Bakit ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga Huling Araw ay Babae?

Oktubre 3, 2021

Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpakita para gumawa at magpahayag ng maraming katotohanan. Nalathala ito sa internet at ginimbal ang buong mundo, habang parami nang parami ang mga taong nagsisiyasat sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na ang pagparito ng Diyos sa katawang-tao at pagpapahayag ng katotohanan ay ganap na nagpapakita ng kapangyarihan ng mga salita ng Diyos at ang walang hanggang kapangyarihan Niya. Habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, maraming tao ang nakakakita na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ma-awtoridad, makapangyarihan, at na ang mga ito ay ang katotohanan, na nanggaling ang mga ito mula sa Diyos, at sila ay kumbinsido at wala nang pagdududa. Pero nang marinig nilang ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay babae, maraming ‘di sumang-ayon at tumangging tanggapin Siya. Iniisip nila na pagparito ng Panginoong Jesus, isa Siyang lalaki, at pinatotohanan din ng Banal na Espiritu na ang Panginoong Jesus ay isang “pinakamamahal na Anak na Lalaki” nang panahong iyon, at naglalaman din ang Biblia ng nasabing mga tala, kaya pagbalik ng Panginoon, Siya’y magiging isang lalaki, sa imahe ng Judaic na Panginoong Jesus. Tiyak na hindi Siya magiging babae. Gaano man karaming katotohanan ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos at gaano kalaki ang gawain na ginagawa Niya, ‘di nila ito tinatanggap, lalong ‘di hinahanap at sinisiyasat. Ang katwiran nila’y, “Kung lalaki ang Makapangyarihang Diyos, maniniwala ako, pero kung babae Siya, kahit ano pang sabihin mo, hindi ako kailanman maniniwala, dahil lalaki ang Panginoong Jesus.” Dahil dito, napapalampas nila ang pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at dumaranas ng sakuna, na medyo nakakadismaya. Kung gayon, tama ba ang mga pahayag at pananaw ng mga relihiyosong tao na ito? Naaayon ba ang mga ito sa biblikal na propesiya? May batayan ba ang mga ito sa salita ng Diyos? Wala naman talaga. Ito’y dahil hindi tinukoy ng Panginoong Jesus kung Siya ba’y magiging lalaki o babae pagbalik Niya, at hindi pinatotohanan ng Banal na Espiritu kung ang Anak ng tao ay magiging lalaki o babae pagbalik Niya. Hindi rin pinopropesiya ng Biblia kung ang Diyos ba ay magiging lalaki o babae pagbalik Niya sa mga huling araw. Sapat na katunayan ito na ang mga sabi-sabi at pananaw ng tao ay walang biblikal na batayan, kundi mga kuru-kuro at imahinasyon lang ng tao. Maraming tao ang nagtatanong, “Bakit babae ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw sa halip na lalaki?” Heto, ibabahagi ko ang ilan sa personal kong pagkaunawa sa katanungang ito.

