Ano ang pagsunod sa Diyos at ano ang pagsunod sa tao

Hulyo 10, 2021

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw man ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ng katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipagniig at hinahangad ay hindi nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinunod din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila pupurihin. Sa ngayon, lahat niyaong sumusunod sa kasalukuyang mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa mga salita ng Diyos ngayon ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Sa mga salitang “yaong mga sumunod sa Diyos hanggang sa katapusan ay tatanggap ng kaligtasan,” ang kahulugan ng “sumunod” ay tumayo nang matatag sa kabila ng kapighatian. Ngayon, marami ang naniniwala na madali ang sumunod sa Diyos, ngunit kapag ang gawain ng Diyos ay malapit nang matapos, malalaman mo ang tunay na kahulugan ng “sumunod.” Hindi dahil kaya mo pang sumunod sa Diyos ngayon matapos lupigin, ito ay hindi nagpapatunay na isa ka sa mga gagawing perpekto. Yaong mga hindi kinakayang pagtiisan ang mga pagsubok, silang mga hindi kayang maging matagumpay sa gitna ng kapighatian ay hindi makakayang tumayo nang matatag sa kahuli-hulihan, kaya’t hindi makakayang sumunod sa Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao kung kailan Niya gusto; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan at hindi mapagpapasyahan ng tao.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos? Kung walang mga pangitain, anong landas ang iyong lalakaran? Sa gawain sa kasalukuyan, kung wala kang mga pangitain, hinding-hindi ka magagawang ganap. Kanino ka ba naniniwala? Bakit ka naniniwala sa Kanya? Bakit ka sumusunod sa Kanya? Tingin mo ba ang iyong pananampalataya ay isang uri ng laro? Hinaharap mo ba ang iyong buhay na parang isang uri ng laruan? Ang Diyos ng kasalukuyan ang pinakadakilang pangitain. Gaano karami ang alam mo tungkol sa Kanya? Gaano karami ang nakita mo na tungkol sa Kanya? Yamang nakita mo na ang Diyos ng kasalukuyan, matibay ba ang pundasyon ng iyong paniniwala sa Diyos? Sa palagay mo ba ay magtatamo ka ng kaligtasan basta’t sumusunod ka sa magulong paraang ito? Palagay mo ba ay makakahuli ka ng isda sa maputik na tubig? Ganoon ba iyon kasimple? Gaano na ba karaming kuru-kurong may kinalaman sa mga salitang ipinapahayag ngayon ng Diyos ang naiwaksi mo na? May pangitain ka ba ng Diyos ng kasalukuyan? Saan nakabatay ang iyong pagkaunawa sa Diyos ng kasalukuyan? Lagi kang naniniwala na matatanggap mo Siya[a] sa pamamagitan lang ng pagsunod sa Kanya, o makita mo lang Siya, at wala nang sinuman ang makapagpapaalis sa iyo. Huwag mong akalain na napakadali lang ng pagsunod sa Diyos. Ang susi ay kailangan mo Siyang makilala, kailangan mong malaman ang gawain Niya, at kailangan mong magkaroon ng kagustuhang magtiis ng paghihirap alang-alang sa Kanya, isakripisyo ang iyong buhay para sa Kanya, at magawa Niyang perpekto. Ito ang pangitain na dapat mong taglay. Hindi maaari na laging nakatuon lang ang isip mo sa pagtatamasa ng biyaya. Huwag mong ipagpalagay na narito ang Diyos para lang sa kasiyahan ng mga tao, o upang magkaloob lang ng biyaya sa kanila. Magiging mali ka! Kung hindi maitataya ng isa ang kanyang buhay upang sumunod sa Kanya, at kung hindi maiiwanan ng isa ang lahat ng kanyang pag-aari sa mundo upang sumunod, tiyak na hindi nila makakayang sumunod hanggang sa huli! Kailangang mga pangitain ang iyong pundasyon. Kung isang araw ay dumating sa iyo ang kasawian, ano ang dapat mong gawin? Magagawa mo pa rin bang sumunod sa Kanya? Huwag mong basta sabihin kung makakasunod ka hanggang sa huli. Mas mabuting imulat mo muna nang maigi ang iyong mga mata upang makita kung ano ang panahon ngayon. Bagaman sa kasalukuyan, maaaring kayo ay tulad ng mga haligi ng templo, darating ang isang sandali kung kailan lahat ng gayong haligi ay ngangatngatin ng mga uod, na magdudulot ng pagguho ng templo, dahil sa kasalukuyan, napakaraming pangitain ang kulang sa inyo. Pinag-uukulan lang ninyo ng pansin ang sarili ninyong maliliit na mundo, at hindi ninyo alam kung ano ang pinakamaaasahan at pinakaangkop na paraan ng paghahanap. Hindi ninyo pinapansin ang pangitain ng gawain sa kasalukuyan, hindi rin ninyo isinasapuso ang mga bagay na ito. Naisip na ba ninyo na isang araw ilalagay kayo ng inyong Diyos sa isang lubos na di-pamilyar na lugar? Maguguni-guni ba ninyo kung anong mangyayari sa inyo isang araw kung kailan maaari Kong agawin ang lahat sa inyo? Magiging pareho ba ang kalakasan ninyo sa araw na iyon sa ngayon? Muli bang lilitaw ang inyong pananampalataya? Sa pagsunod sa Diyos, kailangan ninyong malaman itong pinakadakilang pangitain na ang “Diyos”: Ito ang pinakamahalagang usapin.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangan Ninyong Maunawaan ang Gawain—Huwag Kayong Sumunod Nang May Pagkalito!

Kapag wala silang mga problema, kapag lahat ay maayos ang takbo sa kanila, nararamdaman ng karamihan sa mga tao na makapangyarihan ang Diyos, at matuwid, at kaibig-ibig. Kapag sinusubok sila ng Diyos, pinakikitunguhan sila, itinutuwid sila, at dinidisiplina sila, kapag hinihiling Niya sa kanila na isantabi ang kanilang mga pansariling interes, na talikuran ang katawang-tao at isagawa ang katotohanan, kapag may gawain ang Diyos sa kanila, at isinasaayos at pinamumunuan ang kanilang mga kapalaran at buhay, nagiging suwail sila, at ihinihiwalay ang kanilang mga sarili sa Diyos; lumilikha sila ng sigalot at malawak na pagkakalayo sa pagitan nila at ng Diyos. Sa ganoong mga panahon, sa kanilang mga puso, ang Diyos ay hindi kaibig-ibig nang kahit kaunti; Siya ay hindi talaga makapangyarihan, dahil ang ginagawa Niya ay hindi nakatutupad ng kanilang mga hiling. Pinalulungkot sila ng Diyos; inaaburido Niya sila; nagdadala Siya ng sakit at dusa sa kanila; ipinadarama Niya sa kanila ang kawalang-katatagan. Kung kaya hindi man lang sila nagpapasakop sa Diyos, sa halip ay naghihimagsik laban sa Kanya at nilalayuan Siya. Isinasabuhay ba nila ang katotohanan sa paggawa nito? Sinusundan ba nila ang daan ng Diyos? Sinusunod ba nila ang Diyos? Hindi. Kung kaya, gaano man karami ang iyong mga kuru-kuro at guni-guni tungkol sa mga gawain ng Diyos, at gaano ka man dating kumilos ayon sa iyong sariling kalooban at naghimagsik laban sa Diyos, kung lubos mong sinisikap na makamit ang katotohanan, at tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at tanggapin ang matabasan at mapakitunguhan ng mga salita ng Diyos; kung, sa lahat ng isinasaayos Niya ay nagagawa mong sundan ang daan ng Diyos, sundin ang mga salita ng Diyos, hangarin ang Kanyang kalooban, magsagawa ayon sa Kanyang mga salita at kalooban, nagagawang maghanap para magpasakop, at kayang isantabi ang lahat ng iyong sariling kalooban, mga naisin, mga pagsasaalang-alang, mga pampasigasig, at pagsalungat sa Diyos—doon mo lamang masasabi na sumusunod ka sa Diyos! Sinasabi mong sinusunod mo ang Diyos, ngunit lahat ng ginagawa mo, ginagawa mo ayon sa sarili mong kalooban. Sa lahat ng ginagawa mo, mayroon kang sariling mga layunin, sarili mong mga plano; hindi mo ito iniaasa sa Diyos. Kung gayon, ang Diyos pa rin ba ang iyong Diyos? Kung ang Diyos ay hindi mo Diyos, kung gayon, kapag sinasabi mong sumusunod ka sa Diyos, hindi ba ito mga walang lamang salita? Ang mga ganitong salita ba ay hindi pagtatangkang manloko ng tao? Sinasabi mong sumusunod ka sa Diyos, ngunit ang lahat ng iyong mga kilos at pag-uugali, iyong pananaw sa buhay, iyong mga pagpapahalaga, at asal at mga prinsipyo na ginagamit mo sa pagharap at pagdadala sa mga bagay ay nanggaling lahat kay Satanas—ang pagdadala mo sa lahat ng ito ay lubos na nakaayon sa mga prinsipyo at lohika ni Satanas. Kung gayon, sinusunod mo ba ang Diyos?

… Ang pinakasimpleng paraan para mailarawan ang paniniwala sa Diyos ay ang magtiwalang mayroong Diyos, at, sa pundasyong ito, ang sundan Siya, sundin Siya, tanggapin ang Kanyang kapamahalaan, mga pagsasaayos, at mga paghahanda, pakikinig sa Kanyang mga salita, pamumuhay ayon sa Kanyang mga salita, paggawa ng lahat ayon sa Kanyang mga salita, pagiging isang totoong nilikha, at natatakot sa Kanya at nilalayuan ang kasamaan; tanging ito lamang ang totoong paniniwala sa Diyos. Ito ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos. Sinasabi mong sinusunod mo ang Diyos, ngunit, sa iyong puso, hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos, at hindi mo tinatanggap ang Kanyang kapamahalaan, mga pagsasaayos, at mga paghahanda. Kung lagi kang may mga kuru-kuro kung ano ang ginagawa ng Diyos, at palaging mali ang pagkaintindi mo sa mga ginagawa Niya, at nagrereklamo tungkol dito; kung palagi kang hindi nasisiyahan, at palagi mong sinusukat at inuunawa ang ginagawa Niya gamit ang sarili mong mga kuro-kuro at mga haka-haka; kung palagi kang may mga sariling pagkakaunawa—makapagdudulot ito ng problema. Hindi mo nararanasan ang gawain ng Diyos, at wala kang paraan para tunay na masunod Siya. Hindi ganito ang paniniwala sa Diyos.

Hinango mula sa “Ang Paniniwala sa Relihiyon ay Hindi Kailanman Hahantong sa Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Hindi nagagalak sa katotohanan ang ilang tao, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ganoon ay tinatawag na mga mapaghanap ng kapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at hinahanap lamang nila ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Bagaman tinanggap na nila ang daan ng katotohanan, hindi sila lubos na naniniwala; wala silang kakayahang ibigay ang lahat ng mga puso at mga isip nila, ang mga bibig nila ay nagsasalita ng paggugol ng mga sarili nila para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa dakilang mga pastor at mga guro, at hindi nila binibigyan si Cristo ng karagdagang pansin. Nakatuon ang kanilang mga puso sa katanyagan, kayamanan, at karangalan. Hindi sila naniniwalang ang isang ganoon kaliit na tao ay may kakayahang lupigin ang napakarami, na ang isang hindi kapansin-pansin ay mapeperpekto ang tao. Iniisip nilang imposibleng ang mga hamak na kasama ng alikabok at mga tambak ng dumi ay ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala silang kung ang mga tulad ng mga taong ito ang mga layon ng pagliligtas ng Diyos, ang langit at lupa ay mababaliktad, at ang lahat ng tao ay tatawa nang tatawa. Naniniwala silang kung pinili ng Diyos ang gayong mga hamak upang perpektuhin, kung gayon ang yaong mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang mga pananaw nila ay nadungisan ng kawalan ng paniniwala; higit pa sa hindi paniniwala, sila ay kakatuwang mga hayop lamang. Sapagkat pinahahalagahan lamang nila ang katayuan, katanyagan, at kapangyarihan, at pinahahalagahan lamang nila ang malalaking grupo at denominasyon. Wala silang ni katiting na pagmamalasakit para sa yaong mga inakay ni Cristo; sila ay mga taksil lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo gusto ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapaghihigan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na nangangaso ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na mga anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin kung saan nahihirapan kang lunukin ang gawain ni Cristo at mabigat sa kalooban mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Sila ay, sa mga puso ninyo, kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagkat napaka-karaniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa pagiging napakatayog.

Magkagayunman, sinasabi Kong ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga di-mananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pag-ayon ni Cristo. Napagtanto mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang kawalan ng paniniwalang nasa kalooban mo, at kung gaano kalaki ang pagtataksil kay Cristo na mayroon ka? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang gayon: Dahil napili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag maging salawahan o mahina ang loob. Dapat mong maunawaang ang Diyos ay hindi nabibilang sa mundo o sa sino mang tao, kundi sa lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at sa lahat ng nakatuon at tapat sa Kanya.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Anuman ang antas ng mga lider at manggagawa sa loob ng isang iglesia, kung palagi kayong ssumasamba at umaasa sa kanila para sa lahat ng bagay upang maniwala sa Diyos at magkamit ng kaligtasan, ang pagpapalakas na ganito ay mali mismo. Anuman ang kanilang ranggo sa pamunuan, karaniwang tao pa rin sila, at kung ituturing mo sila bilang iyong mga lider, kung sa pakiramdam mo ay mas mataas sila kaysa sa iyo, na mas dakila sila o mas magaling kaysa sa iyo, at na dapat ka nilang pamunuan, na lagi silang nakatataas sa lahat ng iba pa, mali iyon—nahihibang ka. At ano ang mga ibubunga ng kahibangang ito? Ang kahibangang ito, ang maling pagkaunawang ito ay ihahantong kang sukatin ang iyong mga lider laban sa mga hinihingi na hindi naaayon sa realidadnang hindi mo namamalayan; kasabay nito, maaakit ka rin nang lubusan nang hindi mo nalalaman sa tinatawag nilang pambihira at kaakit-akit na katangian, o sa kanilang mga kakayanan at talento, kaya bago mo pa malaman, sinasamba mo na sila, at naging mga Diyos mo na sila. Ang landas na iyon, mula sa sandaling nagsisimula na silang maging huwaran mo, tampulan ng iyong pagsamba, hanggang sa sandaling maging isa ka sa kanilang mga alagad, ang aakay sa iyo palayo sa Diyos nang hindi mo namamalayan. At kahit habang unti-unti kang lumalayo sa Diyos, maniniwala ka pa rin na sumusunod ka sa Diyos, na ikaw ay nasa bahay ng Diyos, na ikaw ay nasa presensya ng Diyos. Gayunman, natangay ka na pala palayo ng isang taong nagawang tiwali ni Satanas, o maging ng isang anticristo nang hindi mo nalalaman. Lubhang mapanganib ang kalagayang nito. Upang malutas ang problemang ito, kailangan mong maunawaan nang tumpak at mahiwatigan ang iba’t ibang disposisyon ng mga anticristo at ang mga paraan ng pagkilos nila, gayundin ang likas na katangian ng kanilang mga kilos at pamamaraan at panlolokong gusto nilang gamitin; kailangan mo ring magsimula sa pamamagitan ng pagbabago sa inyong sarili. Ang paniniwala sa Diyos ngunit pagsamba sa tao ay hindi ang tamang landas. Maaaring sabihin ng ilan: “May mga dahilan nga ako sa pagsambang ginagawa ko sa mga lider—ang mga sinasamba ko ay naaayon sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon.” Bakit mo ipinipilit na sambahin ang tao bagama’t naniniwala ka sa Diyos? Matapos sabihin at gawin ang lahat, sino ba ang magliligtas sa iyo? Sino ang tunay na nagmamahal sa iyo at nagpoprotekta sa iyo—hindi mo ba talaga nakikita? Sumusunod ka sa Diyos at nakikinig sa Kanyang salita, at kung may nagsasalita at gumagawa nang wasto, at umaayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi pa ba sapat sa iyo ang pagsunod sa katotohanan? Bakit napakasama mo? Nagpupumilit kang humanap ng isang taong sinasamba mo para sundin—bakit mo ba gustong maging alipin ni Satanas? Bakit hindi ka na lang maging isang lingkod ng katotohanan? Tumingin ka rito para makita mo kung may isip at dignidad ang isang tao. Dapat kang magsimula sa pamamagitan ng pagbabago sa iyong sarili, pagsasangkap sa iyong sarili ng mga katotohanang nagpapakita ng kaibhan ng iba’t ibang mga tao sa mga pangyayari, nagkakaroon ng paghiwatig sa pagitan ng lahat ng paraan kung saan bawat uri ng pangyayari at tao ay nagpapakita, na nababatid sa lahat ng sitwasyon kung anong likas na katangian at disposisyon ang inihahayag; kailangan mo ring maunawaan kung anong klase kang tao, anong klase ang mga tao sa paligid mo, at anong klase ang mga taong namumuno sa iyo. Kailangan mo silang kilalanin nang husto. Sa sandaling masangkapan ka ng katotohanan, ng ganitong klaseng reputasyon, hindi ka madaling mahuhulog sa mga panloloko ng mga anticristo, ni hindi ka matatakot sa kanilang mga panlilinlang.

Hinango mula sa “Kumikilos Sila Nang Patago, Umaasal na para sa Sarili at sa Paraang Diktatoryal, Hindi Nagbabahagi sa mga Tao Kailanman, at Pinipilit ang mga Tao na Sumunod” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Gaano man karaming tao ang tumutupad sa kanilang mga tungkulin sa isang iglesia, mayroon mang dalawa o dose-dosena, sa sandaling mawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi na sila nagdaranas ng gawain ng Diyos, at wala na silang koneksyon at wala nang bahagi sa gawain ng Diyos. Sila ay naging isa nang relihiyosong grupo. Hindi ba’t nasa malaking panganib ang mga taong ito? Hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan kapag nahaharap sa mga problema at hindi sila kumikilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, bagkus ay nasa ilalim ng mga pagsasaayos at mga manipulasyon ng mga tao. Marami pa nga ang hindi kailanman nananalangin o naghahanap sa mga katotohanang prinsipyo habang tinutupad ang kanilang tungkulin; nagtatanong lang sila sa iba at ginagawa ang sinasabi ng iba, kumikilos ayon sa mga hudyat ng iba. Kung saan man tumuro ang ibang tao, doon sila mismo pumupunta. Sa kanilang pananampalataya, pakiramdam nila ay malabo at mahirap ang paghahanap sa katotohanan, habang ang pag-asa sa iba at paggawa sa sinasabi ng iba ay madali at labis na praktikal, kung kaya’t ginagawa nila kung ano ang pinakatuwiran at walang kahirap-hirap, nagtatanong sila sa iba at ginagawa ang sinasabi nila sa lahat ng bagay. Bunga nito, kahit matapos ang maraming taon ng pananampalataya, kapag sila ay naharap sa isang problema, ni minsan ay hindi sila humaharap sa Diyos, nananalangin at hinahanap ang Kanyang kalooban at ang katotohanan, at pagkatapos ay nagtatamo ng pang-unawa sa katotohanan, at gumagawa at kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos—hindi pa sila kailanman nagkaroon ng ganoong uri ng karanasan. Ang gayong mga tao ba ay talagang nagsasagawa ng pananampalataya sa Diyos? Naisip Ko: Bakit, sa sandaling maging parte ang ilang tao ng isang grupo ay nagiging madali sa kanila—sa anyo—na agad magbago mula sa pagiging isang taong naniniwala sa Diyos sa isang taong naniniwala sa tao, at mula sa pagiging isang taong sumusunod sa Diyos sa isang taong sumusunod sa tao? Bakit napakabilis nilang magbago? Bakit sila kumikilos nang ganoon kahit matapos sumampalataya sa Diyos nang napakaraming taon? Sumampalataya sila sa Diyos nang maraming taon, ngunit kataka-taka na hindi kailanman nagkaroon ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso. Hindi sila kailanman nagkaroon ng anumang koneksyon sa Diyos. Ang kanilang mga gawa, mga salita, buhay, ang kanilang pagsasagawa at pagharap sa mga bagay-bagay, maging ang pagtupad sa kanilang tungkulin at sa kanilang paglilingkod sa Diyos—lahat ng ginagawa nila, lahat ng mga ugali na inilalantad nila, lahat ng ipinapahayag nila, at maging ang kanilang bawat saloobin o ideya—wala sa mga ito ang may anumang koneksyon sa pananampalataya sa Diyos. Kung gayon, ang taong ito ba ay isa sa mga tunay na mananampalataya? Maihahayag ba ng kabuuan ng mga taon ng isang tao sa pananampalataya kung gaano kataas ang tayog ng kanilang pananalig sa Diyos? Ito ba ay patunay kung mayroon silang isang normal na relasyon sa Diyos? Talagang hindi.

Hinango mula sa “Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Makalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Gaano man karaming tao ang naniniwala sa Diyos, sa sandaling ang paniniwala nila’y itinuring ng Diyos na kabilang sa isang relihiyon o grupo, natukoy na Niya na hindi sila maliligtas. Bakit Ko sinasabi ito? Sa isang pangkat o grupo ng mga taong walang gawain at paggabay ng Diyos, at na hindi sumasamba sa Kanya ni bahagya, sinong sinasamba nila? Sino ang sinusunod nila? Sa anyo at sa pangalan, sinusunod nila ang isang tao, ngunit sino ba ang talagang sinusunod nila? Sa kanilang mga puso, kinikilala nila ang Diyos, ngunit ang totoo, sila’y sumasailalim sa pagmamanipula, mga pagsasaayos at pagkontrol ng tao. Sumusunod sila kay Satanas, ang diyablo; sumusunod sila sa mga puwersang lumalaban sa Diyos at na mga kaaway Niya. Ililigtas ba ng Diyos ang kawan ng mga taong tulad nito? (Hindi.) Bakit hindi? Kaya ba nilang magsisi? (Hindi.) Hindi nila kayang magsisi. Iwinawagayway nila ang bandila ng pananampalataya, isinasagawa ang mga gawain ng tao, at pinatatakbo ang sarili nilang pamamahala, at sila’y sumasalungat sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang kanilang pangwakas na kalalabasan ay ang pagiging kinasusuklaman at tinatanggihan ng Diyos; hindi Niya posibleng iligtas ang mga taong ito, hindi posibleng magsisi sila, nabihag na sila ni Satanas—sila’y lubusang nasa mga kamay ni Satanas. Sa iyong pananampalataya, mahalaga ba kung gaano karaming taon ka nang naniniwala sa Diyos sa kung pinupuri Ka niya o hindi? Mahalaga ba ang mga ritwal at patakarang sinusunod mo? Tinitingnan ba ng Diyos ang mga pamamaraan ng mga tao sa pagsasagawa? Tinitingnan ba Niya kung gaano karaming tao ang naroroon? Pumili na Siya ng isang bahagi ng sangkatauhan; paano Niya sinusukat kung maililigtas ba at dapat ba silang iligtas? Ibinabatay Niya ang pasyang ito sa mga landas na tinatahak ng mga taong ito. Sa Kapanahunan ng Biyaya, bagaman ang mga katotohanang sinabi ng Diyos sa mga tao ay mas kaunti kaysa sa ngayon, at hindi ganoon katukoy, nagawa pa rin Niyang gawing perpekto ang mga tao sa panahong iyon, at naging posible pa rin ang kaligtasan. Kaya, para sa mga tao ng panahong ito na nakarinig sa maraming katotohanan at nakaunawa sa kalooban ng Diyos, kung hindi nila kayang sumunod sa Kanyang daan at hindi kayang lumakad sa landas ng kaligtasan, sa gayon, ano ang kanilang magiging pangwakas na kalalabasan? Ang kanilang pangwakas na kalalabasan ay matutulad doon sa mga mananampalataya sa Kristiyanismo at Judaismo; walang magiging pagkakaiba. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos! Hindi alintana kung gaano karaming sermon ang napakinggan mo na o kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan mo na, kung, sa huli, sinusunod mo pa rin ang mga tao at sinusunod si Satanas, at sa huli hindi mo pa rin kayang sumunod sa daan ng Diyos at hindi kayang matakot sa Kanya at layuan ang kasamaan, kung gayon ang mga taong ganoon ay kasusuklaman at itatakwil ng Diyos. Sa tingin ng lahat, ang mga taong ito na kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos ay makakapagsalita ng marami tungkol sa mga titik at doktrina, at maaaring naunawaan ang maraming katotohanan, subalit hindi nila kayang sumamba sa Diyos; hindi nila kayang matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, at hindi nila kayang lubos na sumunod sa Kanya. Sa paningin ng Diyos, itinuturing Niya sila bilang parte ng isang relihiyon, bilang isa lamang grupo ng mga tao—isang pangkat ng mga tao—at bilang isang bahay-tuluyan para kay Satanas. Sama-sama silang itinuturing bilang pangkat ni Satanas, at ang mga taong ito’y lubusang kinamumuhian ng Diyos.

Hinango mula sa “Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Makalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang pinaniniwalaan mo, o si Satanas? Kung alam mo na hindi ang Diyos ang pinaniniwalaan mo, kundi ang sarili mong mga idolo, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan, muli, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Ang pagsasabi niyon ay kalapastanganan! Walang sinumang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag ninyong sabihing naniniwala kayo sa Akin; sawa na Ako sa ganyang pananalita, at ayaw ko nang marinig iyong muli, dahil ang pinaniniwalaan ninyo ay ang mga idolo sa inyong puso at ang lokal na mga maton sa inyo. Lahat ng umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingisi kapag nakakarinig sila tungkol sa kamatayan, ay mga supling ni Satanas, at sila yaong aalisin. Marami sa iglesia ang hindi makaintindi. Kapag may nangyaring isang bagay na mapanlinlang, bigla silang pumapanig kay Satanas; nasasaktan pa sila kapag tinawag silang mga utusan ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makaintindi, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtalo kailanman para sa katotohanan. Hindi ba talaga sila makaintindi? Bakit bigla silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas bahagyang makaintindi ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustung-gusto ng mga taong hindi makaintindi ang kasamaan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay matatapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at magsalitang kagaya nito? Bawat salita at gawa nila, na nakapahayag sa kanilang mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito? Kung talagang isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, bakit wala kang malasakit sa mga nagsasagawa ng katotohanan, at bakit ka sumusunod kaagad sa mga hindi nagsasagawa ng katotohanan kapag tiningnan ka nila nang bahagya? Anong klaseng problema ito? Wala Akong pakialam kung nakakaintindi ka o hindi. Wala Akong pakialam kung malaki ang naisakripisyo mo. Wala Akong pakialam kung malakas ang mga puwersa mo, at wala Akong pakialam kung isa kang lokal na maton o isang lider na tagadala ng bandila. Kung malakas ang mga puwersa mo, dahil lamang iyon sa tulong ng lakas ni Satanas. Kung mataas ang pagkakilala sa iyo, dahil lamang iyon sa napakarami sa paligid mo ang hindi nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi ka pa natitiwalag, dahil iyon sa hindi pa panahon para sa gawain ng pagtitiwalag; sa halip, ito ang panahon para sa gawain ng pag-aalis. Hindi kailangang magmadaling itiwalag ka ngayon. Naghihintay lamang Ako sa pagdating ng araw na iyon na maparusahan kita kapag naalis ka na. Sinumang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay maaalis!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang salitang “Siya.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman