Nagpatotoo kayo Ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, pero idineklara na ng CCP na kulto ang Kidlat ng Silanganan. Paano Masasabi ang Isang Mabuting Relihiyon Mula sa Isang Masamang Kulto

Agosto 28, 2018

Sagot: Ateistang partido ang CCP. Kinakalaban no’n ang Diyos at galit sila sa katotohanan. Pinasya na no’ng lahat ng iglesia’ng nananalig sa Diyos ay mga kulto, at saka idineklara no’ng aklat ng kulo ang Biblia. Alam na ’yan ng lahat. Hindi mo ba alam ang tungkol do’n? Bukod do’n, kulang pa ba ang pang-uusig sa ’tin sa mga taong nagdaan? Di pa ba sapat ang mga mangangaral at Kristiyanong ikinulong at pinahirapan nila hanggang sa mamatay? Ba’t nakikinig ka pa rin sa mga tsismis ng CCP? Kung ikukumpara natin ang mga kulto sa mabubuting relihiyon, hindi natin magagawa ’yon ayon sa gusto lang ng ilang partidong pulitikal. At ’di rin ’yon maipapasya ng anumang bansa o konstitusyon no’n. Ang mabuting relihiyon ay itinuturing na positibo at kapaki-pakinabang sa tao. Tinuturing na negatibo ang mga kulto, pinasasama no’n ang sangkatauhan. Pag gustong matukoy kung mabuting relihiyon ang isang iglesia o kulto, dapat itong ibase sa kung ito ba ay positibo o kung ito’y negatibo. Ang mga iglesiang nagmumula sa Diyos at binuo mula sa Kanyang gawain ay mabubuting relihiyon. Lahat ng mula kay Satanas at sa masasamang espiritu ay itinuturing na kulto. Ang CCP ay napakasamang rehimen na lumalaban sa Diyos at namumuhi sa katotohanan. Ang CCP ang tunay na kulto. Wala silang karapatang punahin ang pananalig sa Diyos at tuligsain ang anumang grupo o iglesiang naniniwala sa relihiyon.

Ang pagsugpo ng napakasamang rehimen ng CCP sa Kidlat ng Silanganan ay napakarahas. Sapat na ’yan para ipakitang galit sa Diyos ang rehimeng CCP. Maraming taong patuloy na tinuligsa, pinahirapan, at tinugis ng CCP ang mga bahay-igleisa at lihim na iglesia sa China. Itatanggi ba natin na ang Panginoong Jesus ang tunay na Diyos at tunay na daan dahil diyan? Matagal ka nang nananalig sa Diyos, hindi mo ba naiintindihan ’yon? Noon pa binabaligtad ng CCP ang katotohanan, tama at mali. Yan ang diwa ng diyablong si Satanas. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin matukoy ang mabuting relihiyon sa masamang kulto? Lahat ng iglesiang nananalig sa tunay na Diyos ay mabubuting relihiyon. Yung mga nananalig sa diyos-diyosan, masasamang espiritu o kay Satanas, ’yon ang mga kulto. Lahat ng nagtatanggol sa mga ereheng tumatanggi at kumakalaban sa Diyos tulad ng ateismo at ebolusyon mga kulto ang mga ’yon. Ngayon, ang Kidlat ng Silanganan ang lubhang sinusugpo ng CCP. Malinaw itong makikita ng buong mundo. Kung matutukoy ’yon ng mga tao, dapat nilang makita ang kinokontra at kinamumuhian ng masamang rehimeng ito, at matitiyak nila kung ano ang tunay na daan. Galit ang CCP sa katotohanan at natatakot silang tanggapin ’yon ng mga tao. Kaya nga galit no’ng kinakalaban ang Diyos. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos lang ang nagsasabi ng katotohanan. Ang Makapangyarihang Diyos lang ang nagliligtas at naglilinis sa sangkatauhan. Katotohanan ang bagay na ’yon, diba? Sa gayo’y makikita natin kung ba’t galit na galit ang CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at kinakalaban ang Diyos. Lahat ng naghihintay sa pagpapakita ng Panginoon, dapat nilang tingnan kung sino’ng humahatol sa mga huling araw.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman