523 Sundin ang mga Salita ng Diyos at Hindi Ka Maliligaw

I

Umaasa ang Diyos na makakaya niyong

kumain at uminom nang mag-isa,

at laging mabubuhay sa liwanag

ng presensya Niya,

at sa pamumuhay niyo,

huwag talikuran ang mga salita ng Diyos;

saka lang kayo mapupuspos ng mga salita Niya.

Sa bawat gawa’t salita mo,

ang mga salita Niya

ay siguradong gagabay sa iyo pasulong.

Kung tunay kang lalapit sa Diyos sa gan’tong antas,

lagi mong makakausap ang Diyos sa tuwina,

walang ginagawa mo ang hahantong sa kalituhan

o iiwanan kang ‘di alam ang gagawin.

Siguradong makakatabi mo ang Diyos,

makakakilos ayon sa mga salita Niya.

Siguradong makakatabi mo ang Diyos,

makakakilos ayon sa mga salita Niya.


II

Sa bawat tao’t bagay na nakakaharap mo,

ang mga salita ng Diyos

ay magpapakita sa ‘yo anumang oras,

ginagabayan kang kumilos ayon sa kalooban Niya.

Gawin ang lahat ayon sa salita ng Diyos,

at aakayin ka Niya nang pasulong

sa bawat kilos mo;

‘di ka kailanman maliligaw,

at magagawa mong mamuhay sa bagong liwanag,

nang may higit at mas bagong mga kaliwanagan.

‘Di mo magagamit ang mga kuru-kuro ng tao

para pag-isipang mabuti ang dapat gawin;

magpasakop dapat sa paggabay

ng mga salita ng Diyos,

magkaroon ng malinaw na isip,

maging tahimik sa harapan ng Diyos,

at magbulay-bulay pa.

‘Wag mag-alalang hanapin ang solusyon

sa mga ‘di maunawaang bagay;

dalhin ang gayong mga bagay sa Diyos

nang mas madalas,

at mag-alay ng tapat na puso.


III

Maniwala na ang Diyos

ang iyong makapangyarihan!

Dapat kang maghangad nang malaki para sa Diyos,

sabik na naghahangad

habang tumatanggi sa mga pagdadahilan,

layunin, at panloloko ni Satanas.

Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag manghina.

Maghangad nang buong puso;

maghintay nang buong puso.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos,

at alisin ang nasa kalooban mong

humahadlang sa ‘yo.

Maniwala na ang Diyos

ang iyong makapangyarihan!

Dapat kang maghangad nang malaki para sa Diyos,

sabik na naghahangad

habang tumatanggi sa mga pagdadahilan,

layunin, at panloloko ni Satanas.

Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag manghina.

Maghangad nang buong puso;

maghintay nang buong puso.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos,

at alisin ang nasa kalooban mong

humahadlang sa ‘yo.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos,

at alisin ang nasa kalooban mong

humahadlang sa ‘yo.


Hango sa Pagbabahagi ng Diyos

Sinundan: 522 Mamuhay Ayon sa Salita ng Diyos Upang Mapasainyo ang Gawain ng Banal na Espiritu

Sumunod: 524 Tunay Bang Naging Buhay Mo Na ang Salita ng Diyos?

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger