Paanong Lumitaw ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Oktubre 11, 2017

Tulad ng mga iglesia ng Cristianismo, ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw dahil sa gawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga iglesia ng Cristianismo ay lumitaw dahil sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw na nagkatawang-tao. Dahil dito, ang mga iglesia sa lahat ng mga kapanahunan ay nalikha dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng bawat hakbang ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng maraming katotohanan, at maraming tao ang dumarating upang tanggapin at sundin ang Diyos dahil sa mga katotohanang ito na ipinahayag ng Diyos, kaya’t lumitaw ang mga iglesia. Mula dito ay makikita na ang mga iglesia ay nabubuo mula sa mga taong tumatanggap sa gawain ng Diyos at sumusunod sa Diyos. Ang mga pagtitipong ito ng mga taong pinili ng Diyos ay tinatawag na mga iglesia. Ang mga iglesia ng Cristianismo ay nalikha sa pamamagitan ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao dalawang libong taon na ang nakalipas. Ang Panginoong Jesus ay nangaral, “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit(Mat 4:17), at ginawa Niya ang gawain ng pagtubos, at ipinahayag ang mga katotohanan na dapat isagawa at pasukan ng mga tao noong Kapanahunan ng Biyaya, maraming tao noon ang nagsimulang maniwala at sumunod sa Panginoon, at sa gayon ang mga iglesia noong panahong iyon ay nagsilitaw. Pagkatapos niyon, ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay lumaganap sa bawat bansa at teritoryo, hanggang sa mga huling araw nang kumalat ito sa mga hangganan ng lupa, at sa gayon lumitaw ang mga iglesiang Cristiano sa bawat bansa. Ito ang mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa mga huling yugto ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita at gumagawa sa mainland China. Nakasalig sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng “pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pe 4:17) na nakapropesiya sa Biblia. Sa buong sangkatauhan, ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at ipinapahayag ang lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan. Dahil sa paglitaw at gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, maraming tao mula sa bawat sekta at denominasyon ng relihiyosong daigdig, mga taong naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon, ay narinig sa wakas ang tinig ng Diyos at nakita na ang Panginoong Jesus ay dumating at naisagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw. Napatunayan nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at dahil dito natanggap nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa mainland China, hindi kukulangin sa ilang milyong mga tao (sampu-sampung milyon batay sa estadistika mula sa Komunistang Gobyerno ng Tsina) ang tumanggap at ngayon ay sumusunod sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang kabuuang resulta ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ito ay personal na itinatag ng Makapangyarihang Diyos, at hindi ng sinumang tao. Bawat Cristiano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lubusang kinikilala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, na Cristo ng mga huling araw, at ang pagpapakita ng Diyos. Ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagdarasal sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang binabasa, pinakikinggan nila, at ibinabahagi nila ay ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at ang pinanghahawakan nila ay ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga katotohanang ito ang landas ng buhay na walang-hanggan na inihatid ng Diyos sa mga huling araw. Sa Kanyang gawain, ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw ang personal ring humirang at sumaksi sa taong ginamit ng Diyos, upang makipagtulungan siya sa gawain ng Diyos—tulad noong gumawa ang Panginoong Jesus, personal Niyang pinili at hinirang ang labindalawang apostol. Ang mga taong ito na ginamit ng Diyos, gayunman, ay nakikipagtulungan lamang sa gawain ng Diyos, at wala silang kakayahang gumawa sa ngalan ng Diyos. Hindi sila ang nagtatag ng mga iglesia, at ang pinaniniwalaan at pinakikinggan ng mga taong pinili ng Diyos ay hindi ang mga taong ginagamit ng Diyos. Ang mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya ay hindi itinayo ni Pablo at ng iba pang mga apostol, kundi nilikha ng gawain ng Panginoong Jesus; ang mga ito ay personal na itinatag ng Panginoong Jesus. Gayundin, ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay hindi rin itinayo ng taong ginamit ng Diyos, kundi umusbong mula sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ito ay personal na itinatag ng Makapangyarihang Diyos, at Siya Mismo ang nagpapastol nito; ang taong ginamit ng Diyos ay nagdidilig lamang, naglalaan, at gumagabay sa mga iglesia, gumaganap sa kanyang tungkulin. Bagama’t ang mga pinili ng Diyos ay inaakay, dinidiligan, at pinaglalaanan ng taong ginamit ng Diyos, ang Taong pinaniniwalaan at sinusunod ng mga pinili ng Diyos ay ang Makapangyarihang Diyos—na isang katotohanan na hindi maikakaila ng sinuman. Karamihan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mga taong mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Nauunawaan nilang lahat ang Biblia, at sa iba’t ibang mga sekta at denominasyong ito sila ay nagpapatotoo na dumating ang Panginoong Jesus, na Siya ang Makapangyarihang Diyos, at ginawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bilang bunga ng pagtiyak na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at ang tinig ng Diyos, maraming tao ang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos. Sila ang unang grupo ng mga tao na dinala sa harap ng Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay umusbong mula sa mga tao ng Cristianismo, Katolisismo, at ng iba pang mga sekta at denominasyon na tumanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ngayon, karamihan ng mga tao mula sa iba’t ibang mga sekta at denominasyon ay nagsimulang siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, kaya’t natutupad ang propesiya sa Biblia na “lahat ng bansa ay magsisiparoon doon(Isa 2:2). Sa huli, lahat ng mga tunay na naniniwala sa Diyos ay magbabalik sa Makapangyarihang Diyos; hindi ito maiiwasan, sapagkat matagal na itong naiplano ng Diyos, ito ay itinakda ng Diyos, at hindi ito maaaring baguhin ng sinuman!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang mga Cristiano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay binabasa ang mga salita ng Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao araw-araw, katulad ng mga Cristiano ng Christianismo na nagbabasa ng Biblia. Lahat ng mga Cristiano ay itinuturing ang mga salita ng Diyos bilang gabay sa kanilang buhay at bilang pinakamataas sa lahat ng mga talinghaga ng buhay.