Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Paano ba talaga dapat mahiwatigan ng isang tao ang tinig ng Diyos? Paano mapapagtibay ng isang tao na ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus?

5

1. Paano ba talaga dapat mahiwatigan ng isang tao ang tinig ng Diyos? Paano mapapagtibay ng isang tao na ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Una, kaya Niyang magbukas ng isang bagong kapanahunan; ikalawa, kaya Niyang magtustos ng buhay ng tao at ipakita sa tao ang landas na dapat sundan. Ito ay sapat na upang mapagtibay na Siya ay Diyos Mismo. Sa paanuman, ang gawaing Kanyang ginagawa ay kayang lubos na katawanin ang Espiritu ng Diyos, at mula sa gayong gawain ay makikita na ang Espiritu ng Diyos ay nasa loob Niya. Dahil ang gawain na ginawa ng nagkatawang-taong Diyos sa pangunahin ay para ipasok ang isang bagong kapanahunan, pangunahan ang bagong gawain, at magbukas ng mga bagong kalagayan, ang ilang mga kundisyong ito ay sapat na upang magpatunay na Siya ay Diyos Mismo.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

… awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos ay malinaw na ipinakita sa pagkakagamit ng mga salita ng pagbigkas ng Diyos. Halimbawa, kapag sinabi ng Diyos “ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging … ikaw ay ginawa kong … ikaw ay aking gagawing…,” ang mga pararila na tulad ng “ikaw ay ginawa” at “Aking gagawing,” kung saan ang mga pagkakagamit ay nagpapakita ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at awtoridad ng Diyos, na sa ibang salita, ay indikasyon ng katapatan ng Maylalang; sa ibang pang salita, ito’y mga espesyal na mga salita na ginamit ng Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Maylalang—gayun din bilang bahagi ng nakasanayang talasalitaan. …

… Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad, at ang di maiwasang katuparan ng katotohanan, ay hindi matatamo at hindi madadaig ng sinumang nilikha o di-nilikhang nabubuhay. Tanging ang Maylalang lamang ang may kakayahang makipag-usap sa sangkatauhan nang may naturang tono at intonasyon, at napatunayan ang mga katotohanan na hindi salitang walang laman ang Kanyang mga pangako, o mga walang kwentang kayabangan, ngunit pagpapahayag ang mga ito ng natatanging awtoridad na di madadaig ng sinumang tao, bagay, o paksa.

… Kapag ipinahayag ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, pagbubunyag at pagpapahayag ang mga ito ng totoong disposisyon ng Diyos, perpektong pagbubunyag at pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Diyos, at wala nang iba na mas angkop at akma bilang katibayan ng pagkakakilanlan ng Maylalang. Ang paraan, tono, at paggamit ng mga salitang pagbigkas ay mga tiyak na marka ng pagkakakilanlan ng Maylalang, at tumutugma ng perpekto sa pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at walang pagdadahilan, o karumihan sa mga ito; ang mga ito ay, kumpleto at inihahayag ang perpektong pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Maylalang.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang tinutumbok ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, naririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan.

mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain at lahat ng nakikita ng tao sa Diyos sa lupa ay higit sa karaniwan. Ang pinagmamasdan mo gamit ang iyong mga mata at ang naririnig mo gamit ang iyong mga tainga ay ang lahat ng di-pang karaniwan, dahil ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay hindi kayang unawain at hindi matamo ng tao. Kung dinala sa lupa ang isang bagay ng langit, paano ito magiging ano pa man kundi higit sa karaniwan? Dinala sa lupa ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, mga hiwagang hindi maunawaan at hindi maarok ng tao, na masyadong nakakamangha at matalino—hindi ba silang lahat ay higit sa karaniwan? ... Anong gawain ang ginawa ng nagkatawang-taong Diyos ang hindi di-pangkaraniwan? Ang Kanyang mga salita ay mahirap maunawaan at hindi matatamo sa iyo, at ang Kanyang gawain ay hindi makakayang gawin ng sinumang tao. Ang nasa Kanyang pagkaunawa ay hindi maaaring mauunawaan ng tao, at ni hindi rin nalalaman ng tao kung saan nagmula ang Kanyang kaalaman. Sinasabi ng ilan, ako ay karaniwan ding kagaya Mo, paanong hindi ko nalalaman ang nalalaman Mo? Ako ay mas matanda at mas mayaman sa karanasan, ngunit paanong nalalaman Mo yaong hindi ko nalalaman? Ang lahat ng ito ay hindi matatamo sa tao. Nandiyan pa yaong mga nagtataka: Walang sinuman ang tunay na nakaaalam sa gawain na ipinatupad sa Israel; paano Mong nalaman? Maging ang mga mamamahayag ng Biblia ay hindi makapagbigay ng paliwanag; paano Mong malalaman? Hindi ba ang lahat ng mga ito ay mga bagay na di-pangkaraniwan? Hindi Siya nagdanas ng anumang mga kababalaghan, ngunit nalalaman Niya ang lahat at ang salita ay dumarating sa Kanya nang napakadali. Hindi ba ito di-pangkaraniwan? Nilampasan ng Kanyang gawain yaong maaaring matamo ng katawang-tao. Ang gayong gawain ay hindi talaga maaaring makamit ng pag-iisip ng sinumang tao at ito ay lubos na malayong mangyari sa isip at katuwiran ng tao. Bagamat hindi pa Niya kailanman binasa ang Biblia, nauunawaan Niya ang gawain ng Diyos sa Israel. At bagamat Siya ay nakatayo sa lupa habang Siya ay nagsasalita, sinasalita Niya ang mga misteryo ng ikatlong langit. Kapag tinitingnan ng tao ang mga salitang ito, isang damdamin ang nakapagtatagumpay sa tao, “Hindi ba ito ang wika ng ikatlong langit?” Hindi ba ang lahat ng mga ito ay mga bagay na lumalampas sa kung ano ang makakayang tamuhin ng karaniwang tao?

mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Alam Niyang lubos ang kakanyahan ng tao, anupa’t kaya Niyang ibunyag ang lahat ng uri ng mga pagsasagawa na may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao. Mas mahusay pa nga Siya sa pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao at suwail na pag-uugali. Hindi Siya namumuhay sa gitna ng makasanlibutang mga tao, nguni’t alam Niya ang kalikasan ng mga mortal at ang lahat ng mga katiwalian ng makasanlibutang mga tao. Ito ay kung ano Siya. Kahit hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga tuntunin sa pakikitungo sa mundo, sapagka’t lubos Niyang nauunawaan ang kalikasan ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Espiritu na hindi nakikita ng mga mata ng tao at hindi naririnig ng mga tainga ng tao, maging ngayon at noong nakaraan. Kasama rito ang karunungan na hindi isang saligang-kaisipan ng buhay ng tao at himalang hindi maarok ng mga tao. Ito ay kung ano Siya, ginawang bukas sa mga tao at nakatago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinahahayag ay hindi ang kung ano ang isang hindi-pangkaraniwang tao, kundi ang likas na mga katangian at kabuuan ng Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa buong mundo nguni’t alam Niya ang lahat tungkol dito. Nakikipag-ugnayan Siya sa mga “unggoy na hawig sa tao” na walang kaalaman o pananaw, nguni’t nagpapahayag Siya ng mga salita na mas mataas sa kaalaman at mas higit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng pangkat ng mapupurol-ang-isip at manhid na mga tao na walang pagkatao at hindi nakakaunawa sa mga kalakaran at buhay ng tao, nguni’t kaya Niyang hingin sa sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at mababang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay kung ano Siya, mas mataas sa kahit anong laman-at-dugong tao. Para sa Kanya, hindi kailangang makaranas ng isang magulo, mahirap at nakakarimarim na buhay panlipunan upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang kakanyahan ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakakarimarim na buhay panlipunan ay hindi nakapagtataas sa Kanyang laman. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagkamasuwayin ng tao at hindi nagkakaloob sa tao ng karanasan at mga aralin sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ang tao ng buhay. Ang paglalantad at paghatol sa tao ay hindi isang pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang laman; ito ay upang ibunyag ang di-pagkamatuwid ng tao pagkatapos alamin na pangmatagalan ang pagkamasuwayin ng tao at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay upang ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang Kanyang kabuuan. Siya lamang ang maaaring gumawa nito, hindi ito isang bagay na maaring makamit ng laman-at-dugong tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, ang kanilang kaalaman sa Kanya ay Siya at hindi maunawaan, marunong at kamangha-mangha, at hindi nila namamalayang iginagalang na nila Siya at nararamdaman ang hiwaga ng gawain na ginagawa Niya, na hindi maarok ng isip ng tao. Gusto lamang ng mga tao na maabot ang Kanyang mga kahilingan, upang masapatan ang Kanyang pagnanasa; hindi nila nais na malampasan Siya, sapagkat ang gawain na ginagawa Niya ay higit sa iniisip at guni-guni ng tao at hindi maaaring gawin ng tao. Kahit ang tao mismo a hindi alam ang kanyang sariling kakulangan, habang binubuksan Niya ang isang bagong landas at magdadala sa tao sa mas bago at higit na magandang mundo, upang ang sangkatauhan ay makagawa ng bagong pagsulong at magkaroon ng bagong simula. Ang nararamdaman ng tao para sa Kanya ay hindi paghanga, o sa halip ay hindi lamang paghanga. Ang kanilang pinakamalalim na karanasan ay pangimi at pag-ibig, ang kanilang pakiramdam ay ang Diyos ang talagang kamangha-mangha. Gumagawa Siya ng hindi maaaring gawin ng tao, nagsasabi Siya ng mga bagay na hindi kayang sabihin ng mga tao. Ang mga taong nakaranas ng Kanyang gawain ay laging nakararanas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang mga tao na may mas malalim na karanasan ay natatanging mahal ang Diyos. Lagi nilang nararamdaman ang Kanyang pagiging mapagmahal, nararamdaman na ang Kanyang gawain ay napakarunong, nakamamangha, at sa gayon ay lumikha ng walang katapusang kapangyarihan sa kanilang kalagitnaan. Hindi takot o paminsang-minsang pag-ibig o paggalang, sa halip ay malalim na pakiramdam sa pagkahabag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit, ang mga tao na nakaranas ng Kanyang pagkastigo at paghatol ay nararamdaman Siya bilang makahari at hindi marahas.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!

mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay binabasa “bilang para.”