403 Napakarami Mong Natamo na Dahil sa Pananampalataya

Sa oras ng paghatol,

nakikita mo ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha,

nakikita mong dapat mahalin ang Lumikha.

Sa gawain ng paglupig,

nauunawaan mo ang buhay ng tao,

at nakikita ang kapangyarihan ng Diyos.


I

Sa paglupig na ‘to,

iyong alam ang kahulugan ng “tao,”

at tamang landas ng buhay ‘yong natatamo,

at iyong nakikita ang matuwid

na disposisyon ng Diyos.

Sa paglupig na ‘to,

iyong nakikita ang Kanyang maluwalhating mukha,

at iyong nalalaman ang pinagmulan ng tao,

nauunawaan ang “imortal na kasaysayan” ng tao.

Dahil sa salitang “pananampalataya,”

ikaw ay hinahatulan, at lubhang isinusumpa,

ngunit nagtamo ka ng tunay na pananampalataya

at mga bagay na totoo, tunay, at mahalaga.

Tunay na pananampalataya,

dahil sa pananampalataya.


II

Sa paglupig na ‘to,

iyong nakikilala ang mga ninuno ng tao

at ang pinagmulan ng katiwalian ng tao,

tumatanggap ka ng mga pagpapala

at kasawiang-palad na nararapat sa iyo.

Sa paglupig na ‘to,

nagkakaroon ka ng galak at aliw,

at walang-hanggang pagtutuwid, disiplina’t pagsaway

ng Lumikha sa Kanyang nilikha.

Dahil sa salitang “pananampalataya,”

ikaw ay hinahatulan, at lubhang isinusumpa,

ngunit nagtamo ka ng tunay na pananampalataya

at mga bagay na totoo, tunay, at mahalaga.

Tunay na pananampalataya,

dahil sa pananampalataya.


III

‘Di ba’t ito’y dahil sa ‘yong maliit na pananampalataya?

‘Pag iyong natamo na ang mga bagay na ito,

‘di ba lumago na ang ‘yong pananampalataya?

‘Di ka pa ba nagtamo ng malaking halaga?

Dahil sa pananampalataya,

dahil sa pananampalataya,

dahil sa pananampalataya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Sinundan: 402 Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos

Sumunod: 404 Ang Pinakamahalagang Bagay na Dapat Tamuhin ng mga Nananampalataya sa Diyos

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger