Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos

Bilis

Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos

I

Libu-libong taon ang lumipas,

natatamasa pa rin ng tao ang liwanag

at ang hanging kaloob ng Diyos.

Hinihinga pa rin ng mga tao

ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.

Tinatamasa pa rin ng tao ang mga bagay na likha ng Diyos,

ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.

Tinatamasa ng mga tao ang lahat ng bagay,

lahat ng bagay na inilaan ng Diyos.

Araw at gabi'y patuloy sa pagpapalitan ang bawat isa.

Tulad ng dati, ang apat na panahon, ay halinhinan.

Lumilipad sa langit, umaalis ang gansa sa taglamig

at nagbabalik sa tagsibol.

Lumalangoy sa tubig, ang isda kailanma'y

'di umaalis sa mga ilog at lawa, na tahanan nila.

II

Sa mga araw ng tag-init,

mga kuliglig sa lupa'y masayang umaawit.

Sa mga araw ng taglagas,

mga kuliglig sa damo'y umaawit sabay sa hangin.

Sama-sama ang mga gansa, habang mga agila ay mag-isa.

Mga leon nabubuhay sa pangangaso,

usa'y 'di lumalayo sa bulaklak at damo. …

Bawat buhay na nilalang sa lahat ng bagay

ay paulit-ulit na dumarating at umaalis,

milyong mga pagbabago sa isang iglap.

Ang kanilang likas na ugali't mga batas

para manatiling buhay ay 'di nagbabago.

Nabubuhay sila sa pagpapalusog at pagtustos ng Diyos.

'Di mababago ninuman ang likas nilang ugali.

Walang makalalabag sa mga patakaran nila para mabuhay.

Walang makalalabag sa mga patakaran nila para mabuhay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Buhay ng Tao'y Lubusang Isinailalim sa Pagiging Kataas-taasan ng Diyos

Sumunod:Ang Diyos ang Nag-iisang Pinuno ng Tadhana ng Tao

Baka Gusto Mo Rin