Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

255 Determinado Akong Mahalin ang Diyos

1 Diyos ko! Nakita ko na ang Iyong katuwiran at kabanalan ay lubhang kalugud-lugod. Nagpapasiya akong magsumikap na matamo ang katotohanan, at determinado akong mahalin Ka. Hinihiling ko sa Iyo na buksan ang mga mata ng aking espiritu, hinihiling ko sa Iyo na antigin ang aking puso, upang sa harap Mo mahubaran ako sa lahat ng walang kibong mga kalagayan, at di-mapipigilan ng sinumang tao, pakay, o bagay; ang aking puso ay ganap na ipinapahayag ko sa harap Mo, anupa’t ang aking buong pagkatao ay iniaalay sa harap Mo, at maaari Mo akong subukin paano Mo man ibigin. Ngayon, hindi ako magbibigay ng anumang palagay sa aking mga inaasahan, ni ako ay nakagapos sa kamatayan. Gamit ang aking puso na umiibig sa Iyo, nais kong hangarin ang daan ng buhay.

2 Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Iyong mga kamay, ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at, higit sa rito, ang aking buhay ay pinamamahalaan ng Iyong mga kamay. Ngayon, hinahangad ko ang aking pag-ibig sa Iyo, at hindi alintana kung hahayaan Mo man akong Ibigin Ka, at hindi alintana kung paano man manghimasok si Satanas, determinado ako na ibigin Ka. Ako mismo ay handang hanapin Ka at sundan Ka. Ngayon gusto Mong talikuran ako ngunit nais ko pa ring sundan Ka. Gusto Mo man ako o hindi, mamahalin pa rin Kita, at sa huli ay kailangan kong makamit Ka. Iniaalay ko ang aking puso sa Iyo, at anuman ang gawin Mo, susundan Kita habang ako’y nabubuhay. Ano’t anuman, kailangan Kitang mahalin at kailangan Kitang makamit; hindi ako titigil hangga’t hindi Kita nakakamit.

Sinundan:Sinasamba Ka Namin, Makapangyarihang Diyos na Nagkatawang-Tao

Sumunod:Hangad Ko Lamang na Mahalin ang Diyos sa Aking Puso

Baka Gusto Mo Rin