Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).
“Sapagkat gaya ng kidlat, na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay, at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25).
“Ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
“At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagkat Siya’y Anak ng tao” (Juan 5:27).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Maaari kayang sinabi Niya sa pangkat ninyong ito? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paano Siya umalis, nakasakay sa isang ulap, ngunit nalalaman mo ba kung paano talaga ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talaga ngang nakikita mo, paano maipaliliwanag ang mga salitang binigkas ni Jesus? Sinabi Niya: Kapag dumating ang Anak ng tao sa mga huling araw, Siya Mismo ay hindi makakaalam, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng buong sangkatauhan. Tanging ang Ama ang makakaalam, ibig sabihin, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi nakaaalam, ngunit ikaw ay nakakikita at nakaaalam? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, hindi ba’t ang pagbigkas ng mga salitang ito ay mawawalan ng kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus nang panahong iyon? “Tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Kapag dumating na ang araw na iyon, ang Anak ng tao Mismo ay hindi ito malalaman. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis. Kapag pumarito Siya, maging Siya Mismo ay hindi nakaaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nagagawa mo bang makita ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o ang anumang bagay na hindi sa laman, kundi ang tao, na sa laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay ginawang tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na sa laman bilang layon ng Kanyang gawain; higit pa rito, dahil ang tao ang layon ng katiwalian kung kaya’t pinili ng Diyos ang tao bilang ang tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Kaya, ang Diyos ay dapat maging tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil mismo ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan o maiwaksi sa kanyang sarili ang laman.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamaraan ng Espiritu at gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at ni hindi maaaring lapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao bilang ang Espiritu, hindi makakamit ng tao ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para makamit ang kaligtasang ito. Sapagkat wala talagang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nagawang makalapit sa ulap ni Jehova. Maaari lamang Niyang personal na maisagawa ang Salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng pagkintal ng Kanyang Salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na marinig at makita ng tao ang Kanyang Salita, at makamit din ang Kanyang Salita, at sa pamamagitan nito ay ganap na mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang sinumang may laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala ring kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay hahampasin, o, nang walang paraan na makasalamuha ang Diyos, sila ay ganap na mabibihag ni Satanas. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan, upang tubusin ito sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang mga satanikong tiwaling disposisyon ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang iyong mga pinatawad na ang mga kasalanan nila ay mapalaya mula sa kasalanan at lubos na madalisay, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makawala sila sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Pagkatapos magwakas ang Kapanahunan ng Kautusan, at simula sa Kapanahunan ng Biyaya, sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas, na nagpapatuloy hanggang sa mga huling araw, kung kailan ginagampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga tao dahil sa kanilang paghihimagsik, sa gayon ay ganap na dinadalisay ang sangkatauhan. Pagkatapos lamang nito wawakasan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang maisagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang gagabay sa mga tao sa kanilang pamumuhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawan ng laman. Sa ganitong paraan lamang Niya matutustusan ang mga tao ng praktikal na Salita na kailangan nila bilang mga nilikha. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos nakakatanggap ang tao ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos, at hindi direktang mula sa langit bilang kasagutan sa mga panalangin nito. Ang tao ay laman at dugo, wala itong paraan na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu, kaya ang tanging makakaugnayan nito ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito mauunawaan ng tao ang lahat ng Salita at lahat ng katotohanan at matatanggap ang lubos na kaligtasan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito sa katawang-tao ganap na dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang ibinayad na halaga at ang lahat ng Kanyang pagdurusa ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang pakinabang at kawalan o mga gantimpala para sa Diyos; ang Kanyang natatamo ay hindi isang bagay na Kanyang inaani, kundi iyong orihinal nang nararapat sa Kanya. Ang layunin sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa para sa sangkatauhan at lahat ng halagang Kanyang ibinayad para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng mas maraming gantimpala, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang maraming paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga nakakamit ng gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay puno ng napakaraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya makakapagsakatuparan ng mga kahima-himalang gawa gaya ng Espiritu, at higit na hindi Niya kayang magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng ordinaryong katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa diwa ng gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-taong ito Mismo ang kinakailangan ng lahat ng tao. Para sa mga ililigtas, ang halagang gamit ng Espiritu ay lubhang mas mababa kaysa sa halagang gamit ng katawang-tao: Nagagawa ng gawain ng Espiritu na sumaklaw sa buong sansinukob, sa lahat ng mga bundok, ilog, lawa, at karagatan, ngunit ang gawain ng katawang-tao ay higit na mabisang nauugnay sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na may nahahawakang anyo ay kayang higit na maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at lalo pang makapagpapalalim sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at makapag-iiwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng praktikal na mga gawa ng Diyos. Nababalot sa hiwaga ang gawain ng Espiritu; mahirap para sa mga mortal na nilikha na hulaan ito, at higit na mahirap para sa kanila na makita, at kaya maaari lamang silang magguni-guni ng mga bagay tungkol dito batay sa wala. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ay normal at praktikal, at nagtataglay ng saganang karunungan, at ito ay isang katunayan na maaaring personal na makita ng mga mata ng mortal na tao; maaaring personal na mapahalagahan ng tao ang karunungan ng gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Maaari lamang gumawa ang Espiritu ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanya na ilarawan sa isip, halimbawa, ang kaliwanagan ng Espiritu, ang pag-antig ng Espiritu, at ang gabay ng Espiritu, ngunit para sa tao na may isip, ang mga bagay na ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Nagbibigay lamang ang mga ito ng isang pag-aantig, o ng isang halos katulad na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa pamamagitan ng mga salita. Gayunman, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay labis na naiiba: Kalakip nito ang tumpak na gabay ng mga salita, at may malilinaw na layunin at malilinaw na hinihinging layon. At kaya’t ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang manghula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at labis na naiiba ang Kanyang gawain mula sa gawain ng Espiritu. Angkop lamang ang gawain ng Espiritu para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring pumalit sa gawain ng katawang-tao. Ang mga tumpak na layon na hinihingi sa tao sa pamamagitan ng gawain ng katawang-tao, at ang praktikal na halaga ng kaalaman na natatamo ng tao sa pamamagitan ng gawaing ito, ay higit na nalalampasan ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Espiritu. Para sa mga tiwaling tao, tanging ang gawain na nagbibigay ng tumpak na mga salita at malilinaw na layon na dapat hangarin, at nakikita at nahahawakan, ay ang uri ng gawain na may pinakamalaking halaga. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong gabay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging praktikal na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Kaya lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon. Bagama’t ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay kaya lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, hindi posible sa gayon na maging mabisa ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katunayan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Bagama’t ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay malayong tumugma sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at para sa tao ay tila hindi kaayon ng Kanyang aktuwal na halaga, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng likas na wangis ng Diyos, o ng likas na pagkakakilanlan ng Diyos, ay kayang gawin ang gawain na hindi nakakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang likas na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang kabuluhan at halagang ito ang hindi kayang maarok at makilala ng tao. Bagama’t lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, anuman ang kanilang pananaw o iniisip, malayong nahihigitan ng praktikal na kabuluhan at halaga ng katawang-tao ang sa Espiritu. Mangyari pa, tungkol lamang ito sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagkaantig o inspirasyon, at ng isang pagkaramdam ng pagkamangha na ang gawaing ito ay kagila-gilalas, hindi maarok, at hindi lubusang maisip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, nakahihigit, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at maabot ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa isa’t isa mula sa malayo, na tila ba may napakalawak na agwat sa kanilang pagitan, at sila kailanman ay hindi maaaring maging magkatulad, na tila ba ang tao at ang Diyos ay pinaghiwalay ng isang di-nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi magkatulad ng uri at hindi kailanman magkasamang iiral sa parehong mundo, at dahil ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng anuman sa tao. Kaya hindi kailangan ng tao ang Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay hindi kayang tuwirang gawin ang gawaing pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng praktikal na mga layunin upang hangaring matamo, mga tahasang salita, at isang pakiramdam na Siya ay praktikal at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama’t takot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao, Siya ay talagang madaling lapitan. Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi kailangang tingnan ng tao mula sa malayo ang Diyos. Ang pakiramdam ng tao ay malapit sa kanya ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, bagkus ay nakikita at naaabot, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang taong makalaman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi isinasagawa sa espirituwal na mundo, kundi sa gitna ng tao. Walang sinuman ang mas angkop at mas kalipikado kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isasagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat, at, dagdag pa rito, ang tao ay mahihirapang tanggapin ito, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao. Batay lamang sa puntong ito, hindi magiging agaran ang mga epekto, lalong hindi makikita ng tao nang may mas malaking kalinawan ang disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa anumang pagkakasala. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang Diyos sa katawang-tao ay isa ring tao na may normal na pagkatao, gayumpaman, kaya Niyang tuwirang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang kalipikado, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan at pagiging matuwid, at kaya nagagawa Niyang hatulan ang tao. Iyong mga walang katotohanan at pagiging matuwid ay hindi karapat-dapat na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na mas matayog ang Espiritu kaysa sa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at matagumpay laban sa laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng paghihimagsik ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng hindi pagiging matuwid ng tao. Sapagkat ang gawain ng paghatol ay ginagawa rin sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na pagbubunyag sa hindi pagiging matuwid ng tao, lalong hindi kaya ang lubusang pagsisiwalat ng gayong hindi pagiging matuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya at sa paglaban nila sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagiging mapaghimagsik ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas malinaw kaysa sa epekto ng gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol sa lahat ng sangkatauhan ay hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu, bagkus ay ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay kayang ganap na lupigin ang tao. Ang tao ay umuusad mula sa paglaban sa Diyos patungo sa pagpapasakop sa Kanya, mula sa pag-uusig sa Kanya patungo sa pagtanggap sa Kanya, mula sa pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya patungo sa pagkakilala sa Kanya, at mula sa pagtanggi sa Kanya patungo sa pagmamahal sa Kanya—ang mga ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa proseso ng paglaban nito sa Kanya, at tumatanggap ito ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa proseso ng pagtanggap sa Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Ang pinakadakilang kalakasan ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga panghihikayat, at ng Kanyang tumpak na mga layunin para sa sangkatauhan sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at sa mas praktikal na paraan ay maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa daang ito. Tanging ang Diyos sa katawang-tao na gumagawa sa gitna ng tao ang tunay na nagdudulot na maging realidad ang pagsama ng Diyos sa tao at ang pamumuhay kasama ng tao, at tumutupad sa pagnanais ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winakasan na ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinapos na rin Niya ang kapanahunan ng pananampalataya ng sangkatauhan sa malalabong diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagdadala sa buong sangkatauhan sa isang kapanahunang mas makatotohanan, mas praktikal, at mas maganda. Ang gawaing ito ay hindi lamang tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at mga regulasyon ngunit ang higit na mahalaga, ipinaaalam nito sa sangkatauhan ang Diyos na praktikal at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago sa loob ng libo-libong taon. Winawakasan nang lubusan ng gawaing ito ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos nito ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan nito ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at ganap nitong inaakay ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao kapalit ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, saka lang ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sa paghula sa mga layunin ng malalabong diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng relihiyon at denominasyon, at kanilang ipapamahagi ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat ng naririnig ng mga tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, at magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao—magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi ito. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kung walang mga katunayan kundi pawang mga imahinasyon lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan para sa tao ng anumang karagdagang katibayan o anumang karagdagang katunayan ng gawain ng Diyos. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, palagi siyang mananampalataya sa isang malabong diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang mukha ng Diyos, ni kailanman ay maririnig ng tao ang mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, sa huli, ay hungkag, at hindi mapapalitan ng mga ito ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng pagkakatawang-tao ng Diyos at pagparito Niya sa gitna ng tao para personal na gawin ang Kanyang gawain. Ito ang pinaka-ideyal na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, at para makita ng tao ang Diyos at makilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay dapat magawa sa katawang-tao. Kung tuwiran itong gagawin ng Espiritu ng Diyos, wala itong bisang ibubunga. Gawin man ito ng Espiritu, walang magiging malaking kabuluhan ang gawain, at sa huli ay hindi makakakumbinsi. Nais ng lahat ng nilikha na malaman kung may kabuluhan ba ang gawain ng Lumikha, at kung ano ang kinakatawan nito, at sa anong kapakanan ginagawa ito, at kung puno ba ng awtoridad at karunungan ang gawain ng Diyos, at kung ito ba ay may sukdulang kahalagahan at kabuluhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan, alang-alang sa paggapi kay Satanas, at para sa pagpapatotoo sa Kanyang sarili sa gitna ng lahat ng bagay. Dahil diyan, dapat na may malaking kabuluhan ang gawain na ginagawa Niya. Ang laman ng tao ay nagawang tiwali ni Satanas, at ito ay pinakalubhang nabulag at labis na napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay sapagkat ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at sapagkat ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang guluhin ang gawain ng Diyos. Sa katunayan, ang pakikipaglaban kay Satanas ay ang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Kaya, ang pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang Kanyang gawain ay labis na kinakailangan. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging pinakalarawan ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Samakatwid, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan, nakikipaglaban Siya kay Satanas sa katawang-tao. Kapag gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain ng espirituwal na mundo, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na mundo. Tao ang nalulupig, tao na mapaghimagsik sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na kaaway Niya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Kaya, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilikha, upang magawa Niya ang aktuwal na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapaghimagsik sa Kanya at nagtataglay ng panlabas na anyo na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na anyo na katulad ng sa Kanya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang layon ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain—nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at higit pa rito ay nagagawang iligtas ang sangkatauhan. … Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang gawain na hindi kaya ng karaniwang taong may laman, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay tao rin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nagagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t normal at ordinaryo ang katawang-tao na ito, pagdating sa ambag Niya sa sangkatauhan at kabuluhan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan, napakahalaga Niya, at hindi masusukat ng sinumang tao ang aktuwal na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi tuwirang mawawasak si Satanas ng katawang-tao na ito, magagamit Niya ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na sumuko sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang gapiin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang winawasak si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Siyang makapagpapatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at mas mahusay Niyang maliligtas ang tiwaling tao. Ang paggapi kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagbibigay ng higit na malaking patotoo, at higit na nakakakumbinsi, kaysa sa tuwirang pagwasak ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na kapaki-pakinabang para sa pagkilala ng tao sa Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilikha Niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao