540 Alisin ang Impluwensya ng Kadiliman para Sang-ayunan ng Diyos

Ang impluwensya ng kadiliman

ay ang panlilinlang, katiwalian,

paggapos, at pagkontrol

ni Satanas sa sangkatauhan.

Ang impluwensya ni Satanas

ay may awra ng kamatayan.

Ang lahat ng sakop nito’y tiyak na mawawasak.


I

Pagkatapos mong taimtim

na manalangin sa Diyos,

puso mo’y ibinabaling sa Kanya nang lubusan.

Naaantig ka ng Espiritu ng Diyos,

handang lubusang ihandog ang sarili.

Diyan mo matatakasan

ang impluwensya ng kadiliman.

Kung lahat ng ginagawa ng tao’y

kalugud-lugod sa Diyos,

kung lahat ng kanyang ginagawa’y

ang hinihingi ng Diyos,

siya’y nabubuhay sa mga salita ng Diyos,

sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos.


Kung nais mong sang-ayunan ng Diyos,

dapat mong takasan

ang impluwensya ng kadiliman ni Satanas,

buksan mo ang puso mo’t

ibaling mo ito sa Diyos,

ganap mo itong ibaling sa Diyos.


II

Kung ang tao’y ‘di maisagawa

mga salita ng Diyos,

basta-basta lang kung kumilos para sa Kanya,

at hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos,

sila ay nasa impluwensya ng kadiliman.

Ang mga ‘di naligtas ng Diyos

o ‘di naniniwala sa Diyos

ay namumuhay sakop ni Satanas,

sa impluwensya ng kadiliman.

Kahit mga naniniwala’y

‘di laging nabubuhay sa liwanag,

‘pagkat baka ‘di sila nabubuhay

sa mga salita ng Diyos o sumusunod sa Diyos.


Kung nais mong sang-ayunan ng Diyos,

dapat mong takasan

ang impluwensya ng kadiliman ni Satanas,

buksan mo ang puso mo’t

ibaling mo ito sa Diyos,

ganap mo itong ibaling sa Diyos.


Naibaling mo na ba ‘to sa Diyos?

Sinasang-ayunan ba ng Diyos ang mga gawa mo?

Ito ba’y ang hinihingi ng Diyos

at kaayon ng katotohanan?

Laging suriin ang sarili,

basahin ang mga salita ng Diyos nang mabuti,

ibigay mo ang puso mo sa Kanya

at mahalin Siya nang totoo.

Gugulin nang matapat ang iyong sarili sa Diyos.

Ang ganitong tao’y

tiyak na sasang-ayunan ng Diyos,

sasang-ayunan ng Diyos,

sasang-ayunan ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tumakas mula sa Impluwensya ng Kadiliman, at Kakamtin Ka ng Diyos

Sinundan: 539 Ang Impluwensya ni Satanas ay Hindi Maitatakwil Nang Hindi Hinahanap ang Katotohanan

Sumunod: 541 Sundin ang mga Salita ng Diyos para Maalis ang mga Impluwensya ng Kadiliman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito