Pagsusuri at Pagkikilatis sa mga Alingawngaw at Kasinungalingan ng Pamahalaan ng CCP at ng Relihiyosong Mundo (1)
(1) Alingawngaw Blg. 1: Ang paniniwala sa Diyos at pangangaral ng ebanghelyo ay paggambala sa kaayusang panlipunan at pagkilos laban sa Partido at gobyerno.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:18–20).
“Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15).
“Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa” (Mga Gawa 1:8).
“At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan” (Pahayag 14:6).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bayan o bansa ay pinamamahalaan ng Diyos. Pinamamahalaan ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay may malapit na ugnayan, at walang tao, bayan o bansa ang hindi saklaw ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, dapat siyang humarap sa Diyos. Pasasaganain ng Diyos ang mga sumusunod at sumasamba sa Kanya, at Siya’y magdadala ng pagbagsak at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Ang gawain ng bawat kapanahunan ay pinasisimulan ng Diyos Mismo, ngunit dapat mong malaman na, anuman ang paraan ng paggawa ng Diyos, hindi Siya dumarating upang magsimula ng isang kilusan, o magdaos ng espesyal na mga pagpupulong, o magtatag ng anumang uri ng organisasyon sa inyong ngalan. Siya ay dumarating lamang upang tuparin ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay hindi napipigilan ng sinumang tao. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa kung paano Niya naisin; kahit na ano ang isipin o alam ng tao dito, ang alalahanin lamang Niya ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang gawain. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, nagkaroon na ng tatlong yugto ng gawain; mula kay Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay hindi kailanman nagtawag ng espesyal na pagpupulong para sa tao, o pinagtipun-tipon man ang buong sangkatauhan upang magkaroon ng espesyal na pandaigdigang pagpupulong at sa gayon ay palawakin ang sakop ng Kanyang gawain. Ang ginagawa lamang Niya ay ang isagawa ang paunang gawain ng isang buong kapanahunan sa isang angkop na panahon at sa isang angkop na lugar, at sa gayon inihahatid ang kapanahunan at inaakay ang lahi ng tao kung paano mamuhay ng kanilang mga buhay. Ang mga espesyal na pagpupulong ay ang mga pagsasama-sama ng tao; gawain ng tao ang sama-samang pagtitipon ng mga tao upang ipagdiwang ang mga araw ng kapistahan. Hindi sinusunod ng Diyos ang mga araw ng kapistahan at, higit pa rito, itinuturing ang mga ito na kasuklam-suklam; hindi Siya nagdaraos ng espesyal na mga pagpupulong at lalo pang itinuturing na kasuklam-suklam ang mga ito. Ngayon dapat mong maunawaan kung ano ba mismo ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao!
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3
Ang lahat ng tao ay kailangang maunawaan ang mga layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyon ay, ang nais Kong makamit sa huli at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito magiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, hindi ba walang kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko? Kung sumusunod ang mga tao sa Akin, dapat alam nila ang Aking kalooban. Gumagawa na Ako sa lupa sa loob ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito, ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman maraming proyekto ang nilalaman ng Aking gawain, ang layunin ng gawaing ito ay nananatiling hindi nagbabago; halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng bansang Gentil sa sandaling ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang lugmok sa pagkabigo, patuloy pa rin Ako sa Aking gawain, ipinagpapatuloy ang gawain na dapat Kong gawin upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanang ang tao ay puno na sa Aking sinasabi, at wala siyang pagnanasang makialam sa Aking gawain, isinasakatuparan Ko pa rin ang Aking tungkulin, sapagkat ang layunin ng Aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago, at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang silbi ng Aking paghatol ay ang bigyang-kakayahan ang tao na maging mas mahusay sa pagsunod sa Akin, at ang silbi ng Aking pagkastigo ay ang tulutan ang tao na mas mabisang mabago. Bagaman ang Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang bagay na walang pakinabang sa tao, dahil nais Kong gawin ang lahat ng bansa sa labas ng Israel na kasing masunurin ng mga Israelita, at gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon ay may panghahawakan Ako sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang gawain na Aking tinutupad sa mga bansang Gentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nakakaunawa sa Aking pamamahala, sapagkat wala silang interes sa mga bagay na ito, kundi may pakialam lamang sa kanilang mga sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, ang mga tao ay wala pa ring malasakit sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay nakatuon lamang sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay-bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapapalawak ang Aking gawain? Paano mapapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumawak, ikakalat Ko kayo, at hahampasin Ko kayo, gaya ng paghampas ni Jehova sa bawat tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang mapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, para makarating ito sa mga bansang Gentil, nang sa gayon ang Aking pangalan ay dadakilain ng kapwa matatanda at mga bata, at ang Aking banal na pangalan ay dadakilain ng bibig ng mga tao mula sa lahat ng tribo at bansa. Ito ay upang sa huling kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa at tatawagin nila Akong ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at upang ang Aking mga salita ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng bansa ng mga Gentil, kahit na yaong Aking isinumpa. Hahayaan Kong makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano sa paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na tutuparin sa mga huling araw.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao
Ano ang layunin ng malawakang pagpapalaganap ng ebanghelyo? Gaya nang patuloy na sinasabi mula nang magsimula ang bahaging ito ng gawain, naparito ang Diyos upang gampanan ang Kanyang gawain sa panahong ito upang pasinayaan ang isang bagong kapanahunan, upang paratingin ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang luma, isang katunayan na maaari nang makita sa mga naririto ngayon at natupad na. Ibig sabihin, gumaganap ng bagong gawain ang Diyos, at tinanggap na ito ng mga tao dito at lumitaw na mula sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, hindi na nagbabasa pa ng Biblia, hindi na nabubuhay pa sa ilalim ng krus, hindi na isinisigaw pa ang pangalan ng Panginoong Jesus ang Tagapagligtas, ngunit magkakasabay na nananalangin sa pangalan ng Diyos ng kasalukuyan at tinatanggap ang mga salitang ipinapahayag ngayon ng Diyos at tinatanggap ang mga ito bilang mga prinsipyo ng pagkaligtas ng buhay, mga pamamaraan, at mga layunin ng buhay ng tao. Sa ganitong paraan, hindi pa ba nakapasok sa isang bagong kapanahunan ang mga tao rito? Sa anong kapanahunan, kung gayon, nabubuhay ang mas maraming taong hindi tumanggap sa ebanghelyong ito at mga salitang ito? Nabubuhay pa rin sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Trabaho na ninyo ngayong ilabas ang mga taong ito mula sa Kapanahunan ng Biyaya at papasukin sila sa bagong kapanahunang ito. Magagampanan mo ba ang tagubiling ito sa pamamagitan lamang ng pananalangin at pagtawag sa pangalan ng Diyos? Sapat na bang mangaral lamang ng ilang mga salita ng Diyos? Tiyak na hindi; kinakailangan na lahat kayo’y tumanggap ng pananagutan para sa tungkuling pagpapalaganap ng ebanghelyo, ng malawakang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos, ng pagpapalaganap at pagpapalawak ng kanilang abot. Ano ang kahulugan ng “pagpapalawak ng kanilang abot”? Nangangahulugan ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos nang lagpas sa mga taong naririto; nangangahulugan ito nang pagpapabatid sa higit pang maraming tao tungkol sa bagong gawain ng Diyos, at pagkatapos ay ipangaral ang mga salita ng Diyos sa kanila. Nangangahulugan ito na gamitin ang inyong karanasan upang magpatotoo sa gawain ng Diyos at dalhin din sila sa bagong kapanahunan. Sa gayon, sila’y magiging katulad ninyo. Ang layunin ng Diyos ay malinaw—nais niya na hindi lamang kayo na nakarinig at tumanggap sa Kanyang mga salita at nagpasimulang sumunod sa Kanya ang makapasok sa bagong kapanahunan; nais Niyang pangunahan ang buong sangkatauhan papasok sa bagong kapanahunan. Ito ang layunin ng Diyos, at isang katotohanan ito na dapat maunawaan ng bawat taong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan. Hindi pinapangunahan ng Diyos ang isang pangkat o maliit na grupo ng mga tao papasok sa bagong kapanahunan, kundi pinapangunahan ang buong sangkatauhan papasok sa bagong kapanahunan. Upang makamit ang layuning ito, kinakailangan na malawakang maipalaganap ang ebanghelyo, at gumamit ng maraming pamamaraan at daluyan upang magawa ito.
mula sa “Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao” sa Paglalantad sa mga Anticristo
(2) Alingawngaw Blg. 2: Isang kulto ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang paglipas ng mga kapanahunan, pag-unlad ng lipunan, at pagpapalit ng anyo ng kalikasan ay sumusunod na lahat sa mga pagbabago sa tatlong yugto ng gawain. Nagbabago ang sangkatauhan sa paglipas ng panahon kasabay ng gawain ng Diyos, at hindi umuunlad mag-isa. Binabanggit ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang dalhin ang lahat ng nilalang, at lahat ng tao ng bawat relihiyon at denominasyon, sa ilalim ng kapamahalaan ng isang Diyos. Saanmang relihiyon ka nabibilang, sa huli ay magpapasakop kayong lahat sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Ang Diyos lamang Mismo ang maaaring magsagawa ng gawaing ito; hindi ito magagawa ng sinumang pinuno ng relihiyon. May ilang pangunahing relihiyon sa mundo, at bawat isa ay may sariling pinuno, o lider, at ang mga alagad ay nagkalat sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa buong mundo; halos bawat bansa, malaki man o maliit, ay may iba’t ibang relihiyon sa loob nito. Gayunman, gaano man karami ang mga relihiyon sa buong mundo, lahat ng tao sa loob ng sansinukob ay umiiral sa huli sa ilalim ng patnubay ng isang Diyos, at ang kanilang pag-iral ay hindi ginagabayan ng mga pinuno o lider ng relihiyon. Ibig sabihin, ang sangkatauhan ay hindi ginagabayan ng isang partikular na pinuno o lider ng relihiyon; sa halip, ang buong sangkatauhan ay pinamumunuan ng Lumikha, na lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at lumikha rin sa sangkatauhan—at ito ay totoo. Bagama’t ang mundo ay may ilang pangunahing relihiyon, gaano man kalaki ang mga ito, lahat sila ay umiiral sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at walang isa man sa kanila ang makalalampas sa saklaw ng kapamahalaang ito. Ang pag-unlad ng sangkatauhan, pagpapalit ng lipunan, pag-unlad ng mga sangay ng siyensya patungkol sa pisikal na mundo—bawat isa ay hindi maihihiwalay mula sa mga plano ng Lumikha, at ang gawaing ito ay hindi isang bagay na magagawa ng sinumang pinuno ng relihiyon. Ang isang pinuno ng relihiyon ay pinuno lamang ng isang partikular na relihiyon, at hindi maaaring kumatawan sa Diyos, ni hindi nila maaaring katawanin ang Isa na lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay. Ang isang pinuno ng relihiyon ay maaaring mamuno sa lahat ng nasa loob ng buong relihiyon, ngunit hindi nila mauutusan ang lahat ng nilalang sa silong ng kalangitan—tanggap ng buong sansinukob ang katunayang ito. Ang isang pinuno ng relihiyon ay isang pinuno lamang, at hindi makakapantay sa Diyos (ang Lumikha). Lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Lumikha, at sa katapusan ay babalik silang lahat sa mga kamay ng Lumikha. Ang sangkatauhan ay ginawa ng Diyos, at anuman ang relihiyon, bawat tao ay babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos—hindi ito maiiwasan. Diyos lamang ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay, at ang pinakamataas na pinuno sa lahat ng nilalang ay kailangan ding bumalik sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, hindi niya madadala ang sangkatauhan sa isang angkop na hantungan, at walang sinumang nagagawang ibukod ang lahat ng bagay ayon sa uri. Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan at ibinukod ang bawat isa ayon sa uri, at pagdating ng mga huling araw ay gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain, na ibinubukod ang lahat ng bagay ayon sa uri—ang gawaing ito ay hindi magagawa ng sinuman maliban sa Diyos. Ang tatlong yugto ng gawaing isinagawa sa simula pa lamang hanggang ngayon ay isinagawang lahat ng Diyos Mismo, at isinagawa ng isang Diyos. Ang katunayan ng tatlong yugto ng gawain ay ang katunayan ng pamumuno ng Diyos sa buong sangkatauhan, isang katunayang hindi maikakaila ng sinuman. Sa katapusan ng tatlong yugto ng gawain, lahat ng bagay ay ibubukod ayon sa uri at babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, sapagkat sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay nag-iisa lamang ang umiiral na Diyos na ito, at wala nang iba pang mga relihiyon. Siya na walang kakayahang lumikha ng mundo ay walang kakayahang wakasan ito, samantalang Siya na lumikha ng mundo ay siguradong kayang wakasan ito. Samakatuwid, kung ang isang tao ay walang kakayahang wakasan ang kapanahunan at tinutulungan lamang ang tao na payabungin ang kanyang isipan, siguradong hindi siya ang Diyos, at siguradong hindi siya ang Panginoon ng sangkatauhan. Wala siyang kakayahang gawin ang gayon kadakilang gawain; isa lamang ang maaaring magsagawa ng gayong gawain, at lahat ng hindi makakagawa ng gawaing ito ay siguradong mga kaaway at hindi ang Diyos. Lahat ng masamang relihiyon ay hindi nakaayon sa Diyos, at dahil hindi sila nakaayon sa Diyos, mga kaaway sila ng Diyos. Lahat ng gawain ay ginagawa ng isang tunay na Diyos na ito, at ang buong sansinukob ay inuutusan ng isang Diyos na ito. Gawain man Niya sa Israel o sa Tsina, sa Espiritu man o sa katawang-tao isinasagawa ang gawain, lahat ay ginagawa ng Diyos Mismo, at hindi magagawa ng sinupamang iba. Ito ay dahil mismo sa Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan kaya malaya Siyang gumagawa, hindi pinipigilan ng anumang mga kundisyon—ito ang pinakadakila sa lahat ng pangitain.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos
Ang yugto ng gawain sa mga huling araw, at ang naunang dalawang yugto sa Israel at Judea, ay plano ng pamamahala ng Diyos sa buong sansinukob. Walang sinumang makapagkakaila rito, at ito ang katunayan ng gawain ng Diyos. Bagama’t hindi pa naranasan o nasaksihan ng mga tao ang karamihan sa gawaing ito, ang mga katunayan ay mga katunayan pa rin, at hindi ito maikakaila ng sinumang tao. Ang mga taong naniniwala sa Diyos sa bawat lupain ng sansinukob ay tatanggaping lahat ang tatlong yugto ng gawain. Kung isang partikular na yugto lamang ng gawain ang alam mo, at hindi mo nauunawaan ang dalawa pang yugto ng gawain, hindi mo nauunawaan ang gawain ng Diyos noong nakalipas na mga panahon, hindi mo masasabi ang buong katotohanan ng buong plano ng pamamahala ng Diyos, at isang panig lamang ang iyong kaalaman tungkol sa Diyos, sapagkat sa iyong paniniwala sa Diyos hindi mo Siya kilala o nauunawaan, at hindi ka karapat-dapat na magpatotoo sa Diyos. Malalim man o mababaw ang iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa mga bagay na ito, sa huli, kailangan ninyong magkaroon ng kaalaman, at kailangang lubos kayong makumbinsi, at lahat ng tao ay makikita ang kabuuan ng gawain ng Diyos at magpapasakop sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawaing ito, lahat ng relihiyon ay magiging isa, lahat ng nilalang ay babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, lahat ng nilalang ay sasambahin ang isang tunay na Diyos, at lahat ng masamang relihiyon ay mauuwi sa wala, hindi na muling lilitaw kailanman.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.