Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

728 Paano Susundang Mabuti ang Huling Bahagi ng Landas

1 Dapat mong tandaan ang mga mga salitang ito ay sinalita na ngayon: Kinalaunan, sasailalim ka sa mas malaking kapighatian at mas malaking pagdurusa! Ang gawing perpekto ay hindi isang magaan o madaling bagay. Kahit paano dapat mong taglayin ang pananampalataya ni Job o marahil ay mas malaki pang pananampalataya kaysa kanya. Dapat mong malaman na ang mga pagsuboksa hinaharap ay magiging mas matindi kaysa sa mga pagsubok ni Job, at dapat ka pa ring sumailalim sa pangmatagalang pagkastigo. Ito ba ay isang simpleng bagay? Kung ang iyong kakayahan ay hindi mapapabuti, ang iyong kakayahan para sa pagkaunawa ay kulang, at ang iyong nalalaman ay kakaunti, kung gayon sa panahong iyon hindi ka magkakaroon ng anumang patotoo, bagkus ikaw ay magiging isang katatawanan, isang laruan para kay Satanas. Kung hindi ka makakapanatili sa mga pangitain ngayon, kung gayon wala kang saligan sa anumang paraan, at ikaw ay itatapon sa hinaharap!

2 Ang bawat bahagi ng daan ay hindi madaling lakaran, kaya huwag mo itong babalewalain. Maingat mong timbangin ito ngayon at gumawa ng mga paghahanda kung paano lakaran nang tama ang pinakahuling bahagi ng landas. Ito ang landas na dapat tahakin sa hinaharap at dapat itong tahakin ng lahat ng tao. Hindi mo maaaring hayaan na ang kasalukuyang pagkaunawa na ito ay papasok sa isang tenga at lalabas sa kabila, at huwag mong isipin na ang Aking sinasabi sa iyo ay walang kabuluhang lahat. Darating ang araw na magagamit mo ang lahat ng ito sa mabuti—ang mga salita ay hindi maaaring sabihin nang walang kabuluhan. Ito ang oras para sangkapan ang iyong sarili; ito ang oras upang paghandaan ang daan para sa hinaharap. Dapat mong ihanda ang landas na iyong lalakaran kinalaunan; dapat kang mangamba at mabalisa tungkol sa kung paano ka makapanindigan kinalaunan at maghandang mabuti para sa iyong hinaharap na landas. Huwag maging matakaw at tamad!

3 Dapat mo talagang gawin ang lahat ng iyong magagawa upang gawin ang pinakamahusay na paggamit sa iyong oras para makamit ang lahat ng iyong kailangan. Ibinibigay Ko sa iyo ang lahat upang ikaw ay makauunawa. Sa pamamagitan ng pagsailalim sa mas malaking kapighatian, ang tunay na pagkaunawa sa loob ng lahat ng tao ay makakamit. Ito ay isang hakbang ng gawain. Sa oras na ganap mong maunawaan ang mga pangitain na ating pinagsamahan sa kasalukuyan at nakamit mo ang pagkakaroon ng dalisay na tayog, anumang mga kahirapan ang iyong madaanan sa hinaharap ay hindi ka mapagtatagumpayan—magagawa mong matagalan ang mga ito. Kapag natapos Ko ang huling hakbang ng gawaing ito at natapos Ko ang pagbigkas ng huling mga salita, sa hinaharap ay kakailanganin ng mga tao na lakaran ang sarili nilang landas. Tutuparin nito ang mga salita na Aking sinabi noong una: Ang Banal na Espiritu ay mayroong isang tagubilin para sa bawat isang tao, at gawain na gagawin sa bawat isang tao.

Hango sa “Paano Mo Dapat Lakaran ang Huling Bahagi ng Landas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ano ang Mangyayari Kung Tatakasan Mo ang Paghatol ng Diyos?

Sumunod:Kapag Sinaktan ng Diyos ang Pastol

Baka Gusto Mo Rin