Ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit hindi ginagamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Kailangan ba Niya talagang maging tao para gawin ito Mismo? At ano ang mahalagang pagkakaiba ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong ginagamit ng Diyos?
Sagot: Kung bakit kailangang maging tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay tanong na ikinababahala ng maraming nauuhaw sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita ng Diyos. Ito ay isa ring tanong na may kaugnayan sa kung tayo ba ay madadala sa kaharian ng langit. Kaya, napakahalaga na maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Bakit kaya kailangang magkatawang-tao Mismo ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na gamitin ang tao para gawin ang Kanyang gawain? Natutukoy ito sa likas na katangian ng gawain ng paghatol. Dahil ang gawain ng paghatol ay ang pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan at pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon upang lupigin, padalisayin, at iligtas ang sangkatauhan. Basahin natin ang ilang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
“Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kinabibilangan ng pagpapahayag ng maraming aspeto ng katotohanan, pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, pagbubunyag ng lahat ng hiwaga, paghatol sa likas na kasamaan ng tao na paglaban at pagtataksil sa Diyos, paglalantad at pagsusuri sa pananalita at kilos ng tao, at paghahayag ng banal at matuwid na diwa at di-masusuway na disposisyon ng Diyos sa buong sangkatauhan. Kapag sasailalim ang hinirang ng Diyos sa paghatol sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, parang kaharap nila ang Diyos, inilalantad at hinahatulan Niya. Kapag hinahatulan ng Diyos ang tao, kailangan Niya tayong tulutang makita ang pagpapamalas ng Kanyang matuwid na disposisyon, na para bang nakikita natin ang banal na diwa ng Diyos, para bang nakikita natin ang matinding liwanag na nakatutok mula sa kalangitan, at ang makita ang salita ng Diyos ay tulad sa isang espadang magkabila ang talim na nakatarak sa ating puso’t espiritu, na dahilan upang matiis natin ang di-maipaliwanag na paghihirap. Sa paraang ito lamang natin mapapansin ang ating sariling tiwaling diwa at ang katotohanan ng ating katiwalian, madarama ang matinding pagkapahiya, maitatago ang ating mukha sa kahihiyan, at magpapatirapa tayo sa harap ng Diyos sa tunay na pagsisisi, at pagkatapos ay magagawa nating tanggapin ang katotohanan at mamumuhay tayo ayon sa salita ng Diyos, na lubusang inaalis sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, at maliligtas tayo at gagawing perpekto ng Diyos. Ang gawaing tulad ng paghatol, pagdadalisay, at pagliligtas sa tao ay personal lamang na magagawa ng Diyos na nagkatawang-tao.
Dahil naranasan na natin ang paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama na nating lahat kung paanong di-masusuway ng tao ang kabanalan at matuwid na disposisyon ng Diyos. Bawat titik ng salita ng Diyos ay may taglay na karingalan at poot, bawat salita ay tumitimo sa kaibuturan ng ating puso, lubusang inilalantad ang ating likas na kasamaan na pagkalaban at pagtataksil sa Diyos, gayundin ang mga elemento ng tiwaling disposisyon na nakabaon sa kaibuturan ng ating puso kaya’t hindi natin makita mismo ang mga ito, tinutulutan tayong mapansin kung paanong ang ating likas na pagkatao at diwa ay puno ng kayabangan, pagmamagaling, kasakiman, at panlilinlang, paano tayo namumuhay ayon sa mga bagay na ito, gaya ng mga buhay na diyablong gumagala sa mundo, hindi nagtataglay ng kahit kaunting kabaitan. Nakakamuhi at nakakasuklam ito sa Diyos. Napapahiya tayo at napupuno ng pagsisisi. Nakikita natin ang sarili nating kababaan at kasamaan at nalalaman na hindi tayo marapat na mabuhay sa harap ng Diyos, kaya nagpapatirapa tayo sa lupa, handang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Sa pagdanas ng paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tunay na nasasaksihan natin ang pagpapakita ng Diyos. Nakikita natin na ang kabanalan ng Diyos ay hindi maaaring dungisan at ang Kanyang katuwiran ay hindi maaaring suwayin. Napapansin natin ang marubdob na mga intensyon at tunay na pag-ibig kung saan sinisikap ng Diyos na iligtas ang tao at nakikita ang katotohanan at diwa ng ating katiwalian sa mga kamay ni Satanas. Kaya naman, sa ating puso, nagsisimula tayong makadama ng pagpipitagan sa Diyos at masaya nating tinatanggap ang katotohanan at sinusunod ang mga plano at pagsasaayos ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang ating tiwaling disposisyon ay unti-unting dumadalisay. Ang mga pagbabagong nagawa natin ngayon ay bunga ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Kaya, kapag ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan, nagpapahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano Siya upang isagawa ang gawain ng paghatol, saka lamang natin nakikita ang pagpapakita ng tunay na liwanag, ang pagpapakita ng Diyos, at nagsisimula tayong magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa ganitong paraan lamang natin makikita na ang Diyos lamang ang maaaring magpadalisay at magligtas sa atin. Bukod kay Cristo, walang taong makakagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Basahin natin ang ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang sinumang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng katawan ng tao. … Matatalo lamang nang lubusan si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang kasamaan ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Diyos lamang ang karapat-dapat, at nasa posisyon, na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at katuwiran, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi akmang hatulan ang iba” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).
“Ang Aking paghatol sa iyo sa kasalukuyan ay dahil sa iyong karumihan; Ang Aking pagkastigo sa iyo sa kasalukuyan ay dahil sa iyong katiwalian at pagiging mapanghimagsik. Hindi ito upang magpakita ng kapangyarihan at karangalan sa gitna ninyo o sadyaing sindakin kayo, nguni’t dahil kayo na naninirahan sa isang lupaing marumi ay nadungisan ng napakaraming karumihan. Basta na lamang ninyo nawala ang inyong karangalan, ang inyong pagkatao, at hindi kayo naiiba sa baboy na naninirahan sa pinakamababahong mga lugar. Dahil sa mga bagay na ito sa inyo kaya kayo hinahatulan at kaya ang Kanyang matinding galit ay dumadalaw sa gitna ninyo. Dahil sa mga paghatol na ito kaya ninyo nakita na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, na ang Diyos ang banal na Diyos. Dahil sa Kanyang kabanalan at katuwiran kaya Niya kayo nahatulan at kaya Siya nagalit sa inyo. Dahil maaari Niyang ihayag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ihayag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito para ipakita na Siya ang Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit isinilang din sa isang maruming lupain. Kung Siya ay naging isang taong dinudungisan ang sarili pati na ang iba at kung wala Siyang anumang mga elemento ng kabanalan o matuwid na disposisyon, hindi Siya magiging karapat-dapat na humatol sa kasamaan ng sangkatauhan o maging hukom ng sangkatauhan. Kung hahatulan ng tao ang tao, hindi ba parang pagsampal sa sarili nilang mukha, na kasindumi nila? Ang Isang tanging makakahatol sa lahat ng maruming sangkatauhan ay ang banal na Diyos Mismo, at paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano makakaya ng tao na makita ang mga kasalanan ng tao, at paano sila magiging karapat-dapat na parusahan ang tao? Kung walang karapatan ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya naging matuwid na Diyos Mismo? Kapag nabunyag ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, nagsasalita Siya upang hatulan sila, at saka lamang nila makikita na Siya ay banal” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig).
Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos malinaw nating nakikita na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang isagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos upang lupigin, padalisayin, at gawing perpekto ang tao. Nagpapakita ang Diyos Mismo upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawaing ito ay tanda ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isa pa. Ang gawaing ito ay kailangang maisagawa sa pagkakatawang-tao ng Diyos, walang taong makakahalili sa Kanya sa paggawa ng gawaing ito. Bakit kaya maraming naniniwala na dapat gamitin ng Diyos ang mga tao upang gawin ang lahat ng Kanyang gawain, sa halip na magkatawang-tao Siya upang gawin Mismo ang gawain? Hindi ito kapani-paniwala! Talaga bang tanggap ng sangkatauhan ang pagdating ng Diyos? Bakit kaya palaging napakaraming taong nagnanais na gamitin ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain? Ito ay dahil gumagawa ang mga tao ay gumagawa alinsunod sa kanilang mga pagkaintindi, ginagawa nila ang mga bagay ayon sa iniisip ng mga tao na dapat isagawa ang mga ito. Kaya, madali para sa karamihan na sambahin, hangaan at sundin ang tao. Gayunman, ang paraan ng paggawa ng Diyos ay hindi kailanman naaayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao, hindi Niya ginagawa ang mga bagay ayon sa iniisip ng tao na dapat gawin ang mga ito. Kaya nahihirapan tayong makasundo ng Diyos. Ang diwa ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid at hindi masusuway. Gayunman, lubusan nang ginawang tiwali ni Satanas ang taong tiwali, at puno ito ng napakasamang disposisyon; nahihirapan silang makasundo ng Diyos. Kaya, nahihirapan tayong tanggapin ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ayaw nating mag-aral at magmasid, sa halip ay sinasamba natin ang tao at pikit-mata tayong sumasampalataya sa kanyang gawain, tinatanggap at sinusunod ito, na para bang ito ay gawain ng Diyos. Ano ang problema rito? Masasabi mong, walang kaalam-alam ang sangkatauhan kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos at danasin ang Kanyang gawain, kaya, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang isagawa sa pagpapahayag ng katotohanan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang malutas ang lahat ng problema ng tiwaling sangkatauhan. Tungkol naman sa tanong ng ilang tao kung bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan pa rin ba itong sagutin? Ang diwa ng tao ay tao, ang tao ay hindi nagtataglay ng banal na diwa, kaya hindi kaya ng tao na ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at hindi niya magagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Maliban pa rito, tayong mga tao ay nagawa nang lahat na tiwali ni Satanas at likas na makasalanan, kaya ano ang kwalipikasyon natin para hatulan ang ibang mga tao? Yamang hindi kaya ng marumi at tiwaling tao na padalisayin at iligtas ang kanyang sarili, paano niya inaasahang mapadalisay at mailigtas ang iba? Mapapahiya lamang ang tiwaling tao dahil hindi tatanggapin ng iba ang kanilang paghatol. Diyos lamang ang matuwid at banal, at Diyos lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya, ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Walang taong makakagawa ng gayong gawain, iyan ang totoo.
Ngayon, bakit ginamit ng Diyos ang tao upang gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan? Dahil ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng paghatol sa mga huling araw ay likas na magkaiba. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay ang lahi ng mga bagong silang, hindi pa sila masyadong nagawang tiwali ni Satanas. Ang gawain ng Diyos na si Jehova ay kinapalooban higit sa lahat ng pagproklama ng mga batas at kautusan upang magsilbing gabay sa sinaunang tao kung paano mabuhay sa lupa. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi para baguhin ang disposisyon ng tao, hindi nito kinailangan ang pagpapahayag ng mas maraming katotohanan. Kinailangan lamang gamitin ng Diyos ang tao para ipahatid ang naitakda Niyang mga batas sa mga Israelita, para malaman ng mga Israelita kung paano sundin ang mga batas, sambahin ang Diyos na si Jehova, at mabuhay nang normal sa lupa. Sa paggawa nito, ang yugtong iyon ng gawain ay nakumpleto. Kaya, maaaring gamitin ng Diyos si Moises upang kumpletuhin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi Niya kinailangang magkatawang-tao upang personal na isagawa ang gawain. Kung ihahambing, ang layon ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay iligtas ang sangkatauhan, na lubhang nagawang tiwali ni Satanas. Ang pagpapalabas ng ilang talata ng salita ng Diyos at pagproklama ng ilang batas ay hindi sasapat sa sitwasyong ito. Napakaraming katotohanang kailangang ipahayag. Ang likas na disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay kailangang ipahayag nang lubusan, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay kailangang buksan para sa sangkatauhan, na para bang ihahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili nang harapan sa sangkatauhan, na tinutulutan silang maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos, at sa paggawa nito, lubusan Niyang pinadadalisay, inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan. Kailangan itong personal na gawin Mismo ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, walang taong makakahalili sa Kanya sa paggawa ng gawaing ito. Maaaring gamitin ng Diyos ang mga propeta upang maglabas ng ilang talata ng Kanyang salita, ngunit hindi pinapayagan ng Diyos ang mga propeta na ipahayag ang likas na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, o ipahayag ang buong katotohanan, dahil ang tiwaling tao ay hindi karapat-dapat na gawin ito. Kung ginamit ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, malamang na ipahiya niya ang Diyos, dahil ang tao ay may tiwaling disposisyon, nanganganib na pagtaksilan niya ang kanyang sariling mga pagkaintindi at ilusyon, malamang ay mayroong mga karumihan sa kanyang gawain, na madaling magpapahiya sa Diyos at iimpluwensya sa kabuuan ng pagiging epektibo ng gawain ng Diyos. Gayundin, malamang na isipin natin na lahat ng mayroon ang tao at kung ano siya ay ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na ang mga karumihan ng tao sa kanyang gawain ay katotohanan. Humahantong ito sa maling pagkaunawa at pagkapahiya ng Diyos. Gayundin, kung gagamitin ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, dahil sa mga karumihan ng tao, hindi natin ito tatanggapin at baka kalabanin pa natin ito. Sa gayon ay makakahanap ng kamalian si Satanas at gagawa ng mga paratang, na magpapaalab ng apoy ng ating kawalang-kasiyahan sa Diyos, magbubunsod ng mga pag-aklas, at magsusulsol na bumuo tayo ng sarili nating hiwalay na kaharian. Ito ang kahihinatnan kapag ang tao ang gumawa ng gawain ng Diyos. Lalo na, sa pagliligtas ng Diyos sa labis na tiwaling tao sa mga huling araw, hindi agad tinatanggap at sinusunod ng mga tao ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya kung ginamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang gawaing ito, malamang na lalong hindi ito tanggapin at sundin ng mga tao. Hindi ba ito ang mga simpleng katotohanan? Tingnan ninyo ang mga elder at pastor ng relihiyosong daigdig, naiiba ba ang pagkalaban at pagtuligsa nila sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa paraan ng pagkalaban ng mga punong saserdoteng Judio at Fariseo sa Panginoong Jesus noon? Ang pagliligtas ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan ay hindi madali. Kailangan nating maunawaan kung paano mag-isip ang Diyos!
Sa isang banda, ang gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang hatulan, padalisayin at iligtas ang sangkatauhan, sa kabilang banda, at ang mas mahalaga, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at ng disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano Siya para tulutan ang buong sangkatauhan na tunay na makilala at maunawaan ang Diyos, at makita ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Basahin natin ang ilang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga layuning pagsisikapan, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Ang katawang-tao lamang ng Diyos ang makakagawa ng dalawang ito, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kailangang makilala ng mga tao ang Diyos, ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos ay kailangang maiwaksi sa kanilang puso, at dahil kailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, kailangan muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi ang mga larawan ng malalabong Diyos mula sa puso ng mga tao, mabibigo siyang makamit ang tamang epekto. Ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao ay hindi maaaring ilantad, alisin, o ganap na mapalis ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posibleng iwaksi ang mga bagay na ito na malalim na nakaugat sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang makakapalit sa malabo at higit-sa-karaniwang mga bagay na ito upang tulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang angkop na epekto. … Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito para sa Kanya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang mas praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipapakita ang Kanyang larawan at pagkatao. Hindi makakamtan ng sinumang makamundong tao ang epektong ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).
“Ang mga imahinasyon ng tao, kunsabagay, ay walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito makakamtan ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).
“Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao una sa lahat ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magkatotoo ang walang-hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan Siyang makita at mahipo ng mga tao. Sa ganitong paraan, susundan ng mga taong ginagawa Niyang ganap ang Kanyang pamumuhay, matatamo Niya sila, at magiging kaayon sila ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos, at hindi talaga pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na kilalanin ang Diyos, maipapangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya, at hindi mapapasakanila ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Naparito ang Diyos sa lupa una sa lahat upang kumilos bilang isang halimbawa at huwaran para sa mga yaon na matatamo ng Diyos; sa ganitong paraan lamang talagang makikilala, at mahihipo, at makikita ng mga tao ang Diyos, at saka lamang sila tunay na matatamo ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo).
“Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Partikular na, ang gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ay dinadala ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; ang mas mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagpapasimula sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya ang kapanahunan ng kalabuan nang lubusan, tinatapos Niya ang kapanahunan kung saan ang ninais ng buong sangkatauhan na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas buong sangkatauhan, at inaakay ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay resulta ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na ng Espiritu ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).
Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ay talagang makahulugan. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa lupa sa mga huling araw, namumuhay sa piling ng mga tao at nagpapahayag ng Kanyang salita sa sangkatauhan, ipinapahayag sa madla ang sarili Niyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Kung sino ang mahal at sino ang kinamumuhian ng Diyos, kanino nakatuon ang galit ng Diyos, sino ang pinaparusahan Niya, ang Kanyang damdamin, Kanyang mga kahilingan sa mga tao, Kanyang intensyon para sa mga tao, ang ulirang pananaw ng tao sa buhay, mga pinahahalagahan, atbp., ipinapaalam Niya sa atin ang lahat ng ito, tinutulutan tayong magkaroon ng malilinaw na mithiin sa buhay upang hindi natin kailanganing magbakasakali sa malabong paghahangad ng relihiyon. Gaya ng sinasabi ng salita ng Diyos, “Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos.” Lahat ng nakaranas sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay iisa ang karanasan: Kahit nagdaan tayo sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, natiis natin ang lahat ng uri ng pagsubok at pagpipino, at lubhang pinahirapan ng brutal at malupit na pagtugis at pag-uusig ng malaking pulang dragon, nakita na natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na dumating sa atin, nakita na natin ang kamahalan at matinding galit ng Diyos at ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan, nakita natin ang pagpapamalas ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na para bang nakikita natin ang Diyos Mismo. Bagama’t hindi pa natin nakikita ang espirituwal na katawan ng Diyos, nahayag na nang buung-buo ang likas na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan, at lahat ng mayroon at kung ano Siya, na para bang nasa harap natin ang Diyos, harap-harapan, tinutulutan tayong tunay na makilala ang Diyos at magkaroon ng pusong may takot sa Kanya para masunod natin ang anumang mga plano Niya para sa atin hanggang kamatayan. Nadarama nating lahat na sa salita at gawain ng Diyos ay nakikita at nakikilala natin ang Diyos sa praktikal at tunay na paraan, at lubusang naalis ang lahat ng pagkaintindi at ilusyon at naging mga taong tunay na nakakakilala sa Diyos. Noon, inakala nating ang disposisyon ng Diyos ay mapagmahal at mahabagin, naniniwalang patuloy na patatawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ngunit matapos makaraan sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, talagang naunawaan na natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang mahabagin at mapagmahal, kundi matuwid, maringal, at puno rin ito ng galit. Sinumang magkasala sa Kanyang disposisyon ay parurusahan. Sa gayon, maaari nating pagpitaganan ang Diyos, tanggapin ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tunay at praktikal na naunawaan na nating lahat na ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid, at hindi masusuway, naranasan na ang habag at pag-ibig ng Diyos, tunay na nating napahalagahan ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, nakilala kung paano mapakumbabang itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili, at nalaman ang Kanyang marubdob na mga intensyon at maraming kaibig-ibig na katangian: ang Kanyang damdamin, Kanyang katapatan, Kanyang kariktan at kabutihan, Kanyang awtoridad, dakilang kapangyarihan, at Kanyang masusing pagsusuri sa lahat ng bagay, atbp. Nakita na natin ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na para bang nakikita natin ang Diyos Mismo, tinutulutan tayong makilala ang Diyos nang harapan. Hindi na tayo naniniwala at sumusunod sa Diyos batay sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, kundi nakadarama tayo ng tunay na pagpipitagan at pagsamba sa Diyos, at tunay tayong sumusunod at umaasa sa Diyos. Talagang natanto na natin na kung hindi personal na nagkatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol, hindi natin kailanman makikilala ang Diyos, at hindi natin makakayang alisin sa ating sarili ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay. Kaya ano man ang tingin ninyo rito, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang gawin Mismo ng Diyos na nagkatawang-tao, walang makakahalili sa Kanya. Dahil sa mga pagkaintindi at ilusyon ng tao, kung gagamitin ng Diyos ang tao para gawin ang gawain ang paghatol sa mga huling araw, hindi Niya magagawang kamtin ang minimithing epekto.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Kaya umabante na tayo at magbahaginan tungkol sa mahalagang pagkakaiba ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong ginagamit ng Diyos. Tingnan natin kung ano sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa aspetong ito ng katotohanan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
“Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).
“Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nakakataas Siya sa sinuman sa mga taong nilikha, nakakataas sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Kahit lahat sila ay may katauhan, katauhan lamang ang mayroon ang mga taong nilikha, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may katauhan kundi ang mas mahalaga ay mayroon Siyang pagka-Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).
“Ang pagka-Diyos ni Cristo ay nasa ibabaw ng lahat ng tao, samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay, ang disposisyon at kung ano ang Diyos Mismo, na nakakaalam ng Kanyang pagkakakilanlan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).
“Dahil ang Diyos ay banal at dalisay, at tunay at aktuwal, nagmumula ang Kanyang katawang-tao sa Espiritu. Ito ay tiyak, at hindi mapag-aalinlanganan. Hindi lamang nakakayang sumaksi sa Diyos Mismo, kundi nakakaya ring ganap na gawin ang kalooban ng Diyos: isang panig ito ng diwa ng Diyos. Ang kahulugan ng nagmumula ang katawang-tao sa Espiritu na may larawan ay ang katawang-tao na isinusuot ng Espiritu sa Kanyang Sarili ay likas na naiiba sa laman ng tao, at ang pagkakaibang ito ay pangunahing nakasalalay sa kanilang espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 9).
“Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. …
“… Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
Nilinaw nang husto ng Makapangyarihang Diyos na ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Espiritu ng Diyos sa katawang tao. Bagama’t normal ang Kanyang pagkatao, sangkap ang Kanyang diwa. Gayunpaman, ang mga taong ginagamit ng Diyos ay may diwa ng tao. Maaari lamang silang maging tao, at ni wala man lang silang banal na diwa. Ang ibig sabihin ng “may banal na diwa si Cristo” ay na taglay ng Espiritu ng Diyos—ang Kanyang likas na disposisyon, ang Kanyang diwa ng katuwiran at kabanalan, kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya, ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, at awtoridad at kapangyarihan ng Diyos—ay natatantong lahat sa katawang-tao. Ang katawang-taong ito ay ang katawang-taong may banal na diwa, ang tunay na Diyos na naparito sa lupa upang gumawa at iligtas ang sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may banal na diwa, ang Kanyang mga damdamin, saloobin, pananaw, at opinyon sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, lahat ng iniisip ni Cristo ay katotohanan, lahat ng ito ay pagpapahayag ng banal na diwa at disposisyon sa buhay ng Diyos. Kayang katawanin nang lubusan ni Cristo ang Diyos, direktang ipahayag ang tinig ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya sa pamamagitan ng identidad ng Diyos. Kaya Niyang ipagkaloob sa tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at higit pa ito sa kakayahan ng sinumang taong nilikha. Ito ay dahil taglay ni Cristo ang ganap na pagka-Diyos, kaya nga naipapahayag Niya nang direkta ang salita ng Diyos, kahit kailan at kahit saan, kaysa sa mga propeta na nagpapahiwatig lamang ng ilang salita ng Diyos paminsan-minsan. Katotohanan ang lahat ng ipinapahayag ni Cristo, at iyon ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Hindi niya tinatalakay ang Kanyang kaalaman at karanasan sa mga salita ng Diyos. Dahil ganap ang pagka-Diyos ni Cristo, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan kahit kailan at kahit saan upang tustusan, diligan, at patnubayan ang mga tao, upang gabayan ang buong sangkatauhan. At dahil ganap ang pagka-Diyos ni Cristo, Kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya Niyang patnubayan at tubusin ang sangkatauhan, lupigin at iligtas ang sangkatauhan, tapusin ang buong lumang kapanahunan. Ngunit ang mga taong ginagamit ng Diyos ay may diwa ng tao. Wala silang taglay na pagka-Diyos, kundi mga tao lamang. Kaya nga kaya lamang nilang isagawa ang gawain ng tao at tuparin ang tungkulin ng tao. Bagama’t taglay nila ang pagliliwanag, pagpapalinaw, gawain, at pagiging perpekto ng Banal na Espiritu, ang kaya lamang nila ay makipagtulungan sa gawain ng Diyos at ipahayag ang kanilang kaalaman at karanasan. Maaaring umayon ang kanilang mga salita sa katotohanan at makinabang ang iba kadalasan, ngunit hindi ang mga ito ang katotohanan, at hindi kapantay ang mga ito ng mga salita ng Diyos. Idinaraos ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng pagpapasimula ng isang kapanahunan at pagtatapos ng isang kapanahunan. Kaya Niyang ipahayag nang direkta ang katotohanan at gabayan ang buong sangkatauhan. Ngunit ang kaya lamang gawin ng mga taong ginagamit ng Diyos o may gawain ng Banal na Espiritu ay makipagtulungan sa gawain ng Diyos habang ginagampanan ang tungkulin ng tao. Ang kaya lamang nilang gawin ay ipahayag ang kanilang sariling kaalaman at mga karanasan sa salita ng Diyos, at ang sinasabi nila ay umaayon sa katotohanan. Gaano man sila katagal nang gumagawa para sa Diyos at gaano man karami ang kanilang nasabi, ibinabahagi lamang nila ang kanilang kaalaman at karanasan sa salita ng Diyos, pinupuri lamang nila at pinatototohanan ang Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong ginagamit ng Diyos o may gawain ng Banal na Espiritu.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may diwa ng pagka-Diyos, kaya ang Kanyang gawain at salita ay walang halong mga kaisipan, paniwala, imahinasyon, at lohika ng tao, sa halip, tuwirang ipinapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng mayroon at kung ano ang pagka-Diyos, at ang orihinal na kahulugan ng Espiritu ng Diyos. Tulad noong Kapanahunan ng Biyaya, inihayag ng Panginoong Jesus ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, inihatid ang daan tungo sa pagsisisi, at ipinahayag ang Kanyang disposisyon ng kabaitan at awa, at iba pa. Lahat ng ito ay mga direktang pahayag ng Espiritu ng Diyos, lahat ay natural na mga paghahayag ng disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya. Lahat ng ito ay hindi maaabot ng pag-iisip ng tao. Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na magpapadalisay, magliligtas, at magpeperpekto sa sangkatauhan. Inihahayag Niya ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpaparaya sa anumang pagkakasala, at ibinubunyag ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala, tulad ng mga hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang mga pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao, ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang katotohanan sa loob ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang ugat ng katiwalian ng tao, kung paano dapat makalaya ang tao sa kasalanan upang matamo ang pagliligtas ng Diyos, ang tadhana ng sangkatauhan sa hinaharap, at iba pa. Lahat ng ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ay pawang direktang pagpapahayag ng pagka-Diyos, ang orihinal na kahulugan ng Espiritu ng Diyos, na hindi maaabot ng pag-iisip ng tao. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao at ang Kanyang ipinahayag na disposisyon ay sapat na upang patunayan na ang Diyos na nagkatawang-tao ay may diwa ng pagka-Diyos, at na Siya ay walang iba kundi ang Diyos Mismo, ang Kaisa-isa. Gayunpaman, ang mga taong ginagamit ng Diyos ay hindi maaaring palitan ang Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang banal na gawain, ni hindi nila maaaring ipahayag nang direkta ang orihinal na kalooban ng Espiritu ng Diyos. Maaari lamang nilang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao sa pundasyon ng gawain ng Diyos, ibahagi ang kanilang kaalaman at karanasan, akayin ang mga taong hinirang ng Diyos na pumasok sa realidad ng katotohanan ng mga salita ng Diyos, patotohanan ang Diyos at paglingkuran Siya. Ito ang katuparan ng tungkulin ng tao. Ginagawa nila ang gawain na kaya ng isip ng tao, ang gawain na maaaring maranasan ng tao, ang gawain na kung ano ang mayroon at kung ano ang tao. Dahil ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong ginagamit Niya ay magkaiba ang diwa, ganap na magkaiba ang likas na katangian ng kanilang gawain. Iba ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga taong ginagamit Niya, tulad ng pagkakaiba ng Diyos sa tao. Ang isa ay may diwa ng Diyos, samantalang ang isa naman ay may diwa ng tao. Ang Isa na may diwa ng pagka-Diyos ay kayang gawin ang gawain ng Diyos, samantalang yaong may diwa ng tao ay kaya lamang gawin ang gawain ng tao. Bawat taong naniniwala sa Diyos ay kailangang maunawaan ito.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
“Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya.” Napakalinaw ng salita ng Diyos. Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos—ito ay gawaing kailangang isagawa ng Diyos sa sangkatauhan, ito ay gawaing kailangang personal na isagawa ng Diyos, at ito ay gawaing hindi magagawa ng sinumang tao para sa Kanya. Walang taong makakagawa nito para sa kanya; ibig sabihin ay walang taong makakahalili sa lugar ng Diyos sa paggawa ng gawaing ito. Bakit walang maaaring pumalit sa Kanyang lugar? Maaaring sabihin ng ilan: “Noong Kapanahunan ng Kautusan, hindi ba ginamit ng Diyos si Moises para isagawa ang Kanyang gawain? Kung gayon bakit hindi maaaring gamitin ng Diyos ang mga tao para isagawa ang gawain ng paghatol?” May hiwaga bang nakapaloob dito? Noong Kapanahunan ng Kautusan naglabas ng batas at mga kautusan ang Diyos sa mga Israelita, na maaaring isagawa sa paggamit ng tao. Ngunit bakit kaya hindi maaaring halinhan ng tao ang Diyos at isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? May hiwaga rito. Tungkol saan ba ang hiwagang ito? Ituloy natin ang pagbabasa para makita natin kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol dito. “Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao.” Ipinaalam na ng Diyos ang kahulugan ng gawain ng paghatol—ano ang likas na katangian ng gawaing ito? Sabi ng Diyos, “Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan.” Paano natin dapat ipakahulugan ang mga salitang ito? Ano ba talaga ang paghatol? Batay sa salita ng Diyos mauunawaan natin ito gaya ng sumusunod: Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa paggamit ng katotohanan para lupigin ang tao. “Ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan,” kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga salitang ito. Bakit hindi kayang gawin ng tao ang gawaing ito ng paghatol? Sabi ng ilan, hindi raw kasi taglay ng tao ang katotohanan, kaya hindi nila ito maipahayag. Ayos lang talaga ang ganitong klase ng pag-unawa, ganitong klase ng pagtanggap. Dahil hindi taglay ng mga tao ang katotohanan at wala sa kanila ang katotohanan, hindi nila maisasagawa ang gawain ng paghatol. Sabi ng ilan: “Nagagamit ng Diyos ang mga propeta upang ipahayag ang Kanyang salita, kaya maaari bang gamitin ng Diyos ang mga propeta upang ipahayag ang Kanyang salita para isagawa ang gawain ng paghatol?” Hindi. Ito ay dahil ang mga propetang naghahatid ng salita ng Diyos at ang Diyos Mismo na nagpapahayag ng katotohanan kahit kailan at kahit saan ay magdudulot ng iba’t ibang resulta, dahil hindi naman ang mga propeta mismo ang katotohanan. Ano ba ang mga ibubunga ng pagtutulot sa isang taong hindi ang katotohanan na ihatid ang salita ng Diyos? Si Cristo, kapag nagsasagawa ng gawain ng paghatol sa Kanyang identidad bilang Diyos, ay maipapahayag ang katotohanan kahit kailan at kahit saan, maihahayag kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at maipapaalam ang disposisyon ng Diyos. Gayunman, hindi naman ang propeta mismo ang katotohanan at hindi nagagawang ihayag kung ano ang mayroon at ano ang Diyos kahit kailan at kahit saan. Ano ba talaga ang kaibhan sa pagitan ng mga resultang dulot ng paggamit ng isang propeta para ihatid ang salita ng Diyos at ng deretsahang pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan? Kung ito ay isang bagay na kaya mong unawain nang lubusan, tunay mong mauunawaan ang mga salitang, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya.” “Hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya,” ano ang kabilang dito? Hindi ito uubra kung ginagamit ng Diyos ang mga tao o mga propeta para ihatid ang Kanyang mga salita. Bakit ganoon? Bakit hindi nito makakamit ang resultang nakakamit kapag ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain? Sa sandaling maunawaan ninyo ang isyung ito, magagawa ninyong tanggapin ang mga salitang ito.
Bakit hindi magiging okey na gamitin ng Diyos ang mga propeta upang ihatid ang Kanyang salita para isagawa ang gawain ng paghatol? Anong mga resulta kaya ang hindi makakamit kung ginawa ang gawain sa ganitong paraan? Isang bagay ba iyon na makikita ninyo? Kung ginamit ang mga propeta para ihatid ang mga salita ng Diyos, ang mga resulta ay tutulutan lang ang mga tao na magkaroon ng kaunting pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Ngunit pagdating sa pag-unawa sa disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at sa katotohanang ipinapahayag Niya, gaano man kalaki ang ginawang pagsisikap ng tao, imposibleng makamit ang pinakamainam na resulta. Bakit hindi nila maaaring makamit ang pinakamainam na resulta? Ang diwa ng mga propeta ay diwa ng tao. Dahil tao lang sila, maaari kayang ang sarili nilang pagpapahayag ay maging kung ano ang mayroon at ano ang pagka-Diyos? Talagang hindi nila iyon maaaring gawin. … Batay sa puntong ito, makikita natin na paano man maaaring ihatid ng isang propeta ang salita ng Diyos, hindi nila magagawang ihayag ang Kanyang disposisyon, ni hindi nila magagawang ihayag kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, dahil ang diwa ng mga propeta ay diwa ng tao—hindi sila banal. Si Cristo ay may banal na diwa, at sa pagsasagawa ng gawain ng paghatol maipapahayag Niya ang katotohanan kahit kailan at kahit saan; maihahayag Niya kung ano ang mayroon at ano ang Diyos. Kay Cristo, nakikita ng tao ang disposisyon ng Diyos, nakikita kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at nakikita ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos. Tungkol naman sa taong ginagamit ng Diyos, gaano man karami ang nauunawaan natin sa salita ng Diyos sa pamamagitan niya, sa huli sa pamamagitan niya ay hindi pa rin natin mauunawaan ang Diyos kailanman, at kahit may kaunti tayong maunawaan, magiging lubhang napakalimitado niyon! Dapat ay malinaw na ito sa inyo ngayon, tama ba? Kaya ngayon, dapat ay medyo nauunawaan na natin ang kahulugan ng mga salita ng Diyos na, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya.” Gayunman, hindi naiintindihan ng mga tao sa relihiyosong daigdig ang kahulugan ng mga salitang ito—hindi nila nauunawaan ang mga ito. Naniniwala sila na yamang nagamit ng Diyos si Moises para isagawa ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, dapat magamit ng Diyos ang tao para isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ngunit hindi ba ibang-iba ito sa kalooban ng Diyos? Ang pagtatamo ng pagkaunawa sa puntong ito ay biyaya ng Diyos. Hindi ito maunawaan ng mga tao sa mga relihiyon, dahil hindi pa nila nararanasan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Bigo silang unawain ang napakaraming katotohanan! Hindi nila maunawaan ang maraming katotohanan. Kung ikukumpara napakarami na nating natamo. Lahat ng nasa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay pagpapahayag ng katotohanan. Naglalaman ito ng mga katotohanang hindi pa nakamit sa mga yugto ng gawain ng Diyos na napagdaanan ng sangkatauhan simula nang likhain ang mundo, mga katotohanang hindi pa rin nauunawaan hanggang ngayon. Ngunit ngayon, dahil nararanasan natin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, natamo na natin ang mga katotohanang ito. Hindi ba ito ang biyaya ng Diyos? Hindi ba ito ang matinding pagmamahal ng Diyos?
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.