Kung itinalaga ba talaga ng Diyos ang lahat ng pastor at nakatatanda sa mga relihiyon, at ang pagsunod ba sa mga pastor at nakatatanda ng mga relihiyon ay pagsunod sa Diyos

Abril 17, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi nangangahulugan, gaya ng naiisip ng tao, na ito ay tungkol lamang sa pagkakaroon ng sigasig. Ngayon nakikita ninyo na ang sinumang naglilingkod sa presensiya ng Diyos ay ginagawa ito dahil nasa kanila ang patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu, at dahil sila ang mga taong naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kondisyon para sa lahat ng nagsisilbi sa Diyos.

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na pinaglilingkuran mo ang Diyos ayon sa iyong mabubuting layunin, na ang paglilingkod mo ay batay sa iyong satanikong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong naiisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan Niya; gumagawa ka nang ganap na naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Maaari ba itong matawag na paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, mas lalong magiging matigas ang ulo mo dahil sa iyong paglilingkod sa Diyos, na magpapalalim ng iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin ukol sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at ang mga karanasang nakuha mo mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong ganito ay maaaring mapabilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at anticristo ang mga ito na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang binanggit noon na mga huwad na Cristo at anticristo. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang pagkatao at kumikilos ayon sa sarili nilang kagustuhan, nanganganib silang mapalayas anumang oras. Ang mga gumagamit ng mga karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon upang makuha ang puso ng ibang tao, mapangaralan at makontrol sila, at manatiling nakatataas—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tumalikod sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay malalagas sa harap ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, umaasa sa pagiging una nila sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Kumakapit sila sa mga kuru-kuro ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Malaking sagabal ito sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga ito, magiging hadlang sila buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa paglilingkod mo sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang masamang tao.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon

Ang gawain sa isip ng tao ay napakadaling makamit ng tao. Ang mga pastor at pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa kanilang mga kaloob at katungkulan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga taong sumusunod sa kanila sa loob ng mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensyahan ng ilan sa kanilang katauhan. Nakatuon sila sa mga kaloob, kakayahan, at kaalaman ng mga tao, at nagbibigay-pansin sa higit-sa-karaniwang mga bagay at sa maraming malalim at di-makatotohanang doktrina (mangyari pa, ang malalalim na doktrinang ito ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, kundi sa halip ay sa pagsasanay sa mga tao na mangaral at gumawa, na nakakaragdag sa kaalaman ng mga tao at sa kanilang saganang mga relihiyosong doktrina. Hindi sila nagtutuon sa kung gaano nagbago ang disposisyon ng mga tao ni kung gaano nauunawaan ng mga tao ang katotohanan. Hindi sila nagmamalasakit sa diwa ng mga tao, at lalo nang hindi nila sinusubukang alamin ang normal at abnormal na mga kalagayan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga kuru-kuro ng mga tao, ni hindi nila ibinubunyag ang kanilang mga kuru-kuro, lalong hindi nila tinatabasan ang mga tao sa kanilang mga kakulangan o mga katiwalian. Karamihan sa mga sumusunod sa kanila ay naglilingkod gamit ang kanilang mga kaloob, at ang tanging inilalabas nila ay mga relihiyosong kuru-kuro at mga teoryang teolohikal, na hindi makatotohanan at ganap na hindi nagbibigay-buhay sa mga tao. Sa katunayan, ang diwa ng kanilang gawain ay pangangalaga sa talento, pangangalaga sa isang tao na walang kahit ano tungo sa pagtatapos sa seminaryo na taglay ang maraming talento na paglaon ay humahayo upang gumawa at mamuno.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Lahat ng nakatayo sa pulpito ay nakapag-aral ng teolohiya, sinanay sa seminaryo, may angking teolohikong kaalaman at teorya—sila talaga ang sandigan ng Kristiyanismo. Sinasanay ng Kristiyanismo ang gayong mga tao na mangaral sa pulpito, lumibot para magturo ng ebanghelyo at magtrabaho. Iniisip nila na ang halaga ng Kristiyanismo ay nakasalalay sa gayong mga taong may kakayahan tulad ng mga estudyante ng teolohiya, ng mga pastor at teologong ito na nangangaral ng mga sermon; sila ang kanilang puhunan. Kung ang pastor ng isang iglesia ay nagtapos sa isang seminaryo, mahusay magpaliwanag ng Banal na Kasulatan, nakabasa na ng ilang espirituwal na aklat, at may kaunting kaalaman at mahusay magsalita, umuunlad ang iglesia, at mas maganda ang reputasyon nito kaysa ibang mga iglesia. Ano ang tinatangkilik ng mga taong ito sa Kristiyanismo? Kaalaman. At saan nagmumula ang kaalamang ito? Ipinasa ito mula sa sinaunang panahon. Sa sinaunang panahon may Banal na Kasulatan, na ipinasa-pasa sa sunud-sunod na henerasyon, bawat henerasyon ay binabasa at inaaral iyon, hanggang sa ngayon. Hinati-hati ng tao ang Biblia sa iba’t ibang bahagi at lumikha ng sari-saring edisyon para basahin at pag-aralan ng mga tao. Ngunit ang natututuhan nila ay hindi kung paano unawain ang katotohanan at kilalanin ang Diyos, o kung paano unawain ang kalooban ng Diyos at magkaroon ng takot sa Diyos at iwasan ang kasamaan; sa halip, pinag-aaralan nilang mabuti ang kaalamang nakapaloob sa mga ito. Ang sukdulan na ay sinisiyasat nila ang mga hiwagang nakapaloob doon, tinitingnan nila kung aling mga propesiya sa Aklat ng Pahayag ang natupad sa isang partikular na panahon, kung kailan darating ang malalaking kalamidad, kung kailan darating ang milenyo—ito ang mga bagay na pinag-aaralan nila. At may kaugnayan ba sa katotohanan ang pinag-aaralan nila? Wala. Bakit nila pinag-aaralan ang mga bagay na walang kaugnayan sa katotohanan? Habang mas pinag-aaralan nila ang mga ito, mas iniisip nila na nauunawaan nila, at mas sinasangkapan nila ang kanilang sarili ng mga titik at doktrina. Lumalago rin ang kanilang puhunan. Kapag mas mataas ang kanilang mga kwalipikasyon, iniisip nila na mas may kakayahan sila, naniniwala sila na mas malakas ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at iniisip nila na mas malamang na maligtas sila at makapasok sa kaharian ng langit.

Hinango mula sa “Sila ay Masasama, Mapanganib, at Mapanlinlang (III)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Lahat ng nasa Kristiyanismo na nag-aral ng teolohiya, Banal na Kasulatan, at maging ng kasaysayan ng gawain ng Diyos—mga tunay ba silang mananampalataya? Naiiba ba sila sa mga mananampalataya at tagasunod ng Diyos na binabanggit ng Diyos? Sa mata ng Diyos, naniniwala ba sila sa Diyos? (Hindi.) Nag-aaral sila ng teolohiya, pinag-aaralan nila ang Diyos. May pagkakaiba ba sa pagitan nilang pinag-aaralan ang Diyos at sa kanilang nag-aaral ng mga ibang bagay? Walang pagkakaiba. Kagaya rin lang sila ng mga taong nag-aaral ng kasaysayan, nag-aaral ng pilosopiya, nag-aaral ng batas, nag-aaral ng biolohiya, nag-aaral ng astronomiya—sadyang hindi nila gusto ang agham, o biolohiya, o anumang mga asignatura; gusto lamang nila ng teolohiya. Pinag-aaralan ng mga taong ito ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap ng mga palatandaan at pahiwatig sa gawain ng Diyos—at ano ang lumalabas sa kanilang pananaliksik? Natutukoy ba nila kung umiiral ang Diyos? Hindi kailanman. Natutukoy ba nila ang kalooban ng Diyos? (Hindi.) Bakit? Sapagkat nabubuhay sila sa gitna ng mga salita at parirala, nabubuhay sila sa gitna ng karunungan, nabubuhay sila sa gitna ng pilosopiya, nabubuhay sila sa gitna ng mga kaisipan at saloobin ng tao. Hindi nila kailanman makikita ang Diyos, hindi nila kailanman makakamit ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Paano sila tinutukoy ng Diyos? Bilang mga walang pananampalataya, bilang mga hindi sumasampalataya. Nakikihalubilo itong mga hindi sumasampalataya at walang pananampalataya sa tinatawag na komunidad na Kristiyano, na kumikilos tulad sa mga taong naniniwala sa Diyos, na kumikilos tulad sa mga Kristiyano—ngunit, sa katunayan, tunay bang sumasamba sila sa Diyos? Tunay bang sumusunod sila sa Kanya? Hindi. Bakit? Isang bagay ang tiyak: ito ay dahil, sa kanilang kalooban, hindi sila naniniwala na nilikha ng Diyos ang daigdig, na Siya ang namamahala sa lahat ng bagay, na magagawa Niyang magkatawang-tao, lalong hindi sila naniniwalang umiiral ang Diyos. Ano ang ipinahihiwatig ng kawalan ng pananampalatayang ito? Pagdududa, pagtatatwa, at maging ang saloobing umaasa na ang mga propesiyang sinalita ng Diyos—lalo yaong tungkol sa mga sakuna—ay hindi nagkakatotoo at hindi natutupad. Ito ang saloobin kung paano nila ituring ang paniniwala sa Diyos, at ito rin ang diwa at totoong mukha ng tinatawag nilang pananampalataya. Pinag-aaralan ng mga taong ito ang Diyos sapagkat may tangi silang interes sa karunungan at kaalaman sa teolohiya, at interesado sila sa mga pangkasaysayang katunayan ng gawain ng Diyos. Dili nga ba’t isang pangkat lamang sila ng mga intelektuwal na nag-aaral ng teolohiya. Hindi naniniwala ang mga “intelektuwal” na ito sa pag-iral ng Diyos, kaya’t ano ang kanilang ginagawa kapag gumawa na ang Diyos at natutupad ang Kanyang mga salita? Ano ang kanilang unang reaksiyon kapag narinig nila na ang Diyos ay nagkatawang-tao, at gumaganap sa bagong gawain? “Imposible!” Isinusumpa nila ang sinumang nangangaral sa bagong gawain ng Diyos, at ibig pa ngang patayin ang mga ito. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba’t ito ang pagpapakita ng kanilang pagiging ganap na antikristo? Kinapopootan nila ang gawain ng Diyos at ang katuparan ng Kanyang mga salita, huwag nang banggitin pa ang Kanyang pagkakatawang-tao: “Kung Ikaw ay hindi nagkatawang-tao at ang mga salita Mo ay hindi natupad, Ikaw nga ay Diyos. Kung ang mga salita Mo ay natupad at Ikaw ay nagkatawang-tao, Ikaw ay hindi Diyos.” Ano ang lingid na kahulugan nito? Ito ay ang hindi nila pagpapahintulot sa pagkakatawang-tao ng Diyos hangga’t sila ay umiiral. Hindi ba’t ito’y ganap na antikristo? Ito ay tunay na antikristo.

Hinango mula sa “Sila ay Masasama, Mapanganib, at Mapanlinlang (III)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.” Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan? …

Dati-rati, maaaring sinunod ng mga sumasampalataya sa Diyos ang isang tao, o maaaring hindi nila napalugod ang kalooban ng Diyos; sa huling yugtong ito, kakailanganin nilang humarap sa Diyos. Kung ang pundasyon mo ay ang iyong karanasan sa yugtong ito ng gawain, subalit patuloy kang sumusunod sa isang tao, hindi ka mapapatawad, at matutulad ka sa kinahinatnan ni Pablo sa huli.

Hinango mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang mga taong nananalig sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Huwag mong dakilain o tingalain ang sinumang tao; huwag mong unahin ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang iyong mga iginagalang—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito katanggap-tanggap para sa Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Hindi nagagalak sa katotohanan ang ilang tao, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ganoon ay tinatawag na mga mapaghanap ng kapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at hinahanap lamang nila ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Bagaman tinanggap na nila ang daan ng katotohanan, hindi sila lubos na naniniwala; wala silang kakayahang ibigay ang lahat ng mga puso at mga isip nila, ang mga bibig nila ay nagsasalita ng paggugol ng mga sarili nila para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa dakilang mga pastor at mga guro, at hindi nila binibigyan si Cristo ng karagdagang pansin. Nakatuon ang kanilang mga puso sa katanyagan, kayamanan, at karangalan. Hindi sila naniniwalang ang isang ganoon kaliit na tao ay may kakayahang lupigin ang napakarami, na ang isang hindi kapansin-pansin ay mapeperpekto ang tao. Iniisip nilang imposibleng ang mga hamak na kasama ng alikabok at mga tambak ng dumi ay ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala silang kung ang mga tulad ng mga taong ito ang mga layon ng pagliligtas ng Diyos, ang langit at lupa ay mababaliktad, at ang lahat ng tao ay tatawa nang tatawa. Naniniwala silang kung pinili ng Diyos ang gayong mga hamak upang perpektuhin, kung gayon ang yaong mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang mga pananaw nila ay nadungisan ng kawalan ng paniniwala; higit pa sa hindi paniniwala, sila ay kakatuwang mga hayop lamang. Sapagkat pinahahalagahan lamang nila ang katayuan, katanyagan, at kapangyarihan, at pinahahalagahan lamang nila ang malalaking grupo at denominasyon. Wala silang ni katiting na pagmamalasakit para sa yaong mga inakay ni Cristo; sila ay mga taksil lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo gusto ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapaghihigan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na nangangaso ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na mga anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin kung saan nahihirapan kang lunukin ang gawain ni Cristo at mabigat sa kalooban mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Sila ay, sa mga puso ninyo, kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagkat napaka-karaniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa pagiging napakatayog.

Magkagayunman, sinasabi Kong ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga di-mananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pag-ayon ni Cristo. Napagtanto mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang kawalan ng paniniwalang nasa kalooban mo, at kung gaano kalaki ang pagtataksil kay Cristo na mayroon ka? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang gayon: Dahil napili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag maging salawahan o mahina ang loob. Dapat mong maunawaang ang Diyos ay hindi nabibilang sa mundo o sa sino mang tao, kundi sa lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at sa lahat ng nakatuon at tapat sa Kanya.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman