Maililigtas ba ng mga palatandaan at kababalaghan ang sangkatauhan
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, dalawang bahagi ng gawain ang ginagawa sa katawang-tao: Ang una ay ang gawaing maipako sa krus, kung saan Siya ay nagtatamo ng kaluwalhatian; ang isa pa ay ang gawain ng panlulupig at pagpeperpekto sa mga huling araw, kung saan Siya ay nagtatamo ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya huwag ninyong ituring na simpleng bagay ang gawain ng Diyos, o ang tagubilin ng Diyos sa inyo. Lahat kayo ay mga tagapagmana sa sobra-sobra at walang-hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay espesyal na itinalaga ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang isa ay nakikita sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkaloob na sa inyo, upang siyang maging inyong pamana. Ito ang pagdadakila sa inyo ng Diyos, at ito rin ang plano na matagal na Niyang paunang natukoy. Dahil sa kadakilaan ng gawaing nagawa ng Diyos sa lupain kung saan nananahan ang malaking pulang dragon, kung nalipat ang gawaing ito sa ibang lugar, matagal na sana itong nagkaroon ng maraming bunga at madaling natanggap ng tao. Bukod pa rito, naging napakadali sanang tanggapin ang gawaing ito para sa mga pastor ng Kanluran na naniniwala sa Diyos, sapagkat ang yugto ng gawain ni Jesus ay nagsisilbing isang huwaran. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagawang makamit ng Diyos ang yugtong ito ng gawain ng pagkakamit ng luwalhati sa ibang lugar; kapag sinusuportahan ng mga tao at kinikilala ng mga bansa ang gawain, hindi magiging matatag ang kaluwalhatian ng Diyos. Ito mismo ang pambihirang kabuluhang taglay ng yugtong ito ng gawain sa lupaing ito. Walang isa man sa inyo ang protektado ng batas—sa halip, kayo ay pinapahintulutan ng batas. Ang mas malaking problema pa ay hindi kayo nauunawaan ng mga tao: Mga kamag-anak man ninyo, mga magulang, mga kaibigan, o mga kasamahan, walang isa man sa kanila ang nakakaunawa sa inyo. Kapag kayo ay pinabayaan ng Diyos, imposibleng patuloy kayong mamuhay sa lupa, ngunit magkagayon man, hindi kaya ng mga tao na mapalayo sa Diyos, na siyang kabuluhan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at siyang kaluwalhatian ng Diyos. Ang namana ninyo sa araw na ito ay higit pa sa namana ng mga apostol at propeta sa lahat ng panahon at higit pa sa namana nina Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi matatanggap sa loob ng isa o dalawang araw; ang mga iyon ay kailangang makamtan sa pamamagitan ng malaking sakripisyo. Ibig sabihin, kailangan kayong magtaglay ng pagmamahal na nagdaan na sa pagpipino, kailangan kayong magkaroon ng malaking pananampalataya, at kailangan kayong magkaroon ng maraming katotohanang hinihiling ng Diyos na inyong matamo; bukod pa rito, kailangang bumaling kayo sa katarungan, nang hindi tinatakot o umiiwas, at kailangang magkaroon kayo ng pagmamahal sa Diyos na tuluy-tuloy hanggang kamatayan. Kailangang magkaroon kayo ng determinasyon, kailangang magkaroon ng mga pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay, kailangang malunasan ang inyong katiwalian, kailangang tanggapin ninyo ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos nang walang reklamo, at kailangang maging masunurin kayo maging hanggang kamatayan. Ito ang dapat ninyong makamit, ito ang panghuling layunin ng gawain ng Diyos, at ito ang hinihiling ng Diyos sa grupong ito ng mga tao. Dahil nagbibigay Siya sa inyo, gayundin naman tiyak na may hihilingin Siya bilang kapalit, at tiyak na hihingi Siya ng akmang mga kahilingan sa inyo. Samakatuwid, may dahilan ang lahat ng gawain ng Diyos, na nagpapakita kung bakit, paulit-ulit, gumagawa ang Diyos ng gawaing nagtatakda ng matataas na pamantayan at mahihigpit na kinakailangan. Ito ang dahilan kaya dapat kayong mapuspos ng pananampalataya sa Diyos. Sa madaling salita, lahat ng gawain ng Diyos ay ginagawa para sa inyong kapakanan, nang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong tumanggap ng Kanyang pamana. Hindi ito gaanong para sa kapakanan ng sariling kaluwalhatian ng Diyos kundi para sa kapakanan ng inyong kaligtasan at para sa pagpeperpekto sa grupong ito ng mga tao na lubhang napahirapan sa maruming lupain. Dapat ninyong unawain ang kalooban ng Diyos. Kaya nga, pinapayuhan Ko ang maraming taong mangmang na walang anumang kabatiran o katinuan: Huwag ninyong subukin ang Diyos, at huwag na kayong lumaban. Nagtiis na ang Diyos ng pagdurusang hindi kailanman tiniis ng tao, at matagal nang nagtiis maging ng mas matinding kahihiyan alang-alang sa tao. Ano pa ang hindi ninyo kayang bitawan? Ano pa ang mas mahalaga kaysa sa kalooban ng Diyos? Ano pa ang hihigit kaysa sa pagmamahal ng Diyos? Sapat nang nahirapan ang Diyos na isagawa ang Kanyang gawain sa maruming lupaing ito; kung, bukod pa rito, sadya at kusang sumusuway ang tao, kailangang tagalan pa ang gawain ng Diyos. Sa madaling salita, hindi ito para sa pinakamabuting kapakanan ng isang tao, walang pakinabang ito kaninuman. Walang sinusunod na panahon ang Diyos; ang Kanyang gawain at Kanyang kaluwalhatian ang nauuna. Samakatuwid, isasakripisyo Niya ang lahat para sa Kanyang gawain, gaano man ito katagal. Ito ang disposisyon ng Diyos: Hindi Siya magpapahinga hangga’t hindi natatapos ang Kanyang gawain. Magwawakas lamang ang Kanyang gawain kapag natamo Niya ang ikalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian. Kung sa buong sansinukob ay hindi matatapos ng Diyos ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain ng pagtatamo ng kaluwalhatian, hindi darating kailanman ang Kanyang araw, hindi lilisanin ng Kanyang kamay ang mga taong Kanyang hinirang, hindi sasapit ang Kanyang kaluwalhatian sa Israel kailanman, at hindi matatapos ang Kanyang plano kailanman. Dapat ninyong makita ang kalooban ng Diyos, at dapat ninyong makita na ang gawain ng Diyos ay hindi kasing-simple ng paglikha sa mga kalangitan at sa lupa at sa lahat ng bagay. Iyan ay dahil ang gawain sa ngayon ay ang pagbabago ng mga yaong nagawang tiwali, na naging labis na manhid, iyon ay para dalisayin yaong mga nilikha ngunit inimpluwensyahan ni Satanas. Hindi iyon ang paglikha kay Adan o kay Eba, lalong hindi iyon ang paglikha ng liwanag, o ang paglikha ng lahat ng halaman at hayop. Ginagawang dalisay ng Diyos ang lahat ng bagay na nagawang tiwali ni Satanas at pagkatapos ay muli silang inaangkin; nagiging mga bagay sila na pag-aari Niya, at nagiging Kanyang kaluwalhatian. Hindi ito katulad ng inaakala ng tao, hindi ito kasing-simple ng paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay na naroon, o ang gawaing sumpain si Satanas sa walang-hanggang kalaliman; sa halip, ito ang gawaing baguhin ang tao—ang mga bagay na negatibo at hindi sa Kanya ay ginagawang mga bagay na positibo at Kanya nga. Ito ang katotohanan sa likod ng yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong maunawaan, at iwasan ang sobrang pagpapasimple ng mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang pagiging kamangha-mangha at karunungan nito ay hindi kayang isipin ng tao. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa yugtong ito ng gawain, ngunit hindi rin Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng bagay na Kanyang nilikha, at dinadalisay ang lahat ng bagay na narungisan ni Satanas. Kaya nga sinisimulan ng Diyos ang isang napakalaking gawain, na siyang buong kabuluhan ng gawain ng Diyos. Nakikita mo ba sa mga salitang ito na talagang napakasimple ng gawain ng Diyos?
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?
Sa mga huling araw, pangunahing gumagamit ang Diyos ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o hikayatin ang tao; hindi nito makakayang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon ay magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, at sa gayon ay imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, bagkus ay gumagamit ng salita upang diligan at patnubayan ang tao, pagkatapos nito ay ang pagtatamo ng ganap na pagkamasunurin ng tao at pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang layunin ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t ibang pamamaraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagtatabas, o pagtutustos ng mga salita, nagsasalita ang Diyos mula sa maraming iba’t ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay nagagawang ganap sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at himala. Kapag nakilala mo ang Diyos at nagawa mong sundin ang Diyos anuman ang gawin Niya, hindi ka na magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro tungkol sa Kanya kapag nakakita ka ng mga tanda at kababalaghan. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayahang ganap na sumunod sa Diyos—iniisip mo ba na kwalipikado kang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan sa ganitong kalagayan? Kapag nagpapamalas ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, iyan na ang pagpaparusa ng Diyos sa tao, at gayundin, kapag nagbabago ang kapanahunan, at, dagdag pa, kapag nagwawakas ang kapanahunan. Kapag normal na isinasakatuparan ang gawain ng Diyos, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Napakadali para sa Kanya na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit hindi iyan ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, o ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kapag nakakita ang tao ng mga tanda at mga kababalaghan, at kung magpapakita sa tao ang espirituwal na katawan ng Diyos, hindi kaya maniniwala sa Diyos ang lahat ng tao? Dati Ko nang nasabi na natatamo mula sa Silangan ang isang pangkat ng mga mananagumpay, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin ng mga ito ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas, at lahat ng uri ng pagpipino. Hindi malabo at mahirap unawain, bagkus ay tunay ang paniniwala ng mga ganoong tao. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malalabong titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip, mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos? Tunay na gawain ang gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw. Noong kapanahunan ni Jesus, hindi Siya naparito upang gawing perpekto ang tao, kundi upang tubusin ang tao, at sa gayon ay nagpakita Siya ng ilang himala upang mapasunod Niya ang mga tao sa Kanya. Sapagkat pangunahing naparito Siya upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus, at hindi bahagi ng gawain ng Kanyang ministeryo ang pagpapakita ng mga tanda. Ang ganoong mga tanda at mga kababalaghan ay mga gawain na ginawa upang gawing mabisa ang Kanyang gawain; ang mga iyon ay dagdag na gawain, at hindi kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, nagpakita rin ang Diyos ng ilang tanda at mga kababalaghan—subalit tunay na gawain ang gawain ng Diyos ngayon, at tiyakang hindi Siya magpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ngayon. Kung nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, mapapatapon sa kaguluhan ang tunay Niyang gawain, at hindi na Siya makakagawa pa ng anumang karagdagang gawain. Kung sinabi ng Diyos na gamitin ang salita upang gawing perpekto ang tao, ngunit nagpakita rin ng mga tanda at mga kababalaghan, magagawa bang malinaw, kung gayon, kung tunay na naniniwala o hindi ang tao sa Kanya? Kaya, hindi gumagawa ang Diyos ng ganoong mga bagay. Sadyang napakarami ng relihiyon sa loob ng tao; naparito ang Diyos sa mga huling araw upang alisin ang lahat ng relihiyosong mga kuru-kuro at mga bagay na higit-sa-karaniwan sa loob ng tao, at ipaalam sa tao ang realidad ng Diyos. Naparito Siya upang alisin ang isang larawan ng Diyos na mahirap unawain at hindi makatotohanan—sa ibang salita, isang larawan ng Diyos na hinding-hindi umiiral. At sa gayon, ang tanging bagay na mahalaga ngayon ay ang magkaroon ka ng kaalaman sa realidad! Nananaig sa lahat-lahat ang katotohanan. Gaanong katotohanan ang taglay mo ngayon? Nagpapakita ba ang lahat ng iyon ng mga tanda at mga kababalaghan ng Diyos? Makapagpapakita rin ng mga tanda at mga kababalaghan ang masasamang espiritu, ang lahat ba ng mga iyon ay Diyos? Sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang hinahanap ng tao ay ang katotohanan, ang itinataguyod niya ay buhay, sa halip na mga tanda at mga kababalaghan. Ito ang dapat maging mithiin ng lahat niyaong naniniwala sa Diyos.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos
Sa gawain sa mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Wala kang paraan para kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na matutuklasan mo ang mga ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi ganap na maililigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, at hindi rin siya magagawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, ngunit ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi pa nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos na magawang malinis ang tao sa pamamagitan ng salita na siya ay makakamit ng Diyos at magiging banal.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4
Ngayon, dapat maliwanag sa inyong lahat na, sa mga huling araw, pangunahing ang katotohanan ng “ang Salita ay naging katawang-tao” ang siyang nagawa ng Diyos. Sa pamamagitan ng aktwal Niyang gawain sa lupa, nagdudulot Siya na mabatid Siya ng tao at makipag-ugnayan sa Kanya, at upang makita ang aktwal Niyang mga gawa. Nagdudulot Siya na makita nang malinaw ng tao na maaari Siyang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan at na may mga pagkakataon ding hindi Niya nagawa ito; nakasalalay ito sa kapanahunan. Mula rito, makikita mong hindi walang kakayahan ang Diyos na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit sa halip binabago Niya ang paraan Niya ng paggawa ayon sa gawaing gagawin Niya at ayon sa kapanahunan. Sa kasalukuyang yugto ng gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan; na nagpakita Siya ng ilang mga tanda at mga kababalaghan sa kapanahunan ni Jesus ay dahil iba ang gawain Niya sa kapanahunang iyon. Hindi ginagawa ng Diyos ang gawaing iyon ngayon, at naniniwala ang ilang tao na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, o kaya ay iniisip nila na kung hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi Siya Diyos. Hindi ba iyan isang kamalian? Kaya ng Diyos na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit gumagawa Siya sa ibang kapanahunan, kaya naman hindi Siya gumagawa ng ganitong gawain. Sapagkat ibang kapanahunan ito, at sapagkat ibang yugto ng gawain ng Diyos ito, ang mga gawang ginawang payak ng Diyos ay iba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa mga milagro, kundi ang paniniwala sa tunay Niyang gawain sa bagong kapanahunan. Nababatid ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan ng paggawa ng Diyos, at ang kaalamang ito ang nagbubunga sa tao ng paniniwala sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang paniniwala sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, kauna-unahan, nagsasalita ang Diyos. Huwag maghintay na makakita ng mga tanda at mga kababalaghan; wala kang makikitang maski ano! Ito ay sapagkat hindi ka ipinanganak sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung ipinanganak ka sa kapanahunang iyon, maaaring nakakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit ipinanganak ka sa mga huling araw, at ang tanging nakikita mo lamang ay ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Huwag asahang makikita ang talulikas na Jesus sa mga huling araw. Nagagawa mo lamang makita ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi naiiba mula sa sinumang normal na tao. Sa bawat kapanahunan, ginagawang payak ng Diyos ang iba’t ibang mga gawa. Sa bawat kapanahunan, ginagawa Niyang payak ang bahagi ng mga gawa ng Diyos, at ang gawain ng bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at isang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Ang mga gawang ginagawa Niyang payak ay nag-iiba sa bawat kapanahunan kung saan Siya gumagawa, ngunit nagbibigay silang lahat sa tao ng mas malalim na kabatiran ng Diyos, isang paniniwala sa Diyos na mas tunay at mas mapagkumbaba. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng mga gawa ng Diyos, dahil sobrang kamangha-mangha ang Diyos, sobrang dakila, dahil makapangyarihan at hindi Siya maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil nakagagawa Siya ng mga tanda at mga kababalaghan at nakapagpapagaling ng mga may sakit at nakapagtataboy ng mga demonyo, mali ang pananaw mo, at sasabihin sa iyo ng ilang tao, “Hindi ba nagagawa rin ng mga masasamang espiritu ang ganitong mga bagay?” Hindi ba ito nagpapalito sa larawan ng Diyos sa larawan ni Satanas? Ngayon, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa marami Niyang mga gawa at sa napakaraming gawaing ginagawa Niya at sa maraming paraan ng pagsasalita Niya. Ginagamit ng Diyos ang mga pahayag Niya upang lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa marami Niyang mga gawa, hindi dahil sa nakapagpapakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan; tanging nababatid lamang Siya ng mga tao sa pamamagitan ng pagsaksi sa mga gawa Niya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagkakabatid sa mga aktwal na gawa ng Diyos, kung paano Siya gumagawa, kung anong matatalinong mga kaparaanan ang ginagamit Niya, kung paano Siya nagsasalita, at kung paano Niya ginagawang perpekto ang tao—tanging sa pamamagitan lamang ng pagkakabatid sa mga aspetong ito—ay maaari mong maunawaan ang realidad ng Diyos at maintindihan ang disposisyon Niya, na nababatid kung ano ang gusto Niya, kung ano ang kinasusuklaman Niya, at kung paano Siya gumagawa sa tao. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga gusto at mga ayaw ng Diyos, maaari mong makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng kaalaman mo sa Diyos ay mayroong pag-unlad sa buhay mo. Sa madaling salita, dapat kang magkamit ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at dapat mong ituwid ang mga pananaw mo tungkol sa paniniwala sa Diyos.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.