Sa Biblia, sinabi ni Pablo na “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16), Nasa Biblia ang mga salita ni Pablo. Samakatuwid, Diyos ang nagbigay inspirasyon sa mga ito; mga salita ito ng Diyos. Paniniwala sa Panginoon ang paniniwala sa Biblia. Kahit ano pa ang denominasyon, kung lumalayo ito sa Biblia, ito’y heresiya! Naniniwala tayo sa Panginoon, kaya dapat lagi tayong kumilos ayon sa Biblia, sa madaling salita, kailangan nating panatilihin ang mga salita ng Biblia. Panuntunan ng Cristianismo ang Biblia, ang pundasyon ng ating pananalig. Ang paglisan sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon; kung lilisanin natin ang Biblia, paano tayo maniniwala sa Panginoon? Nakasulat sa Biblia ang mga salita ng Panginoon. May iba pa bang lugar kung saan natin makikita ang Kanyang mga salita? Kung hindi nakabatay sa Biblia ang pananalig natin sa Panginoon, saan ito nakabatay?

Agosto 29, 2018

Sagot: Sinasabi n’yo ’yan dahil ang mga salita ni Pablo ay nasa Biblia, Diyos ang nagbigay inspirasyon sa mga ito; ang mga ito ay salita ng Diyos. Hindi naman talaga ’yan tama, di ba? Sinabi ba ng Panginoong Jesus kailanman na, “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos”? Pumatotoo ba ang Banal na Espiritu dito? Hindi. Masasabi n’yo ba talaga na ang Diyos ang nagbigay inspirasyon sa lahat ng mga salita sa Biblia? Ang sinumang pamilyar sa Biblia ay alam na ang mga salita ng Diyos na ipinarating ng mga propeta ay malinaw na markado. Malinaw na nakikita kung anong mga salita ang binigyang inspirasyon ng Diyos at mula sa Diyos at kung ano ang mula sa mga tao. Gayun pa man, wala sa mga salita sa mga sulat ni Pablo ay markado bilang nabigyang inspirasyon ng Diyos at mula sa Diyos. Samakatuwid, paano n’yo nasabi na mga salita ng Diyos ang lahat ng mga salita ni Pablo? Sinabi ba ng Biblia na inutusan ng Diyos si Pablo para iparating ang Kanyang mga salita? Alam nating lahat na apostol lang si Pablo ng ebanghelyo. Ang mga liham na kanyang isinulat sa bawat iglesia ay tangka lamang para aliwin at palakasin ang loob ng kanyang mga kapatid sa oras ng problema. Gayun pa man, kumakatawan lang ang mga salitang ito sa mga personal na karanasan at kaalaman ni Pablo. Salita ng tao ang lahat ng ito. Paano natin masasabi na Diyos ang nagbigay inspirasyon sa mga salitang iyon at nanggaling sa Diyos? Isang punto ang kailangang maging malinaw sa atin. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makakapagpahayag ng mga salita ng Diyos, dahil ang diwa ni Cristo ay ang Diyos Mismo. Tao lang si Pablo; hindi siya si Cristo. Samakatuwid, kahit na nakatala o hindi ang mga salita ni Pablo sa Biblia, mga salita lamang ito ng tao. Isa itong katunayan na hindi maaaring itanggi! Ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng Diyos; ang mga salita ng tao ay mga salita ng tao. Hindi kailanman magiging salita ng tao ang mga salita ng Diyos. Hindi natin maaaring ituring bilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng tao dahil ang mga ito’y nasa Biblia. Kung naiintindihan natin na ang mga ito ay mga salita ng tao, ngunit gusto pa rin nating ituring bilang mga salita ng Diyos, hindi ba natin binabago ang katunayan at pinagtataksilan ang katotohanan? Hindi ba ito’y pagkalaban sa Diyos at paglapastangan laban sa Kanya?

Iniisip ng maraming mananampalataya sa relihiyosong mundo na ang “Paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia; ang pagpanatili sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon.” Naayon ba ang pananaw na ito sa mga salita ng Panginoon? Sinabi ba kailanman ng Panginoong Jesus na, “Ang pagpanatili sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon?” Ayon sa pananaw na ito, “Ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia. Kailangang gawin natin lagi ang mga bagay ayon sa Biblia. Ang pagsunod sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Sa mga punong saserdoteng Judio, eskriba at mga Fariseo sinunod ng kanilang pananalig sa Diyos ang Biblia; sinunod nila ang Biblia, Ano ang mga naging resulta? Nang nagpakita ang Panginoong Jesus at ginawa ang Kanyang gawain, hindi nila ito tinanggap o sinunod Siya. Sa halip, hinusgahan at hinatulan ang Panginoong Jesus batay sa katunayan na ang Kanyang mga salita at gawain ay lumampas sa kautusan ng Lumang Tipan. Hinatulan Siya ng paglapastangan batay sa katunayan na ipinahayag Niya ang mga salita ng Diyos. Siya’y ipinako nila sa krus. Ayon sa katunayang ito, mangangahas pa bang sabihin ng mga tao na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia at ang pagsunod sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon? Kapag itinuring ng mga tao ang Biblia higit sa lahat, ibig bang sabihin nito na natatakot sila sa Panginoon at dinadakila ang Panginoon? Kapag mayroong pikit-matang pananalig ang mga tao sa Biblia at pinapanatili ang Biblia, ibig bang sabihin nito na kanilang sinusunod ang Panginoon at sinasamba ang Panginoon? Ibig sabihin ba nito na sinusunod nila ang kalooban ng Diyos? Ang ilang mga mananampalataya ay naniniwala lang sa Biblia at pinapanatili ang Biblia; hindi nila kayang dakilain ang Panginoon o isagawa at maranasan ang Kanyang mga salita, ni hindi sila naghahanap ng katotohanan, sundin ang gawain ng Diyos o sundan ang Kanyang mga yapak. Ang mga taong ito ay panatikong kinakalaban at binabatikos pa ang gawain ng Diyos batay sa mga literal na salita sa Biblia. Hindi ba sila mga hipokritong Fariseo? Hindi ba sila mga anticristo na nagtuturing sa Diyos bilang kalaban nila? Minsan nang sinaway ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Inilantad ng Panginoong Jesus nang napakalinaw ang maling paraan ng pananalig ng mga Fariseo. Nakabatay lang sa Biblia ang pananalig ng mga Fariseo sa Diyos. Ginawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Biblia. Itinuring nila ang Biblia na higit pa sa lahat ng bagay; inakala nila na ang pagsunod sa Biblia ay makakapagbigay sa kanila ng buhay na walang hanggan. Gayun pa man, hindi nila tinanggap ang katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus. Mas gusto nilang pinapanatili ang Biblia kaysa sinusunod ang Panginoong Jesus. Mahigpit silang kumapit sa Biblia at sinubukang gumamit ng mga literal na interpretasyon ng mga teksto nito para atakihin ang Panginoong Jesus. Itinanggi at kinondena nila ang mga katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus. Sa huli, Siya’y ipinako nila sa krus. Kaya sila isinumpa at pinarusahan. Samakatuwid, makikita natin na kung ang naniniwala ay naniniwala lang sa at sinasamba lang ang Biblia, ngunit itinatanggi si Cristo na nagkatawang-tao at itinatakwil ang gawain at pamumuno ng Diyos, tiyak na hindi nila makakamit ang papuri ng Diyos.

Basahin natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang itinuturing itong mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala Ako wala ang Biblia, at kung wala ang Biblia wala Ako. Hindi sila nagbibigay ng pansin sa pag-iral o mga kilos Ko, ngunit sa halip ay nag-uukol ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Marami pa ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan ng Banal na Kasulatan. Nagbibigay sila ng sobrang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa ginagamit nila ang mga bersikulo mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging-magkaayon sa Akin o ang daan ng pagiging-magkaayon sa katotohanan, ngunit ang daan ng pagiging-magkaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala silang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagbubukod, hindi Ko gawain. Hindi ba ang ganitong mga tao ay ang masusunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad ang pagiging-magkaayon sa Jesus ng panahong iyon, ngunit masusing sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at pagiging hindi ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang Jesus. Ano ang pinakadiwa nila? Hindi ba’t hindi nila hinangad ang daan sa pagiging-magkaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi nagbibigay pansin sa kalooban Ko o sa mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa pinakadiwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, upang mapanatili ang dangal ng Biblia, at upang maprotektahan ang reputasyon ng Biblia, humantong sila sa pagpako nila sa krus sa mahabaging Jesus. Ginawa nila ito alang-alang lamang sa pagtatanggol sa Biblia, at alang-alang sa pagpapanatili ng katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang kondenahin si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan, sa kamatayan. Hindi ba sila mga manghihibo sa bawat salita ng Banal na Kasulatan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay naglalantad sa mga pinakamalaking kataliwasan at kamalian sa pananalig sa Diyos ng mga relihiyosong komunidad sa atin. Kumpara sa mga nakaraan nating karanasan sa ating pananalig, mukhang naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng matagal na panahon ngunit hindi talaga isinagawa o naranasan ang Kanyang mga salita. Hindi rin natin kailanman hinanap ang katotohanan sa mga salita ng Panginoon o nakuha ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Hindi naman talaga tayo kailanman tumuon sa paghahanap sa kalooban ng Panginoon sa loob ng Kanyang mga salita. Ang resulta ay hindi natin kailanman sinunod ang paraan ng Panginoon at hindi kailanman nakilala ang Panginoon. Akala lang natin na kung makakapagsaulo tayo ng ilang mga sipi sa Biblia, magkakaroon ng lugar ang Diyos sa ating mga puso; akala natin na kung makakapagpaliwanag lang tayo ng ilang mga pangungusap mula sa Biblia, nangangahulugan ito na kilala natin ang Diyos. Mali pa nating inakala na hangga’t naipapaliwanag natin ang Biblia at nakapagsasaulo ng maraming teksto, magiging pinakanaaayon tayo sa kalooban ng Diyos. Itinuturing ng lahat ng mga mananampalataya ang Biblia na higit pa sa lahat ng mga bagay. Sa kanilang mga puso, pinalitan na ng Biblia ang Panginoon. Akala ng lahat na ang pagdadakila at pagpapanatili sa Biblia ay pagdadakila at pagsasaksi sa Panginoon. Sa totoo, lubos na lumalayo ang mga pagkilos na ito mula sa kalooban at paraan ng Panginoon. Totoo ito lalo na noong pangunahing panahon ng pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw. Marami pa ring mga naniniwala ang kumakapit sa Biblia at naghihintay hanggang sa makita nila sa kanilang mga mata ang Panginoon na bumababa sa ulap. Gayun pa man, hindi nila hinahanap ang gawain at pagbigkas ng Banal na Espiritu. Kahit na kanilang narinig ang saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoon at Siya ang Makapangyarihang Diyos at nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi nila hinahanap ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Sinusunod pa nila ang mga relihiyosong pastor at elder sa pagtanggi, paghatol at pagkondena ng Makapangyarihang Diyos. Naging mga naniniwala sila sa Diyos subalit kinakalaban nila ang Diyos. Sa huli, tatalikdan sila ng Diyos, itatapon sa matinding sakuna at parurusahan. Ito ang nangyayari kapag ang mga tao ay pikit-matang naniniwala sa at sumasamba sa Biblia, at ang hangganan ng Diyos ay sa loob ng Biblia lang, at hindi namamalayang naglalakad sa landas ng pagkalaban sa Diyos. Isinumpa ng Diyos ang mga Fariseo dahil kumapit sila sa Biblia at kinalaban ang Panginoong Jesus. Anong mga aral ang ating matututunan sa kanilang pagkabigo? Maling-mali ang pagpapanatili ng mga naniniwala sa mga salita ng Biblia. Kailangan nating isagawa at maranasan ang mga salita ng Panginoon. Kailangan nating hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Panginoon at makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito’y totoo lalo na kapag bumalik ang Panginoon. Kapag naririnig natin na may taong sumasaksi sa pagdating ng Panginoon, kailangan nating maghanap ng kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, masusundan natin ang mga yapak ng gawain ng Diyos; madadala tayo sa harapan ng luklukan ng Diyos, matatamasa ang suplay ng tubig ng buhay, makamit ang katotohanan at buhay, matanggap ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit.

Sa totoo, bago nagsalita ang Diyos o nagsimula sa Kanyang bagong gawain, hindi mali ang ating paniniwala sa Panginoon ayon sa Biblia. Ito’y dahil saksi ang Biblia sa Diyos; ito’y ang tunay na koleksyon ng mga salita ng Diyos at gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Nalalaman ng mga taong nagbabasa ng Biblia ang pagiging buhay ng Diyos. Natututo sila tungkol sa pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, kung paano Niya nilikha ang langit at lupa at ng iba pang mga bagay, at kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay. Nakikita nila kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos noong nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain, ang Kanyang mga kagustuhan at kahilingan sa sangkatauhan, ang Kanyang maraming pagkilos na ibinunyag sa sangkatauhan, atbp. Partikular na nilalaman ng Biblia ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang masaganang biyaya at katotohanan na Kanyang ibinigay sa sangkatauhan, na nagpapahintulot na makita ng mga tao ang tunay na pagmamahal at awa ng Diyos sa sangkatuhan. Kung wala tayo ng mga nakasulat sa Biblia, magiging mahirap para sa sangkatuhan na maintindihan ang nakaraang gawain ng Diyos. Samakatuwid, ang Biblia ay naging isang klasikong librong kinakailangan ng lahat ng mananampalataya. Napakahalaga ng Biblia para sa mga taong naniniwala sa Diyos, kinikilala ang Diyos at lumalakad sa tamang landas ng buhay. Gayun pa man, kahit gaano pa kahalaga ang Biblia o gaano karami ang ibinigay nito sa sangkatauhan, hindi kumakatawan ang Biblia sa Diyos o sa gawain ng Banal na Espiritu, mas lalong hindi ito tumatayo sa gawain ng kaligtasan ng Diyos. Hindi ba’t totoo ito? Ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, ang pinagmulan ng lahat ng buhay. Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng walang tigil na daloy ng buhay na walang pagka-ubos. Gayun pa man, isang makasaysayang libro lang ang Biblia na tungkol sa nakaraang gawain ng Diyos. Paano ito magiging katumbas ng Diyos? Ang Biblia ay Biblia. Ang Diyos ay Diyos. Dalawang magkaiba ang Biblia at Diyos. Ang paniniwala sa Biblia ay hindi nangangahulugan na naniniwala ka sa Diyos! Samakatuwid, ang pananalig natin sa Diyos ay hindi lang maaaring ibatay Biblia. Ang pinakamahalagang bagay ay ibatay ang ating pananalig sa kung ano ang talagang sinasabi ng Diyos at kung ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu. Ito ang pinakamahalagang prinsipyo pagdating sa pananalig sa Diyos! Kung hindi man lang maintindihan ng mga tao itong pangunahing katunayan tungkol sa pananalig sa Diyos, hindi ba’t napakahangal at ignorante nila? Ganito din noong Kapanahunan ng Biyaya, nang magpakita ang Panginoong Jesus at ginawa ang Kanyang gawain. Kaya bang makamit ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu kung babasahin lang nila ang Lumang Tipan, ngunit hindi tatanggapin ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus? Kaya ba nilang makamit ang kaligtasan at biyaya ng Panginoong Jesus? Malinaw na hindi! Kung gayon, kapag nagbalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw bilang Makapangyarihang Diyos, at nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, tayo ba na pinapanatili lang ang Biblia at ang gawain ng Panginoong Jesus ay maaaring makamit ang gawain ng Banal na Espiritu at kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw? Samakatuwid, kapag ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang bagong gawain sa mga huling araw, kailangan nating hanapin ang katotohanan sa Kanyang mga salita, pakinggan ang Kanyang tinig, sundan ang mga yapak ng Kanyang gawain, at maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Sa pamamagitan lamang ng pagdanas sa gawain ng Diyos na tulad nito maaari nating makamit ang katotohanan, makilala ang Diyos at makamtan ang pagdalisay at kaligtasan. Ganitong uri ng pananalig ang tanging paraan para makamit ang papuri ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Pananalig sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.