Madalas ipangaral ng mga relihiyosong pastor at elder sa mga nananalig na anumang patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao ay mali. Ibinabatay nila ito sa mga talata sa Biblia na: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23–24). Wala tayong ideya ngayon kung paano natin dapat mahiwatigan ang tunay na Cristo mula sa mga bulaan. Maaari mo bang bigyang-linaw ang tanong na ito?

Abril 18, 2018

Sagot:

Tunay ngang sinabi ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta sa mga huling araw. Ito’y katotohanan. Ngunit malinaw ring ipinropesiya ng Panginoong Jesus nang maraming beses na Siya ay babalik. Hindi ba natin ito pinaniniwalaan? Kapag sinisiyasat ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, maraming tao ang nagbibigay prayoridad sa pagiging maingat sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at hindi man lang iniisip kung paano sasalubong sa pagdating ng Kasintahang Lalake, at kung paano makikinig sa tinig ng Kasintahang Lalake. Ano ba ang isyu rito? Hindi ba’t ito’y kaso ng hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan, ng pagiging maingat tungkol sa mga bagay na walang halaga at pagbabalewala sa mga bagay na mahalaga? Sa katunayan, gaano man tayo kahigpit mag-ingat laban sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung hindi natin tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi tayo madadala sa harapan ng luklukan ng Diyos, tayo’y mga hangal na dalagang pinaalis at pinabayaan ng Diyos, at ang paniniwala natin sa Panginoon ay isang kabiguan! Ang susi sa kung matatanggap natin ang pagbalik ng Panginoon o hindi ay kung naririnig natin ang tinig ng Diyos o hindi. Hangga’t kinikilala natin na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, hindi tayo mahihirapang tukuyin ang tinig ng Diyos. Kung hindi natin mabatid ang katotohanan, at nakatuon lamang tayo sa mga tanda at kababalaghan ng Diyos, tiyak na malilinlang tayo ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Kung hindi natin hahanapin at sisiyasatin ang tamang daan, hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos kailanman. Hindi ba tayo naghihintay ng kamatayan, at nagdadala ng sarili nating kapahamakan? Naniniwala tayo sa mga salita ng Panginoon: naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Yaong mga tunay na may talino, at kalibre, at nakakarinig sa tinig ng Diyos ay hindi malilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Sapagkat wala ang katotohanan sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at hindi nila kayang gawin ang gawain ng Diyos. Hindi natin ito kailangang alalahanin. Yaon lamang mga nalilito at walang utak ang maaaring malinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Hindi malilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ang matatalinong dalaga, dahil pinangangalagaan at pinoprotektahan sila ng Diyos. Nang likhain ng Diyos ang tao, binigyan Niya ng espiritu ng tao ang matatalinong dalaga at narinig nila ang tinig ng Diyos. Kaya naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, na itinalaga ng Diyos. Mga hangal na dalaga lamang ang naglalaan ng kanilang mga sarili sa pag-iingat sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at kinaliligtaang hanapin at siyasatin ang pagbalik ng Panginoon. Kung gusto nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi tayo malinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kailangan nating maunawaan kung paano nililinlang ng mga bulaang Cristo ang mga tao. Sa totoo lang, sinabi na sa atin ng Panginoong Jesus ang mga gawi ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Sabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang(Mateo 24:24). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Panginoong Jesus na ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay nakadepende lamang sa pagsasagawa ng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga taong hinirang ng Diyos. Ito ang pangunahing pagpapakita ng panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta sa mga tao. Dito, dapat nating maunawaan kung bakit gumagamit ng mga tanda at kababalaghan ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta para linlangin ang mga tao. Higit sa lahat, iyon ay dahil ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay salat na salat sa katotohanan. Sa katangian at diwa, sila’y lubhang masasamang espiritu. Kaya kailangan nilang dumepende sa mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kung taglay ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ang katotohanan, hindi sila gagamit ng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Ganito iyan, nagsasagawa ng mga tanda at kababalaghan ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta dahil iyon lang ang kaya nilang gawin. Kung hindi natin ito nakikita, napakadali para sa kanila na linlangin tayo. Tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Siya na makapagpapahayag ng katotohanan, at makapagpapakita ng daan sa mga tao, at makapagbibigay sa kanila ng buhay ang Siyang Cristo. Yaong mga tinatawag ang sarili nila na Cristo, ngunit hindi kayang ipahayag ang katotohanan, ay tiyak na mga bulaang Cristo; sila’y mga manloloko. Ito ang pangunahing prinsipyo ng pagtukoy sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Lahat ng naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan ay dapat tumalima sa prinsipyong ito para hanapin at tiyakin ang tinig ng Diyos, at wala silang ginagawang mali rito.

Inilantad na ng Makapangyarihang Diyos ang mga panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Basahin natin ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pagpapagaling sa mga maysakit at ang pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, ang unang hakbang sa mapantubos na gawain, at ngayong nailigtas na ng Diyos ang tao mula sa krus, hindi na Niya ginagampanan ang gawaing iyon. Kung sa mga huling araw isang ‘Diyos’ na kapareho ni Jesus ang nagpakita, isa na nagpagaling sa maysakit, na nagpalayas sa mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang ‘Diyos’ na iyon, kahit parehas ng paglalarawan sa Diyos sa Biblia at madali para sa tao na tanggapin, ay hindi, sa kakanyahan nito, magiging laman na suot ng Espiritu ng Diyos, kundi ng masamang espiritu. Sapagkat ito ay prinsipyo ng gawain ng Diyos na hindi kailanman uulitin ang Kanyang natapos na(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Sa mga pagkaintindi ng tao, kailangan ay laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, laging magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at laging maging katulad ni Jesus, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ganyan ang Diyos. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng maysakit—kung ginawa Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o halaga. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang mga yapak ng Diyos, binabago ng Diyos ang pamamaraan. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangan mong malinawan ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). “Hindi kailanman umaayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang gawain at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang lumang gawain bagkus ay sumusulong sa gawaing hindi pa nagawa kailanman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?).

Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Ang Diyos ay laging bago at hindi luma, at hindi pareho ang ginagawa kailanman. Katulad lang noong dumating si Jesus para gumawa: pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ginawa Niya ang isang yugto ng gawain ng pagtubos, at sinagip ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Para maging epektibo ang Kanyang gawain, gumawa Siya ng ilang tanda at kababalaghan. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na, pinasimulan na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian, at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ngunit hindi Niya inuulit ang gawaing natapos ng Panginoong Jesus. Sa halip, batay sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, isinasagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa kadalisayan at kaligtasan ng sangkatauhan upang malutas ang pinagmumulan ng ating kasalanan at napakasamang disposisyon, at para lubos tayong iligtas mula sa impluwensya ni Satanas, upang makamtan tayo ng Diyos. At ang mga bulaang Cristo? Sila ay pawang masasamang espiritu na nagkukunwaring Cristo. Hindi nila kayang pasimulan ang isang bagong kapanahunan at tapusin ang lumang kapanahunan. Kaya lang nilang gayahin ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang simpleng tanda at kababalaghan para linlangin yaong mahihina ang ulo at hindi makahiwatig. Ngunit hindi nila kayang gayahin ang ginawa ni Jesus na bumuhay ng patay at pakainin ng limang tinapay at dalawang isda ang limang libong tao, o sawayin ang hangin at dagat, na hindi nila lubos na maunawaan. Sa diwa, ang mga bulaang Cristo ay masasama, sila ay masasamang espiritu at salat na salat sa katotohanan. Kaya nga, kaya lang nilang gayahin ang Diyos sa pagsasagawa ng ilang tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kung hindi naman ay nililinlang at pinapayuhan nila ang mga tao sa paggaya sa tono ng mga salita ng Diyos at sa mga simpleng salita na minsan nang sinambit ng Diyos.

Hinggil sa katotohanan kung paano masasabi ang kaibhan ng tunay na Cristo sa mga bulaang Cristo, tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni’t ito’y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos malinaw nating nakikita na si Cristo ay Diyos na naging tao, Siya ang Espiritu ng Diyos na naging tao. Ibig sabihin, lahat ng taglay ng Diyos, pati na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang karunungan ng Diyos ay nagkatotoong lahat sa Kanyang katawang-tao. Si Cristo ay may diwa ng pagka-Diyos, at Siya ang sagisag ng katotohanan. Lagi Niyang naipapahayag ang katotohanan para ibigay sa tao, at pinapatnubayan ang tao sa lahat ng lugar. Si Cristo lang ang makagagawa ng gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Wala nang iba pang makakagaya rito, ni makapagkakaila rito. Samantala, karamihan sa mga bulaang Cristo ay sinasapian ng masasamang espiritu. Napakayabang nila at nakakatawa sila. Sa diwa, masasamang espiritu at mga demonyo sila. Kaya, kahit ano pang mga tanda at kababalaghan ang gawin nila sa pamamagitan ng paggaya sa Diyos, o paano man nila ipakahulugan nang mali ang Biblia, o magsalita man sila tungkol sa malalim na kaalaman at teorya, wala silang ginagawa kundi linlangin, saktan, at sirain tayo. Wala silang ginagawa na nakakabuti sa atin. Lalo lang silang naghahatid ng mas matinding kadiliman sa ating puso, iniiwan nila tayo na walang landas na tatahakin, para lubusang lamunin ni Satanas. Makikita na lahat ng bulaang Cristo at bulaang propeta ay pagkakatawang-tao ni Satanas, sila ay masasamang demonyo na dumating para hadlangan at gambalain ang gawain ng Diyos. Gaano man karaming tao ang nililinlang, sinasaktan, o sinisira nila, di-magtatagal ay babagsak at mamamatay sila, dahil wala sila ni katiting na katotohanan. Kung talagang nauunawaan natin ang katotohanan kung paano matutukoy ang kaibhan sa pagitan ng tunay na Cristo at ng mga bulaang Cristo, imposibleng tumanggi tayong makinig sa tinig ng Diyos o tanggapin ang pagpapakita ng Diyos sa takot na malinlang tayo ng mga bulaang Cristo.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mula nang magpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga katotohanan para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, nakapasok na ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kaharian at nagsimula na ang Kapanahunan ng Kaharian. Kung nakadikit pa rin sa Kapanahunan ng Biyaya ang paniniwala natin sa Diyos, napag-iwanan na tayo at naisantabi ng gawain ng Diyos. Kapag dumating nang palihim ang Panginoong Jesus para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, di-maiiwasan na maraming bulaang Cristo at taong manlilinlang ang sabay-sabay na lilitaw na sinusundan at ginagambala ang gawain ng Diyos. Samakatuwid, kapag lumitaw ang mga bulaang Cristo, talagang dumating na ang Diyos nang palihim. Hindi lang natin alam ito. Sa pagkakataong ito, dapat nating masigasig na pag-aralan at siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit ngayon ay marami pa ring tao, pagdating sa ikalawang pagparito ng Panginoon, na itinuturing ang pag-iingat laban sa mga bulaang Cristo na napakahalaga, sa halip na bigyang-pansin kung paano maging matatalinong dalaga at pakinggan ang tinig ng Diyos at kung paano sasalubong sa ikalawang pagparito ng Panginoon. Sa halip, kumakapit sila sa sarili nilang mga paniwala at imahinasyon, iniisip na lahat ng patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay hindi totoo. Hindi ba sila mismo ang mga mangmang na dalagang binanggit ng Panginoong Jesus? Hindi ba ito pagtuligsa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus? Naniniwala nga ba ang mga taong ito sa pagbabalik ng Panginoong Jesus? Hindi ba ito pagtanggi sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?

Talagang nahahayag sa paraan ng pagkilala natin sa pagitan ng tunay na Cristo at ng mga bulaang Cristo kung taglay natin ang katotohanan o hindi, at ito ang pinakamabuting paraan para ipakita kung tayo ay matalino o mangmang na mga dalaga. Ginagamit ng ilang tao ang talatang ito sa mga banal na kasulatan bilang batayan sa paghatol at pagtuligsa sa Cristo na nagkatawang-tao at sa pagtanggi sa Kanyang pagdating. Naipakita na ng mga taong ito na mga hangal sila. Para makatukoy sa pagitan ng tunay na Cristo at ng mga bulaang Cristo, kailangan muna nating malaman ang diwa ni Cristo. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang Cristo na nagkatawang-tao at si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, ibig sabihin, ang Diyos sa langit ay nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao para gumawa sa mga tao. Si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos at may taglay na banal na diwa. Ang pagka-makapangyarihan at karunungan, disposisyon, at mga pag-aari at katauhan ng Diyos na taglay ng Espiritu ng Diyos ay nagkatotoong lahat kay Cristo. Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa gayo’y makasisiguro tayo na hindi isang malabong Diyos si Cristo, hindi Siya kathang-isip o guni-guni. Tunay at praktikal si Cristo; maaasahan at mapagkakatiwalaan natin Siya. Si Cristo ang praktikal na Diyos na maaaring sundan at makilala. Katulad lang ito ng Panginoong Jesus na maliwanag na nabubuhay sa ating piling, gumagawa at pinapatnubayan ang tao, inaakay ang tao. Ngayo’y alam na natin ang diwa ni Cristo, napakadali nang matukoy ang tunay na Cristo at ang mga bulaang Cristo. Basahin natin ang isang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit kinakailangan ng bawat isa sa atin na malaman ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy[a] kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo. Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi niya napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Nang dumating ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, sinabi Niya: “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). Nagpahayag ang Panginoong Jesus ng maraming katotohanan, nagpahayag ng disposisyon na higit sa lahat ay awa at pagmamahal, at kinumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ganap na pinatutunayan ng gawain, mga binigkas at disposisyon ng Panginoong Jesus na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa mga huling araw, dumating ang Makapangyarihang Diyos at sinabi: “Ang Aking mga salita ay ang katotohanan, ang buhay, ang daan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 12). Nagpahayag na ng ilang milyong salita ang Makapangyarihang Diyos at binuksan Niya ang scroll, nagpapahayag ng isang disposisyon na una sa lahat ay matuwid at nagsasagawa ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Muling pinatutunayan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos na paghatol at pagkastigo, at pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Matagal nang ipinropesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya para magsagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, at na gagawin Niya ito sa katawang-tao bilang Anak ng tao, na dumarating sa mundo nating mga tao sa imahe ng Anak ng tao at nangungusap sa mga iglesia. Natupad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang propesiya ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Naipakita sa atin nito na maaaring dumating ang tunay na Cristo sa katawang-tao para ipahayag ang mga katotohanan at disposisyon ng Diyos, at maisasagawa ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at malulupig, maililigtas, at malilinis ang tao, at magagawa rin ang kalooban ng Diyos at magpapatotoo sa Diyos. Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sigurado at lubos na lulupigin ng lahat ng katotohanang ipinapahayag Niya ang tiwaling sangkatauhan, at madadala ang lahat ng naniniwala sa Diyos sa harapan ng luklukan ng Diyos. Siguradong isasagawa ni Cristo ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sigurado iyan.

Ang mga bulaang Cristo ay masasamang espiritung nagpapanggap na Cristo. Manlilinlang sila. Karamihan sa mga bulaang Cristo ay sinasaniban ng masasamang espiritu. Kahit hindi sila sinasaniban ng masasamang espiritu, masyado silang mayayabang at mga demonyong wala sa katwiran. Kaya nga sila nagpapanggap na Cristo. Ang pagpapanggap na Cristo ay kasalanang paglapastangan sa Banal na Espiritu at siguradong isusumpa sila. Dahil ang diwa ng mga bulaang Cristo ay sa masasamang espiritu, wala silang taglay na anumang katotohanan at talagang mga demonyo sila. Samakatuwid, lahat ng sinasabi ng mga bulaang Cristo ay kasinungalingan at mali, hindi nakakakumbinsi sa mga tao. Hindi makakapasa sa pagsusuri ang anumang sinabi o ginawa ng mga bulaang Cristo, at hindi rin sila mangangahas na i-post iyon online para hanapin at siyasatin ng buong sangkatauhan. Ito ay dahil ang mga bulaang Cristo at masasamang espiritu ang dilim at liwanag ng araw. Makakaasa lang sila sa pagsasagawa ng ilang simpleng tanda at kababalaghan para linlangin ang hangal at walang-alam na mga tao sa madidilim na sulok sa lahat ng dako. Dahil dito, makasisiguro tayo na sinumang nagsasabing siya si Cristo ngunit umaasa lamang sa mga simpleng tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao ay mga bulaang Cristo. Nai-post na online ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, na kitang-kita ng buong banal na kasulatan. Lahat ng naniniwala sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan ay pawang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan, isa-isang bumabalik sa harap ng luklukan ng Makapangyarihang Diyos para tanggapin ang paghatol, paglilinis, at pagpeperpekto ng mga salita ng Diyos. Tanggap na katotohanang ito. Ibang-iba ang sinasabi at ginagawa ng mga bulaang Cristo sa sinasabi at ginagawa ni Cristo na nagkatawang-tao. Napakadali nitong mahiwatigan ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Samakatuwid, ang pagtukoy sa tunay na Cristo at mga bulaang Cristo batay sa prinsipyo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ang pinakatumpak na paraan. Sinabing minsan ng Panginoong Jesus na nakikinig ang mga tupa ng Diyos sa Kanyang tinig. Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos, at matutuklasan nila ang katotohanan sa tinig ng Kasintahang Lalake, matutuklasan ang disposisyon ng Diyos sa Kanyang salita, matutuklasan kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at makikita ang mga intensyon ng Diyos, at sa gayo’y matatanggap nila ang gawain ng Diyos at makakabalik sa harap ng Kanyang luklukan. Bakit hindi marinig ng mga hangal na dalaga ang tinig ng Kasintahang Lalake? Hangal sila dahil hindi nila mahiwatigan kung ano ang katotohanan. Hindi nila matukoy ang tinig ng Diyos at ang alam lang nila ay kung paano sumunod sa mga patakaran. Samakatuwid ay malalantad at aalisin sila ng gawain ng Diyos sa mga huling araw.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Malinaw na nakikita nating lahat na nakakaranas ng gawain ng Diyos sa huling mga araw ang isang katotohanan: Sinusundan ni Satanas at ng lahat ng klaseng masasamang espiritu ang bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos upang tularan at gayahin ang Kanyang gawain para linlangin ang mga tao. Nagpagaling ng maysakit ang Panginoong Jesus at nagpalayas ng mga demonyo, at nagpagaling din ng maysakiat at nagpalayas ng mga demonyo si Satanas at ang masasamang espiritu. Ipinakaloob ng Banal na Espiritu ang kaloob na mga wika, pagkatapos ay minanipula ng masasamang espiritu ang mga tao para magsalita sa tinatawag na “mga wika” na walang makaunawa. Gayunman, kahit hindi tumigil ang masasamang espiritu sa pagsulsol sa mga pangangailangan ng tao, kahit magsagawa sila ng kahima-himalang mga bagay para linlangin ang mga tao, walang taglay ni katiting na katotohanan si Satanas at ang masasamang espiritu. Kaya nga hindi nila maipagkakaloob ang katotohanan sa tao kailanman. Matutukoy mo ang tunay na Cristo sa mga bulaang Cristo batay sa puntong ito.

Nang simulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain sa panahong ito, nanatili muna Siyang mapagpakumbaba at nakatago nang ilang panahon, at naghintay hanggang sa umabot ang Kanyang mga salita sa kasukdulan nalupig ang lahat ng tao. Noon lamang nagpatotoo ang Banal na Espiritu tungkol kay Cristo. Hindi kailanman sinabi ni Cristo nang harapan kahit kanino na Siya ang Cristo; hindi Niya nagamit kailanman ang Kanyang posisyon bilang Cristo upang mangaral sa iba. Nanatili Siyang mapagpakumbaba at nakatago, na lubos na inaabala ang Kanyang sarili sa pagbibigay sa mga tao ng kanilang mga pangangailangan sa buhay, pagpapahayag ng katotohanan at paglutas ng mga problema sa pagbabago ng disposisyon ng mga tao. Hindi kailanman nagpasikat si Cristo, nanatili Siyang mapagpakumbaba at nakatago palagi. Ito ay isang bagay na walang makakatulad na sinumang nilalang. Hindi kailanman nagamit ni Cristo ang Kanyang posisyon at katayuan upang pasunurin at sumunod sa Kanya ang mga tao. Bagkus, ipinapahayag Niya ang katotohanan upang hatulan, kastiguhin at iligtas ang sangkatauhan upang magtamo ng kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, sundin nila ang Diyos at makamit sila ng Diyos. Mula rito, malinaw na ang Diyos ay talagang marangal. Dahil naging tao ang Espiritu ng Diyos, nagsasagawa Siya ng Kanyang gawain sa mapagkumbaba at patagong paraan. Nararanasan Niya Mismo ang lahat ng pagdurusang dinaranas ng tao sa mundo nang wala ni isang reklamo. Bilang Cristo, hindi Siya kailanman nagpasikat o pumuri sa Kanyang sarili, at siguradong hindi Siya kailanman naging masungit o mapagmagaling. Lubos na nababanaag sa Kanya ang banal na karangalan at kabanalan. Inihahayag nito ang walang-katulad na marangal na diwa ng Kanyang buhay at na Siya ang sagisag ng pagmamahal. Ang gawaing isinagawa ng mga bulaang Cristo at masasamang espiritu ang mismong kabaligtaran ng gawaing isinagawa ni Cristo. Laging mabilis ang masasamang espiritu na sabihin na sila mismo ang Cristo. Sinasabi nila na kung hindi ka makikinig sa kanila, hindi ka makakapasok sa kaharian. Ginagawa nila ang lahat para makita sila ng iba, nagyayabang sila, nagpapasikat, pinupuri ang kanilang sarili, o nagsasagawa ng ilang himala para linlangin ang mga tao. Matapos malinlang ang mga tao na tanggapin sila, bumabagsak sila sa huli dahil sa kakulangan sa katotohanan. Napakaraming halimbawa nito, dahil ang mga bulaang Cristo ay hindi ang katotohanan, ang daan, o ang buhay. Kaya, wala silang landas na tinatahak. Sa malao’t madali ay mapapahiya ang mga sumusunod sa kanila, ngunit kung susubukan nila sa oras na iyon na bumalik, huli na ang lahat. Kaya nga ang pinakamahalaga ay siguraduhin na si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Talagang wala sa mga bulaang Cristo ang katotohanan, ni sa masasamang espiritu. Gaano man karami ang sinasabi nila, o ilan mang aklat ang isinusulat nila, ni katiting ay walang nakapaloob ditong katotohanan—tiyak iyan. Si Cristo lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan. Napakahalagang mahiwatigan ang puntong ito. Bukod pa rito, hindi pinilit ni Cristo ang mga tao kailanman na tanggapin o kilalanin Siya. Darating ang araw na mas lalong makikita nang malinaw ng mga naniniwala sa Kanya ang katotohanan, at mas lalong magliliwanag ang daan. Pinatutunayan niyan na si Cristo lamang ang makapagliligtas sa tao, dahil si Cristo ang katotohanan. Magagaya lamang ng mga bulaang Cristo ang ilang salita Niya, mga salitang binabaluktot ang tama at mali at walang anumang katotohanan. Maghahatid lamang ito sa tao ng kadiliman, kalamidad, at gawain ng masasamang espiritu. Talagang hindi kayo maliligtas kung sumusunod kayo sa mga bulaang Cristo, kundi lalo lamang kayong gagawing tiwali ni Satanas. Lalo kayong dadami at mas pupurol ang inyong isip hanggang sa mapuksa kayo. Yaong mga sumusunod sa mga bulaang Cristo ay parang taong bulag na sumasakay sa isang bangka ng mga magnanakaw—ipinapahamak nila ang kanilang sarili!

—mula sa Paunang Salita sa Pagsusuri ng mga Usapin sa Panlilinlang ng mga Bulaang Cristo at Anticristo

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “para sa.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman