Ikaanim na Aytem: Sila ay Kumikilos sa Mapanlinlang na mga Paraan, Sila ay Wala sa Katwiran at mga Diktador, Hindi Sila Kailanman Nakikipagbahaginan sa Iba, at Pinipilit Nila ang Iba na Sundin Sila

Karagdagang Babasahin: Ang Kuwento nina Daming at Xiaoming

Bago tayo pumunta sa pangunahing paksa ng ating pagbabahaginan, magsimula tayo sa isang kwento. Ano ang pakinabang ng pagkukwento? (Madaling tandaan ang mga ito.) Hanggang ngayon, ilan na bang kwentong madaling tandaan ang naibahagi Ko? (Ang kuwento nina Dabao at Xiaobao.) “Ang Kuwento nina Dabao at Xiaobao” ang ikinuwento ko noong huli. (Mayroon ding “Panghuhuli ng mga Daga” at ang kwento ng mga babaeng lider.) Marami-rami na ang mga naibahaging kwento. Bakit Ako nagkukwento? Sa totoo lang, ang layunin ay para lumipat sa isang pormang mas panatag at madaling maunawaan para magbahagi tungkol sa ilang katotohanang dapat maunawaan ng mga tao. Kung nauunawaan ninyo ang mga katotohanan mula sa mga kwentong ibinabahagi Ko, at ang mga katotohanang ito ay nakakatulong sa iba’t ibang aspekto ng inyong pagpasok sa pang-araw-araw na buhay, hindi sayang ang pagbabahagi ng mga kwento. Ipinapakita nito na tunay ninyong nauunawaan ang mga katotohanang nakapaloob sa mga kwento, na nauunawaan ninyo ang praktikal na panig ng mga katotohanang ito, sa halip na pinakikinggan lang ninyo ang mga ito na bilang kwento lang. Noong huli, ibinahagi Ko ang kwento nina Dabao at Xiaobao. Ngayon, ibabahagi Ko naman ang kwento nina Daming at Xiaoming. Habang nakikinig kayo, pag-isipan ninyo kung ano ang talagang sinusubukang ipaunawa sa inyo ng kwentong ito at kung aling aspekto ng katotohanan ang nakapaloob dito.

Sina Daming at Xiaoming ay mag-ama. Ilang panahon na ang nakalilipas, tinanggap ni Daming at ng anak niyang si Xiaoming ang bagong gawain ng Diyos. Mabuting bagay ba ito? (Oo.) Ito ay mabuting bagay. Si Xiaoming ay bata pa at kaunti lang ang kayang basahin, kaya araw-araw siyang binabasahan ni Daming ng mga salita ng Diyos at matiyaga nitong ipinapaliwanag ang mga salitang hindi nauunawaan ni Xiaoming. Paglipas ng panahon, nauunawaan na ni Xiaoming ang marami-raming doktrina tungkol sa kung paano dapat umasal ang isang tao, gayundin ang ilang bokabularyo na hindi niya kailanman nakita bago manalig sa Diyos, gaya ng pagpapasakop, pananampalataya, katapatan, panlilinlang, at iba pa. Nang makita ni Daming ang pagbuti ng kanyang anak, tuwang-tuwa siya. Gayunpaman, kamakailan ay napansin ni Daming na gaano kadalas man niyang binabasahan ng mga salita ng Diyos si Xiaoming, walang gaanong pagbuti sa ugali at pananalita nito. Naging balisa si Daming at nagkaroon siya ng pasanin, inisip niya: “Paano ko ipapaunawa sa anak ko ang ilang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, paano ko magagawa ang anak ko na magpakita ng kaunting pagbabago para sang-ayunan siya ng ibang tao, masiyahan sila sa kanya, at purihin nila siya bilang mabuting bata? At pagkatapos, dahil sa pagganap ni Xiaoming, maipapahayag nila na mabuti ang pananalig sa Diyos, at maipapalaganap sa iba ang ebanghelyo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa anak ko—napakagaling noon!” Dahil sa pagkakaroon ng ganitong pasanin, patuloy na nag-isip si Daming: “Paano ko matuturuan nang tama si Xiaoming para lalo niyang maunawaan ang tungkol sa pag-asal, para mas mahusay siyang gumanap at umayon sa mga layunin ng Diyos? Sa huli, kapag naging mabuting bata na si Xiaoming at pinuri na siya ng lahat ng tao, ang lahat ng kaluwalhatiang ito ay maitataas sa Diyos—magiging kahanga-hanga iyon! Sa puntong iyon, mawawala na ang mabigat na pasanin sa puso ko.” Makatwiran ba ang pasaning nadarama ni Daming? Maituturing ba itong pagganap ng tamang gawain para sa kanya? (Oo.) Mula sa perspektibang ito, tama ang panimulang punto niya—maituturing itong pagiging responsable at tamang gawain. Tama ba o mali ang landas na pinili ni Daming para kay Xiaoming? Mabuti ba ito o masama? Tingnan natin sa pagpapatuloy natin. Palaging nananalagin at nagsusumamo si Daming sa Diyos tungkol dito, at sa wakas isang araw, nagkaroon siya ng “inspirasyon.” Anong “inspirasyon”? Ang sinasabing “inspirasyon” na nakapaloob sa mga panipi. Dahil nakapaloob sa mga panipi ang “inspirasyon” na ito, anong uri ng landas kaya ang tinutukoy ni Daming? Naiisip ba ninyo kung ano ang susunod na mangyayari sa kwento? Hindi ito gaanong malinaw, hindi ba? Ito ay medyo hindi nalalaman.

Isang araw, pagkatapos basahan ng mga salita ng Diyos ang kanyang anak, napakaseryosong tinanong ni Daming si Xiaoming kung mabuti ba ang pananalig sa Diyos. Taimtim na tumugon si Xiaoming, “Mabuti ang pananalig sa Diyos. Ang mga taong nananalig sa Diyos ay hindi nang-aapi ng iba, hindi sila nakakatagpo ng sakuna, nakakapunta sila sa langit, at hindi sila ipapadala sa impiyerno pagkatapos nilang mamatay.” Tama ba si Xiaoming? Dahil sa mura niyang edad, mabuti na na kaya itong sabihin ni Xiaoming. Napakasimple ng kanyang pagkaunawa sa pananalig sa Diyos, panimula pa lang at lubhang mababaw pa ito pero para sa kanya, malalim na ito. Nang marinig ito, natuwa si Daming at napanatag siya, at sinabi niya, “Magaling, bumuti ka na, Xiaoming. Mukhang may kaunting pundasyon ang pananalig mo sa Diyos. Talagang natutuwa at napanatag si Tatay. Pero ganyan ba talaga kasimple ang pananalig sa Diyos?” Nag-isip nang sandali si Xiaoming at nagsabi, “Hindi ba’t iyan na ang lahat ng sinasabi ng mga salita ng Diyos? Ano pa ba ang mayroon?” Mabilis na tumugon si Daming: “Hindi lang ang mga ito ang hinihingi ng Diyos. Napakatagal mo nang nananalig sa Diyos, pero kapag bumibisita ang mga kapatid mo, hindi mo man lang sila binabati. Mula ngayon, kapag nakakasalamuha mo ang matatanda, tawagin mo silang lolo at lola; kapag nakakasalamuha mo naman ang mga taong nasa hustong gulang na pero bata-bata pa, tawagin mo silang tito, tita, o kuya o ate. Sa ganitong paraan, magiging isang bata ka na mahal ng lahat ng tao—at ang mahal lang ng Diyos ay ang mga batang mahal ng lahat ng tao. Mula ngayon, makinig ka sa akin at gawin mo ang sinasabi ko; kapag sinabi ko sa iyo na tawagin mo ang isang tao na ganito o ganyan, iyon ang itawag mo sa kanya.” Isinapuso ni Xiaoming ang mga salita ng kanyang ama, nararamdaman niyang tama ang sinasabi ng kanyang ama. Sa kanyang batang puso, naniniwala siyang mas matanda ang kanyang ama, mas marami itong nabasang salita ng Diyos, at mas marami itong alam kaysa sa kanya. Dagdag pa rito, iniisip lang ng kanyang ama ang pinakamabuti para sa kanya at tiyak na hindi siya nito ililigaw, kaya malamang ay tama ang anumang sinasabi ng kanyang ama. Hindi nauunawaan ni Xiaoming kung ano ang katotohanan at ano ang doktrina, pero kahit papaano ay alam niya kung ano ang mabuti at masama, ang tama at mali. Pagkatapos magsalita ng kanyang ama, nagkaroon din ng kaunting pasanin si Xiaoming tungkol sa bagay na ito. Magmula noon, tuwing lumalabas si Xiaoming kasama ang kanyang ama at may nakasalubong silang isang tao, kapag sinabi ng kanyang ama na tawagin niya itong “tita,” sinasabi niyang “Kumusta po, tita”; kapag sinabihan siyang tawagin itong “tito,” sinasabi niya “Kumusta po, tito.” Pinupuri ng lahat ng tao si Xiaoming bilang isang mabuting bata na magalang, at lagi rin nilang pinupuri si Daming sa tama niyang pagpapalaki. Natutuwa si Xiaoming, iniisip niya, “Mabuti ang pagtuturo ni Tatay; gusto ako ng sinumang makasalamuha ko.” Natutuwa si Xiaoming sa loob niya at ipinagmamalaki niya talaga ang kanyang sarili, iniisip na ang paggabay sa kanya ng kanyang ama ay talagang mabuti at tama.

Isang araw, pagdating na pagdating ni Xiaoming sa bahay mula eskwela, tumakbo siya sa kanyang ama, at sinabi, “Tatay, hulaan mo kung ano ang nangyari? Ang kapitbahay nating si Tandang Zhang ay nakahuli ng napakalaking—” Bago pa siya matapos, sumabat si Daming: “‘Tandang Zhang’? Paano mo nasasabi iyan, Xiaoming? Mananampalataya ka pa rin ba o hindi na? Paano mo siya natatawag na ‘Tandang Zhang’? Nakalimutan mo na ang sinabi ko sa iyo, wala ka talagang pananampalataya sa Diyos, hindi ka tunay na mananampalataya. Tingnan mo, naaalala ko ito; pwede kitang tulungan at paalalahanan. Dapat mo siyang tawaging Lolo Zhang, naiintindihan mo?” Pinag-isipan ito ni Xiaoming: “Pwede ko rin siyang tawaging Lolo Zhang.” Nagpatuloy siya, “Ang kapitbahay nating si Lolo Zhang ay nakahuli ng isda na ganito kalaki! Tuwang-tuwa ang matandang babaeng Zhang!” “Nakalimutan mo ba uli?” Sabi ni Daming. “Hindi mo pa rin ito naiintindihan, iho. Kakasabi ko lang, dapat mo siyang tawaging Lolo Zhang; ibig sabihin, ang asawa niya, na galing sa parehong henerasyon, ay dapat tawaging ano? Dapat Lola Zhang. Tandaan mo ito; huwag mo kailanman sabihin muli ang Tandang Zhang o matandang babaeng Zhang, o pagtatawanan tayo ng mga tao. Hindi ba’t nakakahiya iyon para sa atin bilang mga mananampalataya? Sasabihin nila na hindi tayo magalang at wasto, parang hindi mga mananampalataya. Hindi ito nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos.” Noong umpisa ay sabik pang magsabi si Xiaoming sa kanyang ama tungkol sa malaking isdang nahuli ng matandang si Zhang, pero pagkatapos siyang itama ng kanyang ama, nawalan na siya ng interes at ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol dito. Tumalikod siya, isinuot ang backpack niya, at nagsasalita habang naglalakad: “Akala mo na alam mo ang lahat ng bagay, puro na lang Lolo Zhang, Lola Zhang. Ano naman ang kinalaman natin dito? Para bang ikaw lang ang nag-iisang espirituwal!” Sumagot si Daming: “Espirituwal nga ako, sa katunayan! Sa karamihan ng mga tao, gaano man sila katanda, tingnan ko lang ang kanilang edad ay masasabi ko na ang senyoridad nila, at alam ko na kung paano sila dapat tawagin. Tinatawag kong tito at tita ang mga nakakatandang tao—bakit hindi mo masabi nang tama kahit iyong tawag man lang? Bilang mga mananampalataya, hindi natin ito pwedeng kalimutan; hindi tayo pwedeng magkamali sa mga terminong panghenerasyon.” Pagkatapos ng pagsaway na ito, hindi mabuti ang pakiramdam ni Xiaoming sa loob, pero sa kaloob-looban niya, iniisip pa rin niyang tama ang kanyang ama; tama ang anumang ginagawa ng kanyang ama, at kahit na hindi niya gusto, inaamin niyang mali siya. Mula noon, tuwing nakikita niya ang matandang lalaking Zhang o matandang babaeng Zhang, tinatawag niya silang Lolo Zhang at Lola Zhang. Lahat ng itinuro at itinanim sa kanya ng kanyang ama, isinapuso ni Xiaoming. Mabuting bagay ba ito o masamang bagay? Sa ngayon, mukha itong mabuting bagay, hindi ba?

Isang araw, naglakad si Xiaoming at ang kanyang ama at nakita nila ang isang matandang inahing baboy na nangunguna sa isang grupo ng mga biik. Talagang malapit ang relasyon sa pagitan ng inahing baboy at ng kanyang mga biik. Naisip ni Xiaoming na mabuti ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos; ito man ay isang baboy o aso, lahat ng ito ay may likas na ugali ng mga ina at dapat igalang. Sa panahong ito, hindi ito walang galang o marahas na tinawag ni Xiaoming na “matandang inahing baboy.” Sa takot niyang magkamali siya at magalit ang kanyang ama, tahimik niyang tinanong, “Tatay, ilang taon na ang inahing baboy na ito? Nanganak siya ng napakaraming biik, ano ang dapat kong itawag sa kanya?” Nag-isip si Daming nang sandali: “Ano ang dapat nating itawag sa kanya? Mahirap iyong sabihin.” Nang makita niyang napaisip ang kanyang ama at walang maisagot, nagreklamo si Xiaoming: “Hindi ba’t nagbasa ka na ng napakaraming salita ng Diyos? Mas matanda ka rin sa akin; paanong hindi mo alam ito?” Dahil napukaw siya ni Xiaoming, medyo nabalisa si Daming at sinabi: “Paano kung tawagin natin siyang ‘lola’?” Bago tawagin ni Xiaoming ang baboy, nagdalawang-isip si Daming at sinabing: “Hindi natin ito pwedeng tawaging lola; ilalagay niyon ito sa parehong henerasyon ng iyong lola sa ina, hindi ba? Mas masahol naman ang pagtawag sa kanya na Lola Baboy, ilalagay niyon ito sa parehong henerasyon ng aking ina. Dahil napakarami nitong ipinanganak na biik, hindi natin pwedeng pabayaan ang pagkakakilanlan o katayuan nito, at hindi tayo pwedeng magkamali sa henerasyon nito. Dapat natin itong tawaging ‘Tita Baboy.’” Pagkarinig dito, magalang na yumuko si Xiaoming sa baboy at tumawag, “Binabati kita, Tita Baboy.” Nagulat ang inahing baboy at, sa pagkagulat nito, tumakbo palayo ang baboy at ang lahat ng biik. Pagkakita nito, nagtaka si Xiaoming kung mali ba ang itinawag niya rito. Sabi ni Daming, “Malamang masaya ang baboy at natutuwang tumugon sa paraang ito. Sa hinaharap, kapag naharap tayo sa ganitong sitwasyon, anuman ang sabihin o gawin ng iba, dapat tayong magpatuloy na umasal nang ganito. Maging magalang ka at sundin mo ang mga pamantayan ng lipunan; kahit ang mga baboy ay malulugod kapag nakita iyan.” Mula sa usaping ito, may natutunang bago si Xiaoming. Ano ang natutunan niya? Sinabi niya, “Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay; hangga’t ang lahat ng nilikha ay nirerespeto ang isa’t isa, magalang, nakakaunawa ng senyoridad, at gumagalang sa matatanda at nagmamahal sa mga bata, mapayapang makakapamuhay nang sama-sama ang lahat ng nilikha.” Nauunawaan na ni Xiaoming ang doktrinang ito ngayon. Pagkarinig niya rito, si Xiaoming ay pinuri ng ama niya bilang isang maliit na batang sadyang madaling turuan. Mula noon, naging mas sibilisado at magalang pa si Xiaoming. Saan man siya pumunta, may mabuti siyang asal at namumukod-tangi siya. Hindi ba’t “mabuting bata” siya? Siya ay isang “mabuting bata” na nakapaloob sa mga panipi. At diyan nagtatapos ang kwento.

Ano ang tingin ninyo sa kwentong ito? Hindi ba’t nakakaaliw? Paano nabuo ang kwentong ito? Galing ito sa pananalita, mga pagkilos, pag-asal, pag-iisip, at pananaw ng mga tao sa totoong buhay—pinaikli ang mga ito sa maliit na kwentong ito. Ano ang isyung tinatalakay ng kwentong ito? Anong mga problema ang nakikita ninyo kay Daming sa kwento? Paano naman si Xiaoming? Ano ang diwa ng mga problema ni Daming? Una sa lahat, pag-isipan ninyo: May anumang parte ba sa ibinuod at isinagawa ni Daming na naaayon sa katotohanan? (Wala.) Kung gayon, ano ang isinasagawa niya? (Mga kuru-kuro at imahinasyon.) Saan nanggaling ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito? (Sa tradisyonal na kultura.) Ang ugat ay tradisyonal na kultura; ang mga kuru-kuro at imahinasyon niya ay mga produkto ng pagpapasama, pagkokondisyon, at pagtuturo ng tradisyonal na kultura. Kinuha niya kung ano ang pinaniniwalaan niyang pinakamagaling, pinakapositibo, at pinakatipikal na mga elemento ng tradisyonal na kultura, binago ang tawag sa mga ito, at ginawa ang mga ito na katotohanan na dapat isagawa ng kanyang anak. Maituturing ba ang kwentong ito na napakalinaw at madaling maunawaan? (Oo.) Ibahagi ninyo ang naunawaan ninyo at ang naarok ninyo sa pakikinig sa kwentong ito. (Pagkatapos makinig, naramdaman ko na ang problema ni Daming ay na kahit na nananalig siya sa Diyos, hindi siya kailanman nagsikap na unawain ang mga salita ng Diyos. Nanalig siya sa Diyos batay sa mga tradisyonal na kuru-kuro ng mga tao, iniisip na kung kakapitan niya ang mabababaw na pamantayang iyon, malulugod ang Diyos. Hindi niya hinanap o pinagnilayan mula sa mga salita ng Diyos kung ano ba talaga ang hinihingi ng Diyos sa mga tao at kung paano ba dapat isabuhay ang normal na pagkatao.) Ano ang ipinapamuhay ni Daming? (Mga kuru-kuro at imahinasyon.) Isang walang lamang parirala ang pamumuhay ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon; sa katunayan, namumuhay siya ayon sa tradisyonal na kultura, at itinuring niyang katotohanan ang tradisyonal na kultura. Namumuhay siya ayon sa tradisyonal na kultura—anong mga detalye ang nakapaloob dito? Bakit niya gustong tawagin ni Xiaoming ang mga tao gamit ang mga partikular na katawagan? (Sa panlabas, sinabi niyang ito ay para magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawang ito, pero ang totoo, gusto niyang matugunan ang sarili niyang banidad, ang mapuri siya sa pagkakaroon ng abilidad na turuan nang mabuti ang kanyang anak.) Oo, iyan ang layunin niya. Ang pagtuturo niya ay hindi para ipaunawa sa anak niya ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan; ito ay para ipagawa sa anak niya ang mga bagay na magdadagdag ng luwalhati sa kanya, para tugunan ang personal niyang banidad. Ito rin ay isang problema. May problema ba sa palaging pagtuon sa pagpapalamuti at pag-aayos ng sarili sa pamamagitan ng pag-uugali? (Mayroon.) Nagpapahiwatig ito ng problema sa landas kung saan siya naroon, at ito ang pinakaseryosong problema. Ano ang layunin ng palaging pagtuon sa pagpresenta ng ugali ng isang tao? Ito ay ang makamit ang paghanga ng mga tao, ang magawa ang mga tao na bolahin at purihin siya. Ano ang kalikasan nito? Iyon ay pagpapaimbabaw, iyon ay ang pamamaraan ng mga Pariseo. Ang mga nakatuon sa panlabas na mabubuting pag-uugali, ang mga nakatuon sa pagpepresenta ng ugali nila, ang mga nagsusumikap nang maigi sa kanilang pag-uugali—nauunawaan ba nila ang katotohanan? (Hindi.) Nagbabasa sila ng napakaraming salita ng Diyos at nagsusumikap sila, kaya bakit hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Hindi nila nauunawaan na ang pamamahala ng Diyos at ang pagliligtas Niya sa sangkatauhan ay naglalayong ipaunawa ang katotohanan sa mga tao, gawing perpekto ang mga tao, at padaanin sila sa pagbabago sa disposisyon—hindi nila ito nauunawaan. Iniisip nila, “Paano ko man basahin ang mga salita ng Diyos, ibubuod ko ang ilang pananalita, pagkilos, at pag-uugali na mas madaling sang-ayunan ng mga tao, na kinatutuwaan nila, at binibigyan nila ng kanilang pagsang-ayon, at pagkatapos ay isasabuhay ko ang mga bagay na ito at panghahawakan ko ang mga ito sa totoong buhay. Ito ang gagawin ng tunay na mananampalataya.”

Mayroon ba kayong mga isyu na kapareho ng kay Daming? Maliban sa napakalilinaw na aspektong kakatalakay pa lang natin, gaya ng pagsunod sa mga pamantayan ng lipunan, pagbibigay ng atensyon sa senyoridad, pagbibigay-galang sa matatanda at pangangalaga sa mga bata, at pagpapanatili ng tamang pagkakasunud-sunod sa mga matanda at bata, mayroon pa bang natutulad na mga pag-uugali, kaisipan, pananaw, o pagkaunawa? Alam ba ninyong suriin at himayin ang mga isyung ito? Halimbawa, sa iglesia, kapag ang isang tao ay mas matanda o maraming taon nang nananalig sa Diyos, palagi mo silang ayaw mapahiya. Hinahayaan mo silang matapos magsalita, hindi ka sumasabat sa kanila kahit na walang saysay ang sinasabi nila, at kahit may ginagawa silang mali at kailangan silang pungusan, sinusubukan mo pa ring hindi sila ipahiya at umiiwas kang punahin sila sa harap ng iba, iniisip na gaano man kawalang katwiran o katerible ang mga kilos nila, kailangan pa rin silang patawarin at kunsintihin ng lahat ng tao. Palagi mo ring itinuturo sa iba: “Hindi natin dapat ipahiya ang matatanda at hindi natin dapat masira ang kanilang dignidad. Nakababata tayo sa kanila.” Saan galing ang terminong “nakababata”? (Sa tradisyonal na kultura.) Galing ito sa kaisipan ng tradisyonal na kultura. Dagdag pa rito, isang partikular na kalagayan ang nabuo sa iglesia na kapag ang mga tao ay may mga nakakasalamuhang nakakatandang kapatid, malugod nilang tinatawag ang mga ito na “Kuya,” “Ate,” “Tita,” o “Diko,” na tila ba ang lahat ay parte ng isang malaking pamilya; ang mga nakakatandang taong ito ay binibigyan ng karagdagang respeto, na hindi napapansing nag-iiwan ng mabuting impresyon sa isipan ng ibang tao tungkol sa mga nakababata. Ang mga elementong ito ng tradisyonal na kultura ay malalim nang nag-ugat sa mga kaisipan at buto ng mga Tsino, hanggang sa puntong patuloy na pinapalaganap at hinuhubog ng mga ito ang kalagayan sa buhay iglesia. Dahil ang mga tao ay palaging nililimitahan at kinokontrol ng mga konseptong ito, hindi lang nila personal na sinusuportahan ang mga ito, nagtatrabaho nang maigi para kumilos at magsagawa sa direksyong ito, sinasang-ayunan pa nila na gawin ito ng iba, tinuturuan ang mga ito na sumunod. Ang tradisyonal na kultura ay hindi ang katotohanan; ito ay tiyak. Pero sapat na ba na malaman lang ng mga tao na hindi ito ang katotohanan? Ang hindi nito pagiging katotohanan ay isang aspekto; bakit natin ito dapat himayin? Ano ang ugat nito? Saan naroroon ang diwa ng problema? Paano mabibitawan ng isang tao ang mga bagay na ito? Ang paghimay sa tradisyonal na kultura ay para bigyan ka ng bagong-bagong pagkaunawa sa mga teorya, kaisipan, at pananaw ng aspektong ito sa kaibuturan ng puso mo. Paano makakamit ang bagong-bagong pagkaunawang ito? Una, dapat mong malaman na nagmula kay Satanas ang tradisyonal na kultura. At paano itinatanim ni Satanas sa mga tao ang mga elementong ito ng tradisyonal na kultura? Sa bawat kapanahunan, gumagamit si Satanas ng ilang kilalang personalidad at dakilang tao para ipalaganap ang mga kaisipang ito, ang mga tinatawag na kasabihan at teoryang ito. Pagkatapos, dahan-dahang ginagawang sistematiko at kongkreto ang mga ideyang ito, palapit nang palapit sa buhay ng mga tao, at kalaunan ay nagiging laganap na ang mga ito sa mga tao; unti-unti, ang mga satanikong kaisipan, kasabihan, at teoryang ito ay naitatanim sa isipan ng mga tao. Pagkatapos silang maindoktrinahan, itinuturing ng mga tao ang mga kaisipan at teoryang ito na galing kay Satanas bilang ang pinakapositibong mga bagay na dapat nilang isagawa at kapitan. Pagkatapos, ginagamit ni Satanas ang mga bagay na ito para ikulong at kontrolin ang isipan ng mga tao. Hene-henerasyon na ang naturuan, nakondisyon, at nakontrol sa ilalim ng mga ganitong pangyayari, hanggang sa kasalukuyan. Lahat ng henerasyong ito ay naniwalang tama at mabuti ang tradisyonal na kultura. Walang naghihimay sa mga pinanggalingan o pinagmulan ng mga tinatawag na mabuti at tamang bagay na ito—ito ang nagpapalubha sa problema. Kahit ang mga mananampalatayang maraming taon nang nagbabasa ng mga salita ng Diyos ay naniniwala pa rin na tama at positibo ang mga bagay na ito, hanggang sa puntong naniniwala sila na mapapalitan ng mga ito ang katotohanan, na mapapalitan ng mga ito ang mga salita ng Diyos. Higit pa rito, may ilang nag-iisip na, “Gaano karami man sa mga salita ng Diyos ang binabasa natin, sa pamumuhay kasama ng mga tao, ang mga tinatawag na tradisyonal na ideya at tradisyonal na elemento ng kultura—gaya ng Tatlong Pagsunod at Apat na Birtud, gayundin ang mga konsepto gaya ng kabutihang loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan—ay hindi pwedeng tanggalin. Ito ay dahil ang mga ito ay ipinamana sa atin ng mga ninuno natin, na marurunong. Hindi natin pwedeng kalabanin ang mga itinuro ng mga ninuno natin dahil lang nananalig tayo sa Diyos, at hindi natin pwedeng baguhin o iwanan ang mga itinuro ng mga ninuno natin at ng mga sinaunang marurunong.” Ang ganitong mga kaisipan at kamalayan ay umiiral sa puso ng lahat ng tao. Hindi nila namamalayan na nakokontrol at nagagapos pa rin sila ng mga elementong ito ng tradisyonal na kultura. Halimbawa, kapag nakita ng isang bata na dalawampu hanggang tatlumpung taong gulang ka at tinawag ka niyang “tito,” nalulugod at nasisiyahan ka. Kung direkta ka niyang tinatawag sa pangalan mo, hindi komportable ang pakiramdam mo, iniisip mo na hindi magalang ang batang ito at dapat sawayin, at nagbabago ang saloobin mo. Ang totoo, tawagin ka man niyang tito o sa pangalan mo, wala itong anumang epekto sa iyong integridad. Kaya bakit ka hindi masaya kapag hindi ka niya tinatawag na tito? Ito ay dahil pinamumunuan at iniimpluwensiyahan ka ng tradisyonal na kultura; ito ay nauna nang nag-ugat sa isipan mo at naging pangunahing pamantayan mo na sa pagtrato sa mga tao, pangyayari, at bagay, at sa pagsuri at paghusga sa lahat ng bagay. Kapag mali ang iyong pamantayan, pwede bang maging tama ang kalikasan ng iyong mga kilos? Tiyak na hindi pwede. Kung gagamiting sukatan ang katotohanan, paano mo haharapin ang bagay na ito? May pakialam ka ba sa itatawag ng iba sa iyo? (Wala.) Iyan ay, maliban na lang kung pinintasan o pinahiya ka nila—sa ganoong kaso, tiyak na hindi komportable ang mararamdaman mo; ito ay normal na pagpapahayag ng pagkatao. Gayunpaman, kung ang pamantayan mo ng pagsukat ay ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, o ang kulturang galing sa Diyos, tawagin ka man ng mga tao sa pangalan mo o na “tito” o “kuya,” ganap na wala kang magiging reaksyon. Sa bagay na ito, pwede mong sundin ang lokal na mga kaugalian. Halimbawa, sa Tsina, kapag may tumawag sa iyo ng “tito,” nararamdaman mo na sila ay magalang sa iyo. Pero kung pumunta ka sa isang bansa sa Kanluran at may tumawag sa iyo ng “tito,” maaasiwa ka; pipiliin mong tawagin sa iyong pangalan, makikita mong ito ay isang uri ng pagrespeto. Sa Tsina, kapag may isang taong labis na mas bata sa iyo na tinawag ka sa pangalan mo, hindi ka talaga masisiyahan, pakiramdam mo ay binalewala niya ang iyong senyoridad; malaking kahihiyan ang madarama mo, at magagalit ka at kokondenahin mo pa nga ang taong ito. Hindi ba’t ipinapakita nito na may problema sa ganitong paraan ng pag-iisip? Ito ang problemang gusto Kong talakayin.

Ang bawat bansa at bawat etnisidad ay may sariling tradisyonal na kultura. Pupunahin ba natin ang lahat ng tradisyonal na kultura? May isang kulturang hindi dapat punahin. Masasabi ba ninyo kung ano ang kulturang ito? Bibigyan Ko kayo ng halimbawa. Nilikha ng Diyos si Adan; sino ang nagpangalan kay Adan? (Ang Diyos.) Kaya, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at kapag nakikisalamuha sa kanila, paano Niya tinatawag ang mga tao? (Tinatawag Niya sila sa mga pangalan nila.) Tama, sila ay tinatawag Niya sa mga pangalan nila. Binibigyan ka ng Diyos ng isang pangalan, at ang pangalang ito ay may kahulugan sa mga mata ng Diyos; nagsisilbi itong titulo, isang katawagan. Kapag binigyan ka ng Diyos ng titulo, tinatawag ka Niya sa titulong ito. Hindi ba’t ito ay isang uri ng pagrespeto? (Oo.) Ito ang pinakamagandang uri ng pagrespeto, isang pagrespetong pinakamalapit na umaayon sa katotohanan at pinakapositibo. Ito ang pamantayan ng paggalang sa mga tao, at galing ito sa Diyos. Hindi ba’t ito ay isang uri ng kultura? (Oo.) Dapat ba nating itaguyod ang kulturang ito? (Oo.) Ito ay galing sa Diyos; direktang tinatawag ng Diyos ang isang tao sa pangalan nito. Binibigyan ka ng Diyos ng pangalan, binibigyan ka ng titulo, at pagkatapos ay ginagamit Niya ang titulong ito para kumatawan sa iyo at itawag sa iyo. Ganito tratuhin ng Diyos ang mga tao. Noong nilikha ng Diyos ang pangalawang tao, paano ito tinrato ng Diyos? Hinayaan ng Diyos si Adan na pangalanan ito. Pinangalanan ito ni Adan na Eba. Tinawag ba ito ng Diyos sa pangalang ito? Oo. Kaya, ito ay kulturang nanggagaling sa Diyos. Binibigyan ng Diyos ang bawat nilikha ng isang titulo, at kapag tinawag Niya ang titulong ito, alam ng mga tao at ng Diyos kung sino ang tinutukoy. Respeto ang tawag dito, pagkakapantay-pantay ang tawag dito, ito ang pamantayang ipinangsusukat kung magalang ba ang isang tao, kung may diwa ba ng mabuting pag-asal sa kanyang pagkatao. Tumpak ba ito? (Oo.) Ito ay talagang tumpak. Sa Bibliya, tinatala man nito ang isang partikular na pangyayari o ang talaangkanan ng isang pamilya, lahat ng karakter ay may mga pangalan, may mga titulo. Gayunpaman, may isang bagay na hindi Ako sigurado kung napansin ninyo: Hindi gumagamit ang Bibliya ng mga katawagang gaya ng lolo, lola, tito, tita, nakakatandang tito, nakakatandang tita, at iba pa; gumagamit lang ito ng mga pangalan ng tao. Ano ang makukuha ninyo mula rito? Kung ano ang itinakda ng Diyos para sa mga tao, mga regulasyon man ito o batas, ay, sa termino ng mga tao, isang uri ng tradisyon na ipinasa sa mga tao. At ano ang tradisyong ito na ipinasa mula sa Diyos? Ito ay isang bagay na dapat sundin ng mga tao: Hindi na kailangan ang mga herarkikal na titulo. Sa mga mata ng Diyos, walang ganitong komplikadong titulo sa pamilya gaya ng lolo, lola, nakatatandang tito, nakababatang tito, nakatatandang tita, nakababatang tita, at iba pa. Bakit ba masyadong nababahala ang mga tao sa mga herarkikal na titulo at katawagang ito? Ano ang ibig sabihin nito? Ang mga bagay na ito ang pinakakinasusuklaman ng Diyos. Ang mga kauri ni Satanas ang palaging nababahala tungkol sa mga ito. Pagdating sa tradisyonal na kulturang ito, mayroong napakatotoong katunayan sa Diyos: nilikha ng Diyos ang buong sangkatauhan, at malinaw Niyang nalalaman kung ilang pamilya at inapo ang pwedeng magkaroon ang isang tao; hindi na kailangan ang anumang herarkiya. Sinasabi lang ng Diyos na maging mabunga at magparami, na gawing maunlad ang iyong pamilya—iyan lang ang kailangan mong tandaan. Ilang inapo ang mayroon ang bawat henerasyon, at ilang inapo ang mayroon ang mga inapong iyon—iyon na iyon, hindi na kailangan ang herarkiya. Hindi kailangang malaman ng mga sumunod na henerasyon kung sino ang mga ninuno nila, ni magtayo ng mga bulwagan o templo para sa mga ninuno, lalong hindi nila kailangang mag-alay ng mga handog o sumamba sa mga ito. Nakatala sa Bibliya na ang lahat ng nananalig sa Diyos at sumusunod sa Kanya, ang mga nananalig kay Jehova, ay nag-aalay ng mga handog sa harap ng altar. Ang lahat ng tao sa isang pamilya ay lumalapit sa Diyos at nag-aalay ng mga handog. Ito ay iba sa mga Tsino, kung saan ang bawat pamilya ay may bulwagan ng mga ninuno na puno ng mga plake ng pag-alala sa mga lolo sa talampakan, mga lolo sa tuhod, mga lola sa tuhod. Sa lugar kung saan unang sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi umiiral ang mga bagay na ito, habang sa mga lugar na malayo sa gawain ng Diyos, kontrolado ito ni Satanas at ng masasamang espiritu. Sa mga Budistang bansang ito, lumalago ang mga satanikong gawaing ito. Doon, kailangan ng mga tao na sumamba sa mga ninuno nila, at kailangang iulat sa pamilya ang lahat ng bagay, kailangang iparating sa mga ninuno ng pamilya ang lahat ng bagay; kahit pa wala na ang mga abo ng mga ninuno, ang mga sumunod na henerasyon ay dapat pa ring mag-alay ng insenso at yumuko. Sa modernong panahon, ang ilang taong nalantad sa mas Kanluranin at mas bagong mga ideya at nakawala na sa mga tradisyonal na pagkakatali sa pamilya ay ayaw nang manatili sa mga ganitong pamilya. Pakiramdam nila ay mahigpit at istrikto silang kinokontrol ng mga ganitong pamilya, na nakikialam sa halos lahat ng bagay ang mga nakakatanda sa pamilya, lalo na pagdating sa pag-aasawa. Sa Tsina, hindi na kakaiba ang mga ganitong bagay. Pinagtutuon ni Satanas ang mga tao sa senyoridad, at mukhang madaling matanggap ng mga tao ang konseptong ito, sa paniniwalang: “Ang bawat henerasyon ay may ranggo; ang mga nasa itaas ay ang mga ninuno natin. Sa sandaling mabanggit ang salitang ‘ninuno,’ dapat lumuhod ang mga tao at sambahin ang mga ito na para bang mga diyos.” Mula pagkabata, ang isang tao ay iniimpluwensiyahan, kinokondisyon, at pinalalaki ng pamilya niya sa ganitong paraan; itinatanim sa kanyang murang isipan ang isang bagay: na hindi pwedeng mabuhay ang isang tao sa mundong ito nang walang pamilya, at ang pag-iwan sa pamilya o paglaya mula sa pagkakatali sa pamilya ay isang pagkakasalang kasuklam-suklam sa moralidad. Ano ang ipinahihiwatig noon, isang pagkakasalang kasuklam-suklam sa moralidad? Ipinahihiwatig noon na kung hindi ka nakikinig sa pamilya mo, hindi ka isang mabuting anak, at ang ibig sabihin ng hindi pagiging mabuting anak ay hindi ka tao. Samakatuwid, karamihan sa mga tao ay hindi nangangahas na makawala sa pagkakataling ito sa pamilya. Ang mga Tsino ay lubhang kinokondisyon, iniimpluwensiyahan, at kinokontrol ng herarkiya, gayundin ng mga konseptong gaya ng Tatlong Pagsunod at Apat na Birtud, at Tatlong Pangunahing Ugnayan at Limang Palagiang Birtud. Ang mga kabataang hindi tamang tinatawag ang mga nakakatanda sa kanila bilang tito, tita, lolo, o lola, ay madalas na inaakusahang walang galang at walang pinag-aralan. Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito, itinuturing kang mas mababa sa etnikong grupong ito, sa lipunang ito, dahil hindi ka sumusunod sa pamantayan ng lipunan, wala kang pinag-aralan, at wala kang kwenta. May ilang taong maganda ang suot, magaling sa pagkukunwari, at nagsasalita nang may mabuting asal at magandang kilos; sila ay magaling magsalita, habang hindi mo man lang alam na tawagin ang isang tao na tito o tita. Sasabihin ng mga tao na wala kang pinag-aralan, at mababa ang tingin nila sa iyo saan ka man magpunta. Ito ang uri ng ideolohiya na itinanim sa mga Tsino. Ang ilang batang hindi alam kung paano tumawag ng mga tao ay marahas na sisigawan o papaluin pa nga ng mga magulang nila. Habang pinapalo sila, sasabihin ng ilang magulang, “Wala kang galang, wala kang kwenta, at wala kang pinag-aralan; mas mabuti pang paluin kita hanggang mamatay ka na! Wala ka nang ginawa kundi ipahiya ako, pinapahiya mo ako sa harap ng mga tao!” Dahil lang hindi alam ng bata kung paano tawagin ang ibang tao, palalakihin na ng mga magulang ang isyu para hindi sila mapahiya, matinding papaluin ang bata. Anong uri ng pag-uugali ito? Tahasang kalokohan ito! Mapagtatanto ba ninyo ang mga bagay na ito kung hindi Ako nagbahagi nang ganito? Sa mga pangyayaring nasusubaybayan ninyo sa tunay na buhay, o sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, o sa sarili ninyong mga karanasan, dahan-dahan at unti-unting mo bang makikita ang mga bagay na ito, at pagkatapos ay mababago ang direksyon ng buhay mo, mababago ang direksyon ng landas na tinatahak mo? Kung hindi, kulang ang inyong kabatiran. Sa lahat ng bagay, ang paggamit sa mga salita ng Diyos, sa gawain ng Diyos at sa mga hinihingi ng Diyos bilang pamantayan ang pinakatamang pamamaraan, ito ay wala ni isang kamalian—ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Ang anumang bagay na galing kay Satanas, gaano man ito umaayon sa mga kuru-kuro at panlasa ng tao, gaano man kadisente itong tingnan, ay hindi ang katotohanan kundi isang huwad.

Ang layunin ng pagsasalaysay ng kwentong ito ay para tulungan kayong makaintindi, para ipaunawa sa inyo kung ano ba ang katotohanan, kung ano ba ang makakamit ng mga tao sa pananalig sa Diyos, kung ano ba ang ibig sabihin ng maipabago ng Diyos sa mga tao ang kanilang mga disposisyon at maipakamit sa kanila ang katotohanan, at kung may anumang kaugnayan ba ang katotohanang sinabi ng Diyos at ang mga hinihingi Niya sa kung ano ang pwedeng maisip ng isang tao, o sa mga kaisipan, perspektiba, at iba’t ibang pagkaunawa na produkto ng edukasyon at pagkokondisyon mula sa pambansa at panlipunang kapaligiran ng isang tao. Dapat din ninyo mismong himayin ang lahat ng bagay na ito. Ngayon, isang aspekto lang ang nasaklaw ng halimbawa natin. Sa katunayan, sa puso ng bawat tao, hindi nawawalan ng mga bagay mula sa tradisyonal na kultura. May ilang nagsasabi: “Dahil dapat naman nating iwaksi ang herarkiya, ibig bang sabihin niyan ay pwede kong tawagin ang mga magulang ko sa pangalan nila?” Ayos lang ba ito? Kung tatawagin mo ang mga magulang mo na ina at ama, ibig bang sabihin niyan na sinusunod mo pa rin ang herarkiya at bumalik ka na sa tradisyonal na kultura? Hindi. Dapat pa ring tawagin ang mga magulang kung ano ang nararapat; ang pagtawag sa kanila ng nanay at tatay ay kung paano sila pinapatawag ng Diyos sa mga tao. Ganito sila dapat tawagin; kagaya lang ng kung paano ka tinatawag ng mga magulang mo na “anak,” “iho,” o “iha.” Kaya ano ba ang dapat ninyong pangunahing maunawaan sa Aking pagkukwento nito? Anong isyu ang pangunahin nitong tinatalakay? (Dapat magbago ang pamantayan natin ng paghuhusga sa mga bagay-bagay; dapat lahat ng bagay ay husgahan ayon sa mga salita at hinihingi ng Diyos.) Tama iyan. Huwag kayong pikit-matang gumawa ng mga bagay-bagay nang kayo lang. Palaging gusto ng mga tao na gumawa ng sarili nilang “katotohanan.” Tuwing gusto nilang gumawa ng isang bagay, nakakaisip sila ng mga argumento at teorya, at pagkatapos ng mga pamamaraan, at ipinapatupad nila ito tama man ito o mali. Ilang taon nila itong isinasagawa, mahigpit itong sinusunod magkaroon man ito o hindi ng resulta, pero nadarama pa rin nila na sila ay mabuti ang kalooban, matuwid, at mabait. Iniisip nila na ang mga bagay na isinasabuhay nila ay mabuti, at ito ay nagdadala sa kanila ng papuri at paghanga, at mas tumitindi ang pag-iisip nila na magaling sila. Hindi kailanman pinag-iisipan, sinusubukang arukin, o hinahanap ng mga tao kung ano ba ang mga hinihingi ng Diyos para sa bawat bagay, kung ano ba ang mga prinsipyo ng pagkilos para sa paggawa ng bawat bagay, at kung nagpakita ba sila ng katapatan sa atas ng Diyos habang gumaganap sila ng kanilang tungkulin. Hindi nila pinag-iisipan ang mga bagay na ito; pinag-iisipan lang nila ang mga baluktot at buktot na bagay—hindi ba’t ito ay pakikibahagi sa kabuktutan? (Oo.) Sinuman ang mahinahon sa panlabas, maayos ang pag-uugali, edukado at sumusunod sa mga pamantayan ng lipunan, panay ang salita tungkol sa kabutihang loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, at nagsasalita nang napakaelegante, at nagsasabi ng mga bagay na magandang-pakinggan—pagmasdan ninyo kung isinasagawa ng ganitong tao ang katotohanan. Kung hindi niya kailanman isinasagawa ang katotohanan, siya ay walang iba kundi isang mapagpaimbabaw na nagkukunwaring mabuti; siya ay tulad lang ni Daming, at wala ni katiting na pagkakaiba. Anong uri ng mga tao ang nakatuon lang sa pagkakaroon ng mabuting pag-uugali at ang ginagamit ito para linlangin ang iba na purihin at hangaan sila? (Mga mapagpaimbabaw.) Nakakaunawa ba ng mga espirituwal na usapin ang mga taong ito? (Hindi.) Kaya ba ng mga taong hindi nakakaunawa ng mga espirituwal na usapin na isagawa ang katotohanan? (Hindi.) Bakit hindi nila kaya? (Hindi nila nauunawaan kung ano ang katotohanan, kaya itinuturing na lang nilang katotohanan ang ilang tila ba mabubuting pag-uugali at ang mga bagay na itinuturing ng mga tao na mabuti, at isinasagawa nila ang mga iyon.) Hindi iyan ang pangunahing punto. Gaano man nila hindi nauunawaan ang katotohanan, hindi ba’t alam pa rin nila ang ilang hayagang prinsipyo ng paggawa ng mga bagay-bagay? Kapag sinabi mo sa kanila kung paano dapat gampanan ang tungkulin nila, hindi ba nila nauunawaan? May isang katangian ang mga ganitong tao: Wala silang intensyon na isagawa ang katotohanan. Anuman ang sabihin mo, hindi sila makikinig sa iyo; gagawin at sasabihin lang nila kung ano ang gusto nila. Kamakailan, palagi nating pinag-uusapan ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo. Tingnan mo ang mga taong nakapaligid sa iyo: Tingnan mo kung sino ang medyo nagbago, at kung kaninong ugali at mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay ang hindi man lang nagbago, kung kaninong puso ang hindi natitinag gaano ka man magbahagi sa kanila, at kung sino ang hindi pa rin nagbabago, o ayaw magbago, at nagpapatuloy gawin ang mga bagay-bagay sa paraang gusto nila, kahit pa kaya nilang iugnay sa sarili nila ang nilalaman ng pagbabahagi mo. May mga nakasalamuha na ba kayong ganitong tao? Mayroon na, hindi ba? Bakit tinatanggal ang ilang lider at manggagawa sa mga tungkulin nila? Ito ay dahil hindi nila isinasagawa ang katotohanan, at hindi sila gumagawa ng tunay na gawain. Nauunawaan nila ang lahat ng uri ng doktrina, at nagpapatuloy sila sa mga sarili nilang pamamaraan. Gaano ka man magbahagi ng mga katotohanang prinsipyo, mayroon pa rin silang sarili nilang mga panuntunan, kumakapit sila sa mga sarili nilang pananaw at hindi nakikinig kaninuman. Ginagawa lang nila kung ano ang gusto nila—kapag nagsabi ka ng isang bagay, iba ang gagawin nila. Dapat tanggalin ang mga ganitong lider at manggagawa, tama? (Tama.) Talagang dapat. Nasa anong landas ang mga ganitong tao? (Sa landas ng isang anticristo.) Sa pagtahak nila sa landas ng isang anticristo, kung bibigyan ng sapat na panahon, sila mismo ay magiging anticristo. Ang isyu na lang ay kung gaano katagal bago iyon mangyayari. Kung, gaano mo man ibinabahagi sa kanila ang katotohanan, hindi pa rin nila ito tinatanggap at hindi man lang sila nagbabago, talagang problema ito, at sila ay naging anticristo na.

Ano ang pinakamalaking inspirasyon na nakamit ninyo mula sa kwentong ibinahagi ngayon? Iyon ay dapat na madali para sa mga tao na malihis. Bakit madali para sa mga taong malihis? Una, may mga tiwaling disposisyon ang mga tao; pangalawa, anuman ang edad nila, hindi na blangko ang mga tao sa mga kaisipan nila at sa kaibuturan ng mga puso nila. Kaya anong payo ang ibinibigay sa inyo ng kwentong ito? Madaling malihis ang mga tao—iyan ang una. Pangalawa, may tendensiya ang mga taong kumapit sa pinaniniwalaan nilang mabuti at tama na tila ba ito ang katotohanan, itinuturing nila ang kaalamang biblikal at ang mga doktrinang espirituwal bilang mga salita ng Diyos na dapat isagawa. Pagkatapos maunawaan ang dalawang isyung ito, ano ang bagong pagkaunawa, mga ideya, o mga plano na dapat taglay ninyo para sa landas na dapat ninyong tahakin sa hinaharap at para sa bawat gawaing kailangan ninyong gampanan sa hinaharap? (Kapag gumagawa ng mga bagay-bagay sa hinaharap, hindi lang tayo dapat kumilos ayon sa pinaniniwalaan nating tama. Una, dapat isaalang-alang natin kung umaayon ba ang mga kaisipan natin sa ninanais ng Diyos, at kung tumutugma ba ang mga ito sa mga hinihingi ng Diyos. Dapat tayong humanap ng mga prinsipyo ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, at saka magpatuloy. Sa ganitong paraan lamang natin masisiguro na isinasagawa natin ang katotohanan at tama ang landas na tinatahak natin sa ating pananalig sa Diyos.) Dapat kayong magsikap pagdating sa mga salita ng Diyos. Tigilan ninyo ang sarili ninyong pagpapalagay. Hindi mo nauunawaan ang mga espirituwal na bagay; mababa ang kakayahan mo; at gaano man katayog ang mga ideyang naiisip mo, hindi katotohanan ang mga iyon. Kahit pa may kumpiyansa ka na walang kapintasan at tama ang ginawa mo, dapat mo pa ring ipaalam ito sa mga kapatid para mapagbahaginan at makumpirma, o para maikumpara sa mga nauugnay na salita ng Diyos. Makakamit mo ba ang isang daang porsyentong kawalang kapintasan sa paraang ito? Hindi lagi; pwede ka pa ring malihis sa pagsasagawa mo, maliban na lang kung naarok mo nang buong-buo ang mga katotohanang prinsipyo at ang pinagmumulan ng sinabi ng Diyos. Isang aspekto iyon. Ano ang pangalawa? Kung lumilihis ang mga tao sa mga salita ng Diyos, gaano man kamakatwiran o kakaaya-aya tingnan ang mga kilos nila, hindi mapapalitan ng mga ito ang katotohanan. Ang anumang hindi makakapalit sa katotohanan ay hindi ang katotohanan, ni positibong bagay. Kung hindi ito positibong bagay, ano ito? Tiyak na ito ay hindi isang bagay na nakakalugod sa Diyos, ni umaayon sa katotohanan; ito ay isang bagay na kinokondena ng Diyos. Ano ang mga kahihinatnan kapag gumawa ka ng isang bagay na kinokondena ng Diyos? Magagawa mong kasuklaman ka ng Diyos. Ang lahat ng bagay na hindi nanggagaling sa Diyos ay negatibong bagay, galing ang mga ito kay Satanas. Pwedeng hindi ito maunawaan ng ilang tao; hayaan mong unti-unti itong dumating habang nagkakamit ka ng karanasan.

Ngayon, taimtim nating pinupuna ang isang bagay; ano ang pinupuna natin? Ang usapin ng pagtawag sa isang matandang inahing baboy na Tita Baboy, tama? Kahiya-hiya bang tawagin ang baboy na “Tita Baboy”? (Oo.) Nakakahiyang bagay ito. Palaging gusto ng mga tao na magkaroon ng marangal na titulo. Saan nanggagaling ang “karangalang” ito? Ano ang tinutukoy ng “karangalan”? Tungkol ba ito sa senyoridad? (Oo.) Ang palaging kagustuhang ituring na nakatatanda, ang palaging pagtuon sa senyoridad—mabuti ba ito? (Hindi.) Bakit hindi mabuti ang pagtuon sa senyoridad? Dapat mong suriin kung ano ang kabuluhan ng pagtuon sa senyoridad. Napakasimple lang na sabihin ito nang ganito: “Hindi hinahayaan ng Diyos ang mga tao na tumuon sa senyoridad, kaya bakit walang saysay mong tinatalakay ito? Walang saysay ang sinasabi mo habang nagkukunwari kang sibilisado. Hindi mo kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos habang gumaganap ka sa tungkulin, palagi mong ipinagkakanulo ang mga iyon alang-alang sa sarili mo. Kapag ang isang bagay ay may kinalaman sa sarili mong mga interes, hindi ka mag-aatubiling ipagkanulo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sino ang sinusubukan mong lokohin sa pagkilos mo gaya ng isang mabuting tao? Karapat-dapat ka bang ituring na mabuti?” Katanggap-tanggap bang sabihin ito gaya nito? (Oo.) Ano ang dapat sabihin para gawin itong mas marahas? “Ano ba ang pinagsasabi mo? Ikaw ay isa lang estupidong baboy, isang hangal, na walang anumang pagkaunawa sa katotohanan. Ano ba ang ipinagpapanggap mo? Pinag-aral ka, pinalaki nang tama, at nananalig ka sa Diyos. Napakarami mo nang nabasang mga salita ng Diyos pero iniisip mo pa ring napakahusay mong manalig sa Diyos. Pero sa huli, hindi mo man lang alam kung ano ang ibig sabihin ng pagsasagawa sa katotohanan. Hindi ba’t isa ka lang estupidong baboy, isang ganap na hangal?” Diyan nagtatapos ang kwentong ito. Ngayon balikan natin ang pangunahing paksa ng pagbabahagi.

Isang Paghihimay ng Tuso, Wala sa Katwiran at Diktador na Pag-uugali ng mga Anticristo at Kung Paano Nila Pinipilit ang mga Tao na Sundin Sila

I. Isang Paghihimay ng Tusong Pag-uugali ng mga Anticristo

Noong huli, nagbahaginan tayo tungkol sa ikalimang aytem ng pagpapamalas ng mga anticristo—nililihis, inaakit, tinatakot, at kinokontrol nila ang mga tao. Ngayon, magbabahaginan tayo tungkol sa ikaanim na aytem—sila ay kumikilos sa tusong paraan, sila ay wala sa katwiran at mga diktador, hindi sila kailanman nakikipagbahaginan sa iba, at pinipilit nila ang iba na sundin sila. May pagkakaiba ba sa aytem na ito at sa ikalimang aytem? Pagdating sa disposisyon, walang malaking pagkakaiba; lahat ng pagkilos ng dalawa ay tungkol sa pagsamsam ng kapangyarihan at pagkilos nang walang katwiran at maladiktador. Ang mga disposisyon ay parehong buktot, mapagmataas, mapagmatigas, at malupit; pareho ang mga disposisyon. Gayunpaman, itinatampok ng ikaanim na aytem ang isa pang prominenteng pagpapamalas ng mga anticristo, na ang mga kilos nila ay tuso—tinutukoy nito ang kalikasan ng mga pagkilos ng mga anticristo. Ngayon, una nating talakayin ang salitang “tuso.” Sa panlabas, ang “tuso” ay isa bang mapanghamak o nagpupuring salita? Kung may taong gumagawa ng isang tusong bagay, mabuting bagay ba iyon o masama? (Masama.) Kung may isang taong sinasabing kumikilos nang patuso, mabuti ba o masama ang taong ito? Malinaw na ang mga impresyon at damdamin ng mga tao ay na ang isang taong kumikilos nang patuso ay isang walang kwentang tao. Kung makakatagpo ng isang tusong bagay ang isang tao, ito ba ay nakapagpapaligaya o nakakakilabot? (Nakakakilabot ito.) Ito ay sadyang hindi mabuting bagay. Sa madaling salita, sa panlabas, ang “tuso” ay isang mapanghamak na salita, ito man ay naglalarawan ng mismong kilos o ng paraan ng pagkilos ng isang tao, wala sa mga ito ang positibo; tiyak na negatibo ito. Ngayon, ipaliwanag muna natin kung ano ba ang mga pagpapamalas ng pagiging tuso. Bakit ito tinatawag na tuso at hindi mapanlinlang? Ano ang espesyal na implikasyon ng salitang “tuso” rito? Mas malalim ang pagiging tuso sa pagiging mapanlinlang. Hindi ba’t mas matagal at mas mahirap para sa mga tao na mahalata ang isang taong patusong kumikilos? (Oo.) Malinaw ito. Kaya, gamitin ninyo ang mga salitang naaarok ninyong lahat para ipaliwanag ang terminong “tuso.” Dito, ang ibig sabihin ng “tuso” ay masama at mapanlinlang, at tinutukoy nito ang di-normal na pag-uugali. Ang pagiging di-normal na ito ay tumutukoy sa pagiging tagong-tago at hindi maintindihan ng normal na tao, na hindi nakikita kung ano ang iniisip o ginagawa ng mga ganitong tao. Sa madaling salita, ang mga pamamaraan, motibo, at panimulang punto ng mga pagkilos ng ganitong tipo ng tao ay partikular na mahirap maarok, at minsan mapagpanggap at palihim din ang pag-uugali nila. Sa madaling salita, may isang termino na makakapaglarawan ng aktwal na pagpapamalas at kalagayan ng pagiging tuso ng isang tao, iyon ay ang “kawalan ng kalinawan,” dahil dito, ang mga ito ay nagiging mahirap maarok at hindi maunawaan ng iba. Ang mga pagkilos ng mga anticristo ay may ganitong kalikasan—ibig sabihin, kapag napagtanto mo at nadama mo na hindi direkta ang mga layunin nila sa paggawa ng isang bagay, lubhang nakakatakot ito para sa iyo, pero sa maikling panahon o sa kung anong dahilan, hindi mo pa rin mahalata ang mga motibo at layunin nila, at walang kamalayan mo lang na nadarama na tuso ang mga kilos nila. Bakit ka nagkakaroon ng ganitong uri ng pakiramdam sa kanila? Sa isang banda, ito ay dahil walang sinumang kayang makadama ng sinasabi o ginagawa nila. Isa pa ay palagi silang paliguy-ligoy magsalita, inililihis ka nila, sa kalaunan ay hindi ka na sigurado kung alin ba sa mga pahayag nila ang totoo at alin ang di-totoo, at kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga salita nila. Kapag nagsisinungaling sila, iniisip mong ito ang katotohanan; hindi mo alam kung aling pahayag ang totoo o di-totoo, at palagi mong nararamdaman na nilinlang at dinaya ka. Bakit umuusbong ang ganitong pakiramdam? Ito ay dahil ang mga ganitong tao ay hindi kailanman kumikilos nang malinaw; hindi mo malinaw na makikita kung ano ang ginagawa nila o kung ano ang pinagkakaabalahan nila, kaya hindi mo maiiwasang pagdudahan sila. Sa huli, nakikita mo na ang disposisyon nila ay mapanlinlang, masama, at buktot din. Ang salitang “tuso” ay malalim at kakaiba ang tunog sa mga tao, pero bakit ipinapaliwanag ito gamit ang simpleng parirala gaya ng “kawalan ng kalinawan?” May ipinapahiwatig na kahulugan sa pariralang ito. Ano ang ipinapahiwatig na kahulugan? Ito ay na ang mga anticristo ay kadalasang nagpapakita sa iyo ng ng huwad na imahe tuwing may gusto silang gawin, na nagpapahirap sa iyo na mahalata sila. Halimbawa, kung gusto ng isang anticristo na sampalin ka sa kaliwa mong pisngi, itututok nila ang sampal sa kanan mong pisngi. Kapag umiwas ka para protektahan ang kanan mong pisngi, matagumpay nilang masasampal ang kaliwa mong pisngi, at sa gayon ay makakamit nila ang kanilang layunin. Ito ay pagiging tuso, at pagiging puno ng mga pakana—lahat ng taong nakikisalamuha at nakikitungo sa kanila ay kinakalkula nila. Bakit palagi silang nagkakalkula? Maliban sa kagustuhang kumontrol ng mga tao at umokupa ng lugar sa puso ng mga ito, gusto rin nilang pakinabangan ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, matutuklasan mo rin ang isang uri ng buktot na disposisyon sa mga ganitong tao: Partikular silang nasisiyahan sa pananamantala sa ibang tao o paggamit ng sarili nilang mga kalakasan para pagtawanan ang mga kahinaan ng iba, at natutuwa silang paglaruan ang mga tao. Ito ay isang pagpapamalas ng kanilang kabuktutan. Sa makamundong pananalita, ang mga ganitong tao ay itinuturing na matalino. Iniisip ng mga ordinaryong tao, “Ang mga nakakatanda lang ang pwedeng maging matalino. Ang kabataan ay walang karanasan o makamundong karunungan, kaya paano sila magiging matalino?” Tama ba ang pahayag na ito? Hindi, mali ito. Ang buktot na disposisyon ng mga anticristo ay hindi nakadepende sa edad; sila ay ipinapanganak na taglay na ang disposisyong ito. Kaya lang noong mas bata pa sila at mas kaunti pa ang karanasan nila, ang paggamit nila ng mga ganitong pakana ay maaaring mas payak pa at hindi pa ganoon kapino. Habang tumatanda sila, sila ay nagiging di-natitinag, tulad ng matatandang haring diyablo na ang mga pagkilos ay mahigpit na natatago at ganap na hindi maiintindihan ng karamihan ng tao.

Kakabigay Ko lang sa inyo ng di-perpektong paliwanag ng salitang “tuso,” kaya ngayon magbahaginan tayo tungkol sa mga partikular na kalagayan at pagpapamalas ng pagiging tuso. Hindi ba’t karapat-dapat itong pagbahaginan? Kung hindi tayo magbabahaginan tungkol dito, makikilatis kaya ninyo ang mga ito? Mahahalata ba ninyo ang mga ito? (Hindi.) Hindi sa ganap ninyong hindi kayang makilatis o mahalata ang mga ito; paminsan-minsan mararamdaman mo ring talagang tuso ang isang partikular na tao—napakatuso na nauuwi kang sumunod sa kanya kahit pagkatapos ka niyang ipagkanulo—at na kailangan mong mag-ingat sa kanya. Kaya, anong mga bagay ang ginagawa ng mga anticristo, at anong pananalita at mga pagkilos ang ipinapakita nila sa pagtrato nila sa mga kapatid at sa mga tao sa paligid nila na nagpapakita na ginagawa nila ang mga bagay sa isang tusong paraan at nang may buktot na disposisyon? Ito ay karapat-dapat pagbahaginan. Kapag ang salitang “tuso” lamang ang ipinapaliwanag, sa pangkalahatan ay simple lang ito para sa mga tao; malamang ay sapat na ang pagtingin sa diksyonaryo para maunawaan ang kahulugan nito. Pero pagdating sa kung aling mga pagkilos, pag-uugali, at disposisyon ng mga tao ang may kaugnayan sa salitang ito at ang mga kongkretong pagpapamalas at kalagayan ng salitang ito, ito ay mas nagiging nakakapagod at mahirap unawain, hindi ba? Una, isipin mo ang mga tao, o mga partikular na anticristo, na nakilala at nakatagpo ninyo. Anong mga pagkilos nila ang nagpadama sa iyo na ang kalikasan ng pagkilos na ito ay may kaugnayan sa pagiging tuso, o anong mga pang-araw-araw na salita, pagkilos, at pag-uugali nila ang may kaugnayan dito? (Isang beses, nakatagpo ako ng isang anticristo na malinaw na gustong makipagpaligsahan para sa katayuan at maging lider, pero sinabi niya sa mga kapatid, “Kailangan nating isumbong ang mga huwad na lider at huwad na manggagawa. Sa paggawa lang nito tayo magtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung hindi natin isusumbong at ilalantad ang mga huwad na lider, hindi natin makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat tayong tumindig para sama-samang pangalagaan ang gawain ng iglesia.” Sa pagpapanggap na pinangangalagaan ang gawain ng iglesia, naghanap siya ng mga paraan para makalamang sa ibang mga lider at manggagawa, pinapalaki ang maliliit na isyu at inuudyukan ang mga kapatid na isumbong ang mga lider at manggagawa. Ang layunin niya ay pabagsakin ang mga lider at manggagawa para siya mismo ay magkaroon ng pagkakataong maging lider. Hindi ito nakilatis ng maraming kapatid at nailigaw niya sila. Sa halip na tukuyin ang problema batay sa mga prinsipyo, sinunggaban nila ang ilang maliliit na isyu at inilantad ang mga katiwalian ng mga lider at manggagawa para kondenahin sila, uriin sila, at palakihin ang mga bagay-bagay, pinapagulo ang iglesia.) Sabihin ninyo sa Akin, pagiging tuso ba ito? (Oo.) Ito ay mismong pagiging tuso. Bakit ito tuso? Nagpanggap siyang nagpapahalaga sa hustisya para makamit niya ang mga inililihim niyang layunin, kasabay ng pang-uudyok sa ibang tao na kumilos habang hindi niya ipinakita ang sarili niya at nagtago siya para pagmasdan ang mga kahihinatnan. Kung maaayos ang mga bagay, mas mabuti, at kung hindi, walang makakahalata sa kanya, dahil tagong-tago siya. Ito ay pagiging tuso—isa itong anyo ng mga pagpapamalas nito. Hindi niya hahayaang malaman mo ang tunay niyang mga kaisipan sa kaloob-looban niya, at kung mahuhulaan mo iyon kahit kaunti, dali-dali siyang magsasabi ng iba’t ibang palusot at argumento para itago ang mga ito at ipagtanggol ang sarili niya sa anumang paraan, natatakot na makikita ng mga tao ang katotohanan. Sadya niyang pinagulo ang mga bagay-bagay; ito ay pagiging tuso. Sino pa? (Ilang taon na ang nakalilipas, isang grupo ng mga anticristo ang lumitaw sa ating iglesia at kinuha ang kontrol, iniwang magulo ang gawain ng iglesia. Nagpadala ang Itaas ng isang taong mangangasiwa sa gawain pero nakabalatkayong kumilos ang grupong ito ng anticristo, nagsabi, “May mga lider kami, at hindi kami tumatanggap ng mga lider na galing sa ibang lugar; kaya namin mismong asikasuhin ang mga gawain.” Bilang bunga, maraming nalihis at nakinig sa mga anticristo, tumanggi silang tanggapin ang lider na isinaayos ng Itaas. Nilimita pa nga ng mga anticristong ito sa isang lugar ang lider na ipinadala ng Itaas, pinagbawalan siyang makisalamuha sa mga kapatid at ginawa nilang imposible para sa kanya na makatulong sa gawain ng iglesia o magpatupad ng anumang gawain.) Ito ay lubhang katusuhan ng mga anticristo—ano ang tinatago nilang motibo? Gusto nilang kontrolin ang iglesia at magtayo ng sarili nilang nagsasariling kaharian. Ito ay tuso; ito ang uri ng bagay na ginagawa ng mga anticristo.

Ano ang mga pangunahing pagpapamalas ng mga anticristong patusong kumikilos? Ang isa ay kawalan ng kalinawan, at ang isa pa ay palihim silang nagsasaalang-alang ng mga di-mabanggit na pakana. Kung isisiwalat nila sa lahat ng tao ang mga plano at layunin nila, maisasakatuparan ba nila ang mga ito? Tiyak na hindi. Bakit ganito gumawa ng mga bagay-bagay ang mga taong gumagamit ng mga tusong pamamaraan? Ano ang layunin sa likod ng mga pagkilos na ito? Hanggang ngayon, ang mga naisip ninyo ay pagkontrol lang sa iglesia, pero ang ilang bagay ay walang kinalaman sa pagkontrol sa iglesia o pagkontrol sa ibang tao. Ang pagliligaw sa mga tao ng isang iglesia o ng isang rehiyon ay medyo malaking bagay, kaya ano ang layunin sa likod ng mas maliliit na pag-uugali at pagkilos ng mga anticristo sa mga ordinaryong pagkakataon? Ito ay para samantalahin ang mga tao at udyukan ang mga taong gumugol ng lakas para sa kanila para matugunan ang mga interes nila at ang mga sarili nilang layunin. Habang pinamamatnugutan ng Diyos ang mga tao at pinamumunuan Niya ang mga kapalaran nila, nangangarap din ang mga anticristo na diktahan ang kapalaran ng mga tao at manipulahin ang mga ito. Pero kung direkta nilang sasabihin na gusto ka nilang manipulahin, papayag ka ba rito? Kung sinabi nilang gusto ka nilang utus-utusan na parang alipin, papayag ka ba? Kung sinabi nilang sila ang lider at dapat kang makinig sa kanila, papayag ka ba? Tiyak na hindi ka papayag. Samakatuwid, kailangan nilang pumili ng ilang di-karaniwang pamamaraan para hindi mo mamalayang sinasamantala ka nila; ito ang tinatawag na pagiging tuso. Halimbawa, ang malaking pulang dragon ay kumikilos sa isang tusong paraan, gumagamit ng mga tila lehitimong dahilan para iligaw ang mga tao. Paano nito nakumpiska ang mga ari-arian ng mga may-ari ng lupa at ng mga kapitalista? May isinulat bang polisiyang naghahayag na dapat ibalik sa estado ang lahat ng ari-arian na higit sa isang partikular na halaga? Gagana ba ito kung ipinahayag ito nang hayagan? (Hindi.) Dahil hindi ito gagana, ano ang ginawa nito? Kinailangan nitong humanap ng paraan na pinaniniwalaan ng lahat na tama para mapangatwiranan nito ang pagkumpiska at pagsamsam sa mga ari-arian ng mga may-ari ng lupa at mga kapitalista. Tinanggalan nito ng kapangyarihan ang mga may-ari ng lupa at ang mga kapitalista, pinayaman ang estado, at pinalakas ang pamumuno nito. Paano iyon ginawa ng malaking pulang dragon? (Sa pamamagitan ng pag-atake sa mga may-ari ng lupa at pamamahagi ng lupa sa iba.) Isinulong nito ang “pag-atake sa mga may-ari ng lupa at pamamahagi ng lupa sa iba” at “pagkakapantay-pantay ng lahat,” at pagkatapos ay gumawa ito ng mga kwento gaya ng “Ang Batang Babaeng Puti ang Buhok” para pagmukhaing may sala at kondenahin ang lahat ng may-ari ng lupa at kapitalista. Ginamit nito ang kapangyarihan ng opinyon ng publiko at propaganda para indoktrinahin ang mga tao gamit ang mga nakalilinlang na ideyang ito, ipinapaisip sa lahat ng taong hindi nakakaalam na ang mga may-ari ng lupa at kapitalista ay masasama at hindi kapantay ng masang nagtatrabaho, na ngayon, ang mga tao na ang nasusunod sa bansa nila, na ang estado ay pag-aari ng mga tao, na ang iilang indibidwal na ito ay hindi dapat magmay-ari ng napakalaking yaman, at na dapat itong kumpiskahin at ipamahagi sa lahat ng tao. Dahil sa pang-uudyok ng gayong tinatawag na mabubuti, tama, at mga para-sa-mahirap na ideolohiya at teorya, nailigaw at nabulag ang mga tao, at nagsimula silang lumaban sa mga lokal na negosyante at umatake sa mga may-ari ng lupa at kapitalista. At ano ang huling kinahinatnan? Ang ilan sa mga may-ari ng lupa at kapitalistang ito ay binugbog hanggang mamatay, ang ilan ay nabaldado, at ang ilan ay tumakas sa malayo. Sa madaling salita, ang huling kinahinatnan ay nakuha ng malaking pulang dragon ang gusto nito. Ang mga hangal at ignoranteng masang ito ay dahan-dahang ginabayan sa mga ganitong pakana para makamit ang mga layuning gusto ng mga diyablong ito. Sa gayunding paraan, gumagamit din ang mga anticristo ng mga ganitong tusong pamamaraan kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay. Halimbawa, kapag ipinareha ang isang anticristo sa taong nanunungkulan bilang lider, at nakita niyang ang taong ito ay may pagpapahalaga sa katarungan, nauunawaan ang katotohanan, at kaya siyang kilatisin, nagsisimula siyang mag-alinlangan: “Sisiraan kaya ako ng lalaking ito pagtalikod ko? May pinaplano ba siya nang palihim? Bakit hindi ko siya madiin? Nasa panig ko ba siya o hindi? Isusumbong kaya niya ako sa Itaas?” Dahil may mga ganito siyang iniisip, nagsisimula siyang mangamba na hindi ligtas ang katayuan niya, hindi ba? Kaya ano ang sunod niyang gagawin? Direkta ba niyang paparusahan ang taong iyon? Ang ilang anticristo ay hayagang kikilos laban sa ganoong uri ng tao, pero ang mas tusong uri ay hindi ito gagawin ng direkta. Sa halip, magsisimula sila sa pagkausap sa ilang kapatid na kung ikukumpara sa iba ay mas mahina, magulo ang isip, at walang pagkilatis, tatanungin at susuriin sila nang maingat: “Si ganito-at-ganyan ay higit isang dekada nang mananampalataya, kaya dapat may kaunting pundasyon na ang pananampalataya niya, hindi ba?” Puwedeng tumugon ang isang tao: “Talagang may pundasyon siya. Sa lahat ng taong iyon ng pananalig sa Diyos, tinalikuran niya ang pamilya at propesyon niya; mas malakas ang pananampalataya niya kaysa sa atin. Makakabuti para sa iyo ang makapareha siya.” Sasabihin ng anticristo: “Oo, mabuti iyon, pero hindi siya kailanman nakikihalubilo sa ibang kapatid. Mukhang hindi siya palakaibigan.” Puwedeng idagdag ng isa pang tao: “Hindi iyan ang kaso—mas hinahangad niya ang katotohanan kaysa sa atin. Madalas tayong magkakasamang nag-uusap, pero kadalasan ay ginugugol niya ang oras niya sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pakikinig sa mga sermon, at pag-aaral ng mga himno, at kapag kasama natin siya ay nakikipagbahaginan siya ng mga salita ng Diyos.” Pagkarinig ng mga kanais-nais at sumasang-ayong komento tungkol sa taong ito, pakiramdam ng anticristo ay wala na siyang anumang masasabi pa, kaya iibahin na lang niya ang paksa, sasabihing: “Maraming taon na siyang nananalig sa Diyos at mas may karanasan siya kaysa sa atin. Dapat lalo tayong makisalamuha sa kanya sa hinaharap at huwag siyang ihiwalay.” Pagkarinig nito, wala pa ring nakikilatis ang iba. Pagkakita na karamihan sa mga tao ay pumupuri sa indibidwal na iyon, ang anticristo, na hindi kayang makamit ang mga motibo niya, ay wala nang sinasabi tungkol sa paksa. Kalaunan, makakakita ang anticristo ng isa pang grupo ng tao at magtatanong: “Kahit kailan ba ay nakikita ninyo si ganito-at-ganyan na nagbabasa ng mga salita ng Diyos? May impresyon ako na palagi siyang nakikipagbahaginan sa iba at mukhang abala sa panlabas; bakit hindi siya kailanman nagbabasa ng mga salita ng Diyos?” Mas nakakaunawa ang grupong ito, at nakukuha nila ang pahiwatig at iniisip, “Mukhang may alitan sa pagitan ng dalawang ito; sinusubukan niya tayong udyukan na siraan at ihiwalay ang taong iyon.” Kaya, tumutugon sila: “Oo, palagi siyang abala sa mga hindi importanteng gawain, palaging sobrang binibigyang-kahulugan ang mga tao at bagay-bagay. Bihira siyang magbasa ng mga salita ng Diyos, at sa pagkakataong ginagawa niya iyon, nakakatulog lang siya; ilang beses ko na itong napansin.” Mula sa mga pakikipag-usap niya sa una at pangalawang grupo ng mga tao, anong uri ng disposisyon ang naroroon sa mga salita ng anticristo? Hindi ba’t ito ay buktot? (Oo.) Ano ang kalikasan at pamamaraan ng mga kilos niya? Tuso ang mga ito. Hindi napagtanto ng unang grupo ng mga tao kung ano ang sinusubukang gawin ng anticristo, habang napansin ng pangalawang grupo kung ano ang nangyayari, at pagkatapos ay sinang-ayunan na lang nila ang sinabi nito. Nang makita ng anticristo na sumunod ang pangalawang grupo sa sinabi niya at pwedeng mahikayat ang mga ito, gusto ng anticristo na gamitin ang grupong ito para mapaalis ang kapareha niya. Tuso ang pag-iisip nang ganito. Pagkatapos ng lahat ng uri ng panghihikayat, ang pangalawang grupo ay nailigaw at nahikayat, at nagsasabi: “Dahil hindi natutugunan ng taong iyon ang mga prinsipyo at kondisyon sa pagiging lider ng iglesia, sa tingin ko ay hindi natin siya dapat iboto bilang lider sa susunod, tama?” Napakamandaraya ng grupong ito, at pagkatapos nilang magsalita, inoobserbahan nila ang saloobin ng anticristo. Sinasabi ng anticristo: “Hindi puwede iyan; hindi patas iyan. Ito ay sambahayan ng Diyos, hindi lipunan!” Pagkarinig nito, nagtanong sila: “Hindi ba talaga iyan puwede? Kung gayon ano ang dapat naming gawin? Iboboto namin siya sa susunod, kung gayon.” Agad na sasabihin ng anticristo, “Hindi rin makakatulong ang pagboto sa kanya.” Nakikita ninyo? Anuman ang sabihin nila, hindi ito tama; problema ito. Sa katunayan, gusto lang ng anticristo na akayin ang mga taong ito sa landas nila, hinuhukay ang bangin na kalalaglagan nila. Sa huli, pagkatapos makinig sa ganito at ganyan, napagtatanto ng mga taong ito ang mga layunin ng anticristo: “Magkaroon na lang tayo ng patas na eleksyon. Wala naman siyang masyadong kalamangan, kaya pwede rin namang hindi siya mapili.” Natutuwa ang anticristo. Tingnan ninyo: Narito ang isang lobo at ilang soro, at nagsasama-sama sila sa pagkilos. Ito ang prinsipyo at kalikasan ng mga pagkilos na ginagawa ng anticristo at ng mga pwersang sumusunod sa kanya sa iglesia; ito ang pagpapamalas niya. Sinasabi ng mga taong sumusunod sa mga anticristo, “Bumoto tayo. Bukod dito, hindi rin naman siya ganoon kagaling; kung boboto tayo, pwede namang ni hindi siya mapili.” May kaduda-duda ba rito? May pinaplano ba sila? May mga nakita na silang pahiwatig sa mga salita ng isa’t isa, pero walang sinumang direktang nagsasabi kung ano ang dapat gawin; may tahimik na pagkakaunawaan sa pagitan nila, at naiintindihan ito ng lahat. Sa panlabas, hindi direktang tinuturuan ng anticristo ang sinuman na hindi piliin ang kapareha niya, at hindi rin sinasabi ng mga nakakababa sa kanya na, “Hindi namin siya pipiliin; pipiliin ka namin.” Bakit hindi nila ito masabi nang diretso? Ito ay dahil wala sa dalawa ang gustong magbigay ng lamang sa kabila. Hindi ba’t tuso ito? Ito ay pawang kabuktutan. Nakikinig sila sa tono ng pananalita ng isa’t isa, pero walang direktang nakikipag-usap, at sa huli, maaabot nila ang pag-uunawaan. Ito ay tinatawag na satanikong diyalogo. Sa kanila, may isang “hangal” na, pagkatapos makinig, ay hindi pa rin nakakaunawa at nagtatanong pa rin sa iba kung iboboto ba nila ang taong iyon o hindi. Paano tutugon ang anticristo? Kung sasabihin niya, “Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay tama,” masyadong mahahalata ito. Ang ganitong sagot ay may dalang pananakot at pang-uudyok; hindi nagsasalita nang ganito ang mga buktot na tao. Sa halip, sinasabi nila: “Hindi ba’t may mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos? Iboto ninyo kung sino ang dapat iboto; kung hindi dapat piliin ang isang tao, huwag ninyo siyang iboto.” Hindi ba’t pagsasalita ito nang malabo? Gumagamit sila ng tila lehitimong dahilan, sinasabi: “Dapat kang kumilos ayon sa mga prinsipyo; hindi ka pwedeng makinig sa akin. Hindi mahalaga ang sinasabi ko. Hindi ako ang mga prinsipyo; ang mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo.” Maririnig ito ng “hangal” at iisipin niya, “Kung dapat kaming kumilos ayon sa mga prinsipyo, iboboto ko siya.” Nang makita na hangal ang taong ito at pwedeng makasira sa mga plano nila, sama-sama siyang pinaalis ng grupo, hindi nila hinahayaan ang “hangal” na manatili kasama nila. Sa huli, kapag patuloy na nagtatanong ang “hangal” kung dapat ba nilang iboto ang taong iyon o hindi, sasabihin ng isang tao: “Pag-usapan natin ito mamaya. Pagpapasyahan natin ito batay sa kanyang pagganap.” Mayroon bang anumang kapasyahan sa mga salitang ito? Mayroon bang anumang katapatan? (Wala.) Kung gayon, ano ba talaga ang nasa mga salitang ito? Ipinaparating ng mga salitang ito ang kanilang buktot na disposisyon, pati na rin ang mga inililihim nilang motibo, intensyon, at layunin. Isinasama nila ang lihim na pagsasabwatan nila—ng lobo at mga soro—para tanggalin ang taong mainit sa mata ng anticristo. Bakit nagagawang kumilos nang ganito ng grupong ito ng mga tao? Maliban sa pinamamahalaan sila ng kanilang buktot na disposisyon, ang dahilan kung bakit nila ito nagagawa ay dahil hindi gusto ng nakakataas sa kanila, ng anticristo, ang taong iyon. Kung iboboto nila siya, at nalaman ito ng anticristo, hindi mabuti ang kahihinatnan. Kaya, para sa kanila, ang pinakakinakailangan at pinakamahalagang gawin, ang pinakamainam na gawin, ay ang hindi iboto ang taong iyon. Nakikinig silang lahat sa anticristo; anuman ang sabihin ng anticristo, sa anumang direksyon gumawi ang mga salita nito, susunod ang mga taong ito, isasantabi nila ang mga katotohanang prinsipyo at salita ng Diyos. Nakikita mo, hanggat lumilitaw ang isang anticristo, hindi maiiwasan na may mga susunod dito. Hanggat kumikilos ang isang anticristo, sasamahan at susundan ito ng ilang tao—walang anticristo na kumikilos nang mag-isa at nang nakahiwalay.

Ang kakatalakay lang natin ay isa sa mga pagpapamalas ng kung paano patusong kumikilos ang mga anticristo. Ang pagiging tuso na nabanggit dito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga anticristo ng mga sarili nilang layunin at motibasyon sa ginagawa nila, pero hindi nila sasabihin sa iyo o hahayaang makita mo ang mga ito. Kapag natuklasan mo ito, gagawin nila ang lahat para pagtakpan ito, gagamit sila ng iba’t ibang paraan para iligaw ka, para baguhin ang tingin mo sa kanila. Ito ang tusong aspekto ng mga anticristo. Kung ang kanilang mga motibo ay madaling malantad, malawak na isapubliko, at ibahagi sa lahat ng tao, ipapaalam sa mga tao, magiging tuso ba iyon? Hindi iyon magiging tuso; magiging ano iyon? (Hangal.) Hindi hangal—ito ay magiging kayabangan sa puntong wala nang katwiran. Madaya ang pag-uugali ng mga anticristo. Paano sila naging madaya? Lagi silang kumikilos sa paraang nakasalalay sa panlilinlang, at ang kanilang mga salita ay walang katuturan, kaya nahihirapan ang mga tao na maarok ang kanilang mga layunin at mithiin. Pandaraya iyon. Hindi sila nakakapagdesisyon agad sa anumang sinasabi o ginagawa nila; hinahayaan nilang maramdaman ng kanilang mga nasasakupan at tagapakinig ang kanilang intensyon, at ang mga taong iyon, matapos maunawaan ang anticristo, ay kumikilos ayon sa kanilang plano at mga motibasyon at isinasagawa ang kanilang mga utos. Kapag natapos ang isang gawain, masaya na ang anticristo. Kung hindi pa, walang sinumang makakahanap ng anumang laban sa kanya, o makakaarok sa mga motibasyon, layunin, o mithiin sa likod ng ginagawa niya. Ang pagiging tuso ng ginagawa ng mga anticristo ay nasa mga tagong pakana at mga lihim na mithiin, na pawang para linlangin, paglaruan, at kontrolin ang lahat ng iba pa. Ito ang diwa ng madayang pag-uugali. Ang pagiging tuso ay hindi simpleng pagsisinungaling o paggawa ng masamang bagay; sa halip, kinasasangkutan ito ng mas malalaking layon at mithiin na hindi maarok ng mga ordinaryong tao. Kung may nagawa kang isang bagay na ayaw mong malaman ng sinuman, at nagsinungaling ka, maituturing bang pagiging madaya iyon? (Hindi.) Pagiging mapanlinlang lamang iyon, at hindi umaabot sa antas ng pagiging madaya. Paano naging mas matindi ang pagiging madaya kaysa sa pagiging mapanlinlang? (Hindi ito maarok ng mga tao.) Nahihirapan ang mga tao na maarok ito. Isang bahagi nito iyon. Ano pa? (Walang masasabing masama ang mga tao laban sa isang madayang tao.) Tama iyan. Mahirap kasi para sa mga tao na makakita ng anumang masamang masasabi laban sa kanya. Kahit alam ng ilang tao na nakagawa ang taong iyon ng masasamang bagay, hindi nila matukoy kung siya ba ay isang mabuting tao o masamang tao, isang masamang tao o isang anticristo. Hindi siya nahahalata ng mga tao, kundi iniisip nila na mabuting tao siya, at maaari niya silang mailihis. Pagiging madaya iyon. Ang mga tao ay karaniwang mahilig magsinungaling at magplano ng mga munting pakana. Pagiging mapanlinlang lamang iyon. Ngunit mas nakakatakot ang mga anticristo kaysa sa mga karaniwang mapanlinlang na tao. Para silang mga haring diyablo; walang sinumang makaarok sa ginagawa nila. Kaya nilang gumawa ng maraming masasamang bagay sa ngalan ng katarungan, at pumipinsala sila ng mga tao, pero pinupuri pa rin sila ng mga tao. Ito ay tinatawag na pagiging madaya.

May insidente noong nakaraan kung saan ang isang lider, habang nakikipag-usap at nakikipagbahaginan sa Itaas, ay sinabihan tungkol sa ilang plano ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Noong panahong iyon, hindi pa pormal na inilabas ang pagsasaayos ng gawain. Pagbalik niya, nagsimula siyang magpasikat, pero hindi mo masabi kung ito ay pagpapasikat. Napakaseryoso ng pakikipag-usap niya sa pagtitipon, at sa gitna ng pagbabahagi niya, bigla na lang niyang sinabi ang isang bagay na wala pang nakakarinig dati: “Hanggang ngayon, nakumpleto ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos, at naging matatag ang mga tao. Simula sa susunod na buwan, palalawakin natin ang pangangaral ng ebanghelyo, kaya kailangan nating magtatag ng mga pangkat ng ebanghelyo. Paano dapat itatag ang mga pangkat ng ebanghelyo? May ilang detalye rito…” Nang marinig ito ng iba, inisip nila, “Saan galing ang mga salitang ito? Hindi pa naglalabas ng anumang pagsasaayos ng gawain ang Itaas. Paano niya nalaman? Siguro ay nahuhulaan niya ang mangyayari sa hinaharap!” Sila ay sumasamba sa kanya, hindi ba? Agad na nagbago ang saloobin ng mga tao sa kanya. Ang tanging ginawa niya ay banggitin ang pagtatatag ng mga pangkat ng ebanghelyo pero wala siyang ginawang anumang partikular na gawain pagkatapos—sumigaw lang siya ng mga walang kabuluhang slogan. Siyempre, may layunin siya sa pagsigaw ng mga walang kabuluhang slogan; nagpapasikat siya, gusto niyang mataas ang tingin sa kanya ng mga tao, na sambahin siya. Hindi nagtagal, inilabas ang pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas. Nang makita ito ng mga kapatid, namangha sila at nagsabing, “Ang galing! Hindi ba’t mala-propesiya ito? Paano mo nalaman ang tungkol dito? Mas nauunawaan mo ang katotohanan kumpara sa amin; mas mataas ang tayog mo. Napakababa ng tayog namin. Noong panahon nang ipalaganap ang ebanghelyo, nasabi mo na sa amin, samantalang manhid kami at walang kamalay-malay. Tingnan mo, hindi ba’t umaayon ang ibinahagi mo sa pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas? Nagkataong tumugma ito, at ngayon pinatunayan na.” Sa pamamagitan ng insidenteng ito, lalo pa siyang sinamba ng lahat ng tao, at hindi lang sa ordinaryong paraan, kundi nang may ganap na pagpapasakop, halos abot na sa punto ng pagluhod at pagyuko sa harap niya. Karamihan ng tao ay hindi alam ang bagay na ito; kung hindi siya mismo ang nagsalita, walang makakaalam, ang Diyos lang ang may alam. Ito ay napakalinaw na bagay, at hindi niya ito ibinunyag kaninuman, sa halip pinili niyang linlangin sila nang walang pakundangan. Maituturing bang tuso ang pag-uugaling ito? (Oo.) Bakit niya nilinlang nang ganito ang iba? Bakit niya nagawang umasal at kumilos nang ganito? Ano ba talaga ang iniisip niya sa kanyang puso? Gusto niyang makita siya ng mga tao bilang naiiba, na isipin nila na hindi siya ordinaryong tao. Ito ba ay isang bagay na dapat matagpuan sa normal na pagkatao? (Hindi.) Ang mga kilos ng ganitong tao ay kasuklam-suklam at walang kahihiyan. Maituturing mo ba itong tuso? (Oo.) Bukod pa sa pagiging tuso, ito rin ay medyo kasuklam-suklam.

Sa mga anticristo, may isang uri ng tao na hindi kailanman naringgang magsabi ng anumang mali o nakitaang gumawa ng anumang mali; ang ginagawa nila at ang paraan ng pagkilos nila ay itinuturing na mabuti at sinasang-ayunan ng lahat. Madalas silang nakangiti, may mukhang tulad ng isang maawaing santo, hindi nagpupungos ng sinuman. Anuman ang mga maling ginagawa ng mga tao, palagi silang nagpaparaya sa kanila na may pusong mapagpatawad gaya ng sa isang mapagmahal na ina. Hindi nila kailanman hinaharap ang mga nasa iglesia na lumalabag sa mga atas administratibo, nanggugulo at nanggagambala, o gumagawa ng masasamang gawa. Ito ba ay dahil hindi nila nakikita o nakikilala ang mga bagay na ito? Hindi, parehong hindi; nakikita at nakikilala nila ang mga ito, pero sa puso nila, naniniwala sila na kapag nilinis ang mga taong ito at naging mapayapa ang iglesia, napuno lang ng matatapat na taong naghahangad sa katotohanan at tunay na ginugugol ang mga sarili nila para sa Diyos, sila mismo ay madaling makikilala at baka hindi na magkaroon ng mapanghahawakan sa iglesia. Kaya, pinananatili nila ang mga taong ito sa paligid nila, pinapahintulutan nilang patuloy na gumawa ng masama ang mga taong gumagawa ng masama, patuloy na magsinungaling ang mga sinungaling, at patuloy na manggambala ang mga nanggagambala, sinisiguro nilang sa pamamagitan ng mga paggambalang ito ay hindi kailanman magiging payapa ang iglesia, at sa gayon ay sinisiguro nila ang sarili nilang katayuan. Kaya, sa sandaling may taong patatalsikin, iwawasto, ihihiwalay, o tatanggalin sa posisyon nila, ano ang sinasabi nila? “Dapat bigyan natin ang mga tao ng pagkakataong magsisi. Sino ba ang walang pagkukulang o katiwalian? Sino ba ang hindi nakagawa ng mga pagkakamali? Dapat matuto tayong magparaya.” Pag-iisipan ito ng mga kapatid at sasabihin nila, “Nagpaparaya kami sa mga taong tunay na nananalig sa Diyos at may mga pagsalangsang o na mga hangal at ignorante, pero hindi kami nagpaparaya sa masasamang tao. Masamang tao siya.” Tutugon ang anticristo, “Paano siya naging masamang tao? Paminsan-minsan lang ay nagsasabi siya ng masasakit na salita; hindi iyon kasamaan. Ang mga taong pumapatay at nanununog sa mundo, sila ang tunay na masasamang tao.” Pero ano ba talaga ang iniisip ng anticristo? “Masamang tao siya? Kasingsama ko ba siya? Hindi mo pa nakikita kung ano ang ginawa ko, hindi mo alam kung ano ang iniisip ko sa loob. Kung alam mo, hindi ba’t lilinisin ninyo ako? Iniisip ba ninyong linisin siya? Hindi pwede! Hindi kita hahayaang harapin siya. Sinumang mangangahas, magagalit ako sa kanila, papahirapan ko sila! Sinumang mangangahas na harapin siya, patatalsikin ko!” Pero sasabihin ba nila ito nang malakas? Hindi, hindi nila sasabihin. Ano ang gagawin nila kung gayon? Pakakalmahin muna nila ang sitwasyon, paaayusin nila ang kalagayan ng mga pangyayari, ipapakita nilang may kakayahan silang mamuno ng iglesia at kaya nilang balansehin ang iba’t ibang pwersa, kaya hindi kaya ng iglesia na mawala sila. Sa ganitong paraan, hindi ba’t sigurado ang posisyon nila? Sa sandaling sigurado na ang posisyon nila, hindi ba’t napapanatili na rin ang kanilang kabuhayan? Ito ang tinatawag na pagiging mapanlinlang. Kaya hindi mahalata ng karamihan ng tao ang mga ganitong indibidwal. Bakit hindi? Hindi sila kailanman nagsasabi ng katotohanan, ni basta-basta kumikilos. Anumang hingin ng Itaas na gawin nila, iraraos lang nila; anumang libro ang dapat ipamahagi, ipapamahagi nila; pinapanatili nila ang ilang pagtitipon sa isang linggo, at hindi nila sinosolo ang pagbabahagi sa mga pagtitipon. Sa panlabas, mukhang perpekto at walang kapintasan ang lahat ng bagay, walang masasabing kritisismo. Pero may isang bagay na matutukoy ninyo: Hindi sila kailanman humaharap sa masasamang tao. Sa kabaligtaran, pinoprotektahan nila ang mga ito, palagi nilang pinagtatakpan at pinagtatanggol. Hindi ba’t mapanlinlang ito? Ano ang mapanlinlang na aspekto ng pag-uugali nila rito, ano ang pinagtutuunan? Dapat maging malinaw ang mga ito. Hindi sila kailanman nagsasabi ng katotohanan, palaging nagsisinungaling para linlangin ang sambahayan ng Diyos. Nakikita nilang gumagawa ng masama ang masasamang tao pero hindi nila hinaharap ang mga ito, palagi nilang pinapalampas ang mga bagay-bagay at palagi silang nagpapasensya at nagpaparaya. Ano ang motibo nila sa paggawa ng mga bagay na ito? Ito ba ay talagang para tulungan ang mga taong mapunan ang kalakasan ng isa’t isa at magparaya sa isa’t isa? (Hindi.) Kung gayon ano ang layunin nila? Gusto nilang patibayin ang sarili nilang impluwensiya, patatagin ang katayuan nila. Alam nila na sa sandaling linisin ang masasamang tao, sila na ang susunod na aalisin; ito ang kinakatakutan nila. Kaya, hinahayaan nila ang masasamang tao sa paligid nila; hangga’t nariyan sila, ligtas ang katayuan ng anticristo. Kung lilinisin ang masasamang tao, matatapos na ang anticristo. Ang masasamang tao ang pumoprotekta sa kanila, ang pananggalang nila. Kaya, sinuman ang naglalantad sa masasamang tao o nagmumungkahi na linisin ang mga ito, hindi sila sumasang-ayon, sinasabi nila, “Kaya pa rin naman nilang gawin ang mga tungkulin nila, kaya pa rin nilang maghandog ng pera; kahit papaano ay kaya pa rin nilang maglingkod!” Humahanap sila ng mga dahilan at palusot para ipagtanggol ang masasamang tao, at, karaniwan, hindi nakikita ng mga taong walang pagkakilala ang mga malisyosong intensyong natatago sa loob nila, hindi nila kayang tukuyin ito.

May iba pa bang pagkakataon kung saan may iniwang malalim na marka sa inyo ang mga mapanlinlang na kilos ng isang anticristo? Magbahagi ang isa sa inyo. (May isang kapatid na lider ng grupo ng ebanghelyo, at buwan-buwan nakakakamit siya ng ilang tao, ang ilan sa mga ito ay walang pananampalataya. Binigyang kahulugan ng anticristo ang pagsasaayos ng gawain nang wala sa konteksto, sinasabi na ang dapat na pangunahing target ng pangangaral ng ebanghelyo ay ang mga tao sa denominasyon, na pangalawa lamang ang mga walang pananampalataya at na kung ang pangunahing pagtutuunan ay ang mga walang pananampalataya, ito ay isang seryosong paglabag sa pagsasaayos ng gawain. Ginamit niya pa ang mga salita ng Diyos mula sa “Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” para himayin ang pag-uugaling ito. Pagkatapos, pinaboto niya ang lahat ng tao, tinanong, “Pwede pa bang mamuno ang ganitong tao?” Noong panahong iyan, marami sa iglesia ang mga bagong mananampalataya na isa o dalawang taon pa lang nananalig at hindi pa nakakakilala, kaya pakiramdam nila ay seryoso ang paglabag sa pagsasaayos ng gawain at nagkasundo silang palitan ang kapatid. Naging napakanegatibo ng kapatid noong panahong iyon; pagkatapos siyang himayin at kondenahin ng anticristong ito, nadama niyang siya mismo ay isang anticristo, na tiyak na ititiwalag siya ng Diyos, at naging lubhang negatibo siya, hindi na niya gustong mabuhay pa. Dagdag pa rito, ipinagkait din ng anticristong ito ang ilang sermon at pagbabahagi mula sa Itaas, hindi kami hinahayaang makinig. Sinabi niyang napakasakit pakinggan ng pagbabahagi mula sa Itaas at kami, bilang mga bagong mananampalatayang mababa ang tayog, ay magkakaroon ng mga kuru-kuro pagkatapos makinig. Sa panlabas, mukhang pinangangalagaan niya kami, pero sa katunayan, natatakot siya na kapag nakinig kami sa mga sermon mula sa Itaas, makikilala namin siya, at hindi na niya kami makokontrol. Ginamit niya ang mga tila makatwirang pamamaraan na ito para magmanipula at manlinlang ng mga tao, pinapalabas na ang ginawa niya ay makatwiran at naaayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos.) Ang insidenteng ito ay tiyak na mailalarawan na mapanlinlang. Palaging pareho ang patuloy na pagsasagawa ng sinumang maituturing na anticristo, hindi nagkakaiba ni katiting, pare-pareho ang intensyon at pare-pareho ang layunin sa anumang ginagawa nila. Hindi ba’t pinatutunayan nito na ang mga anticristo ay mga demonyo at masasamang espiritu talaga? (Oo.) Talagang-talaga. Ang paglalarawan sa mga kilos ng mga anticristo—ng mga demonyo at masasamang espiritung ito—bilang mapanlinlang ay talagang akma at talagang hindi pagmamalabis.

Pagkatapos ng mga halimbawang ito, dapat may nakamit na kayong kaunting kabatiran; nagsimula na ba kayong magkaroon ng kaunting pagkakilala sa mga mapanlinlang na kilos ng mga anticristo? Ang anumang may kasamang mapanlinlang na pag-uugali, na may mga nakatagong intensyon at motibasyon, ay hindi kilos ng isang normal na tao, hindi kilos ng isang matapat na tao, at lalong hindi kilos ng isang taong naghahangad sa katotohanan. Ang mga bagay bang ginagawa nila ay nagsasagawa ng katotohanan? Itinataguyod ba nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Kung gayon, ano ang ginagawa nila? Ginagambala at sinisira nila ang gawain ng iglesia, gumagawa sila ng masama; hindi nila sinusunod ang landas ng Diyos, ni itinataguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi gawain ng iglesia ang ginagawa nila; nagpapanggap lang sila na gumagawa ng gawain ng iglesia para mapagsikapan nila ang mga sarili nilang hinahangad, pangunahing pinangangalagaan ang mga personal nilang interes at iyong mga kay Satanas. May iba pa bang halimbawa? (Noong 2015, naglabas ng pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas, sinasabihan kaming gamitin ang artikulo mula sa “Ang Nagising” para pagbahaginan ang pagkakilala sa mga huwad na lider at pagtukoy sa mga tunay at huwad na iglesia. May isang lider sa iglesia na kakapalit lang, na nagsabi na bago pa lang kami sa pananalig sa Diyos at mababa ang tayog namin, at masyadong mababaw ang pagkaunawa namin sa pagsasaayos ng gawain ng Itaas—hindi maaarok ang mga kilos ng Diyos, at inilabas ng Itaas ang pagsasaayos na ito nang may mas malalim na kahulugan. Sinabi rin niya, “Tungkol naman sa mga katotohanan ng pagkilala sa mga huwad na lider at mga anticristo, dati nang nagbigay ang Itaas ng maraming pagbabahagi at ipinaliwanag ito nang napakalinaw. Kung ito ay tungkol lang sa pagkilala sa mga huwad na lider at anticristo, kailangan pa bang maglabas ng isa pang pagsasaayos ng gawain?” Pagkatapos, kinuha niya nang wala sa konteksto ang ilang bahagi mula sa mga nakaraang pagsasaayos ng gawain, sermon, at pagbabahagi mula sa Itaas, pinagsama-sama ang libo-libong salita ng materyal para ilihis ang mga kapatid, at sa halip ay inakay kaming kilatisin “Ang Nagising.” Sa panahong iyon, nalihis kami at hindi nakatuon sa pagkilala ng mga huwad na lider at anticristo. Sa kalaunan, nabunyag na ang taong ito ay isang anticristo. Natakot siya na kung magsisimulang kumilala ang lahat ng tao ng mga huwad na lider at anticristo, malalantad nila ang masasama niyang gawa at makikilala nila siya, kaya sa halip ay sinadya niyang ilihis kami na kilatisin “Ang Nagising.”) Ito ay mabilis na galaw ng kamay, isang taktika ng panlilito, isang panlilihis para maibaling ang atensyon mo para walang pumansin sa kanya. Hindi ba’t pamilyar ang pamamaraang ito? Kapag may kinakaharap na krisis ang malaking pulang dragon, gaya ng panloob na kaguluhan sa sistemang politikal nito o ng pagpaplano ng publiko ng mga pag-aaklas o paghihimagsik, ginagamit nito ang parehong taktikang ito—ang paglilihis ng atensyon. Madalas nitong ginagamit ang pamamaraang ito. Tuwing may dumarating na krisis, nag-uudyok ito ng takot tungkol sa giyera, na pinapalakas ang pagkamakabayan, at pagkatapos ay walang titigil na nagpapalabas ng mga pelikulang tungkol sa giyerang dulot ng pakikipaglaban at pagkamakabayan, o nagpapalaganap ng mga pekeng balita para pukawin ang sentimyento ng mga nasyonalista para ilihis ang atensyon. Ginagawa ng malaking pulang dragon ang mga ito nang may natatagong motibo, nagkikimkim ng mga lihim na layunin—ito ay tinatawag na mapanlinlang na pag-uugali. Sino ba ang ninuno ng mga anticristo? Ito ay ang malaking pulang dragon, ang diyablo. Parehong-pareho ang kalikasan ng mga kilos nila, na para bang magkasabwat sila. Saan nanggaling ang mga pakana at pamamaraan ng mga anticristo? Tinuruan sila ng mga ninuno nila, ng mga diyablo at ni Satanas. Nananahan si Satanas sa kalooban nila, kaya ang pagkilos nila sa mapanlinlang na pamamaraan ay normal lang para sa kanila; ibinubunyag nito nang buong-buo na mayroon silang kalikasan ng isang anticristo.

(Diyos ko, gusto kong magbahagi ng isang halimbawa. Ang kasong ito ng isang anticristo ay nangyari sa pastulang lugar ng Jijin. Tagsibol noon ng taong 2012. Ang isang anticristong nagngangalang An ay nagpalaganap ng maraming nakalilinlang na paniniwala sa iba’t ibang iglesia at sumulat pa nga siya ng maliit na aklat na may titulong “Ang Pinakapinahahalagahan ng Diyos Bago Lisanin ang Mundo,” na pribado niyang ipinamahagi sa lahat ng iglesia. Ipinahayag niya na ang pinakapinahahalagahan ng Diyos bago lumisan ay kung makikinig ba ang mga taong hinirang ng Diyos sa taong ginamit ng Banal na Espiritu pagkatapos Niyang lumisan, kaya dapat naming maunawaan ang mga layunin ng Diyos; at na ngayon, sapat na ang pagbabasa lang ng mga sermon, pagbabahagi, at pagsasaayos ng gawain ng taong ginamit ng Banal na Espiritu, pinapalitan ang pangangailangang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos. Bilang resulta, maraming kapatid ang nailigaw; tumigil silang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, na mismong ang layuning gustong makamit ng anticristo. Nariyan ang pagiging tuso ng anticristo, sa ilalim ng pagbabalatkayo niya na nagpapatotoo siya sa lalaking ginamit ng Banal na Espiritu, inilayo niya ang mga tao mula sa mga salita ng Diyos, tinalikuran ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, habang pinaparamdam din sa mga tao na nauunawaan niya nang lubusan ang puso ng Diyos. Inisip niya kung ano ang pinakapinahahalagahan ng Diyos bago lumisan, kaya mataas ang tingin ng mga tao sa kanya at sinamba nila siya.) Bakit niya itinaas ang taong ginamit ng Banal na Espiritu? Tao ang lalaking ginamit ng Banal na Espiritu, at gayon din siya. Sa pagtaas niya sa lalaking ginamit ng Banal na Espiritu, sa totoo lang ay pinapasamba at pinapataas niya ang sarili niya sa mga tao; iyon ang layunin niya. Hindi natin pwedeng husgahan lang kung tama ba o mali ang sinabi niya; kailangan nating tingnan ang mga kahihinatnan at layuning nakamit ng mga salita niya; iyon ang susi. Kaya, ang layunin niya sa pagtataas ng taong ginamit ng Banal na Espiritu ay talagang para pataasin ang sarili niya; iyon ang layunin niya. Alam niya na ang pagtataas sa taong ginamit ng Banal na Espiritu ay tiyak na hindi tututulan ninuman, at sasang-ayunan siya ng mga tao at itataas siya. Pero kung direkta niyang itataas at patototohanan ang sarili niya, pwede siyang ilantad, kilatisin, at itaboy ng mga tao. Samakatuwid, ginamit ng anticristo ang taktika ng pagtataas sa taong ginamit ng Banal na Espiritu para makamit ang pagtataas sa sarili at pagpapatotoo sa sarili; ito ang pagiging tuso ng anticristo. Talagang mapanlinlang ang mga ikinilos ng anticristong si An, madaling nailigaw ng mga ito ang mga tao—ito ay karaniwang insidente ng anticristo. Dapat na ang mga hinirang na tao ng Diyos ay matutong kumilatis sa kasong ito ng anticristo, maunawaan ang mga mapanlinlang na aspekto ng mga anticristo, gayundin ang mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga ito para makamit ang kahihinatnan na pagliligaw sa mga tao. Ang pagkaunawa sa mga ito ay malaki ang pakinabang para makilala ng mga tao ang mga anticristo. Sino pa ang may halimbawang ibabahagi?

(Diyos ko, mayroon din akong kaso ng anticristong ibabahagi. Nangyari ang insidenteng ito sa pastulang lugar ng Henan. Mga taong 2011, ang anticristong si Yu, na isang huwad na lider na pinalitan, ay itinalaga ng iglesia na mamahala sa gawain ng paglilinis dahil may ilang kaloob at karanasan siya sa gawain. Sa panahong iyon, inilabas ang pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas para tuluyang ilantad at tanggalin ang mga huwad na lider at anticristo. Nakita ito ni Yu, na mahilig sa katayuan, bilang isang oportunidad para makabalik. Sa pagpapanggap niyang nagpapatupad siya ng pagsasaayos ng gawain, patuloy siyang nakipagbahaginan sa mga kapatid para masundan ang daloy ng gawain at pagtuon ng Banal na Espiritu sa pagkilala sa mga huwad na lider at anticristo. Gayunpaman, hindi siya nagbahagi ng mga prinsipyo ng pagkilala sa mga ito at sa halip ay ibinaling niya ang atensyon namin sa mga lider at manggagawa. Sa bawat pagtitipon, hihilingin niya sa mga kapatid na magsalita tungkol sa pagganap ng mga lider at manggagawa. Pagkatapos naming magsalita, susunggaban niya ang ilang paglihis at ibubunyag niya ang mga tiwaling disposisyon sa gawain nila, palalalain niya ang kalikasan ng mga isyung ito, direkta niya silang tatawagin na mga huwad na lider, at papalitan sila. Pagkatapos, patuloy siyang magpapatotoo sa mga kapatid tungkol sa pagtanggal niya sa mga huwad na lider at manggagawang ito, na nagpaparamdam sa kanila na marunong siyang kumilatis at may kakayahan siya sa trabaho niya. Ang totoo, layunin niyang gamitin ang pagtanggal ng mga lider at manggagawang ito bilang oportunidad na makabalik at magpatuloy bilang lider. Dahil iniligaw sila ni Yu, pagkatapos nilang makita ang mga ibinunyag na katiwalian at paglihis ng mga lider at manggagawa sa gawain nila, nagsimulang mag-isip ang mga kapatid kung huwad na lider ba ang mga ito, at kinuwestiyon pa nga nila ang mga lider ng iglesia sa lahat ng antas, bigong normal na makipagtulungan sa gawain ng mga lider at manggagawa. Maraming lider at manggagawa na mababa ang tayog ang labis ding napigilan, nabubuhay sa kalagayan ng pagiging pasibo at pag-iingat, hindi normal na magampanan ang mga tungkulin nila, na nagdulot ng kaguluhan sa iglesia. Sa panahong iyon, maraming taong sumamba sa anticristong ito, at mga isang dosenang iglesia ang nailigaw at nakontrol ng anticristong ito. Kahit pagkatapos malantad ang anticristong ito, may ilang tao pa rin na hindi makakilala sa kanya, naniniwalang itinataguyod niya ang gawain ng iglesia, at may ilan pang ipinaglaban siya.) Anong nangyari kalaunan sa mga kapatid na nailigaw? (Sa pamamagitan ng pagbabahagi at tulong, nagkaroon ang ilan ng pagkakilala sa mga anticristo at nailigtas sila, habang ang ilan ay nanatili pa ring matigas at determinadong sundin ang anticristo gaano man makipagbahaginan ang iba sa kanila, at kalaunan ay itiniwalag ang mga taong ito.) Nakikilala na ba ngayon ng karamihan ng tao ang anticristong ito? (May kaunting pagkakilala na sila ngayon.) Ang mga nananatiling matigas ang ulo at hindi nagbabago ay karapat-dapat mamatay; ito ang kahihinatnan ng pagsunod sa isang anticristo.

Nagbahaginan lang tayo tungkol sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga mapanlinlang na kilos ng mga anticristo. Ngayon, gumawa tayo ng pagbubuod: Ano ang diwa at disposisyong ipinapahayag ng ganitong pag-uugali ng mga anticristo? (Kabuktutan.) Ito ay disposisyong pangunahing inilalarawan ng kabuktutan. Kung gayon, pwede ba natin sabihing ang mga taong may buktot na disposisyon ay karaniwang mapanlinlang na kumikilos, at ang mga mapanlinlang na kumikilos ay may napakabuktot na disposisyon? (Oo.) Lohikal na pangangatwiran ba ito? Kahit na medyo mukhang pangangatwiran ito sa panlabas, sa katunayan, ganito talaga ang mga bagay-bagay—ang mga taong may buktot na disposisyon ay madalas kumikilos sa mga pamamaraang mapanlinlang. Ang kalikasang diwa ng mapanlinlang na pagkilos ng mga anticristong ay nanggaling kay Satanas; sadyang malinaw na katulad sila ng mga diyablo at ni Satanas. Sa pagsubaybay sa pagkilos ng mga anticristo, mauunawaan mo kung paano kumikilos ang mga diyablo at si Satanas. Ang mga totoong diyablo at Satanas, ang malaking pulang dragon, ay kumikilos nang mas masahol pa rito. Maging ang isang simpleng anticristo ay maaaring kumilos nang napakamapanlinlang, gamit ang mga tusong taktika, nagsasalita nang walang iniiwang butas, ginagawang imposible para kaninuman na makahanap ng kapintasan o mahuli sila. Lalo pa ang matatandang diyablo at si Satanas! Kung titingnan mula sa perspektiba ng mapanlinlang na pag-uugali ng mga anticristo, ang mga ordinaryong taong walang katayuan, na madalang makipag-usap o magtapat sa iba, na kumikilos nang hindi hayagan at ayaw ipaalam sa iba kung ano ang iniisip nila o ang pinag-iisipan nilang gawin sa kaloob-looban nila at ang mga layunin nila sa pagkilos, na malalim na itinatago at mahigpit na binabalutan ang kanilang mga sarili—hindi ba’t magkakaroon din ng bahid ng pagiging mapanlinlang ang kanilang pananalita at pagkilos? Kung hindi maituturing na anticristo ang mga ganitong tao, tiyak na tinatahak nila ang landas ng anticristo. Ito ay tiyak. Ang mga tumatahak sa landas ng isang anticristo, kung hindi nila tatanggapin ang pagpupungos, o pakikinggan ang mungkahi ng iba, at lalo na kung hindi nila tatanggapin ang katotohanan, sa sandaling magkamit sila ng katayuan, ay tiyak na magiging anticristo sila; hindi ito magtatagal. Kung may ganitong buktot na disposisyon ang ilang tao at minsan na nilang tinahak ang landas ng isang anticristo, nagpapakita ng ilang pagkakapareho sa isang anticristo, pero pagkatapos tumanggap ng pagpupungos ay nagsisisi sila, tumatanggap sa katotohanan, tumatalikod sa dating landas, at lubusang nagbabago at nagsasagawa ng katotohanan, ano ang magiging resulta? Ang ganitong pagbabago ay lalong maglalayo sa kanila mula sa landas ng isang anticristo, kaya mas dadali para sa kanilang pumasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, at pagkatapos ay magkakaroon sila ng pag-asang maligtas. Diyan nagtatapos ang pagbabahagi tungkol sa mga pagpapamalas ng kung paano mapanlinlang na kumikilos ang mga anticristo; ang susunod na pagpapamalas na pagbabahaginan ay tungkol sa kung paanong sila ay arbitraryo at diktatoryal.

II. Isang Paghihimay ng mga Arbitraryo at Diktatoryal na Pag-uugali ng mga Anticristo, at Paano Nila Pinupwersa Ang Mga Tao na Sundin Ang Mga Ito

Kumikilos ang mga anticristo sa isang pamamaraang arbitraryo at diktatoryal, hindi kailanman nakikipagbahaginan o nakikipagtalakayan sa iba, ginagawa ang anumang nais nila, at pinupwersa ang iba na sundin sila. Puwedeng sabihin na anuman ang ginagawa ng mga anticristo, anumang pagsasaayos ang ginagawa nila o mga desisyong pinagpapasyahan nila, hindi sila nakikipagbahaginan sa iba, wala silang napagkakasunduan, hindi nila hinahangad ang katotohanan para lutasin ang mga problema, at hindi nila hinahanap ang mga prinsipyo na dapat gamitin sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Dagdag pa rito, hindi nila hinahayaan ang mga tao na maunawaan kung bakit nila ginagawa ang mga bagay sa isang partikular na paraan, kaya nalilito at obligado ang mga tao na makinig sa kanila. Kung may isang tao na hindi nakakaunawa at na nagtatanong sa kanila tungkol dito, ayaw ng anticristo na magbahagi o magpaliwanag. Ano ang katayuang gustong panatilihin ng anticristo sa usaping ito? Walang sinuman ang puwedeng makaalam ng mga detalye; walang sinuman ang may karapatang makatanggap ng impormasyon. Ginagawa nila kung ano ang gusto nila, at ang iniisip nilang tama ang dapat na lubusang ipatupad. Walang karapatan ang iba na magtanong, lalo nang hindi kwalipikado ang mga ito na magtrabaho nang may koordinasyon sa kanila; ang papel lang ng mga ito ay ang sumunod at magpasakop. Ano ang tingin dito ng anticristo? “Dahil pinili ninyo ako bilang lider, kayo ay nasa ilalim ng pamamahala ko at dapat kayong makinig sa akin. Kung ayaw ninyong makinig sa akin, dapat ay hindi ninyo ako pinili. Kung pipiliin ninyo ako, dapat makinig kayo sa akin. Ako ang may huling salita sa lahat ng bagay!” Sa mga mata niya, ano ang relasyon sa pagitan niya at ng mga kapatid? Siya ang nag-uutos. Hindi puwedeng suriin ng mga kapatid kung ano ang tama at mali, hindi sila puwedeng magtanong, at hindi sila pinapayagang mag-akusa, kumilatis, mag-usisa, o magduda sa kanya; ipinagbabawal ang lahat ng ito. Kailangan lang ng anticristo na magmungkahi ng mga plano, pahayag, at pamamaraan, at dapat pumalakpak ang lahat ng tao at sumang-ayon nang hindi nagtatanong. Hindi ba’t medyo mapilit ito? Anong uri ng taktika ito? Ito ay arbitraryo at diktatoryal. Anong uri ng disposisyon ito? (Malupit.) Sa panlabas, ang “arbitraryo” ay tumutukoy sa paggawa ng mga desisyon nang mag-isa, nang may huling salita; at ang ibig sabihin ng “diktatoryal” ay pagkatapos manghusga o magdesisyon nang mag-isa, dapat ipatupad ito ng lahat ng tao nang wala silang karapatang magkaroon ng mga naiibang opinyon o pahayag, o kahit magtanong. Ang ibig sabihin ng pagiging arbitraryo at diktatoryal ay kapag humaharap sa isang sitwasyon, pinag-iisipan at isinasaalang-alang nila mismo ito bago sila magpapasya kung ano ang gagawin. Indipendiyente silang nagpapasya nang hindi nakikita ng iba tungkol sa kung paano dapat gawin ang mga bagay-bagay, nang walang mungkahi ng sinuman; maging ang mga kasama nila sa trabaho, mga katuwang o mga nakatataas na lider ay hindi puwedeng makialam—ito ang ibig sabihin ng pagiging arbitraryo at diktatoryal. Anumang sitwasyon ang harapin nila, ang mga kumikilos nang ganito ay palaging nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa mga bagay-bagay at maingat na pag-iisip, nang hindi kailanman nakikipagtalakayan sa iba. Iniisip nila ang ganito at ganyan sa mga utak nila, pero walang nakakaalam kung ano ba talaga ang iniisip nila. Bakit walang nakakaalam? Dahil hindi nila sinasabi. Puwedeng isipin ng ilang tao na ito ay dahil lang sa hindi sila madaldal, pero iyon ba talaga ang kaso? Wala itong kinalaman sa personalidad; ito ay intensyonal na pagpapasya na hindi malaman ng iba. Gusto nilang gawin ang mga bagay-bagay nang sila lang, may mga sarili silang kalkulasyon. Ano ang kinakalkula nila? Umiikot ang mga kalkulasyon nila sa mga sarili nilang interes, katayuan, kasikatan, pakinabang, at katanyagan. Pinag-iisipan nila kung paano sila makakakilos para sa sarili nilang kapakanan, kung paano nila mapoprotektahan mula sa kapahamakan ang katayuan at reputasyon nila, kung paano sila makakakilos nang hindi sila nahahalata ng iba, at ang napakahalaga, kung paano nila maitatago mula sa Itaas ang mga kilos nila, umaasa na sa kalaunan ay makakatanggap sila ng benepisyo nang walang ibinubunyag na anumang kapintasan kaninuman. Iniisip nila, “Kung magkakaroon ako ng panandaliang pagkakamali at may masasabi akong mali, mahahalata ako ng lahat. Kung may isang taong magsasalita nang hindi inaasahan at isusumbong ako sa Itaas, puwede akong palitan ng Itaas, at mawawala sa akin ang katayuan ko. Bukod dito, kung palagi akong makikipagbahaginan sa iba, hindi ba’t mahahalata ng lahat ang limitado kong abilidad? Bababa kaya ang tingin ng iba sa akin?” Ngayon, sabihin ninyo sa Akin, kapag talagang nahalata sila, magiging mabuti ba iyon o masama? Sa totoo lang, para sa mga taong naghahangad sa katotohanan, para sa mga taong matapat, hindi gaanong mahalaga ang mahalata at medyo mapahiya o masiraan ng reputasyon. Parang hindi sila gaanong nag-aalala tungkol sa mga bagay na ito; parang hindi nila gaanong namamalayan ang mga ito at hindi nila masyadong binibigyan ng halaga ang mga ito. Pero ang mga anticristo ay ang eksaktong kabaligtaran; hindi nila hinahangad ang katotohanan, at itinuturing nila ang katayuan nila at ang pagtingin at saloobin ng iba tungkol sa kanila bilang mas mahalaga pa kaysa sa mismong buhay. Napakahirap hingin sa kanila na sabihin ang naiisip nila o ang katotohanan; baka hindi maging sapat kahit ang pag-aalok ng maraming benepisyo. Kung hihingin sa kanilang ibunyag ang mga sikreto nila o ang mga pribadong bagay, lalo nang mas mahirap iyon—baka nga hindi nila ito gawin kahit pa buhay nila ang maging kapalit. Anong uri ng kalikasan ito? Matatanggap ba ng ganitong tao ang katotohanan? Maliligtas ba sila? Talagang hindi. Kasi nga, “Hindi mababago ng isang leopardo ang mga batik nito.”

Binibigyan ng espesyal na importansya ng mga anticristo ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, katayuan, reputasyon, at ang anumang makakapagpanatili ng kapangyarihan nila. Nakikipagbahaginan ka sa kanila, sinasabi na, “Sa paggawa ng gawain ng iglesia, ito man ay mga usaping panlabas o panloob na pamamahala, pagbabago ng mga tauhan, o alinmang iba pa, dapat kang makipagbahaginan sa mga kapatid. Ang unang hakbang para matutong makipagtulungan sa iba ay ang matutong makipagbahaginan. Ang pakikipagbahaginan ay hindi walang saysay na usapan o pagpapahayag lang ng sarili mong pagiging negatibo o paghihimagsik laban sa Diyos. Hindi mo dapat ilabas ang negatibo o mga mapaghimagsik mong kalagayan para impluwensiyahan ang iba. Ang pangunahing punto ay ang magbahagi tungkol sa kung paano makakahanap ng mga prinsipyo sa mga salita ng Diyos at mauunawaan ang katotohanan.” Gayunpaman, gaano ka man magbahagi ng katotohanan, hindi sila nito matitinag at hindi nito mapapabago sa kanila ang kanilang mga prinsipyo at direksyon sa pagkilos at pag-asal. Anong uri ng disposisyon ito? Sa banayad na pananalita, ito ay pagmamatigas; sa marahas na pananalita, ito ay kalupitan. Sa katunayan, akma na tawagin itong malupit. Isipin ninyo ang isang lobo na may kagat na tupa, na tuwang-tuwa sa huli nito; kung makikipagtawaran ka rito, kung sasabihin mo, “Bibigyan kita ng kuneho kapalit niyan, at pakakawalan mo ang tupa, ha?” hindi ito papayag. Sasabihin mo, “Bibigyan kita ng baka, puwede ba iyon?” Hinding-hindi ito papayag. Kakainin muna nito ang tupa, at isusunod nito ang baka. Hindi ito makokontento sa isa lang; gusto nito pareho. Anong uri ng disposisyon ito? (Gahamang walang kasiyahan at lubhang malupit.) Napakalupit talaga nito! Gaya nito, pagdating sa lubhang malupit na disposisyon ng mga anticristo, hindi epektibo ang pagbabahagi ng katotohanan, pagpupungos o pagpapayo sa kanila. Wala sa mga ito ang makakapagbago ng napakalalim nilang paghahangad ng katayuan o ng pagnanais nilang kontrolin ang iba, maliban na lang kung aakitin mo sila gamit ang mas mataas na katayuan o mas maraming benepisyo. Kung hindi, ang nasa bibig na nilang huli ay hinding-hindi nila pakakawalan. Ano ang ibig sabihin ng ganap na pagtangging ito na bumitaw? Ibig sabihin nito na sa sandaling may partikular na silang katayuan, gagamitin nila ang pagkakataong ito para puspusang gumanap at ipakita ang mga sarili nila. Ipakita ang ano? Ang iba’t iba nilang talento at kaloob, ang kanilang pinagmulan, pinag-aralan, halaga, at ang katayuan nila sa lipunan, ipinagyayabang at ipinangangalandakan kung gaano sila kagaling at kahusay, kung paanong kaya nilang paglaruan at manipulahin ang mga tao, kung paanong kaya nilang udyukan ang mga tao. Pagkarinig dito ng mga taong walang katotohanan o pagkilatis, nadarama nilang napakagaling ng ganitong mga anticristo; bumababa ang tingin nila mismo sa mga sarili nila, at kusang loob silang nagpapasakop sa kontrol ng anticristo.

Ang ilang anticristo ay napakatuso at napakalalim magpakana. Kinakapitan nila ang isang kataas-taasang satanikong pilosopiya, na maging madalang magsalita sa anumang sitwasyon at huwag agad magpahayag ng paninindigan nila sa anumang sitwasyong kinakaharap nila, magsalita lang kapag talagang napilitang gawin ito. Buong ingat lang nilang inoobserbahan ang kilos ng lahat ng tao, na tila ba ang layunin nila ay ang lubusang maunawaan at makita nang malinaw ang mga tao sa paligid nila bago sila magsalita o kumilos. Tinutukoy muna nila kung sino ang pwede nilang maging biktima at katulong, at kanino sila kailangang mag-ingat bilang kanilang “kalabang politikal.” Minsan ay hindi sila nagsasalita o naninindigan, nananatili silang tahimik, pero sa loob nila ay nag-iisip at nagkakalkula sila; ang mga indibidwal na ito ay tuso sa puso nila at madalang magsalita. Masasabi ba ninyong ang ganitong tao ay lubos na masama? Kung hindi sila madalas magsalita, paano mo sila makikilatis? Madali ba silang mahalata? Napakahirap nito. Ang puso ng mga ganitong tao ay ganap na puno ng satanikong pilosopiya. Hindi ba’t ito ay mapanlinlang? Naniniwala ang mga anticristo na kung masyado silang magsasalita, palaging magpapahayag ng mga paniniwala nila at makikipagbahaginan sa iba, mahahalata sila ng lahat ng tao; iisipin nila na walang kalaliman ang anticristo, na isang ordinaryong tao lang ito, at hindi nila siya gagalangin. Ano ang ibig sabihin ng pagkawala ng paggalang sa anticristo? Ibig sabihin nito ay pagkawala ng kanilang iginagalang na katayuan sa puso ng iba, pagmumukhang pangkaraniwan, ignorante, at ordinaryo. Ito ang hindi nais makita ng mga anticristo. Samakatuwid, kapag nakikita nila ang ibang tao sa iglesia na palaging nagtatapat at umaamin ng kanilang pagiging negatibo, paghihimagsik laban sa Diyos, mga pagkakamaling ginawa nila kahapon, o ang hindi matiis na sakit na nadarama nila sa hindi pagiging tapat ngayon, itinuturing ng anticristo ang mga taong ito na hangal at walang muwang, dahil hindi nila mismo kailanman inaamin ang mga ganitong bagay, itinatago nila ang mga kaisipan nila. Ang ilang tao ay hindi palaging nagsasalita dahil sa mahinang kakayahan o simpleng pag-iisip, dahil sa kakulangan ng mga komplikadong kaisipan, pero kapag hindi palaging nagsasalita ang mga anticristo, hindi ito para sa parehong dahilan; ito ay problema ng disposisyon. Madalang silang magsalita kapag nakikipagtagpo sa iba at hindi sila handang magpahayag ng mga pananaw nila sa mga usapin. Bakit hindi nila ipinapahayag ang mga pananaw nila? Una, tiyak na wala silang katotohanan at hindi nila makita nang malinaw ang mga bagay-bagay. Kapag nagsalita sila, pwede silang magkamali at mahalata mismo; natatakot sila na maging mababa ang pagtingin sa kanila, kaya nagpapanggap sila na tahimik at nagpapanggap silang may malalim na kaunawaan, kaya nagiging mahirap para sa iba na timbangin sila, nagmumukha silang marunong at namumukod-tangi. Sa panlabas na ito, hindi nangangahas ang mga tao na maliitin ang anticristo, at dahil nakikita nilang mukhang kalmado at mahinahon ang panlabas ng mga anticristo, mas tumataas ang tingin nila sa mga ito at hindi sila nangangahas na insultuhin ang mga ito. Ito ang mapanlinlang at buktot na aspekto ng mga anticristo. Hindi sila handang ipahayag ang mga pananaw nila dahil ang karamihan sa mga pananaw nila ay hindi naaayon sa katotohanan, kundi pawang mga kuru-kuro at imahinasyon lang ng mga tao, hindi karapat-dapat na ilantad sa labas. Kaya, nananatili silang tahimik. Sa loob nila, nag-aasam silang makapagkamit ng kaunting liwanag na mailalabas nila para makapagkamit sila ng paghanga, pero dahil wala sila nito, tumatahimik sila at nagtatago tuwing ibinabahagi ang katotohanan, nagtatago sa dilim gaya ng isang multong naghihintay ng pagkakataon. Kapag nakita nila ang iba na nagsasalita ng liwanag, nag-iisip sila ng mga paraan para gawin itong kanila, ipinapahayag ito sa ibang paraan para magmayabang. Ganito katuso ang mga anticristo. Anuman ang gawin nila, nagsisikap silang mapansin at maging nakatataas, dahil doon lamang sila malulugod. Kung wala silang pagkakataon, hindi muna sila magpapapansin, at sasarilinin muna nila ang kanilang mga pananaw. Ito ang pagiging tuso ng mga anticristo. Halimbawa, kapag inilabas ng sambahayan ng Diyos ang isang sermon, ang ilang tao ay magsasabi na ito ay parang mga salita ng Diyos, at iisipin naman ng iba na ito ay mas tulad ng pagbabahagi mula sa Itaas. Sasabihin ng mga payak ang puso kung ano ang nasa isip nila, pero itatago ito ng mga anticristo, kahit na may opinyon sila tungkol dito. Magmamasid sila at maghahandang sumunod sa pananaw ng nakararami, pero sa katunayan sila mismo ay hindi talaga nakauunawa nito. Mauunawaan ba ng mga ganitong tuso at mandarayang tao ang katotohanan o magkakaroon ba sila ng tunay na pagkakilala? Ano ang malinaw na makikita ng isang taong hindi nakakaunawa sa katotohanan? Wala siyang anumang malinaw na makikita. Ang ilang tao ay hindi nakakaunawa ng mga bagay-bagay pero nagpapanggap na malalim; sa totoo lang, wala silang pagkakilala at natatakot silang mahahalata sila ng iba. Ang tamang saloobin sa ganitong sitwasyon ay: “Hindi namin maunawaan ang bagay na ito. Dahil hindi namin alam, dapat hindi kami magsalita nang hindi nag-iingat. Ang maling pagsasalita ay pwedeng magkaroon ng negatibong epekto. Maghihintay muna ako at titingnan ko kung ano ang sasabihin ng Itaas.” Hindi ba’t iyan ay pagsasalita nang matapat? Ito ay simpleng wika lang, pero bakit hindi ito sinasabi ng mga anticristo? Hindi nila gustong mahalata, dahil alam nila ang sarili nilang mga limitasyon; pero sa likod nito ay mayroong kasuklam-suklam na layunin—ang hangaan. Hindi ba’t ito ang pinakanakakasuya? Pagkatapos magsalita ng lahat ng tao, matapos makita na sinasabi ng karamihan na ito ay mga salita ng Diyos at may ilang nagsasabing hindi, nadarama rin ng anticristo na ang sermon ay maaaring hindi mga salita ng Diyos, pero hindi niya ito sasabihin nang diretso. Sasabihin niya, “Hindi ko pwedeng madaliin ang paghusga sa bagay na ito; sasang-ayon ako sa nakakarami.” Hindi niya aamining wala siyang kabatiran, sa halip ay gagamitin niya ang pamamaraang ito para magpanggap at magtago, habang iniisip na napakarunong niya, na napakagaling ng kanyang mga pamamaraan. Pagkatapos ng dalawang araw, kapag inanunsyo ng sambahayan ng Diyos na ang sermon ay mga salita ng Diyos, agad na sasabihin ng anticristo, “Tingnan mo, ano bang sinabi ko sa iyo? Alam ko nang mga salita iyon ng Diyos, pero nag-alala ako sa kahinaan ng ilan sa inyo na hindi nakakilala sa mga iyon, kaya hindi ko iyon masabi. Kung sinabi kong mga salita iyon ng Diyos, hindi ba’t hinuhusgahan ko kayo? Malulungkot kayo! Mapapanatag ba ako gayong alam ko kung gaano kayo kahina? Anong uri ako ng lider kung nagkagayon?” Isang eksperto sa pagpapanggap! May mga intensyon at layunin sa likod ng lahat ng sinasabi ng mga anticristo; tuwing ibinubuka nila ang mga bibig nila, ito ay para magyabang tungkol sa mga sarili nila, para ipagmayabang ang mga naabot nila, ang mga nagawa nilang mabuti dati, at ang mga nakalipas nilang tagumpay. Tuwing nagsasalita sila, tungkol iyon sa mga bagay na ito. Iniidolo sila ng mga taong hindi nakakahalata sa kanila, habang ang tingin sa kanila ng mga nakakahalata sa kanila ay lubhang mapanganib at mapanlinlang—hindi kailanman aamin ang anticristo sa mga pagkukulang nito. Palihim na kumikilos ang mga anticristo at malabo sila kung magsalita; karamihan sa mga sinasabi nila ay walang kabuluhan, at hindi nila mahalata ang anumang bagay o maunawaan ang anumang katotohanan. Ang mas masahol pa, nagpapanggap sila na nauunawaan nila ang katotohanan kahit na wala silang nauunawaan at gusto nilang makisali sa lahat ng bagay, gusto nilang sila ang magpasya at ang magkaroon ng huling salita sa lahat ng usapin, na iniiwan ang mga tao sa paligid nila na walang anumang karapatang makaalam. Anong sitwasyon ang kahihinatnan nito sa huli? Nadarama ng lahat ng taong nakikipagtulungan sa kanila o gumaganap ng tungkulin kasama nila na bagamat mukha silang matapat at handang magbayad ng halaga sa panlabas, hindi talaga iyon ang kaso. Kahit ang mga naging malapit sa anticristo nang ilang taon ay hindi sila nahahalata o hindi nalalaman kung ano talaga ang kaya nilang gawin—karamihan ng tao ay hindi sila nahahalata. Pawang mga kasinungaligan at walang kabuluhang salita ang sinasabi nila, mga salitang sinungaling at mapanlinlang. Gusto nilang makilahok sa lahat ng bagay at gumawa ng lahat ng desisyon, pero sa sandaling makapagpasya sila, hindi nila inaako ang anumang responsabilidad para sa mga posibleng resulta, at naghahanap sila ng mga dahilan para mapalusot ang pag-uugaling ito. Pagkatapos magpasya, sa iba nila ipagagawa ang gawain, habang sunod naman nilang pakikialaman ang ibang bagay. Pagdating naman sa kung nasusubaybayan ba ang orihinal na usapin, kung ito ba ay naipatutupad, kung epektibo ba ang pagpapatupad nito, kung may anumang opinyon ba ang karamihan tungkol sa pamamaraang ito, kung nakapipinsala ba ito sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung may pagkilatis ba rito ang mga kapatid, wala silang pakialam, kumikilos sila na para bang hindi nila ito inaalala, na wala itong kinalaman sa kanila—wala sila ni katiting na pakialam. Ano ang nag-iisang bagay na inaalala nila? Inaalala lang nila ang mga bagay kung saan sila makakapagyabang at makakakuha ng paghanga mula sa iba; hindi nila kailanman pinalalampas ang pagkakataong gawin iyon. Sa gawain nila, wala silang ginagawa kundi ang mag-utos at magpatupad ng mga regulasyon. Kaya lang nilang makipagtunggalian para sa kapangyarihan at magmanipula ng mga tao, habang nalulugod sa mga sarili nila at nag-iisip na mahusay sila sa kanilang gawain. Ganap silang walang kamalayan sa mga kahihinatnan ng kanilang paraan ng paggawa—na napipinsala nila ang mga piniling tao ng Diyos, na nagdudulot sila ng mga pagkagambala at pagkakagulo sa gawain ng iglesia. Hinahadlangan nila ang pagpapatupad ng kalooban ng Diyos, at sinusubukan nilang magtatag ng sarili nilang hiwalay na kaharian.

“Ang pagiging arbitraryo at diktatoryal, hindi kailanman pakikipagbahaginan sa iba, at pagpwersa sa iba na sundin sila”—ano ang pangunahing ipinapahiwatig ng pag-uugaling ito ng mga anticristo? Ang disposisyon nila ay buktot at malupit, at nagtataglay sila ng napakatinding pagnanais na kontrolin ang iba, na higit pa sa hangganan ng normal na pagkamakatwiran ng tao. Dagdag pa rito, ano ang pagkaunawa o pananaw at saloobin nila sa tungkuling ginagampanan nila? Paano ito naiiba sa mga taong tunay na gumaganap ng tungkulin nila? Ang mga tunay na gumaganap ng tungkulin nila ay naghahanap ng mga prinsipyo para sa ginagawa nila, na isang pangunahing hinihingi. Pero ano ang pagkaunawa ng mga anticristo sa tungkuling ginagampanan nila? Anong disposisyon at diwa ang nabubunyag sa pagganap nila ng tungkulin? Isang mataas na posisyon ang kinatatayuan nila at minamaliit nila ang mga nasa ibaba nila. Sa sandaling piliin silang mamuno, nagsisimula silang makita ang mga sarili nila bilang mga indibidwal na may katayuan at pagkakakilanlan. Hindi nila tinatanggap ang tungkulin nila mula sa Diyos. Sa sandaling makamit nila ang isang partikular na posisyon, nararamdaman nila na importante ang katayuan nila, na malaki ang kapangyarihan nila, at kakaiba ang pagkakakilanlan nila, kung kaya’t nagagawa nilang maliitin ang iba mula sa mataas nilang posisyon. Kasabay nito, iniisip nila na makapag-uutos sila at makakikilos sila ayon sa sarili nilang kaisipan, at na ni hindi nila kailangang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan na gawin ito. Iniisip nila na pwede nilang gamitin ang pagkakataon na gumanap ng tungkulin para matugunan nila ang pagnanasa nila sa kapangyarihan, para matugunan ang pagnanais at ambisyon nilang mamahala at mamuno sa iba nang may kapangyarihan. Pwedeng sabihin na pakiramdam nila ay sa wakas may pagkakataon na silang hindi hamunin ninuman ang kapangyarihan nila. Sinasabi ng ilan: “Ang mga pagpapamalas ng mga anticristo ay pagiging arbitraryo at diktatoryal, at hindi kailanman pakikipagbahaginan sa iba. Kahit na may disposisyon at paghahayag din ng mga anticristo ang aming lider, madalas siyang nakikipagbahaginan sa amin!” Ibig sabihin ba niyan ay hindi siya anticristo? Minsan, kayang magpanggap ng mga anticristo; pagkatapos ng isang beses na pakikipagbahaginan sa lahat ng tao at pag-unawa at pag-arok sa mga kaisipan ng lahat ng tao—pagtukoy sa kung sino ang umaayon sa kanya at sino ang hindi—kinakatergorya niya sila. Sa mga usapin sa hinaharap, makikipag-usap lang siya sa mga nakakasundo at nakakaayon niya. Madalas ay hindi niya ipinapaalam sa mga hindi umaayon sa kanya ang tungkol sa karamihan ng mga bagay, at baka ipagkait pa nga niya sa kanila ang mga aklat ng mga salita ng Diyos. Kailanman ay kumilos na ba kayo nang ganito, naging arbitraryo at diktatoryal, hindi nakikipagbahaginan sa iba kailanman? Tiyak na nangyayari ang pagiging arbitraryo at diktatoryal, pero hindi nangangahulugan na ito ang kaso ng hindi kailanman pakikibahagi sa iba; paminsan-minsan ay maaari kang makipagbahaginan. Gayunpaman, pagkatapos ng pagbabahaginan, magpapatuloy pa rin ang mga bagay-bagay gaya ng sinabi mo. Iniisip ng ilang tao: “Sa kabila ng ating pagbabahaginan, sa totoo lang ay matagal na akong nakagawa ng plano. Nakipagbahaginan ako sa iyo bilang pormalidad lang, para lang ipaalam sa iyo na may mga prinsipyo ako sa ginagawa ko. Iniisip mo bang hindi ko alam ang sukat mo? Sa huli, kailangan mo pa ring makinig sa akin at sundin ang paraan ko.” Sa katunayan, matagal na silang nakapagpasya sa mga puso nila. Naniniwala sila na, “Magaling akong magsalita at kaya kong paikutin ang anumang argumento para pumabor sa akin; walang sinumang hihigit sa pagsasalita ko, kaya natural lang na susunod sa akin ang takbo.” Napakaaga nilang ginawa ang mga kalkulasyon nila. May umiiral bang ganitong sitwasyon? Ang pagiging arbitraryo at diktatoryal ay hindi pag-uugali na aksidenteng naipapakita paminsan-minsan; ito ay kinokontrol ng isang partikular na disposisyon. Maaaring hindi ito mukhang pagiging arbitraryo at diktatoryal sa kanilang paraan ng pananalita o pagkilos, pero mula sa disposisyon nila at kalikasan ng mga kilos nila, talagang arbitraryo at diktatoryal sila. Dumadaan sila sa mga pormalidad at “nakikinig” sa mga opinyon ng iba, pinahihintulutang magsalita ang iba, ipinapaalam sa kanila ang mga detalye ng sitwasyon, tinatalakay kung ano ang hinihingi ng salita ng Diyos—pero gumagamit sila ng isang partikular na retorika o parirala para gabayan ang iba na magkaroon ng kasunduan sa kanila. At ano ang pinakahuling resulta? Nabubuo ang lahat ng bagay ayon sa plano nila. Ito ang kanilang masamang aspekto; ito rin ay tinatawag na pagpwersa sa iba na sundin sila, ito ay isang uri ng “banayad” na pamimilit. Iniisip nila, “Hindi ka nakikinig, tama? Hindi mo nauunawaan, tama? Hayaan mo akong magpaliwanag.” Sa pagpapaliwanag, hinahabi at pinaiikot-ikot nila ang mga salita nila, inaakay nila ang iba sa lohika nila. Pagkatapos silang akayin kung saan-saan, nakikinig ang mga tao at iniisip nila, “Tama ang sinasabi mo; magsasagawa kami gaya ng sinasabi mo, hindi na kailangan pang maging masigasig,” at nalulugod ang anticristo. Hindi makilatis ng karamihan sa mga tao ang mga salita nila. May pagkilatis ba kayo? Ano ang dapat ninyong gawin kapag naharap kayo sa ganitong sitwasyon? Halimbawa, kapag naharap ka sa isang bagay, nadarama mong may problema; hindi mo matukoy ang mismong problema sa panahong iyon, pero nadarama mong pinupwersa kang sumunod. Ano ang dapat mong gawin kung gayon? Dapat kang humanap ng mga nauugnay na prinsipyo, humanap ng paggabay mula sa Itaas, o makipagbahaginan sa tinutukoy na indibidwal. Dagdag dito, ang mga nakakaunawa sa katotohanan ay pwedeng sama-samang talakayin at pagbahaginan ang usaping ito. Minsan, papahintulutan ka ng gawain at gabay ng Banal na Espiritu na maunawaan ang mga problema sa mga mungkahi o teoryang inilalabas ng mga anticristo o ng mga tumatahak sa landas ng mga anticristo, at ang mga itinatago nilang motibo. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa isa’t isa, pwede kang makaunawa. Pero baka hindi ka nakikipagbahaginan, sa halip ay iniisip mong, “Hindi ito malaking isyu, hayaan mo siyang gawin ang gusto niya. Tutal, hindi naman ako ang pangunahing responsable, hindi ko kailangang mag-abala sa mga bagay na ito. Hindi ako mananagot kung may mangyaring mali; siya ang papasan nito.” Anong uri ng pag-uugali ito? Ito ay pagiging hindi tapat sa iyong tungkulin. Hindi ba’t ang pagiging hindi tapat sa tungkulin ay pagkakanulo sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Ito ay parang si Judas! Kapag nahaharap sa mapang-aping kapangyarihan, maraming tao ang nauuwi sa pakikipagkompromiso at pakikisama sa mga nagtataglay ng kapangyarihang ito, na isang pagpapamalas ng pagiging hindi tapat sa kanilang tungkulin. Nahaharap ka man sa isang anticristo o sa isang taong walang ingat na kumikilos at pumepwersa sa iyong sumunod sa kanya, ano ang mga prinsipyong dapat mong piliing itaguyod? Anong landas ang dapat mong tahakin? Kung nadarama mong ang ginagawa mo ay hindi tumataliwas o limilihis sa mga salita ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng gawain, dapat kang manindigan. Ang pagkapit sa katotohanan ay tama at sinasang-ayunan ng Diyos, pero ang pagyuko at pakikipagkompromiso kay Satanas, sa mga buktot na pwersa, sa masasamang tao, ay ugali ng pagkakanulo, ito ay masamang gawain, na kinamumuhian at isinusumpa ng Diyos. Kapag nakaharap ng mga anticristo ang isang taong nakikipagtalo sa kanila, madalas nilang sinasabi, “Ako ang may huling salita sa usaping ito, at dapat itong gawin sa paraan ko. Kapag may maling nangyari, ako ang aako ng responsabilidad!” Anong disposisyon ang kinakatawan ng pahayag na ito? Maaari bang magkaroon ng normal na pagkatao ang taong nagsasalita at nagsasagawa nang ganito? Bakit nila pinupwersa ang iba na sundin sila? Bakit hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga isyu kapag lumilitaw ang mga ito? Bakit hindi nila matukoy ang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa katotohanan? Pinatutunayan nito na wala silang katotohanan. Natutukoy ba ninyo ang problema sa pahayag na ito? Ang pagsasabi ng mga ganitong bagay ay sapat na para patunayan na taglay nila ang disposisyon ng isang anticristo; ito ay pag-uugali ng isang anticristo. Gayunpaman, ang mas tusong anticristo, sa takot na makilala ng iba, ay dapat magsalita ng ilang bagay na sinasang-ayunan ng lahat at na mukhang tama para makamit nito ang layunin nitong ilihis ang mga tao at magkaroon ng mapanghahawakan. Pagkatapos, pag-iisipan nito kung paano kontrolin ang mga hinirang na tao ng Diyos.

Dapat marami ang mga pagpapamalas ng mga anticristo ng pagiging arbitraryo at diktatoryal, dahil ang ganitong uri ng pag-uugali, disposisyon, at kalidad ay makikita sa bawat tiwaling tao, lalo na sa mga anticristo. May naiisip ba kayong ilang halimbawa kung saan naging arbitraryo at diktatoryal kayo? Halimbawa, kung sasabihin ng isang tao na bagay sa iyo ang maikling buhok, at sasabihin mong, “Ano ang maganda sa maikling buhok? Mas gusto ko ang mahabang buhok, at gagawin ko kung anong gusto ko,” arbitraryo at diktatoryal ba ito? (Hindi.) Iyan ay personal na kagustuhan lang, isang parte ng normal na pagkatao. Gusto ng ilang tao na magsuot ng salamin kahit na hindi naman malabo ang tingin nila sa malayo. Kung may mga taong manghuhusga sa kanila, magsasabi sa kanilang, “Gusto mo lang pumorma, hindi mo naman talaga kailangan ng salamin!” at tutugon sila, “Ano naman kung ganoon nga ako? Susuotin ko pa rin ito!”—arbitraryo at diktatoryal ba ito? Hindi, personal na kagustuhan ito, at sa pinakamalala na ay pagiging sutil, at walang anumang problema sa kanilang disposisyon; maaaring tumigil silang magsuot ng salamin pagkatapos ng ilang araw kung gugustuhin nila. Kung gayon, ano ang pangunahing bumubuo sa pagiging arbitraryo at diktatoryal? Pangunahing may kinalaman dito ang landas na tinatahak ng isang tao, ang disposisyon niya, at ang mga prinsipyo at motibasyon sa likod ng mga kilos niya. Halimbawa, sa pagsasama ng mag-asawa kung saan mahilig ang asawang lalaki sa mga kotse at may 160,000 piso lang ang pamilya, at humiram ang asawang lalaki ng pera mula sa kung saanman pwede para bumili ng kotseng hindi naman nila kailangan sa halagang 1,650,000 piso, kung kaya’t hindi na makakabili ng pagkain ang pamilya, at hindi man lang alam ng asawang babae ang tungkol sa binili, ang asawang lalaki ba ay naging arbitraryo at diktatoryal? Ito nga ay pagiging arbitraryo at diktatoryal. Ang ibig sabihin ng pagiging arbitraryo at diktatoryal ay hindi pagsasaalang-alang sa mga damdamin, kaisipan, opinyon, saloobin, o pananaw ng iba, pagtutuon lang sa sarili. Sa madaling salita, sa pang-araw-araw na buhay, ibig sabihin nito ay pagpapalugod sa mga kasiyahan at pagnanais ng laman, pagpapalugod ng pagiging makasarili ng isang tao, at kapag may kasangkot nang tungkulin, tumutukoy ito sa pagpapalugod ng ambisyon at pagnanais ng isang tao na maghangad ng katayuan at kapangyarihan. Narito ang isang halimbawa: May isang bahay ang iglesia, at kailangang magtayo ng kalye katabi nito. Ang tamang lapad ng kalye ay dapat batay sa sukat ng bahay at bakuran, parehong nilalayon ang kagandahan nito at ang praktikalidad nito. Sa lawak ng espasyo ng bahay at bakurang ito, kailangang hindi bababa sa dalawang metro ang lapad ng kalye. Sinabi ng nangangasiwa: “Nagpasya na ako, gagawin natin itong isang metro ang lapad.” Sinabi ng iba, “Maraming taong pumapasok at lumalabas dito araw-araw, at minsan may mga dala kaming bagay; hindi pwede ang isang metro, masyadong makipot.” Pero ipinilit ng nangangasiwa ang sarili niyang pananaw, at hindi siya bukas sa talakayan. Pagkatapos nito, nakita ng lahat ng tao na napakakipot ng kalye; hindi ito akma sa bahay at bakuran at hindi praktikal—kailangan itong ulitin, na nauwi sa pag-ulit ng gawain. Pagkatapos ay nagreklamo ang lahat tungkol sa taong ito. Ang totoo, bago magsimula ang paggawa ng kalye, may ilang tao nang tumutol, pero hindi sumang-ayon ang taong ito at ipinilit niya ang sarili niyang pananaw, pinupwersa ang iba na gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga kagustuhan niya, na nagdulot ng mga ganitong kahihinatnan. Bakit hindi matanggap ng taong ito ang mga mungkahi ng iba? Kapag may mga nagkakaibang opinyon, bakit hindi niya maisaalang-alang ang lahat ng aspekto at mahanap ang tamang pamamaraan? Kung walang sinumang makakausap, ayos lang na gumawa ng sariling desisyon, pero ngayon na may mga taong makakausap at may mas magagandang mungkahi, bakit hindi niya matanggap ang mga ito? Anong uri ng disposisyon ito? May dalawa o higit pang posibilidad: Ang isa ay na hindi nag-iisip ang taong iyon o magulo ang kanyang isip; ang isa pa ay na masyadong mayabang at nagmamagaling ang disposisyon niya, palagi niyang pakiramdam na tama siya, hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi ng iba gaano man ito katama—napakayabang nito na nagdudulot ito ng pagkawala ng katwiran. Ibinunyag ng ganito kasimpleng usapin ang disposisyon niya. Ang labis na kayabangan ay nagdudulot ng pagkawala ng katwiran. Ano ang ibig sabihin ng pagkawala ng katwiran? Anong uri ng bagay ang walang katwiran? Walang katwiran ang mga hayop. Kung walang katwiran ang isang tao, hindi siya naiiba sa isang hayop; walang kakayahan ang isip niya na humusga, at wala itong pagkamakatwiran. Kung naging napakayabang na ng isang tao na nawalan na siya ng katwiran, at wala na siyang pagkamakatwiran, hindi ba’t kapareho lang niya ang mga hayop? (Oo.) Ganoon nga talaga siya; ang ibig sabihin ng kawalan ng pagkamakatwiran ng tao ay hindi siya tao. May taglay bang ganitong pagkamakatwiran ang mga anticristo? (Wala.) Lalo nang wala nito ang mga anticristo; mas masahol pa sila sa mga hayop, mga diyablo sila. Gaya nga nang tanungin ng Diyos si Satanas, “Saan ka nanggaling?” Ang tanong ng Diyos ay talagang napakalinaw; anong mensahe ang ipinarating ng Diyos? (Tinanong Niya si Satanas kung saan ito nanggaling.) Kitang-kita naman na nagtatapos ang pangungusap na ito sa isang tandang pananong; tanong ito, na tumutukoy kay “Satanas” na may paksang “ka:” “Saan ka nanggaling?” Angkop ang balarila, at madaling unawain ang tanong ng Diyos. Paano tumugon si Satanas? (“Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon” (Job 1:7).) Ito ang kilalang kasabihan ni Satanas. Nagpapakita ba ng anumang pagkamakatwiran ang sagot ni Satanas? (Hindi.) Wala itong pagkamakatwiran. Nang tanungin muli ito ng Diyos kung saan ito nanggaling, inulit lang nito ang parehong sagot, na para bang hindi nito nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Kaya bang maunawaan ng mga tao ang sinabi ni Satanas? May anumang pagkamakatwiran ba ang pananalita nito? (Wala.) Wala itong pagkamakatwiran—kung gayon, nakakaunawa ba ito ng katotohanan? Kahit sa ganito kasimpleng tanong mula sa Diyos, tumugon ito nang ganoon; lalo nang hindi nito kayang maunawaan ang mga katotohanang sinasabi ng Diyos. Pwedeng sabihin na wala ring pagkamakatwiran ang mga anticristo; ang lahat ng mapanlinlang na kumikilos, hindi nakakaunawa sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan ay hindi makatwiran. Gaano karami man ang sinasabi mo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan, pagkilos nang ayon sa mga prinsipyo, at paghahanap ng mga prinsipyo at pakikipagbahaginan sa iba habang gumaganap ng tungkulin—na sinasabi nilang nauunawaan at nalalaman nila—pagdating sa pagkilos, hindi nila isinasapuso ang mga salita mo at ginagawa lang nila ang gusto nila. Ito ay makademonyong kalikasan! Ang mga may ganitong makademonyong kalikasan ay hindi nakakaunawa sa katotohanan at walang pagkamakatwiran. Ano ang pinakahindi makatwiran at walang kahihiyang aspekto nila? Nilikha ng Diyos ang mga tao, at pinipili ng Diyos ang mga tao at dinadala Niya sila sa harap Niya para sa anong layunin? Ito ay para ipaintindi at ipaunawa sa mga tao ang mga salita ng Diyos, para ipatahak sa kanila ang tamang landas sa buhay gaya ng idinirekta ng Diyos, at sa huli ay matukoy nila kung alin ang tama at mali, kung alin ang mga positibo at negatibong bagay. Ito ang nilalayon ng Diyos; sa ganitong paraan, ang mga sumusunod sa Diyos ay bumubuti nang bumubuti. At saan aabot ang pagiging di-makatwiran ng mga anticristo? Iniisip nila, “Diyos ko, dinadala Mo ang mga tao sa harapan Mo, kaya iyan din ang gagawin ko; pwede Kang pumili ng mga tao, at mamatnugot at mamuno sa kanila, kaya ganyan din ang gagawin ko; napapasakop Mo ang mga tao at napapakinig Mo sila sa Iyo, nakakapagbigay Ka ng mga direktang utos at napapasunod Mo sila sa sinasabi Mo, kaya ganyan din ang gagawin ko.” Hindi ba’t di-makatwiran ito? (Oo.) Hindi ba’t ang ibig sabihin ng pagiging di-makatwiran ay wala silang kahihiyan? (Oo.) Sa iyo ba ang mga tao? Dapat ka ba nilang sundin? Bakit sila dapat makinig sa iyo? Isa ka lang sa mga napakaliliit na nilikha, bakit ka nangangarap maging higit sa lahat? Hindi ba’t pagiging di-makatwiran ito? (Oo.)

Mapalad ang ilang tao na mapili bilang mga lider sa iglesia, pero ang totoo, hindi umabot sa pamantayan ang mga kakayahan at tayog nila. Ang pagiging lider ay isang mataas na karangalan mula sa Diyos, pero hindi ganoon ang tingin nila rito. Sa halip, iniisip nila, “Bilang lider, mas magaling at mas mataas ako sa iba; hindi na ako isang ordinaryong tao lang. Habang kailangan ninyong lahat na yumuko at sumamba nang may pagkamasunurin sa harap ng Diyos, hindi ko kailangang gawin iyon, dahil iba ako sa inyong lahat; mga nilikha kayong lahat, pero ako ay hindi.” Kung gayon ano ka? Hindi ba’t laman at dugo ka rin? Paano ka naiiba sa iba? Ang kaibahan ay nasa kawalan mo ng kahihiyan; wala kang pagpapahalaga sa karangalan at katwiran, ni hindi ka maikukumpara sa isang aso. Kumikilos ka nang arbitraryo at diktatoryal, wala kang pinapakinggang payo mula sa iba—iyan ang kaibahan. Gaano man kababa ang mga kakayahan nila o kababa ang kahusayan nila sa paggawa ng mga bagay, iniisip pa rin nila na mas magaling sila sa karaniwang tao, naniniwala sila na may kakayahan at talento sila. Kaya, hindi sila nakikipagpulong sa iba para magkaroon ng kasunduan anuman ang gawin nila, iniisip nila na kwalipikado sila o may ganap silang kakayahan para kontrolin ang lahat ng bagay. Hindi ba’t ang kayabangang ito ay humahantong sa kawalan ng katwiran? Hindi ba’t kawalan ito ng kahihiyan? (Oo.) Bago maging isang lider, kumilos sila nang may kahihiyan; naniwala sila na may talento at kakayahan sila, at may itinatago silang ambisyon sa mga kilos nila, pero wala lang silang pagkakataon. Noong sandaling naging lider na sila, ibinukod nila ang mga sarili nila sa mga kapatid, ipinagpalagay nila na mas mataas ang posisyon nila. Nagsimula silang kumilos nang nakakataas, ipinapakita ang tunay nilang kulay; nagsimula silang mag-isip na kaya nilang abutin ang matatayog na bagay, naniniwalang, “Tamang tao ang pinili ng sambahayan ng Diyos; talagang may talento ako—sa kalaunan, ang tunay na ginto ay nakatadhanang kuminang. Tingnan ninyo ako ngayon: Kinilala ako ng Diyos, hindi ba?” Hindi ba’t kasuklam-suklam ito? (Gayon nga.) Isa ka lang sa mga ordinaryong nilikha; gaano man kahusay ang mga kaloob at talento mo, ang tiwaling disposisyon mo ay kapareho lang ng sa iba. Kung iniisip mo na natatanging pambihira ka at iniisip mo na mas mataas ka, gustong umangat sa lahat ng iba, na maging mas mataas sa lahat ng bagay, kung gayon ay nagkakamali ka. Dahil sa maling akala na ito, kumikilos ka nang arbitraryo at diktatoryal, nang walang pakikipagbahaginan o pakikipagkasunduan sa iba, at pinapangarap mo pa ngang masiyahan sa pagsunod at pag-ayon ng iba sa iyo, na mali. Nasaan ang pagkakamali? (Sa pagpapalagay ng maling posisyon.) Bakit laging tumatayo sa maling posisyon ang mga anticristo? Isang bagay ang tiyak; na maaaring hindi pa ninyo napapagtanto: May isang bagay na nasa pagkatao nila na wala sa iba; lagi silang may isang uri ng maling akala. Paano nagkakaroon ng ganitong maling akala? Hindi ito ibinigay ng Diyos, kundi ni Satanas. Ang lahat ng ginagawa nila, ang lahat ng ibinubunyag at ipinapahayag nila, ay hindi likas na gawi na nasa normal na saklaw ng pagkatao, kundi ito ay pinapatakbo ng isang panlabas na kapangyarihan. Bakit sinasabi na mapanlinlang ang mga kilos nila, at na hindi makontrol ang mga ambisyon at pagnanais nila? Lumampas na sa limitasyon ang pagnanais nilang kontrolin ang mga tao. Ano ang ibig sabihin ng paglampas sa limitasyon? Ibig sabihin nito na gagamitin nila ang anumang paraan, hihigitan nila ang pagkamakatwiran at pagkadama ng kahihiyan; hindi ito napipigilan, gaya ng isang spring—bumaba man ito nang panandalian kapag diniinan mo, pero sa sandaling bitawan mo ito, tatalbog ito pataas. Hindi ba’t ganito ang makonsumo ng pagnanais at mahumaling? Hindi talaga ito pagmamalabis.

Saanman may kapangyarihan ang mga anticristo sa isang iglesia, ang iglesiang iyon ay hindi na matatawag na iglesia. Dapat maramdaman ito ng mga nakaranas nito. Hindi ito pagkadama ng katahimikan, kagalakan, at sama-samang pag-angat, kundi ng magulong di-pagkakasundo. Partikular na nadarama ng lahat ng tao na hindi sila mapakali at hindi sila komportable, hindi nila madama ang kapayapaan sa puso nila, na para bang may ilang malaking sakunang mangyayari. Ang mga salita at kilos ng mga anticristo ay nagdudulot ng kalagayan kung saan nagiging malabo ang puso ng mga tao, nawawalan sila ng kakayahang makilala kung alin ang mga positibo at kung alin ang mga negatibong bagay. Dagdag pa rito, lumalayo ang puso ng mga tao sa Diyos dahil matagal silang nalilihis ng mga anticristo, na humahantong sa di-normal na relasyon sa Diyos, gaya ng mga tao sa relihiyon na sa pangalan ay nananalig sa Diyos pero walang lugar para sa Kanya sa mga puso nila. May isa ring totoong isyu, na kapag may kapangyarihan ang mga anticristo, nagdudulot ito ng pagkakawatak-watak at kaguluhan sa loob ng iglesia. Walang madamang kasiyahan o kalayaan sa mga pagtitipon ang mga nagmamahal sa katotohanan at dahil dito, gusto nilang umalis sa iglesia para manalig sa Diyos sa bahay. Kapag kumikilos ang Banal na Espiritu sa isang iglesia, nauunawaan man o hindi ng mga tao ang katotohanan, nagkakaisa ang lahat ng tao sa puso at pagsisikap, na lumilikha ng mas mapayapa at mas panatag na kalagayan, na walang pagkabagabag. Gayunpaman, tuwing kumikilos ang mga anticristo, may dala silang kalagayang di-mapanatag at nakakatakot. Humahantong ang pakikialam nila sa pagkakaroon ng mga paksyon, at nagiging depensibo ang mga tao laban sa isa’t isa, nagiging mapanghusga sila sa isa’t isa, at inaatake nila ang isa’t isa, sinisiraan ang isa’t isa kapag nakatalikod sila. Malinaw naman na ano ba ang ginagampanang papel ng mga anticristo? Sila ay mga alagad ni Satanas. Ang mga kahihinatnan ng mga kilos ng mga anticristo ay: Una, panghuhusga, paghihinala, at pag-iingat ng mga kapatid sa isa’t isa; pangalawa, ang pagkawala ng mga hangganan sa pagitan ng mga lalaki at babae, na unti-unting humahantong sa di-angkop na pakikipag-ugnayan; at pangatlo, sa puso nila, nagiging malabo para sa mga tao ang mga pangitain, at tumitigil silang tumutok sa pagsasagawa ng katotohanan. Hindi na nila alam kung paano kumilos nang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Nawawala ang kakaunting pagkaunawa sa mga doktrina na dating mayroon sila, nagiging malabo ang isip nila, at pikit-mata silang sumusunod sa mga anticristo, pinagtutuunan lang nila ang pagpapakaabalang gumawa ng mabababaw na gawain. Nadarama ng ilang tao na walang patutunguhan ang pagsunod sa mga anticristo; kung pwede sanang ang mga naghahangad lang ng katotohanan ang magtitipon at sama-samang gagawa ng mga tungkulin, ang saya sana niyon! Sa sandaling magkaroon ng kapangyarihan ang mga anticristo sa iglesia, tumitigil ang Banal na Espiritu sa paggawa, at sumasapit ang kadiliman sa mga kapatid. Nagiging malamlam ang pananalig sa Diyos at pagganap sa mga tungkulin. Kung magtutuloy-tuloy ito nang matagal, hindi ba’t iwawaksi ng Diyos ang karamihan sa mga kapatid?

Ngayon, sa isang banda, hinimay natin ang mga pagpapamalas ng mga arbitraryo at diktatoryal na pag-uugali ng mga anticristo. Sa isa pang banda, sa paghihimay ng mga pagpapamalas na ito, ipinapaalam sa lahat na kahit pa hindi ka anticristo, ang pagkakaroon ng mga ganitong pagpapamalas ay nag-uugnay sa iyo sa katangian ng mga anticristo. Pagpapamalas ba ng normal na pagkatao ang pagkilos sa isang paraang arbitraryo at diktatoryal? Talagang hindi; maliwanag na ito ay pagpapakita ng isang tiwaling disposisyon. Gaano man kataas ang iyong katayuan o gaano man karami ang mga tungkuling kaya mong gampanan, kung matututo kang makipagbahaginan sa iba, itinataguyod mo ang mga prinsipyo ng katotohanan, na siyang pinakamababang hinihingi. Bakit sinasabi na ang pagkatutong makipagbahaginan sa iba ay katumbas ng pagtataguyod sa mga prinsipyo? Kung natututo kang makipagbahaginan, pinapatunayan nito na hindi mo tinatrato ang iyong katayuan bilang paraan para kumita o masyadong sinerseryoso ito. Gaano man kataas ang katayuan mo, ginagampanan mo ang tungkulin mo. Kumikilos ka alang-alang sa pagganap ng tungkulin mo, hindi para sa katayuan. Kasabay nito, kapag nahaharap ka sa mga problema, kung matututunan mong makipagbahaginan at kaya mong maghanap at makipagbahaginan sa mga ordinaryong kapatid man o sa mga taong katulong mo sa trabaho, ano ang pinapatunayan nito? Ipinapakita nito na may saloobin ka ng paghahanap at pagpapasakop sa katotohanan, na unang sumasalamin sa saloobin mo sa Diyos at sa katotohanan. Higit pa riyan, ang pagganap mo ng iyong tungkulin ay responsabilidad mo, at ang paghahanap mo sa katotohanan sa gawain mo ay ang landas na dapat mong tahakin. Pagdating naman sa kung paano tumutugon ang iba sa mga desisyon mo, kung kaya ba nilang magpasakop o kung paano sila magpasakop, sila na ang bahala roon; pero responsabilidad mo kung maayos mo bang magagampanan ang tungkulin mo at maaabot ang mga pamantayan. Dapat mong maunawaan ang mga prinsipyo ng pagganap ng tungkulin; hindi ito tungkol sa pagpapasakop sa ilang indibidwal kundi pagpapasakop sa mga katotohanang prinsipyo. Kung pakiramdam mo ay nauunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo at, sa pakikipagbahaginan sa ibang tao, may napagkakasunduan kayo na sinasang-ayunan ng lahat bilang naaangkop, pero may ilang hindi nakikiisa at gustong manggulo, ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Sa kasong ito, dapat sundin ng kakaunti ang nakararami. Dahil nagkaroon ang karamihan ng mga tao ng isang kasunduan, bakit sila lumalabas para gumawa ng gulo? Sinasadya ba nilang subukang manira? Pwede nilang ipahayag ang mga opinyon nila para makilatis sila ng lahat ng tao, at kung sasabihin ng lahat na hindi naaayon ang mga opinyon nila sa mga prinsipyo at hindi mapangangatwiranan ang mga ito, dapat nilang talikuran ang mga pananaw nila at bitawan ang mga ito. Ano ang prinsipyo ng pagharap sa usaping ito? Dapat itaguyod ng isang tao kung ano ang tama at hindi pilitin ang iba na sundin kung ano ang mali. Nauunawaan ba ninyo? Sa katunayan, bago magpakita ng ganitong pag-uugali ang mga anticristo at magsagawa ng pagiging arbitraryo at diktatoryal, may mga sariling plano na silang naisip. Talagang hindi tumutukoy ang pagiging arbitraryo at diktatoryal sa paggawa ng tamang bagay o pagsasagawa sa katotohanan. Tiyak na tumutukoy ito sa paggawa ng mali at ng mga lumalabag sa katotohanan, pagtahak sa maling landas, at paggawa ng maling desisyon habang umaasa pa rin na pakinggan sila ng iba. Ito ang tinatawag na pagiging arbitraryo at diktatoryal. Kung ang isang bagay ay tama at umaayon sa katotohanan, dapat itong sundin. Hindi ito pagiging arbitraryo at diktatoryal; ito ay pagsunod sa mga prinsipyo. Dapat pag-ibahin ang dalawang ito. Ano ang pangunahing tinutukoy ng pagiging arbitraryo at diktatoryal ng mga anticristo? (Ang paggawa ng mga bagay na hindi naaayon sa mga prinsipyo o sa katotohanan, at pagpapasunod pa rin sa iba.) Tama, anumang sitwasyon ang dumating o anumang problema ang hinaharap, hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo kundi nagpapasya sila batay sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Alam nila sa puso nila na ang paggawa nito ay labag sa mga prinsipyo pero gusto pa rin nilang makinig at magpasakop ang iba. Ito ang di-nagbabagong pamamaraan ng mga anticristo.

Nang unang magsimula ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, dinala ng ilang tao ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao sa mga relihiyosong pangkat para ipangaral ang ebanghelyo. Ang mga relihiyosong tao, pagkatapos magbasa ng mga salita ng Diyos na nagbubunyag ng mga misteryo, nagbabahagi ng mga pangitain, at nagtatalakay ng buhay pagpasok, ay lahat nagsabing napakaganda ng mga iyon. Gayunpaman, may nakita silang ilang salita ng paghatol at paglalantad sa mga tao na masyadong marahas ang pagkakasabi. Pakiramdam nila ay pinagagalitan sila at hindi nila ito matanggap, sinasabing, “Pwede bang magsalita ang Diyos sa paraan na pinagagalitan ang mga tao? Sa pinakamataas na, ang mga salitang ito ay parang isinulat ng isang marunong na tao.” Sinabi ng taong responsable sa pagpapalaganap ng ebanghelyo na may solusyon siya. Kinalaunan, binago niya ang lahat ng bahagi ng mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro, imahinasyon, at panlasa ng mga tao, gayundin ang mga salitang kinatatakutan niyang mag-uudyok sa mga taong magkaroon ng mga kuru-kuro pagkatapos nilang basahin ang mga ito. Halimbawa, tinanggal ang lahat ng salitang ginamit ng Diyos para isiwalat ang kalikasan ng tao, gaya ng “patutot,” “babaeng bayaran,” “tampalasan,” at ang mga pariralang gaya ng “itapon sa impiyerno” at “itapon sa lawa ng apoy at asupre.” Sa madaling salita, ang lahat ng salitang pwede agad na magdulot ng mga kuru-kuro o di-pagkakaunawaan ay ganap na tinanggal. Sabihin ninyo sa Akin, pagkatapos tanggalin ang mga salitang ito ng paghatol, pagkondena, at pagsumpa mula sa mga salita ng Diyos, nananatili bang mga orihinal na salita ng Diyos ang mga ito? (Hindi na.) Ang mga ito pa rin ba ang mga salitang ipinahayag ng Diyos sa gawain Niya ng paghatol? Hindi nakipagpulong kaninuman ang “matandang ginoo” na ito at tinanggal niya ang marami sa mga salita ng Diyos na sadyang marahas tungkol sa pagpipino at paglalantad sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, lalo na iyong mga tumutukoy sa panahon ng pagsubok sa mga tagapagserbisyo. Kalaunan, nang mabasa ng mga relihiyosong tao ang binagong bersyon, sinabi nila, “Pwede na, kaya naming manalig sa ganitong Diyos,” at tinanggap nila ito. Naisip ng matandang ginoo, “Tingnan ninyo kung gaano ako katalino! Hindi maganda na maging marahas ang mga salita ng Diyos. Ang mga taong iyon, kailangan lang silang suyuin—paano mo nasabi ang mga bagay na pwedeng mapagkamalan bilang pagpapagalit? Hindi magandang ideya iyon! May ginawa akong ilang pagbabago, at tingnan ninyo kung anong nangyari: Kahit ang mga relihiyosong pastor ay handang manalig, at parami nang parami ang mga taong tumatanggap dito. Anong masasabi ninyo? Hindi ba’t marunong ako? Hindi ba’t matalino ako? Hindi ba’t talagang kahanga-hanga iyon?” Dahil sa mga resulta ng mga ginawa niyang pagbabago, labis niyang ipinagmalaki ang sarili niya. Gayunpaman, nakita ng ilang relihiyosong taong pumasok ng iglesia na ang mga salita ng Diyos na binasa nila ay binago at naiiba sa mga orihinal na teksto sa iglesia, at naungkat ang isyung ito. Natuklasan kinalaunan na binago ng matandang ginoong ito ang nilalaman ng mga salita ng Diyos. Ano ang tingin ninyo sa ginawa ng matandang ginoong ito? Huwag na tayong magbanggit ng anupaman at sabihin na lang natin: Hindi sa iyo ang mga salitang iyon, wala kang karapatang baguhin ang mga iyon. Kahit pa ito ay isang artikulo o aklat na isinulat ng tao, kung may gusto kang baguhin, dapat mo munang hingin ang pahintulot ng orihinal na manunulat. Kung papayag siya, pwede mong baguhin. Kung hindi siya papayag, hinding-hindi mo pwedeng baguhin ni isang salita. Ito ay tinatawag na paggalang sa manunulat at sa mga mambabasa. Kung walang lakas ang manunulat na gumawa ng mga pagbabago at binigyan ka niya ng awtoridad, sinasabi na pwede mong baguhin ang anumang bagay basta’t mananatili itong tapat sa orihinal na kahulugan at makakamit nito ang ninanais na epekto, pwede ka bang gumawa ng mga pagbabago? (Oo.) Kung ibinigay ng manunulat ang pahintulot o awtorisasyon niya, pwedeng gawin ang mga pagbabago. Ano ang tawag sa ganitong uri ng pag-uugali? Ito ay mapangangatwiranan, lehitimo, at nararapat, hindi ba? Pero paano kung hindi sumang-ayon ang manunulat at binago mo ito nang walang awtorisasyon? Ano ang tawag doon? (Pagiging walang ingat at sutil.) Tinatawag iyon na pagiging walang ingat at sutil, arbitraryo at diktatoryal. Ngayon, ano ang binago ng matandang ginoong ito? (Ang mga salita ng Diyos.) Ang mga orihinal na salita ng Diyos, na nagpapahayag ng lagay ng loob, disposisyon, at mga layunin ng Diyos sa sangkatauhan. Makahulugan ang mga salita ng Diyos sa paraan ng pagkakasabi sa mga ito. Alam mo ba ang lagay ng loob, layunin, at ninanais na epekto sa likod ng bawat salitang binigkas ng Diyos? Kung hindi mo ito maarok, bakit pikit-mata kang gagawa ng mga pagbabago? Ang bawat pangungusap na binigkas ng Diyos, ang pagpili ng mga salita, ang tono, at ang kalagayan, lagay ng kalooban, at mga emosyong ipinaparamdam ng mga ito sa mga tao, ay lahat buong ingat na binuo at pinag-isipan. May pagpapasya at karunungan ang Diyos. Ano ang inisip ng matandang ginoong ito? Sa tingin niya ay walang karunungan ang pamamaraan ng Diyos ng pananalita. Iyon ang tingin niya sa gawain ng Diyos. Naniwala siyang, “Ang mga nasa relihiyon na nagnanais lang na mabusog sa tinapay ay kailangang suyuin at tratuhin nang may pag-ibig at awa. Hindi pwedeng ganito karahas ang mga salita. Kung masyadong marahas ang mga ito, paano maipapalaganap ang ebanghelyo? Mapapalaganap pa ba ang ebanghelyo kapag nagkagayon?” Hindi ba’t alam ito ng Diyos? (Oo.) Alam na alam ng Diyos. Kung gayon, bakit ganito pa rin Siya magsalita? Ito ang disposisyon ng Diyos. Ano ang disposisyon ng Diyos? Ang magsalita sa pamamaraan Niya, manalig ka man o hindi. Kung nananalig ka, isa ka sa mga tupa ng Diyos; kung hindi naman, isa kang lobo. Inilalantad at medyo pinagagalitan ka ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay tumatanggi ka nang kilalanin na mananampalataya ka ng Diyos? Ano, hindi ka na ba nilikha ng Diyos? Tumigil na bang maging Diyos ang Diyos? Kung kaya mong ikaila ang Diyos dahil dito, masamang tao ka, isang diyablo. Hindi inililigtas ng Diyos ang mga ganitong tao, kaya hindi sila dapat pinipilit o sinusuyong tanggapin ng iglesia. Sinasabi ng ilang tao: “Kahit pa pagalitan ako ng Diyos, masaya akong pumapayag. Kung Siya ay Diyos, maililigtas Niya ako. Kung pababagsakin Niya ako, nararapat ito. Kung tatawagin Niya akong naguguluhan, naguguluhan nga ako, mas naguguluhan pa sa magulo ang isip; kung tatawagin Niya akong patutot, kahit na hindi mukhang nakagawa na ako ng mga bagay na ginagawa ng isang patutot, dahil sinabi ito ng Diyos, kikilalanin at tatanggapin ko ito.” Napakasimple ng kanilang pananalig, pagkilala, at pagtanggap, at napakasimple ng kanilang pusong mapagmahal sa Diyos. Nais ng Diyos na makamit ang mga ganitong tao. Naiisip ng ilang tao na masyadong marahas at masakit ang mga salita ng Diyos, pakiramdam nila ay hindi sila makakatanggap ng mga pagpapala, at kaya ayaw na nilang manalig. Iniisip nila, “Kahit pa Ikaw ang Diyos, hindi ako mananalig sa Iyo. Kung magsasalita Ka nang ganito, hindi Kita susundin.” Kung gayon, umalis ka na! Kung ni hindi mo kinikilala ang Diyos, paano ka makikilala ng Diyos bilang nilikha Niya? Imposible iyon! Inilatag dito ang mga salita ng Diyos; manalig ka man o hindi, ikaw ang bahala. Kung hindi ka mananalig, umalis ka na. Ikaw ang mawawalan. Kung mananalig ka, magkakaroon ka ng kaunting pag-asa na maligtas. Hindi ba’t patas ito? (Oo.) Pero ganito ba mag-isip ang matandang ginoong ito? Nakikita ba niya ang mga kaisipan ng Diyos? (Hindi.) Hindi ba’t hangal siya? Ang mga taong walang espirituwal na pang-unawa ay gumagawa ng mga ganitong hangal na gawa. Nakita niya ang Diyos bilang di-mahalaga at simple, inisip niya na ang mga kaisipan ng Diyos ay hindi naman gaanong mas mataas kaysa sa pag-iisip ng tao. Lagi niyang sinasabi na ang mga kaisipan ng Diyos ay mas mataas kaysa sa mga kaisipan ng tao, ipinapangaral ang matatayog na doktrinang ito tuwing mga ordinaryong panahon, pero nang aktuwal siyang naharap sa isang sitwasyon, kinalimutan niya ang mga salitang ito, nadama niya na ang mga salitang ito ng Diyos ay hindi tulad ng bagay na sasabihin ng Diyos. Sa puso niya, hindi niya kinilala ang mga salitang ito ng Diyos, kaya hindi niya matanggap ang mga ito. Habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, sinamantala niya ang pagkakataon para baguhin ang mga salita ng Diyos, sa ilalim ng pagpapanggap na “epektibong ipinapalaganap ang ebanghelyo at nagkakamit ng mas maraming tao.” Sa huli, ano ang naging tingin Ko sa inugali niya? Bilang pangingialam sa mga salita ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng pangingialam? Ang ibig sabihin nito ay ang arbitraryong pagdaragdag, pagbabawas, o pagbabago sa orihinal na kahulugan, pagbabago ng nilalayong kahulugan ng manunulat, pagwawalang-bahala sa mga panimulang intensyon ng manunulat at layunin sa pagsasalita, at pagkatapos ay basta-bastang pagbago sa mga ito. Ito ay tinatawag na pangingialam. May puso ba siyang mapagmahal sa Diyos? (Wala.) Ang lakas ng loob niya! Gagawin ba ng isang tao ang bagay na ito? (Hindi.) Gawain ito ng isang diyablo, hindi ng isang tao. Ni hindi mo nga pwedeng basta na lang baguhin ang mga salita ng isang ordinaryong tao; dapat mong igalang ang opinyon ng manunulat. Kung gusto mong gumawa ng mga pagbabago, kailangan mo muna siyang sabihan at hingan ng pahintulot, at pagkatapos mong matanggap ang permiso niya ay saka ka lang pwedeng gumawa ng mga pagbabago ayon sa mga orihinal na kahulugan. Respeto ang tawag dito. Pagdating sa Diyos, ang hinihingi ay higit na mas malaki kaysa sa respeto lang! Kung kahit isang pangungusap lang sa mga salita ng Diyos ang hindi tamang nailimbag, kung may nawawala kahit isang artikulong panggramatika lang, dapat mong tanungin kung katanggap-tanggap ba ito; kung hindi, dapat mong ulitin ang paglimbag ng pahinang iyon. Nangangailangan ito ng ganito kaseryoso at karesponsableng saloobin; ito ang tinatawag na pagkakaroon ng pusong mapagmahal sa Diyos. May ganitong puso ba ang matandang ginoong ito? (Wala.) Wala siyang ganitong pusong mapagmahal sa Diyos. Itinuring niyang nasa ilalim niya ang Diyos; ang lakas ng loob niya. Dapat patalsikin ang ganitong tao.

Isang kaparehong insidente ang nangyari kamakailan. Muling ginamit ng ilang tao ang palusot na pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagkakamit ng mas maraming tao bilang dahilan para walang ingat na baguhin ang mga salita ng Diyos. Sa pagkakataong ito, mas mabuti ito nang kaunti kumpara sa huli; noong huling pagkakataon, ginawa ito nang arbitraryo at diktatoryal, nang hindi nakikipagbahaginan sa iba, kumikilos nang basta-basta at walang pakundangang binabago ang mga salita ng Diyos. Sa panahong ito naman, tinanong muna nila ang Itaas, sinabing, “Hindi matanggap ng mga tao galing sa isang partikular na etnikong grupo ang ilan sa mga termino sa mga salita ng Diyos. Nakaisip kami ng estratehiya para tanggalin o baguhin ang mga terminong iyon, at ang mga bahagi ng mga kasabihan o sipi sa mga salita ng Diyos na hindi nila matanggap, at pagkatapos ay mangaral sa kanila gamit ang espesyal na iniangkop na bersyon ng mga salita ng Diyos. Hindi ba’t mananalig sila kapag nagkagayon?” Tingnan ninyo iyan; talagang ang lakas ng loob nila. Anong uri ng pag-uugali ito? Kung maluwag silang tatratuhin, pwedeng ituring ang mga ganitong tao bilang hangal at mayabang lang, at napakabata pa; pwedeng sabihan lang sila na huwag na iyong ulitin. Pero kung huhusgahan natin ang kalikasan ng ginawa nila, kaswal nilang binabago ang mga salita ng Diyos para malugod si Satanas. Ano ang tawag dito? Ito ang pag-uugali ni Judas, ng mga traydor at rebelde, na ipinagkakanulo ang Diyos para sa kaluwalhatian. Pinakialaman nila ang mga salita ng Diyos, ginawa ang mga iyon na mas kanais-nais at kaaya-aya sa mga tao para mapalugod sila at para mapatanggap sa kanila ang ebanghelyo—ano ang halaga nito? Kahit pa wala ni isang tao sa mundo ang manalig, titigil ba ang mga salita ng Diyos sa pagiging mga salita ng Diyos? Magbabago ba ang kalikasan ng mga salita ng Diyos? (Hindi.) Ang mga salita ba ng Diyos ay katotohanan lang kung tatanggapin nila, at kung hindi, hindi na katotohanan ang mga salita Niya? Magbabago ba ang kalikasan ng mga salita ng Diyos dahil dito? Hinding-hindi. Ang katotohanan ay ang katotohanan; kung hindi mo ito tatanggapin, mamamatay ka! Iniisip ng ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo, “Nakakaawa sila dahil hindi nila tinanggap! Mga dakila at maharlikang tao sila. Labis na minamahal at kinaaawaan sila ng Diyos, paanong hindi natin maipakita sa kanila ang kaunting pagmamahal? Baguhin natin ang mga salita ng Diyos para matanggap nila. Kahanga-hanga ang mga taong iyon, at napakabuti at napakamaawain ng Diyos sa kanila. Dapat isaalang-alang natin ang mga layunin ng Diyos!” Hindi ba’t pagkukunwari ito? (Oo.) Isa pang impostor—mga hangal na bagay lang ang nagagawa ng mga hindi nakakaunawa sa katotohanan! Nasabi nang hinarap at pinatalsik ang taong nangialam sa mga salita ng Diyos, at ngayon may mga tao na namang gustong pakialaman ang mga ito. Ano ang sinusubukan nilang maabot? Hindi ba’t ito ay pagkakanulo sa Diyos para sa kaluwalhatian? (Oo.) Ito ay pagkakanulo sa Diyos para sa kaluwalhatian, pagpapalugod kay Satanas. Hindi ba’t praktikal ang mga salita ng Diyos? Hindi ba pwedeng hayagang ipakita ang mga ito? Hindi mo ba kinikilalang ang mga ito ang katotohanan? Kung hindi mo kinikilala ang mga ito, bakit nananampalataya ka pa rin? Kung hindi mo matanggap ang katotohanan, ano ang silbi ng pananampalataya sa Diyos? Imposibleng makamit ang kaligtasan nang ganito. Paano man magsalita ang Diyos, anuman ang mga salitang ginagamit Niya na hindi umaayon sa mga kuru-kuro mo, Siya ay Diyos pa rin, at hindi nagbabago ang diwa Niya. Gaano ka man kaaya-aya magsalita, anuman ang ginagawa mo, gaano man kabait, kabuti, o kamapagmahal ang tingin mo sa sarili mo, tao ka pa rin, isang tiwaling tao. Tumatanggi kang kilalanin ang mga salita ng Diyos bilang katotohanan at sinusubukan mong baguhin ang mga salita ng Diyos para mapalugod si Satanas. Anong uri ng pag-uugali ito? Kasuklam-suklam ito! Inakala Ko na pagkatapos ng mga naunang pagbabahaginan tungkol sa kalikasan ng pangingialam sa mga salita ng Diyos ay hindi na muli magkakaroon ng ganitong isyu sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ngayon. Pero, hindi kapani-paniwala, may mga tao pa ring nangangahas na mangialam at mag-isip ng ganito. Ano ang saloobin ng mga taong ito sa mga salita ng Diyos? (Walang paggalang.) Talagang pabaya sila! Sa puso nila, kasinggaan ng mga balahibo ang mga salita ng Diyos, walang kahihinatnan ang mga ito. Iniisip nila, “Pwedeng sabihin ang mga salita ng Diyos sa anumang paraan; pwede kong baguhin ang mga salita Niya nang ayon sa nais ko. Mas mabuting iayon ko ang mga ito sa mga kuru-kuro at panlasa ng mga tao. Ganoon dapat ang mga salita ng Diyos!” Ang mga taong gumagawa ng mga bagay gaya ng pangingialam sa mga salita ng Diyos ay pwedeng tawaging mga anticristo. Kumikilos sila nang walang ingat at hindi nag-iisip, basta-basta silang nangingialam; sila ay mga arbitraryo at diktatoryal, at kapareho nila ng disposisyon at katangian ang iba pang mga anticristo. At may isa pang punto: Ano ang una nilang naiisip at ikinikilos kapag nahaharap sila sa panganib o kapag napinsala ang sarili nilang mga interes? Ano ang pinipili nila? Pinipili nilang ipagkanulo ang mga interes ng Diyos at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos para protektahan ang mga sarili nila. Iyong mga nangingialam sa mga salita ng Diyos, ginagawa ba talaga nila ito para epektibong magpalaganap ng ebanghelyo? Ano ang itinatago nilang motibo sa likod ng diumano ay pagiging epektibo? Gusto nilang ipagyabang ang mga talento at kakayahan nila, ipakita sa mga tao na, “Tingnan ninyo kung gaano ako kagaling! Nakikita ba ninyo kung gaano kaepektibo ang pagpapalaganap ng ebanghelyo pagkatapos ng mga ginawa kong pagbabago? Wala kayong mga gayong kakayahan, ni hindi kayo mangangahas na mag-isip nang ganoon. Tingnan ninyo, sa pamamagitan ng mga kaisipan at kilos ko, nakikita ba ninyo ang mga resultang nakamit ko?” Hindi isinasaalang-alang ng mga taong ito ang mga salita ng Diyos at pinapakialaman nila ang mga iyon para makamit ang sarili nilang ambisyon at pagnanais na maghangad ng katanyagan at katayuan. Hindi ba’t may katangian sila ng isang anticristo? Ang pagtawag sa kanila na anticristo ay talagang makatarungan.

Ano ang isa pang pagpapamalas ng pagiging arbitraryo at diktatoryal ng mga anticristo? Hindi sila nakikipagbahaginan sa mga kapatid tungkol sa katotohanan, at hindi rin nila nilulutas ang mga aktuwal na problema ng mga tao. Sa halip, ipinapangaral lang nila ang mga salita at doktrina para sermunan ang mga tao, at pinupwersa pa nga nila ang iba na sundin sila. Paano naman ang kanilang saloobin at pamamaraan tungo sa Itaas at sa Diyos? Ito ay walang iba kundi panlilinlang at pandaraya. Anuman ang mga isyu sa loob ng iglesia, wala silang inuulat sa Itaas kailanman. Anuman ang ginagawa nila, hindi sila nagtatanong sa Itaas. Para bang wala silang isyu na nangangailangan ng pagbabahagi o paggabay mula sa Itaas—ang lahat ng ginagawa nila ay patago at palihim, at hindi nakikita. Ito ay tinatawag na mapanlinlang na pagmamanipula, kung saan gusto nilang sila ang may huling salita at ang maging tagapagpasya. Gayunpaman, minsan ay nagbabalatkayo rin sila, nagtatanong ng mga walang kwentang bagay sa Itaas, nagkukunwari na naghahangad sa katotohanan, pinapaniwala nang mali ang Itaas na napakaingat nilang hinahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay. Sa realidad, hindi sila kailanman naghahangad ng paggabay sa anumang mahalagang bagay, nagdedesisyon sila para sa lahat at hindi nila ipinapaalam sa Itaas. Kapag may naging problema, lalo nang malamang na hindi nila ito iuulat, sa takot na pwedeng makaapekto ito sa kapangyarihan, katayuan, o reputasyon nila. Kumikilos ang mga anticristo nang arbitraryo at diktatoryal; hindi sila nakikipagbahaginan sa iba at pinupwersa nila ang iba na sundin sila. Sa madaling salita, ang mga pangunahing pagpapamalas ng pag-uugaling ito ay ang pakikibahagi sa personal na pamamahala; pagtataguyod ng kanilang impluwensya, personal na samahan, at mga koneksyon; paghahangad ng mga sarili nilang gawain; at pagkatapos, ginagawa nila kung ano ang nais nila, ginagawa nila ang mga bagay na pakikinabangan nila, at kumikilos sila nang hindi hayagan. Napakalakas ng pagnanais at kagustuhan ng mga anticristo na magawa ang ibang tao na magpasakop sa kanila; umaasa sila na susundin sila ng mga tao gaya ng isang mangangaso na pinapasunod ang aso niya sa mga utos niya, hindi hinahayaan ang anumang pagkilatis ng tama at mali, ipinipilit ang ganap na pagsunod at pagpapasakop.

Mapapansin ang isa pang pagpapamalas ng pagiging arbitraryo at pagiging diktatoryal ng mga anticristo sa sumusunod na senaryo. Halimbawa, kung ang lider ng isang partikular na iglesia ay isang anticristo, at kung nilalayon ng lider at manggagawa na may mataas na antas na malaman ang tungkol sa at makialam sa gawain ng iglesiang iyon, sasang-ayon ba ang anticristo na ito? Talagang hindi. Hanggang saan niya kontrolado ang iglesia? Tulad ng isang di-mapapasok na kuta, na hindi matutusok ng karayom o matatagusan ng tubig, hindi niya pinahihintulutan ang sinuman na makisali o magtanong. Nang malaman niyang darating ang mga lider at manggagawa para matutuhan ang tungkol sa gawain, sinabi niya sa mga kapatid, “Hindi ko alam kung ano ang pakay ng mga taong ito sa pagpunta rito. Hindi nila nauunawaan ang aktuwal na sitwasyon ng ating iglesia. Kung makikialam sila, maaaring maabala nila ang gawain ng ating iglesia.” Ganyan niya inililihis ang mga kapatid. Sa sandaling dumating ang mga lider at manggagawa, hahanap siya ng iba’t ibang dahilan at palusot para pigilan ang mga kapatid na makipag-ugnayan sa mga ito, habang paimbabaw na nililibang ang mga lider at manggagawa, pinananatiling nakakubli ang mga ito sa isang lugar para diumano matiyak ang kaligtasan ng mga ito; subalit sa realidad, ito ay para pigilan ang mga ito na makatagpo ang mga kapatid at malaman ang tungkol sa sitwasyon mula sa kanila. Kapag nagtatanong ang mga lider at manggagawa tungkol sa sitwasyon sa trabaho, nagsasagawa ang anticristo ng panlilinlang sa pamamagitan ng pagpapakita ng huwad na imahe; nililinlang niya ang mga nasa itaas niya at itinatago ang katotohanan mula sa mga nasa ibaba niya, dinaragdagan ang kanyang mga pahayag, at pinalalaki ang pagiging epektibo ng gawain para linlangin sila. Kapag iminumungkahi ng mga lider at manggagawa na makipagpulong sa mga kapatid sa iglesia, sumasagot siya ng, “Hindi pa ako nakagawa ng anumang pagsasaayos! Hindi mo ako inabisuhan bago ka dumating. Kung ginawa mo iyon, isinaayos ko na sanang makipagkita sa iyo ang ilan sa mga kapatid. Subalit dahil sa kasalukuyang mapanlaban na kapaligiran, para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, mas mabuting huwag kayong makipagkita sa mga kapatid.” Bagaman tila makatwiran ang kaniyang mga salita, kayang makita ng isang makilatis na tao ang isyu: “Ayaw niyang makipagkita ang mga lider at manggagawa sa mga kapatid dahil natatakot siyang malantad, natatakot na mabunyag ang mga depekto at panlilihis sa kaniyang gawain.” Mahigpit na kinokontrol ng anticristo ang mga kapatid sa iglesia. Kung hindi responsable ang mga lider at manggagawa, madali silang malilinlang at maloloko ng anticristo. Ang aktuwal na sitwasyon ng mga kapatid sa iglesia, ang kanilang mga paghihirap na hindi pa rin nalulutas, kung maagap bang naihahatid ang mga pagbabahagi at sermon ng Itaas at mga aklat ng mga salita ng Diyos sa mga kapatid, kung paano umuusad ang iba’t ibang proyekto ng gawain ng iglesia, kung mayroon bang mga panlilihis o problema—lahat ng mga bagay na ito ay hindi malalaman ng mga lider at manggagawa. Hindi rin alam ng mga kapatid ang anumang bagong pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos; kaya, ganap na kinokontrol ng anticristo ang iglesia, minomopolisa ang kapangyarihan at may huling na salita sa mga isyu. Walang pagkakataon ang mga kapatid sa iglesia na makipag-ugnayan sa mga lider at manggagawa sa matataas na antas, at hindi alam ang katunayang katotohanan, nailihis at nakontrol sila ng anticristo. Ang mga lider at manggagawa ng inspeksiyon na ito, paano man nagsasalita ang anticristo, ay walang pagkilatis at iniisip pa rin na gumagawa ng mabuting gawain ang anticristo, ganap na nagtitiwala sa kanya. Katumbas ito ng pagkakatiwala sa mga hinirang na tao ng Diyos sa pangangalaga ng anticristo. Kung, sa panahon ng panlilinlang ng anticristo, ang mga lider at manggagawa ay hindi nakakikilatis, ay iresponsable, at hindi alam kung paano pangangasiwaan ito, hindi ba ito nakahahadlang sa gawain ng iglesia at nakapipinsala sa mga hinirang na tao ng Diyos? Ang gayong mga lider at manggagawa, hindi ba sila mga huwad na lider at manggagawa? Tungkol sa isang iglesia na kontrolado ng isang anticristo, dapat na makialam at magtanong ang mga lider at manggagawa, at kailangan nilang agarang pangasiwaan at alisin ang anticristo—walang duda ito. Kung may mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain at binabalewala ang panlilinlang ng anticristo sa mga hinirang na tao ng Diyos, dapat ilantad ng mga hinirang na tao ang mga huwad na lider at manggagawang ito, iulat sila, tanggalin sila sa kanilang posisyon, at palitan sila ng mabubuting lider. Ito ang tanging paraan para lubusang malutas ang isyu ng panlilihis ng anticristo sa mga tao. Maaaring sabihin ng ilan na, “Maaaring may mababang kakayahan at walang pagkilatis ang mga lider at manggagawang ito, kung kaya nabigo silang pangasiwaan at lutasin ang isyu ng anticristo. Hindi nila ito sinasadya; hindi ba sila dapat bigyan ng isa pang pagkakataon?” Para sa gayong mga lider na magulo ang isip, hindi na sila dapat bigyan ng pagkakataon. Kung bibigyan ng isa pang pagkakataon, patuloy lang nilang pipinsalain ang mga hinirang na tao ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila mga taong naghahangad sa katotohanan; wala silang konsensiya at katwiran, at walang prinsipyo sa kanilang mga kilos—mga kasuklam-suklam na tao sila na dapat palayasin! Sa nakalipas na dalawang taon, ang ilang kapatid sa ilang iglesia ay nagkaisang tanggalin, palitan, at palayasin ang gayong mga huwad na lider at anticristo na hindi gumagawa ng tunay na gawain. Hindi ba mabuting bagay iyon? (Oo.) Nakalulugod sa Akin na marinig ang gayong mabuting balita; ito ang pinakamahusay na katibayan na ang mga hinirang na tao ng Diyos ay lumalago sa buhay at pumapasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos. Ipinakikita nito na nagkamit na ang mga tao ng kaunting pagkilatis at tayog, at hindi na kontrolado ng mga huwad na lider at mga anticristong demonyo. Hindi na magagawang ilihis o kontrolin ng mga ordinaryong huwad na lider at anticristo ang mga hinirang na tao ng Diyos, na hindi na napipigilan ng katayuan o kapangyarihan. May tapang silang kilatisin at ilantad ang mga huwad na lider at anticristo, nangangahas na palayasin at paalisin ang mga ito. Sa katunayan, maging mga lider at manggagawa o ang karaniwan sa mga hinirang na tao ng Diyos, lahat sila ay may pantay na katayuan sa harap ng Diyos, nagkakaiba lang sa kanilang mga tungkulin. Sa sambahayan ng Diyos, walang pagkakaiba sa katayuan, tanging mga pagkakaiba sa tungkulin at responsabilidad. Kapag nahaharap sa mga huwad na lider at anticristo na nanggugulo sa gawain ng iglesia, dapat ilantad at iulat ang mga ito ng parehong mga lider at manggagawa at mga hinirang na tao ng Diyos, kaagad na pinangangasiwaan ang mga ito, pinatatalsik ang mga anticristo mula sa iglesia. Ang responsabilidad na ito ay magkakapareho at pinagsasaluhan ng lahat.

Ang mga anticristo ay arbitraryo at diktatoryal, hindi kailanman nakikipagbahaginan sa iba, at kailangang may huling salita sa lahat ng isyu—hindi ba’t malinaw na nakikita ang lahat ng problemang ito? Ang pakikipagbahaginan sa iba at paghahanap ng mga prinsipyo ay hindi lang isang pormalidad o isang mababaw na proseso; ano ang layunin? (Ang gampanan ang tungkulin ng isang tao nang may mga prinsipyo, at magkaroon ng isang landas sa pagganap sa mga ito.) Tama; ito ay para magkaroon ng mga prinsipyo at landas sa pagganap ng mga tungkulin. Ano ang mga hinihingi ng Diyos, at ano ang mga regulasyon sa sambahayan ng Diyos? Sa pamamagitan lang ng paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Diyos at pag-unawa sa mga prinsipyo epektibong magagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin. Kung magbabahagi ka ng katotohanan para malutas ang mga problema, anong diskarte ang dapat gawin? Aling mga tao ang kailangang makilahok? Dapat piliin ang mga tamang indibidwal; dapat kang makipagbahaginan pangunahin sa ilang tao na may mahusay na kakayahan na nakauunawa sa katotohanan, dahil hahantong ito sa mga epektibong resulta. Mahalaga ito. Kung pipiliin mo ang mga tao na magulo ang isip na may mahinang kakayahan na walang katwiran, na walang anumang dami ng talakayan ang makapagpapaunawa o makapagpapaabot sa kanila ng katotohanan, kahit na masagana ang katotohanang pinagbabahaginan, hindi ito magbubunga ng anumang resulta. Anuman ang mga problemang lumilitaw sa iglesia, may karapatan ang mga hinirang na tao ng Diyos na malaman at dapat na malaman ang sitwasyon ng gawain ng iglesia at ang mga kasalukuyang problema. Kung nililinlang ng mga lider at manggagawa ang mga nasa itaas nila at tinatago ang katotohanan mula sa mga nasa ibaba nila, gumagamit ng mga pamamaraan para lituhin ang iba, may karapatan ang mga hinirang na tao ng Diyos na ilantad at iulat sila, o ipaalam ang sitwasyon sa mga nakatataas. Tungkulin at obligasyon din ito ng mga hinirang na tao ng Diyos. Kumikilos nang arbitraryo at diktatoryal ang ilang huwad na lider, kinokontrol ang mga hinirang na tao ng Diyos sa iglesia. Paglaban at pagsalungat ito sa Diyos, tuloy-tuloy na pagsasagawa ito ng mga anticristo. Kung hindi ito ilalantad at iuulat ng mga hinirang na tao ng Diyos, at nahahadlangan o natitigil ang gawain ng iglesia, hindi lang ang mga lider at manggagawa ang may responsabilidad, kundi pati na rin ang mga hinirang na tao ng Diyos, dahil ang mga hinirang na tao ng Diyos ang nagdurusa kapag ang mga huwad na lider at ang mga anticristo ang humahawak ng kapangyarihan sa iglesia, posibleng naglalagay sa pagkakataon nilang makatanggap ng kaligtasan sa panganib. Samakatuwid, may karapatan at responsabilidad ang mga hinirang na tao ng Diyos na iulat at ilantad ang mga huwad na lider at anticristo, na kapaki-pakinabang para sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga hinirang na tao ng Diyos. Sinasabi ng ilang lider at manggagawa na: “Lahat kayo ay nagsasabing arbitraryo at diktadoryal ako, tama ba? Sa pagkakataong ito, hindi na ako magiging ganyan. Hahayaan ko ang lahat na maipahayag ng kanilang mga opinyon. Isang araw, dalawang araw—maghihintay ako gaano man katagal para maibahagi ninyo ang mga ito.” Minsan, kapag nahaharap sa ilang espesyal na isyu, nagtatagal ang mga di-pagkakaunawaan nang ilang araw nang walang kalutasan, at patuloy lang na naghihintay ang mga ito. Naghihintay ang mga ito hanggang sa maabot ng lahat ang isang konsensus bago magpatuloy sa gawain, na maaaring magdulot ng malalaking pagkaantala. Sobra nitong nahahadlangan ang trabaho; malinaw na pagpapamalas ito ng pagiging iresponsable. Paano epektibong mapamamahalaan ng isang lider o manggagawa ang gawain ng iglesia kung hindi niya kayang gumawa ng mga desisyon? Sa gawain ng iglesia, habang ang mga lider at manggagawa ay may awtoridad na gumawa ng mga desisyon, may karapatan ang mga kapatid na malaman. Gayunpaman, sa huli, ang mga lider at manggagawa ang dapat na gumawa ng mga desisyon. Kung ang isang lider o manggagawa ay hindi makapagdesisyon, masyadong mababa ang kanyang kakayahan, at hindi siya angkop para sa mga tungkulin sa pamumuno. Kahit na lider siya, hindi niya kayang gumawa ng tunay na gawain o tuparin nang sapat ang kanyang mga tungkulin. May ilang lider at manggagawa na nagtatalo sa isang isyu sa loob ng mahabang panahon, hindi makapagpasya, at sa huli, pumapanig na lang sa kung sinumang nakikita nilang mas mapuwersa. Maprinsipyo ba ang pamamaraang ito? (Hindi.) Anong klaseng pamumuno iyon? Pagiging magulo ng isip lang iyon. Kung sasabihin mong, “Arbitraryo at diktatoryal ang mga anticristo, at natatakot akong maging gayon; Hindi ko nais na tahakin ang landas ng isang anticristo. Hihintayin kong ipahayag ng lahat ang kanilang mga opinyon, at pagkatapos ay gagawa ako ng kongklusyon at magbubuod ako ng isang katamtamang pamamaraan para sa desisyon”—katanggap-tanggap ba iyon? (Hindi.) Bakit hindi? Kung hindi umaayon ang resulta sa mga katotohanang prinsipyo, kahit na magpatuloy ka sa ganitong paraan, magiging epektibo ba ito? Mapalulugod ba nito ang Diyos? Kung hindi ito epektibo at hindi nito mapalulugod ang Diyos, hindi seryoso ang problema. Ang hindi pagkilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, ang pagiging iresponsable sa pagganap ng iyong tungkulin, ang pagiging pabasta-basta, at ang paggawa ng mga bagay ayon sa pilosopiya ni Satanas ay pagiging hindi matapat sa Diyos. Nililinlang nito ang Diyos! Para maiwasan ang paghihinala o panghuhusga bilang isang anticristo, tinatalikuran mo ang mga responsabilidad na dapat mong gampanan at ginagamit ang “mapagkompromiso” na paraan ng pilosopiya ni Satanas. Bilang resulta, pinipinsala mo ang mga hinirang na tao ng Diyos at naaapektuhan ang gawain ng iglesia. Hindi ba ito walang prinsipyo? Hindi ba ito makasarili at kasuklam-suklam? Bilang isang lider o manggagawa, dapat kang magsalita at kumilos nang may mga prinsipyo, gampanan ang iyong mga tungkulin nang may mga resulta at kahusayan. Dapat kang kumilos sa alinmang paraan na makatutulong sa gawain sa sambahayan ng Diyos at umaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Halimbawa, dapat bilhin ang mga bagay para sa iglesia nang iniisip ang praktikal na resulta. Dapat na may makatwirang presyo at kapaki-pakinabang ang mga bagay. Kung gumagastos ka ng pera nang walang ingat na walang mga prinsipyo, maaaring magdulot ito ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa mga handog ng Diyos. Paano ninyo haharapin ang gayong sitwasyon? (Humingi ng patnubay mula sa Itaas.) Ang paghingi ng patnubay mula sa Itaas ay isang paraan. Bukod pa rito, huwag maging tamad. Magsaliksik nang mabuti, magtanong nang husto, magtanong-tanong pa, unawain ang mga detalye, at maghanda nang sapat; marahil pagkatapos ay matatagpuan ang isang medyo angkop na solusyon. Kung hindi mo gagawin ang paghahandang ito at kikilos nang walang ingat nang hindi nauunawaan ang mga detalye, nagreresulta sa pag-aaksaya ng maraming pera, ano ang tawag doon? Tinatawag itong pagiging pabasta-basta. Ginagampanan ng ilang tao ang tungkulin nila sa ganitong paraan, walang pagiging bukas sa ginagawa nila. Iniuulat lang nila ang kalahati ng kung ano ang dapat nilang iulat, itinatago ang iba dahil pakiramdam nila ay nagdadala sa kanila ng problema ang pagiging ganap na bukas at kakailanganin nilang magsagawa ng karagdagang pananaliksik at mga pagpapahusay. Kaya, itinatago lang nila ang totoong sitwasyon at mga detalye sa iba, mabilis na tinatapos ang gawain at pagkatapos ay hinihingi sa sambahayan ng Diyos na magbayad. Subalit sa pag-iinspeksiyon, ang gawain ay hindi umaabot sa pamantayan at nangangailangan ng muling paggawa, at mas maraming pera ang nasasayang. Hindi ba ito nakapipinsala sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba ito ang pag-uugali ng isang Hudas? (Oo.) Ang pag-uugali ng isang Hudas ay partikular na kinasasangkutan ng pagtataksil sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kapag nahaharap sa mga sitwasyon, ang gayong tao ay pumapanig sa mga nasa labas ng iglesia, isinasaalang-alang lang ang sarili niyang laman at talagang hindi iniisip ang tungkol sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mayroon ba siyang anumang katapatan sa Diyos? (Wala.) Wala kahit kaunting katapatan. Nalulugod siyang ipinagkakanulo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at pinipinsala ang gawain ng iglesia—ito ang pag-uugali ng isang Hudas. Mayroon ding isa pang sitwasyon: May ilang tungkulin na kinasasangkutan ng espesyal na kaalaman o kadalubhasaan sa ibang mga larangan na maaaring hindi pamilyar sa lahat. Sa gayong mga kaso, hindi ka dapat umiwas sa problema. Sa panahong ito ng masaganang impormasyon, hindi ka dapat maging tamad kundi aktibong maghanap ng nauugnay na datos at impormasyon. Simula sa pagkuha ng pinakapangunahing impormasyon, unti-unti kang nagkakaroon ng pangunahing pang-unawa sa propesyon o larangan, at pagkatapos ay unti-unting natututo tungkol sa mas marami pang aspekto sa loob ng saklaw ng larangang iyon, maging ito man ay datos o iba’t ibang propesyonal na termino, ginagawang pamilyar ang iyong sarili rito. Pagkatapos maabot ang antas na ito, hindi ba’t mas kapaki-pakinabang ito sa pagtupad ng iyong tungkulin nang sapat at tapat? (Oo.) Kaya, ano ang layunin ng lahat ng gawaing paghahandang ito kapag ginagampanan ang iyong tungkulin? Ang pananaliksik, pag-unawa sa mga detalye, at pagkatapos ay paghahanap ng mga magagawang solusyon sa pamamagitan ng pagbabahaginan at talakayan ay bahagi lahat ng paghahanda para sa sapat na pagtupad ng iyong tungkulin. Ang mahusay na paggawa ng mga paghahandang ito ay nagpapakita ng katapatan sa pagganap ng tungkulin ng isang tao; ibinubunyag din nito iyong mga pabasta-basta. Paano naman ang saloobin ng mga walang pananampalataya at ng mga taong hindi tunay na iginugugol ang sarili nila para sa Diyos kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin? Ganap silang pabasta-basta; anuman ang binibili nila para sa iglesia, walang ingat silang gumagastos ayon sa sarili nilang kapritso, nang hindi humihingi ng patnubay mula sa Itaas, iniisip na nauunawaan nila ang lahat. Bilang resulta, sinasayang nila ang pera ng sambahayan ng Diyos. Hindi ba sila mga gastador, mga tagapagbalita ng sakuna? Nagdudulot sila ng mga kawalan sa mga handog ng Diyos at hindi man lang napagtatanto na gumagawa sila ng kasamaan at lumalaban sa Diyos; walang anumang pagsisisi ang kanilang puso. Tanging kapag inilalantad at kinikilatis sila ng mga hinirang na tao ng Diyos, at binoboto sila para alisin at itiwalag, magkakaroon sila ng kaunting kamalayan at nagsisimulang magsisi. Hindi nila napagtatantong magkakaroon ng gayong katinding kahihinatnan ang kanilang mga kilos—talaga naman, hindi sila luluha hangga’t hindi nila nakikita ang sarili nilang kabaong! Ang gayong mga tao ay kadalasang mga hangal na kulang sa bait, subalit naghahangad na maging mga lider at manggagawa at gumanap ng mga gawain para sa sambahayan ng Diyos. Para silang mga baboy na nagpahid ng kaunting lipstick—lubos na walanghiya. Ang mga taong ito ay mga walang pananampalataya; kahit ilang taon na silang nananalig, wala silang nauunawaang katotohanan. Subalit gusto pa rin nilang palaging maging mga lider at manggagawa sa sambahayan ng Diyos, na palaging nagnanais na humawak ng kapangyarihan at magkaroon ng huling salita—hindi ba sila sobrang walanghiya? Bakit itinuturing na walang pananampalataya ang gayong mga tao? Ito ay dahil sa kabila ng pananalig sa Diyos sa loob ng maraming taon at pakikinig sa napakaraming sermon, wala silang nauunawaang katotohanan at hindi nila naisasagawa ang anumang katotohanan, na ginagawa silang mga walang pananampalataya. Mayroon ba sa inyo na nagpapakita ng mga pag-uugaling ito? Sa mga gumagawa nito, itaas ang inyong mga kamay. Lahat kayo? Kung gayon, lahat kayo ay mga walang pananampalataya, at iyon ay isang seryosong problema. Iyong mga taos-pusong nananalig sa Diyos, kung palagi silang nakikinig sa mga sermon, ay makauunawa sa ilang katotohanan at magkakaroon ng kaunting pag-unlad, magiging mas maaasahan sa kanilang pananalita at mga kilos. Kung nakikinig ang isang tao sa mga sermon sa loob ng maraming taon nang walang anumang pag-unlad, sila ay taong magulo ang isip, isang hayop, isang walang pananampalataya. May ilang tao, sa loob ng tatlo hanggang limang taon ng pananalig sa Diyos, ang medyo nakauunawa at kayang humanap ng katotohanan sa kanilang pananalita at mga kilos. Kung napapansin nila ang mga kapintasan sa pagganap ng kanilang tungkulin o nagdudulot ng kaunting kawalan sa sambahayan ng Diyos, nakadarama sila ng pagkabalisa, pagsisi, at poot sa kanilang sarili; pakiramdam nila na ang kanilang mga panandaliang pagkakamali, kawalan ng katapatan, katamaran, o pagpapakasasa sa kaginhawaan ng laman ang nagdulot sa gayong kalaking mga kapintasan at nagdulot ng napakalaking kawalan, at kinasusuklaman nila ang sarili nila dahil dito. Ang gayong mga tao na may nagsisising puso ay may kaunting pagkatao at maaaring maabot ang punto ng pagtanggap ng kaligtasan. Kung ang isang tao, pagkatapos ng maraming taon ng pakikinig sa mga sermon, ay hindi nakauunawa sa anumang katotohanan, patuloy na nagkakamali sa pagganap ng kanyang tungkulin, palaging lumilikha ng problema para sa sambahayan ng Diyos at nagdudulot ng mga kawalan sa gawain ng iglesia, at wala kahit ng nagsisising puso, ang gayong tao ay walang pagkatao, mas masahol pa siya sa mga baboy at aso. Magagawa pa rin kaya niya nang maayos ang kanyang tungkulin? Kahit na ginagampanan niya ang tungkulin, pabasta-basta ito, at hindi matatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos.

May ilang tao na palaging tinutukoy ang sambahayan ng Diyos bilang “ating pamilya” kapag nagsasalita sila, palaging binabanggit ang “ating pamilya” sa usapan. Kay lambing nilang binabanggit ito! Ano itong “pamilya natin” na sinasabi nila? Mayroon lang sambahayan ng Diyos, pamilya ng Diyos, ang iglesia. Angkop bang palaging sabihin ang “ating pamilya”? Pakiramdam Ko ay hindi ito angkop. Maaaring gamitin ang terminong “ating pamilya”, subalit angkop lang ito kung ang sinabi ay tumutugma sa realidad. Kung hindi ka isang tao na naghahangad sa katotohanan, kung madalas mong ginagampanan ang iyong mga tungkulin nang pabasta-basta, hindi itinataguyod ang gawain ng iglesia sa kahit anong paraan, talagang hindi sineseryoso ang gawain ng iglesia, at sa kabila ng lahat ng iyon, patuloy mong sinasabing “ang aming pamilya,” hindi iyon nararapat. May pahiwatig ito ng kasinungalingan at pagkukunwari, na nagdudulot ng pagkasuklam at pagkasuya; gayunpaman, kung ikaw ay isang tao na tunay na nagtataglay ng katotohanang realidad at nagtataguyod sa gawain ng iglesia, katanggap-tanggap na tukuying “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos. Parang totoo ito sa pandinig ng iba, nang walang kasinungalingan, at makikita ka nila bilang isang kapatid, gusto at hinahangaan ka. Kung hindi mo mahal ang katotohanan sa iyong puso, o hindi tinatanggap ang katotohanan, at iresponsable sa pagganap ng iyong mga tungkulin, huwag mong tawaging “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos. Dapat taimtim mong hangarin ang katotohanan, gampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin, at magawang itaguyod ang gawain ng iglesia para madama ng mga hinirang na tao ng Diyos na bahagi ka ng sambahayan ng Diyos. Sa gayon, kapag sinabi mong “ating pamilya,” nagbibigay ito sa iba ng pakiramdam ng pagiging malapit, nang walang anumang damdamin ng pagkasuklam, dahil sa iyong puso, tunay mong itinuturing na iyong sariling tahanan ang sambahayan ng Diyos, at sa pagganap ng iyong mga tungkulin, tunay na responsable ka at itinataguyod ang gawain ng iglesia. Kapag sinabi mo ang “ating pamilya,” ito ay ganap na karapat-dapat, na walang bahid ng kasinungalingan. Kung hindi nagpapakita ang isang tao ng responsabilidad sa gawain ng iglesia, ginagampanan ang anumang tungkulin niya nang pabasta-basta, hindi man lang nag-aabalang pulutin ang mga bagay sa lupa, linisin ang maruming silid, o alisin ang niyebe o ayusin ang bakuran sa taglamig, na tila hindi tulad ng isang miyembro ng sambahayan ng Diyos kundi sa halip ay isang tagalabas, kuwalipikado bang tawagin ng gayong tao na “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos? Mga tagapagserbisyo lang sila, mga pansamantalang manggagawa, mga tao na walang buhay na kabilang kay Satanas, talagang hindi kabilang sa sambahayan ng Diyos. At madalas na walang kahihiyan pa rin nilang tinutukoy na “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos, sinasabi ito sa tuwing ibinubuka nila ang kanilang bibig, sinasabi ito nang may gayong laguyo, kinakausap ang mga kapatid nang may lubis na pagkagiliw—subalit hindi nila pinangangasiwaan ang anumang tunay na gawain. Kapag gumagawa sila ng mga gawain, nagkakamali sila, nagdudulot ng kapinsalaan sa sambahayan ng Diyos. Hindi ba sila ay mga mapagimbabaw lang? Lubos na imoral ang gayong mga tao, walang anumang konsensiya o katwiran. Ang pinakapangunahing katangian na dapat taglayin ng isang mananampalataya ng Diyos ay ang konsensiya at katwiran, at dapat din niyang tanggapin ang katotohanan. Kung hindi man lang siya nagtataglay ng konsensiya at katwiran, at hindi talaga tinatanggap ang katotohanan, karapat-dapat pa rin ba niyang tawaging “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos? Pansamantalang manggagawa at tagapagserbisyo lang siya; nabibilang siya kay Satanas at walang gaanong kinalaman sa sambahayan ng Diyos. Hindi kinikilala ng Diyos ang gayong tao; sa Kanyang paningin, siya ay masamang tao. Maraming tao ang nananalig sa Diyos subalit hindi talaga hinahangad ang katotohanan, nagpapakita ng kawalang-interes sa mga usapin sa sambahayan ng Diyos. Hindi nila pinapansin ang mga problemang kinahaharap nila, pinababayaan ang kanilang mga responsabilidad, lumalayo sa mga naghihirap na kapatid, at hindi nagpapakita ng pagkapoot sa mga gumagawa ng masama at pumipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos o sumisira sa gawain ng iglesia. Wala silang kamalayan sa mga usapin ng dakilang tama at mali; wala silang pakialam anuman ang mangyari sa sambahayan ng Diyos. Tinatrato ba nilang sarili nilang tahanan ang sambahayan ng Diyos? Malinaw na hindi. Hindi kuwalipikado ang mga taong ito na tawaging “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos; mapagpaimbabaw lang ang mga gumagawa nito. Sino ang mga kuwalipikadong magsabi ng “ating pamilya”? Kamakailan, napansin Ko na hindi talaga masama ang ilang tao, kahit siyempre pa na nasa minorya sila. Gaano karaming katotohanan man ang nauunawaan nila, o ang taas ng kanilang tayog o pananampalataya, tunay na nananalig ang mga taong ito sa Diyos, kayang magsagawa ng mga tunay na gawain, at tunay na responsable sa anumang tungkulin na ginagampanan nila—mayroon silang kaunting wangis ng pagkatao. Tanging ang gayong mga tao lang ang tunay na maituturing na bahagi ng sambahayan ng Diyos. Kapag sinasabi nilang “ang ating pamilya,” mainit at tunay na taos-puso ang pakiramdam nito. Halimbawa, kinakailangan ng iglesia ng mesa, na nagkakahalagang anim o pitong daang dolyar kung bibilhin. Sinabi ng ilang kapatid na, “Masyadong mahal iyon. Makatitipid tayo ng malaking pera sa pagbili ng kahoy at paggawa nito sa sarili natin. Gagana rin ito nang maayos, nang walang anumang pagkakaiba.” Matapos marinig ito, ano ang naramdaman Ko sa Aking puso? Medyo naantig Ako: “Hindi masama ang mga taong ito; alam nilang magtipid ng pera para sa sambahayan ng Diyos.” Ang gayong mga tao ay higit na mas mahusay kumpara sa mga taong nagwawaldas ng mga handog, kahit paano ay nagtataglay ng kaunting konsensiya at katwiran, at kaunting damdamin ng tao. May ilang tao na nagdudulot ng daan-daan o libu-libong dolyar na kawalan sa sambahayan ng Diyos nang walang anumang kamalayan, sinasabi pa nga na hindi nila ito alalahanin, hindi nakadarama ng pagsisisi sa kanilang puso. Sa kabilang banda, may iba namang nagsasabi na, “Mahalaga ang mag-ipon ng kahit sampu o walong dolyar. Hindi tayo dapat basta-bastang gumagastos ng pera sa mga bagay na maaari nating lutasin sa sarili natin. Dapat tayong magtipid kung saan natin makakaya. Hindi kailangang gastusin ang pera na hindi kailangang gastusin. Tama para sa atin na magtiis ng kaunting hirap at magpagal.” Iyong mga tao lang na makapagsasabi ng gayong mga bagay ang mga taong may konsensiya at katwiran, nagtataglay ng normal na pagkatao, at tunay na naaayon sa sambahayan ng Diyos. May karapatan ang mga taong ito na tawaging “ating pamilya” ang sambahayan ng Diyos dahil isinasaalang-alang nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. May ilang tao na hindi talagang iniisip ang tungkol sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi ba iyon sa wala silang kakayahan sa mga pagsasaalang-alang na ito? Pagdating sa kanilang sariling buhay, sobrang matipid sila, ipinagdaramot ang bawat sentimo, laging gustong bumili ng pinakamura at pinakapraktikal na mga bagay, nagtitipid saanman nila makakaya, nakikipagtawaran pa nga sa mga presyo, maingat na nagkukwenta, halatang bihasa sa pamamahala sa buhay nila. Subalit pagdating sa paggawa ng mga bagay para sa sambahayan ng Diyos, hindi sila kumikilos nang ganito. Gumagastos sila nang labis kapag ginagamit ang pera ng sambahayan ng Diyos, ginagastos ito gaano man nila gustuhin, na para bang magiging pag-aaksaya ang hindi paggastos. Hindi ba’t tanda ito ng isang kakila-kilabot na karakter? Sobrang makasarili ng gayong mga tao, hindi isinasaalang-alang ang sambahayan ng Diyos, hinahangad lang na palugurin ang kanilang sarili. Umaasa silang makalulusot sila papasok sa kaharian ng langit at magtatamo ng malalaking pagpapala sa pinakamababang halaga. Ang gayong makasarili at kasuklam-suklam na mga tao ay nagkikimkim pa rin ng gayong mga dakilang ambisyon at pagnanais; ipinakikita nito ang matinding kakulangan sa kanilang moral na karakter!

Ngayon ba ay ganap na nating nasaklawan ang pagpapamamalas na ito ng mga anticristo, na kumikilos sila nang mapanlinlang at na arbitraryo at diktatoryal sila, sa ating pagbabahaginan? (Oo.) Ibuod natin kung gayon. Ang paggawa ng mga anticristo ng mga bagay nang mapanlinlang, at ang kanilang pagiging arbitraryo at diktatoryal, ay dalawang magkaiba subalit magkaparehong malaki at magkasabay na pag-uugali na karaniwan sa kanila. Inilalantad ng pagpapamalas na ito ang dalawa sa mga pangunahing disposisyon ng mga anticristo—kabuktutan at karahasan; sila ay parehong buktot at marahas. Minsan, maaaring hindi mo makikita ang malupit na bahagi nila, subalit makikita mo ang buktot na bahagi nila. Maaari silang kumilos nang malumanay, ginagawang mahirap na makita ang alinman sa kanilang mapilit o barbarikong pag-uugali. Hindi sila mukhang mabangis sa panlabas, ni hindi ka nila pinipilit ng anuman, subalit binibihag ka nila sa pamamagitan ng iba pang buktot na paraan, pinaiikot ka sa kanilang pagkontrol, pinaglilingkod ka para sa kanilang mga layunin—at sa gayon ay pinagsasamantalahan ka nila. Walang kamalay-malay, nahulog ka sa kanilang bitag, kusang-loob na nagpapasakop sa kanilang pagmamanipula at paglalaro. Bakit nakapagdudulot sila ng ganitong mga kahihinatnan? Madalas na gumagamit ang mga anticristo ng mga tamang pahayag at kasabihan para turuan at impluwensiyahan ka, inuudyukan kang gawin ang ilang bagay, ipinararamdam sa iyo na tama ang lahat ng kanilang sinasabi, na dapat mong gawin ito at dapat mong gawin ito sa ganitong paraan, kung hindi, mararamdaman mong lumalaban ka sa katotohanan, mararamdaman mo na ang pagsuway sa kanila ay nangangahulugan ng paghihimagsik laban sa Diyos. Sa paggawa nito, kusang-loob mong sinusunod sila. Ano ang huling resulta nito? Kahit na sinusunod ng mga tao ang kanilang mga salita at ginagawa ang kanilang sinasabi, nauunawaan ba nila ang katotohanan? Mas napalalapit o mas napalalayo ba ang relasyon nila sa Diyos? Kapag nahaharap sa mga sitwasyon, hindi lang nabibigo ang mga tao na lumapit sa Diyos at magdasal sa Kanya, subalit hindi rin nila alam kung paano hahanapin ang mga katotohanang prinsipyo sa mga salita ng Diyos, o kung paano aarukin ang mga layunin at hinihingi ng Diyos. Sa halip, gumawa sila ng isang hindi kapani-paniwalang pahayag: “Nanalig na ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, pangunahing sumasandig sa mga lider para sa suporta at panustos. Anuman ang mangyari, hangga’t ang mga lider ay nagbibigay ng pagbabahagi, may isang landas pasulong. Kung wala ang mga lider, hindi ito basta gumagana.” Nananalig na sila sa Diyos sa loob ng maraming taon at ganito lang ang tayog nila, hindi pa rin kayang gumana nang wala ang mga lider. Hindi ba iyon kaawa-awa? Ano ang nakatagong kahulugan dito? Ang implikasyon ay na hindi nila alam kung paano ang magdasal sa Diyos, sumandig sa Diyos, tumingala sa Diyos, o kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Ang lahat ng mga bagay na ito ay dapat suportahan ng mga lider para maunawaan nila; maaaring palitan ng lider ang Diyos na kanilang pinananaligan. Masasabing ang pananalig ng isang tao sa Diyos ay talagang pananalig sa kanilang mga lider. Nakikinig sila sa lahat ng sinasabi ng mga lider, at pinaniniwalaan ang anumang sinasabi ng mga ito. Sino ang tunay nilang pinananaligan, sinusunod, at tinatalima—ang Diyos o ang mga lider? Hindi ba’t katulad lang ito ng mga taong relihiyoso na nominal na nananalig sa Panginoon, subalit sa realidad ay naniniwala, sumusunod, at nagtitiwala sa kanilang mga pastor? Hindi ba ito pagiging kontrolado ng mga tao? Sinasamba mo ang mga lider, nakikinig sa kanila sa lahat ng isyu. Ito ay pananalig at pagsunod sa mga tao, pinipigilan at kinokontrol ng mga tao. Napakalinaw na nagsalita ang Diyos subalit hindi mo kayang unawain ang Kanyang mga salita, ni hindi mo alam kung paano isagawa ang mga ito, subalit nauunawaan mo ang mga demonyo at mga Satanas pagkatapos lang nilang magsabi ng ilang salita? Ano ba talaga ang iyong nauunawaan? Minsan nauunawaan mo ang isang regulasyon o doktrina—maituturing ba iyon na pag-unawa sa katotohanan? (Hindi.) Hindi iyon pag-unawa sa katotohanan; ito ay panlilihis. Eksaktong iyon ito.

Sa pagpapamalas ng mga anticristo na kumikilos nang mapanlinlang at nang pagiging arbitraryo at diktatoryal, ang kanilang mga pangunahing disposisyon ay kabuktutan at karahasan. Saan naipamamalas ang kanilang kabuktutan? Naipamamalas ito sa kanilang mapanlinlang na pag-uugali. At saan naipamamalas ang kanilang karahasan? (Sa pagiging arbitraryo at diktatoryal.) Pangunahing naipamamalas ito sa kanilang pagiging arbitraryo at diktatoryal, at sa pagpilit sa iba na tumalima sa kanila; ang kanilang pamimilit ay nagpapakita ng isang marahas na disposisyon. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na magpasakop sa Kanya at sa katotohanan. Ano ang paraan ng paggawa ng Diyos? Pagkatapos ipahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita, sinabi Niya sa mga tao na ang pinakamahalagang bagay sa pananalig sa Diyos ay na dapat silang magpasakop sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Alam mo ang katotohanang ito, alam mong tama ang pariralang ito, subalit kung sa magpapasakop ka at kung paano ka magpapasakop, ano ang saloobin ng Diyos? Mayroon kang malayang kalooban, ang karapatang pumili. Kung gusto mong magpasakop, magpapasakop ka; kung ayaw mong magpasakop, hindi mo kailangang magpasakop. Gayunpaman, ano ang mga kahihinatnang maaaring idulot ng hindi pagpapasakop? Ano ang sinisiyasat ng Diyos sa mga tao, at ano ang Kanyang mga kongklusyon tungkol sa kanila? Sa mga isyu na ito, walang anumang labis na ginagawa ang Diyos. Hindi ka niya binabalaan, binabantaan, o pinipilit na magbayad ng halaga o pinarurusahan ka para dito. Hindi ganito kumikilos ang Diyos. Sa panahon na inililigtas ng Diyos ang mga tao, kapag ipinahahayag Niya ang mga salita para tustusan ang mga tao, pinahihintulutan ng Diyos ang mga tao na magkamali, na tahakin ang maling landas, at pinahihintulutan ang mga tao na maghimagsik laban sa Kanya at gumawa ng mga kamangmangan. Subalit sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at ilan sa Kanyang mga pamamaraan ng paggawa, unti-unting ipinauunawa ng Diyos sa mga tao kung ano ang Kanyang mga hinihingi, kung ano ang katotohanan, at kung ano ang tama at kung ano ang mali—halimbawa, sa pamamagitan ng pagpupungos, pagkakastigo, at pagdidisiplina, at gayundin sa pamamagitan ng mga pangangaral. Minsan, binibigyan ka Niya ng kaunting biyaya, pinakikilos ka sa loob, o binibigyan ka ng kaunting pagtanglaw at kalinawagan, hinahayaan kang malaman kung ano ang tama at kung ano ang mali, kung ano talaga ang mga hinihingi ng Diyos, kung ano ang posisyon na dapat tanggapin ng mga tao, at kung ano ang dapat isagawa ng mga tao. Habang ipinauunawa sa iyo, binibigyan ka rin Niya ng pagpipilian. Kung sasabihin mong, “Magiging mapaghimagsik ako, magtitigas ako ng ulo, ayaw kong piliin kung ano ang tama, ayaw kong maging matapat, gusto ko lang kumilos nang ganito!” pagkatapos, sa huli, ikaw ang responsable para sa iyong sariling destinasyon at kinalabasan. Kailangan mong akuin ang responsabilidad para sa iyong kilos at bayaran ang halaga; Walang ginagawa ang Diyos sa bagay na ito. Patas at matuwid ang Diyos. Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang mga hinihingi at isa kang taong nagpapasakop sa Diyos, o, kung sa kabaligtaran, hindi ka kumikilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos at hindi isang taong nagpapasakop sa Diyos, sa parehong kaso, saanman ang iyong magiging destinasyon, itinakda na ito ng Diyos nang maaga. Hindi kailangang gumawa ng anumang karagdagdagan ng Diyos. Hindi naman sa kung hindi ka kumikilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos ngayon, didisiplinahin, kakastiguhin, o paparusahan ka Niya, nagdadala sa iyo ng mga sakuna—hindi ganoon gumagawa ang Diyos. Sa Diyos, hinihingi Niya sa mga tao na magpasakop para lang ipaunawa sa kanila ang katotohanan tungkol sa pagpapasakop; walang elemento ng “pamimilit.” Hindi pinipilit ng Diyos ang mga tao na magpasakop o isagawa ang aspektong ito ng katotohanan. Samakatuwid, sa paraan ng Diyos, pinamamatnugutan man Niya ang mga tao, pinamumunuan ang kanilang kapalaran, inaakay sila, o binibigyan sila ng katotohanan, ang saligan ng mga pagkilos na ito ay hindi batay sa pamimilit, at hindi rin ito sa pangangailangan. Kung kikilos ka ayon sa mga salita ng Diyos, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan, at patuloy na bubuti ang iyong kondisyon sa harap ng Diyos—mapananatili mo ang isang mabuting kondisyon, at bibigyang-liwanag ka rin ng Diyos sa mga aspekto ng pang-araw-araw na buhay na hindi mo nauunawaan. Gayunpaman, kung hindi mo isinasabuhay ang katotohanan, hindi nagpapasakop sa Diyos, at ayaw na hangarin ang katotohanan, magiging napakalimitado ng iyong makakamit. Ito ang malaking pagkakaiba ng dalawang ito. Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi; Patas siya sa lahat. Sinasabi ng ilang tao na: “Hindi ba ako magsasagawa kung pinilit lang ako ng Diyos?” Hindi namimilit ang Diyos sa mga tao; iyon ang ginagawa ni Satanas. Hindi ganoon gumagawa ang Diyos. Kung makapagpapasakop ka lang sa Diyos kapag pinilit, ano ka na lang noon? Talaga bang nagpapasakop ka sa Diyos? Hindi iyon ang uri ng pagpapasakop na ninanais ng Diyos. Ang pagpapasakop na binabanggit ng Diyos ay kung saan, batay sa pag-unawa sa katotohanan, ang isang tao ay kusang-loob na nagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa konsensiya at katwiran. Ito ang orihinal na kahulugan ng pagpapasakop. Hindi nasasangkot dito ng pamimilit, pagpipigil, pagbabanta, o anumang anyo ng panggagapos o pagkokontrol. Samakatuwid, kapag partikular na pakiramdam mong nakagapos o napipilitan ka sa isang isyu, tiyak na hindi ito gawain ng Diyos. Sa isang banda, maaaring nagmumula ito sa mga kaisipan ng tao o isang baluktot na pagkaarok at mga pagpipigil na ipinataw ng sarili. Sa isa pa, maaaring may iba pang sumusubok na pigilan ka, ginagamit ang mga regulasyon o ilang tila tamang argumento o teorya para pigilan ka, inaakay ka na bumuo ng ilang pambabaluktot sa iyong pag-iisip. Ipinahihiwatig nito ang problema sa iyong pang-unawa. Kung pakiramdam mo ay kusa at masaya kang nagpapasakop sa Diyos, nagmumula ito sa gawain ng Banal na Espiritu at gayundin mula sa tunay na pagkatao, mula sa konsensiya at katwiran.

Sa sambahayan ng Diyos, may ilang tao na hindi nagpapasakop sa katotohanan, hindi nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos, at hindi nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia. Paano ito pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos? Mayroon bang anumang pamamaraan ng sapilitang pagpapatupad na ginagamit para malutas ito? Halimbawa, kung ang isang lider ay hindi gumagawa ng tunay na gawain, hindi gumagawa ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, at hindi nagsasagawa ng katotohanan, o hindi kayang gumawa ng tunay na gawain, paano pinangangasiwaan ito ng sambahayan ng Diyos? (Pinapalitan siya ng sambahayan ng Diyos.) Direkta siyang pinapalitan, subalit pinatatalsik ba siya? (Hindi.) Iyong mga hindi nakagawa ng kasamaan ay hindi pinatatalsik. Tungkol sa mga ordinaryong kapatid, kung isinaayos sila na gampanan ang isang tiyak na tungkulin at tumanggi sila, maituturing ba ito na hindi pagpapasakop? Kung hindi sila aalis, may mahahanap pang iba; may mapipilitan bang gampanan ang isang tungkulin? (Wala.) Walang pamimilit. Kung, sa pagbabahaginan ng katotohanan, handa silang tumanggap at magpasakop, ayos lang iyon. Hindi ito itinuturing na pamimilit; pagsasaayos ito sa kanila na gampanan ang tungkuling ito sa kondisyon ng kanilang personal na pagsang-ayon at pagpayag. Halimbawa, gusto ng ilang tao na magluto, subalit isinaayos na maglinis, at sinasabi nilang, “Kung isinaayos ako na maglinis, maglilinis ako. Nagpapasakop ako sa mga pagsasaayos sa sambahayan ng Diyos.” Mayroon bang anumang pamimilit dito? May anuman bang pamimilit laban sa kalooban ng isang tao? (Wala.) Isinaayos ito sa kanilang pagpayag at pagpapasakop, nang hindi inilalagay ang sinuman sa isang mahirap na sitwasyon o pinipilit ang sinuman na magsagawa ng isang bagay. Maaaring mayroon ding mga kaso kung saan, para sa isang partikular na tungkulin, walang sinuman ang matagpuan pansamantala, at isinaayos ka na pansamantalang punan ito; maaaring personal na hindi ka payag dito, subalit isa itong pangangailangan sa gawain, isa itong espesyal na kaso. Ikaw ay miyembro ng sambahayan ng Diyos, nakikibahagi ka sa pagkain mula sa sambahayan ng Diyos at ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin doon—dahil kinikilala mo ang iyong sarili bilang isang taong nananalig at sumusunod sa Diyos, hindi mo ba kayang maghimagsik laban sa iyong laman sa maliit na isyung ito? Hindi naman talaga ito maituturing na pagpapasakop o paghihirap; pansamantala lang ito, hindi nito hinihingi sa iyo na gampanan ang tungkuling ito nang pangmatagalan. Nagrereklamo ang ilang tao na marumi at nakapapagod ang trabahong pinagagawa sa kanila, at ayaw nilang gawin ito. Kung sasabihin nila ito, dapat silang maitalaga sa iba kaagad. Gayunpaman, kung pasalita lang nilang ipinahahayag ito subalit hindi talagang handang magpasakop at handang magdusa, dapat ipagpatuloy nila ang pagganap ng kanilang tungkulin. Angkop ba ang pamamaraang ito? (Oo.) Tama ba ang prinsipyong ito? (Oo.) Ganap na hindi pinipilit ng sambahayan ng Diyos ang mga tao laban sa kanilang kalooban. May isa pang sitwasyon kung saan ang ilang tao, anuman ang tungkuling ginagampanan nila, ay tamad, iresponsable, at walang katapatan. Minsan, palihim pa silang gumagawa ng masama. Kapag hindi nila ginagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, nagdadahilan sila, sinasabing ang tungkulin ay hindi angkop para sa kanila, hindi nila forte, o hindi nila nauunawaan ang sangkot na larangan. Subalit sa realidad, malinaw na nakikita ng lahat na ang kanilang pagkabigo na gumanap nang maayos ay hindi dahil sa mga kadahilanang ito. Paano dapat pangasiwaan ang mga gayong tao? Kung hinihiling nila na gampanan ang isang tungkulin sa ibang lugar, dapat ba itong sang-ayunan? (Hindi.) Kung gayon ano ang dapat gawin? Hindi angkop ang gayong mga tao para sa pagganap ng mga tungkulin; ginagawa nila ito nang may pag-aatubili at walang tamang saloobin, kaya dapat silang paalisin. May isa pang uri ng tao na nagiging pahirap at palaban sa sandaling sinabihan silang gampanan ang isang tungkulin. Lubhang tutol at nag-aatubili sila, halos hindi nila mapigilan ang kawalang-kasiyahan nila, iniisip na, “Mananatili lang ako rito at magtitiis sa loob ng ilang taon, sino ang nakaaalam kung saan ako hahantong pagkatapos nito!” Hindi dapat pahintulutang gumanap ng mga tungkulin ang mga taong may gayong mga layunin, at kahit na gusto nilang gampanan ang iba pang mga tungkulin, hindi ito pinahihintulutan. Dapat agresibong mapangasiwaan ang mga ganitong kaso. Bakit ganito? Dahil nakikita ang kanilang kalikasan—sinasabi niyong mga nakauunawa sa kanila na mga walang pananampalataya sila; sinasabi rin ng mga tao sa paligid nila na hindi sila angkop sa pagganap ng mga tungkulin. Ang gayong tao ay isang hindi mananampalataya, at dapat siyang paalisin. Kung hindi, magdudulot lang siya ng mga kaguluhan, makagagawa ng mga maling gawi, at makapipinsala sa mga hinirang na tao ng Diyos sa loob ng iglesia, na lubos na hindi katanggap-tanggap. Dapat pangasiwaan ang mga gayong kaso ayon sa mga prinsipyo kung paano tinatrato iyong mga gumaganap ng mga tungkulin sa iglesia; ang pag-ayaw nila ay hindi isang salik. Pamimilit ba ito? Hindi ito pamimilit; pagkilos ito ayon sa mga prinsipyo, itinataguyod ang mga interes at gawain ng sambahayan ng Diyos. Tungkol ito sa pagpapaalis sa mga walang pananampalataya at sa mga iyong nariyan lang para maging pabigat sa sambahayan ng Diyos. Kung gusto mong maging pabigat, gawin mo ito sa ibang lugar, hindi rito. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang tahanan sa pagreretiro; hindi nito sinusuportahan ang mga tamad. Nauunawaan mo?

May ilang anticristo na napakahusay na ikinukubli ang sarili nila, nakangiti lang nang hindi nagsasalita kapag may nakikita sila, nananatiling tahimik sa maraming isyu, nagkukunwaring malalim at hindi nagpapahayag ng anumang paninindigan. Sa una mong pakikisalamuha sa kanila, hindi mo madaling makikita kung sino talaga sila; maaari mo ring isiping mahalaga at kahanga-hanga sila. Paano mo makikilatis ang gayong mga anticristo? Dapat mong bigyang-pansin at obserbahan kung ano talaga sila, kung ano ang pinagtutuunan nila ng pansin, kung ano ang kinaiinteresan nila, at kung kanino sila nakikipag-ugnayan. Sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga aspektong ito, makapagkakamit ka ng pang-unawa sa mga ito. Bukod pa rito, may isang bagay na kailangan ninyong malaman lahat: Anuman ang antas ng isang lider o manggagawa, kung sinasamba ninyo siya dahil sa pagkaunawa sa katiting na katotohanan at sa pagkakaroon ng kaunting kaloob, at naniniwala kang taglay niya ang katotohanang realidad at matutulungan ka niya, at kung titingalain mo siya at umaasa sa kanya sa lahat ng bagay, at sa pamamagitan nito, sinusubukan mong matamo ang kaligtasan, kahangalan at kamangmangan ito. Sa huli, ang lahat ng ito ay mauuwi lang sa wala, dahil ang pinagsimulan mo ay likas na mali. Kahit gaano pa karaming katotohanan ang nauunawaan ng isang tao, hindi sila makahahalili kay Cristo, at kahit gaano pa kahusay ang isang tao, hindi ibig sabihin nito na taglay niya ang katotohanan—kaya ang sinumang sumasamba, tumitingala, at sumusunod sa ibang tao ay palalayasin at kokondenahin lahat sa huli. Ang mga nananalig sa Diyos ay maaari lamang tingalain at sundan ang Diyos. Ang mga lider at manggagawa, anuman ang kanilang ranggo, ay mga karaniwang tao pa rin. Kung itinuturing mo sila bilang mga direktang nakatataas sa iyo, kung sa pakiramdam mo ay nakalalamang sila kaysa sa iyo, na mas magaling sila kaysa sa iyo, at na dapat ka nilang pamunuan, na lagi silang nakatataas sa lahat ng iba pa, mali ka—isa iyong kahibangan. At anong mga kahihinatnan ang idudulot sa iyo ng kahibangang ito? Magiging dahilan ito para sukatin mo ang iyong mga lider laban sa mga hinihingi na hindi naaayon sa realidad, at hindi mo magagawang tratuhin nang tama ang mga problema at pagkukulang na mayroon sila; kasabay nito, nang hindi namamalayan, maaakit ka rin nang lubusan sa kanilang pambihirang katangian, mga kaloob, at mga talento, kaya bago mo pa malaman, sinasamba mo na sila, at sila na ang iyong Diyos. Ang landas na iyon, mula pa nang nagsisimula na silang maging huwaran mo, pakay ng pagsamba mo, hanggang sa maging isa ka sa kanilang mga tagasunod, ang aakay sa iyo palayo sa Diyos nang hindi mo namamalayan. At kahit habang unti-unti kang lumalayo sa Diyos, maniniwala ka pa rin na sumusunod ka sa Diyos, na ikaw ay nasa Kanyang sambahayan, na ikaw ay nasa Kanyang presensya, samantalang ang totoo, natangay ka na pala palayo ng mga kampon ni Satanas, ng mga anticristo. Ni hindi mo ito mararamdaman. Isa itong lubhang mapanganib na kalagayan. Para malutas ang problemang ito, sa isang bahagi, nangangailangan ito ng kakayahang matukoy ang kalikasang diwa ng mga anticristo, at ng kakayahang mahalata ang pangit na hitsura ng pagkapoot ng mga anticristo sa katotohanan at ng paglaban nila sa Diyos; gayundin, kinakailangang maging pamilyar sa mga madadalas na gamiting diskarte ng mga anticristo sa panlilihis at panlilinlang ng mga tao, pati na ang paraan kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay. Ang isa pang bahagi ay na dapat ninyong hangaring malaman ang disposisyon at diwa ng Diyos. Dapat maging malinaw sa inyo na si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, na ang pagsamba sa kaninumang tao ay magdudulot sa inyo ng kapahamakan at kasawian. Dapat magtiwala kayo na si Cristo lamang ang makapagliligtas sa mga tao, at dapat ninyong sundan at magpasakop kay Cristo nang may lubos na pananampalataya. Ito lamang ang tamang landas ng buhay ng tao. Maaaring sabihin ng ilan: “May mga dahilan ako sa pagsamba sa mga lider—sa puso ko, natural kong sinasamba ang sinumang may talento. Sinasamba ko ang sinumang lider na naaayon sa aking mga kuru-kuro.” Bakit mo ipinipilit na sambahin ang tao bagaman naniniwala ka sa Diyos? Matapos ang lahat, sino ba ang magliligtas sa iyo? Sino ang tunay na nagmamahal sa iyo at nagpoprotekta sa iyo—hindi mo ba talaga nakikita? Kung nananalig ka sa Diyos at sinusundan mo ang Diyos, dapat kang makinig sa Kanyang salita, at kung may nagsasalita at gumagawa nang wasto, at umaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t tama lamang na magpasakop ka sa katotohanan? Bakit napakasama mo? Bakit ka nagpupumilit na humanap ng isang taong sinasamba mo para sundin? Bakit mo ba gustong maging alipin ni Satanas? Bakit hindi ka na lang maging isang lingkod ng katotohanan? Dito, nakikita kung may katwiran at dignidad ang isang tao. Dapat magsimula ka sa sarili mo: Sangkapan mo ang iyong sarili ng lahat ng uri ng katotohanan, magawa mong tukuyin ang sari-saring paraan kung paano naipapamalas ang iba’t ibang bagay at tao, alamin kung ano ang kalikasan ng iba’t ibang pag-uugali ng mga tao at kung anong disposisyon ang ipinapakita nila, matutuhang kilalanin ang pagkakaiba ng mga diwa ng iba’t ibang tao, maging malinaw tungkol sa kung anong uri ng mga tao ang nasa paligid mo, kung anong uri kang tao, at kung anong uri ng tao ang iyong lider. Sa sandaling makita mo ang lahat ng ito nang malinaw, magagawa mo nang pakitunguhan ang mga tao sa tamang paraan, ayon sa mga katotohanang prinsipyo: Kung mga kapatid sila, tatratuhin mo sila nang may pagmamahal; at kung hindi naman sila mga kapatid kundi masasamang tao, o mga walang pananampalataya, didistansya ka at tatalikdan sila. At kung sila ay mga taong nagtataglay ng katotohanang realidad, bagama’t maaaring hinahangaan mo sila, hindi mo sila sasambahin. Walang sinumang makahahali kay Cristo; si Cristo lamang ang praktikal na Diyos. Si Cristo lang ang makapagliligtas a mga tao, at sa pamamagitan lang ng pagsunod kay Cristo matatamo mo ang katotohanan at buhay. Kung malinaw mong nakikita ang mga bagay na ito, nagtataglay ka ng tayog at malamang na hindi maililihis ng mga anticristo, ni hindi mo kailangang matakot na mailihis ng mga anticristo.

Nababahala ang ilang tao kapag nakikita nila ang partikular na mga anticristo na nabubunyag at napalalayas, sinasabi na: “Bagaman tila hindi masasamang tao sa panlabas ang mga anticristo, bakit kapag natukoy ang mga bagay na ginagawa nila, lumalabas na napakasama nila? Tila talagang mapanlinlang ang mga anticristo. Subalit may mahina akong kakayahan, at kung makatatagpo ako muli ng gayong mga anticristo, natatakot akong hindi ko sila makikilala. Paano ako dapat mag-ingat laban sa mga anticristo?” Kahit na may mahinang kakayahan ka, hindi mo kailangang palaging mag-alala tungkol sa pagkalihis o palaging isipin kung paano mag-iingat laban sa kanila. Kailangan mo lang tumuon sa pag-unawa sa katotohanan, magbasa ng mas maraming salita ng Diyos, at kapag mayroon kang oras, seryosong pag-isipan ang masasamang gawi na ginawa ng mga anticristo, tinatanong ang iyong sarili, “Saan namamalagi ang kanilang kasamaan? Ano ang nagtulak sa kanila na gumawa ng gayong kasamaan? Makagagawa ba ng gayong kasamaan ang mga ordinaryong tao? Paano sila nauunawaan ng mga nakauunawa sa katotohanan? Paano ko sila makikilala?” Kapag malinaw mong nang nakikita ang diwa ng mga tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mauunawaan mo ang lahat. Habang patuloy mong iniisip ang mga bagay na ito, hindi mo namamalayan na matututo kang kumilatis, at natural, makauunawa ka kapag nahaharap muli sa mga anticristo na sinusubukang lihisin ang mga tao. Kinakailangan nito na pagdaanan ang maraming karanasan; hindi ito isang bagay na matututuhan mo sa pakikinig lang sa mas maraming sermon. Tulad ito sa pagkakamit ng karanasan sa lipunan pagkatapos magamit nang sobra o magdusa ng napakaraming kawalan—“isang pagkahulog sa hukay, isang karagdagan sa iyong karungan.” Pareho itong ideya. Sa ating pananalig sa Diyos, ang pangunahing bagay ay na maunawaan ang katotohanan. Mas maraming katotohanan ang iyong nauunawaan, mas maraming bagay ang iyong maiintindihan. Kung wala kang nauunawaang anumang katotohanan, kahit ang pagkakaroon ng kaalaman ay walang silbi. Sa kaalaman lang, hindi mo maiintindihan ang anumang bagay; ang iyong mga pananaw ay katulad nang sa mga sekular na tao, at anuman ang iyong puna ay magiging kalokohan at mga panlilinlang. Huwag mag-alala kung hindi mo naiintindihan ang ilang tao sa ngayon. Kapag naunawaan mo na ang katotohanan, natural na magkakaroon ka ng pagkilatis. Sa ngayon, tumuon lang sa paggawa ng mabuti sa sarili mong tungkulin, kumain at uminom ng mas maraming salita ng Diyos, at pag-isipang mabuti ang katotohanan. Kapag dumating ang araw na nauunawaan mo na ang katotohanan, makikilatis mo ang mga tao. Sa pamamagitan lang ng pagmamasid sa pag-uugali ng isang tao, malalaman mo kung ano ang nangyayari sa kanila sa iyong puso; sa pamamagitan lang ng pakikinig sa isang tao na mag-ulat tungkol sa isang isyu, makikita mo ang diwa ng isyu; at sa pamamagitan lang ng pakikinig sa mga iniisip at pananaw ng isang tao, malalaman mo ang kanilang tayog. Nang walang labis na pagsisikap, mauunawaan mo ang lahat tungkol sa anumang bagay o tao—ito ang resulta ng pag-unawa sa katotohanan. Gayunpaman, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, kundi sa halip ay umaasa sa iyong imahinasyon para tasahin ang mga tao, sambahin sila, sumandig sa kanila, at pikit-matang bolahin sila, at kung hindi mo tatahakin ang landas ng pagsunod sa katotohanan, ano ang magiging resulta sa huli? Magagawa kang linlangin ng sinuman; hindi mo maiintindihan ang sinuman, kahit na ang pinakahalatang anticristo. Gagawin ka nilang hangal, at hahangaan mo pa rin sila sa kanilang abilidad, liligid sa kanila araw-araw. Kung gayon, ikaw ay tunay na isang tao na magulo ang isip, at tiyak na masasabing nananalig ka sa isang malabong Diyos, hindi sa praktikal na Diyos, at ikaw ay tiyak na hindi isang taong naghahangad sa katotohanan.

May ilang tao, kahit pagkatapos makinig sa ilang sermon tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo, ang hindi pa rin kayang matukoy ang mga ito. Nauunawaan lang nila ang ilang pamamaraan ng pagkiltis subalit kulang sa praktikal na karanasan. Kapag talagang nahaharap sila sa masasamang gawi ng mga anticristo, nabibigo muli silang matukoy ang mga ito. Bagaman hindi nila matukoy ang mga anticristo pagkatapos makinig sa mga sermon, ikinukumpara nila ang sarili nila sa kanilang narinig at lalong nararamdaman na tulad sila ng isang anticristo. Sa kalaunan, naniwala sila na sila mismo ay mga anticristo. Walang mali sa ganitong uri ng pagkilatis. Ganap nilang nalalaman ang mga detalye sa pagkilala sa mga anticristo, subalit kulang lang sila sa mga prinsipyo ng paghusga. Ito ay hindi isang malaking isyu; ipinakikita nito na naging mabisa ang pakikinig nila sa mga sermon. Bagaman hindi nila natukoy ang mga tunay na anticristo, nakilatis nila ang kanilang sarili, na isang magandang bagay rin. Inililigtas muna nila ang kanilang sarili, at iniiwasang maging mga anticristo, na isang mabungang kinahinatnan ng pakikinig sa mga sermon na ito na naglalantad sa mga anticristo. Ang kakayahang makilatis ang sarili bilang isang anticristo ay hindi simple; ang gayong pagkilatis ay kinasasangkutan ng detalyadong pagmamasid, at naniniwala Ako na ito ay maituturing na pagkakaroon ng pagkilatis. Ang pagkilatis sa sarili ngayon ay isang mabuting bagay; hindi pa huli ang lahat para gawin ito. Kung nakagawa ka na ng kasamaan o nagdulot ng mga sakuna at pagkatapos ay nakilala bilang isang anticristo, magiging huli na ang lahat. Kung nakakikilatis ka na ngayon, sa pinakamalala, nangangahulugan itong nagpapakita ka ng mga katangiang katulad sa mga anticristo, na tinatahak mo ang landas ng mga anticristo, at na pinili mo ang maling landas. Ito ang lawak ng iyong kasalukuyang paghusga. May oras pa para magbago ng kurso, subalit mapanganib kung pipiliin mong huwag magbago. Ang paksa ng pagkilatis sa mga anticristo ay maraming beses nang napagbahaginan, at sa ngayon ay may mga tao nang talagang nakakikilatis. Nakikilala nila ang mga sarili nilang disposisyong anticristo na kanilang ibinubunyag, na isang resulta at nagpapatunay na sila ay nakakuha ng pagkilatis. Kung makakaya nilang mas higit na mapag-iba iyong mga nagtataglay ng kalikasang diwa ng mga anticristo at iyong mga mayroon lang ng mga disposisyong anticristo, ganap na napagdalubhasaan na nila ang pagkilatis. Ito ay isang bagay na maaaring makamit sa lalong madaling panahon, kaya hindi na kailangang magmadali. Kung kayang kilatis ng mga tao ang sarili nilang disposisyong anticristo, nakikilala kung tinatahak nila ang landas ng mga anticristo, at nauunawaan kung ano ang kalikasang diwa ng mga anticristo, natutunan na nila kung paano kilatisin ang mga anticristo. Ang kakayahang makilatis ang mga anticristo ay hindi tungkol sa kung gaano karaming taon nang nananalig ang isang tao sa Diyos, kundi kung kayang magsikap ng isang tao para sa katotohanan at maunawaan ito. May ilang tao na nananalig na sa Diyos sa loob ng maraming taon at nakapakinig na sa maraming sermon tungkol sa paglalantad sa mga anticristo, subalit hindi pa rin talagang nagbabago ang kanilang mga disposisyon at pagpapamalas. Gaano man Ako nagbabahagi ng katotohanan, nananatili silang walang kamalayan. Maaaring nakikilala nila ang nilalaman ng pagbabahagi sa sandaling ito, subalit pagdating sa pagkilos o paggawa ng kanilang mga tungkulin, bumabalik sila sa kanilang mga dating gawi. Hindi ba’t makagugulo at mapanganib ito para sa gayong mga tao? Lubhang mapanganib ito! Paano man Ako nakikipagbahaginan, gaano man sila nagsisisi sa sarili o nababagabag sa oras ng pakikinig sa Akin, hindi sila nagbabago pagkatapos. Hindi sila nagninilay kung bakit palagi nilang itinataguyod at nililinang ang mga taong nambobola at nanlalangis, ni hindi sila nagninilay kung bakit nila tinatrato ang iba hindi batay sa mga prinsipyo, kundi ayon sa kanilang mga sariling kapritso. Hindi sila nasusulasok sa mga taong gusto nila, masama o di-mabuti man ang mga ito, at patuloy nilang itinataguyod at ginagamit ang mga ito. Lalong hindi sila nagninilay kung bakit hindi talaga nila hinahangad ang katotohanan at tinatahak ang landas ng mga anticristo. Mapanganib ang paggawa ng napakaraming kasamaan nang walang anumang tunay na pagninilay o pagbabago. Sa mga nakalipas na pagtitipon, ang pagbabahaginan ay tungkol sa paglalantad sa mga disposisyon at diwa ng mga anticristo. Ang disposisyon ng mga anticristo ay mas nakatago at buktot kaysa sa mga karaniwang nakikitang tiwaling disposisyon. Tutol ang mga anticristo sa katotohanan, napopoot sila sa katotohanan, at ganap na hindi tinatanggap ang katotohanan o ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ano kung gayon ang kahihinatnan, ang katapusan ng mga anticristo? Siguradong palalayasin sila. Paano ipinakilala ng Diyos ang mga anticristo? Bilang iyong mga napopoot sa katotohanan at sumasalungat sa Diyos—sila ay mga kaaway ng Diyos! Ang pagsalungat sa katotohanan, pagkapoot sa Diyos, at pagkapoot sa lahat ng positibong bagay—hindi ito ang panandaliang kahinaan o kamangmangan na makikita sa mga ordinaryong tao, ni ang pagbubunyag ng mga maling kaisipan at pananaw na lumilitaw sa isang sandali ng baluktot na pagkaarok; hindi ito ang problema. Ang problema ay na sila ay mga anticristo, ang mga kaaway ng Diyos, na napopoot sa lahat ng positibong bagay at lahat ng katotohanan; sila ay mga karakter na napopoot at sumasalungat sa Diyos. Paano tinitingnan ng Diyos ang gayong mga karakter? Hindi sila inililigtas ng Diyos! Kinasusuklaman at kinapopootan ng mga taong ito ang katotohanan, may kalikasang diwa sila ng mga anticristo. Nauunawaan ninyo ba ito? Ang nalalantad dito ay kabuktutan, kalupitan, at pagkapoot sa katotohanan. Ito ang pinakamalalala sa mga satanikong disposisyon sa mga tiwaling disposisyon, kinakatawan ang mga pinakaraniwan at pinakamalaking katangian ni Satanas, hindi lang ang mga tiwaling disposisyon na nabunyag ng ordinaryong tiwaling sangkatauhan. Ang mga anticristo ay isang puwersang laban sa Diyos. Maaari nilang guluhin at kontrolin ang iglesia, at mayroon silang kapasidad na lansagin at gambalain ang gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ito isang bagay na kayang gawin ng mga ordinaryong tao na may tiwaling disposisyon; ang mga anticristo lang ang may kakayahang gumawa ng gayong mga kilos. Huwag maliitin ang bagay na ito.

Lahat ng masamang tao ay may buktot disposisyon. Ang ilang kabuktutan ay naipapahayag sa pamamagitan ng malulupit na disposisyon, tulad ng madalas na pananakot sa mga taong matapat, pagtrato sa kanila sa paraang mapanuya o sarkastiko, lagi silang ginagawang katatawanan, at sinasamantala sila. Ang masasamang tao ay yumuyukod sa paggalang kapag nakakakita sila ng isa pang masamang tao, ngunit kapag nakakakita sila ng mahinang tao, tinatapakan nila ito at pinagmamalupitan. Lubos na malulupit at buktot na tao ang mga ito. Sinumang nananakot o nanunupil ng mga Kristiyano ay isang diyablong nagpapanggap na tao; mga hayop sila na walang kaluluwa, at ang reinkarnasyon ng diyablo. Kung may mga tao sa pulutong ng masasamang tao na hindi nananakot ng mga taong matapat, na hindi pinagmamalupitan ang mga Kristiyano, na pinakakawalan lamang ang kanilang poot sa mga taong pumipinsala sa kanilang sariling interes, ang mga taong ito ay itinuturing na mabubuting tao sa gitna ng mga hindi nananalig. Ngunit paano naiiba ang kabuktutan ng mga anticristo? Ang kabuktutan ng mga anticristo ay pangunahing namamalas sa kanilang partikular na hilig na makipagkompetensiya. Nangangahas silang makipagpaligsahan sa Langit, makipagpaligsahan sa lupa, at makipagpaligsahan sa ibang mga tao. Hindi lamang nila hindi pinahihintulutan ang iba na takutin sila, kundi inaapi at pinarurusahan din nila ang iba. Araw-araw, pinag-iisipan nila kung paano parurusahan ang mga tao. Kung naiinggit sila o namumuhi sa isang tao, hindi nila iyon pinalalagpas. Ito ang mga paraan na buktot ang mga anticristo. Saan pa naipamamalas ang kabuktutang ito? Makikita ito sa kanilang malupit na paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay, na mahirap makita para sa mga taong may kaunting kaalaman, kaunting kaalaman at kaunting karanasan sa lipunan. Ginagawa nila ang mga bagay sa napakamapanlinlang na paraan, at umaangat ito sa kabuktutan; hindi ito pangkaraniwang panlilinlang. Maaari silang maglaro ng mga laro sa dilim at manloko, at gawin iyon nang mas mahusay kaysa sa karamihan ng mga tao. Hindi kaya ng halos lahat ng ordinaryong tao na makipagkompetensiya sa kanila at hindi rin kaya ng mga ito na makitungo sa kanila. Isa itong anticristo. Bakit Ko sinasabing hindi sila kayang pakitunguhan ng mga ordinaryong tao? Dahil sukdulan na ang kanilang kabuktutan kaya nagtataglay sila ng malaking kapangyarihang ilihis ang mga tao. Kaya nilang mag-isip ng lahat ng uri ng paraan para sambahin at sundin sila ng mga tao. Kaya rin nilang pagsamantalahan ang lahat ng uri ng tao para gambalain at pinsalain ang gawain ng iglesia. Sa gayong mga sitwasyon, paulit-ulit na nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa bawat uri ng pagpapamalas, disposisyon, at diwa ng mga anticristo, upang matukoy sila ng mga tao. Kinakailangan ito. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at sinasabing, “Bakit laging nagbabahaginan sa kung paano matukoy ang mga anticristo?” Dahil kayang-kayang ilihis ng mga anticristo ang mga tao. Kaya nilang ilihis ang maraming tao, na parang nakamamatay na salot, na maaaring puminsala sa marami sa isang biglaang pagsilakbo, dahil nakakahawa; lubhang nakakahawa ito at malayo ang naaabot, at ang bilis ng pagkahawa rito at pagkamatay sanhi nito ay masyadong mataas. Hindi ba matindi ang mga kahihinatnang ito? Kung hindi ako makikipagbahaginan nang ganito sa inyo, makakawala ba kayo mula sa pagkalihis at pagpigil ng mga anticristo? Tunay ba kayong makababaling sa Diyos at makapagpapasakop sa Kanya? Napakahirap nito. Kapag nagbubunyag ang mga ordinaryong tao ng isang mapagmataas na disposisyon, sa pinakamalala, ipinakikita nito sa iba ang pangit na kalagayan ng kanilang pagmamataas. Minsan ay nagyayabang sila, minsan ay nagmamalaki at nagpapasikat sila ng kanilang sarili, at minsan ay gustong-gusto nilang ipinagmamalaki ang kanilang katayuan at pinangangaralan ang iba. Subalit ito ba ang kaso sa mga anticristo? Sa panlabas, maaaring hindi nila ipinagmamalaki ang kanilang katayuan o na mahilig dito, maaaring mukhang hindi sila interesado sa katayuan, subalit sa kaibuturan, may matinding pagnanais sila para dito. Ito ay tulad ng ilang emperador o bandidong panginoon ng mga hindi mananampalataya: Kapag nakikipaglaban para sa kanilang lupain, dumaranas sila ng mga paghihirap kasama ang kanilang mga kabalikat, na tila mapagpakumbaba at hindi ambisyoso. Subalit nakita mo na ba ang pagnanais na nakatago sa kaibuturan ng kanilang puso? Bakit kaya nilang tiisin ang gayong mga paghihirap? Ang mga pagnanais nila ang nagpapalakas sa kanila. Nagtataglay sila ng malaking ambisyon sa kanilang kalooban, handang tiisin ang anumang pagdurusa o tiisin ang anumang paninirang-puri, pag-aalipusta, pagkakasala, at pang-iinsulto para balang-araw at makaakyat sila sa trono. Hindi ba’t mapanlinlang ito? Kaya ba nilang ipaalam sa sinuman ang tungkol sa ambisyong ito? (Hindi.) Ikinukubli nila ito at itinatago. Ang nakikita sa labas ay isang taong kayang tiisin ang hindi kayang tiisin ng iba, na kayang tiisin ang mga di-matiis na paghihirap, na mukhang matiyaga, walang ambisyon, praktikal, at mabuti sa mga nakapaligid sa kanya. Subalit sa araw na umakyat siya sa trono at makamit ang tunay na kapangyarihan, para pagsamahin ang kanyang awtoridad at pigilan ang pang-aagaw ng kapangyarihan, pinapatay niya iyong lahat niyong nagdusa at nakipaglaban kasama niya. Kapag nabunyag lang ang katotohanan, mapagtatanto ng mga tao kung gaano siya katuso. Kapag nagbabalik-tanaw ka at nakikitang ang lahat ng kanyang ginawa ay dulot ng ambisyon, natutuklasan mong ang kanyang disposisyon ay ang kabuktutan. Anong taktika ito? Ito ay pagiging mapanlinlang. Ito ang disposisyon kung paano kumikilos ang mga anticristo. Magka-uri ang mga anticristo at ang mga diyablong hari na nagtataglay ng opisyal na kapangyarihan; talagang hindi sila naghihirap at nagtitiis sa iglesia nang walang dahilan kung hindi sila makakukuha ng kapangyarihan at katayuan. Sa madaling salita, ang mga taong ito ay ganap na hindi kontento sa pagiging mga ordinaryong tagasunod, nakikipagkompromiso sa sambahayan ng Diyos bilang mga karaniwang mananampalaya ng Diyos, o tahimik at palihim na gumagawa ng ilang tungkulin; tiyak na hindi sila papayag na gawin ito. Kung ang isang taong may katayuan ay pinalitan dahil tinahak niya ang landas ng isang anticristo, at iniisip niyang, “Kung wala ang katayuan ngayon, diretso lang akong kikilos bilang isang ordinaryong tao, ginagawa ang anumang tungkulin na magagawa ko; kaya ko pa ring manalig sa Diyos nang walang katayuan,” anticristo ba siya? Hindi, ang taong ito ay minsang tumahak sa landas ng isang anticristo, minsang tumahak sa maling landas dahil sa panandaliang kahangalan, subalit hindi siya isang anticristo. Ano ang gagawin ng isang tunay na anticristo? Kung nawala ang kanyang katayuan, hindi na siya mananalig. Hindi lang iyon, kundi mag-iisip din siya ng iba’t ibang paraan para ilihis ang iba, gawing sambahin at sundin siya ng iba, para matupad ang kanyang ambisyon at pagnanais na magkaroon ng kapangyarihan. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tumatahak sa landas ng mga anticristo at mga aktuwal na anticristo. Sinusuri at hinihimay natin ang mga disposisyon, diwa, at pagpapamalas ng mga anticristo dahil napakaseryoso ng kalikasan ng isyung ito. Karamihan sa mga tao ay hindi makakikilatis sa mga anticristo. Hindi lang ang mga ordinaryong kapatid, maging ang ilang lider at manggagawa na nag-aakalang nauunawaan nila ang ilang katotohanan ay hindi pa lubusang napagkakadalubhasaan ang pagkilatis sa mga anticristo. Mahirap sabihin kung gaano karami na ang kanilang natutunan, na nagpapahiwatig na masyadong mababa ang kanilang tayog. Tanging iyong mga taong tumpak na nakakikilatis sa mga anticristo ang mga taong may tunay na tayog.

Ano ang isang malaking isyu na kinahaharap ninyong lahat ngayon? Karamihan sa mga tao ay hindi nakakikilatis at madaling naililihis ng mga huwad na lider at anticristo, na lubhang mapanganib kung hindi malulutas. Kaya, hinihingi Ko na matuto kayong pag-ibahin ang iba’t ibang uri ng tao. Kilatisin kung anong disposisyon ang kinakatawan ng iba’t ibang pag-uugali at pahayag ng mga tao, at batay sa mga ito, alamin ang diwa ng tao. Bukod pa rito, kailangan ninyong magawang pag-ibahin kung ang katotohanang realidad at kung ano ang mga salita at doktrina lang. Kung hindi ninyo makikilatis ang mga ito, hindi kayo makapapasok sa katotohanang realidad. Paano kayo magkakaroon ng landas para makapasok sa realidad nang walang pagkilatis? May ilang lider at manggagawa na nagbubulalas lang ng mga salita at doktrina, iniisip na ang pag-unawa sa mga salita at doktrina ay nangangahulugang nagtataglay sila ng realidad. Kaya, habang nagbubulalas ng mga salita at doktrina, nakadarama sila ng kasiyahan at katwiran, nagiging mas masigasig. Subalit kapag dumating sa kanila ang mga pagsubok, nag-aalinlangan sila at, nang hindi nila nalalaman kung paano sila nag-aalinlangan, sinasabi pa rin nilang, “Bakit hindi ako pinrotektahan ng Diyos?” Hindi ba ito isang kahiya-hiyang kabiguan? Kaya, may ilang lider at manggagawa na palaging nagsasalita tungkol sa mga salita at doktrina—makikilatis ninyo ba ito? (Hindi.) Minsan naririnig Ko mula sa ilang kapatid na nagsasalita lang ang ilang lider tungkol sa mga salita at doktrina at hindi angkop na maging mga lider, at hinihiling nilang palitan ang mga ito. Gayunpaman, pagkatapos silang sabihang pumili ng isang bagong lider, karamihan sa mga tao ay walang pagkilatis, at ang mga nahalal na lider at manggagawa ay iyong mga nagsasabi lang din ng mga salita at doktrina na walang gaanong realidad. Ito ay isang napakaseryosong isyu, isang napakahirap na isyu. Kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita ng pagbabahaginan sa mga isyu na ito, makikilatis ninyo ba ang anumang pagkakaiba mula sa sinasabi ng mga ordinaryong lider? Kung makikilatis ninyo ang pagkakaiba, alam mo kung ano ang katotohanang realidad. Kung hindi mo ito makikilatis at iniisip na pareho lang ito, iniisip na, “Natuto rin kaming magsalita ng mga salita ng Diyos, at kung ano ang sinasabi namin ay kapareho ng sinasabi ng Diyos,” kung gayon ay may problema iyon. Pinatutunayan nitong hindi mo talaga nauunawaan ang katotohanan, alam mo lang kung paano gayahin ang mga salita ng Diyos at bigkasin ang kaunti sa mga ito, nang hindi talaga nauunawaan ang katotohanan. Karamihan sa mga anticristo ay nagtataglay ng mga partikular na kaloob at mahusay na pananalita, na nagbibigay sa kanila ng kapital para ilihis ang mga tao. Kaakibat ng kanilang buktot na disposisyon at mga mapagmanipulang paraan sa pananalita at pagkilos, talagang nagagawa nilang ilihis ang mga tao. Kung kaya ninyo lang na magbulalas ng mga salita at doktrina at hindi nakakikilatis kung ano ang katotohanang realidad, maaari ka lang mailihis ng mga anticristo. Ito ay isang bagay na lampas sa iyong kontrol! Para sa iyong mga hindi nakauunawa sa katotohanan, imposibleng hindi mailihis ng mga anticristo, sa kabila ng kung ano ang kanilang naisin. Ang paglaya mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi simpleng bagay, hindi ba?

Hunyo 11, 2019

Sinundan: Ikalimang Aytem: Nililihis, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao

Sumunod: Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito