129 Hindi Ko Masabi ang Lahat ng nasa Puso Ko

1 Narinig ko ang tinig Mo at masaya akong kinatagpo Ka. Natamasa ko ang kayamanan sa Iyong mga salita. Tunay na mabait at maganda ang Iyong puso at ang pag-ibig Mo ay nakabibighani. Napakahalaga ng kung ano Ka at kung ano ang mayroon Ka! Hindi ko masabi ang kabuuan nito—tunay na kaibig-ibig ang Makapangyarihang Diyos. Namumuhay Kang kasama ng mga tao at nagpapakita ng halimbawa sa lahat ng paraan. Sinamahan ako ng Iyong pag-ibig hanggang sa araw na ito. Sa patnubay at pagtustos ng mga salita Mo, unti-unti akong lumalago sa buhay. Pinipino Mo ang puso ko at dinadalisay ang pag-ibig ko. Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita Mo, nagdurusa ako ngunit nalalasap ko ang tamis.

2 Dahil naranasan ko ang Iyong paghatol, mas naging malapit ang puso ko sa Iyo. Ang paghatol at pagkastigo Mo ang naglilinis ng aking katiwalian. Sa pamamagitan ng mga paghihirap at pagpipino, natutunan kong magpasakop. Hindi na negatibo at hindi na mapaghimagsik, naunawaan ko na ang kalooban Mo. Tanging ang salita mo ang katotohanan at ang makapagbibigay ng buhay sa tao. Ang puso Mo ang pinakamabait sa lahat; ibinibigay Mo ang lahat ng mayroon Ka para iligtas ang tao. Natikman ko ang Iyong tunay na pag-ibig, at hindi ko masabi ang lahat ng nasa puso ko. Dinadalisay Mo ako at ako’y sa Iyo. Iibigin Kita magpakailanman. Hindi ko masabi ang lahat ng nasa puso ko. Kaya kong sabihin ang tungkol sa pag-ibig Mo nang walang katapusan magpakailanman. Nais kong gampanan nang maayos ang tungkulin ko at magpatotoo sa Iyo. Iibigin Kita magpakailanman.

Sinundan: 128 Ako’y Labis na Malapit sa Diyos

Sumunod: 130 Pagbibilang sa Biyaya ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito