Tulad ng pagkaunawa natin dito, maraming prestihiyosong internasyonal na mga dalubhasa sa relihiyon at akademiko ang kumilala na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang umuusbong na Kristiyanong iglesia. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ng tradisyunal na Kristiyanismo?

Enero 21, 2022

Sagot:

Nagsimula ang Kristiyanismo kasunod ng gawain ng pagtubos ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus; isa itong iglesiang Kristiyano na may kinalaman sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa mga huling araw, dumating ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya at sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian, at, sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ipinahahayag Niya ang katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Sa lahat ng denominasyong Kristiyano, marami sa mga nagmamahal sa katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Panginoon ay nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakilala ang tinig ng Diyos. Nakatiyak sila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at bawat isa ay tinanggap ang Makapangyarihang Diyos at sinundan ang mga yapak ng Cordero—ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isinilang mula rito. Kaya ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ang Kristiyanismo ay kapwa isinilang sa pagpapakita at gawain ng Diyos, ngunit habang ang Kristiyanismo ay isang bunga ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isinilang nang magkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw upang isakatuparan ang gawain ng paghatol; isa itong iglesiang Kristiyano ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang dalawang iglesia ay lumitaw mula sa pagiging tao ng Diyos upang magpakita at gumawa, sa magkaibang kapanahunan nga lamang. Ang Kristiyanismo ay isang iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya, habang ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesia ng Kapanahunan ng Kaharian na pinamumunuan at ipinapastol ng personal na gawain at mga pagbigkas ng Diyos ngayon. Sa kabilang banda, naiwala ng Kristiyanismo ang gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi ito nakasabay sa mga yapak ng Diyos, at nilalabanan at kinokondena nito ang gawain ng mga huling araw ng Diyos; isa itong iglesia na kinondena at tinalikdan ng Diyos, kaya hindi kinikilala ng Diyos ang Kristiyanismo bilang iglesia na sa Diyos, ngunit bilang isang iglesiang lumalaban at kumokondena sa Diyos. Kung gayon, hindi maihahambing ang dalawa sa isa’t isa. Umakyat sa langit ang Panginoong Jesucristo dalawang libong taon na ang nakalilipas. Wala Siya sa lupa. Bagama’t naniniwala ang mga tao ng Kristiyanismo sa pangalan ng Panginoong Jesus, hindi pa nila Siya nakatagpo kailanman, lalong hindi pa Niya sila napapastol o nadidiligan, ni hindi rin nila binibigyan ng anumang pansin ang pagsasagawa o pagdanas ng mga salita ng Panginoon. Hindi talaga nila kilala ang Panginoong Jesus, bukod doon, ni hindi nila kilala ang Kanyang Espiritu. At kaya ang iglesia ng mga Kristiyano sa Kapanahunan ng Biyaya ay naniniwala lamang sa malabo at mahirap unawaing Diyos sa langit, hindi sa nagkatawang-taong Cristo ng mga huling araw. Samakatuwid, ang gayong iglesia ay hindi tunay na Kristiyanismo; napababa ito sa isang relihiyosong grupo na walang pagkakaiba sa Budismo o Taoismo, at hindi ito isang iglesia ng Diyos. Kung kaya’t ang pananabik ng Kristiyanismo sa pagbabalik ng Panginoon at pagdadala sa kaharian ng langit ay pantasya lamang. Ang mga nasa Kristiyanismo na tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay ang matatalinong dalaga na itinaas sa harap ng Diyos; gayunpaman, hindi tinatanggap karamihan ng tao ang gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw, nagsasalita lamang sila ng mga titik at doktrina mula sa Biblia, at kumakapit sa mga panuntunan at seremonya na pangrelihiyon. Hindi sila makasabay sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at sa halip ay sumusunod sa satanikong rehimen ng CCP sa paggawa ng lahat ng kanilang makakaya upang kondenahin at labanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga taong ito ang mga hangal na dalaga, at sila ay kinamuhian, tinanggihan at inalis na ng Diyos; hindi sila kinikilala ng Diyos, naturingan lamang silang “Kristiyano,” at nawala na sa kanila ang diwa ng Kristiyanismo, na matagal na nilang taglay sa pangalan lamang.

Nang magpakita ang Makapangyarihang Diyos at nagsimulang gumawa, binawi na ng Diyos ang gawain ng Espiritu ng buong sansinukob upang magtuon sa isang grupo ng mga tao na tumanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Nagdarasal sa Makapangyarihang Diyos at kinakain at iniinom ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natamo ng mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu, natanggap nila ang masaganang pagtustos ng buhay ng Diyos, isinasagawa at nararanasan nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nararanasan nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, mayroon silang lumalagong pagkaunawa sa katotohanan, nalilinis ang kanilang katiwalian, nababago ang kanilang mga disposisyon, at natatamo nila ang kaligtasan ng Diyos, nagiging isang grupo ng mananagumpay na ginawang ganap ng Diyos bago ang mga sakuna. Gayunpaman, sa Kristiyanismo, maliit na bilang lamang ng mga tao ang matatalinong dalaga na nakarinig sa tinig ng Diyos, tumanggap sa Makapangyarihang Diyos, at umupo sa piging ng kasal ng Cordero. Karamihan ng tao sa Kristiyanismo ay hindi lamang nabigong sundan ang mga yapak ng gawain ng Diyos, kundi sumusunod pa rin sa masasamang puwersa ng mga anticristo ng relihiyosong mundo sa paglaban at pagkondena sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Matagal na nilang nawala ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay kinamuhian at tinanggihan na ng Diyos at nasubo na sa sakuna, tumatangis ng mapait na mga luha at pinagngangalit ang kanilang mga ngipin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply