315 Ang Magkimkim ng mga Kuru-kuro Tungkol kay Cristo ay Paglaban sa Diyos

I

Sa mga isipan niyo, ang Diyos sa langit

ay nakatataas, dakila’t matuwid,

karapat-dapat sambahin at hangaan,

habang itong Diyos sa lupa’y panghalili lang,

isang kasangkapan ng Diyos sa langit,

at ‘di makakapantay sa Kanya,

lalong hindi dapat ikumpara sa Kanya.


Naniniwala kayong kadakilaan

at karangalan ng Diyos

ay nabibilang sa kaluwalhatian ng Diyos sa langit,

ngunit tungkol sa kalikasan at katiwalian ng tao,

mga katangian itong

may bahagi ang Diyos sa lupa.


Ang pagtanaw niyo sa mga gawa ni Cristo,

ang pagsuri sa lahat ng gawain Niya,

pagkakakilanlan at diwa Niya’y

mula sa pananaw ng mga ‘di matuwid.

Ang pagtanaw niyo sa lahat ng ito’y

mula sa pananaw ng buktot.


II

Sa tingin mo Diyos sa lupa ay mahina,

hamak at walang kakayahan,

habang ang Diyos sa langit ay matayog

magpakailanman, ‘di nadadala sa damdamin,

sa katunayan sa pagkamatuwid lang;

Diyos sa lupa’y may makasariling motibo lang,

at higit pa’y walang katarungan o katwiran.


Sa tingin niyo ang Diyos sa langit

ay laging tapat at totoo,

habang ang Diyos sa lupa’y

laging may ‘di tapat na katangian;

mahal na mahal ng Diyos sa langit ang tao,

habang ang Diyos sa lupa ay walang pakialam

at pinababayaan ang tao.


Ang pagtanaw niyo sa mga gawa ni Cristo,

ang pagsuri sa lahat ng gawain Niya,

pagkakakilanlan at diwa Niya’y

mula sa pananaw ng mga ‘di matuwid.

Ang pagtanaw niyo sa lahat ng ito’y

mula sa pananaw ng buktot.


III

Maling kaalamang ito’y

matagal nang nakakimkim sa puso niyo,

at maa’ring magpatuloy sa hinaharap.


Nakagawa kayo ng matinding pagkakamali,

gumagawa ng ‘di pa nagawa ng nauna sa inyo:

naglilingkod sa Diyos sa langit lang

na may korona sa ulo Niya,

‘di ang Diyos sa lupang

tingin niyo’y napakahamak,

Siya ay ‘di niyo nakikita.

‘Di ba’t halimbawa ‘to

ng paglabag niyo sa disposisyon ng Diyos?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa

Sinundan: 314 Sino ang Masasamang Sumusuway sa Diyos?

Sumunod: 316 Kawalang-Katarungan Lamang ang Nasa Puso Ninyo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito