Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

576 Hindi Lamang Ninyo Alam ang Inyong Katayuan

Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tuktok ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Kayo ay sukdulang di-makatwiran, at kayo ay naghuhuramentado sa gitna ng lahat ng uod, naghahanap ng maginhawang dako at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa inyo. Kayo ay malisyoso at masama sa inyong mga puso, hinihigitan ang mga multo na nakalubog sa pusod ng dagat. Kayo ay namumuhay sa ilalim ng dumi ng hayop, ginagambala ang mga uod mula sa ibabaw hanggang ilalim hanggang sa wala ng katahimikan ang mga ito, nakikipag-away sa isa’t isa sa isang sandali at pagkatapos ay kakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, gayunma’y naglalaban-laban pa rin kayo sa isa’t isa sa dumi ng hayop. Anong mapapala ninyo mula sa ganyang pakikipagtunggali? Kung totoong mayroon kayong paggalang sa Akin sa inyong mga puso, paano ninyo magagawang mag-away-away sa Aking likuran? Kahit na gaano pa kataas ang iyong katayuan, hindi ba’t ikaw ay isa pa ring umaalingasaw na maliit na uod sa dumi ng hayop? Makakaya mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid?

Hango sa “Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat nito Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Walang Makaaarok sa Pinagmulan ng mga Salita ng Diyos

Sumunod:Nararapat ba Talaga Kayong Maging Isa sa mga Tao ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin