Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

555 Hindi pa Talaga Naibibigay ng mga Tao ang Kanilang Puso sa Diyos

1 Kahit ang tao ay naniniwala sa Diyos, walang Diyos sa puso ng tao, at hindi niya alam kung paano mahalin ang Diyos, ni hindi niya rin gustong mahalin ang Diyos, dahil ang kanyang puso ay hindi kailanman lumalapit sa Diyos at siya ay palaging umiiwas sa Diyos. Bilang resulta, ang puso ng tao ay malayo mula sa Diyos. Kahit pinahihintulutan ng tao ang Diyos na tumingin sa loob ng kanyang puso, hindi ito nangangahulugan na siya ay may kakayahang sumunod sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos, ni hindi rin ibig sabihin na iniwan niya ang kanyang kapalaran at mga inaasam at ang kanyang lahat sa ilalim ng kontrol ng Diyos. Kaya, kahit pa anong mga pangako ang ginawa mo sa Diyos o anong ipinahayag mo sa Kanya, sa mga mata ng Diyos sarado pa rin ang iyong puso sa Kanya, dahil hinahayaan mo lang ang Diyos na tingnan ang iyong puso ngunit hindi Siya pinapayagang pamahalaan ito. Sa ibang salita, hindi mo pa talaga binibigay ang iyong puso sa Diyos, at nagsasalita lang ng magandang pakinggan na mga salita para marinig ng Diyos; ang iyong iba’t ibang mapanlinlang na mga balak, samantala, ay iyong itinatago sa Diyos, kasama na ang iyong mga lihim na pakana, panlilinlang, at plano, at hinahawakan mong mahigpit ang iyong mga inaasam at kapalaran sa iyong mga kamay, na may matinding takot na kukunin sila ng Diyos. Kaya, ang Diyos ay hindi kailanman tumingin sa katapatan ng tao sa Kanya.

2 Kahit nagmamasid ang Diyos sa kailaliman ng puso ng tao, at makakakita kung ano ang iniisip ng tao at mga nais gawin sa kanyang puso, at makakakita kung anong mga bagay ang nakatago sa kanyang puso, ang puso ng tao ay hindi pag-aari ng Diyos, hindi niya ito ibinigay para sa pamamahala ng Diyos. Sa tamang salita, ang Diyos ay may karapatan na magmasid, ngunit wala Siyang karapatan na mamahala. Sa pansariling kamalayan ng tao, hindi gusto at walang balak ang tao na iwan ang kanyang sarili sa pagsasaayos ng Diyos. Hindi lamang isinara ng tao ang kanyang sarili sa Diyos, ngunit mayroon pang mga taong nag-iisip kung paano itatago ang kanilang mga puso, gamit ang mga kaakit-akit na mga salita at labis-labis na papuri para lumikha ng maling impresyon at makuha ang tiwala ng Diyos, at itinatago ang kanilang tunay na katauhan sa paningin ng Diyos.

Hango sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Talaga bang Namumuhay Ka Ayon sa mga Salita ng Diyos?

Sumunod:Ang Panlilinlang ng Tao sa Diyos ay Laganap sa Kanilang mga Gawa

Baka Gusto Mo Rin