Ano ang magiging kahihinatnan ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong mundo matapos nilang hibang na kinokondena at nilalabanan ang Makapangyarihang Diyos?

Marso 7, 2022

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:31–32).

“Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13).

“At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan” (Pahayag 18:2–3).

“Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! Sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo” (Pahayag 18:10).

“At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man” (Pahayag 20:10).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

At gunitain kung ano ang sumunod matapos ipapako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa wala pang katulad na pasakit dahil sa pagkalipol ng kanilang bansa. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na kasalanan—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ipinatiis sa kanila ang mga kinahinatnan ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, kung kaya’t sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: ang maparusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kapahamakan na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.

Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang halimbawa ng mga diktador na pamumuno: ang China, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng China sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at ipinapalaganap ang ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa China, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil inililigtas ng Diyos ang bawat isang miyembro ng sangkatauhan hangga’t maaari. Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito ay hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang makabawi, hindi mo na mapagmamasdan muli ang mukha ng Diyos kahit kailan. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng walang-ingat na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi katotohanan ang makapagdudulot sa iyo na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Kapag nagawa nang ganap ang lahat ng tao at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, iyon na ang panahon kung kailan dadagundong ang pitong kulog. Ang kasalukuyang panahon ay isang hakbang pasulong sa yugtong iyon; nailabas na ang utos tungo sa panahong iyon. Ito ang plano ng Diyos, at magkakatotoo ito sa malapit na hinaharap. Gayunman, naisakatuparan na ng Diyos ang lahat ng Kanyang nabigkas. Sa gayon, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lamang, na nanginginig habang papalapit ang pagtaas ng tubig: Napipinto na ang huling araw, at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Para matiyak na tagumpay na naisasagawa ang Kanyang plano, bumaba na ang mga anghel ng langit sa lupa, na ginagawa ang lahat upang palugurin ang Diyos. Nagpakalat na ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao sa larangan ng digmaan upang makidigma laban sa kaaway. Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon. Makikita ang patunay ng mabilis na pagbagsak ng malaking pulang dragon sa patuloy na paggulang ng mga tao; maliwanag itong makikita ng sinuman. Ang paggulang ng mga tao ay isang tanda ng pagpanaw ng kaaway. Isang munting paliwanag ito kung ano ang kahulugan ng “makipaglaban.”

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10

Bumabagsak ang sanlibutan! Paralisado ang Babilonia! Ah, ang relihiyosong mundo! Paanong hindi ito mawawasak ng Aking awtoridad sa lupa? Sino ang nangangahas pa ring sumuway at kumalaban sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng opisyal ng mga relihiyon? Ang mga pinuno at awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi nagdiriwang sa pagkaperpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa lahat ng tao, sino ang hindi umaawit ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang walang maliw ang kaligayahan? Naninirahan Ako sa lupain ng pugad ng malaking pulang dragon, subalit hindi ito nagiging sanhi na manginig Ako sa takot o tumakbo palayo, sapagkat lahat ng tao nito ay nagsimula nang masuklam dito. Hindi kailanman nagampanan ng anuman ang “tungkulin” nito sa harap ng dragon para sa kapakanan ng dragon; sa halip, lahat ng bagay ay kumikilos ayon sa nakikita nilang angkop, at bawat isa ay gumagawa sa sarili nitong paraan. Paanong hindi malilipol ang mga bansa sa mundo? Paanong hindi babagsak ang mga bansa sa lupa? Paanong hindi magbubunyi ang Aking mga tao? Paanong hindi sila aawit nang may kagalakan?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22

Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26

Kapag nilapastangan ng mga tao ang Diyos at kapag ginalit nila Siya, nagpapalabas Siya ng isang hatol, at ang hatol na ito ay ang kinalabasan na ipinalabas Niya. Isinasalarawan ito sa ganitong paraan sa Biblia: “Kaya’t sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31), at “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13). Gayunpaman, nakatala ba sa Biblia kung ano ang kinalabasan nilang mga eskriba at mga Fariseo, gayundin ng mga taong nagsabing baliw ang Panginoong Jesus matapos Niyang sabihin ang mga bagay na ito? Nakatala ba na dumanas sila ng kaparusahan? Hindi—tiyak na masasabi ito. Ang pagsasabi rito ng “Hindi” ay hindi nangangahulugan na walang gayong pagtatala, subali’t sa katunayan lang ay walang kalalabasan na makikita gamit ang mga mata ng tao. Nililinaw ng pagsasabi na “hindi ito naitala” ang usapin ng saloobin at mga prinsipyo ng Diyos sa pangangasiwa ng ilang bagay. Hindi nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan ang Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya, o maging sa mga naninirang-puri sa Kanya—mga taong sadyang bumabatikos, naninira, at sumusumpa sa Kanya—subali’t sa halip ay mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Kinasusuklaman Niya ang mga taong ito, at hinahatulan Niya ang mga ito sa Kanyang puso. Lantaran pa Niyang ipinahahayag ang magiging kalalabasan nila, upang malaman ng mga tao na mayroon Siyang malinaw na saloobin tungo sa mga lumalapastangan sa Kanya, at upang malaman nila kung paano Niya tutukuyin ang kanilang kalalabasan. Gayunpaman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga bagay na ito, hindi halos makita ng mga tao ang katunayan ng kung paano pakikitunguhan ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maunawaan ang mga prinsipyo sa likod ng kinalabasan at ng hatol na ipinalabas ng Diyos sa kanila. Ibig sabihin, hindi nakikita ng mga tao ang partikular na pakikitungo at mga pamamaraang mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. May kinalaman ito sa mga prinsipyo ng Diyos sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ginagamit ng Diyos ang paglitaw ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng ilang tao. Ibig sabihin, hindi Niya ipinahahayag ang kanilang kasalanan at hindi Niya tinutukoy ang kanilang kalalabasan, subali’t sa halip ay ginagamit nang tuwiran ang paglitaw ng mga katotohanan upang ibigay ang kaparusahan at nararapat na kagantihan sa kanila. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang katawang-tao ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan, nangangahulugan na ang kaparusahan ay isang bagay na makikita ng mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng ilang tao, sinusumpa lang sila ng Diyos gamit ang mga salita at ang galit ng Diyos ay dumarating din sa kanila, nguni’t ang kaparusahan na kanilang natatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao. Magkagayunman, ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao, gaya ng pagpaparusa o pagpatay. Ito ay dahil sa ilalim ng mga kalagayan na tinukoy na ng Diyos na huwag iligtas ang ganitong uri ng tao, na huwag nang magpakita pa ng habag o magkaroon ng pagpaparaya para sa kanila at na huwag na silang pagkalooban pa ng mga pagkakataon, ang Kanyang saloobin tungo sa kanila ay isantabi sila. Ano ang kahulugan ng “isantabi”? Ang pangunahing kahulugan ng terminong ito ay “na ilagay ang isang bagay sa isang tabi, na huwag nang bigyang pansin ito.” Subali’t dito, kapag “isinasantabi ng Diyos ang isang tao,” may dalawang magkaibang pagpapaliwanag sa kahulugan nito: Ang unang pagpapaliwanag ay na ibinigay na Niya kay Satanas ang buhay ng taong iyon at ang lahat ng tungkol sa taong iyon upang pakitunguhan, at hindi na magiging pananagutan at hindi na pamamahalaan ng Diyos ang taong iyon. Maging ang taong iyon ay baliw o hangal man, o maging buhay o patay man ito, o kung sila man ay bumaba na sa impiyerno para sa kanilang kaparusahan, wala sa mga ito ang magkakaroon pa ng anumang kaugnayan sa Diyos. Mangangahulugan ito na wala nang kaugnayan sa Lumikha ang nilalang na iyon. Ang ikalawang pagpapaliwanag ay na tinukoy na ng Diyos na may nais Siya Mismong gawin sa taong ito, sa Kanyang sariling mga kamay. Posibleng gagamitin Niya ang serbisyo ng taong ito, o na gagamitin Niya ang mga ito bilang isang hambingan. Posibleng magkakaroon Siya ng isang natatanging paraan ng pakikitungo sa ganitong uri ng tao, isang natatanging paraan ng pagtrato sa kanila, gaya ng kay Pablo, halimbawa. Ito ang prinsipyo at saloobin sa puso ng Diyos kung saan tinukoy na Niya na makitungo sa ganitong uri ng tao. Kaya kapag kalabanin ng mga tao ang Diyos at siraan at lapastanganin Siya, kung galitin nila ang Kanyang disposisyon, o kung sagarin nila ang Diyos nang lampas sa hangganan ng Kanyang pagpaparaya, ang mga kahihinatnan ay hindi sukat akalain. Ang pinakamalalang kahihinatnan ay na ibibigay ng Diyos kay Satanas ang kanilang mga buhay at ang lahat ng tungkol sa kanila nang minsanan at magpakailanman. Hindi sila patatawarin magpakailanman. Nangangahulugan ito na ang taong ito ay naging pagkain na sa bibig ni Satanas, isang laruan sa kamay nito, at mula noon ay wala nang kinalaman ang Diyos sa kanila. Maiisip ba ninyo kung anong uri ng kahapisan ito nang tuksuhin ni Satanas si Job? Maging sa ilalim ng kondisyon na hindi maaaring saktan ni Satanas ang buhay ni Job, nagdusa pa rin si Job nang napakatindi. At hindi ba lalo pang mas mahirap isipin ang mga pinsalang idudulot ni Satanas sa isang taong ganap nang ibinigay kay Satanas, na ganap nang napasakamay ni Satanas, na lubusan nang nawala ang pagmamalasakit at habag ng Diyos, na wala na sa ilalim ng pamumuno ng Lumikha, na inalisan na ng karapatan na sambahin Siya at ng karapatan na maging isang nilalang sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at na ang kaugnayan sa Panginoon ng paglikha ay lubusan nang pinutol? Ang pag-uusig ni Satanas kay Job ay isang bagay na makikita ng mga mata ng tao, subali’t kapag ibinigay ng Diyos ang buhay ng isang tao kay Satanas, ang mga kahihinatnan ay hindi mawawari ng tao. Halimbawa, ang ilang tao ay maaaring ipanganak muli bilang isang baka, o isang asno, habang ang ilan ay maaaring panirahan at alihan ng marurumi, masasamang espiritu, at iba pa. Ito ang mga kalalabasan ng ilan sa mga taong ibinigay ng Diyos kay Satanas. Sa panlabas, tila hindi dumanas ng anumang mga kahihinatnan ang mga taong nanlibak, nanira, humatol, at lumapastangan sa Panginoong Jesus. Gayunpaman, ang katunayan ay may paraan ng pakikitungo ang Diyos sa lahat ng bagay. Maaaring hindi Siya gumamit ng malinaw na wika upang sabihin sa mga tao ang kalalabasan ng kung paano Siya nakikitungo sa bawa’t uri ng tao. May mga pagkakataon na hindi Siya tuwirang nagsasalita, subali’t sa halip ay kumikilos Siya nang tuwiran. Ang hindi Niya pagsasalita ukol dito ay hindi nangangahulugan na walang kinalabasan—sa katunayan, sa gayong pagkakataon ay maaaring mas malala pa nga ang kinalabasan. Sa panlabas, tila may ilan na hindi hayagang sinasabihan ng Diyos ng tungkol sa Kanyang saloobin, subali’t sa katunayan, matagal nang ayaw bigyang-pansin ng Diyos ang mga ito. Ayaw na Niyang makita sila kailanman. Dahil sa mga bagay na ginawa nila at sa kanilang pag-uugali, dahil sa kanilang kalikasan at diwa, gusto na lang ng Diyos na maglaho sila sa Kanyang paningin, nais na ibigay sila nang tuluyan kay Satanas, na ibigay ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan kay Satanas at na tulutan si Satanas na gawin ang anumang nais nito sa kanila. Malinaw kung hanggang saan namumuhi ang Diyos sa kanila, kung hanggang saan nasusuklam ang Diyos sa kanila. Kung ginagalit ng isang tao ang Diyos hanggang sa punto na ayaw man lang silang makitang muli ng Diyos at nakahanda nang lubusang sumuko sa kanila, hanggang sa puntong ayaw man lang Niya Mismo na makitungo sa kanila—kung dumating ito sa punto na ibibigay na Niya ang mga ito kay Satanas upang gawin ang nais nito, upang tulutan si Satanas na kontrolin, lamunin, at tratuhin sila sa anumang paraang nais nito—samakatuwid ang taong ito ay nagwakas na nang tuluyan. Permanente nang binawi ang kanilang karapatan na maging isang tao, at sumapit na sa kawakasan ang kanilang karapatan na maging nilalang na nilikha ng Diyos. Hindi ba ito ang pinakamalalang uri ng kaparusahan?

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman