Ang Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa China
Noong 1995, ang gawain ng pagpapatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay pormal na sinimulan sa Mainland China. Sa pamamagitan ng ating pasasalamat sa Diyos at may tunay na pagmamahal, nagpatotoo tayo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga kapatid na lalaki at babae sa iba’t ibang denominasyon at sekta. Hindi natin inasahang dumanas ng matinding pagkalaban at paninirang-puri mula sa kanilang mga pinuno. Ang tangi nating magagawa ay lumapit sa Makapangyarihang Diyos upang taimtim na manalangin, na nagsusumamong personal na magtrabaho ang Diyos. Mula noong 1997, namasdan naming magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu. Mabilis na dumami ang mga miyembro ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar. Kasabay nito, maraming tanda at kababalaghan ang nangyari, at maraming tao sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang bumalik sa Makapangyarihang Diyos dahil tumanggap sila ng mga pagbubunyag mula sa Diyos o nakita nila ang mga tanda at kababalaghang ito. Kung hindi nagtrabaho ang Banal na Espiritu, ano ang magagawa ng tao? Dahil dito natanto natin na: Bagama’t naunawaan natin ang ilang katotohanan, hindi tayo makapagpatotoo tungkol sa Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan lamang ng ating sariling lakas. Matapos tanggapin ng mga taong ito mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang Makapangyarihang Diyos, unti-unti nilang natiyak ang Makapangyarihang Diyos sa kanilang puso sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom at pagkalugod sa salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkaraan ng kaunting panahon, nagkaroon sila ng tunay na pananampalataya at pagsunod. Kaya ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon at sekta ay dinala sa harapan ng luklukan, at hindi na inasahang “salubungin ang Panginoon sa hangin ” tulad ng kanilang naisip.
Simula nang magsimulang lumaganap ang ebanghelyo ng kaharian, pinaghahanap at malupit na kaming pinahihirapan ng pamahalaang China. Ang mas nakapanlulumo pa, nilait din kami, pinaratangan, hinatulan, at tinanggihan ng Iglesiang Katolika at lahat ng denominasyon at sektang Kristiyano. Lubha kaming nabagabag nito, at sumandali pang natigil ang gawain ng ebanghelyo. Naharap sa gayong sitwasyon, hindi namin malaman ang gagawin; para kaming kinubkob sa lahat ng panig. Kasabay nito, labis pa kaming pinagalitan: Nagtamasa kami ng napakadakilang kaligtasan mula sa Diyos at naunawaan namin ang napakaraming katotohanan, ngunit hindi namin maipalaganap ang ebanghelyo. Talagang hindi kami nararapat na maging mga saksi ng Diyos, at talagang nabigo kaming mamuhay ayon sa Kanyang utos. Sa estadong ito ng isipan, nadama naming lahat na nabigo kami sa aming tungkulin, hindi namin alam kung anong landas ang tatahakin, at hindi namin alam kung paano magsusulit sa Diyos—paano pa kaya namin malalaman kung paano haharapin ang mga pangaral at pagtitiwalang ibinigay sa amin ng Diyos. Hindi alam ang gagawin, nadama pa rin namin na tinatawag kami ng puso ng Diyos at ang lahat ng tupa na nais Niyang makuha. Kaya nga, lahat kami ay humarap sa Diyos nang may pagkakautang, kasalanan, at uhaw na manalangin sa Diyos at ibuhos ang nilalaman ng aming mga puso sa Diyos: “Diyos! Nawa’y Iyong bigyan kami ng lakas at pagkalooban kami ng karunungan, para matagpuan namin ang lahat ng Iyong tupa. Nawa’y matupad sa amin ang Iyong kalooban at maipalaganap ang Iyong ebanghelyo. Nawa’y maghatid ng mas maraming tao ang Iyong salita sa Iyong tahanan. Basta’t maipalaganap namin ang Iyong ebanghelyo, handa kaming sumailalim sa mas mabigat na pagdurusa, kahit isakripisyo pa namin ang aming buhay. Dalangin lang namin na bigyan Mo kami ng higit na lakas. Handa kaming makipagtulungan sa Iyong patnubay sa bawat hakbang. O Diyos, dahil kami ay maliit at kami ay mahina, hindi namin kayang kumpletuhin nang madali ang Iyong utos. Nawa’y talian Mo ang masasamang puwersang humahadlang sa pagpapalaganap ng Iyong ebanghelyo, isumpa ang mga kampon ng diyablo na hindi sa Iyo, alisin ang lahat ng sagabal na nakahadlang sa pagpapalaganap ng Iyong ebanghelyo, at buksan ang daan para matakasan namin ito.” Naniwala kami na nakarating sa pandinig ng Diyos ang aming mga dalangin, dahil ang aming hiling ay ayon sa kalooban ng Diyos at para sa kapakanan ng kalooban ng Diyos. Hindi nagtagal, talagang nagsagawa ang Diyos ng dakilang gawain, na nagdulot ng napakalaking katuwaan at galak na hindi pa namin nadama kailanman. Nagkaloob ang Diyos ng karunungan sa amin at binigyan kami ng pananampalataya at lakas, para mabilis na lumaganap ang gawain ng ebanghelyo at naabot ang rurok nito. Alam ng bawat isa sa amin, at higit pa riyan, naniwala kami, na ito ay mabuting balita na inihatid sa amin ng Diyos, at na ito rin ang pagpapalakas ng loob at gantimpala sa amin ng Diyos. Ang pagdurusang naranasan namin ay ginantihan. Sa kaibuturan ng aming puso, lalo naming pinasalamatan ang tunay na kahulugan ng mga salitang: “Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa.” Hindi ginawang mahirap ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa amin, at lalong hindi Niya kami pinahiya. Binigyan lang Niya kami ng ilang maliliit na pagsubok sa simula. Masaya naming pinasalamatan ang patnubay, tulong, at malasakit at proteksyon ng Diyos mula sa kaibuturan ng aming puso. Kasabay nito, nakita rin namin ang kadakilaan ng mga gawa at karangalan ng disposisyon ng Diyos; higit pa riyan, nakita namin ang pagkamatuwid ng Diyos at ang hindi Niya pagpaparaya sa kasalanan ng tao, sapagkat kasabay ng pagliligtas sa tao, pinarusahan din ng Diyos ang maraming kaaway na kumalaban sa Kanya. Kasama sa mga pinuno ng lahat ng denominasyon sa 24 na probinsya at munisipal na lungsod sa buong Mainland China, may karaniwang mga kaso ng mga tao na pinarurusahan dahil sa pagalit na paglaban, pagsumpa, at paglapastangan sa Makapangyarihang Diyos. Ang bilang ay napakalaki kaysa sa mga taong pinarusahan dahil sa pagkalaban sa gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan. Makikita na, sa mga huling araw, sumailalim ang sangkatauhan sa labis na katiwalian, at naging mas masidhi sa pagkalaban niya sa Diyos. Napakaraming tao ang naparusahan at napuksa, na lubos na nagsakatuparan sa propesiya sa Biblia na “Marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Kung hindi nagsagawa ng dakilang gawain ang Banal na Espiritu, mawawalan ng kapangyarihan ang tao na isagawa ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Mula simula hanggang wakas, ang gawain ng Diyos at ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay nagtiis ng galit na pagkalaban at malupit na pagpapahirap ng naghaharing Chinese Communist Party, ang malaking pulang dragon. Hindi kukulangin sa isang daang libong tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang inaresto at ibinilanggo, at nagtiis ng lahat ng uri ng paninira at pahirap. Napakaraming tao ang pinaghahanap at labis na pinahirapan ng Chinese Communist Party; hindi makauwi, patuloy lang silang gumugol para sa Diyos. Napakaraming tao ang tiniktikan at hindi nagawa ang kanilang tungkulin. Napakaraming kinontrol ng Chinese Communist Party at hindi makalabas ng kanilang tahanan. … Sa pagkalaban at paninira sa gawain ng Diyos, nagamit ng rehimen ng malaking pulang dragon ang lahat ng uri ng napakasamang paraan at gumamit ng maraming tao at malalaking halaga. Sa kabila ng pagsaid sa kasamaan at lihim na paninira, hindi nito mapapatigil kailanman ang tulin ng gawain ng Diyos. Minamaniobra ng Diyos ang lahat ng bagay na nakakatulong sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ang malaking pulang dragon ay lubos na sumasailalim sa pagsasaayos ng Diyos, minamanduhan ng Diyos hanggang sa lubos itong malito, at hindi na makatakas. Napakaraming beses, ang malaking pulang dragon ay muntik-muntikan nang arestuhin ang lahat ng tao sa buong bansa, ngunit ang plano nito ay pinutol ng kaayusan ng Diyos; napakaraming beses, ginusto ng malaking pulang dragon na iunat ang kanyang mga kamay upang patigilin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ngunit hindi ito nagtagumpay; napakaraming beses, tinangka ng malaking pulang dragon na mas sikaping patigilin ang gawain ng Diyos, ngunit sumailalim ito sa kapangyarihan at pagmamaniobra ng Diyos. Sa gayong mga pagkakataon galit na galit ang malaking pulang dragon, ngunit wala itong mga planong maisagawa. Kaya kinailangan nitong aminin na minamalas ito—hindi tumutulong ang Langit! Talagang ang Langit na iyon ang nagwawasak sa Chinese Communist Party! Mula sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, namasdan natin ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos: Gaano man kabangis ang mga puwersa ni Satanas at magtulung-tulong man sila para kalabanin ang gawain ng Diyos, mawawalan iyon ng kabuluhan. Sa loob lang ng sampung taon o mahigit pa, lumaganap na ang ebanghelyo ng kaharian sa buong Mainland China. Lumaganap na ang salita ng Diyos at pangalan ng Diyos sa daan-daang milyong sambahayan, at milyun-milyong tao ang nagtataglay ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Sa iba’t ibang denominasyon sa Mainland China, karamihan sa kanila na naghahanap sa katotohanan at tunay na naghahanap sa Diyos ay nagbalik na sa harapan ng Makapangyarihang Diyos. Milyun-milyong tao ang nalulugod sa salita ng Makapangyarihang Diyos, tumatanggap sa gawain at pagliligtas ng Diyos, at pumupuri sa magagandang gawa ng Diyos. Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa China at nagkaroon na ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa puso’t isipan. Nabuksan nito ang landas para sa pagpapakita ng Diyos sa publiko. Sa wakas ay maluwalhati ring natapos ang gawain ng Diyos. Nagsimula nang kastiguhin ng Diyos ang malaking pulang dragon, at pagkaraan ay magpapakita Siya sa publiko sa bawat bansa at lugar sa mundo.
Noong 1992, ang Makapangyarihang Diyos—si Cristo ng mga huling Araw—ay pormal na nagsimulang iparinig ang Kanyang tinig at mangusap sa likas na pagkakakilanlan ng Diyos. Nagpahayag na Siya ng milyun-milyong salita at lubusang nalupig at nailigtas ang hinirang na mga tao ng Diyos sa China. Sumunod doon ang mabilis na paglawak ng patotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa Mainland China, at pumatnubay ang gawain ng Banal na Espiritu sa hinirang na mga tao ng Diyos. Napakaraming tao mula sa iba’t ibang denominasyon ang nalupig ng salita ng Diyos, at kinilala na lubos silang nakumbinsi ng buong salita ng Diyos. Sa wakas ay narinig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos at nagbalik sila sa harapan ng Diyos. Sa panahong ito, nagsagawa ang Banal na Espiritu ng maraming tanda at kababalaghan, na pumatnubay sa hinirang na mga tao ng Diyos sa pagbalik sa bahay ng Makapangyarihang Diyos mula sa iba’t ibang denominasyon. Nang bumalik ang hinirang na mga tao ng Diyos sa paglipas ng mga araw, lahat ng denominasyon ay gumuho at naglaho, at parang nalinis nang husto ang buong mundo ng mga relihiyon.
Sa paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian, lahat ng uri ng diyablo at anticristo na kumalaban sa Diyos ay tumanggap ng angkop na parusa ng Makapangyarihang Diyos. Kaya nakita ng mga tao ang katapusan ng pagkalaban sa Diyos. Tinangka ng malaking pulang dragon na sakalin at alisin ang gawain ng Diyos, ngunit sa huli ay nabigo ito. Lahat ng puwersa ng kasamaan na kumalaban sa Diyos ay lubusang napahiya, at nabigo. Sa huli ay natapos ng malaking pulang dragon ang paglilingkod nito at nagsimulang tanggapin ang parusa ng Diyos. Minsa’y sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon? Tunay bang, taos-puso ang pagkamuhi ninyo dito? Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses? Bakit palagi Kong itinatanong ito sa inyo, nang paulit-ulit? Ano ang imahe ng malaking pulang dragon ang nasa inyong puso? Tunay bang naalis na ito? Tunay bang hindi ninyo ito isinasaalang-alang bilang inyong ‘ama’? Dapat na makita ng lahat ng mga tao ang layunin Ko sa Aking mga katanungan. Hindi ito upang pukawin ang galit ng mga tao, ni hindi rin upang mag-udyok ng paghihimagsik sa mga tao, ni hindi rin upang mahanap ng tao ang kanyang sariling daan palabas, ngunit ito ay upang hayaan ang lahat ng mga tao na palayain nila ang kanilang mga sarili mula sa gapos ng malaking pulang dragon. Ngunit walang sinuman ang dapat mag-alala. Magagawa ang lahat sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makagagawa sa gawain na Aking tutuparin. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng mga lupain at pinupuksa Ko ang lahat ng mga bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng gawain Kong pagkastigo sa tahanan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na dumating na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob, at ang malaking pulang dragon at lahat ng mga uri ng mga karumal-dumal na espiritu ay walang kakayahang tumakas mula sa Aking pagkastigo, sapagka’t sinisiyasat Ko ang lahat ng mga lupain. Kapag natapos na ang gawain Ko sa lupa, iyon ay, kapag natapos na ang panahon ng paghatol, pormal Kong kakastiguhin ang malaking pulang dragon. Makikita ng Aking bayan ang matuwid Kong pagkastigo sa malaking pulang dragon, ibubuhos nila ang kanilang mga papuri dahil sa Aking pagkamatuwid, at pupurihin nila nang magpakailanman ang banal Kong pangalan dahil sa Aking pagkamatuwid. Kaya pormal ninyong gawin ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa buong lupain, magpakailan-kailanman! Kapag umabot na sa rurok ang panahon ng paghatol, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, ngunit isasama Ko dito ang ‘katibayan’ ng panahon ng pagkastigo at hahayaan Kong makita ng lahat ng bayan Ko ang katibayan na ito; at magdudulot ito ng mas maraming bunga. Ang ‘katibayan’ na ito ang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong makita ito ng Aking bayan upang mas higit nilang malaman ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking bayan ay kapag nakastigo na ang malaking pulang dragon. Ang sanhi ng pagtindig at paghihimagsik ng mga tao ng malaking pulang dragon ay ang Aking plano, at ang paraan ng pagperpekto Ko sa Aking bayan, at ito ay napakahusay na pagkakataon para lumago sa buhay ang bayan Ko.”
Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay umabot sa walang-kapantay na kalagayan. Milyun-milyong tao ang nagtaglay ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay lumaganap sa buong Mainland China, at ang mga iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw sa bawat probinsya at rehiyon. Lahat ng tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nalulugod sa patnubay ng salita ng Diyos at nararanasan ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isinasagawa sa buong sansinukob ko ang Aking gawa, at sa Silangan, walang hanggan ang pagparito ng mga madagundong na kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nagdala sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Hinayaan Kong ang Aking tinig ang maging siyang lumupig sa tao; silang lahat ay nahulog sa batis na ito at lumuhod sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at ibinigay ito sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbalik? Sino ang hindi uhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi pupunta sa liwanag? Sino ang hindi makikita ang kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay marapat na kumalat sa buong daigdig; nais Kong magsalita pa sa mga taong Aking napili. Niyayanig ng mga salitang Aking winiwika ang mga bundok at ilog kagaya ng makapangyarihang mga kulog; nagsasalita Ako sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang Aking mga salita ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ito ng lahat ng tao. Kumikislap ang mga kidlat mula Silangan hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na kinabibigatan ng loob ng tao na isuko ito at hindi ito maarok, ngunit higit pa rito, nagagalak ang tao sa kanila. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng taong ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Dahil sa Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula noon, marapat Akong pumasok sa mga tao upang pumarito sila para sambahin Ako. Ang kaluwalhatian na Aking ibinibigay at ang Aking mga salita ay pinalalapit ang mga tao upang makita na kumikislap ang mga kidlat mula sa Silangan, at bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita rin nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na Anak ng mga Hudyo bagkus ay ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, nawala sa mata ng tao, at nagpakitang muli sa tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba na nang matagal na panahon, at ang ‘sanggol’ na tinalikdan ng mga Israelita noon pa man. Higit pa rito, Ako ang pinakamaluwalhating Diyos na Makapangyarihan sa lahat ng kasalukuyang panahon! Hayaang ang lahat at pumarito sa Aking trono upang makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at panoorin ang Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang dahilan ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawat bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawat bibig, pagkatiwalaan Ako ng bawat tao, at bawat tao ay magsisuko sa Akin!”
Sa wakas ay maluwalhati ring natapos ang gawain ng Diyos sa Mainland China . Malapit nang magpakita ang Diyos sa publiko sa bawat bansa at lugar. Yaong nasa bawat bansa at lugar na nanabik sa pagpapakita ng Diyos ay hindi pinangarap kailanman na ang Diyos na pinanabikan nilang magpakita sa publiko ay lihim nang pumarito sa China at nagsagawa ng isang yugto ng gawain ng paglupig at pagliligtas. Napakaraming tao pa rin ang sumusumpa sa gawain ng Diyos sa China, at napakaraming tao pa rin ang lumalapastangan laban sa gawain ng Banal na Espiritu roon. Kapag nagpakita ang Diyos sa publiko, saka lamang sila magigising mula sa isang panaginip, at mapupuspos ng taos na pagsisisi: Hindi ko pinangarap kailanman na ang Makapangyarihang Diyos na aking kinalaban ay ang mismong Panginoong Jesus na muling pumarito. Ngunit maaari lang silang humagulgol at magngalit ang kanilang mga ngipin. Lubos na naisakatuparan nito ang mga salita ng Pahayag sa Biblia: “Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya.” Ang paghatol ng malaking luklukang maputi ay nagsimula na sa wakas.
Minsa’y sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa kaharian, ang hindi mabilang na mga bagay-bagay ng paglikha ay nagsimula upang pasiglahin at mabawi ang kanilang buhay. Dahil sa mga pagbabago sa lagay ng lupa, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupa at ng isa pa ay nagsimulang lumipat. Noong una, Aking hinulaan: Kapag ang lupa ay nahati mula sa lupa, at ang lupa ay maging-isa sa lupa, ito ang panahong wawasakin Ko ang mga nasyon nang pira-piraso. Sa oras na ito, babaguhin Ko ang lahat ng paglikha at paghihiwalayin ang buong sansinukob, sa gayong paraan ilalagay sa kaayusan ang sansinukob, babaguhin ang kanyang lumang estado patungo sa bago. Ito ang Aking plano. Ito ang Aking mga gawa. Kapag ang mga bansa at ang mga tao ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng Aking trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibigay ito sa mundo ng tao, kaya’t, salamat sa Akin, ito ay mapupuno nang walang kapantay na kasaganaan. Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito: Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ‘ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap.’ Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain as lupa, sila'y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.”
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.