawa rin nila ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulasyon, salita, kasabihan, at pormalidad. Gaano ka man makipagbahaginan tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, matapos marinig ang mga ito, itinuturing lang nila ang mga ito bilang mga pangungusap, regulasyon, paraan ng pagkilos, o mga islogan. Para sa kanila, tungkol lang ito sa pagsunod sa mga panuntunan. Ganito lang kasimple ang tingin nila sa pagsasagawa sa katotohanan, na pagsunod lang sa kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin, at iyon na iyon.

Ang mga taong may mahinang kakayahan ay tumitingin sa mga tao at bagay, umaasal, at kumikilos nang gumagamit ng mga regulasyon para sukatin at harapin ang lahat ng bagay. Paano man nagbabago ang panlabas na kapaligiran at ang mga nakapaligid na tao, pangyayari, at bagay, patuloy silang sumusunod sa isang regulasyon nang walang pag-iiba. Kung sasabihin mo na hindi nila mahal ang katotohanan at hindi nila isinasagawa ang katotohanan, makakaramdam sila ng pagkaagrabyado sa puso nila. Sinasabi nila, “Napakarami kong tinalikuran, nagtiis ako ng labis na pagdurusa, sinunod at isinagawa ko ang napakaraming salita ng Diyos—kaya, bakit mo sinasabing hindi ko mahal at hindi ko isinasagawa ang katotohanan? Bakit sinasabi mo pa na sumusunod ako sa mga regulasyon? Inaagrabyado ako!” Ano ang problemang ipinahihiwatig na nasasabi nila ang gayong mga salita? Ano ang mga pangunahing pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan? Sa anong mga paraan mahina ang kakayahan nila? Ganap silang walang abilidad na maarok ang katotohanan, kaya, gaano man karami ang anumang aspekto ng katotohanan ang pinagbahaginan, para sa kanila ay nauuwi pa rin ito sa iisang paraan ng pagkilos, iisang panuntunan, iisang parirala, o iisang pormalidad, kaysa sa isang prinsipyo. Kung may isang taong nagsasabi ng isang pangungusap o gumagamit ng isang termino na lumalabag sa panuntunan nila, itinuturing nila itong paglabag sa mga katotohanang prinsipyo. Magulo ito. Samakatwid, ang mga taong may mahinang kakayahan, sa isang banda, ay gumagamit ng iba’t ibang regulasyon, pormalidad, puro salita, at paraan ng pagkilos para matukoy na sila mismo ay nagtataglay ng katotohanang realidad. Dagdag pa rito, may isa pang mapanggulong usapin: Madalas nilang gamitin ang mga doktrinang malimit nilang sinasaita, at ang mga regulasyon at paraan ng pagkilos na madalas nilang sinusunod, para sukatin ang iba at maging ang Diyos. Dagdag pa sa pagsukat, madalas din nilang hinuhusgahan ang iba at ang Diyos, at nililimitahan ang iba at ang Diyos. Halimbawa, minsan Kong sinabi, “Karaniwang hindi Ako nangangahas na kumain ng malalamig na bagay. Pagkatapos kainin ang mga ito, hindi Ko ito masikmura, kaya hindi talaga Ako kumakain nitong mga hilaw at malamig na pagkain.” Narinig ito ng isang taong may mahinang kakayahan, at sinabi nito, “Nauunawaan na Kita ngayon. Sa hinaharap, kailangan kong siguraduhin na hindi Ka bibigyan ng mga hilaw at malamig na pagkain. Hindi ko kailanman hahayaang kumain Ka ng mga hilaw at malamig na pagkain sa anumang mga sitwasyon.” Pero nang sumapit ang pinakamatinding tag-araw at sobrang mainit ang panahon, at nahinog ang mga presa sa bukid, isang araw ay kumain Ako ng dalawang presa sa bukid, at pagkakita rito ay naisip niya: “Hindi ba’t hindi Ka kailanman kumakain nbg mga hilaw at malamig? Hindi ba’t malamig ang mga presa? Hindi ba’t sinabi Mo dati na sumasama ang pakiramdam ng sikmura Mo kapag kumakain ng malalamig? Kaya, bakit Ka kumakain ng mga presa ngayon? Hindi ba’t nagsisinungaling Ka?” Naisip niya ito sa puso niya; sadyang hindi lang niya ito sinabi nang malakas. Sabihin mo sa Akin, tumpak ba ang pananaw niya sa mga usapin? (Hindi.) Paanong hindi ito tumpak? (Ginamit niya ang isang sinabi ng Diyos bilang isang regulasyon para sukatin ang mga bagay-bagay nang hindi isinasaalang-alang ang konteksto kung saan nagsalita ang Diyos.) Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng mga salita Kong ito. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, sumasama ang pakiramdam ng sikmura Ko kapag kumakain Ako ng mga hilaw at malamig na pagkain, pero mayroong mga mga eksepsiyon. Halimbawa, kapag gumagawa Ako ng pisikal na gawain at umiinit ang katawan Ko, kasabay pa ng sobrang init ng panahon kung saan umaabot sa humigit kumulang thirty degrees ang temperatura, at hindi gaanong nagyeyelo ang mga hilaw at malamig na pagkaing iyon, sa gayong mga kaso, puwede Akong kumain nang kaunti. Hindi naman sa talagang hindi Ko puwedeng kainin ang mga ito. Noong sinabi Ko na “hindi Ko puwedeng kainin ang mga ito,” tinutukoy Ko ang mga ordinaryong sitwasyon; sa mainit na panahon ng tag-araw, ayos lang na kumain Ako ng kaunting hilaw at malamig na pagkain. Hindi maintindihan ng taong mahina ang kakayahan ang mga salitang ito. Nang marinig niya ang mga ito, itinuring niyang isang regulasyon o pormula ang mga ito. Nang sumapit ang mga espesyal na sitwasyon, sinubukan pa rin niyang itugma ang mga ito sa pormulang ito. Nang makita niyang hindi ito tumugma, hindi niya ito mawari: “Hindi ba’t sinabi Mong hindi Ka puwedeng kumain ng mga hilaw at malamig na pagkain? Bakit kumakain Ka ngayon? Hindi ba’t nagsisinungaling Ka?” Saan nanggaling ang kakulangan niya sa usapin ng kawalan ng abilidad na maunawaan ang mga salita Ko? (Wala siyang abilidad na umarok.) Ang kakulangan niya ay nanggaling sa kawalan niya ng abilidad na humusga at umarok sa usaping ito batay sa mga pagbabago sa kapaligiran at mga espesyal na sitwasyon. Kung makikita ito ng isang taong may sapat na kakayahan, malalaman niya na pagkatapos gumawa at nag-iinit ang katawan Ko, kasabay ang mainit na panahon at ang katunayang hindi naman sobrang malamig ang mga prutas na ito, hindi problema para sa Akin ang kumain nang kaunti, at ito ay napakanormal. Mauunawaan niya ang usaping ito at mahihinuha. Pero ang taong mahina ang kakayahan ay hindi ito mahihinuha; naiipit siya sa puntong ito at nagkakaroon ng mga kuru-kuro sa puso niya. Ano ang kahihinatnan sa sandaling nagkaroon ng mga kuru-kuro? Madali itong humantong sa paghusga at pagkondena nila. Hindi ba’t ganito ang kaso? (Oo.) Siyempre, hindi malaking isyu ang maliit na usaping ito, pero hindi niya ito kayang bitiwan sa kanyang puso: “Hindi ba’t pagsisinungalingang ito? Kaya nagsisinungaling Ka rin!” Kita mo, mabilis siyang maglimita at humusga kahit na sa napakaliit na usaping ito. At ito ay bago pa man pag-usapan ang malalaking isyu—nagkaroon na siya ng mga kuru-kuro. Hindi makilatis ng mga taong mahina ang kakayahan kahit ang mga gayong maliit na usapin at wala silang anumang pagkilatis. Anuman ang isyung tinitingnan nila, mahigpit nilang inilalapat ang mga regulasyon. Naniniwala sila na tanging ang mga kayang sumunod sa mga regulasyon ang mayroong katotohanan. Hindi mahalaga kung umaayon man sa mga katotohanang prinsipyo ang iyong mga salita at kilos, hangga’t sumasalungat ang mga ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng gayong mga tao at bumabangga sa mga regulasyong nakikilala nila, huhusgahan at kokondenahin ka nila sa puso nila. Kahit hindi nila ito sabihin nang malakas, magkakaroon sila ng mga kuru-kuro o mga pagkiling laban sa iyo. Gaano man karaming sermon ang naririnig nila o alin mang mga aspekto ng katotohanan ang napagbabahaginan, palaging npinapaikli ng mga taong ito na mahina ang kakayahan ang lahat ng bagay sa iisang pahayag, paraan ng pagkilos, o regulasyon, at labis na masigasig nilang sinusunod ang mga pahayag na ito, mga paraan ng pagkilos, at mga regulasyon; naniniwala pa nga sila na sila ay mga taong nagsasagawa sa katotohanan, at na talagang nagpapasakop sila sa katotohanan at talagang may takot sa Diyos. Minsan pa nga ay napapaluha sila, iniisip nila na talagang mahal nila ang Diyos at na walang sinuman sa buong mundo ang nagmamahal sa Diyos nang higit sa kanila. Sa aktuwal, ang sinusunod nila ay iisang regulasyon lang o iisang paraan ng pagkilos. Isinasakatuparan nila ang kanilang pagsasagawa sa ganitong paraan at kaya nilang magpatuloy rito nang walang pagbabago, naniniwala na nakamit nila ang katotohanan at ginawa silang perpekto ng Diyos. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t mapanggulo ito? (Oo.)

Madalas ba kayong nakakakita ng mga pagkakataon kung saan sumusunod ang mga tao sa mga regulasyon? (Oo.) Halimbawa, sinasabi mo sa taong nagluluto na nagiging mas mainit ang panahon, kaya dapat siyang maghanda ng pampalamig na herbal tea o ilang malamig na inumin bawat araw, at maghain ng malalamig na pagkain kapag naghahanda ng makakain—ang tinatawag ng mga taga-Kanluran na ensalada—para magkaroon ng ganang kumain ang mga tao. Tinatandaan ito ng isang taong mahina ang kakayahan: Kapag sobrang init ng panahon, dapat kumain ng malalamig na pagkain at uminom ng malalamig na inumin ang mga tao. Natatandaan nila ito nang mabuti at masigasig nila itong sinusunod. Gayumpaman, isang araw, kapag bumaba ang temperatura, hindi nila pinapansin kung malamig ito o hindi, at iniisip nila, “Tag-araw naman ngayon, kaya dapat maghanda pa rin ako ng malalamig na pagkain at inumin. Araw-araw kong gagawin ang mga ito para lubusan ninyong matamasa, para ganap kayong makapagpalamig. Wala akong pakialam kung bumaba man o hindi ang temperatura!” Hindi lang sila naghahanda ng malalamig na pagkain, kundi pati sa mga pansit, binubuhusan nila ang mga ito ng malamig na tubig, at pagkatapos ay sinusundan ng malamig na inumin ang pagkain, nagdadagdag pa nga ng kaunting ice cube. Nang makita ito ng ilang tao, sinasabi nila: “Ang lamig ngayon. Paanong naghahanda ka pa rin ng malalamig na pagkain? At nilalagyan mo pa ng ice cube ang malalamig na inumin—gusto mo bang manigas kami sa lamig?” Nasasaktan ang taong nagluluto at sinasabi niya: “Ganoon ba talaga ako kamapaminsala? Napakainit ng tag-araw—hindi ba’t ginagawa ko lang ito para makapagpalamig ang lahat at mas makakain pa nang kaunti? Hindi ba’t pagsunod ito sa mga prinsipyo at pagsasaalang-alang sa lahat? Paanong mali ako? At ngayon, sinasabi ninyo na gusto kong manigas kayo sa lamig—ganoon na ba talaga ako kawalang kabutihan? Ganoon ba talaga kasama ang pagkatao ko? Sadyang sobra kayong walang pagsasaalang-alang sa akin!” Sa paghahanda ng pagkain sa ganoong paraan, sumusunod ba siya sa mga prinsipyo? Ano ang prinsipyo rito? Ito ay ang iangkop ang pagkain at inumin ayon sa lagay ng panahon at temperatura. Sa tag-araw kapag mainit ang panahon, ang pagkonsumo ng medyo malalamig na pagkain o inumin na nakakapukaw sa gana ng mga tao—isa itong prinsipyo, hindi ba? Isa itong prinsipyo. Pero ngayon, sa biglaang pagbaba ng temperatura, paano dapat ilapat ang prinsipyong ito? (Kapag biglaang bumaba ang temperatura, hindi na puwedeng manatili sa paghahanda ng malalamig na pagkain o ensalada ang taong nagluluto gaya ng ipinayo sa kanila noon, kundi dapat siyang umangkop batay sa lagay ng panahon, at sa halip ay dapat siyang maghanda ng maiinit na pagkain. Hindi siya puwedeng sumunod sa mga regulasyon.) Tama iyan. Kapag lumalamig ang lagay ng panahon paminsan-minsan sa tag-araw, hindi ka puwedeng manatili sa paghahanda ng malalamig na pagkain at inumin—hindi mo puwedeng sundin ang regulasyong ito. Kapag biglang bumaba ang temperatura, dapat ding magbago agad ang kinakain at iniinom ng mga tao. Hindi na dapat maghanda ang malalamig na pagkain at inumin, at talagang hindi dapat magdagdag ng mga ice cube. Sa halip, dapat kang magluto ng maiinit na pagkain, maghanda ng mainit na pansit, iniaangkop ang pagkain at inumin ayon sa temperatura at lagay ng panahon. Ito ang prinsipyo. Pero ang taong mahina ang kakayahan, basta’t tag-araw, ay nananatili sa paghahanda ng malalamig na inumin at pagkain, anuman ang temperatura o lagay ng panahon—ano ang problema rito? (Pagsunod sa mga regulasyon.) Ito ay pagsunod sa mga regulasyon, kawalan ng kakayahang ilapat ang mga prinsipyo nang pleksible nang ayon sa mga sitwasyon. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong mahina ang kakayahan pagdating sa kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay—naaalala nila ang isang pahayag at itinuturing itong isang regulasyon na susundin, at paano man magbago ang kapaligiran, mga tao, pangyayari, at bagay, hindi nila kayang ilapat ang mga prinsipyong nang pleksible para pangasiwaan ang mga usapin. Sa katunayan, ang resultang dapat matamo sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga prinsipyo tungkol sa pagkain at inumin ay ang matiyak na nakakakain ang mga tao sa paraang komportable ang katawan nila. Ang gayong mga prinsipyo ay hindi talaga mga regulasyon. Gayumpaman, ang mga sumusunod sa regulasyon, nang hindi isinasaalang-alang ang temperatura o lagay ng panahon, at walang pakialam kung komportable kang kumakain, ay nananatili sa paghahanda ng malalamig na pagkain at inumin basta’t tag-araw pa—ito ay tinatawag na pagsunod sa mga regulasyon. Ang pagsasagawa ayon sa mga prinsipyo ay nangangahulugan na umiikot sa pagkakamit ng magandang resultang iyon ang lahat ng ginawa. Gayumpaman, ang pagsunod sa mga regulasyon ay nagbabalewala sa resulta at tumutuon lamang sa mga pormalidad at paraan ng pagkilos. Ganito mismo pinangangasiwaan ng mga taong mahina ang kakayahan ang mga isyu—anuman ang mga bagay na lumitaw, ginagamit nila ang parehong pamamaraang ito para pangasiwaan ang mga ito.

Hindi makilatis ng mga taong mahina ang kakayahan ang anumang bagay na dumarating sa kanila. Kahit kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nakikinig sa mga sermon, may kaunting pagkabaluktot sa pagkaarok nila at hindi maiiwasang may kasaling mga paglihis. Sumusunod sila sa isang regulasyon, paraan ng pagkilos, o ritwal, na lubos na naiiba sa mga katotohanang prinsipyo, at dahil dito, maraming baluktot na bagay ang lumilitaw. Masasabi na ang pagkaarok ng mga taong mahina ang kakayahan sa anumang usapin ay palaging medyo may baluktot na kalikasan. Bagama’t sa mga bagay na simple at madaling pamahalaan ay maaari silang magtamo ng pagsunod at pagpapasakop nang hindi nagpapakita ng pagkabaluktot, pagdating sa mga usaping nakabatay sa prinsipyo o sa mga medyo masalimuot na isyu, hindi nila maarok ang mga katotohanang prinsipyo, at alam lang nila kung paano sumunod sa mga regulasyon. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Ang mga taong mahina ang kakayahan ay ganap na walang abilidad na arukin ang katotohanan at alam lang nila kung paano sumunod sa mga regulasyon. Labis din na mapanggulo ang gayong mga tao. Sila ay sobrang masigasig at determinado sa pagsunod sa mga regulasyon. Kung makikipagbahaginan ka sa kanila at sasabihin mo, “Ang ginagawa mo ay pagsunod sa mga regulasyon, hindi pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo,” hindi nila ito matatanggap. Pakiramdam nila: “Matatag akong sumusunod sa mga prinsipyo at hindi ako puwedeng makipagkompromiso sa iba! Ang iba ay hindi sumusunod sa mga prinsipyo at kinokondena sila dahil dito, pero kapag sumusunod ako sa mga ito, kinokondena rin ako. Hindi ito patas!” Kita mo kung gaano katigas ang ulo nila, talagang hindi mo sila makukumbinsi. Nakatagpo na ba kayo ng gayong mga tao? (Oo.) Halimbawa, sinasabi Ko sa ilang tao, “Kung gusto ninyong matutong sumayaw, puwede kayong maglaan ng dalawang oras kada araw para mag-ensayo kapag hindi abala ang gawain. Kung magpupursige kayo sa loob ng ilang panahon, matututunan ninyo ito.” Natatandaan nila ang pariralang “magpursige sa pag-eensayo nang dalawang oras araw-araw” at naniniwala sila na ang paggawa niyon ay pagsasagawa sa katotohanan at pagkapit sa mga prinsipyo. Pagkatapos, gaano man kaabala ang tungkuling ginagawa nila, nagpapatuloy pa rin sila sa pag-eensayo ng pagsayaw sa loob ng dalawang oras araw-araw. Sa isang yugto ng panahon kung kailan napakaabala ng gawain ng iglesia mula umaga hanggang gabi at wala na talaga silang mailaan na dalawang oras sa isang araw, iginigiit pa rin nila na magsanay sa pagsayaw sa loob ng dalawang oras. Kapag pinaalalahanan sila ng iba na maaari itong makaantala sa gawain ng iglesia, tumatanggi silang makinig at sinasabi nila, “Ang tagubilin sa akin ng Diyos ay na mag-ensayo ako nang dalawang oras araw-araw sa pagsasayaw. Dapat kong gawin ito. Kung hindi ko ito gagawin, ibig sabihin ay masuwayin ako at walang pagpapasakop.” Kung sasabihin mo sa kanila na huwag itong gawin, ayaw pa rin nilang sumunod. Hindi nila kayang pangasiwaan nag mga bagay nang pleksible o ilapat ang mga salita Ko batay sa mga pangangailangan ng gawain o sa mga pangangailangan ng kapaligiran. Hindi nila nauunawaan kung bakit dapat silang mag-ensayo nang dalawang oras, kung ano ang kahalagahan ng pagsasanay sa loob ng dalawang oras, o kung ano ang resultang nilalayon nitong makamit. Hindi nila nauunawaan at hindi malinaw sa kanila ang mga bagay na ito. Para sa kanila, ang pagsasagawa sa katotohanan ay simpleng nangangahulugan ng pagsunod sa iisang pahayag, isang regulasyon, o isang pormalidad—na, sa kanilang paningin, ay pagsasagawa sa katotohanan. Hindi mahalaga kung nakakamit ang anumang resulta o kung ano ang nagiging resulta, mapagmatigas silang nagpapatuloy sa iisang landas, tumatangging bumalik anuman ang mangyari, kahit pa may humila sa kanila na sampung baka. Kahit lumihis sila sa kanilang pagsasagawa, spatuloy nilang gagawin ito sa ganoong paraan. Kapag sinabihan na nagiging katawa-tawa sila, iginigiit pa rin nilang gawin ito. Hindi ba’t masyadong mapanggulo ang gayong mga tao? Kahit sino pa ang makipagbahaginan sa kanila, hindi ito umuubra. Matapos mong masidhing ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay, maaari nilang maunawaan ang usaping ito ngayong araw, pero bukas, susunod sila sa mga regulasyon sa isa pang usapin, walang katupasang sumusunod sa mga regulasyon, at palagi mong kailangang ituwid sila. Pumapaling sila sa kaliwa o sa kanan, at lumilihis sa ganitong uri ng usapin o sa ganoong uri ng usapin—patuloy silang lumilihis nang walang katapusan. Nababalisa ka sa panonood sa kanila, pero hindi mo naman sila maituwid kahit paano mo subukan. Bakit? Dahil masyadong mahina ang kakayahan nila. Hindi nila kailanman matukoy ang kaibahan sa pagitan ng mga positibo at negatibong bagay, tama at mali, wasto at hindi wasto, ang katotohanan at mga regulasyon. Wala silang pamantayan para sa pagbukod-bukod sa mga usaping ito, walang abilidad na pagbukud-bukurin ang mga ito, at sadyang walang kakayahan na pagbukud-bukurin ang mga ito. Samakatwid, ang mga taong mahina ang kakayahan ay kaya lang gumawa ng gawain at gampaning nakabatay sa regulasyon, o gawaing may isang aspekto na walang kaugnay na mga katotohanang prinsipyo, gaya ng pagsunod sa isang nakagawiang iskedyul araw-araw, paggawa ng isang gawain sa isang partikular na oras at ng isa pang gawain sa ibang takdang oras—ibig sabihin, kaya lang nilang pangasiwaan ang mga simpleng gampanin kung saan ang pagsunod sa iskedyul, sa mga pormalidad at sa paraan ng paggawa ng mga bagay ay sapat na para magampanan nang maayos ang gawain. Pero hindi nila kayang mangasiwa ng gawain na medyo mas masalimuot. Sa sandaling kailangan nilang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at magkamit ng mga partikular na resulta, hindi nila matupad ito. Kung magtatalaga ka sa kanila ng isang aytem ng gawain na kung saan hinihingi sa kanila na pleksibleng ilapat ang mga katotohanang prinsipyo, pangasiwaan ang iba’t ibang isyu nang naaayon, at umangkop ayon sa kapaligiran, nalilito sila at hindi nila matupad ito. Kailangan nila ng isang taong tutulong at magtuturo sa kanila; hindi mo sila maaasahan na magawa nang maayos ang gawain nang nakapagsasarili. Paano dapat tratuhin ang gayong mga tao? Bagama’t kaya nilang magpatuloy sa paggawa ng kanilang tungkulin nang nakagawian araw-araw, kapag naharap sa mga di-inaasahang sitwasyon, hindi nila alam kung paano tumugon at baka tumigil pa nga sila sa paggawa ng kanilang tungkulin. Para sa gayong mga tao, kinakailangan na madalas mag-usisa at mag-inspeksiyon sa gawain nila, tinatanong na, “Sa panahong ito, nagkaroon ba ng anumang mga pagkagambala o kaguluhan sa gawain ng iglesia? Nagkaroon ba ng anumang masalimuot na problema na hindi mo alam kung paano pangasiwaan?” Pagkatapos itong pag-isipan, sasabihin nila, “Naging maayos naman ang lahat sa panahong ito. Ginagawa ng bawat isa ang tungkulin nila at normal silang nakakapagtipon at nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Diyos. Walang sinuman ang nanggambala o nanggulo, at wala akong nabalitaang sinuman na nagpapakalat ng mga panlilinlang para ilihis ang iba.” Wala silang matukoy na anumang mga problema at hindi nila alam kung ano ang iuulat, ni hindi sila makapaghain ng mga katanungan. Kaya naman, hindi mo sila maaasahan na mag-isang mangasiwa o lumutas sa mga isyu na lumilitaw sa totoong buhay o sa paggawa ng kanilang tungkulin. Hindi ka rin makakaasa sa kanila na kumonsulta sa mga nakatataas sa kanila o magtanong sa mga ito kapag hindi nila alam kung paano pangasiwaan ang isang bagay. Hindi nila kayang makamit ang alinman sa mga ito dahil kulang ang kakayahan nila. Kung hindi nag-uulat ng mga problema ang gayong mga tao sa mga nakatataas sa kanila, maaaring isipin ng iba na wala silang mga problema. Gayumpaman, hindi ito ang kaso. Hindi nila matukoy kahit ang mga ordinaryong problema, kahit pa matambak sa harap nila ang mga problema, hindi nila nakikita ang mga ito bilang mga problema. At kaya, hindi rin sila lumulutas ng mga problema. May ulo sila, na may dalawang mata at dalawang tainga; nakakakita, nakakarinig, at nakakapagsalita sila, pero hindi sila makatukoy o makalutas ng mga problema. Dahil lubos silang walang kakayahan at abilidad na tumukoy at mangasiwa ng mga problema, kahit gaano pa sila katalino tingnan batay sa kanilang hitsura, wala itong silbi. Hindi nila kayang kunin at iproseso sa isipan nila ang kanilang nakikita o naririnig para mapag-isipan at makilatis kung ang mga ito ba ay mga problema o kung paano dapat pangasiwaan ang mga ito. Kung hindi nila kayang pangasiwaan ang mga problemang may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, hindi rin nila iuulat ang mga ito sa mga nakatataas sa kanila. Ganap silang walang kakayahan na gawin ang alinman sa mga ito. Hindi ba’t ipinapakita nito na mahina ang kakayahan nila? Hindi ba’t ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan? (Oo.) Kung tatanungin mo ang isang taong may mahinang kakayahan, “Nagkaroon ba ng anumang mga problema sa gawain sa panahong ito? Mayroon bang anumang mga aspekto kung saan hindi mo nauunawaan ang mga prinsipyo?” sasagot siya, “Walang anumang mga problema; abala ang lahat, at talagang maayos ang takbo ng lahat ng bagay!” Para sa kanila, ayos lang ang lahat. Bilang isang lider o manggagawa, kung naniniwala ka lang sa kanila kapag sinasabi nilang ayos lang ang lahat, masyado kang hangal at kagaya ka rin nila na isang taong may mahinang kakayahan. Ang mga taong may mahusay na kakayahan ay hindi lang alam kung paano matutunan ang tungkol sa mga problema, kundi dapat magawa rin nilang tukuyin ang mga ito nang mag-isa. Kaya nilang makibahagi sa mga pag-uusap na tumutuon sa mga problena, at habang nakikipag-usap sila, natural na lumilitaw ang mga problema. Kapag may natuklasan kang isang problema at tinanong mo ang isang taong mahina ang kakayahan kung paano niya ito pinangasiwaan, sasagot siya, “Anong problema? Paanong hindi ko ito napansin?” Hindi kayang matukoy ng mga taong mahina ang kakayahan ang mga problema, kaya, sa paggawa ng gawain, kailangan mong masanay sa pag-alam tungkol sa mga problema at pagtukoy sa mga ito, masunggaban ang mga problema at huwag bumitiw, at pagkatapos ay tumulong sa pangangasiwa at paglutas sa mga ito. Kailangan mong malaman kung paano makipag-usap sa mga taong may mahinang kakayahan, tinatanong at inuusisa sila sa paraang nakikipagkuwentuhan, para matukoy ang mga problema. Habang nakikipagkuwentuhan, hindi namamalayang babanggitin nila mismo ang mga problema. Kung hindi makikipagkuwentuhan nang ganito, magiging imposible na matukoy ang mga problemang ito. Dahil nakikipagkuwentuhan ka sa kanila sa ganitong paraan, nabibigyang-inspirasyon sila at bigla nilang matutukoy ang mga problema. Kung hindi mo gagamitin ang ganitong diskarte para matutunan ang tungkol sa sitwasyon, talagang hindi nila mahihiwatigan ang mga usaping ito na nakikita nila bilang mga problema. Kaya, kapag nalalantad ang mga problema sa pagkukuwentuhan ninyo, kailangan linawin ang mga ito nang paunti-unti, na tulad ng pagpiga sa toothpaste. Medyo mapapahiya lang sila kapag nalutas na ang lahat ng problema. Hindi ba’t ipinapakita nito na mahina ang kakayahan nila? (Oo.) Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan: Kahit mayroong mga problema, hindi nila matukoy ang mga ito, at dahil hindi nila matukoy ang mga problema, hindi nila kailanman nagagawang banggitin o lutasin ang mga ito. Sabihin mo sa Akin, kung hindi nila matukoy ang mga problema, magagawa kaya nila nang maayos ang kanilang gawain? Magagawa kaya nila nang maayos ang gawain sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulasyon? (Hindi.) Talagang hindi. Isa itong pagpapamalas ng pagkakaroon ng mahinang kakayahan. Kung sasabihin mo na mahina ang kakayahan nila, iisipin pa nga nila na, “Napakahusay ng kakayahan ko! Pagkatapos magsalita ang Diyos tungkol sa isang bagay, agad kong naaarok ang isang paraan ng pagkilos o regulasyon, at kaya kong sundin ito habambuhay. Kita mo? Hindi ba’t mahusay ang kakayahan ko? Bigo kayong lahat na maarok ang mahahalagang punto, pero kaya ko. Halimbawa, sinabi sa akin na mainit ang panahon sa tag-araw at dapat tayong kumain ng malalamig na pagkain. Kaya, patuloy akong naghahanda ng malalamig na pagkain at naghahain ng malalamig na inumin—kaya kong sumunod sa tagubilin na ito. Kita mo, wala sa inyo ang kayang sumunod dito, at palagi kayong nag-uusap tungkol sa mga prinsipyo. Hindi ba’t mga regulasyon lang ang mga prinsipyo? Kung susunod kayo sa mga regulasyon, hindi ba’t pagsunod iyon sa mga prinsipyo?” Iniisip pa nga nila na mahusay ang kakayahan nila, naniniwala na kaya nilang arukin ang mahahalagang punto ng isang isyu, at na mula sa isang mahabang sermon, maaari silang pumili ng iisang pahayag, paraan ng pagkilos, regulasyon, o kahit isang parirala o salita na pakiramdam nila ay kailangan nilang sundin. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t mapanggulo ito? Napakaraming gayong mga tao. Kapag nakikipagbahaginan ka tungkol sa iba’t ibang detalye ng katotohanan, hindi sila makaunawa at sinasabi pa nga nila na, “Nakakaabala naman! Sadyang ayaw mong tumigil sa pagsasalita. Hindi ba’t tungkol lang naman ito sa hindi pagsasabi ng mga salitang iyon o hindi paggawa sa ganoong uri ng bagay? Sundin lang ang isang pahayag na iyon at iyon na lahat—isang pahayag lang ang kailangan! Bakit mo pa ito ginagawang masyadong nakakaabala? Tinutukoy mo pa ang kaibahan ng mga kalagayan, kapaligiran, at ang pagkatao ng iba’t ibang klase ng tao, at ang kaibahan sa pagitan ng baluktot at dalisay na pagkaarok. Talaga bang maraming sangkot na detalye? Bakit dapat maging masyadong partikular? Masyado kang mabusisi!” Kinokondena pa nga nila ang iba. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong may mahinang kakayahan.

Ano ang mga katangian ng mga taong may mahinang kakayahan? Hindi nila nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo; anumang aspekto ng katotohanan ito, itinuturing nila ito bilang isang uri ng regulasyon o pormula, at pagkatapos ay susundin nila ito nang may walang kapagurang kasigasigan. Kaya nilang magsalita ng maraming doktrina at kaya inaakala nila na nauunawaan nila ang mga katotohanang prinsipyo, pero ang totoo, hindi nila nauunawaan ang katotohanan kahit kaunti. Kung ipapaliwanag mo ang ilan sa mga prinsipyo para sa mga lider at manggagawa na gumagawa ng gawain, hinihiling sa gayong mga tao na gumawa ng gawain at mangasiwa ng iba’t ibang problema batay sa pag-unawa sa mga prinsipyong ito, tiyak na ang mga iyon ay hindi magagamit ng mga taong ito na mahina ang kakayahan. Hindi nila nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyong ito, ni kayang gamitin ang mga katotohanang prinsipyong ito para gumawa ng gawain. Kapag bumaba sila sa gawain, puro pagsunod sa regulasyon, protocol, at mekanikal na pag-aaplay ng doktrina ang nakikita mo. Kapag aktuwal na silang gumagawa ng gawain, ito ay ganap na pagsunod sa mga regulasyon, pagsunod sa mga protokol, at mekanikal na paggamit sa mga dogma. May ilang tao na gustong sumunod sa mga katotohanang prinsipyo, pero dahil mahina ang kakayahan nila at hindi nila matamo ang pagkaunawa sa katotohanan, hindi nila magawang sumunod sa mga prinsipyo. Anuman ang gawaing ginagawa nila, kapag nahaharap sa mga problema, hindi nila alam kung ano ang gagawin at nabibigatan sila—hindi nila magawa nang maayos ang anumang gawain. Kapag nakikipagbahaginan ang mga nakatataas tungkol sa mga prinsipyo, pakiramdam nila ay nauunawaan, naaarok, nawawari, at natatandaan nila ang lahat ng ito. Pero kapag nahaharap sila sa mga problema sa totoong buhay, nalilito sila, dahil walang silbi ang mga doktrina at regulasyong naunawaan nila, kaya iniisip nila na: “Ano na ang dapat kong gawin ngayon?” Hindi nila alam kung saan sisimulan ang gawain, hindi nila alam kung anong mga pamamaraan ang gagamitin para gawin ang gawain, hindi nila alam paano ipapatupad ang mga pagsasaayos ng gawain, at lalong hindi nila alam kung aling mga problema ang dapat malutas ngayon din para magarantiya ang normal na pag-usad ng gawain ng iglesia—hindi nila alam ang alinman sa mga ito. Bilang resulta, gaano man sila katagal gumagawa, walang mga resulta, at hindi maipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain. Ni hindi nila malutas ang isyu tungkol sa kung paano pagandahin ang buhay iglesia. Hindi nila maipatupad kahit ang pinakabatayang gawain at hindi nila alam kung paano ito ipatupad. Kaya lang nilang magsalita ng mga doktrina sa mga tao at hilingin sa mga ito na sumunod sa mga regulasyon. Pagdating sa pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain at paggawa ng kongkretong gawain sa iglesia, nalilito sila at hindi nila ito magawa. Iniisip nila, “Paano ba dapat ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain na ito? Aling mga regulasyon ang dapat sundin?” Hindi nila makita nang malinaw ang mga bagay na ito. Ngunit mayroon pa rin silang isang huling panlaban: Naniniwala sila na hangga’t nagdaraos sila ng mas maraming pagtitipon, malulutas ang mga problema. Kaya, ang paraan nila ng paggawa ng gawain ay ang walang humpay na magdaos ng mga pagtitipon at magbigay ng mga sermon. Kapag napupukaw at napapasabik ang lahat sa sermon nila, iniisip nila na nalutas na ang lahat ng problema at na wala nang mga problema, at na hangga’t masigasig ang lahat, nagagawa nang maayos ang lahat ng gawain. Pero pagkatapos ng ilang araw ng mga pagtitipon, lumalabas na bukod sa hindi pa rin nalulutas ang mga tunay na problema, at wala pa ring ibinubungang mga resulta sa mga tungkuling ginagampanan ng mga tao, wala ring anumang pag-usad sa gawain ng iglesia. Pero may gana pa rin silang magbigay ng mga sermon. Ang mga taong mahina ang kakayahan ay walang natatamong mga resulta kahit gaano pa sila katagal gumagawa ng gawain, at hindi nila maipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain kahit gaano karaming oras ang ibinigay sa kanila—wala silang kahusayan o pagiging epektibo. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga taong mahina ang kakayahan. Ang mga pagpapamalas ng mga taong mahina ang kakayahan ay katulad mismo ng paglalarawan Ko, ni hindi pa kasali riyan ang tungkol sa mga taong walang kakayahan. Gaano man karaming sermon ang naririnig nila o gaano man karaming katotohanan ang ibinabahagi ng iba sa kanila, hindi nila maarok mga katotohanang prinsipyo, at ni hindi maarok ang mga pinakabatayang regulasyon na dapat sundin. Kapag ganito kahina ang kakayahan ng isang, hindi nila maabot ang mga katotohanang prinsipyo. Kahit makipagbahaginan sa kanila ang iba tungkol sa katotohanan, hindi sila makahanap ng isang landas ng pagsasagawa, at kailangan nila ng isang tao na magbibigay sa kanila ng mga espesipikong tagubilin bago pa nila malaman kung paano magsagawa. Ang gayong mga tao ay parang mga reengkarnasyon na mula sa mga hayop; palaging malabo at hindi malinaw ang isip nila, at hindi nila kailanman matukoy kung ano ang mga prinsipyo at kung ano ang mga regulasyon. Sa puso nila, sinasabi nila: “Bakit ba palaging sumasakit ang ulo ko at inaantok ako kapag naririnig ko ang mga bagay na ito?” Sa huli, nakakabuo sila ng kongklusyon: “Bukod sa hindi ko maaabot ang mga katotohanang prinsipyo, ni hindi ko rin masunod ang mga regulasyon, kaya, sa hinaharap, magniningning ako sa abot ng aking makakaya gaano man kalakas ang liwanag na natitira sa akin, gugugol ng labis na pagsisikap sa abot ng aking abilidad, at gagawin lang ang anumang kaya kong gawin, at sapat na iyon.” Inaalo pa nga ng ilan sa mga taong ito ang kanilang sarili, sinasabing, “Hindi ko man alam kung paano sumunod sa mga regulasyon, ni hindi ko nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, pero mayroon akong mapagmahal-sa-Diyos na puso!” Kung tunay na kaya nilang mahalin ang Diyos, hindi iyon masama, pero sa ganoon kahinang kakayahan, hindi man lang nila nauunawaan ang katotohanan—maaari kayang maging tunay ang pagmamahal nila sa Diyos? Ang mga taong walang kakayahan ay walang abilidad na umarok sa lahat ng aspekto at ni hindi sila nagtataglay ng abilidad na sumunod sa mga regulasyon. Ang ilang taong mahina ang kakayahan, kapag nagsasagawa ng katotohanan, ay bahagyang nakakaarok kahit papaano sa isang prinsipyo, regulasyon, o pormula at sa gayon ay naisasagawa nila nang kaunti ang katotohanan. Gayumpaman, ang mga taong walang kakayahan ay hindi man lang kayang umarok o sumunod sa mga bagay na nakabatay sa regulasyon—mas lalong kahabag-habag ang ganitong klase ng tao.

Kung susuriin natin ang kakayahan ng mga tao gamit ang mga katotohanang prinsipyo sa ganitong paraan, ang mga nauugnay na pagpapamalas ay iyong mga napagbahaginan natin kanina lang. Kaya, kung gagamitin natin kung mayroon bang espirituwal na pang-unawa ang mga tao o wala para suriin ang kakayahan nila, paano natin ito dapat isagawa? Ang mga taong may mahusay na kakayahan ay tiyak na may espirituwal na pang-unawa, hindi ba? (Oo.) Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng espirituwal na pang-unawa ay na kaya nilang unawain ang katotohanan, arukin ang mga katotohanang prinsipyo, at gamitin ang katotohanan para lutasin ang iba’t ibang problema na lumilitaw sa proseso ng pananampalataya sa Diyos na may kaugnayan sa mga katotohanang prinsipyo, at pangasiwaan din ang iba’t ibang panloob na isyu sa sambahayan ng Diyos gamit ang katotohanan. Kung gayon, paano naman ang iba’t ibang isyu ng mundo sa labas? Dahil ang mga taong mahusay ang kakayahan ay may espirituwal na pang-unawa at nagtataglay ng abilidad na mangasiwa ng iba’t ibang usapin, kaya rin nilang gumamit ng ilang prinsipyo na medyo nakabatay sa pagkatao o ilang prinsipyo na malapit sa mga positibong bagay para pangasiwaan ang mga usapin ng mundo sa labas. Sa kabila ng mga panlabas na kaibahan, magkakapareho ang mga pundasyon ng iba’t ibang bagay, at ang mga prinsipyo sa loob ng iba’t ibang bagay, sa pangunahin, ay ang kayang arukin ng mga taong mahusay ang kakayahan, kaya, sa pangkalahatan ay masasabi na ang mga taong may mahusay na kakayahan ay may espirituwal na pang-unawa. Ang pagkakaroon ng espirituwal na pang-unawa ay hindi nangangahulugan ng kakayahang makipag-usap sa espirituwal na mundo; sa halip, nangangahulugan ito na kayang arukin ng isang tao ang mga pundamental na batas at ang mga prinsipyo ng iba’t ibang bagay. Ito ay tuwiran, simple, at malinaw na pagpapaliwanag dito. Ang maunawaan ang mga pundamental na batas ng mga bagay-bagay sa mundo sa labas at ang mga prinsipyo na may kinalaman sa katotohanan ay isang pagpapamalas ng mga taong may mahusay na kakayahan. Kaya, paano natin susukatin ang pagpapamalas ng mga taong may katamtamang kakayahan batay sa kung mayroon ba silang espirituwal na pang-unawa? Ang mga taong may katamtamang kakayahan ay may espirituwal na pang-unawa sa kalahati ng mga bagay, pero hindi sa natitirang kalahati, nauunawaan ang ilang parte pero hindi ang iba. Ang mga parte kung saan mayroon silang espirituwal na pang-unawa ay ang mga parte na naaabot ng kanilang kakayahan. Sa pamamagitan ng pakikinig sa pagbabahaginan tungkol sa iba’t ibang katotohanang nauugnay sa pananampalataya sa Diyos, mauunawaan nila ang mga ito, at kahit na walang tagubilin mula sa sinuman, kaya nilang alamin ang mga prinsipyong dapat maarok sa loob ng mga ito. Ang mga parte kung saan wala silang espirituwal na pang-unawa ay ang mga parte kung saan kulang ang kakayahan nila. Kung walang paggabay at tagubilin mula sa iba, wala silang mga prinsipyo ng pagsasagawa, hindi nila normal na magagawa ang kanilang tungkulin o malulutas ang mga problema, at kailangan nila ng pagdidilig, gabay, at tagubilin para malaman kung paano gawin ang gawain at pangasiwaan ang mga problema—ang mga ito ang mga pagpapamalas ng kanilang kawalan ng espirituwal na pang-unawa. Masasabi na sa pangkalahatan ay may espirituwal na pang-unawa ang mga taong may katamtamang kakayahan, pero kulang ang antas ng kanilang espirituwal na pang-unawa kumpara sa mga taong may mahusay na kakayahan—kalahati lang ang nauunawaan nila. Saan ito kulang? Kulang ito sa antas ng pagkaarok nila sa mga katotohanang prinsipyo—hindi nila kayang tapusin nang nakapagsasarili ang iba’t ibang aytem ng gawain. Kaya, kung susuriin natin ang mga taong mahina ang kakayahan batay sa kung mayroon ba silang espirituwal na pang-unawa o wala, paano natin ito dapat isagawa? Madali ba itong suriin? Mayroon bang espirituwal na pang-unawa ang mga taong mahina ang kakayahan? (Wala.) Makikita mo na walang espirituwal na pang-unawa ang mga taong may mahinang kakayahan sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga pagpapamalas, dahil sumusunod lang sila sa mga regulasyon. Ang mga taong walang kakayahan ay walang espiritu ng tao sa totoo lang, at ang kawalan ng espiritu ng tao ay nangangahulugan na wala silang espirituwal na pang-unawa gaya ng mga hayop. Para sa gayong mga tao, hindi kinakailangang suriin kung mayroon silang espirituwal na pang-unawa o wala. Kapag ang isang taong walang espiritu ay tumitingin sa anumang usapin o nakikitungo sa iba’t ibang tao, hindi nila kayang suriin ang mga ito, at wala silang mga pananaw tungkol sa mga positibo o negatibong bagay. Mayroon lamang silang ilang pagkakalkula para sa pagprotekta sa sarili nilang mga interes at pag-iwas sa mga kawalan. Kapag nagpapahayag ka ng pananaw, kung pamilyar sila sa iyo at alam nila na may mahusay kang kakayahan at dalisay na pagkaarok, at na isa kang positibong tao, nakikiayon sila sa pananaw mo. Pero kung hindi sila pamilyar sa iyo, mamaliitin ka nila. Kahit gaano pa katama o kanaaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang pananaw mo, hindi nila ito tinatanggap. Hindi nila alam na tama ito, hindi nila alam na isa itong bagay na dapat tanggapin ng mga tao, at hindi nila alam kung gaano maaaring nakabubuti ang pananaw na ito sa kanila o kung gaano kalaking tulong ang maibibigay nito sa kanila—wala silang kamalayan sila sa lahat ng ito. Samantala, kapag naglalahad ng isang negatibong pananaw ang isang negatibong tao, kung ang negatibong taong ito ay dominante at isang taong tinitingala at iginagalang nila, tinatangap nila ang negatibong pananaw kahit alam nilang mapipinsala sila rito pagkatapos. Anong uri ng mga tao sila? (Isang tao na walang kakayahan.) Sila ay isang taong walang kakayahan, ibig sabihin, wala silang abilidad na kilatisin ang mga bagay-bagay. Anumang sitwasyon ang kinakaharap nila, hindi nila ito maunawaan nang malinaw at wala silang alam na anumang prinsipyong dapat nilang panghawakan; ang ganitong uri ng tao ay kayang gumawa ng masasamang gawa kapag sinusundan niya ang masasama o mga buktot na tao, at kaya niyang gumawa ng mabubuting bagay kapag sinusundan niya ang mabubuting tao—wala siyang abilidad na kilatisin ang mga bagay-bagay. Kaya sinasabi ko na siya ay isang patay na tao na walang espiritu. Ang mga taong mahina ang kakayahan, matapos mamuhay sa loob ng maraming taon kasama ang mga taong may mahusay na kakayahan o mga positibong indibidwal, ay maaaring maimpluwensiyahan ng kung ano ang naririnig at nakikita nila, at maaari silang matuto ng ilang mabuting bagay, sumunod sa ilang mabuting regulasyon, at sumunod sa ilang positibong kasabihan at paraan ng pagkilos o mga positibong kaisipan at pananaw. Gayumpaman, ang mga patay na tao na walang espiritu ay hindi man lang kayang matutunan o sundin ang mga positibong kaisipan at pananaw, ang mabubuting paraan ng pagkilos at mga regulasyon, ang magagandang daloy ng kaisipan, o ang ilang positibong estilo ng pamumuhay at positibong pangkaraniwang kaalaman sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nagsisimula silang mamuhay nang nakapagsasarili, ang kanilang sitwasyon ng pamumuhay—na sa isang taong naguguluhan—ay ganap na nalalantad. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga patay na tao na walang espiritu.

Ang mga taong may espirituwal na pang‑unawa, kahit papaano, ay may katamtamang kakayahan. Kung abot‑kamay nila ang katotohanan at nauunawaan nila ito, kung gayon, sila ay mga taong may mahusay na kakayahan. Ang mga taong walang espirituwal na pang‑unawa ay tiyak na alinman sa mga may mahinang kakayahan o mga ganap na walang kakayahan—ang dalawang uring ito ng mga tao ay tiyak na walang espirituwal na pang‑unawa. Ang mga taong may mahusay na kakayahan lamang ang masasabing may ganap na espirituwal na pang‑unawa, samantalang ang mga taong may katamtamang kakayahan ay may katamtamang antas ng espirituwal na pang‑unawa. Ibig sabihin, maraming usapin kung saan nagkukulang ang kakayahan nila at hindi nila magawang makamit ang espirituwal na pang‑unawa. Tanging sa mga ordinaryong usapin lang sila makakapagkamit ng espirituwal na pang-unawa at makakapangasiwa sa mga bagay-bagay nang nakapagsasarili. Kapag nahaharap sila sa mga gawaing masalimuot o may sari-saring aspekto, hindi nila kayang pangasiwaan ang mga bagay na ito nang nakapagsasarili dahil lampas pa sa kaya nilang abutin at unawain ang mga katotohanang prinsipyong nakapaloob dito. Samakatwid, medyo katamtaman ang antas ng kanilang espirituwal na pang‑unawa. Ang katangian ng mga taong mahina ang kakayahan ay na hindi nila maabot ang mga katotohanang prinsipyo, at sumusunod lang sila sa mga regulasyon, dahil hindi nila maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, at ni hindi nila maintindihan kung ano ang konsepto ng mga katotohanang prinsipyo, at naniniwala sila na mga regulasyon lang ang mga katotohanang prinsipyo. Samakatwid, napakalinaw na walang espirituwal na pang‑unawa ang ganitong uri ng mga tao. Ang isang malaking katangian ng kanilang kawalan ng espirituwal na pang‑unawa ay na ang mga kaisipan at pananaw na ibinubunyag nila sa kanilang pagkaunawa tungkol sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay ay pawang baluktot. Paano dapat maunawaan ang “baluktot” dito? Nangangahulugan ito ng pagiging lubusang nakahiwalay sa daloy ng pag-iisip ng normal na pagkatao at lubusang nakahiwalay sa mga pangangailangan ng normal na pagkatao—ito ay pagiging baluktot. Kapag pinakikinggan mo ang lohika ng pag-iisip ng kung ano ang sinasabi ng mga taong ito, makikita mo na kakaiba ito, at sa tuwing naririnig mo silang nagpapahayag ng isang pananaw o nag-uusap tungkol sa isang bagay, makakaramdam ka ng pagkabigla. Ano ang ibig sabihin ng “pagkabigla”? Ibig sabihin, kapag naririnig mong may sinasabi sila, pakiramdam mo ay hindi ito kapani-paniwala at iniisip mo, “Paanong nagkaroon sila ng ganoong ideya? Bakit ibang‑iba ito sa iniisip ng mga normal na tao? Ang ideyang ito ay sobrang kakaiba—bakit parang walang katuturan ito?” Sa puso mo, ramdam mong nakakaasiwa at katawa-tawa ito. Ang mga taong may mga salitang palaging nakakabigla sa iba ay ang mga taong madaling magkaroon ng mga pagkabaluktot—lalo na sa ganitong kalagayan. Halimbawa, tatanungin mo sila, “Kumain ka na ba?” Sasagot sila, “Medyo malamig ngayong araw.” May anumang koneksiyon ba ang dalawang bagay na ito? (Wala.) Itatanong mo, “Bakit napakaiksi ng suot mo ngayon?” Sasagot sila, “Uminom ako ng isang tasa ng luya na tsaa kanina.” Mayroon bang anumang mahalagang koneksiyon sa tanong mo ang sagot nila? Naglalaman ba ng normal na pag-iisip at lohika ang tugon nila? (Wala.) Paano dapat tumugon ang isang taong may normal na pag-iisip at lohika? Maaari niyang sabihin, “Napakaiksi ng suot ko dahil sobrang init sa loob, at isa pa, sobrang maaraw sa labas at medyo mataas ang temperatura.” O maaaring sasabihin niya na, “Napakaiksi ng suot ko dahil kakatapos ko lang mag-ehersisyo at naiinitan ako.” Pero kung may isang taong magtatanong ng, “Bakit napakaiksi ng suot mo?” at sasagot siya ng, “Kasi fleece-lined ang mga sapatos ko ngayon,” walang kinalaman sa tanong ang sagot na ito. Ang daloy ng pag-iisip at ang lohika na sinusunod niya ay hindi umaayon sa pag-iisip at lohika ng normal na pagkatao. Isa itong napakakakaibang ideya at napakakakaibang daloy ng pag-iisip na walang taong may pag-iisip ng normal na pagkatao ang makakaisip. At kaya, pagkatapos makinig sa sagot niya, mararamdaman mo na nakakaasiwa ito. Gusto mong makipag-usap sa kanya, pero hindi ka makakonekta sa kanya—palagi siyang nagbibigay ng mga walang kaugnayan na sagot, kaya nagiging imposibleng magpatuloy ang pag-uusap. Halimbawa, may isang taong nag-aaral gumawa ng mga damit, at tinanong Ko siya, “Kumusta ang pag-usad mo sa pag-aaral ng paggawa ng damit? Kaya mo bang gumawa ng padded na damit?” Anong tugon ang aayon sa normal na pag-iisip at lohika? (Alinman sa “Kaya ko” o “Hindi ko kaya.”) Sasalamin iyon sa normal na pag-iisip at lohika. O maaari din niyang sabihin na, “Minsanay mas maganda ang ginagawa ko, at sinasabi ng instruktor na ayos ito, halos katanggap-tanggap na. Pero pagdating sa ilang mas masalimuot na parte, hindi sapat ang gawa ko at kailangan itong ulitin.” Mula ba sa isang taong may normal na pag-iisip at lohika ang ganitong mga tugon? (Oo.) Paano tumugon ang taong ito na walang normal na pag-iisip at lohika? Nagtanong Ako, “Kaya mo na bang gumawa ng ganitong klase ng padded na damit?” Sumagot siya, “Pinag-aaralan ko kung paano gumawa ng ganitong klase ng damit noong una akong dumating dito.” Tinanong Ko siya, “Kung gayon, kaya mo na ba itong gawin ngayon?” Sumagot pa rin siya ng, “Pinag-aaralan ko kung paano gumawa ng ganitong klase ng damit noong una akong dumating dito.” Naisip Ko, “Hindi Ko naiintindihan. Pinag-aaralan mo kung paano gumawa ng ganitong klase ng damit noong una kang dumating, kung gayon, kaya mo na ba itong gawin ngayon? Bakit hindi Ko maintindihan ito?” Nang marinig Ko ang tugon niya, ramdam kong nakakaasiwa ito. Tinatanong Ko siya kung kaya niyang gumawa ng ganitong klase ng damit, at sinabi niya na nag-aaral siyang gawin ito noong una siyang dumating. Hindi Ko maintindihan kung paano niya nagawang lumipat sa paksang iyon—ano ang kinalaman niyon sa kung kaya niya itong gawin o hindi? Naisip Ko, “Hindi Ko talaga kayang sundan ang ganitong paglipat ng paksa.” Kahit nang magtanong Ako nang dalawa o tatlong beses na sunod-sunod, “Kung gayon, kaya mo na ba itong gawin ngayon?” palagi siyang sumasagot ng, “Noong una akong dumating, pinag-aaralan ko kung paano gumawa nito, at ginabayan ako ng instruktor ko sa paggawa nito—ito ang pangunahin kong ginagawa.” Hindi Ko pa rin nakuha ang sagot na hinahanap Ko, at hanggang sa araw na ito, hindi Ko pa rin alam kung kaya ba niya itong gawin o hindi. Suriin ang lohika sa likod ng mga salita niya at kung bakit siya nagsalita sa ganitong paraan. (Ang tugon niya ay medyo walang kaugnayan sa tanong. Susubukang hulaan ng mga taong nakakarinig nito ang ibig niyang sabihin, pero hindi pa rin nila malalaman kung kaya ba talaga niya itong gawin o hindi.) Gusto ba niyang malaman Ko o hindi? Gusto ba niya Akong bigyan ng tumpak na sagot? Dito, nagbibigay siya ng pahiwatig: “Sinabi ko na sa Iyo na noong una akong dumating, pangunahin kong pinag-aaralan kung paano gumawa nito, at ngayon, isang linggo na ang nakalipas—kaya siyempre, kaya ko nang gawin ito. Hindi ba’t dapat naiintindihan Mo ang ibig kong sabihin?” Naiintindihan ba ninyo ang ibig niyang sabihin mula sa kanyang tugon? (Hindi.) Kung mula sa tugon niya ay makakakuha ka ng tumpak na sagot at malalaman mo kung kaya ba niya o hindi, kung gayon, magiging lohikal ang tugon niya. Pero binibigyan ka lang ng kanyang tugon ng isang malabong kahulugan at hindi mo talaga nalalaman kung kaya ba niya o hindi. Ang mga taong palaging nagsasalita nang ganito—hindi ba’t masyadong magulo ang isip nila? Kung sadya silang sumasagot sa ganitong paraan, isa itong usapin ng karakter. Kung hindi nila ito sinasadya at walang mahalagang koneksiyon ang tugon nila sa sagot na sinusubukan mong makuha, kung gayon, may problema sa kanilang pag-iisip at lohika. Kung mayroong problema sa kanilang pag-iisip at lohika, hindi ba’t nangangahulugan ito na mayroon silang mahinang kakayahan? Hindi ba’t madali silang magkaroon ng mga pagkabaluktot? (Oo.) Isa itong pagpapamalas ng pagiging madaling magkaroon ng mga pagkabaluktot. Naisip ng taong iyon, “Sinasabi ko sa Iyo na pinag-aaralan ko kung paano gumawa nito noong una akong dumating, kaya ang hindi maiiwasang resulta ay na kaya kong gumawa nito.” Ang gusto niyang iparating ay ang sagot na “Kaya kong gawin ito.” Gayumpaman, hindi nakakakuha ng tumpak na sagot ang mga taong may normal na pag-iisip pagkatapos itong marinig. Samakatwid, ang tugon niya na, “Pinag-aaralan ko kung paano gumawa nito noong una akong dumating,” ay walang lohikal na koneksiyon sa nais niyang iparating na kaya niyang gumawa nito. Kaya, hindi ba’t magugulong salita ang naging tugon niya? (Oo.) Ang magsalita ng magugulong salita habang iniisip na kaya niyang makipag-usap nang maayos at na nasagot na niya ang katanungan—hindi ba’t sumasalamin ito sa mahinang kakayahan? (Oo.) Ito ay isang pagpapamalas ng mahinang kakayahan. Ang taong iyon ay walang pag-iisip at lohika ng normal na pagkatao. Kahit paano mo itanong, hindi niya mapagtatanto kung ano talaga ang pinakamahalagang punto ng problema o kung bakit paulit-ulit mong tinatanong ang parehong bagay. Kapag nagtanong ka nang ikatlong beses, pareho pa rin ang isasagot niya at makakaramdam pa nga siya ng pagkayamot, iisipin niya na, “Bakit ba tanong ka nang tanong? Sinabi ko na sa iyo, pero hindi mo pa rin naiintindihan at tanong ka nang tanong!” Kahit pagkatapos tanungin nang tatlong beses, hindi niya mapagtatanto na hindi malinaw ang sagot niya at hindi iyon ang hinahanap ng taong nagtanong, na dapat niyang baguhin ang pananalita niya at malinaw na ipahayag kung kaya ba niya o hindi, at hindi pahulain ang ibang tao. Hindi niya napagtatanto kung ano ang ipinaparamdam ng kanyang mga salita sa ibang tao o kung ano ang nagiging reaksiyon ng ibang tao pagkatapos marinig ang mga ito—hindi niya mapagtanto ang alinman dito. Ipinapakita nito na wala siyang kakayahan. Ilang beses ka mang magtanong, pareho lang ang isasagot niya at pakiramdam pa nga niya ay sinsero ang sinasabi niya at hindi huwad, iniisip na, “Ilang beses ka mang nagtanong tungkol sa parehong bagay, pareho pa rin ang isinagot ko—nagsasanay ako na maging matapat na tao, at sinasabi ko kung ano ang nasa isip ko.” Hindi ba’t repleksiyon ito ng mahinang kakayahan? (Oo.) Kapag kinukumusta mo si Tom, palaging ikinukuwento ng ganitong uri ng tao sina Dick at Harry. Kapag kinukumusta mo naman sina Dick at Harry, palagi niyang ikinukuwento si Tom. Ang mga taong walang normal na pag-iisip ay may magulong mga kaisipan, at gulo-gulo ang daloy ng kanilang pag-iisip. Isa itong malaking pagpapamalas ng mahinang kakayahan. Sa pagbubuod, ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga tao na may iba’t ibang kakayahan. Sinusuri mo man ang kakayahan nila batay sa kanilang abilidad o kawalan ng abilidad na umunawa at gamitin ang mga katotohanang prinsipyo, o batay sa kung mayroon ba silang espirituwal na pang‑unawa o wala, ang mga ito ang mga pagpapamalas. Bagama’t nagsalita tayo sa medyo mga pangkalahatang termino, hindi ba’t sa pangkalahatan ay maitutugma mo ang mga salita  Ko sa tunay na buhay? (Oo.) Kung gayon, hindi ba’t tinatayang naibuod na natin ang paksa ng kakayahan? (Oo.) Dito nagtatapos ang ating talakayan sa paksa ng kakayahan.

Sabihin mo sa Akin, may kinalaman ba ang tindi ng pagtutol at paghihimagsik ng mga tao laban sa Diyos sa kung mahusaty ba o mahina ang kakayahan nila? Lumalaban at naghihimagsik ba ang mga tao laban sa Diyos dahil sa mahinang kakayahan? Naisaalang-alang na ba ninyo ang katanungang ito? Karapat-dapat bang isaalang-alang ang katanungang ito? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Dahil mahina ang kakayahan namin, dahil hindi maganda ang kakayahang ibinigay sa amin ng Diyos, malubha kaming lumalaban at naghihimagsik laban sa Diyos.” Tama ba ang pahayag na iyon? (Hindi.) Batay sa naunang pagbabahaginan natin tungkol sa mga kaibahan sa pagitan ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon, sa aling kategorya nabibilang ang kakayahan? (Sa mga likas na kondisyon.) Nabibilang ito sa mga likas na kondisyon. Kung gayon, alam mo ba kung ang iba’t ibang aspekto ng mga likas na kondisyon ay nauugnay sa pagkatao at mga tiwaling disposisyon ng mga tao? Magsimula tayo sa kakayahan—natutukoy ba ng kakayahan ang tindi ng paghihimagsik at paglaban ng isang tao sa Diyos? (Hindi.) Bakit natin sinasabing hindi nito natutukoy iyon? Nauugnay ito sa dahilan kung bakit lumalaban at naghihimagsik ang mga tao laban sa Diyos. Naghihimagsik at lumalaban ba ang mga tao sa Diyos dahil sa mahinang kakayahan? (Hindi, ito ay dahil mayroon kaming mga tiwaling disposisyon.) Tama iyan—umaayon ito sa realidad. Ang paglaban at paghihimagsik mo laban sa Diyos, at ang kawalan mo ng abilidad na magpasakop sa katotohanan, ay hindi dahil sa mahinang kakayahan, ang mga ito ay dahil sa pagkakaroon mo ng mga tiwaling disposisyon. At kaya, hindi ka puwedeng magreklamo tungkol sa pagbibigay ng Diyos sa iyo ng mahinang kakayahan dahil lang sa nagagawa mong lumaban sa Kanya. Ang kakayahan, o ang anumang ibang aspekto ng iyong mga likas na kondisyon, ay likas na mga kondisyon na mayroon ka mismo; ang mga ito ay katutubong likas na mga kondisyon na taglay mo bilang isang nilikha. Aling aspekto man ito ng mga likas na kondisyon, hindi ito humahantong sa paglaban sa Diyos, at wala itong kaugnayan sa mga tiwaling disposisyon. Halimbawa, ang pagiging matangkad ay hindi nangangahulugang mayroon kang mas kaunting tiwaling disposisyon. Ang pagiging maganda o pagkakaroon ng maputing balat ay hindi nangangahulugan na wala kang mga tiwaliing disposisyon. Ang maipanganak sa isang lahi na pinahahalagahan at tinitingala ng mga tao ay hindi nangangahulugan na wala kang mga tiwaling disposisyon. Sa madaling salita, anumang mga likas na kondisyon ang ibinigay ng Diyos sa isang tao, at kumusta man ang mga likas na kondisyon ng isang tao, walang kaugnayan ang mga ito sa mga tiwaling disposisyon ng taong iyon. Halimbawa, ang itsura mismo ng isang tao ay hindi humahantong sa paglaban sa Diyos. Gayumpaman, dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, kapag maganda ang hitsura ng isang tao, maaaring isipin niya na, “Maganda ako, kaya dapat magkaroon ako ng katayuan at respetuhin.” Ang mga ito ay mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon. Ginagamit ng ilang tao ang kanilang magandang hitsura para magamit ang kanilang mga kalakasan, kaya nagbubunyag sila ng maraming maling pahayag at pagkilos. Ang mga pahayag at pagkilos na ito ay pawang dulot ng kanilang mga tiwaling disposisyon, hindi ng kanilang mga likas na kondisyon. Mayroon ka mang mahusay o mahinang kakayahan, ang kakayahan mismo ay hindi humahantong sa paglaban sa Diyos. Kung may mahusay kang kakayahan pero hindi mo nauunawaan o tinatanggap ang katotohanan, lalaban at maghihimagsik ka pa rin laban sa Diyos dahil mayroon kang mga tiwaling disposisyon. Kung mayroon kang mahinang kakayahan pero kaya mong tanggapin ang katotohanan, at sa sandaling maunawaan mo ang sinasabi sa iyo ng Diyos na gawin mo o huwag gawin, kaya mong sumunod dito, at nagagawa mong hindi kumilos batay sa iyong mga tiwaling disposisyon, kung gayon, hindi ka maghihimagsik laban sa Diyos, ni hindi ka magiging tuso at magpapakatamad, o magiging pabasta-basta, sutil, o arbitraryo at walang ingat. Hindi mahalaga kung mahina ang kakayahan mo o hindi, basta’t mayroon kang mga tiwaling disposisyon, kahit nauunawaan mo ang mga salita ng Diyos, maghihimagsik at lalaban ka pa rin sa Diyos. Dahil mayroon kang mga tiwaling disposisyon bilang buhay mo, likas kang nagkakaroon ng sari-saring satanikong kaisipan at pananaw, at mga satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, pati ng mga satanikong pananaw na pinagbabatayan kung paano mo tinitingnan ang mga tao at bagay, at magpapakitang-gilas ka, ipagtatanggol mo ang iyong sarili, at palagi mong gugustuhing mamukod-tangi at ituring ang sarili mo na mas mataas kaysa sa iba, at kontrolin o pamunuan pa nga ang iba. Ang mga pagpapamalas na ito ay pawang nagmumula sa satanikong kalikasan ng mga tao. Kung gumagawa ka ng mga sari-saring bagay batay sa iyong satanikong kalikasan at buhay, kung gayon, hindi mahalaga kung mayroon ka mang mahusay o mahinang kakayahan, lalabanan mo ang Diyos. Ang kakayahan mismo ay hindi humahantong sa paglaban sa Diyos. Mayroon kang mahinang kakayahan, pero kaya mo bang kumilos ayon sa mga salita ng Diyos basta’t nauunawaan mo ang mga ito? Kung wala kang mga tiwaling disposisyon o hindi ka namumuhay ayon sa iyong mga tiwaling disposisyon, tiyak na kaya mo itong makamit. Gamitin nating halimbawa ang pagkakaroon ng partikular na kalakasan—madalas iniisip ng mga tao, “Dahil taglay ko ang kalakasang ito, mas nakatataas ako kaysa sa iba; dapat may katayuan ako sa sambahayan ng Diyos, dapat isa akong lider o haligi sa sambahayan ng Diyos.” Ang mga kaisipang ito ay hindi dulot ng pagkakaroon ng kalakasan, kundi dulot ng mga tiwaling disposisyon. Sapagkat ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon bilang kanilang buhay, ang lahat ng bagay na kanilang ibinubunyag, isinasabuhay, at ipinapakita, pati na ang kanilang mga perspektiba, paninindigan, at prinsipyo sa pagtingin sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, ay pawang dulot ng pagkakaroon nila ng mga tiwaling disposisyon bilang kanilang buhay. Ang mga ito ay hindi dulot ng anumang likas na kondisyon na ibinigay sa kanila ng Diyos. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Ano ang ibig Kong sabihin sa pakikipagbahaginan ng mga salitang ito? Ang layon ng pagbabahaginang ito ay ang bigyang-kakayahan kayo na mas malinaw na maunawaan at makilala ang inyong aktuwal na sitwasyon, at makilala kung kumusta ang inyong kakayahan—huwag maging isang taong walang katwiran, at huwag makibahagi sa mga walang kabuluhang pakikibaka tungkol sa pagkakaroon ng katamtaman o mahinang kakayahan, o magbigay pa nga ng mga walang kabuluhang dahilan para ilarawan na hindi mahina ang kakayahan mo. Walang halaga ang mga pagkilos na ito. Nilalayon ng pagbabahaginang ito na bigyang-kakayahan ka na tumpak na maunawaan ang iyong kakayahan at iba’t ibang abilidad, at pagkatapos ay mahanap mo ang iyong marapat na posisyon at umasal ka ayon sa marapat mong puwesto. Higit itong makakatulong sa iyo na maging isang marapat na nilikha, tumayo nang nararapat sa iyong posisyon bilang nilikha, at tumupad sa mga tungkulin ng isang nilikha. Siyempre, higit din itong makatutulong sa iyo, sa ilang aspekto, na maiwaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon. Anuman ang antas ng iyong kakayahan o iba’t ibang abilidad, hindi natutukoy ng mga ito ang tindi ng paglaban at paghihimagsik mo laban sa Diyos. Sa madaling salita, masasabi rin na ang mga tiwali mong disposisyon ay hindi nakabatay sa klase ng iyong kakayahan, at lalong hindi nakabatay ang mga ito sa kung kumusta ang iyong mga likas na kondisyon. Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao ay nagmumula sa loob ng kanilang likas at katutubong laman. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, naging panloob na buhay nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kapag hindi mo pa naiwaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon, sinasamantala mo ang iyong mga likas na kondisyon para magsalita at kumilos batay sa satanikong buhay na ito. Nangangahulugan ito na bago mo maiwaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon, sinasamantala mo ang iba’t ibang likas na kondisyong ibinigay sa iyo ng Diyos para tuparin ang pagkamit sa sarili mong mga layon. At kaya, masasabi natin ito: Kung hindi mo iwawaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon, sinasamantala o niyuyurakan mo ang iba’t ibang likas na kondisyong ibinigay sa iyo ng Diyos; kung nasa proseso ka ng paghahangad sa katotohanan at pagsasagawa sa katotohanan para iwaksi ang mga tiwali mong disposisyon, marapat at epektibo mong sinasamantala ang mga likas na kondisyon na ibinigay sa iyo ng Diyos; kapag nagbago ka mula sa pagkakaroon ng mga tiwaling disposisyon bilang buhay mo tungo sa pagkakaroon ng katotohanan bilang buhay mo, ginagamit mo nang marapat at wasto ang mga likas na kondisyon na ibinigay sa iyo ng Diyos—sa madaling salita, sa mas makabuluhang paraan. Nauunawaan mo na ba ngayon? Ang mga likas na kondisyon mismo ay hindi ang ugat na sanhi ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos. Sa halip, ang mga satanikong tiwaling disposisyon ng mga tao at ang buhay na itinanim ni Satanas sa loob ng mga tao ay ang ugat na dahilan ng paglaban at paghihimagsik ng sangkatauhan laban sa Diyos. Hindi ba’t ganito ang kaso? (Oo.) Malinaw na ba sa iyo, sa pangkalahatan, ang isyung ito? (Oo.)

Bago tayo nagbahaginan tungkol sa paksa ng kakayahan, nagbahaginan tayo tungkol sa ilang pagpapamalas sa tatlong aspekto: mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Ano-anong mga pagpapamalas ang pinagbahaginan natin noong huli? (Noong huli, ang mga pagpapamalas na pinagbahaginan ay ang kasipagan sa paggawa ng mga bagay-bagay, paggawa ng mga bagay-bagay nang may istruktura, pag-uumpisa nang malakas pero pagtatapos nang mahina sa paggawa ng mga bagay-bagay, at pag-iingat sa paggawa ng mga bagay-bagay, pati na rin ang pagmamalaki at pagmamayabang, pagpapabaya, pagkahilig na magpakitang-gilas, panghahamak sa mahihirap at pagbibigay-pabor sa mayayaman, panunuyo sa mga may kapangyarihan, pagkakaroon ng pambihirang memorya, at iba pa.) Hindi na tayo higit pang magbabahaginan tungkol sa mga ito. Magpapatuloy tayo sa pagbabahaginan tungkol sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga likas kondisyon, pagkatao, at sa mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon. Kapag lumilitaw ang mga pagpapamalas na ito, dapat mong malaman kung sa anong klase ng pagpapamalas nabibilang ang mga ito, at dapat magawa mong matukoy ang kaibahan ng mga ito at makilatis ang mga ito; saka mo lang mahaharap nang tumpak ang mga ito. Kung nauukol sa mga likas na kondisyon ang isang pagpapamalas, na hindi nababago, hindi mo kailangang mag-alala tungkol dito. Kung nabibilang ito sa ilang depekto o kapintasan ng pagkatao na maaaring malampasan, maitama, o mabago, dapat mong subukang itama o baguhin ang mga ito. Kung hindi naman kailangang lampasan ang mga ito at hindi nakakaapekto ang mga ito sa iyong paggampan ng tungkulin o sa iyong paghahangad sa katotohanan, kung gayon, hindi mo kailangang bigyang-pansin ang mga ito. Kung ang isang pagpapamalas ay hindi isang problema ng mga likas na kondisyon ni isang problema ng pagkatao, pero may kaugnay na mga tiwaling disposisyon, kung gayon, kailangan itong baguhin. Kung hindi mo ito itutuwid o babaguhin, kung gayon, sa isang anyo ng buhay na pinangingibabawan ng mga tiwaling disposisyon na nag-uugat at gumagamit ng kapangyarihan sa loob mo, ang iyong isinasabuhay at ibinubunyag ay hindi lang maliliit na problema gaya ng pagiging hindi makasundo ang iba o pagiging hindi nakalulugod sa iba at pagkabigong mapagtibay sila. Sa halip, ang isinasabuhay at ibinubunyag mo ay umaabot sa antas ng paglabag sa katotohanan, paglabag sa mga katotohanang prinsipyo, paglaban sa Diyos, pagtakwil sa Diyos, pagiging antagonistiko sa Diyos, at—masasabi pa nga—na pagtindig nang salungat sa Diyos. Tiyak na dahil ganito ang kalikasan ng mga tiwaling disposisyon, sa sandaling kinapapalooban ng mga tiwaling disposisyon ang mga pagpapamalas na ito, dapat mong malaman ang mga tiwaling disposisyon na ito, at pagkatapos ay hanapin ang katotohanan, unawain at arukin ang mga prinsipyo ng pasasagawa sa katotohanan, at dapat kang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo para palitan ang mga tiwaling disposisyong ito, nang sa gayon, hindi na pangingibabawan ng mga tiwaling disposisyong ito ang buhay mo, at kapalit ng mga ito, ang katotohanan ay nagiging buhay mo at nangingibabaw sa iyong pang-araw-araw na buhay at sa kung ano ang isinasabuhay mo.

Ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Ang huling pagpapamalas na pinagbahaginan natin ay ang pagkakaroon ng matalas na memorya, hindi ba? (Oo.) Kung gayon, sa anong aspekto nabibilang ang pagiging malilimutin? (Mga likas na kondisyon.) Isa itong likas na kondisyon at isa ring depekto ng pagkatao—ang dalawang aspekto lang na ito. Isa bang tiwaling disposisyon ang pagiging malilimutin? (Hindi.) Malinaw na hindi. Ang ilang tao ay malilimutin dahil likas na mahina ang memorya nila, samantalang ang iba ay nagiging malilimutin dahil sa pagtanda ng utak at paghina ng memorya habang tumatanda sila. Kung likas ang pagiging malilimutin, nabibilang ito sa mga likas na kondisyon; kung ito ay nakukuha, isa itong depekto ng pagkatao. Siyempre, ang pagiging likas na malilimutin ay itinuturing din na depekto, hindi ba? (Oo.)

Ang pagiging sanay sa pagpaplano bago gumawa ng mga bagay-bagay—sa anong aspekto ito nabibilang? (Isang merito ng pagkatao.) Isa itong merito ng pagkatao. Bago gumawa ng isang bagay, ang mga taong sanay sa pagpaplano ay nagpaplano nang maaga, at pagkatapos ay sumusunod sila sa mga hakbang, nang hindi nagiging pabigla-bigla, walang ingat, o padalos-dalos. Kumikilos sila sa matatag na paraan, hindi nagmamadaling gawin ang mga bagay-bagay ayon sa kapritso, kundi isinasaalang-alang muna nila kung paano sila dapat kumilos, kung kanino sasama, kung ano ang gagawin sa mga espesyal na sitwasyon, kung anong mga dokumento o gamit ang kailangang dalhin, kung magdadala ba ng ilang pang-araw-araw na pangangailangan depende sa kapaligiran, at iba pa. Naisasaalang-alang nila ang lahat ng ito. Bago gumawa ng mga bagay-bagay, nagsasagawa sila ng mga masusing paghahanda, isinasaalang-alang ang mas maraming salik at nagiging mas metikuluso sa kanilang mga pagsasaalang-alang. Susuriin nila nang maaga ang kaibahan sa pagitan ng kanais‑nais at hindi kanais‑nais na mga kondisyon, at pag-iibahin nila ang pinakamainam na senaryo at ang mga pinakamasahol na posibleng kahihinatnan. Gagawa sila ng mga makatwirang pagsasaayos para makamit ang mga pinakamainam na resulta. Dahil sanay sila sa pagpaplano at paggawa ng mga makatwirang pagsasaayos, karaniwang mas masinsinan ang pangangasiwa nila sa mga usapin. Hindi gaanong madalas na nangyayari ang mga di-inaasahang sitwasyon sa mga bagay-bagay at mga itineraryong isinasaayos nila, at karaniwang mas maganda ang mga resulta ng kanilang gawain. Ang mga taong gumagawa kasama nila ay hindi nababalisa, kundi mas napapanatag. Kaya, masasabi ba natin na ang pagiging sanay sa pagpaplano, kung ihahambing, ay nabibilang sa isang merito ng pagkatao? (Oo.) Sinasaklaw niyon ang pagiging sanay sa pagpaplano. Kung gayon, ang pagiging mapagkalkula ba ay mabuti o hindi? (Hindi ito mabuti. Isa itong depekto ng pagkatao.) Ang pagiging sanay sa pagpaplano ay isang merito at malakas na katangian ng pagkatao—positibo ito—samantalang ang pagiging mapagkalkula ay isang depekto ng pagkatao. Halimbawa, kung ang dalawang tao ay kumain ng pagkaing nagkakahalaga ng sampung yuan sa kabuuan, at sa pagbabayad, limang yuan at limampung sentimo ang ibinabayad ng taong mapagkalkula, samantalang ang isa pang tao ay nagbabayad ng apat na yuan at limampung sentimo, nararamdaman nila na: “Hindi ito tama—kulang ng limampung sentimo ang ibinayad niya. Dapat limang yuan ang ibayad ng bawat tao para maging patas at makatwiran.” Kinakalkula nila maging ang ganoon kaliit na halaga. Kung pakiramdam nila ay nalugi sila, hindi sila nagiging komportable at palagi silang naghahanap ng pagkakataon na makabawi sa mga lugi nila sa pamamagitan ng mga pagpapakana. Kung hindi nila mababawi ang kanilang mga pagkalugi sa ganitong paraan, hindi sila makakain o makatulog nang maayos. Ang pagiging mapagkalkula ay isang depekto ng pagkatao. Kung magiging malubha ito at magkakalkula sila maging sa malalaking usapin, palaging sinusubukang kumuha ng pakinabang mula sa iba o pagsamantalahan ang mga ito, o madalas na gumagamit ng mga pakana alang-alang sa kanilang mga pagkakalkula, kung gayon, hindi na ito basta lang na depekto ng pagkatao, kundi kaugnay na ito sa isang tiwaling disposisyon. Kung hindi nakakaapekto sa iba o nakapipinsala sa kanilang mga interes ang pagiging mapagkalkula ng isang tao at nangyayari lang ito sa maliliit na usapin ng pang-araw‑araw na buhay, na sa huli ay humahantong sa madalas na pagkabigo o hindi magagandang resulta sa pangangasiwa ng mga usapin, isa itong depekto ng pagkatao.

Anong uri ng problema ang pagiging madamot? (Isang depekto ng pagkatao.) Ano-anong mga pagpapamalas ang bumubuo sa pagiging madamot? Halimbawa, kung malapit nang magmaneho ang isang madamot na tao patungo sa kung saang lugar at may magsasabi ng, “Madadaanan lang din naman, puwede bang makisakay? Limang minuto lang ito at puwede kitang bigyan ng kaunting pera para panggasolina,” matatakot siya na baka hindi magbayad ang tao pagkatapos ng biyahe at maghahanap siya ng dahilan para tanggihang isakay ito—ito ay pagiging madamot. Mayroon ding mga tao na kapag may isang taong nanghihiram sa kanila ng isang bagay at ayaw nila itong ipahiram, sinasabi nila na, “Ginagamit ko ito ngayon. Hindi ko talaga ito maipapahiram sa iyo. Manghiram ka na lang sa iba.” Lubha silang kuripot at masungit; wala silang normal na pakikipag-ugnayan sa mga tao at labis nilang kinatatakutan na masamantala ng iba, habang palaging umaasa na makapanamantala ng iba. Ito ay tinatawag na pagiging madamot. Mayroon ding mga tao na kapag nanghiram ka ng sampung yuan para bumili ng pagkain at ilan pang ibang bagay, pag-iisipan muna nila ito: “Limang yuan lang ang ipapahiram ko sa iyo para sa pagkain—wala nang dagdag, kahit pa isang sentimo!” Kinabukasan, kapag nakita ka nila, tatanungin ka pa nga nila, “Kumusta ang pagkaing iyon? Naubos mo ba ang limang yuan?” Bahagyang ipinapahiwatig ng kanilang mga salita na, “Bilisan mo at bayaran mo na ako! May utang ka pa rin sa akin sa pagkaing iyon. Kung hindi mo ako babayaran, kailangan mo akong ilibre ng pagkain!” Ang ganitong uri ng mga tao ay lubhang makitid ang isip sa kanilang sariling asal at sanay sila sa pagkakalkula. Hindi lamang sila sanay sa pagkakalkula pagdating sa mga materyal na bagay, kundi talagang sanay rin sila sa pagkakalkula sa mga pakikipag‐ugnayan sa iba. Anuman ang sabihin ng iba sa kanila, palagi nilang sinusuri ang nakatagong mensahe rito at pinagninilayan ang kahulugan sa likod nito. Kung ang mga salita ay nakapipinsala sa kanila o lumalabag sa kanilang mga interes, agad silang gumaganti. Kahit sa mga pag-uusap, naghahangad silang makapanamantala at matigas silang tumatangging magdusa ng anumang kawalan. Hindi na lang ito pagiging makitid ang isip o madamot—isa itong tiwaling disposisyon. Kung may kinalaman lang ito sa palaging pagtatangkang makapanamantala at umiwas sa mga kawalan sa pang-araw-araw na materyal at pinansiyal na pakikipag-ugnayan, ito ay isang depekto lang ng pagkatao at hindi pa umaabot sa antas ng isang tiwaling disposisyon. Gayumpaman, kung may kinalaman dito ang mga prinsipyo ng sariling pag-asal at pagkilos, hindi na ito isang depekto ng pagkatao, kundi umabot na ito sa antas ng isang tiwaling disposisyon. Kung gayon, ano ang kinabibilangan ng pagiging mapagbigay? (Isang merito ng pagkatao.) Maaari itong iklasipika bilang isang merito ng pagkatao. Sa mga pakikipag-ugnayan sa iba, hindi labis na inaalala ng mga tao ang tungkol sa mga pakinabang o kawalan. Kapag ang iba ay nakakakuha ng mga kaunting pakinabang o may nakukuhang maliit na bagay mula sa kanila, o minsan, kapag hindi naibabalik ng isang tao ang hiniram na pera sa kanila, hindi naman talaga sila nagkakalkula tungkol sa mga gayong bagay. Medyo mapagbigay at mapagparaya sila sa iba—isa itong merito ng pagkatao.

Anong uri ng problema ang kakitiran ng isip? (Isang depekto ng pagkatao.) Ito ay isang depekto ng pagkatao. Ano-ano ang mga pagpapamalas ng kakitiran ng isip? (Pagkakaroon ng tendensiyang palakihin ang maliliit na usapin.) Halimbawa, habang kumakain, kung sasabihin mo sa isang taong makitid ang isip na, “Ang lakas mo talagang kumain—mas marami kang kinakain kaysa sa karamihan ng tao,” magagalit siya: “Tinatawag mo ba akong matakaw?” Gumawa ka ng isang komento na hindi sinasadyang nakasakit sa kanya o nagpasama ng loob niya, at dinidibdib niya ito at ayaw niyang kalimutan. Maaaring manatili siyang galit sa iyo sa loob ng kalahating buwan at tumangging makipag-usap sa iyo, at hindi mo malalaman kung ano ang dahilan nito. Sa totoo lang, gumawa ka lang ng isang kaswal na komento nang walang anumang intensiyon na kutyain siya, pero hindi inaasahang pinalalaki niya ang komentong ito, pinaniniwalaang pinagtatawanan siya. Dinidibdib niya maging ang maliit na usaping ito at walang tigil na pinalalabis, pinalulubha ang mga bagay-bagay at hindi nagpapakita ng anumang kapatawaran—ito ay kakitiran ng isip. Gaano nga ba kakitid ang isip ng ganitong uri ng tao? Maaari siyang maging kasingsutil ng mga bata—walang nangangahas na galitin siya. Kapag nakikipag-ugnayan sa kanya, palagi mong kailangan na mag-ingat, hindi mangahas na makipag-usap sa kanya nang normal, dahil kung gagawin mo iyon, baka mapasama ang loob niya o masaktan siya ng anumang sasabihin mo, at magreresulta iyon sa mga kahihinatnan—sa susunod na magkikita kayo, pakikitaan ka niya ng madilim na mukha, iiwasan niyang magsalubong ang mga mata ninyo, at maaaring hampasin pa nga niya ang mga bagay-bagay. Kung susubukan mong makipag-usap sa kanya, hindi ka niya papansinin. Hindi gagana ang makipag-usap sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay o ang subukang suyuin siya. Kung uupo ka malapit sa kanya, iiwasan ka niya at hindi papansinin. Kahit ano pa ang edad niya, palagi siyang nag-aalboroto at kumikilos nang sutil—hindi ba’t kakitiran ito ng isip? (Oo.) Isa itong depekto ng pagkatao. Napakahirap pakisamahan ng ganitong uri ng mga tao. Kapag nagbabahaginan nang sama-sama ang mga kapatid nang bukas ang puso, tinutukoy ang mga pagkukulang ng isa’t isa, walang nangangahas na magtukoy sa ganitong uri ng mga tao. Pero kung hindi sila isinasali sa ganoong pagbabahaginan, hindi sila nasisiyahan at nagsisimula silang magkaroon ng ilang kaisipan: “Sama-sama kayong nagbabahaginan lahat nang may bukas na puso, tinutulungan ang isa’t isa, pero hindi ninyo ako tinatrato bilang kapatid.” Hindi uubra na walang anumang sabihin sa kanila—kailangang may kaunti kang sabihin sa kanila: “Magaling ka, pero minsan, medyo madali kang magalit. Gayumpaman, mayroon din kaming mga kamalian at madalas na hindi namin nabibigyang-pansin ang sinasabi namin.” Kung hindi mo ito sasabihin sa ganoong paraan at sasabihin mo lang na madali silang magalit at makitid ang isip nila, hindi ito uubra—magagalit sila. Kapag nakikipag‑ugnayan sa kanila, kailangan mong maging lalong mapagmatyag at magsalita nang maingat. Kung may sasabihin kang isang bagay na hindi naaangkop, kakailanganin mong pasanin ang mga kahihinatnan. Samakatwid, talagang sobrang nakakapagod na makipag-ugnayan sa kanila. May termino para dito ang mga walang pananampalataya, sinasabi nila na ang ganitong uri ng mga tao ay “balat sibuyas,” ibig sabihin, talagang madali silang masaktan. Sa isang kisap-mata, ang mga ganitong tao ay nasasaktan, nagsisimulang umiyak, tumatangging kumain, hindi makatulog, at nagiging negatibo. Sinasabi nila, “Sinasabi ninyong lahat na wala akong kuwenta. Wala sa inyo ang may gusto sa akin, wala sa inyo ang nakikipagkuwentuhan sa akin, at lahat kayo ay umiiwas sa akin at ayaw mapalapit sa akin.” Hindi ba’t parang bata iyon? (Oo nga.) May nagsasabi na, “Napakarupok ng puso mo, parang salamin—nababasag sa kahit katiting na pinsala. Sino ang mangangahas na ilantad ka? Sino ang mangangahas na magkaroon ng mga pakikitungo sa iyo? Natatakot ang lahat na gawin iyon.” Ang sabihin na may masamang pagkatao ang mga ganitong uri ng tao ay hindi obhektibo—hindi naman talaga sila nakikibahagi sa anumang masasamang gawa. Sadyang sila ay talagang bugnutin—sila ay sutil, maselan, at may pagtitimpi na kagaya ng sa isang bata. Hindi mo sila puwedeng banggain o galitin. Kung mapagpatawad ka sa kanila, sasabihin nila na minamaliit mo sila at hindi mo sila sineseryoso; kung seseryosohin mo naman sila, sasabihin nila na nagiging maselan ka sa kanila—kahit anong gawin mo, mali ito. Kapag nakikipag‑ugnayan sa ganitong uri ng mga tao, kung angkop ang pamamaraan mo at napapasaya mo sila, kahit pa medyo mahina ang kakayahan nila, magagawa nila nang maayos ang kanilang tungkulin. Pero kung hindi tama ang pamamaraan mo at may isang bagay na ikinagagalit nila, nagiging negatibo sila, at kailangan mong mag-isip nang husto ng mga paraan para pakalmahin sila. Sobrang mapanggulo ang mga taong makitid ang isip. Sa isang maliit na usapin, maaari silang umiyak nang napakatagal, hanggang sa puntong sobra nang namumula ang mga mata nila. Kung hindi umaayon sa kanilang gusto ang isang maliit na bagay, maaaring magtampo sila sa loob ng ilang oras. Kapag nasagad na ang pagtitimpi nila, kaya nilang umabot ng kalahating buwan nang hindi nagbibigay-pansin o nakikipag-usap sa iba. Hindi mapagtimpi at makitid ang isip ng ganitong uri ng mga tao, pero ginagawa pa rin nila ang gawaing nararapat nilang gawin—kaya lang, ginagawa nila ito nang may galit. Sa sandaling bumuti ang lagay ng loob nila, muli silang nakakagawa nang maayos. Sa pangkalahatan, malubha ang depekto at problemang ito sa kanilang pagkatao. Malamang na makapagdulot sila ng tensiyon sa kapaligiran at makagawa ng gulo at maglagay ng pasanin kapwa sa sarili nila at sa iba. Ang mga ganitong uri ng mga tao ay walang kagandahang-loob o saloobin ng mga taong nasa hustong gulang para sa mga makamundong pakikitungo. Medyo para silang mga batang nasa mga sampung taong gulang—hindi mo masasabing matino sila, dahil hindi naman talaga sila matino, pero hindi mo rin masabi na wala pa sila sa hustong gulang, dahil palagi silang nagsasalita na parang nasa hustong gulang na. Kung tatratuhin mo sila na parang mga taong nasa hustong gulang, posible na ang anumang sabihin mo ay hindi nila ikalugod at magparamdam sa kanila na napipigilan sila, nagtutulak sa kanila na biglang mag-alboroto na parang isang bata. Pero kung ituturing mo sila na parang bata, pakiramdam nila ay minamaliit mo sila. Sa madaling salita, lubha silang hindi normal. Isa itong depekto ng pagkatao. Kung may ganitong uri ng problema ang isang tao, dapat siyang magbago at magsumikap na matutong maging mapagparaya at matiisin, na matutong harapin at pangasiwaan ang mga isyu sa wastong paraan at nang may wastong saloobin, at makipag-ugnayan sa iba sa makatwirang paraan ng mga normal na tao. Kahit na hindi tinatanggap ng karamihan sa mga tao ang katotohanan o ang wastong paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay, hindi ka dapat mapigilan o maimpluwensiyahan nito, ni malimitahan o magapos nito. Dapat ka pa ring magpatuloy sa paggawa ng mga bagay-bagay sa wastong paraan. Kahit na nararamdaman mong mahirap ito, huwag kang sumuko—parte rin ito ng proseso ng pagkatuto. Unti‑unti, mahihinog ang iyong pagkatao, kabatiran, at ibang mga aspekto, at ikaw ay lalago. Ano ang tanda ng paglago? Ito ay ang magawang makisama nang maayos sa nakararami; ito ay ang magawang tiisin ito, unawain ito, at harapin ito nang tama kapag may nagsasabi ng hindi kaaya-ayang bagay, nagbibiro, o nagsasabi ng nakasasakit na bagay sa iyo. Kung ang sinasabi ng iba ay hindi kaaya‑aya pero sumasalamin sa iyong aktuwal na sitwasyon, dapat mong tanggapin at kilalanin ito. Kung may isang taong di-sinasadyang nagsasabi ng isang bagay na nakakapagpasama ng loob mo, at nakikita mo na hindi ito sinasadya, dapat mong piliin na magparaya. Kung may isang taong sadyang pumupuntirya sa iyo at nagsasabi ng ilang lubhang nakakasakit na bagay, kailangan mong huminahon, magdasal sa Diyos, at maghanap: “Bakit nila ako pinupuntirya nang ganito? Ano ang intensiyon nila? Masamang tao ba sila, o ito ba ay isang pagbubunyag ng tiwaling disposisyon? Kung masamang tao sila, kailangan kong maging mas mapagkilatis at mapagbantay sa kanila. Kung tama at umaayon sa katotohanan ang sinasabi nila, tatanggapin ko ito; kung hindi ito tama, hindi na rin kailangang makipagtalo sa kanila. Kung nagbubunyag sila ng tiwaling disposisyon, titingnan ko kung kaya ba nilang tanggapin ang katotohanan. Kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, makikipagbahaginan ako sa kanila tungkol sa katotohanan. Kung hindi nila tatanggapin ang katotohanan, wala na akong magagawa kundi magtiis.” Hindi ba’t nilulutas niyon ang isyu? Sa ganitong paraan, kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba’t ibang uri ng tao, magagawa mo iyon nang may pagpaparaya at pagtutulungan kayo sa isa’t isa, at mapakikisamahan mo sila nang maayos—palaging mas mabuti ito kaysa sa pagiging isang taong makitid ang isip. Ang mga taong makitid ang isip, sa isang banda, ay nagdudulot ng lubhang hindi komportableng pakiramdam sa iba, at sa kabilang banda, nabibigo silang makibagay sa anumang grupo, nagmumukha silang nakabukod at wala sa lugar. Ang ilang mabait na tao ay maaawa sa iyo, at talagang gugustuhin ng lahat na tulungan ka, dahil magkakapatid kayong lahat, pero kapag lagi mong ibinubukod ang iyong sarili at nananatiling mag-isa gaya nito, hindi ba’t naiisip mo na nagmumukhang nakakaasiwa ang dating mo sa iba? (Oo.) Bakit ka wala sa lugar? Dahil mayroon kang ganitong depekto sa pagkatao, kaya dapat mong pagsikapan na malampasan ito at unti-unting magbago, hindi ba? (Oo.)

Ang pagiging hindi mapagtimpi, pagiging madaling magalit—sa anong aspekto ito nabibilang? (Isang depekto ng pagkatao.) Maaari ding tawagin na pagiging madaling magalit ang pagiging hindi mapagtimpi—itinuturing ba ito na depekto ng pagkatao? (Hindi.) Paano ito dapat tingnan? Itinatago ng isang taong may mapagtimping ugali ang kanyang masamang hangad sa likod ng isang ngiti, palaging nagsasalita nang malumanay at palakaibigan, hindi kailanman nakikipagtalo sa sinuman, at palaging sinasabi ang gustong marinig ng iba—mabuti ba ito? (Hindi.) Kung may magsasabi na prangka ang taong ito, sasabihin niya, “Ang pagiging prangka ay mabuti; ang mga taong prangka ay hindi nagdudulot ng gulo.” Kung may magsasabi na kalbo siya, sasabihin niya, “Ang pagiging kalbo ay mabuti; matatalino ang mga taong kalbo.” Ibig sabihin, kahit ano pa ang sabihin ng iba o paano man sila tratuhin ng iba, hindi sila kailanman mawawalan ng pasensiya o magagalit—mabuti ba ang ganitong uri ng tao? (Hindi.) Pagdating sa kung sinong mga tao ang talagang gusto nila, kung ano ang mga kaisipan at pananaw nila sa mabubuting tao at mabubuting bagay at masasamang tao at masasamang bagay, at kung sinasang-ayunan ba nila ang mabubuting tao at kinasusuklaman ang masasamang tao, o sinasang-ayunan ang masasamang tao at kinasusuklaman ang mabubuting tao, wala silang malilinaw na pananaw o paninindigan sa mga bagay na ito, at hindi sila nagkokomento sa anumang bagay. Ano man ang usaping kinakaharap nila, palagi nilang binabalewala ito nang nakangiti, at lubos silang madaling pakisamahan at hindi sila nagagalit. Isa ba itong merito ng pagkatao? (Hindi.) Ang pagkakaroon ng mapagtimping ugali ay hindi isang merito ng pagkatao, kaya, isa bang depekto ng pagkatao ang pagiging hindi mapagtimpi? Matutukoy ba ng isang taong mayroong mapagtimpi o hindi mapagtimping ugali kung ano ang pagkatao niya? (Hindi.) Halimbawa, nakikita ng ilang tao ang isang tao na nagiging pabasta-basta sa kanyang tungkulin at wala silang pakialam, nakikita nila ang isang tao na nanggugulo sa gawain ng gilesia at hindi sila nagagalit; at sasabihin pa nga nila na, “Ayos lang iyan, uunlad ka rin—huwag kang magmadali. May masisidhing layunin ang Diyos para sa atin; dapat nating suklian ang pagmamahal at biyaya ng Diyos, at hindi tayo puwedeng maging pabasta-basta. Pagtuunan mo ito ng pansin sa susunod.” May mapagtimpi bang ugali ang mga taong ito? (Mayroon.) Kapag nakakakita ang ilang tao ng isang tao na hindi nangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, sinasabi nila, “Maaari mo bang subukang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Napakaganda kung maisasaalang-alang mo ang mga layunin ng Diyos. Dapat tayong maging mabubuting tao—kung hindi tayo mabubuting tao, hindi tayo magugustuhan ng Diyos. Sa paraan ng ating pag-asal, sa pinakamababa, dapat nating pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—pagtuunan ito ng pansin sa hinaharap.” May ipinapakita bang pagkagalit dito? (Wala.) Napakamapagtimpi ng kanilang ugali, hindi ba? May mga taong hindi kailanman nagagalit anuman ang nangyayari. Kapag nakikita nila na madalas nag-uulat ng pekeng bilang ang ilang tao para linlangin ang Itaas at ang sambahayan ng Diyos habang nangangaral ng ebanghelyo, sinasabi nila, “Kung karamihan sa mga tao ay nag-uulat ng pekeng bilang gaya nito, ito ang daloy ng gawain ng Banal na Espiritu—dapat tayong magpasakop dito!” Pinapabulaanan sila ng isang tao, sinasabing, “Ang pag-uulat ng pekeng bilang ay pagsisinungaling at panlilinlang sa Diyos; hindi ko kayang gawin iyon.” Sasagot sila, “Bakit hindi? Nag-uulat ang ibang mga tao ng pekeng bilang, magagandang balita lang ang iniuulat at hindi ang masasama. Bakit masyado kang nagiging hangal?” Kapag nakakakita sila ng mga taong nag-uulat ng pekeng bilang, natutuwa sila. Kapag nakakakita sila ng ilang tao na kumakapit sa mga prinsipyo at tumatangging mag-ulat ng pekeng bilang, nagagalit sila at nagngangalit, hinahampas nila ang mesa, at sinasabing, “Bakit hindi ka nag-uulat ng pekeng bilang? Gusto mo bang labanan ang daloy ng Banal na Espiritu? Kung hindi ka mag-uulat ng pekeng bilang, tatanggalin kita! Paaalisin kita!” Ano ang palagay mo sa pagkawala ng kanilang pasensiya sa ganitong paraan? (Masama ito.) Ito ay isang pagsabog ng buktot na galit. Ang hindi mawalan ng pasensiya kapag nararapat at arbitraryong mawalan nito kapag hindi nararapat, pagtawag sa masasamang bagay bilang makatarungan, pagtawag na daloy ng Banal na Espiritu ang pag-uulat ng pekeng bilang at labis na pagpuri dito, at maging ang pagtataguyod dito—hindi ba’t ubod ito ng sama? (Oo.) Kapag nakikita nila na may isang taong tumatangging mag‑ulat ng pekeng bilang, hinahampas nila ang mesa, nagagalit sila, at nanlilisik ang mga mata nila, gusto nilang tanggalin o paalisin ang taong ito—ito ay “dumadagundong na galit!” May “Operasyon ng Kulog” ang malaking pulang dragon; ang pagpapakita ng puwersa ng diyablong iyon ay tinatawag na “Operasyon ng Kulog,” at ito ang “dumadagundong na galit” ng mga taong ito. Kung tatanggi kang mag‑ulat ng pekeng bilang, at hinahampas nila ang mesa at pinapakawalan nila ang kanilang dumadagundong na galit laban sa iyo, sa gayong sitwasyon, maglalakas-loob ka bang kumapit sa mga prinsipyo, mag‑uulat lang ng totoong bilang at tatangging mag‑ulat ng mga pekeng bilang? Maglalakas-loob ka bang tumayo at punahin at ilantad sila, sasabihing: “Pinipilit mo ang mga tao na mag‑ulat ng pekeng bilang—isa kang diyablo! Tinatawag mo pa nga na daloy ng Banal na Espiritu ang pagsunod sa mga anticristo sa pag-uulat ng mga pekeng bilang. Hindi ba’t ito ay paglalapastangan sa Banal na Espiritu at sa Diyos? Hindi mo tinutukoy ang kaibahan ng tama at mali at nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu, subalit iniisip mo na isa kang makatarungang anghel. Hindi mo pinahihintulutan ang sinuman na sumalungat sa hinihingi mo na mag-ulat ng pekeng bilang, at nawawalan ka pa nga ng pasensiya. Wala kang kahit katiting na pagpapahalaga sa katarungan. Bukod sa hindi mo inilalantad at kinokondena ang masasamang bagay, hinahayaan mo ring sumiklab nang todo ang galit mo sa mga kumakapit sa katotohanan at tumatangging mag‑ulat ng pekeng bilang, pinapakawalan mo pa nga ang iyong ‘dumadagundong na galit’ laban sa kanila. Hindi ba’t ito ay sadyang paggambala at panggugulo sa gawain ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t ang pag-uugaling ito ay kapareho ng kalikasan sa ginagawa ng malaking pulang dragon?” Kaya, kung titingnan muli kung ang pagkakaroon ba ng masamang ugali ay talagang isang depekto ng pagkatao o merito ng pagkatao, hindi ito maaaring gawing pangkalahatan. Depende ito sa kung anong mga sitwasyon ang nagsasanhing mawalan ng pasensiya ang isang tao at sa anong mga sitwasyon sila hindi nawawalan ng pasensiya, pati na sa kung bakit karaniwan na may hindi mapagtimping ugali ang taong iyon. Depende ito sa kung ano ang hinahangad ng taong iyon, kung mayroon bang mga prinsipyo sa kanyang sariling asal ang taong iyon, at kung ano mismo ang saloobin niya sa katotohanan, pati na ang saloobin niya sa Diyos, sa gawain ng Diyos, sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at sa gawain ng iglesia. Kung alang-alang sa pagtataguyod sa mga katotohanang prinsipyo, pangangalaga sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at sa pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos, palagian siyang may hindi mapagtimping ugali kapag nahaharap sa iba’t ibang masamang tao, pangyayari, at bagay, kung gayon, isa itong merito ng kanyang pagkatao. Pero kung hindi siya kailanman nabubugnot o nagagalit kapag nahaharap sa iba’t ibang masamang bagay o sa mga bagay na lumalaban sa Diyos, na para bang walang kinalaman ang mga ito sa kanya, kung gayon hindi ito isang depekto ng kanilang pagkatao—ito ay masamang pagkatao, kawalan ng pagpapahalaga sa katarungan, at siyempre, nabibilang ito sa kategorya ng mga tiwaling disposisyon. Kung gayon, paano dapat tingnan ang pagtitimpi? Ang pagkakaroon ng isang tao ng mapagtimping ugali ay hindi palaging nangangahulugan na mabuti ang pagkatao niya, at ang pagkakaroon ng isang tao ng hindi mapagtimping ugali ay hindi palaging nangangahulugan na masama ang pagkatao niya—nakadepende ito sa kung saan nakatuon ang kanyang hindi mapagtimping ugali. Kung ang kanyang hindi mapagtimping ugali ay nakatuon sa mga bagay na masama, madilim, at hindi umaayon sa katotohanan—kung nakatuon ito sa mga bagay na lumalabag sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, pumipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia—at madalas siyang nagagalit at nawawalan ng pasensiya dahil sa pakiramdam ng pagkabalisa, pagkabagabag, at pag-aalala tungkol sa mga bagay na ito, kung gayon, hindi ito masamang pagkatao. Ito ay pagiging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, ito ay isang merito ng pagkatao. Sa kabaligtaran, kapag nahaharap sa mga negatibong bagay na ito, kung hindi siya nagpapakita ng pagkagalit, hindi kumikilos para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ang patotoo ng Diyos, at hindi kumakapit sa mga katotohanang prinsipyo at hindi kumikilos para pigilan at limitahan ang mga bagay na ito, sa halip ay pinahihintulutan ang mga pagkagambala at kaguluhang ito na lumaki at kumalat nang walang pigil, kung gayon, bagama’t tila mukhang may napakamapagtimping ugali ang gayong mga tao, sa katunayan, lubhang masama ang pagkatao nila. Hindi ba’t ganito ang kaso? (Ganito nga.) Paano dapat tingnan ang isyu ng pagiging hindi mapagtimpi? Depende ito sa kung saan nakatuon ang hindi mapagtimping ugali ng isang tao; dapat mong tingnan kung kumusta ang karakter ng taong iyon, kung ano ang kanyang hinahangad at kung ano ang landas na tinatahak niya, at kung ano ang saloobin niya sa katotohanan, sa Diyos, sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Tumpak ba ang ganitong paraan ng pagtingin dito? (Oo.) Kung ang isang tao ay walang pagpapahalaga sa katarungan, pero madaling magalit, madaling sumiklab, at napakamainitin ng ulo kapag nakikisalamuha sa mga tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay, palaging nagpupuyos sa galit, at madalas na nakikipagtalo at nakikipagpaligsahan sa iba sa maliliit na usapin, gumagamit pa nga ng maruming wika, hindi ito isang depekto ng pagkatao—ito ay lubhang masamang karakter. Kung titingnan ito sa usapin ng mga tiwaling disposisyon, malupit ang disposisyon ng taong ito, at walang sinumang nangangahas na galitin siya. Hindi siya nawawalan ng pasensiya para lang sa pangangalaga sa mga makatarungang layunin, pangangalaga sa mga positibong bagay, pagtataguyod sa mga katotohanang prinsipyo, o pangangalaga sa mga interes at gawain ng sambahayan ng Diyos, sa halip, para sa pangangalaga sa lahat ng sarili niyang mga interes, reputasyon, katayuan, banidad, mga materyal na pag-aari, pera, at iba pa. Ang hindi mapagtimping ugali ng gayong tao ay maaaring iklasipika bilang lubhang masamang karakter. Ang hindi mapagtimping ugali ay dapat tingnan batay sa sitwasyon, isinasaalang-alang kung saan nakatuon ang hindi mapagtimping ugali ng isang tao at ano ang mga intensiyon sa likod nito. Kung, upang mapangalagaan ang sarili niyang mga interes o maprotektahan ang kanyang reputasyon at katayuan, maaari talaga siyang mawalan ng pasensiya at magwala dahil lang sa isang komento, kung gayon, lubhang masama ang karakter niya. Kung sa pangkalahatan ay lubos siyang mapagpaubaya pagdating sa mga usaping kaugnay sa kanyang mga personal na interes—halimbawa, kapag paminsan-minsang gumagawa ng mga komento ang mga tao na pumupuntirya sa kanya at medyo nakakasakit sa kanyang pride, o kapag medyo sinasamantala siya ng mga tao, kadalasan ay pinapalagpas niya ito at hindi siya nawawalan ng pasensiya—kung hindi niya pinalalaki ang maliliit na bagay at kaya niyang magpaunlak habang nakikisama sa iba, subalit nawawalan siya ng pasensiya kapag may nakikita siyang isang tao na nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia at nagdudulot ng pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, hindi ito masamang karakter. Sa halip, ito ay ang pagpapahalaga sa katarungan na nararapat taglayin ng pagkatao; ito ay isang merito ng pagkatao.

Ang pagiging madaling magtampo—sa anong uri ng problema ito nabibilang? (Isang depekto ng pagkatao.) Ito ay isang depekto ng pagkatao. Anong uri ng mga tao ang madaling magtampo? (Mga taong makitid ang isip.) Ang mga taong makitid ang isip, maramdamin, at ang mga bata ay pawang madaling magtampo. Kapag nahaharap sila sa maliit na isyu, agad-agad silang nagagalit, tumatangging makipag-usap sa iyo, tumatangging makita ka, at hindi sasagot sa tawag mo. May di-sadyang nasabi ka sa kanila na nakakasakit sa kanila, at nagsisimula silang magtampo, hindi ka nila pinapansin nang matagal, at kahit kapag tinatanong sila tungkol dito, wala silang anumang sinasabi. Tinatanong mo sila, “Ano ang problema? Kung may problema, lutasin natin ito. Kung may pagkakautang ako sa iyo, babawi ako. Kung may nasabi akong nakasakit sa iyo, patawad, at puwede kong gawin ang anumang kailangan mong gawin ko.” Pero nananatili pa rin silang tahimik, nagtatampo. Hindi ba’t mapanggulo ang gayong mga tao? (Oo.) Ito ay hindi normal na pagkatao. Ang mga problemang nauugnay sa pagkatao na hindi umaabot sa antas ng mga isyu patungkol sa karakter ay pawang nabibilang sa mga depekto ng pagkatao. Ang depekto ay nangangahulugan na wala sa isang tao ang isang bagay na dapat naroroon sa loob ng normal na pagkatao—ang saloobin o pamamaraan ng isang tao sa pag-asal at pangangasiwa ng mga usapin ay hindi normal o wala pa sa hustong gulang at hindi nakakatugon sa pamantayan ng katwiran para sa normal na pagkatao. Ito ay isang depekto. Ang pagiging madaling magtampo, sa isang banda, ay nakakarita sa iba, at ayaw nilang makisalamuha sa gayong mga tao. Dagdag pa rito, ang pagiging madaling magtampo ay parang batang wala pa sa hustong gulang. Sa pangkalahatan, tanging ang mga batang nasa mga sampung taong gulang ang umaasal nang ganito—walang ganitong mga pagpapamalas ang mga taong nasa hustong gulang. Kapag maganda ang ugnayan ng gayong tao sa iyo, para kayong magkakambal. Pero kapag lumamig ang samahan ninyo, nagiging mapanlaban siya, nagtatampo, at tumatangging makipag-usap sa iyo, ibinabalik ang lahat ng ibinigay mo sa kanya, at tuluyan ka nang hindi kakausapin. Subalit, hindi mo alam—baka isang araw ay muli kayong magkasundo at maging magkasinglapit gaya dati. Ang mga ito ay mga pagpapamalas ng kawalan ng hustong gulang. Ang lahat ng pagpapamalas na ito ng kawalan ng hustong gulang ay tinutukoy na mga depekto ng pagkatao. Ang pagiging madaling magtampo ay isang depekto ng pagkatao. Ang mga taong madaling magtampo ang pinakamalamang na umaantala sa mga bagay-bagay kapag gumagawa ng isang tungkulin. Hindi mo kailanman nalalaman kung kailan sila magtatampo sa loob ng napakaraming araw dahil may sinabing isang bagay ang isang tao na nakasakit sa kanila. Gaano man kahalaga ang tungkulin, kaya nilang huminto nang walang anumang sinasabi. Maaaring isipin mo na normal pa rin nilang ginagawa ang kanilang tungkulin, pero ang totoo, matagal na pala nilang hininto ang kanilang gawain. Samakatwid, mahalaga na hindi magtalaga kahit kailan ng mahalagang gawain sa mga taong madaling magtampo, lalo na ng mga gampanin na nasa mga kritikal na yugto, dahil lubha silang sutil, palaging emosyonal, at madaling magtampo, walang pagkamakatwiran, na madaling magtutulak sa kanila na abandonahin ang kanilang gawain habang ginagawa ang kanilang tungkulin. Kung talagang kailangang sila ang gumawa ng gawaing ito o walang ibang puwedeng pumalit sa kanila, kung gayon, kapag itinatalaga sa kanila ang gawain, kailangang mayroon kang isang taong mangangasiwa sa gawain nila. Kung may ibang tao na puwedeng pumalit sa kanila, kung gayon, hindi dapat italaga sa kanila ang medyo mahalagang gawain. Halimbawa, ang ilang tao ay medyo may kakayahan at kaya nilang pangasiwaan ang gawain ng isang lider ng iglesia, pero kapag may sinabi ang isang kapatid na nakakasakit sa kanila, nagtatampo sila: “Hihinto na ako! Puwede ninyong hayaang maging lider ang sinumang gusto ninyo. Uuwi na ako para mamuhay ng sarili kong buhay—tapos na ako rito!” Sa sandaling magsimula silang magtampo, kaya nilang bitiwan ang kanilang tungkulin at umalis, at walang nakakaalam kung kailan sila babalik. Maaasahan ba ang gayong mga tao? (Hindi.) Ibinubunton nila sa tungkulin at sa gawain ng iglesia ang kanilang galit, isinusuko ang kanilang tungkulin sa anumang oras. Hindi ba’t ito ay isang pagpapamalas ng kawalan ng hustong gulang? (Oo.) Ang pagtrato sa tungkulin nila at sa gawain ng iglesia na parang isa itong laro ng bata, gaya ng bahay-bahayan—iyon ay isang pagpapamalas ng kawalan ng hustong gulang. Kapag naglalaro ng bahay-bahayan ang mga bata, isa lang itong laro—kung sasama ang loob nila, hihinto sila sa paglalaro; hindi ito nakakaantala sa anumang bagay. Pero ang pagtrato sa gawain ng iglesia o tungkulin gaya ng isang batang naglalaro ng bahay-bahayan, ang paghinto kung kailan nila gusto—hindi ba’t naaantala niyon ang mga bagay-bagay? Hindi lang nito naaantala ang sarili nilang mga usapin—kung sila ay isang lider ng iglesia, naaantala ang gawain ng iglesia dahil sa kanila. Kung gumagawa sila ng isang mahalagang tungkulin, naaantala ang mahalagang tungkulin na iyon. Samakatwid, kapag pumipili ng mga taong gagamitin, kailangan mong isaalang-alang kung mayroon ba silang problema ng pagiging madaling magtampo. Kung mayroon nga silang ganitong problema, malubha ba ito? Gaano ito kalubha? Isusuko ba nila ang kanilang gawain? Kapag nagtatampo sila, magdadabog ba sila, uuwi, hihinto sa paggawa ng kanilang tungkulin, tatangging bumalik kahit sino pa ang tumawag sa kanila? Ang mga ganitong uri tao ay napakahirap pangasiwaan. Huwag na huwag mo silang gamitin—sila ang uri na madaling mairita. Hindi gumagana ang panunuyo sa kanila, hindi gumagana ang pagdidisiplina sa kanila, at paano ka man makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, nahihirapan silang tanggapin ito. Kapag sila mismo ang nakapagtanto at nakaunawa rito sa kanilang sarili ay saka lang sila makakabawi at makakabalik sa normal na katwiran. Samakatwid, maliban sa pagkakaroon ng mga tiwaling disposisyon, kung marami ring depekto o kapintasan ang pagkatao ng isang tao, kung gayon, sa sandaling makatagpo siya ng isang bagay na hindi kaaya-aya, maaari itong magtulak sa kanya na maging sobrang negatibo na hindi na siya makakabawi. Kahit na mayroon siyang kaunting determinasyon at handa siyang hangarin ang katotohanan para magkamit ng kaligtasan, at kahit na mayroon siyang pag-iisip na gawin nang maayos ang kanyang tungkulin at maging pasok sa pamantayan bilang isang nilikha, kapag lumitaw ang mga suliranin o mga di-kaaya-ayang sitwasyon, hindi na siya makakasulong. Kaya naman, kung nais ng isang tao na sikaping matamo ang katotohanan at gawin nang maayos ang kanyang tungkulin, dapat niyang hanapin ang katotohanan para lutasin ang anumang mga depekto o kapintasan na maaaring umiiral sa kanyang pagkatao. Kung hindi ka nagtataglay ng isang puso na may napakalaking pagnanais para sa Diyos o kung hindi ka nananabik sa katotohanan, at hindi ka handang malagpasan ang mga depektong ito ng pagkatao o kulang ang determinasyon mo para gawin ito, kung gayon, marami kang mga hamon na haharapin. Kung hindi mo man lang kayang baguhin o lampasan ang mga personal na depektong ito, mas lalo pang magiging mahirap na iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon.

Pag-usapan naman natin ngayon ang tungkol sa pagiging “mahilig magsamantala”—anong klaseng problema ito? (Isang depekto ng pagkatao.) Isa ba itong depekto ng pagkatao? Ang pagiging mahilig magsamantala ay isang problema ng karakter. Kung ang isang tao ay nagsasamantala sa bawat sitwasyon, kahit sa isang maliit na bagay gaya ng isang gulay, piraso ng papel, o maliit na bote ng tubig, problema ito sa kanyang karakter—lubhang masama ang karakter niya. Hindi ito depekto ng pagkatao. Naiintindihan mo ba? (Oo.) Ang gayong mga tao ay may labis na masamang karakter at walang integridad. Kapag namimili sila sa isang tindahan, palagi nilang sinusubukang tumawad at humingi ng deskuwento. Kapag bumibili sila ng gulay sa palengke, walang katapusang nakikipagtalo sila para sa ilang sentimos lamang. Kapag tumutuloy sila sa isang hotel at nakakakita ng mga libreng gamit gaya ng mga disposable na tuwalya, sipilyo, at toothpaste, inuuwi nila ang lahat nang walang iniiwang kahit isang gamit, natatakot na mapalagpas ang anumang bagay. Sinasabi ng ilang tao, “Mahilig ba silang manamantala dahil mahirap sila?” Hindi, sadyang may ganitong uri ng karakter ang ganitong uri ng tao. Hindi kapos sa pera ang pamilya nila, pero gayumpaman, iginigiit pa rin nilang magsamantala. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, sinasamantala pa nga ng ganitong uri ng tao ang sambahayan ng Diyos. Hindi kumakain ang ilang tao sa sariling bahay pero palagi silang pumupunta sa tahanang matutuluyan para makakain nang libre, nagkukunwaring naroon sila para tumulong sa paggawa ng mga bagay-bagay para sa tahanang matutuluyan. Palihim nilang ginagamit ang mga pag-aari ng mga kapatid. Iniiwasan nilang gamitin ang sarili nilang mga gamit at palagi nilang ginagamit ang mga pag-aari ng iba. Hindi nila sinusuot ang sarili nilang mga damit at palagi nilang sinusuot ang sa iba. Kapag may nakikita silang naglalaba, hinihiling nila rito na isabay sa paglalaba ang ilang gamit nila at sa huli ay binibigyan nila ito ng pito o walong pirasong labahan—malinaw na ito ay pananamantala. Sadyang mayroon silang ganitong uri ng karakter. Kahit malinaw na may pera ang pamilya nila, nanghihiram pa rin sila ng pera sa mga kapatid. Kapag tinanong kung kailan nila ito babayaran, sasagot sila, “Babayaran ko ito kapag may pera na ako. Kung wala akong pera, paano ko ito mababayaran? Wala akong pera—buhay lang ang mayroon ako!” Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Malinaw na hindi nila gustong magbayad at wala talaga silang balak—gusto lang nilang magsamantala, ginagamit ang pera ng ibang mga tao para sa sarili nilang pagtatamasa at para gastusin nang libre. Ito ang layon nila. Kapag may nakikita silang isang tao na may biniling bagong gamit, lubha silang nagiging interesado at palagi nilang iniisip na hiramin ito. Kung kailangan ito ng may-ari at ayaw nitong ipahiram iyon, sapilitan pa rin nila itong hinihiram. Ginagamit nila ito hanggang sa maging luma o masira ito at hindi pa rin nila ito isinasauli, itinuturing itong parang pag-aari nila. Ang ganitong uri ng tao ay nagsasamantala kahit saan, nanghihiram ng mga gamit at hindi kailanman isinasauli ang mga ito. Isa ba itong depekto ng pagkatao? (Hindi.) Ito ay kawalan ng integridad at lubhang masamang karakter. Nakakita na ba kayo ng ganitong uri ng tao? (Oo.) Marami-rami silang ganito. Sabihin ninyo sa Akin, kaya bang magsagawa ng katotohanan ang ganitong uri ng tao? (Hindi.) Anong uri ng tao ang karamihan sa mga indibidwal na ito? Hindi ba’t mga tampalasan sila? Gaano man sila magsamantala ng iba, walang nararamdamang pang-uusig sa sarili ang konsensiya nila. Sabihin ninyo sa Akin, may konsensiya ba sila? (Wala.) Anong uri ng tao ang mga walang konsensiya? Huwag na nating sabihin kung mabubuti o masasamang tao ba sila—sa pinakamababa, wala silang mga pinakapangunahing pamantayan at kondisyon ng pagkatao na kinakailangan para maisagawa ang katotohanan. Pinagbahaginan natin dati na upang maisagawa ang katotohanan, sa pinakamababa, kailangang mayroong konsensiya ang isang tao. Kabilang sa konsensiya ng isang tao ang pakiramdam ng kahihiyan. Mayroon bang pakiramdam ng kahihiyan ang mga taong palaging nagsasamantala sa iba nang walang nararamdamang pang-uusig sa sarili sa kanilang konsensiya? (Wala.) Maisasagawa ba ng mga taong walang pakiramdam ng kahihiyan ang katotohanan? (Hindi.) Gumagawa sila ng kasamaan nang walang anumang nararamdaman at nang walang anumang panunumbat mula sa kanilang konsensiya. Samakatwid, ang paggawa ng mga makatarungang gawa at ang pagtahak sa tamang landas ay hindi nila gusto dahil hindi nangangailangan ng mga gayong bagay ang pagkatao nila. Ano ang mga pangangailangan nila? Ang pangangailangan nila ay ang protektahan ang sarili nilang mga interes mula sa anumang kawalan habang kinukuha rin ang mga interes ng iba at ginagamit ang mga ito para pagsilbihan ang sarili nila. Ang pagkatao nila ay walang pakiramdam ng paninisi o panunumbat sa sarili para sa gayong pag-uugali, ni pakiramdam ng kahihiyan. Kaya naman, napakahirap para sa ganitong uri ng tao na maisagawa ang katotohanan. Ang panuntunan nila sa pag-asal ay: ang anumang makabubuti sa sarili nila, sa mga usapin man ng materyal o sikolohikal, ay hindi dapat isuko kahit katiting. Tungkol naman sa magaganda at mahahalagang gamit ng iba, palagi nilang gustong ariin, agawin, o sapilitan pa ngang angkinin ang mga ito. Sa sandaling magkaroon sila ng pagkakataon, aagawain nila ang magagandang gamit ng iba. Talagang hindi nila puwedeng hayaan ang sarili nila na mapalampas ang pagkakataon, at kung mapalampas nga nila ito, habang-buhay nila itong pagsisisihan. Ito ang panuntunan nila sa pag-asal. Dahil sila ay pinamamahalaan ng panuntunang ito, nakakaramdam sila ng pagkamakatarungan at kapanatagan kapag sinasamantala nila ang iba at inaangkin ang mga pakinabang ng iba bilang kanilang pag-aari, nang may matinding pakiramdam ng tagumpay. Kapag nabigo silang makapagsamantala o napalagpas nila ang pagkakataon na gawin iyon, pakiramdam nila ay nabigo sila at iniisip nilang hangal sila. Kapag nakakapagsamantala sila, maganda ang pakiramdam nila, natutuwa at panatag sila. Pero kapag nakakita sila ng pagkakataon na makapagsamantala pero hindi nila ginawa, nalulungkot sila at hindi sila mapalagay: “Kung hindi ko ito sasamantalahin, sayang lang. Kung may ibang gagawa nito, hindi ba’t lugi ako?” Tingnan ninyo—kaya bang maging isang mabuting tao ng isang taong pinamumunuan ng ganitong panuntunan? (Hindi.) Kapag isinasagawa ang katotohanan, kailangang bitiwan ng mga tao ang maraming bagay, tulad ng kanilang pinahahalagahang pakiramdam ng pride, katayuan, at iba pang mga sikolohikal na bagay, pati na ang ilang materyal na bagay. Ang lahat ng ito ay kinapapalooban ng mga personal na interes, at ang pagsasagawa sa katotohanan ay nangangailangan na maghimagsik ang mga tao laban sa mga bagay na ito, at lagpasan, iwaksi, at bitiwan ang mga ito. Ang mga taong mahilig magsamantala ay hindi talaga kayang gawin ang alinman dito. Hindi nila kayang bitiwan ang kanilang pride o katayuan, at lalong hindi nila kayang isuko ang anumang materyal na mga interes. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi nila kayang gawin ang alinman dito. Kung gayon, kaya ba nilang isagawa ang katotohanan? (Hindi.) Samakatwid, lubhang mahirap para sa kanila na isagawa ang katotohanan. Gusto nilang angkinin ang lahat ng sikolohikal at materyal na magagandang bagay at kailanman ay hindi kayang bitiwan ang mga ito, na direktang sumasalungat at lumalabag sa mga prinsipyo ng pagsasagawa sa katotohanan. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila kayang isagawa ang katotohanan. Tingnan na lang ninyo ang mga talagang mahilig magsamantala—hanggang saan ang kanilang nararating? Kapag bumibisita sa tahanan ng iba, sinisiguro pa nga nila na makainom ng kaunting tubig ng mga ito at kumain ng kaunting pagkain ng mga ito bago umalis. Sabihin ninyo sa Akin, kaya bang isagawa ng mga taong may ganitong uri ng karakter ang katotohanan? (Hindi.) Ang pamantayan nila sa pagsukat sa lahat ng bagay ay nakabatay sa prinsipyo ng kung makakapagsamantala ba sila at makakapagkamit ng mga pakinabang. Ang personal na pakinabang ang prinsipyo ng pagsukat nila sa lahat ng bagay. Ang kanilang sariling asal ay nakatuon lamang sa pagsasamantala sa iba. Basta’t hindi sila nagdurusa ng mga kawalan at nakakapagsamantala sila, pakiramdam nila ay sulit ito. Naniniwala sila na sa pag-asal, dapat makapagsamantala ang isang tao, at na matalino at mautak lamang ang isang tao kung madalas siyang nakakapagsamantala—kung hindi marunong magsamantala ang isang tao, hangal ang taong iyon! Ang pamantayan nila sa sariling asal ay ang magsamantala lang at hindi kailanman tumanggap ng mga kawalan. Ginagawa nilang pamantayan sa pag-asal ang ganitong pakikitungo—kaya ba nilang isagawa ang katotohanan? (Hindi.) Mayroon bang anumang puwang sa puso nila ang katotohanan? May kapangyarihan ba ito sa puso nila? (Wala.) Kung gayon, anong mga katotohanan ang kaya nilang isagawa? (Wala talaga.) Wala talaga silang maisagawang anumang mga katotohanan—masyadong mababa ang karakter nila, na nagiging dahilan para hamakin sila ng iba. May ilang tao na gumagawa ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos; nagbibigay ang sambahayan ng Diyos ng ilang gamit para sa kanilang pang-araw-araw na paggamit, at madalas silang humihingi ng dagdag pa gamit ang dahilan na naubusan na raw sila, samantalang ang totoo ay may kaunti pang natitira sa kanila. Bakit palagi silang humihingi ng dagdag pa? Iniisip nila, “Kung hindi ko sasamantalahin ito at may ibang magsasamantala, hindi ba’t ako ang malulugi?” Tingnan ninyo—anong uri ng karakter ito? Ang pamantayang ginagamit ng ganitong uri ng tao sa pagsukat sa lahat ng bagay ay nakabatay sa prinsipyo ng kung makakapagsamantala ba siya at makakapagkamit ng mga pakinabang. Ang puso niya ay ganap na nilalamon ng mga pag-iisip tungkol sa mga interes. Gaano ka man makipagbahaginan sa kanya tungkol sa mga positibong bagay o sa katotohanan, tumatanggi siyang tanggapin ito, na walang kinalaman sa kakayahan niya o sa kung nakakaunawa ba siya—sadyang may problema sa panuntunan niya sa kung paano siya umasal. Ganap na hindi niya tatanggapin o isasagawa ang mabubuting bagay, ni hindi siya susunod sa mga katotohanang prinsipyo. Lubhang mababa ang karakter niya. Sabihin ninyo sa Akin, kinakailangan bang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan sa ganitong uri ng tao? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil hindi niya kailanman isasagawa ang katotohanan.) Wala siyang pakiramdam ng konsensiya sa kanyang pagkatao at hindi siya nagtataglay ng mga batayang kondisyon para sa pagsasagawa sa katotohanan. Ang puso niya ay nakatuon lang sa pagsasamantala at pagkakamit ng mga pakinabang. Maaaring sabihin na ang ganitong uri ng tao ay sadyang hindi karapat‑dapat na makinig sa mga sermon tungkol sa pagtatamo ng kaligtasan. Kita ninyo, hindi ninyo lubos na naunawaan kung anong uri ng problema ang pagkahilig na magsamantala, hindi ba? Inakala pa nga ninyo na isa itong depekto ng pagkatao. Isa ba itong depekto ng pagkatao? (Hindi.) Nauunawaan na ninyo ngayon, hindi ba? Anong uri ng problema ito? (Isa itong problema ng karakter—mababa ang karakter ng ganitong uri ng tao.)

Pag-usapan naman natin ngayon ang tendensiya na magkawanggawa. Kung walang mga motibo sa likod ng tendensiya ng isang tao na magkawanggawa, at isa lang itong pag-uugali o karaniwang kaugalian sa kanyang pang-araw-araw na buhay, dapat ituring ang tendensiyang ito na magkawanggawa bilang isang merito ng pagkatao. Ang pagbibigay, kahit papaano, ay mas mabuti kaysa sa pagtanggap. Sa pinakamababa, ang isang taong may tendensiyang magkawanggawa ay may pusong nakikisimpatiya sa iba, at may isang elemento ng kabutihan sa kanyang pagkatao, at hindi siya kuripot at hindi niya masyadong binibigyang-importansiya ang mga materyal na bagay. Higit pa rito, kapag nagtataglay siya ng medyo masaganang mga materyal na bagay, ipapamigay niya ang mga sobrang gamit, o iyong mga hindi na niya nagagamit pero nababagay na gamitin ng iba, ginagawang medyo mas maginhawa at komportable ang buhay ng mga tao. Batay sa motibo sa likod ng mga kilos na ito, sa pinakamababa, ang mga taong may tendensiyang magkawanggawa ay may ganitong uri ng pagkatao, at nagpapakita sila ng mga esensiyal na pagpapamalas ng pakikisimpatiya at pagkahabag sa iba—isa itong merito ng kanilang pagkatao. Ang gayong mga tao ay mayroong medyo mabuting karakter, higit na mas mabuti kaysa sa masasamang tao na mahilig magsamantala sa iba at basta-bastang nang-aagaw ng mga pag-aari ng iba—sila ay mayroong medyo mas malaking integridad. Nagkakawanggawa sila at tumutulong sa iba nang hindi naghahanap ng anumang kapalit, hindi naghahangad ng papuri mula sa iba o na mag-iwan ng magandang reputasyon. Ganito lang talaga ang saloobin nila sa pag-asal o ang kanilang paraan ng pamumuhay. Halimbawa, kapag nakikita nilang kulang sa damit ang isang tao, agad nilang ibinibigay ang kanilang sobrang damit para maisuot ng taong iyon. Kapag nakikita nilang mahirap ang pamilya ng ibang tao at madalas na hindi nakakakain nang sapat, ibinibigay nila sa mga ito ang ilang bigas ng kanilang pamilya para magkaroon din ng sapat na makakain ang mga ito. Kapag bumibili sila ng bagong kompyuter at nakita nilang halos hindi na magamit ang kompyuter ng iba, ibinibigay nila ang luma nilang kompyuter para magamit ng taong iyon. Nagkakawanggawa sila nang hindi naghahanap ng anumang kapalit—sadyang ganito ang karakter nila. Isa itong merito ng pagkatao at maaari ding iklasipika bilang isang pagpapamalas ng mabuting karakter. Ang pag-uugali ng may tendensiyang magkawanggawa ay hindi naman talaga masama, pero ang ilang tao, dahil may tendensiya silang magkawanggawa, ay madalas na nag-iisip, “Mabait ako, marangal ako, mapagbigay ako. Maraming buhay ng mga tao ang napabuti pagkatapos matanggap ang kawanggawa at tulong ko. Isa akong pakay ng pagliligtas ng Diyos. Kung hindi ililigtas ng Diyos ang isang tulad ko, anong uri ng tao ang ililigtas Niya?” Madalas nilang itinuturing ang sarili nila bilang “isang mabuting tao na may tendensiyang magkawanggawa.” Ipagpalagay natin na may nagsabi sa kanila, “Hindi mabuti ang pagkatao mo. Marami kang ginagawa na lumalabag sa katotohanan, at hindi mo minamahal ang katotohanan.” Pagkarinig nila rito, magagalit sila. Ano ang problema rito? Ang pamilya ng ilang tao ay medyo may-kaya, at pawang nakatanggap na ng mga pabor mula sa kanila ang mga kapatid sa paligid nila. Kaya madalas na pinag-iisipan ng mga taong iyon, “Sobrang ganda ng naging pagtrato ko sa mga taong ito sa iglesia—lahat sila ay nakatanggap ng kaunting tulong mula sa akin. Hindi ba’t may prestihiyo at katayuan ako sa puso ng mga taong ito? Hindi ba’t ako ang may pinakamahusay na kakayahan at pinakamabuting pagkatao sa iglesia? Hindi ba’t dapat akong maging lider? Hindi ba’t dapat makinig sa akin ang lahat ng kapatid?” Anong uri ng isyu ito? Hindi ba’t isa itong isyu ng mga tiwaling disposisyon? (Oo.) Dahil lamang sa mayroon silang kaunting mabuting pag-uugali, hindi na nila alam ang sarili nilang tunay na sukat; itinuturing nilang kapital ang pag-uugaling ito, palaging nagnanais na maging lider ng iglesia, at lumalaki ang kanilang ego, iniisip na sila ay katangi-tangi. Hindi nila iniuugnay sa kanilang sarili ang mga tiwaling disposisyong inilantad ng mga salita ng Diyos. Naniniwala sila na ang tendensiya nilang magkawanggawa ay nangangahulugang mabuti silang tao, na wala silang anumang mga tiwaling disposisyon, na tama ang lahat ng ginagawa nila, at na dapat silang maging lider at halimbawa sa iglesia, at na dapat silang tularan ng lahat ng kapatid. Ano ang mga pagbubunyag na ito? (Mga tiwaling disposisyon.) Umabot na ito sa antas ng mga tiwaling disposisyon. Bagama’t isang merito ng pagkatao ang tendensiyang magkawanggawa, kung hinuhusgahan ng isang tao ang sarili niya bilang isang mabuting tao na tiyak na maliligtas dahil dito, tama ba ang ganitong uri ng kaisipan at pananaw? Itinuturing niya ang kanyang mabuting pag-uugali ng may tendensiyang magkawanggawa bilang pagkakaroon niya ng mabuting karakter at marangal na integridad, at itinuturing pa nga itong pagsasagawa sa katotohanan at pagpapasakop sa Diyos. Isa itong mabigat na pagkakamali. Ito ay kayabangan at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, at kawalan ng kamalayan sa sarili. Ang tendensiya ng pagkakawanggawa ay masasabing isang mabuting pag-uugali. Sa pinakamainam, ang taong may tendensiyang magkawanggawa ay mayroong medyo mabuting karakter, higit na mas mabuti kaysa sa mga mahilig magsamantala. Gayumpaman, hindi mo puwedeng sabihin na mabuti kang tao, na wala kang mga tiwaling disposisyon at na nagtataglay ka ng katotohanang realidad, at na kalipikado kang maging lider ng iglesia at mamukod-tangi sa iba at magbigay ng mga utos, dahil lamang sa mayroon ka nitong mabuting pag-uugali ng tendensiyang magkawanggawa. Ito ay isang mayabang na disposisyon. Bagama’t may tendensiya kang magkawanggawa at tumulong sa iba—nagtataglay ng ilang mabuting gawa na ito—na isang merito ng pagkatao, hindi nito pinatutunayan na wala kang mga tiwaling disposisyon. Kung itinuturing mong parang kapital ang tendensiya mong magkawanggawa at tumulong sa iba at nagkakaroon ka ng ambisyon na maging lider ng iglesia at itinataas mo ang sarili mo sa iba, isa itong isyu ng mga tiwaling disposisyon. Nakikita mo na ba ngayon ang pagkakaiba? Ang pagkakaroon ng mabuting karakter ay hindi nangangahulugan na walang mga tiwaling disposisyon ang isang tao. Sa pangkalahatan, ang ilang tao ay nakikipag-ugnayan at nakikisalamuha sa iba nang medyo maayos—hindi nila sinasamantala ang iba at nagkakawanggawa pa nga sila at tumutulong sa iba—mayroon silang ilang merito ng pagkatao. Gayumpaman, pagkatapos gumugol ng ilang panahon kasama sila, natutuklasan mo na labis silang mayabang, na mahilig silang magmalaki, at na kung minsan pa nga ay nagsisinungaling sila at labis silang mapanlinlang. Kung pupunahin mo sila, tatanggi silang tanggapin ito at medyo malupit sila, hinahampas pa nga nila ang mesa at sinasabing, “Nananampalataya ako sa Diyos sa loob ng napakaraming taon—sino ba ang hindi nakatanggap ng kawanggawa mula sa akin? Tanungin ninyo ang mga kapatid—mayroon ba akong sinumang sinamantala? Pininsala o sinaktan ko ba ang sinuman?” Isa ka bang mabuting tao kung hindi ka nakapaminsala ng iba? Hindi ba’t ang hindi pamiminsala sa iba ay ang pinakamaliit na dapat gawin ng isang tao? Anong katwiran ang mayroon ka para maging mapagmalaki? Ang hindi makapaminsala o makapanakit ng iba ang nararapat gawin ng isang tao—hindi ito kapital. Ang hindi pagsasamantala sa iba ay hindi nangangahulugan na naisasagawa mo ang katotohanan at nakakapagpasakop ka sa Diyos. Dapat kang matutong magnilay sa sarili mo at dapat magawa mong tanggapin ang pamumuna at tulong ng iba—saka ka lamang magiging isang taong may katwiran. Pinupungusan ka ngayon dahil nagbunyag ka ng tiwaling disposisyon at hindi umaayon sa katotohanan ang mga kilos mo. Hindi ito pagtatatwa sa katunayan na isang positibong bagay ang iyong mabuting pag-uugali ng tendensiyang magkawanggawa, o pagtatatwa sa iyong karakter. Sa halip, isinasagawa ang pagpupungos at paglalantad dahil nakagawa ka ng pagkakamali at lumabag ka sa mga katotohanang prinsipyo. Kung kaya mo itong tanggapin, isa kang tao na nagmamahal sa katotohanan at kayang isagawa ang katotohanan. Kung hindi mo ito tatanggapin, ang tendensiya mo na magkawanggawa, sa pinakamainam, ay isang merito ng pagkatao. Pero dahil nangingibabaw ang kayabangan, kalupitan, at kabuktutan sa loob ng iyong mga tiwaling disposisyon, hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan, at kaya ikaw ay lubusang mababang-uri at walang kuwenta. Kapag nahaharap sa pagpupungos, ang ganitong uri ng mga tao ay gumagawa ng malaking eksena, nagkukuwento tungkol sa kanilang mga kalipikasyon, at ipinangangalandakan ang kaunting mabuting pag-uugali nila. Umaasal sila na parang mga baliw na aso, nagwawala. Ang katiting na magandang imahe na mayroon sila ay ganap na naglalaho, at lubusang nalalantad ang kanilang kalikasan. Malinaw itong nakikita ng lahat at sinasabi, “Ang taong ito ay mayroong malubhang tiwaling disposisyon—isa siyang masamang tao, isang tuso! Buti na lang at hindi siya napili bilang lider ng iglesia. Kung naging lider siya ng iglesia, hindi niya makakayanan ang kahit katiting na pamumuna—kung may magtatangkang magtanggal sa kanya, hinding-hindi niya tatantanan ang taong iyon at makikipaglaban siya hanggang kamatayan. Labis na mapaminsala iyon!” Kung titingnan mo lang ang isang mabuting pag-uugali nila o ang isang kalidad ng pagkatao nila, sadyang hindi mo makikita kung ano ang kanilang mga tiwaling disposisyon, kung ano ang saloobin nila sa katotohanan, o kung kaya ba nilang magpasakop sa katotohanan. Kapag nagbubunyag sila ng tiwaling disposisyon at pagkatapos ay sumasailalim sila sa paglalantad at pagpupungos, unti-unting lilitaw at malalantad ang saloobin nila sa katotohanan. Samakatwid, hindi ganap na matutukoy ng karakter ng isang tao, o ng mga merito at pagkukulang ng kanyang pagkatao, kung tinatanggap ba niya ang katotohanan. Kung titingnan ang kanyang karakter o ang mga merito at pagkukulang ng kanyang pagkatao, imposible ring makita kung ano ang saloobin niya sa katotohanan. Kapag nagbubunyag siya ng tiwaling disposisyon, o kapag nahaharap siya sa paglalantad at pagpupungos, saka lang mabubunyag ang saloobin niya tungkol sa katotohanan, at saka lang malalaman kung minamahal ba niya ang katotohanan, kung kaya ba niyang isagawa ang katotohanan, at kung gaano kalaki ang pag-asa niya na mailigtas sa huli. Mula sa tendensiya ng gayong mga tao na magkawanggawa at tumulong sa iba, makikita mo kung anong mga merito at depekto ng pagkatao ang mayroon sila. Pagkatapos, mula sa sunod-sunod nilang mga problema—gaya ng pagiging mayabang at mapagmagaling nila, at pagnanais na maging lider at mangibabaw sa iba dahil lang sa tendensiya nilang magkawanggawa at tumulong sa iba—malinaw mong makikita ang saloobin nila sa katotohanan; at batay sa saloobin nila sa katotohanan, malinaw mong makikita kung makakamit ba nila ang kaligtasan. Sa pamamagitan ng mga pag-uugaling ito, makikilatis mo ang mga merito at pagkukulang ng kanilang pagkatao, makikilatis ang kanilang karakter, at kasabay nito ay matututunan mong tukuyin ang kaibahan sa pagitan ng pagkatao at ng isang tiwaling disposisyon, pero hindi mo ganap na matutukoy kung maliligtas ba sila sa huli o kung ano ang magiging katapusan nila. Ang paghusga kung maliligtas ba ang isang tao ay medyo mas masalimuot—kailangan mo ring tingnan kung kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan, magnilay sa sarili, at magkaroon ng taos-pusong pagsisisi kapag nagbubunyag siya ng tiwaling disposisyon; dapat itong husgahan batay sa mga aspektong ito.

Ang pagkahilig na makihalubilo—anong aspekto ito? (Isang likas na kondisyon.) Isa itong likas na kondisyon, isang pamamaraan ng mga makamundong pakikitungo habang kasama ang mga grupo ng mga tao. Ang ilang tao ay nasisiyahan sa pakikisalamuha sa iba, hinding-hindi sila napapagod dito, at anuman ang personalidad ng ibang mga tao, kaya nila at handa silang makisalamuha sa mga ito. Gayumpaman, may ilang tao na mas gustong umiwas sa karamihan at ayaw makisalamuha. Mayroon itong partikular na kaugnayan sa likas na personalidad ng isang tao. Kapag may kinalaman ito sa personalidad, tiyak na may kinalaman ito sa mga likas na kondisyon. Ang pagkahilig na makihalubilo ay nauugnay sa personalidad ng isang tao; wala itong kinalaman sa mga merito o mga pagkukulang ng pagkatao, at siyempre, wala itong kinalaman sa anumang tiwaling disposisyon. Ito ay isang medyo simpleng pagpapamalas. Ang pagiging mapagsarili—sa anong aspekto naman ito nabibilang? (Parte ito ng likas na personalidad ng isang tao simula nang ipanganak siya.) (Isa itong depekto ng pagkatao.) Mayroong kaunting hindi pagkakaintindihan dito—kaya, anong uri nga ba ng isyu ang pagiging mapagsarili? (Ipinapahiwatig ng pagiging mapagsarili na mahina ang personalidad ng isang tao.) Ang pagkakaroon ng mahinang personalidad ay isang depekto ng pagkatao. Ang personalidad mismo ay isa ring aspekto ng mga likas na kondisyon ng isang tao, kaya ang katangiang ito ng pagiging mapagsarili ay parehong isang likas na kondisyon at isang depekto ng pagkatao. Hindi ito nabibilang sa isang tiwaling disposisyon at walang kinalaman dito ang sariling asal ng isang tao. Ang pagiging mapagsarili ay nangangahulugan ng palaging pag-iwas sa mga tao, pag-ayaw na ipagbigay-alam ang sariling mga kaisipan sa iba, pagiging mas gustong gumawa ng mga bagay-bagay nang mag-isa, pag-ayaw na makihalubilo sa iba, at pag-ayaw na manirahan kasama ang mga tao. Gusto lang ng gayong mga tao na manirahan sa isang kapaligiran na nag-iisa sila o sa isang sulok. Kapag maraming tao, ayaw nilang magsalita. Hindi sila mahusay sa pakikipag-usap sa iba. Kapag nakikipag-usap nga sila sa iba, nababalisa at natataranta sila, o humahantong sila sa mga kahiya-hiya at nakakaasiwang sitwasyon. Isa itong isyu sa personalidad sa loob ng mga likas na kondisyon at, siyempre, isa rin itong depekto ng pagkatao, tama ba? (Tama.)

Ngayon tingnan naman natin ang pagiging matatakutin—anong uri ng isyu ito? (Isang likas na kondisyon.) (Isang depekto ng pagkatao.) Isa itong likas na kondisyon at isa ring depekto ng pagkatao. Sabihin mo sa Akin, ano ang ibig sabihin ng pagiging matatakutin? Ang pagiging takot na lumabas sa gabi, takot sa mga daga, alupihan, at alakdan, gayundin ang pagiging takot na malagay sa gulo at pagiging ayaw humarap sa mga komplikadong isyu—lahat ng ito ay mga pagpapamalas ng pagiging matatakutin. Ang ilang tao ay nawawalan ng malay dahil sa sindak kapag nakakakita sila ng ahas. May ilan naman na nanginginig ang buong katawan sa sobrang takot kapag nababalitaan nila ang tungkol sa isang aksidente sa kotse. Ang ilang tao, pagkarinig na inuusig ang mga mananampalataya sa Diyos at maaaring arestuhin, sentensiyahan, at ikulong ang mga ito, ay sobrang natatakot na hindi na sila naglalakas-loob na manampalataya. Mayroon ding mga hindi nangangahas na sumakay sa mga roller coaster. Ang gayong mga tao ay hindi nangangahas na sumali sa o sumubok ng kahit anong bagay kung mayroong kahit maliit na bagay na hindi nila nakikilatis o kung isa itong bagay na hindi pa nila nagawa dati. Bukod sa hindi sila nangangahas na sumubok ng mapanganib na gawain o ng mga mapanganib na aktibidad, natatakot din sila na gumawa ng mga bagay na dapat gawin ng mga normal na tao sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kapag sinabihan silang mag‑aral na magmaneho, sasagot sila, “Hindi ako naglalakas-loob na magmaneho. Napakaraming kotse sa kalsada, at napakabilis nilang magpatakbo—paano kung mabangga ako?” Sasabihin naman ng isa, “Bakit ba palagi kang nag-aalala na mabangga? Hindi ba puwedeng mas mag-ingat ka na lang kapag nagmamaneho?” Pero natatakot pa rin sila: “Kapag umandar na ang kotse, hindi ko na ito kontrolado. Kung talagang may mangyayaring banggaan, walang makakakontrol niyon!” Palaging nasa negatibong direksiyon ang pag-iisip nila, kaya wala silang anumang nagagawa. Ang pagiging matatakutin ay isang likas na kondisyon, at isa rin itong depekto ng pagkatao. Ang mga taong matatakutin ay sobrang maingat at metikuloso sa lahat ng ginagawa nila. Kadalasang hindi sila gumagawa ng malalaking pagkakamali o ng malalaking maling gawain. Pero mula sa anumang perspektiba, hindi ito maituturing na merito—isa itong depekto ng pagkatao. Paano naman ang pagiging mapangahas? Anong mga termino ang karaniwang nauugnay sa pagiging mapangahas? (Ang pagiging hangal na mapangahas, pagkilos nang walang ingat dahil sa kapangahasan.) Ang “pagkilos nang walang ingat dahil sa kapangahasan,” “pagiging lubhang mapangahas,” at “pagiging walang sinasanto” ay pawang tumutukoy sa pagiging mapangahas. Kaya, mabuti ba ang pagiging mapangahas o hindi? (Depende ito sa usapin.) Nakadepende ito sa sitwasyon at sa kung anong uri ng tao sila. Kung titingnan mula sa perspektiba ng pagkatao, ang pagiging mapangahas ay hindi maikaklasipika bilang isang merito o pagkukulang—ikakategorya natin ito bilang isang likas na kondisyon. Dapat isaalang-alang ang kapangahasan ng isang tao batay sa usapin; dagdag pa rito, kailangan mong tingnan kung mayroon ba siyang mga hangganan sa paggawa ng mga bagay-bagay at kung ano ang karakter niya. Kung masama ang karakter niya, ang kapangahasan ay maaaring magtulak sa kanya na lumabag sa batas, gumawa ng kasamaan, at gumawa ng mga krimen, nagsasamantala, nakikinabang sa maling paraan, at nanggagantso at nandaraya sa iba kahit saan. Kung may mag-aalok sa kanya ng pera para gumawa ng masamang gawain, kaya niyang gawin iyon. Upang makapagsamantala, nangangahas siyang gawin ang anumang masamang gawa, nang hindi iniisip ang mga kahihinatnan o isinasaalang-alang ang iba. Mabuti ba ang ganitong pagkilos nang walang ingat dahil sa kapangahasan? (Hindi.) Ang ilang tao ay nanlilinlang ng iba sa lahat ng dako alang-alang sa kanilang negosyo. Ilegal ang negosyong pinapatakbo nila—isa lang itong kompanya sa papel na walang tunay na operasyon. Pero dahil sa kanilang kapangahasan na sinamahan ng kanilang abilidad na manlinlang, pansamantala silang yumayaman, tumitira sa mga villa, at nagmamaneho ng sedan—nagtatamasa sila ng napakagandang buhay, pero ang pera at mga pag-aaring tinatamasa nila ay pawang natamo lahat sa pamamagitan ng panlilinlang bilang resulta ng kanilang kapangahasan. Mabuting bagay ba ito? Sabihin mo sa Akin, mabuti ba ang ganitong kapangahasan? (Hindi.) Kung gayon, pagdating sa mga taong mapangahas, kailangan mong tingnan ang landas na tinatahak nila. Kung nangangahas silang manggantso at mandaya sa iba dahil sa kanilang kapangahasan, gumagawa sila ng malaking kasamaan. Habang mas nanlilinlang at mas nagsasamantala ka ng ibang tao, mas mabigat ang parusang matatanggap mo sa hinaharap, hindi ba? Hindi ba’t nagdudulot ito ng kalamidad? (Oo.) Kung matatakutin ka at gusto mong manggantso at mandaya ng iba, makikibahagi ka sa medyo mas kaunting panlilinlang, at magiging mas magaan ang parusang matatanggap mo sa hinaharap. Kaya, para sa mga taong hindi naglalakad sa tamang landas, mas mabuti ba para sa kanila na maging medyo matatakutin o medyo mapangahas? (Medyo mas mabuti ang maging medyo matatakutin.) Para sa mga taong ito na hindi tumatahak sa tamang landas, na may kakayahang manggantso at mandaya ng iba, na nagbabalewala sa batas at palaging naghahanap ng mga butas sa batas na malulusutan para sa mabilisang kita, at na kayang lumabag sa batas anumang oras, ang kapangahasan ay isang kalamidad—isa itong depekto at isang kabiguan sa kanilang pagkatao. Ang pagiging matatakutin, sa kabilang banda, ay nagiging isang mabuting bagay—isa pa nga itong pananggalang para sa kanila. Kumikita ng kaunting pera ang mga matatakuting tao para matustusan nila ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya at ng kanilang sarili, at nagtatamasa rin sila ng kaunting luho, at hanggang doon lang sila. Magiging mas magaan ang parusang matatanggap nila sa hinaharap. Ang mga taong mapangahas ay naglalakas-loob na walang-ingat na gumawa ng mga maling gawa, at nandaraya at nanggagantso ng iba, kinukuha ang pag-aari ng iba para sila mismo ay mas maraming matamasa. Sinasamantala nila ang iba—hindi ba’t kakailanganin nilang magbayad para dito sa hinaharap? (Oo.) Kung mayroon silang susunod na buhay, magiging mabigat ang parusang matatanggap nila roon—baka nga hindi nila magawang bayaran ito nang buo sa loob ng isa o dalawang buhay. Ginugugol ng ilang tao ang buong buhay nila sa pagpapatakbo ng restawran o negosyo, kumikita ng isa o dalawang milyon, o sampu-sampung milyon pa nga sa mga asset, pero hindi nila mismo natatamasa ang alinman dito dahil nagagamit ang lahat sa pagbabayad ng utang. Kahit pagdating ng panahon na nasa mga setenta o otsenta anyos na sila, hindi pa rin sila natatapos sa pagbabayad ng utang. Ano ang nangyayari dito? Ito ay kaswal na retribusyon—marahil dahil sa kanilang nakaraang buhay, napakarami nilang kinuha mula sa iba dahil sa kasakiman, kaya nagbabayad sila ng mga utang sa loob ng ilang buhay na ito. Hindi ba’t, sa nakaraan nilang buhay, sobra silang sakim, sobrang mapangahas, at labis-labis na nagsamantala sa iba, na nagreresulta sa retribusyon sa kasalukuyan nilang buhay? (Oo.) Para sa mga taong hindi tumatahak sa tamang landas, ang pagiging medyo matatakutin ay isang pananggalang para sa kanila, samantalang ang kapangahasan ay isang masamang palatandaan.

Kung tumatahak sa tamang landas ang isang tao, mabuting bagay ba ang kapangahasan? (Oo.) Ano ang mabuti rito? (Kung mapangahas siya, kaya pa rin niyang magpursigi sa pananampalataya sa Diyos kapag nahaharap sa pag-uusig.) Ang kapangahasang ito ay hindi lang tumutukoy sa tapang ng laman. Kung ito ay ang uri ng kapangahasan na tapang ng laman, ito ay kawalang-ingat at pagpapadalos-dalos—medyo pabigla-bigla at bulag ito. Halimbawa, kung mapangahas ka, at naaresto ka dahil sa pananampalataya sa Diyos, matatakot ka  ba na mapahirapan? Matatakot ka  ba sa kamatayan? Matatakot ka  ba na makulong sa loob ng dalawampu o tatlumpung taon? Kung matatakot ka, ang sinasabi mo na, “Hindi ako natatakot” nang magsimula kang manampalataya sa Diyos ay kawalang-ingat, hindi tunay na kapangahasan. Anong pagpapamalas ang hindi kawalang-ingat? Ito ay na, kapag nagsimula kang manampalataya sa Diyos, mayroon kang partikular na tapang, pero mayroon ka ring tunay na pananalig. Ano ang tinutukoy ng tunay na pananalig na ito? Nangangahulugan ito na sa pananampalataya sa Diyos, mayroon kang determinasyon: “Kung uusigin, aarestuhin, at pahihirapan ako dahil sa pananampalataya sa Diyos, kailangan kong maging handa na ialay ang buhay ko. Paano man ako pahirapan at gaano man kasaklap, hindi ko ipagkakanulo ang iglesia o hindi ako magiging isang Hudas—hindi ako natatakot sa kamatayan!” Ito ay isang aspekto. Ang isa pang aspekto ay na, kung tunay kang naaresto at inusig, at binabantaan ka ng malaking pulang dragon para ipagkanulo mo ang iglesia, nakikilatis mo ang mga pakana ni Satanas, at hindi ka napipigilan nito, at naninindigan ka sa iyong patotoo, nagsasabing, “Ang lahat ng tungkol sa isang tao, pati ang buhay at kamatayan niya, ay nasa mga kamay ng Diyos. Hindi ako natatakot!” Hindi ito kawalang-ingat o basta lang na tapang; ito ay tunay na pananalig. Ang pagkakaroon ng ganitong tunay na pananalig at ang magawang manindigan sa iyong patotoo ay iyong merito. Ipagpalagay nang wala kang tunay na pananalig at sinasabi mo lang, “Hindi ako natatakot—sa pinakamalala, kamatayan lang ito,” pero kapag nahaharap ka sa pagkakaaresto, sobra kang natatakot na naiihi ka na sa iyong pantalon. Pagkatapos maaresto, ang unang pumapasok sa isip mo ay, “Pahihirapan ba ako? Magdurusa ba ang aking laman? Kung may isang de-kuryenteng bakal na pantatak na ilalapat sa katawan ko, makakaya ko  ba ito? Kung matindi ang pagpapahirap, mamamatay ba ako? Kung mamamatay ako, hindi ba ako matatandaan ng Diyos? Hindi ko ba matatamo ang kaligtasan? Kung talagang hindi ko ito makakayanan, ipagkakanulo ko ang iglesia at magiging isa akong Hudas. Kung parurusahan at lilipulin ako matapos akong maging Hudas, bahala na—kahit papaano ay hindi ako magdurusa ng pasakit ngayon.” Sa ganoong kaso, hindi ba’t nawawala ang patotoo mo? Sabihin nating binabalaan ka naman ng Partido Komunista, ginagamit ang iyong pamilya para i-blackmail ka—hindi pinahihintulutan ang mga anak mo na makapasok sa unibersidad, tinatanggihan ang mga magulang mo makaakses sa medical insurance, ipinagkakait ang lahat ng karapatan ng iyong pamilya —kapag nagkagayon ay matatakot ka at hindi magkakaroon ng tunay na pananalig. Saan mapupunta ang tapang mo? Mapangahas ka ba talaga? Kung wala kang tunay na pananalig, ang kapangahasan mo ay kawalang-ingat lamang. Kapag mayroon kang tunay na pananalig ay saka lang tunay ang iyong tapang. Bago maaresto, kung iniisip mo na, “Hindi ako hahayaan ng Diyos na maaresto,” at nagiging mapangahas ka dahil sa kaisipang ito, hindi iyon tunay na lakas ng loob o tunay na pananalig. Ipagpalagay na, bago maaresto, napag-isipan mo na ang lahat ng ito at sinasabi mo, “Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ng isang tao. Kung talagang nais ng Diyos na kuhain ang buhay ko, dapat akong magpasakop. Para naman sa hantungan ko sa hinaharap, iyon ay itinatakda ng isang salita mula ng Diyos. Paano man ako tratuhin ng Diyos at anuman ang hantungang ipinagkakaloob Niya sa akin, lahat ito ay pagiging matuwid ng Diyos, at magpapasakop ako. Kung isinasaayos ng Diyos na mamatay ako sa bilangguan, karangalan ko iyon—handa akong ialay ang buhay na ito sa Diyos. Gaano kalaking pagdurusa man ang maranasan ko, magkakaroon ako ng isang di-nagbabagong kredo, iyon ay ang ipinagkakatiwala ko ang buhay ko sa mga kamay ng Diyos, at kahit paano ako pahirapan, wasakin, o dulutan ng pagpapahirap ni Satanas, hinding-hindi ako susuko rito. Hindi ako nag-aalala tungkol sa kung mamamatay ako. Kahit mamatay ako, nasa ilalim ito ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at pauna na Niya itong itinakda. Pasasalamatan at pupurihin ko pa rin ang Diyos!” Ito ang uri ng pananalig na dapat mayroon ka; tanging sa gayong pananalig ka magkakaroon ng tunay na tapang. Ipagpalagay na, bago ka maaresto, bago talagang mangyari iyon sa iyo, nakilatis mo na ang mga usaping ito, mayroon kang tunay na pananalig sa Diyos, tunay na pagpapasakop sa Diyos, at isang tunay na pagkaunawa at pagtanggap sa mga usapin ng buhay at kamatayan, at kaya mong ganap na ipagkatiwala ang iyong sarili sa mga kamay ng Diyos, at kapag tunay kang naaresto at nahaharap sa posibilidad ng kamatayan, nananatiling hindi nagbabago ang mga pagkaunawang ito sa puso mo—kung gayon, hindi matitinag ang pananalig mo. Kahit ano pa ang mga sitwasyon, kung hindi nadudurog o nagagapi ang pananalig mo, palagi kang magkakaroon ng tapang. Ipagpalagay na, bago ka maaresto, bago pa man talagang mangyari iyon sa iyo, hindi mo napag-isipan nang mabuti ang mga bagay na ito at nangangarap ka lang na nag-iisip na, “Handa akong ialay ang buhay ko. Bigay ng Diyos ang buhay ko—sa pinakamalala, mamamatay ako bilang isang martir para sa Diyos!” Sa ganoong kaso, kapag pinahihirapan ka na ng malaking pulang dragon at pagkatapos ay sinesentensiyahan ka ng sampung taon na pagkakakulong, matutulala ka: “Akala ko, ang pagkamatay na ang katapusan. Kapag naging martir ako, tatandaan ako ng Diyos. Hindi ko akalain na mabibigo akong manindigan sa patotoong iyon at, sa huli ay masesentensiyahan ng sampung taon. Sampung taon—hindi iyon sampung araw o sampung buwan! Paano ko ito magagawang tiisin?” Dahil hindi mo pa napag-isipan ang mga bagay na ito dati, magiging madali bang maunawaan ang mga ito sa pagkakataong ito? Magiging medyo mahirap ito, hindi ba? (Oo.) Kapag lumilitaw ang mga paghihirap, iniisip lang ng mga tao kung paano pangasiwaan ang mga ito at kung paano makakatakas mula sa mga ito. Kung malakas ang motibasyon mo na tumakas mula sa mga paghihirap, magiging lubhang mahina ang motibasyon mong umangkop sa mga ito sa gitna ng isang kalagayan. Samakatwid, kapag nahaharap sa mga paghihirap, nagiging napakahirap para sa iyo na magpasakop sa gayong kapaligiran. Kaya, paano dapat lutasin ang mga gayong sitwasyon? Dapat kaagad mong hanapin ang katotohanan at pag-isipan nang mabuti ang mga usaping ito; kailangan mo ring matukoy ang landas para sa kung paano mo dapat isagawa ang katotohanan. Halimbawa, kung ikukulong ka nang sampung taon, ano ang iisipin mo? “Ididiborsiyo ba ako ng misis (o mister) ko? Ilang taon na ang mga anak ko pagkatapos ng sampung taon? Hindi ko matutupad ang responsabilidad ko sa kanila—itatakwil ba nila ako at tatanggi ba silang alagaan ako sa aking pagtanda? Paano ako mabubuhay pagkatapos mapalaya? Pagkalipas ng sampung taon, matanda na ang mga magulang ko, at hindi ko matutupad ang responsabilidad ko sa kanila bilang anak—hindi ba’t gagawin ako niyon na isang hindi mabuting anak? Matatapos na ba ang gawain ng Diyos pagkatapos ng sampung taon? Wala akong anumang makakamit sa bilangguan—hindi ako makakadalo sa anumang pagtitipon, o makakapakinig sa anumang mga sermon, at hindi ko mauunawaan ang katotohanan. Hindi ba’t mapag-iiwanan na ako sa loob ng sampung taon na ito? Hindi ba’t ibig sabihin nito ay natiwalag na ako? Gugustuhin pa rin ba ako ng Diyos? Kung sasailalim ako sa pagdurusang ito, matatandaan ba ito ng Diyos? Kung hindi Niya ito matatandaan at hindi ko makakamit ang kaligtasan, hindi ba’t magiging walang saysay ang paggugol ko ng panahong ito sa bilangguan? Marami ang magbabago sa loob ng sampung taon, at wala akong makakamit habang nawawalan nang marami.” Kapag naiisip mo ang mga bagay na ito, lumilitaw ang mga paghihirap. Paano mo dapat harapin ang mga paghihirap na ito? Hindi ba’t dapat mong pag-isipan kung paano makakaraos sa bawat araw? Kung hindi mo pa napag-isipang mabuti ang mga bagay na ito at hindi ka pa nakarating sa isang punto kung saan nauunawaan mo ang katotohanan at malinaw mong nakikita ang mga usapin, kung gayon, kapag nahaharap ka sa pagkakaaresto, ang iyong buhay at kamatayan ay nakasalalay sa isang kaisipan: Ang isang sandali ng pagkamatatakutin at pagkatakot, ang iisang kaisipan o ideya, ay maaaring magsanhi na ikaw ay maging isang Hudas, na ipagkanulo mo ang iglesia, at sayangin ang lahat ng mga nauna mong pagsisikap. Kung hindi mo mapag-isipang mabuti at makilatis ang usaping ito, magiging napakahirap na hindi mag-alala tungkol sa kinabukasan at kapalaran mo, at magiging napakahirap na ipagkatiwala ang buhay at kamatayan mo sa mga kamay ng Diyos at hayaan Siya na mamatnugot ayon sa Kanyang kalooban. Kung hindi mo makilatis ang mga usapin ng buhay at kamatayan at tinataglay mo pa rin ang isang mentalidad ng pagsubok sa iyong suwerte, gustong iraos lang ang mga bagay-bagay, kung gayon, kapag sumapit sa iyo ang isang sitwasyon, ikaw ay mabubunyag. Ang lahat ng naging Hudas noong sila ay maaresto, pumipirma sa “Tatlong Pahayag,” ay ginawa iyon sa loob lang ng isang magdamag, at sila ay tinatakan ni Satanas ng tatak ng halimaw. Ang buhay at kamatayan ng tao ay nakasalalay minsan sa iisang kaisipan. Kung wala ang katotohanan, napakahirap malampasan ang mga krisis. Kaya, ano ang tunay na kapangahasan? Kung may natutupad ang isang tao sa pamamagitan ng pagsandig sa biglaang pagbuhos ng purong lakas, tunay na kapangahasan ba iyon? Hindi—ito ay pagiging pabigla-bigla. Ang tunay na matapang na tao ay mayroong partikular na antas ng pagkilatis sa puso niya tungkol sa maraming positibo at negatibong bagay. Kaya niyang sumang-ayon, tumanggap, at matatag na kumilala sa mga positibong bagay, umaabot sa punto na nakakapagpasakop siya sa katotohanan at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Sa ganitong paraan ka lang magkakaroon ng tunay na tapang. Kung hindi mo taglay ang mga bagay na ito sa puso mo, kahangalan lang ang kapangahasan mo—parang isang bagong panganak na guya na hindi natatakot sa tigre. Samakatwid, sa isang bansa na lumalaban sa Diyos, ang manampalataya at sumunod sa Diyos ay hindi lang nangangailangan ng tapang kundi, ang mas importante, nangangailangan ito ng pananalig. Naglalakas-loob kang manampalataya sa Diyos hindi dahil mapangahas ka, kundi dahil may pananalig ka. Sinasabi ng ilang tao, “Sa tingin ko, nananampalataya ako sa Diyos dahil lang mapangahas ako at hindi natatakot sa pang-uusig.” Maaaring tama ang pahayag na ito. Nananampalataya ka dahil sa kapangahasan, pero batay sa iyong kahangalan, kamangmangan, at kasimplehan, pinapakitaan ka ng Diyos ng espesyal na biyaya, naglalatag ng mga partikular na kapaligiran para sa iyo, at binibigyan ka rin ng pagdidilig at panustos ng katotohanan. Sa pamamagitan nito, nakakaunawa ka at nagkakamit ng marami-raming katotohanan. Sa paglipas ng panahon, ang kapangahasan mo ay nagkakaroon ng mga elemento ng tunay na pananalig, at saka lamang lumalago ang tapang mo, at mas naglalakas-loob kang humarap sa mga kapaligiran sa hinaharap o sa pang-uusig. Kung ang isang tao ay walang tunay na pananalig at umaasa lamang sa biglaang pagbuhos ng lakas, na nagsasabing, “Naglalakas-loob akong manampalataya sa Diyos! Hindi ako natatakot sa pang-uusig o pagkakaaresto at pagkakakulong!”—hindi tatagal ang ganoong uri ng tapang. Kung walang panustos ng katotohanan, kung hindi naglalatag ang Diyos ng mga kapaligiran sa tunay na buhay para sanayin ka, para makapagsagawa ka, at para turuan ka kung paano harapin ang iba’t ibang bagay, ang kapangahasan mo ay puro lakas-loob lamang, at hindi ito tunay na pananalig. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Kung tunay nga itong lakas-loob lang, ginagawa ka nitong walang ingat, hangal, at mangmang na tao. Ang ilang tao na nananampalataya sa Diyos ay mayroong mga napakasimpleng kaisipan, iniisip na tuwiran lang ang mga bagay-bagay, nang hindi inaasahan kahit kaunti kung ano ang mga panganib na kaugnay sa pagsunod sa Diyos. Pero kapag nakakatagpo sila ng mga balakid, saka lang nila napagtatanto na ang pagsunod sa Diyos ay hindi isang tuwirang usapin. Kung ang kapangahasan ng isang tao ay isang merito ng pagkatao, kung gayon, kahit papaano, siya ay simple at tuwiran, hindi komplikado, at hindi siya nag-aalala sa kung ano-ano. Pero ipagpalagay na ang kapangahasan mo ay nauudyukan ng iyong intensiyon na magtamo ng mga pagpapala, at iniisip mo, “Kung mananampalataya ka sa Diyos, makakapasok ka sa langit, magtatamo ng malalaking pagpapala, at makakatakas mula sa mga sakuna at makakaiwas sa kamatayan, kaya mananampalataya ako, anuman ang mangyari!” Sa madaling salita, ang pananampalataya mo ay bunsod ng biglaang pagbuhos ng mapangahas na purong lakas; sa simpleng paraan, hindi ito pagnanais mo na manampalataya sa Diyos; sa halip, ito ay paghabol sa mga pagpapala. Sa ganoong kaso, hindi na hihigit pa sa lakas-loob ang kapangahasan mo, at hindi ito maaaring iklasipika bilang isang merito ng pagkatao. Samakatwid, pagdating sa mga taong mapangahas, kailangan mong makita kung ano ang kanilang pagkataong diwa. Kung wala silang konsensiya at katwiran at may lakas-loob lang, kung gayon, maliit ang halaga nila at wala silang magagawa na anumang makabuluhan. Pero kung nagagawa nilang manampalataya sa Diyos at tanggapin ang katotohanan, may halaga ang gayong mga tao. Kung mapangahas ang isang tao pero walang abilidad na umarok, hindi makaunawa sa katotohanan, at nananampalataya lang sa Diyos alang-alang sa pagtamo ng mga pagpapala, at handa siyang talikuran ang kanyang pamilya at propesyon at hindi siya natatakot sa pang-uusig para makapagkamit ng mga pagpapala—kung gayon, hindi ito isang merito ng pagkatao, kundi isang maling kaisipan at pananaw. Umaayon  ba sa mga layunin ng Diyos ang mga maling kaisipan at pananaw? (Hindi.) Kung matatakutin o mapangahas man ang isang tao ay may kinalaman sa kanyang mga likas na kondisyon at wala itong masyadong kinalaman sa diwa ng kanilang pagkatao.

Kung hindi tayo nagbahaginan tungkol sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon, makikilatis ba ninyo ang mga ito nang kayo lang? (Marahil makikilatis namin ang mga simpleng pagpapamalas, pero hindi ang mga komplikado.) Ngayong napagbahaginan na ang kaibahan sa pagitan ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon, kaya na ba ninyong kilatisin ang mga ito ngayon? (Medyo nakikilatis na namin ito nang mas mabuti kaysa dati.) Kung magbibigay Ako ng ilan pang hindi karaniwang halimbawa, makikilatis ba ninyo ang mga ito batay sa ibinahagi Ko? Mahirap sabihin, hindi ba? Kaya sa susunod, ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol sa mga isyung kaugnay sa paksang ito. Habang mas nagbabahaginan tayo, matutukoy ninyo ang ilang panuntunan sa pagkilatis ng iba’t ibang uri ng isyu. Sa usapin ng iba’t ibang pagpapamalas ng pagkatao, mga likas na kondisyon, at mga tiwaling disposisyon, sa pangkalahatan ay makikilatis ninyo ang mga pagpapamalas na napagbahaginan na. Para sa mga hindi pa napagbahaginan, tanging ang mga taong may espirituwal na pang-unawa o ang mga marunong humanap sa katotohanan ang maaaring makakilatis sa ilan sa mga ito. Ang mga may mahinang kakayahan ay maaaring mabigo at hindi magawang makilatis ang mga ito, kaya kailangan nilang mas makinig pa at mas magtanong pa. Kung hindi natin pagbabahaginan ang tungkol sa mga isyung ito, mananatiling malabo ang mga ito sa inyo, at hindi rin magiging malinaw ang sasabihin ninyo; palaging magkakaroon ng puwang sa pagitan ng inyong pagkaunawa at dalisay na pagkaunawa sa katotohanan, hindi ba? (Oo.)

Ngayon ay nagbahaginan tayo tungkol sa mga usapin ng kakayahan. Makikilatis na  ba ninyo ngayon kung ano ang kakayahan ng mga tao? (Halos nakikilatis na namin ito.) Kung hindi ninyo ito makilatis, huwag kayong magmadali at danasin ninyo ang mga bagay-bagay. Sa pang-araw-araw na buhay, makakaharap ninyo ang mga usaping ito. Matutong ilapat sa tunay na buhay ang mga salitang mula sa pagbabahaginan natin, paunti-unting itinutugma ang mga ito sa mga pagpapamalas ng mga tao—kinikilatis ang iyong sarili at ang iba, kinikilala ang iyong sarili at ang iba. Unti‑unti, masusukat ninyo ang mga bagay na ito at magkakaroon kayo ng pamantayan sa paggawa nito. Lalong magiging malinaw ang mga prinsipyo sa pagtingin sa mga tao at bagay, pati na sa pag-asal at pagkilos mo. Marami na tayong napagbahaginan tungkol sa iba’t ibang aspekto ng pagkilatis sa mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Alinmang mga pagpapamalas o alinmang mga pagbubunyag ng pagkatao ang pinagbabahaginan natin, wala sa mga ito ang hungkag na mga salita—ang lahat ng bagay na ito ay maaaring maranasan, makita, at maramdaman sa tunay na buhay. Kaya, kailangan mong matutunang tingnan ang iba’t ibang bagay at uri ng tao sa pamamagitan ng pagtutugma ng mga salita ng Diyos sa mga ito. Kapag natuto kang itugma sa tunay na buhay ang iba’t ibang kalagayan at usapin mula sa ating pagbabahaginan, saka ka lang unti-unting makakausad sa pagtingin sa mga tao at bagay, pati na sa pag-asal at pagkilos mo, magkakaroon ng tumpak na pagkaunawa sa iba’t ibang usaping nauugnay sa katotohanan, at unti‑unting makakaarok sa iba’t ibang katotohanang prinsipyo. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Bagama’t ang mga usaping tinalakay natin ay pangunahing ginagamit para kilatisin ang iba’t ibang kalagayan at pagbubunyag na ipinapakita ng mga tao, at hindi direktang nagbibigay-kakayahan sa iyo na makaunawa at makapasok sa katotohanan, ang mga usaping ito ay pawang makakaapekto sa pag-unawa mo sa katotohanan at sa mga katotohanang prinsipyo, pati na sa iyong pagpasok sa katotohanan at sa mga katotohanang prinsipyo. Samakatwid, sa mga kuru-kuro ng mga tao, bagama’t maaaring tila may kinalaman lang sa pagkatao, mga likas na kondisyon, o ilang halatang tiwaling disposisyon ang mga usaping ito, ang bawat usapin at pahayag ay nauugnay sa pagpasok ng mga tao sa katotohanan. At kaya, ang mga usaping ito ay mga bagay na dapat mong harapin sa landas ng pagpasok sa katotohanan—hindi mo puwedeng iwasan ang mga ito. Ang iba’t ibang usapin at pagpapamalas ng pagkatao, positibo man o negatibo, ay pawang mga bagay na kakaharapin at makakatagpo mo sa iba’t ibang kapaligiran sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nahaharap sa iba’t ibang usapin, kung hindi mo makilatis ang alinman sa mga ito at gawing pangkalahatan ang lahat ng ito, hinggil sa mga katotohanang prinsipyo mula sa ating pagbabahaginan bilang mga regulasyon o doktrina, hinding-hindi ka makakapasok sa katotohanang realidad. Bakit ganoon? Dahil hindi mo kailanman mauunawaan kung ano ang katotohanan.

Sige, iyon na ang lahat para sa pagbabahaginan ngayong araw. Paalam!

Nobyembre 25, 2023

Sinundan: Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (7)

Sumunod: Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (9)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito