247 O Diyos, Ang Puso Ko ay Nabibilang Na sa Iyo

1 O Diyos, ang lahat ng Iyong mga salita ay ang katotohanan. Nagagawa kong makita nang malinaw ang aking sarili dahil sa mga paghahayag ng Iyong mga salita. Bagaman dati kong isinisigaw ang aking pag-ibig sa Iyo, nakatuon sa Iyo, at iniwan ang mga bagay para sa Iyo, lahat iyon ay upang makamit ang pagpapala at ang putong. Nadarama ko ang labis na pagsisisi sa aking puso, at tunay na napakahamak na makipagtawaran sa Iyo. Ang iyong paghatol at pagkastigo ang dumalisay sa akin at nagtanggal ng mga karumihan mula sa aking pananampalataya. O Diyos! Ang puso ko ay nabibilang na sa Iyo. Alam ko na ngayon ang Iyong matuwid na disposisyon. Ang Iyong mabubuting salita ay nakaukit sa aking puso. Nais Kitang mahalin hanggang sa walang hanggan.

2 O Diyos, ang lahat ng Iyong mga salita ay ang katotohanan. Ikaw ang nagdadalisay at nagliligtas sa akin sa pamamagitan ng Iyong mga salita. Sumasailalim ako sa napakaraming pagtutuwid at pagdidisiplina, napakaraming pagpupungos at pagwawasto, lahat ay dahil ubod ng tigas ang ulo ko at mapaghimagsik ako. Bagaman ang puso ko ay nasa matinding pasakit, naranasan ko kung gaano katunay ang Iyong pag-ibig. Sa pagiging nahatulan natuto akong sumunod, at ninanais kong tuparin ang aking tungkulin upang suklian ang Iyong pag-ibig. O Diyos! Ang puso ko ay nabibilang na sa Iyo. Ang Iyong pagiging matuwid ay tunay na totoo at kaibig-ibig. Ang Iyong mabubuting salita ay nakaukit sa aking puso. Nais Kitang mahalin hanggang sa walang hanggan.

3 O Diyos, ang lahat ng Iyong mga salita ay ang katotohanan. Ang Iyong mga salita ang batayan ng aking buhay. Sa pamamagitan ng pag-uusig, mga paghihirap, mga pagsubok, at pagpipino, lagi kong kasama ang mga salita Mo. Magiliw kong naaalala ang mga taon ng paghihirap at pasakit; ang Iyong pagiging kaibig-ibig ay nananatiling laging nasa aking puso. Ang Iyong mga salita ay ginawang perpekto ang aking pananampalataya; hindi na ako muling mawawalan ng pag-asa o mapanghihinaan ng loob. O Diyos! Ang puso ko ay nabibilang na sa Iyo. Tanging Ikaw ang pinakamahusay at ang pinakamaganda. Ang Iyong mabubuting salita ay nakaukit sa aking puso. Nais Kitang mahalin hanggang sa walang hanggan.

Sinundan: 246 Paghahangad Lamang sa Katotohanan ang Makapagdudulot ng Buhay

Sumunod: 248 Ang Taos-Pusong Pagmamahal ng Diyos

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger