Tanging salita ng Diyos ang katotohanan at maaaring maging buhay ng tao. Ito ang sigurado! Ngunit hindi malinaw sa akin ang kahulugan ng salita ng Diyos bilang buhay ng tao at mga resultang kaya nitong makamit. Maaari bang magbahagi pa kayo ng mas maraming detalye?

Agosto 27, 2018

Sagot: Tanging ang mga salita ng Diyos ang maaaring maging buhay ng tao, magbago ng tao, at pumerpekto ng tao. Ang salita ng tao, kahit gaano pa sila umaayon sa katotohanan, ay hindi mababago o mapeperpekto ang tao. Katotohanan ito na walang makapagkakaila! Kahit aminin pa ng mga tao na tanging ang mga salita ng Diyos ang maaaring maging buhay ng tao, kakaunti lamang ang nakakaintindi sa kahulugan ng mga salita ng Diyos bilang buhay ng tao at ang mga resultang makakamit nito. Kapag ang tao ay naliwanagan sa usaping it, hahanapin nila ng kusa ang katotohanan. Napakakaunting tao ang nakakaintindi kung ano talaga ang katotohanan, at walang nakakaintindi kung bakit maaari itong maging buhay ng tao at anong uri ng mga resulta ang makakamit sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng tao sa katotohanan. Upang maintindihan ang aspetong ito ng katotohanan, kailangan muna nating maintindihan na nilikha at binigyang buhay ng Diyos ang tao. At tanging ang Diyos lamang ang may kakayahang ipagkaloob sa tao ang totoong buhay. Genesis 1:26: “At sinabi ng Diyos, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” Nilikha ng Diyos ang tao sa Kanyang imahe, kaya siguradong pagkakalooban ng Diyos ang tao ng bagong buhay. Sa parehong pagkakataong nagkatawang-tao ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, binanggit Niya: “Ako ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Dumating ang Diyos at dinala ang daan sa walang-hanggang buhay. Walang duda na ipagkakaloob ng Diyos sa tao at pahihintulutan ang tao na makamit ang walang-hanggang na buhay. Ang daan ng walang-hanggang buhay ay lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos upang linisin at perpektuhin ang tao. Sinabi noon ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan(Juan 8:51). “‘Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay: ang siyang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y patay, gayunma’y siya ay mabubuhay; At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman.’ Pinaniniwalaan mo ba ito?(Juan 11:25–26). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus. Ang daan ng Diyos ay ang walang-hanggang buhay na ipinagkakaloob ng Diyos sa tao. Kung susunod ang tao sa daan ng Diyos, hindi siya kailanman mamamatay. Kung susunod ang tao sa daan ng Diyos, hindi siya mamamatay kailanman.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Napakalinaw na sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Ang daan ng katotohanang dala ni Cristo ng mga huling araw ay daan ng walang-hanggang buhay. Ang daang ito ng walang-hanggang buhay ay ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Kung makamit ng tao ang buhay na ipinagkakaloob ng Diyos, makakamit niya ang walang-hanggang buhay at hindi kailanman mamamatay. Kung gayon bakit salita lamang ng Diyos ang maaaring maging walang-hanggang buhay ng tao? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sinuman, ni hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng sinuman. Ito ay sapagkat maaari lamang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo lamang ang may taglay sa diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo lamang ang may daan ng buhay. At sa gayon, tanging ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami nang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binuhay ang tao. … Nanggaling sa Diyos ang buhay ng tao, dahil sa Diyos ang pag-iral ng kalangitan, at nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pag-iral ng mundo. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang takasan ang nasasakupan ng pamamahala ng Diyos. … at tanging ang Diyos lamang ang nagtataglay ng daan ng buhay. Dahil ang Diyos ay ang buhay na hindi nagbabago, Siya kung gayon ang buhay na walang hanggan; dahil tanging ang Diyos lamang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo sa gayon ang daan ng buhay na walang hanggan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pagkandili ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Ginawang napakalinaw ng mga salita ng Diyos kung bakit maaaring maging buhay ng tao ang mga salita ng Diyos. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng sanlibutan. Hindi lang nilikha ng Diyos ang langit, lupa at lahat ng bagay, pinamumunuan din niya ang lahat ng ito. Ito ay katotohanang tinatanggap ng lahat. Ang Diyos ay umiiral at kailanma’y umiiral; tanging ang Diyos ang walang-hanggang buhay. Kaya kaya niyang pamunuan lahat ng bagay. Bukod sa Diyos, walang tao, kaganapan o bagay ang tumatagal o umiiral habangbuhay. Iiral ang salita ng Diyos magpakailanman. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas(Mateo 24:35). Kaya magpakailanmang iiral ang katotohanang ipinahayag ng Diyos at hindi kailanman magbabago. Ito ang walang-hanggang buhay. Ang salita ng Diyos mismo ang daan sa walang-hanggang buhay at maaaring maging walang-hanggang buhay ng tao. Lahat ng salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ay pagbubunyag ng buhay ng Diyos. Lahat ng ito’y pagpapahayag ng matuwid niyang disposisyon, lahat ng mayroon at kung ano Siya, kinakatawan ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, at lahat ng kanyang intensyon at kinakailangan sa sangkatauhan. Lahat ng ito’y katotohanang kailangang taglayin ng napasamang sangkatauhan upang makamit ang pagliligtas. Ito ang daan sa walang-hanggang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Lahat ng tunay na nakaranas ng salita ng Diyos ay nakita na ang katotohanang ito: Habang mas nararanasan ng tao ang salita ng Diyos ay mas mararamdaman niya na ang salita ng Diyos ang katotohanan at ang buhay. Ang bawat pangungusap ng salita ng Diyos ay sapat na para maranasan ng tao sa habangbuhay. Kapag nararanasan ng tao ang salita ng Diyos, makakamit niya ang katotohanan at buhay mula sa salita ng Diyos. Kapag namuhay ayon sa salita ng Diyos, makakaramdam ang tao ng labis na pagkakuntento, kasiyahan, kapayapaan at pag-asa. Lubos niyang mararamdaman sa kanyang puso na nasa kanya ang Diyos at binibigyang-lakas siya ng salita ng diyos at maaaring maging pananampalataya at buhay niya ang salita ng Diyos. Sapat na itong patunay na ang salita ng Diyos ang walang-hanggang katotohanan. Tanging ang salita ng Diyos ang maaaring maging walang-hanggang buhay ng tao. Walang makapagkakaila nito. Lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw ay ang buhay na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Bawat bagay ng katotohanan ay maaaring maging bahagi ng buhay ng tao. Halimbawa: Ang pagiging isang matapat na tao ay maaaring daan para magkaroon ang tao ng normal na pagkatao at mabuhay nang kawangis ng tunay na tao. Maaaring maging daan ang pagkilala sa Diyos para igalang ng tao ang Diyos, sundin ang Diyos, sambahin ang Diyos, at biyayaan ng Diyos nang libu-libong henerasyon. Makakamit ng pag-asa at pagsunod sa Diyos ang pamamatnubay at mga biyaya ng Diyos para sa tao. Kung tunay na minamahal ng tao ang Diyos, maaari siyang gamitin nang husto ng Diyos at palaging maglingkod sa Diyos. Sa paglalakad sa daan ng Diyos, takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan makakamit ang pangako ng Diyos na pagpasok sa kaharian ng langit. Ipinapakita nito na ang pagkamit sa mga katotohanang ito ay pagkamit ng walang-hanggang buhay at pagtamasa sa habangbuhay na mga biyaya. Bawat bagay ng katotohanan ay maaaring maging buhay ng tao at magdala ng mga biyaya sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng pagiging buhay ng tao ang katotohanan.

Ngayon alam na natin kung bakit tanging ang salita ng Diyos ang maaaring maging buhay ng tao. Dahil tanging salita ng Diyos ang katotohanan, at tanging ang katotohanan ang maaaring maging buhay ng tao. Ito ay hindi maikakailang katotohanan. Anong mga resulta ang makakamit mula sa pagiging buhay ng tao ang salita ng Diyos? Tingnan natin muli ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos:

Ang salitang ‘mga salita’ ay maaaring simple at ordinaryo, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob, binabago ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng ngayon ang nakagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at pumaparito upang iligtas ang tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, na inaakay at tinutustusan ng Kanyang mga salita. Nabubuhay ang mga tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at mas marami pang taong nagsimulang mabuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, ginabayan Niya ang mga tao sa buong sansinukob gamit ang mga salita, at nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita. Sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita).

Kung may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, at nakapagbibigay ng taos-pusong papuri sa Kanyang kabanalan at katuwiran, nangangahulugan ito na tunay nga silang kumikilala sa Kanya at nagtataglay ng katotohanan; saka lamang sila mabubuhay sa liwanag. Kapag nagbago na ang pananaw ng isang tao sa mundo at sa buhay, saka lamang siya magkakaroon ng malaking pagbabago. Kapag ang isang tao ay may layunin sa buhay at kumikilos ayon sa katotohanan, kapag ganap siyang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag siya at natatanglawan hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, kapag walang kadiliman sa kanyang puso, at kapag siya ay nakapamumuhay nang lubos na malaya at hindi napipigilan sa presensya ng Diyos, saka lamang siya makapamumuhay ng isang tunay na buhay ng tao, at saka lamang siya magiging isang taong nagtataglay ng katotohanan. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Naghahari sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Kataas-taasang Diyos—ay sinasang-ayunan ka bilang isang tunay na taong namumuhay ng tunay na buhay ng tao. May mas makabuluhan pa ba kaysa sa pagsang-ayon ng Diyos? Ang ibig sabihin ng sang-ayunan ng Diyos ay taglay mo ang katotohanan(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Napakalinaw ng paliwanag ng Makapangyarihang Diyos sa mga resultang maaaring makamit sa pagsasabuhay ng tao sa salita ng Diyos. Tinanggap natin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at nakita na lahat ng pahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan at lahat ay disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Ibinunyag ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang kanyang plano sa pamamahala: ang katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, kahulugan ng pangalan ng Diyos, at mga kuwento ng Biblia, paano pinasama ni Satanas ang sangkatauhan at paano iniligtas ng Diyos ang sangkatauhan, ang mga hantungan at katapusan ng lahat ng uri ng mga tao, paano dapat maghanap ang tao upang makamit ang pagliligtas at maperpekto, at iba pa. Binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang ating mga mata at binibigyan tayo ng piging para sa mga ito. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay tila may dalawang talim lubos na nilalantad ang ating malasatanas na kalikasan at ang iba’t ibang pangit na katayuan ng pagsuway at pagtutol sa Diyos ipinatatanto sa atin kung gaano kalalim tayong pinasama ni Satanas, na hindi na tayo mukhang tao, pinahiya tayo, at ipinaramdam sating wala na tayong pagtataguan. Ganap tayong nilupig ng salita ng Diyos, pinakita nitong ang salita ng Diyos ay katotohanan at kayang lupigin ang sangkatauhan. Parang pakikipagharap sa Diyos ang pagkakaranas ng paghatol ng kanyang salita. Nalaman natin ang matuwid niyang disposisyon at tunay na naramdaman ang kanyang kamahalan, poot, at di-pagpaparaya sa kasalanan ng tao, na magbubunga ng pusong gumagalang sa Diyos. Ito ang resulta ng paglilinis at pagpeperpekto sa tao ng katotohanan ng salita ng Diyos. Ang paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay binago ang ating mga pananaw sa buhay sa iba’t ibang hangganan. Kung dati ay katanyagan, katayuan at kapurihan ng yaman ang hanap, ngayon ay nakatuon tayo sa katotohanan at katapatan na kumikilala, na sumusunod, at nagmamahal sa Diyos, at tinutupad ang ating tungkulin bilang nilikhang nilalang upang palugudan ang Diyos. Unti-unting nagbago ang ating disposisyon sa buhay, at tayo’y naging mas kawangis ng tunay na tao. Sa palagay ko lalong mahalaga at makabuluhan ang pamumuhay nang ganito. Malinaw na nating nakikita lahat ng salitang ihinayag ng Makapangyarihang Diyos ay talagang nakalilinis, nakapagliligtas, at nakakaperpekto ng tao, na ito’y maaaring maging buhay ng tao at dulutan ang tao ng totoong buhay. Ito ang resultang nakakamit ng gawain ng Diyos sa kanyang mga salita. Ito’y patunay na tanging salita ng Diyos at katotohanan ang makapaglilinis, makapagliligtas, at makapeperpekto ng sangkatauhan at maaaring maging buhay ng tao. Kung tunay na makakamit ng isang tao ang katotohanan mula sa salita ng Diyos, makakamit nila ang pagkilala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at pagmamahal sa Diyos, makakamit ang pagkakaayon sa Diyos at hindi kailanman muling pagtataksilan ang Dyos. Sa ganitong paraan, makakamit ng tao ang walang-hanggang buhay at hindi kailanman masisira. Ito ang resulta ng pagiging buhay ng tao ng katotohanan ng mga salita ng Diyos.

Bakit ang salita lamang ng Diyos ang maaaring maging buhay na walang-hanggan ng tao, ngunit ang mga salita at kaalaman ng tao ay hindi? Tingnan natin ang isang katunayan. Ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Bakit ang sangkatauhan ay lalo pang nagiging masama at tiwali? Bakit lalong dumidilim ang mundong ito? Ito’y dahil sa simula nang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang pilosopiya, mga patakaran, lohika at maraming lason ni Satanas ang naging buhay at likas ng tao. Bilang resulta, ang sangkatauhan ay lalong nagiging masama at kinakalaban ang Diyos, at ang daigdig ay lalo pang nagdidilim. Mula rito ay makikita natin na lahat ng negatibong bagay ay mula kay Satanas, masasamang espiritu at mga demonyo. Si Satanas ang ugat ng lahat ng kasamaan at kadiliman. Taglay ng tiwaling sangkatauhan ang likas ni Satanas, at nabubuhay nang ayon sa pilosopiya, mga patakaran at mga lason ni Satanas. Ang tao ay arogante, liko, mapanlinlang, tagataguyod ng kasamaan, puno ng mga intriga, pakikibaka para sa katayuan, at pagtatalo sa loob ng pamilya, atbp. Nawala na sa tao ang kanyang konsensya at katuwiran. Siya ay walang pagkatao tulad ng maruruming demonyo at masasamang espiritu. Sapat ang katibayan para mapatunayan na ang salita ni Satanas ni ang sa tiwaling sangkatauhan ay hindi ang katotohanan. Ito ay hindi maaaring ang buhay ng tao. Magagawa lamang nitong tiwali, linlangin, saktan, at patayin ang tao. Maliban na ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos ay tanggapin, ang sangkatauhan ay lalo lamang magiging tiwali at sa huli ay wawasakin ni Satanas. Ito ang batas na hindi maiiwasan. Kung gayon, ang mga taong hindi tinatanggap ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay mamamatay na kasama ni Satanas sa bandang huli. Hindi na sila iiral pa. Ito ay tiyak na mangyayari. Tanging ang Diyos ang makapagliligtas sa sangkatauhan, at tanging ang salita ng Diyos ang magiging buhay ng tao. Tanging sa pagtanggap sa katotohanan bilang buhay maaaring makaligtas ang tao at makapasok sa kaharian ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.