Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

746 Gaano Kalaki ang Pagkukulang Ninyo sa mga Hinihiling ng Diyos?

1 Anuman ang pinaniniwalaan ninyo, ang mga bagay na sinasabi at ginagawa Ko ay hindi sinadya upang maramdaman ninyo na parang binuhusan kayo ng malamig na tubig. Sa halip, ito ay sinadya upang mapahusay ang pag-unawa ninyo sa mga layunin ng Diyos, at mapahusay ang pagkaintindi ninyo sa kaisipan ng Diyos, sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit, kung anong uri ng tao ang kinagigiliwan ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng tao ang nais ng Diyos na makamit, at kung anong uri ng tao ang tinatanggihan ng Diyos. Ang nilalayon nito ay upang maliwanagan ang inyong kaisipan, upang matulungan kayong malaman nang malinaw kung gaano kalayo ang inilihis ng mga kilos at mga saloobin ng bawat isa sa inyo mula sa pamantayan na hinihiling ng Diyos.

2 Dahil alam Kong matagal na kayong nananampalataya, at nakinig sa napakaraming pangangaral, ngunit ito ang mga bagay na tiyak na pinakakulang. Itinala ninyo ang bawat katotohanan sa inyong kuwaderno, itinala rin ninyo ang personal na pinaniniwalaan ninyong mahalaga sa inyong isip at sa inyong puso. At plano ninyong gamitin ito upang masiyahan ang Diyos kapag isinasagawa ninyo, gamitin ito kapag nakita ninyong nangangailangan kayo, o gamitin ito upang malagpasan ninyo ang mahihirap na panahon na nasa harapan ninyo, o hinahayaan lang ninyo ang mga katotohanang ito na samahan kayo habang nabubuhay kayo.

3 Kung nagsasagawa lamang kayo, hindi mahalaga kung paano ang eksaktong pagsasagawa ninyo. Ano ngayon, ang napakahalagang bagay? Ito iyong habang ikaw ay nagsasagawa, alam ng iyong puso nang may ganap na katiyakan kung nais ng Diyos o hindi ang lahat ng iyong ginagawa, ang bawat kilos; kung nakasisiya sa mga layunin ng Diyos o hindi ang lahat ng ginagawa mo, lahat ng bagay na iniisip mo, at ang resulta at ang layunin na nasa iyong puso, kung nakapagsisilbi ba ang mga ito sa mga kahilingan ng Diyos, at kung sasang-ayunan ba ang mga ito o hindi ng Diyos. Ito ang mahahalagang bagay.

Hango sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Iniisip ng Diyos sa mga Gawa ng Tao

Sumunod:Yaon Lamang mga Taos na Naglilingkod kay Cristo ang Pinupuri ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin