Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Oktubre 11, 2017

Ang Cristianismo at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala sa iisang Diyos. Alam ng mga taong nakauunawa sa kasaysayan ng relihiyon na ang Judaismo sa Israel ay lumitaw mula sa gawain na ginawa ng Diyos na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Cristianismo, Catolisismo, at Eastern Orthodoxy ay pawang mga iglesia na lumitaw pagkatapos na ginawa ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw nang ang Diyos ay naging tao sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol. Binabasa ng mga Cristiano sa Kapanahunan ng Biyaya ang Luma at Bagong Tipan ng Biblia, at ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ngayon ay binabasa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na personal na binigkas ng Diyos sa mga huling araw. Ang Cristianismo ay sumusunod sa gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, at tinatanggap ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol ng mga huling araw ng nagbalik na Panginoong Jesus, na Makapangyarihang Diyos. Ang pagkakaiba sa pagitan ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay na ang Cristianismo ay sumusunod sa gawain na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, samantalang ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay sumusunod sa gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos na isinagawa ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga pagkakaiba sa pagitan ng Cristianismo at Judaismo: Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan na nakasalig sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan. Ngunit hindi kinilala ng mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo ng Judaismo na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ni Jehova, na Siya ang Mesias na kanilang hinihintay. Buong katigasan ng ulo silang kumapit sa mga batas at mga kautusan ng Lumang Tipan na ipinahayag ng Diyos na Jehova. Kanila ring ipinako sa krus ang mahabaging Panginoong Jesus, na nakapagligtas sa sangkatauhan, at sa gayo’y nasaktan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos ay iwinaksi ng Diyos ang buong Judaismo, na kumapit sa mga batas ng Lumang Tipan, at ibinaling ang Kanyang kaligtasan sa mga Gentil—na, pagkatapos tanggapin at sundin ang Panginoong Jesus, ay bumuo ng mga iglesia ng Bagong Tipan, na tinatawag rin noon na Cristianismo. Samantala, ang mga Judio, na kumapit lamang sa gawain ng Diyos na Jehova ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan at tinanggihan ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ay binuo ang tinatawag na Judaismo. Mula rito ay makikita na ang Cristianismo at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala sa iisang Diyos—ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at ng daigdig at ng lahat ng bagay. Magkaiba nga lang ang pangalan at gawain ng Diyos na pinanghahawakan ng mga tao: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay sumusunod sa bagong pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, at tinatanggap ang bagong gawaing isinasagawa ng Diyos sa mga huling araw, samantalang ang Cristianismo ay pinanghahawakan ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, at tinatanggap ang lumang gawain na ginawa ng Diyos sa nakalipas na mga kapanahunan. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba sa pagitan ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang Diyos na kapwa nila pinaniniwalaan, gayunman, ay pareho: Ang tanging totoong Diyos na lumikha ng mga kalangitan at ng daigdig at ng lahat ng bagay. Ito ay isang katotohanan na hindi magagawang sirain o ikaila ng sinuman!

Maraming Cristiano ang naniniwala na kailangan lamang nilang tanggapin ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus upang makapasok sa kaharian ng langit, at hindi kailangang tanggapin rin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ang gayong mga pagkaintindi ay maling-mali. Noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Naligtas ang mga tao dahil sa kanilang pananampalataya, at hindi na kinondena ng batas at ipinapatay dahil sa kanilang mga paglabag. Gayunman pinatawad lamang ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, at hindi pinatawad o nilutas ang likas na pagkamakasalanan ng tao. Ang maka-satanas na mga disposisyon sa kalooban ng mga tao—ang kayabangan at pagmamataas, pagkamakasarili at kasakiman, pagiging liko at pagiging mapanlinlang, at pagkarebelde at pagkalaban sa Diyos—ay umiiral pa rin. Ang mga tao ay kailangan pang lubusang linisin, iligtas, at makamtan ng Diyos. Kaya’t, maraming beses na sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan Siyang magbalik. Sa maraming lugar sa Biblia ay ipinropesiya na ang Diyos ay magbabalik at magsasagawa ng paghatol, na dinadala ang mga banal sa kaharian ng langit. Ang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay ipinahayag ang lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan, at isinagawa ang bagong gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na nakasalig sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito ay upang malutas ang pagiging likas na makasalanan ng sangkatauhan, at upang tulutan ang sangkatauhan na ganap na palayain ang kanyang sarili mula sa pagkakagapos at mga pagpipigil ng kasalanan, mamuhay na katulad ng tunay na tao at makamit ng Diyos, at makapasok sa magandang hantungan na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Maaaring masabi na ang gawain ng pagtubos na isinagawa ng Panginoong Jesus ay ang pundasyon ng gawain ng kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw, samantalang ang gawain ng paghatol ng mga huling araw ay ang pinakasentro at pokus ng gawain ng kaligtasan ng Diyos. Ito ang yugto ng gawain na pinakaimportante at mahalaga sa kaligtasan ng sangkatauhan. Tanging ang mga tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang magkakaroon ng pagkakataon na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit at maging ang mga tao na dinadala sa harapan ng Diyos. Ngayon, nakita na ng ilang mga tao sa maraming mga sekta at mga denominasyon ng relihiyosong daigdig na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, at sa gayon ay tinanggap nila at nagsimulang sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Tinanggap rin ng ilang mga hindi mananampalataya ang Makapangyarihang Diyos dahil sa mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito na naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ang bumubuo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa ilalim ng patnubay at pagpapastol ni Cristo ng mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng pagdanas at pagsasagawa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay unti-unting naunawaan ang maraming katotohanan, at malinaw na nakita ang pinagmumulan at substansiya ng katiwalian ng sangkatauhan. Sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ang mga tao ay talaga at tunay na natikman ang matuwid at hindi maaaring saktan na disposisyon ng Diyos. Dahil kilala nila ang Diyos, unti-unti silang lumapit upang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, at mabuhay nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Taglay ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos ay unti-unting lumalim, sila ay lalo pang naging masunurin sa Diyos, at nagsagawa ng mas marami pang mga katotohanan. Nang hindi ito natatanto, ang mga taong ito ay lubusang napalaya ang kanilang mga sarili mula sa kasalanan at nagkamit ng kabanalan. Samantala, ang mga Cristiano na hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos, ay naniniwala pa rin sa Cristianismo. Pinanghahawakan nila ang pangalan ng Panginoong Jesus, sinusunod ang mga aral ng Biblia, at matagal nang itinapon ng Diyos sa kadiliman, nawawalan ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ito ay kinikilalang katotohanan. Kung ipipilit ng mga tao ang hindi pagsisisi, at pabulag na ikinokondena at kinakalaban ang nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, at tumatangging tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, kung gayon, sa huli, silang lahat ay aalisin ng gawain ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay binabasa ang mga salita ng Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao araw-araw, katulad ng mga Cristiano ng Christianismo na nagbabasa ng Biblia. Lahat ng mga Cristiano ay itinuturing ang mga salita ng Diyos bilang gabay sa kanilang buhay at bilang pinakamataas sa lahat ng mga talinghaga ng buhay.