Maraming propesiya sa Biblia tungkol sa pagparito ng Diyos sa katawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw, pero hindi nito tinukoy kung ang Panginoon ay magiging lalaki o babae pagbalik Niya sa mga huling araw, Sinasabi lang nito na, “ang pagparito ng Anak ng tao,” “ang Anak ng tao ay darating,” at “ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan.” Ngayon, pumarito na ang Makapangyarihang Diyos, nagpahayag ng maraming katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, na siyang nagsasakatuparan sa mga propesiyang ito. Gayunpaman, nagugulat pa rin ang mga tao kapag natutuklasan nilang babae ang Cristo ng mga huling araw. Hindi talaga ito umaayon sa ating mga kuru-kuro. Dahil ito’y pagpapakita at gawain ng Diyos, lubos na normal lang na may mga kuru-kuro ang mga tao tungkol dito. Mas malalaki pa nga ang maling pagkakaunawa ng mga tao nang pumarito ang Panginoong Jesus. Pero mas maraming tao ang may mga kuru-kuro tungkol sa isang bagay, mas lalong isang misteryo ang bagay na iyon. Kung hindi ibubunyag ng Diyos ang mga misteryong ito, hindi natin kailanman mauunawaan ang mga ito. Kaya tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga kalalakihan, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga kababaihan. Paniniwalaan ng mga kalalakihan na ang kasarian ng Diyos ay katulad ng kanilang kasarian, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga kalalakihan—subalit paano naman ang mga kababaihan? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, lahat silang ililigtas ng Diyos ay mga lalaki na kagaya Niya, at wala ni isang babae ang maliligtas. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, kundi kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga kalalakihan—Siya ay Diyos din ng mga kababaihan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na kung babae o lalaki man ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito’y mahalaga. May katotohanang dapat hanapin dito, at maaari tayong hayaan nito na maunawaan ang kalooban ng Diyos at malaman ang disposisyon ng Diyos. Kung laging lalaki ang Diyos na nagkatawang-tao, anong magiging kahihinatnan? Lilimitahan ng mga tao ang Diyos bilang isang lalaki magpakailanman at hindi isang babae kahit kailan, at daranas ng diskriminasyon ang kababaihan at ‘di makakapamuhay bilang mga ganap na miyembro ng lipunan. Magiging patas ba iyon para sa kababaihan? Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at ginawa ng Diyos ang lalaki at babae, kaya naging lalaki ang Diyos para sa Kanyang unang pagkakatawang-tao, at sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang babae. Napakahalaga nito, at isang bagay na dapat ay ipagsaya at ikagalak ng lahat ng kababaihan, at hindi na magkimkim ng anumang kuru-kuro. Kung nagagawa pa ring tanggihan at diskriminahin ng isang babae ang nagkatawang-taong Diyos na babae, ang babaeng iyon ay lubhang kaawa-awa! Sa totoo lang, hindi mahalaga kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay lalaki o babae. Ang mahalaga ay kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas. Hindi dapat isipin ng mga tao na magagawa lang ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng Diyos kung Siya’y lalaki, at na hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos kung Siya’y babae. Paurong at mangmang ang mag-isip nang ganito. Ngayon, nakita nating lahat na kayang gawin ng kababaihan ang anumang kayang gawin ng kalalakihan. Halimbawa: Kaya ng kalalakihan na magpalipad ng eroplano, gayundin ang kababaihan. Puwedeng maging astronaut ang kalalakihan, gayundin ang kababaihan. Puwedeng maging presidente ang kalalakihan, gayundin ang kababaihan. Kaya ng kalalakihan na magpatakbo ng mga negosyo at mapanatili ang mga trabaho, at kaya rin ng kababaihan na magpatakbo ng mga negosyo at mapanatili ang mga trabaho. Pinatutunayan ng mga katunayang iyon na ang kababaihan ay hindi mahina ang kakayahan kaysa sa kalalakihan. Kung gayon, bakit maaari lang na maging lalaki ang Diyos na nagkatawang-tao, at hindi babae? Tingnan n’yo ang Makapangyarihang Diyos, na nagpahayag ng napakaraming katotohanan at gumawa ng napakaraming gawain. Hinadlangan ba ng pagiging babae ang gawain ng Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ‘di hamak na mas malaki kaysa sa gawain na ginawa ng Panginoong Jesus. Nagpahayag ng mas marami at mas malalim na katotohanan ang Makapangyarihang Diyos kaysa sa ipinahayag ng Panginoong Jesus. Malinaw sa lahat ang mga katunayan, kaya bakit hindi makilala ng mga tao ang mga ito? Gaano karami ang kababaihan na inaapi, dinidiskrimina, at nagdurusa sa mundo ngayon? Kailangan nilang magkaroon ng pantay na katayuan sa kalalakihan, at higit pa riyan, kailangan nila ng kaligtasan at kalayaan. Sinong makapagliligtas sa mga kasamahan nating babae? Ngayon, pumarito na ang Makapangyarihang Diyos, at nagpahayag Siya ng katotohanan para hatulan ang masamang sanlibutan at sangkatauhang ito, na lubhang ginawang tiwali. Maraming kababaihan ang nakakita na ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay babae, kayang magpahayag ng katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at dahil dito ay ipinagmamalaki ang pagiging isang babae. Taas-noo sila, nakamit nila ang pakiramdam ng kalayaan at pagpapalaya, at ipinagdiriwang at pinupuri nilang lahat ang Makapangyarihang Diyos. Ipinapakita ng pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao bilang babae ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang Diyos lamang ang tunay na nagmamahal sa sangkatauhan, at Diyos lamang ang tunay na kayang tratuhin nang patas ang mga tao. Napakamapagmahal ng Diyos! Ngayon, isaalang-alang natin ang isa pang bagay. Nagawang pasanin ng lalaking Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng mga tao at tapusin ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus. Kung pumarito bilang babae ang Panginoong Jesus, matatapos ba Niya ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus? Walang dudang magagawa Niya ito. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nangangahulugang ang Espiritu ng Diyos ay nagsusuot ng katawan ng tao, at kung ang katawan na ito man ay lalaki o babae, Siya ay ang Diyos Mismo. Ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain, lahat ng iyon ay ginagawa at kinokontrol ng Espiritu ng Diyos. Samakatuwid, hindi mahalaga kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay babae ba o lalaki, Siya ay angkop na katawanin ang pagkakakilanlan ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos Mismo, at sa huli, ang gawain ay matatapos at magkakamit ng kaluwalhatian ang Diyos. Tulad lang ito ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. “Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginagawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Nangangahulugan ito na hindi mahalaga kung lalaki o babae ang laman na nagkatawang-tao. Hangga’t kaya Niyang magpahayag ng katotohanan at tapusin ang gawain na gustong tuparin ng Diyos, pati na ang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, Siya ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Kung iniisip ng mga tao na ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaari lamang maging lalaki at hindi babae, hindi ba’t ito’y pawang produkto ng mga patakaran, kuru-kuro, at imahinasyon ng mga tao? Sa palagay ba nila ay nilikha ng Diyos ang lalaki, at hindi ang babae? Dahil ang Diyos na nagkatawang-tao ay babae, gaano man karaming katotohanan ang Kanyang ipinapahayag, o gaano man kalaki ang gawain na Kanyang ginagawa, hindi Siya kinikilala o tinatanggap ng mga tao. Hindi ba ito pawang dahil sa itinatanggi at dinidiskrimina ng mga tao ang kababaihan? Hindi ba’t isa lang ito sa mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan? Walang karapatang mamili ang mga tao kung paano magpapakita at gagawa ang Diyos. Hangga’t Siya ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at hangga’t ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng Diyos, lalaki man o babae ang nagkatawang-tao, dapat tanggapin at sumunod ng mga tao. Ito ang makatwiran at matalinong paraan. Ang Diyos ay makapangyarihan at marunong sa lahat, at ang mga saloobin ng Diyos ay higit sa mga saloobin ng tao. Paano nagagawang umasa ng mga tao na maunawaan ang gawain ng Diyos? Mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang panahon, bawat yugto ng gawain ng Diyos ay lumagpas at naging salungat sa mga kuru-kuro ng tao. Nang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, ang kanyang hitsura, kapanganakan at pamilya ay lubos na ‘di naaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi tinanggap ng mga Fariseo na Siya ang Mesias na ipinropesiya sa Kasulatan at sa huli’y ipinako Siya sa krus, nakagawa sila ng isang karumal-dumal na kasalanan kung saan sila’y pinarusahan at isinumpa ng Diyos. Isa itong nakakapukaw na leksyon na buhay ang kapalit. Kaya, ang lahat ng may kinalaman sa pagpapakita at gawain ng Diyos ay isang malaking kaganapan at misteryo. Kung hindi hahanapin ng mga tao ang katotohanan, igigiit na kumapit sa kanilang mga kuru-kuro, at maghahatol at ‘di gaanong magpapasya, malamang na malabag nila ang disposisyon ng Diyos. Kung ikaw ay tinanggihan at inalis ng Diyos at nawalan ng Kanyang kaligtasan, hindi ka na magkakarooon ng mas malaki pang panghihinayang kaysa roon.

Ngayon, mayroon pa ring ‘di mabilang na tao na tumatangging tanggapin ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw dahil isa Siyang babae, at hindi pa nga Siya tinatanggap, kahit na nababatid na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan. Anong problema rito? Bakit napakatatag ng mga kuru-kuro ng mga taong ito? Bakit hindi nila pinapahalagahan ang katotohanan at ang pagpapahayag ng katotohanan nang higit sa lahat? Bilang mga tao, bilang mga miyembro ng sangkatauhan, na mga nilikha, dapat nating tratuhin nang makatwiran ang Diyos at ang Kanyang gawain. Kung malinaw nating nalalaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagkatawang-tao at malinaw na nalalamang ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero kumakapit pa rin tayo sa ating mga kuru-kuro at tumatangging tanggapin Siya dahil babae Siya, isa itong malalang problema. Ang paggawa nito ay pagtatatwa at paglaban sa Diyos. Ang pagtanggi na kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao o ang katotohanang Kanyang ipinapahayag ay mas matindi rin sa isang simpleng problema ng mga kuru-kuro at imahinasyon. Ginagawa ka nitong anticristo, kaaway ng Diyos, at isang tao na dapat isumpa! Gaya ng sinasabi sa Kasulatan: “Sapagkat maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo” (2 Juan 1:7). “Ang bawat espiritung hindi ipinahahayag si Jesucristo, ay hindi sa Diyos: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanlibutan na” (1 Juan 4:3). Kaya, makatitiyak tayo na sinumang hindi tumatanggap sa pagbabalik ng Anak ng tao at sinumang hindi kumikilala sa nagbalik na Diyos na nagkatawang-tao ay isang anticristo. Sa palagay n’yo ba’y ililigtas ng Diyos ang mga anticristo pagbalik Niya? Siyempre hindi. Kaya, ano ang wakas para sa mga anticristo? Ano ang ginagawang mali ng mga anticristo? Hindi lang nila basta nilalabanan ang isang tao, nilalabanan nila ang Cristo ng mga huling araw, ang Diyos Mismo. Ano ang diwa ng pagkondena at paghatol sa Makapangyarihang Diyos? Ito’y ang kasalanan ng paglapastangan laban sa Banal na Espiritu. ‘Di kailanman mapapatawad ang kasalanang ito, hindi ngayon o sa hinaharap.

Maraming tao ngayon ang naniniwala sa Diyos pero hindi alam kung ano ang gawain ng Diyos, ni hindi nila alam kung ano ang Anak ng tao, ano ang pagkakatawang-tao, o sino ang nag-iisang tunay na Diyos. Tulad nito, napakadaling labanan ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya ‘di natin kailanman dapat gamitin ang ating mga kuru-kuro o imahinasyon para limitahan ang gawain ng Diyos. Sa halip, dapat nating hanapin ang katotohanan, at tanggalin ang ating mga kuru-kuro. Sa ganitong paraan lang natin matatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Ang kabuluhan ng gawain sa panahon ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay malawak at malalim. Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Diyos. “Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, ang Espiritung pinatindi nang pitong beses, o ang Espiritung sumasaklaw sa lahat, kundi isang tao rin—isang ordinaryong tao, isang lubhang karaniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi babae rin. Magkapareho sila dahil kapwa Sila isinilang sa mga tao, at magkaiba dahil ipinaglihi ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa naman ay isinilang sa isang tao, bagama’t nagmula mismo sa Espiritu. Magkatulad Sila dahil pareho Silang Diyos na nagkatawang-tao na nagsasagawa ng gawain ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ginagawa ng isa ang gawain ng pagtubos samantalang ang isa naman ay ang gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Manunubos, na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran, na puno ng poot at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Pinuno na naglunsad ng gawain ng pagtubos, samantalang ang isa naman ay ang matuwid na Diyos na nagsasakatuparan ng gawain ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay ang Wakas. Ang isa ay walang-kasalanang katawan, samantalang ang isa naman ay katawan na tumatapos sa pagtubos, nagpapatuloy ng gawain, at hindi nagkakasala kailanman. Pareho Silang iisang Espiritu, ngunit nananahan Sila sa magkaibang katawang-tao at isinilang sa magkaibang lugar, at magkahiwalay Sila nang ilang libong taon. Gayunman, lahat ng Kanilang gawain ay nagpupuno sa isa’t isa, hindi kailanman nagkakasalungat, at maaaring banggitin nang sabay. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay isang batang lalaki at ang isa naman ay isang batang babae” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?). Nakikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na kapag pumarito ang Diyos sa katawang-tao para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi mahalaga kung lalaki o babae ang Diyos, saang pamilya Siya nanggaling, o anong hitsura Niya. Walang mahalaga sa mga ito. Ang pinakamahalaga ay kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos, isakatuparan ang kalooban ng Diyos, at maghatid ng kaluwalhatian sa Diyos. Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ipinanganak ang Panginoong Jesus sa isang sabsaban sa isang napakaordinaryong pamilya sa Judea. May mga kuru-kuro ang mga tao tungkol dito. Hinusgahan nilang lahat ang Panginoong Jesus dahil sa pagiging isang anak ng karpintero mula sa Nazareth at tumangging tanggapin ang Kanyang gawain dahil doon. Ang resulta, isinumpa sila ng Diyos at nawalan ng kanilang kaligtasan. Sa mga huling araw, pumarito ang Makapangyarihang Diyos. Ipinanganak siya sa isang ordinaryong pamilya at may hitsura ng isang Asyano. Sa panlabas, mukha Siyang isang ordinaryong tao, pero nagpapahayag Siya ng napakaraming katotohanan, ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, nilulupig ang mga tao at gumagawa ng isang grupo ng mananagumpay. Gumawa ng napakamakapangyarihang gawain ang Makapangyarihang Diyos na gumimbal sa buong mundo, at tinapos din ang kasaysayan ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan sa loob ng libo-libong tao at nagsimula ng bagong panahon. Anong karapatan ng mga tao na magkaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao bilang babae? Ang mga gayong tao ay masyadong mapagmataas at wala sa katwiran. Ngayon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay ipinapangaral sa buong mundo. Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay malawak, makapangyarihan, at hindi mapipigilan, at tutuparin ng salita ng Diyos ang lahat. Lubos na ibinubunyag nito ang matuwid na disposisyon, ang walang hanggang kapangyarihan, at ang karunungan ng Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, magagawa Niyang pagpasyahan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyong Siya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong makumbinsi? Hindi ba sapat ang pagsaksi sa Kanyang mga gawa upang lubos kayong makumbinsi? O hindi ba karapat-dapat para sa inyo na tahakin ang landas na Kanyang dinadala? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na kasuklaman Siya at itaboy Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang nagpapahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng kasalukuyan, hindi kailanman makakamit ng mga bumababa mula sa krus ang pagsang-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagparito ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magiging kuwalipikado, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagparito ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng awa. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang karaniwang taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na ginawa na ng Diyos sa gitna ng mga tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

Ang katotohanang nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, magbibigay din ng pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daan na dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpahupa sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba nararapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao).

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang pasimulan ang bagong kapanahunan, baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa, at gawin ang gawain ng buong kapanahunan. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay naging tao para magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, upang tunay na makita ng tao ang Diyos, na Siyang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, at mamasdan ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha. Ang gayong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao, na siyang tunay na kahulugan ng paggamit ng mga salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang nararapat pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng mga salita, ang kabuuan ng gawaing nais gawin ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, ang mga tao ay inilalantad, inaalis, at sinusubukan. Nakita na ng mga tao ang mga salita ng Diyos, narinig ang mga salitang ito, at kinilala ang pag-iral ng mga salitang ito. Dahil dito, naniwala na sila sa pag-iral ng Diyos, sa walang-hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos sa tao at sa Kanyang hangaring iligtas ang tao. Ang salitang ‘mga salita’ ay maaaring simple at ordinaryo, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob, binabago ng mga ito ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng ngayon ang nakagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at pumaparito upang iligtas ang tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, na inaakay at tinutustusan ng Kanyang mga salita. Nabubuhay ang mga tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at mas marami pang taong nagsimulang mabuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, ginagabayan Niya ang mga tao sa buong sansinukob gamit ang mga salita, at nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita. Sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita).

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang Pagkakatawang-Tao?

Alam nating lahat na dalawang libong taon na ang nakararaan, nagkatawang-tao ang Diyos sa mundo ng tao bilang ang Panginoong Jesus para...