Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos at ang bumalik na Panginoong Jesus. Pero sa South Korea, may mga taong nagpapanggap bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus. May mga sinabi rin silang mga salita at naisulat na mga libro. Nagkaroon din ng mga tagasunod ang iba. Gusto kong pakinggan ang masasabi mo sa kung paano makikilala ang mga salita nitong mga huwad na Cristo.

Agosto 27, 2018

Sagot: Mahalagang malaman kung paano makikilala ang totoong Cristo at mga huwad na Cristo para tuluyang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon dito sa lupa. Tanging ang mga nakakikilala lamang sa totoong Cristo at mga huwad na Cristo ang makatatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw at madadala sa harapan ng Kanyang Trono. Ang mga hindi nakakikilala sa totoong Cristo at huwad na Cristo ay mga hangal na dalaga at sa huli, iiwan at aalisin ng Diyos. Ang susi sa pagkilala sa mga huwad na Cristo ay ang intindihin ang diwa nila. Sinasaniban ang mga huwad na Cristo ng masasamang espiritu, kaya masasamang espiritu sila. Walang kahit anong realidad ang katotohanan ng mga huwad na Cristo. Mga kasinungalingan, kalokohan, mga salitang kasinsayan, mga salitang bumabaliktad sa itim at puti ang lahat ng mga salita nila. Alam nilang sinasamba ng lahat ng tao ang kaalaman tungkol sa Biblia at gustong maintindihan ang mga misteryo nito kaya sinasamantala nila ang ganitong pag-iisip para bigyan ng ibang kahulugan ang Biblia at gamitin ang lahat ng klase ng kakaibang pananalita at walang katotohanang pangangatuwiran para linlangin ang mga tao. Talagang kakaiba at bago ang mga kasinsayan nila, na para bang napakalalim at misteryoso ang mga paliwanag nila sa Biblia. Mapapatunayan ba nito na katotohanan ang mga salita nila? Kung ganoon, ano ang katotohanan? Ang katotohanan ay ang Diyos at siya lamang. Ito ang realidad ng lahat ng positibong bagay na naglalarawan sa disposisyon ng Diyos. Maipapakilala ng katotohanan ang Diyos sa mga tao at pwede nilang maging buhay ito. Pwede nitong iligtas, linisin, baguhin at gawing perpekto ang mga tao. Ipinapaliwanag ng mga huwad na Cristo ang Biblia gamit ang kakaibang salita at mga walang katotohanang pangangatuwiran paano ’yan magiging katotohanan? Maiaayos at mababago ba nito ang mga tao? Magagawa ba nitong makilala ng mga tao at sumunod sila sa Diyos? Magagawa ba nitong makilala at kamuhian ng mga tao si Satanas? Mapapalaya ba nito ang mga tao sa mga maitim na impluwensiya ni Satanas? Kung hindi mapapalago ng mga salita nila ang mga buhay ng mga tao sa mundo, kung gayon itinuturing ang mga ito na mga kasinsayan, mga heresiya, at kasinungalingan. Praktikal ang gawain ng Diyos. Sinasabi ng nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang lahat ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Makikilala ng mga tao ang Diyos at mapapalaya ang mga tao sa impluwensiya ni Satanas para makamit ang kaligtasan, maging mga taong sumusunod at sumasamba sa Makapangyarihang Diyos at magkakaroon ng makabuluhang buhay ang mga tao bilang totoong tao. Ito ang tunay at mabuting gawain ng Diyos. Kung totoong si Cristo, ang Diyos na nagkatawang-tao ang pinaniniwalaan ng mga tao sa ating mundo Mauunawaan nila ang katotohanan paglipas ng 8 hanggang 10 taon. Dapat unti-unting madaragdagan ang paniniwala, pagmamahal, at pagsunod nila sa Diyos, at magkaroon ng ilang pagbabago ang disposisyon nila sa buhay. Ang mga ganitong epekto lang ang makapagpapatunay na si Cristo at ang totoong Diyos ang pinaniniwalaan ng tao. Maraming tao ang naniwala sa mga huwad na Cristo nang 8 o 10 taon at hindi nakatanggap ng kahit anong katotohanan, wala silang tunay na kaalaman sa totoong Diyos, at higit pa riyan, wala silang paniniwala, walang pagmamahal at walang pagsunod sa Diyos. Hindi ba’t nadaya at nalinlang na ang mga ganoong tao?

Walang katotohanan ang mga masasamang huwad na Cristo at talagang hindi magagawa ang gawain ng Diyos. Inilalarawan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Hindi masasabi o magagaya ng sinumang huwad na Cristo o masasamang espiritu ang mga ito. Umaasa lang ang mga huwad na Cristo sa pagbibigay ng ibang kahulugan ng Biblia para manlinlang ng mga tao, o magpanggap na pangalan ng Panginoong Jesus para magsabi ng ilang salita na nagbebenedisyon sa mga tao at nangangako sa mga tao, pero walang pakinabang ang mga ito sa pagpasok ng mga tao sa buhay at hindi makagagawa ng mga bagong landas at hindi makapagbubukas ng bagong panahon. Hindi magtatagal ang lahat ng gawain ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu. Sa kalaunan, babagsak din ito nang malakas at kusang masisira pagdating ng panahon. Yan ang totoo. Tanging ang nanggaling lamang sa Diyos ang lalago at makatatagal. Kayang makamit ng totoong gawain ni Cristo ang pagliligtas at pagpeperpekto sa tao, at kayang ipatupad ang kalooban ng Diyos at simulan at tapusin ang mga panahon. Sigurado ito, dahil makapangyarihan ang Diyos. Habangbuhay ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos. Mawawala ang langit at lupa, ngunit hindi kailanman mawawala ang mga salita ng Diyos!

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply