Di ako sang-ayon sa sinabi mo! Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ’Di pananalig sa Diyos ang paglayo sa Biblia!

Agosto 27, 2018

Sagot: “Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ’Di pananalig sa Diyos ang pagtalikod sa Biblia.” Mali ang pahayag na ’yan! Maililigtas ba ng Biblia ang mga tao? Mapapalitan ba ng Biblia ang Diyos? Mapapalitan ba ng Biblia’ng gawain ng Espiritu Santo? Makakatawan ba nito ang Diyos at magagawa ang paghatol Niya? Mas dakila ba ang Diyos, o mas dakila ang Biblia? Nauna ba ang Diyos, o nauna ang Biblia? Wala pang Biblia nung panahon ni Abraham, kaya masasabi niyo bang hindi nanalig si Abraham sa Diyos? Wala pang Biblia nang pamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egipto, kaya masasabi niyo ba na hindi nanalig si Moises sa Diyos? Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos, at ang Biblia ay hindi ang Diyos. Ang Biblia ay talaan lang ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos, mga patotoo lang tungkol sa Diyos. Di mapapalitan ng Biblia ang gawai’t pahayag ng Diyos sa mga huling araw, at ’di rin nito mapapalitan ang Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya ’di tulad ng paniniwala sa Biblia’ng pananalig sa Diyos. Kapag itinuring ng mga tao na Diyos ang Biblia, malubhang pagkalaban at paglapastangan ’yan sa Diyos! Ang Biblia ay isang patotoo lang sa gawain ng Diyos. ’Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos sa pagbibigay ng buhay, at ’di nito mapapalitan ang gawain ng Espiritu Santo. Walang makukuhang buhay sa Biblia. Tanging si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa pagtanggap at pagsunod lang kay Cristo magtatamo ang tao ng gawain ng Banal na Espiritu at ng buhay. Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Kaya nga kung naniniwala lang sa Biblia ang mga nananalig pero hindi nila tinatanggap o sinusunod si Cristo, ’di nila matatanggap ang katotohanan at buhay, at dahil pinanghahawakan nila ang Biblia, kinakalaban at tinutuligsa si Cristo, at magiging mga anticristo’ng kumukontra sa Diyos. Noon, dahil ang mga Judiong Fariseo ay pikit-mata lang na naniwala at sumamba sa Biblia, itinuring na mas mataas sa lahat ang Biblia, at itinuring pa nila ang Biblia bilang Diyos, sa huli, nang pumunta’ng Panginoong Jesus para gumawa, patuloy nilang pinaniwalaan at pinrotektahan ang Biblia, gamit ang mga sulat sa Biblia para subukan ang Panginoong Jesus, at kinalaban nila Siya at tinuligsa. Sa huli, pinako nila sa krus ang Panginoong Jesus matapos Siyang kasuhan ng di pag-ayon sa Lumang Tipan, na isang napakasamang krimen. Sa mga huling araw, pikit-mata lang na naniniwala at sumasamba ang mga pastor at elder sa Biblia. Pinoprotektahan, pinatototohanan at ginagamit nila’ng Biblia para palitan ang Diyos sa lahat ng ginagawa nila. Pagdating ng Makapangyarihang Diyos para isagawa’ng paghatol Niya sa mga huling araw, katulad lang sila ng mga Fariseo dahil, para mapanatili ang Biblia sa puso ng mga tao, matindi nilang kinakalaban, tinutuligsa at nilalapastangan ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Nagkasala na sila ng muling pagpako kay Cristo sa krus, ginalit ang disposisyon ng Diyos. Di ba isa ’tong katotohanang nakikita ng lahat? Ang Biblia ay orihinal na isang patotoo sa Diyos, pero bakit ipinalit ng mga Fariseo at pinuno ng mga relihiyon ang Biblia sa Diyos at kinalaban nila ang Diyos? Bakit mas gusto pa nilang purihin at sambahin ng mga tao ang Biblia kaysa hayaan silang humarap at sumunod at sumamba sa Diyos? Panloloko ’to ni Satanas para linlangin ang mga tao! Kasi takot na takot si Satanas na susundin at sasambahin ng mga tao ang Diyos, pero ni hindi takot si Satanas na sinasamba at pinupuri ng mga tao ang Biblia. Samakatwid, dahil hindi maitatatwa ni Satanas ang Biblia, nanloloko siya para sambahin at pikit-matang paniwalaan ng mga tao ang Biblia, at para ipalit ang Biblia sa Diyos. Kaya sa Biblia lang naniniwala at humahawak ang mga tao, pero hindi sa pagkilala sa Diyos at sa katotohanan, kaya kahit matuklasan nila’ng lahat ng sinasabi ni Cristo ay katotohanan, hindi sila nangangahas na lumayo sa Biblia at magtaksil sa relihiyon. Dahil diyan, pwedeng sa pangalan lang naniniwala ang tao sa Diyos, pero ang totoo’y pinutol na nila’ng kaugnayan nila sa Kanya. Ito ang katusuhan ng pagkalaban ni Satanas sa Diyos, at ang pinakamahirap ding maintindihan ng tao. Samakatuwid, kung pikit-mata lang na sumasamba ang mga nananalig sa Biblia, kumagat na sila sa panloloko ni Satanas, at nagsimula nang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos. Kung wala pa rin sa konteksto’ng pagkaintindi nila sa Biblia at ginagamit nila’ng mga salita ng tao sa Biblia para tuligsain si Cristo, mga anticristo na sila’ng kumokontra sa Diyos! Kung laging sinasamba ng mga tao’ng Biblia, meron pa kayang lugar ang Diyos sa mga puso nila? Kung pumalit na ang Biblia sa Diyos sa puso ng tao, mga tao pa rin kaya silang nananalig sa Diyos? Bilang mga nananalig sa Diyos, dapat tayong maging lingkod ng Diyos at lingkod ng katotohanan, sa halip na lingkod ng Biblia. Kung pinipilit pa ring paniniwala sa Biblia’ng pananalig sa Diyos, kung gano’n, walang ka-lugar-lugar ang Diyos sa puso nila. Bukod sa hindi sila nananalig sa Diyos, tinatanggihan at kinakalaban din nila Siya. Ang gayong tao ay nakalaang puksain ng Diyos!

Tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga may pakialam lamang sa mga salita ng Biblia at hindi nababahala sa katotohanan o sa paghahangad sa mga yapak Ko—laban sila sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at ipinipilit nila Ako sa loob ng Biblia, at sukdulang napakalapastangan tungo sa Akin. Paanong nangangahas pumunta sa harap Ko ang ganitong mga tao? Hindi sila nagbibigay pansin sa mga gawa Ko, o sa kalooban Ko, o sa katotohanan, ngunit sa halip ay nahuhumaling sila sa mga salita—mga salitang pumapatay. Paanong magiging kaayon sa Akin ang ganitong mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). “Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala Ako wala ang Biblia, at kung wala ang Biblia wala Ako. … hanggang sa ginagamit nila ang mga bersikulo mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging-magkaayon sa Akin o ang daan ng pagiging-magkaayon sa katotohanan, ngunit ang daan ng pagiging-magkaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala silang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagbubukod, hindi Ko gawain. Hindi ba ang ganitong mga tao ay ang masusunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad ang pagiging-magkaayon sa Jesus ng panahong iyon, ngunit masusing sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at pagiging hindi ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang Jesus(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). “At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Cristo upang ilabas ang katotohanan, subalit mas gugustuhin nilang paalisin Siya mula sa mundong ito upang makamit nila ang pagpasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas gugustuhin pa nilang lubos na ikaila ang pagdating ng katotohanan upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas gugustuhin pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paanong matatanggap ng tao ang pagliligtas Ko kung mapaghangad ng masama ang puso niya at laban sa Akin ang kalikasan niya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). Naituro ng mga pinuno ng relihiyon sa mga tao’ng “Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia, ’di pananalig sa Diyos ang pagtalikod sa Biblia.” Ginagawa nila’ng lahat para patotohanan ang Biblia, ipinapantay nila ang Biblia sa Diyos, at ipinapalit ang Biblia sa Diyos sa puso ng mga tao, kaya lalong naging bulag ang pananampalataya ng tao sa Biblia, sinasamba nila ito, at tinuturing na Diyos. Ginagamit nilang basehan ang Biblia sa lahat. Kahit sa pagdating ni Cristo, ginagamit nilang basehan ang mga sulat sa Biblia para limitahan, tanggihan, tuligsain at kalabanin si Cristo. Sa unang tingin, inihaharap ng mga pastor at elder ang mga tao sa Biblia, pero’ng totoo, hinaharap nila’ng mga tao sa sarili nila! Dahil pikit-matang naniniwala’ng tao sa Biblia, mas sinasamba pa nila’ng mga ekspertong ’to sa Biblia. Ito ang pinakanakakasuklam na panloloko ng mga Fariseo para maling ipaliwanag ang Biblia, gamitin ang mga sulat do’n para linlangin ang tao, at pigilan silang bumalik sa Diyos! Ito ang katusuhan ni Satanas, at pruwebang nagtatayo sila ng sariling kaharian! Katunayan, marami sa mga pastor at elder ang wala talagang pananalig. Naniniwala sila sa Biblia pero ’di nananalig sa Diyos. Tinatrato nilang gawa-gawa ang mga kuwentong nakatala sa Biblia at ’di sila naniniwalang totoong pangyayari ’yon. Samakatwid, ni hindi nila inaamin na nagkatawang-tao ang Diyos! Kung may nagpapatotoo’ng nagkatawang-tao ang Diyos, gagawin nila’ng lahat para tanggihan at kalabanin Siya. Hindi nananalig ang mga gano’ng tao. Samakatuwid, lahat ng ’di tumatanggap na nagkatawang-tao ang Diyos ay mga anticristo. Walang kaduda-duda ’yan. Pinapakita nitong lubos nang kontrolado ng mga Fariseo’t anticristo ang mga relihiyoso, at naging matibay na balwarteng kumakalaban sa Diyos at independienteng kahariang kumokontra sa Diyos. Hindi maikakaila ang katotohanang ’yan. Pwedeng naniniwala sa Diyos ang mga relihiyoso, pero ang totoo, nalinlang sila ng mga Fariseo’t anticristo, at naging mga kasabwat at tau-tauhan ng mga anticristo. Samakatwid, ang mga taong nananalig sa Diyos sa pamamagitan ng relihiyon, ay hindi maliligtas.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply