14. Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan

Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

Nang marinig kong sabihin ito ng kapatid ko, bigla kong naisip: “Nitong mga nakaraang taon, nagpapatotoo ang Eastern Lightning na nagbalik na ang Panginoong Jesus; maaari kayang tinanggap na ng kapatid kong babae ang Eastern Lightning?” Bago pa ako makapagsalita, siryosong sinabi ng kapatid ko, “O, Qiu Zhen! Nagkatawang-tao na muli ang Panginoon at pumunta sa ating bansa, Tsina.” Nagmamadali kong sinabi, “Huwag kang magpapaniwala sa lahat ng naririnig mo. Pwede bang pumunta ang Diyos sa Tsina? Sa Bibliya malinaw na sinasabing: ‘At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan(Zacarias 14:4). Ang pagdating ng Diyos ay mangyayari sa Israel. Hindi Siya maaaring magpunta sa Tsina. Nagsasagawa ka para sa Panginoon subalit hindi mo man lang alam ito!”

Taos-pusong sinabi ng kapatid ko, “Dati’y ganyan din akong mag-isip tulad mo, ngunit sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng mga kapatid na lalaki’t babae, nakita ko na tunay ngang nagkatawang-tao ang Panginoon sa Tsina. Ang kasulatang sinasabi mo ay isang hula, ngunit ang mga hula ay hindi maaaring ipaliwanag nang kahit paano lang natin gusto. Sila ay natutupad at ipinakikita sa tao sa pamamagitan ng mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Nang nagpunta ang Panginoong Jesus upang isagawa ang gawain, kahit si Pedro o ang babaeng Samaritan, o ang eunuch ng Ethiopia ay kumapit sa literal na kahulugan ng mga hula sa Bibliya, at sa halip at ang mga katotohanan ng mga sinabi ng Panginoong Jesus at ang gawaing isinakatuparan niya ang nagpatibay sa kanila na ang Mesias ay dumating bilang ang Panginoong Jesus. Sumunod silang lahat sa mga yapak ng Diyos at tinanggap ang pagligtas ng Panginoon. At ang mga Pariseo na kumapit sa literal na kahulugan ng mga hula sa Bibliya, lahat sila’y tinrato ang Panginoong Jesus, ang Mesias na dumating na, na parang isang karaniwang tao at tinanggihan, nilabanan at hinatulan nila ang Panginoong Jesus. Sa huli’y ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, at dahil dito sila’y pinarusahan ng Diyos. Qiu Zhen, kailangang maging maingat tayo sa pagtangan natin sa pagdating ng Panginoon at kailangang magkaroon tayo ng mga pusong may takot sa Diyos. Talagang hindi ka maaaring maging mabilis sa paghusga sa bagay na ito!”

Sinulyapan ko ang aking kapatid at itinaas ang Bibliya at sinabing, “Ipinahayag ng Diyos na Jehovah ang batas sa Israel at ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus sa Israel din. Ang Tsina ay isang bansang pinamamahalaan ng isang partidong ateista, kung kaya’t pupunta ba ang Diyos sa ganitong bansa? Naniwala tayo sa Panginoon sa napakaraming mga taon, at hinding-hindi tayo maaaring maniwala sa lahat ng marinig natin!”

Nababahalang sabi ng kapatid kong babae, “Qiu Zhen, noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong panahon na iyon, nilabanan ng mga Pariseo ang Panginoon at sinabing, ‘Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta’ (Juan 7:52). ‘Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo?’ (Juan 7:41). Ngunit ang totoo, ang Panginoong Jesus ay lumaki sa Nazareth sa Galilee. Sabi sa Bibliya: ‘Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan! Sapagka’t sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?’ (Roma 11:33–34). Paano natin aarukin ang lalim ng karunungan ng Diyos? Hindi natin kayang suriin ang gawain ng Diyos gamit ang ating mga isip. Inaasahan natin ang pagdating ng Panginoon araw-araw. Ngayong nagbalik na talaga ang Panginoon, kung kakapit tayo sa sarili nating mga pagkaunawa at hindi natin hanapin o siyasatin, mapapalampas natin ang pagkakataon para salubungin ang Panginoon at mapupuno lang tayo ng mataos na pagsisisi.”

Nang makita ko ang kapatid kong napakasiryoso, naisip ko: “Taos-pusong nananampalataya ang kapatid ko sa Panginoon at isa siyang taong maingat at alam ang sarili niyang isip. Kadalasa’y maingat siya sa kanyang mga ginagawa, at para sa isang napakalaking bagay tulad ng pagdating ng Panginoon, hindi siya basta na lang maniniwala na parang isang bulag sa kung anong sabihin ng ibang tao sa kanya. Natanggap niya na ang Eastern Lightning, kung kaya’t posible nga kayang nagbalik na ang Panginoon at isinasagawa ang Kanyang gawain sa Tsina?” Ngunit pagkatapos ay may isa pang pumasok sa isip ko: “Paano naman isasagawa ng Panginoon ang Kanyang gawain sa Tsina? Hindi ko ito maubos maisip!” Kaya matatag kong sinabi, “Ang Bibliya ay parang isang keyk na may libu-libong suson, at ang paraan ng bawat tao para bigyan ito ng kahulugan ay magkakaiba. Ang hula sa Bibliya ay aktwal na bababa ang Diyos sa Israel sa mga huling araw. Higit pa, karamihan ng mga Tsino ay sumasamba kay Buddha at dati pa’y inuusig na ng pambansang pamahalaan ang mga paniniwala ng relihiyon. Hindi magpupunta ang Diyos sa Tsina upang isakatuparan ang Kanyang gawain!”

Masigasig na sinabi ng kapatid ko, “Qiu Zhen, nagbalik na ang Panginoon at nagpakita sa Tsina upang isagawa ang Kanyang gawain. Napakahalaga nito. Katatanggap ko pa lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw kaya hindi ko pa maipaliwanag ang aspetong ito ng katotohan nang sapat na malinaw, ngunit ang mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo sa paraang sadyang lubos na nakapagpapaliwanag. Isasama ko sila upang makibahagi sa iyo!” Ikinaway ko ang kamay ko at sinabing, “Huwag na. Aalis na ako.” Pagkauwi sa bahay, naupo ako nang walang pakiramdam sa sopa at pinag-isipan ko ang sinabi ng kapatid ko. Tumatakbo ang isip ko at hindi ako makakalma. Matagal ko nang hinihintay ang Panginoong Jesus na tumuntong sa Bundok ng mga Olibo, kaya paanong biglang nasabi ng kapatid ko na nagpunta na sa Tsina ang Panginoon? Paano nangyari ito? Walang-tigil kong hinanap sa Bibliya ngunit hindi ko mahanap ang kabanata o berso na nagsabi tungkol sa hinaharap na ang Panginoon ay magsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina. “Nang nagsasagawa ang Panginoong Jesus ng Kanyang gawain sa panahon na iyon, nilabanan ng mga Pariseo ang Panginoon at sinabing: ‘Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta’ (Juan 7:52). ‘Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo?’ (Juan 7:41). Ngunit ang totoo, ang Panginoong Jesus ay lumaki sa Nazareth sa Galilee. …” Paulit-ulit na lumutang sa isip ko ang mga salita ng kapatid ko, at inisip kong ang kanyang sinabi ay totoo. Naghalinhinan ako sa pagitan ng pagtingin sa Bibliya at pag-iisip sa sinabi ng kapatid ko. Tumakbo ang isip ko at hindi ko malaman anong pinakamabuting gawin, kaya nanawagan ako sa Panginoon sa loob ng puso ko, “Mahal kong Panginoon, ano ang dapat kong gawin? O Panginoon, saan Ka mismo talaga bababa?”

Pagkalipas ng ilang araw hinanap muli ako ng kapatid kong babae. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bahay ngumiti siya at sinabing, “Qiu Zhen, nagpunta sa lugar ko sina Kapatid na Xie at Kapatid na Hao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang bigyan ako ng suporta. Matagal na silang nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos at mas maraming nauunawaan kaysa sa akin. Kung mayroon kang anumang hindi naiintindihan tungkol sa pagbalik ng Panginoon, humayo ka at makipagbahagi ka sa kanila.” Naisip ko: “Maraming taon na akong nananampalataya sa Panginoon at matagal ko nang inaasam ang pagdating ng Panginoon. Talaga bang dumating na ang Panginoon? Marahil ay dapat kong samantalahin ang pagkakataong ito upang makipagbahagi sa kanila.” At kaya, sumama ako sa kapatid ko sa tahanan niya. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto, binigyan na ako ng mainit na pagbati ng dalawang babaeng kapatid sa iglesia at magiliw silang nakipag-usap. Hiningi nilang magsalita ako kung mayroon akong anumang mga tanong, at pagkatapos ay sama-sama kaming lahat na pwedeng magbahagi. Itinanong ko, “Sinasabi niyo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at ginagawa ang Kanyang gawain sa Tsina. May mga basehan ba sa Bibliya ang mga pahayag na ito?” Ngumiti si Kapatid na Hao at sinabing, “Kapatid, mayroong mga aktwal na hula sa Bibliya tungkol sa pagdating ng Panginoon upang isakatapuran ang Kanyang mga gawain sa Tsina sa mga huling araw.” Nagitla ako at sinabi ko, “Paano ito maaaring mangyari? Maraming beses ko nang nabasa ang Bibliya ngunit wala pa akong nahahanap ni isang tala sa Bibliya tungkol dito. Saan sa Bibliya ang basehan ng inyong pahayag?” Matiyagang sinabi ni Kapatid na Hao, “Kapatid, basahin natin ang dalawang berso mula sa Kasulatan at makikita mo. Sa Malakias 1:11, sinasabing: ‘Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; … sabi ni Jehova ng mga hukbo.’ Sa Mateo 24:27 sinasabing: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.’ Mula sa dalawang bersong ito ng Kasulatan, malinaw nating makikita na ang lugar kung saan ang Diyos ay muling bababa ay sa Silangan ng mundo at ito ay sa lupain ng mga Gentil. Alam nating lahat na ang Tsina ay nasa Silangan ng mundo. Ang unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay parehong sa Israel. Sa wari ng estado ng Israel, ang Tsina ay isang Gentil na bansa. Samakatwid, ang pagdating ng Diyos sa Tsina upang magpakita at isagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay tumutupad sa mga hulang ito.” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng mga kapatid na babae at pagmumuni-muni sa kahulugan ng dalawang bersong ito ng Kasulatan, naisip kong ang kanilang pagbabahagi ay lubos na nakapagpapaliwanag. Bagama’t nabasa ko na ang mga bersong ito dati, ni kailan ay hindi ko nakita ang kahulugan na ang pagbalik ng Panginoon ay sa Silangan, sa Tsina. Sa pakikinig ko sa kanilang paliwanag, naramdaman ko na ang kanilang pagbabahagi ay nagmumula sa pagkaliwanag ng Banal na Espiritu.

Patuloy pang sinabi ni Kapatid na Hao, “Tingnan natin ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. ‘Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa “Bundok ng mga Olibo” sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at lumisan mula sa sangkatauhan, at pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Palapitin ang lahat sa Aking luklukan at ipakita ang Aking maluwalhating mukha, iparinig ang Aking tinig, at patingnan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang pasambahin sa Akin ang bawat bansa, ang kilalanin Ako ng bawat wika, ang isandig sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). Alam nating lahat na dinala ng Diyos ang ebanghelyo ng kaharian ng langit nang unang pagkakataong Siya ay nagkatawang-tao, at ang ebanghelyong ito ay lumaganap mula sa Kanluran hanggang sa Silangan. Ngunit hindi natin ni minsan naisip na ang Diyos ay babalik sa laman sa Silangan ng mundo, sa Tsina, dala ang walang hanggang ebanghelyo at isinasagawa ang gawain ng paghatol, pagdadalisay at pagliligtas sa mga tao. Ngayon ang gawain ng Diyos ay lalaganap mula Silangan papuntang Kanluran—”

Nang marinig ko ito, sumabad ako sa pagsasalita ng kapatid at nalilitong nagtanong, “Kapatid, nakatala sa Bibliya na ang Diyos Jehovah ay nagsagawa ng Kanyang gawain sa Israel, at ang Panginoong Jesus naman ng gawain sa Judea. Ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay parehong nasa Israel, kaya ang pagbabalik ng Panginoon ay dapat nasa Israel din. Paano niyo nasabing sa Tsina ito?” Ngumiti si Kapatid na Hao at sinabing, “Iniisip natin na dahil ang unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay parehong nasa Israel, tiyak na isasagawa ng Panginoon ang Kanyang gawain sa Israel pagbalik Niya. Ngunit umaayon ba sa katotohanan ang ganitong pag-iisip? Posible bang ang Diyos ay Diyos lamang ng mga taga-Israel? Tingnan natin ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos.”

Binuksan ni Kapatid na Xie ang libro ng mga salita ng Diyos at binasa: “Kung dumating ang Tagapagligtas sa mga huling araw at Jesus pa rin ang tawag sa Kanya, at muli Siyang isinilang sa Judea at ginawa Niya ang Kanyang gawain doon, magpapatunay ito na nilikha Ko lamang ang mga tao ng Israel at tinubos lamang ang mga tao ng Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Gentil. Hindi kaya ito salungat sa Aking mga salita na ‘Ako ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay’? Nilisan Ko ang Judea at ginagawa Ko ang Aking gawain sa mga Gentil dahil hindi lamang Ako Diyos ng mga tao ng Israel, kundi Diyos ng lahat ng nilalang. Nagpapakita Ako sa mga Gentil sa mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng mga tao ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil Ako ang Lumikha ng lahat ng hinirang Ko sa mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi lahat ng bansang Gentil na lagpas pa ng Israel. Dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matitibay na tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at gayon ay ginagamit Ko ang mga bansang Gentil bilang himpilan na kung saan mula roon ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”). “Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng bansa ng mga Gentil, kahit na yaong Aking isinumpa. Hahayaan Kong makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano sa paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na tutuparin sa mga huling araw(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). “Ginabayan Niya ang mga Israelita at isinilang Siya sa Judea, at isinilang din Siya sa isang lupain ng mga Gentil. Hindi ba ginagawa ang lahat ng Kanyang gawain para sa buong sangkatauhan na Kanyang nilikha? Mahal ba Niya ang mga Israelita nang isandaang ulit at kinamumuhian ang mga Gentil nang isanlibong ulit? Hindi ba iyan ang inyong kuru-kuro? Hindi totoo na ang Diyos hindi ninyo naging Diyos kailanman, kundi sa halip ay hindi lamang ninyo Siya kinikilala; hindi totoo na ayaw ng Diyos na maging inyong Diyos, kundi sa halip ay ayaw ninyo sa Kanya. Sino sa mga nilikha ang wala sa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat? Sa paglupig sa inyo ngayon, hindi ba ang layunin ay upang kilalanin ninyo na ang Diyos ay walang iba kundi ang inyong Diyos? Kung iginigiit pa rin ninyo na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, at iginigiit pa rin ninyo na ang sambahayan ni David sa Israel ang pinanggalingan ng pagsilang ng Diyos, at na walang bansa maliban sa Israel ang karapat-dapat na ‘gumawa’ ng Diyos, lalong hindi kaya ng sinumang pamilyang Gentil na personal na tanggapin ang gawain ni Jehova—kung ganito pa rin ang iniisip mo, hindi ba matigas ang ulo mo? … Hindi ka naniwala sa Diyos sa loob ng napakahabang panahon, subalit napakarami mong kuru-kuro tungkol sa Kanya, hanggang sa hindi ka nangangahas kahit saglit na isipin na mamarapatin ng Diyos ng mga Israelita na biyayaan kayo ng Kanyang presensya. Lalo pang hindi kayo nangangahas na isipin kung paano ninyo makikita ang Diyos na magpakita nang personal, dahil talagang napakarumi ninyo. Ni hindi ninyo naisip kahit kailan kung paano maaaring personal na bumaba ang Diyos sa isang lupain ng mga Gentil. Dapat Siyang bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng mga Olivo at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba kinamumuhian Niya ang lahat ng Gentil (ibig sabihin, ang mga tao sa labas ng Israel)? Paano Siya personal na gagawa sa kanila? Lahat ng ito ay mga kuru-kuro na malalim nang nag-ugat sa inyo sa paglipas ng maraming taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang putulin ang mga kuru-kuro ninyong ito. Sa gayon ninyo namamasdan ang personal na pagpapakita ng Diyos sa inyo—hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng mga Olivo, kundi sa mga taong hindi pa Niya nagabayan dati(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 3). “Kung isinakatuparan ang Kanyang kasalukuyang gawain sa mga Israelita, kapag natapos na ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, maniniwala ang lahat na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, na ang mga Israelita lamang ang mga taong hinirang ng Diyos, na ang mga Israelita lamang ang karapat-dapat na magmana ng pagpapala at pangako ng Diyos. Isinasakatuparan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw sa bansang Gentil ng bayan ng malaking pulang dragon ang gawaing Diyos ay ang Diyos ng lahat ng nilikha; tinatapos Niya ang kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala, at winawakasan Niya ang pinakamahalagang bahagi ng Kanyang gawain sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang buod ng tatlong yugto ng gawain ay ang pagliligtas sa tao—na, pasambahin sa Lumikha ang lahat ng nilikha. Sa gayon, may malaking kahulugan ang bawat yugto ng gawain; walang anumang ginagawa ang Diyos na walang kahulugan o halaga(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha).

Pagkatapos ay nagbigay si Kapatid na Hao ng pagbabahagi, at sinabing, “Noon ipinagpasiya natin sa ating mga puso natin na ang Diyos ay Diyos ng mga taga-Israel dahil ang unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay parehong ginawa sa Israel. Ang Israel ang lugar kung saan ipinanganak ang gawain ng Diyos at ito rin ang lugar kung saan nakabase ang gawain ng Diyos, kaya inisip natin na ang gawain ng Diyos ay maaari lamang sa Israel, na ang ebanghelyo ay maaari lamang magmula sa Israel at tanging ang mga taga-Israel ang piniling tao ng Diyos. Samakatwid, kung isinagawa pa rin ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain sa Israel, mas lalo tayong maniniwala na ang Diyos ay maaari lang magsagawa ng Kanyang gawain sa Israel, na tanging ang mga taga-Israel ang Kanyang pinagpala at wala Siyang kinalaman sa mga Gentil. Sa mga huling araw, pinili ng Diyos na isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao sa isang Gentil na bansa, ang lupa kung saan ang malaking pulang dragon ay nakapulupot—Tsina. Sa ganito, itinaob Niya ang mga pagkaunawa ng lahat ng tao, upang sa gayon aktwal na makita ng mga tao na ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga taga-Israel, kung isang Diyos ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, at Diyos ng lahat ng nilikhang nilalang. Pinagpapala ng Diyos hindi lamang ang mga taga-Israel kundi pinagpala rin Niya ang mga Gentil. Isinasakatuparan nito ang gawain ng ‘Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha.’ Malinaw ang pagpili ng Diyos na isagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw sa Tsina ay makahulugan sa malalim na paraan. Tunay na ang Diyos ay makapangyarihan at marunong.”

Sa pakikinig sa pagbabahagi ng kapatid, napalubog ako sa pagmumuni-muni: “Oo,” naisip ko, “ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Hindi ba’t ang buong sangkatauhan ay nilikha ng Diyos? Ang Diyos ay nagliligtas hindi lang ng mga taga-Israel, kung nagliligtas din ng mga mamamayan ng Tsina. Hindi ba’t sa pagdating ng Diyos upang magsagawa sa Tsina ngayon ay ipinapakita ang Kanyang pagmamahal sa mga Gentil? Tila hindi ko talaga nauunawaan ang kagustuhan ng Diyos!” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng kahihiyan. Lumambot ang tono ko at sinabing, “Kapatid, naiintindihan ko ang sinasabi mo. Kung muling nagsagawa ang Diyos ng gawain Niya sa Israel, nililimitahan natin ang Diyos at iniisip na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga taga-Israel. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan ngayon upang sirain ang mga pagkaunawa ng mga tao at ipaunawa sa mga tao na ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng nilikhang nilalang, na ang Diyos ay maaaring magsagawa ng Kanyang gawain sa Israel at pati rin sa Tsina, at sa gayon, naaayon na hindi natin malimitahan ang gawain ng Diyos. Tila sa paglimita sa gawain ng Diyos batay sa aking mga pagkaunawa at haka-haka, ako’y naging tunay na hangal at mangmang! Gayunpaman, may isa pang bagay na hindi ko nauunawaan. Napakaraming bansa sa mundo, tulad ng mga bansa ng Europa at Hilagang Amerika, kung saan ang Protestanismo at Katolisismo ay mga pambansang relihiyon at kung saan dati pa man ay sinasamba na ang Diyos. Hindi ba’t magiging mas madali para sa Diyos kung dumating Siya’t isinagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at pagdalisay sa mga tao sa mga bayan na iyon? Ang Tsina ay isang bayang ateista, puno ng mga taong sumasamba sa mga idolo. Takot na pinag-uusig ng pambansang pamahalaan ang mga nananampalataya sa Diyos, kung kaya’t bakit isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Tsina?”

Ngumiti si Kapatid na Xie at sinabing, “Kapatid, ang tanong mo ay napakahalaga! Bakit pinili ng Diyos na isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at pagdalisay sa Tsina? Tanging sa pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pagsagawa ng Diyos sa Kanyang gawain sa Israel at sa Tsina natin mauunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Tingnan natin ano ang sinasabi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea. Ngunit bakit hindi naglalaman ang Biblia ng anumang mga pangalang Tsino? Sapagkat ang unang dalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay isinagawa sa Israel, sapagkat ang mga tao ng Israel ay ang mga taong hinirang—na ang ibig sabihin ay sila ang unang tumanggap sa gawain ni Jehova. Sila ang pinakahindi tiwali sa buong sangkatauhan, at sa simula, gusto nilang tingalain ang Diyos at igalang Siya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at lagi silang nagsilbi sa templo, at nagsuot ng mga damit pangsaserdote o mga korona. Sila ang mga pinakaunang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinakaunang pakay ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ang mga huwaran at modelo para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga huwaran at modelo ng kabanalan, ng mga taong matuwid. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at modelo. Ang Israel ang pinakaunang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at mas maraming matuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa saan mang lugar. Gumawa ang Diyos sa kanila upang mapamahalaan Niya nang mas maayos ang sangkatauhan sa lahat ng lugar sa hinaharap. Ang kanilang mga naisakatuparan at ang matuwid na mga gawa nila sa pagsamba kay Jehova ay nakatala, upang sila ay makapagsilbi bilang mga huwaran at modelo sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at itinaguyod ng kanilang mga kilos ang ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2). ‘Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula; ang yugto na ito ng gawain ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga taong hinirang sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at wakasan ang kapanahunan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, ang liwanag ay papapasukin, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar na ito ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilala nang mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katotohanang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay mayroong isinasagisag: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay ganap nang magwawakas. Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Kung gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa China ang nagtataglay ng makabuluhang pagsasagisag. Kinakatawan ng China ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa China ay kumakatawan sa lahat ng sa laman, kay Satanas, at sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling pagkatao. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang mga suliranin ni anuman; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagsuway ng tao? Ang mga tao ng China ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nalupig, sila ay magiging mga modelo at huwaran, at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa China naipapamalas nang pinakabuong-buo at nabubunyag ang katiwalian, karumihan, ng pagiging hindi matuwid, pagtutol, at pagiging suwail sa lahat ng iba’t ibang mga anyo nito. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay salat at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay may isinasagisag, at matapos maisagawa ang kabuuan ng gawain ng pagsusuri na ito, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kung matatapos ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na magawa na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang nakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob ay ganap nang nagwakas. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakikilos Ko kayo bilang modelo at huwaran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at pagiging hindi matuwid—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kinakatawan ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang namumukod-tangi. Kaya nga sila ay itinuturing na pinakamahirap na malupig, at sa oras na sila ay nalupig na, sila ay natural na magiging mga huwaran at modelo para sa iba(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2).”

Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagpatuloy si Kapatid na Xie sa kanyang pagbabahagi. “Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na sinasabi sa atin na, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang uri ng lugar at ang mga bagay ng Kanyang gawain ay lahat pinili ayon sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain, at silang lahat ay may malaking kahulugan. Halimbawa, ang unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay sa Israel nangyari dahil ang mga taga-Israel ang piniling mga tao ng Diyos. Sila ang pinaka-hindi tiwali sa lahat ng sangkatauhan at may mga pusong may takot sa Diyos. Sa pagsagawa ng Kanyang gawain sa gitna nila, naging pinakamadali para sa Diyos na pasambahin sa Kanya ang grupo ng mga huwaran at uliran. Kaya, maaaring mas mabilis at madaling lumaganap ang gawain ng Diyos, at nang sa gayon ay malalaman ng buong sangkatauhan ang pagkakaroon ng Diyos at gawain ng Diyos, at nang sa gayon ay maaaring humarap ang mga tao sa Diyos at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos. Samakatwid, pinakamakahulugan para sa Diyos na gawin ang unang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel. Sa mga huling araw, isasagawa ng Diyos ang gawain ng paglupig at pagdalisay sa mga tao. Kailangan Niya rin ng mga kinatawan upang unang tumanggap sa paglupig at pagdalisay ng Diyos. Sa lahat ng buong sangkatauhan, ang mga mamamayan ng Tsina ang pinakatiwali at paurong, at ang Tsina ay isang bansa na pinakahindi naniniwala sa Diyos at may pinakamalakas na paglaban sa Diyos. Sa mga huling araw, samakatwid, sa pagsagawa ng Diyos ng mga gawain ng paghatol at paglupig muna sa Tsina, sa pagsagawa Niya ng gawain ng pagkastigo at paghatol sa mga naging higit na tiwali sa lahat, at sa paglupig at pagdalisay ng mga mamamayan ng Tsina na siyang pinakatiwali sa mundo, ang pagiging makapangyarihan ng Diyos, ang kabanalan at katuwiran Niya ay pinakamahusay na naipapakita at si Satanas ay lubos na napapahiya. Kapag ang pinakatiwali ay nasakop ng Diyos, hindi na kailangang sabihin na ang lahat ng sangkatauhan ay masasakop at si Satanas ay matatalo rin nang lubusan. Mula sa mga lugar at bagay ng Kanyang gawain na pinili ng Diyos sa bawat yugto ng Kanyang gawain, at mula sa mga huling resultang makakamit, higit na makikita natin kung paanong ang gawain ng Diyos ay napakatalino at kahanga-hanga!”

Pagkatapos makinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng mga kapatid na babae, naunawaan ko: Noon ay isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Israel dahil gusto niyang gumawa ng grupo ng mga huwaran at uliran mula sa pinakahindi tiwali sa lahat ng sangkatauhan at, sa pamamagitan ng kanilang pagpapatotoo at pangangaral ng ebanghelyo ng Diyos, hayaang higit na marami pang tao ang makatanggap ng Kanyang pagligtas. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa mga huling araw ay gawain ng paglupig at pagdalisay sa tao, at ang Kanyang piniling tao ay ang mga mamamayan ng Tsina, na siyang pinakatiwali at marumi sa buong mundo, at bilang mga nilalayon ng Kanyang gawain, gawin ang mga taong ito na mga huwaran at uliran na nalupig at naligtas. Lalo pa nitong ipinapakita ang pagiging marunong at makapangyarihan ng Diyos. Dati pa’y hindi ko maunawaaan ang kagustuhan ng Diyos at nang basahin ko sa Bibiliya ang Panginoon ay babalik sa pamamagitan ng pagbaba sa Bundok ng mga Olibo sa Israel, tinanggap ko ang literal na kahulugan at inisip ko na ang Diyos ay tiyak na magsasagawa ng Kanyang gawain sa Israel. Hindi ko inasahan na ang Diyos ay dumating na sa Tsina noon pa! Tila ang gawain ng Diyos ay hindi kasinsimple ng akala ng mga tao!

Sa sandaling iyon, nagpatuloy si Kapatid na Xie at sinabing, “Kahit pa saang bansa isagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ito ay lahat para sa Kanyang gawain at para higit na mapabuti ang pagligtas sa sangkatauhan, at ang lahat ng ito ay napakamakahulugan. Kung gusto nating hanapin ang pagpapakita ng Diyos ngayon, kailangang isaisantabi muna natin ang ating mga haka-haka at pagkaunawa. Kailangang huwag natin limitahan ang mga yapak ng Diyos hanggang sa loob ng kung anong saklaw, iniisip na ang Diyos ay dapat pumunta dito o doong bansa. Ang Diyos ay Diyos ng buong sangkatauhan. Maaari Siyang malayang pumili ng lugar ng Kanyang gawain ayon sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang Diyos ay ang Diyos ng buong lahi ng tao. Hindi Niya itinuturing ang Sarili Niya bilang pribadong pag-aari ng anumang bansa o lahi, kundi ginagawa ang Kanyang gawain nang ayon sa Kanyang plano, nang hindi nalilimitahan ng anumang anyo, bansa, o lahi. Marahil hindi mo kailanman naisip ang anyong ito, o marahil pagtanggi ang iyong saloobin sa anyong ito, o marahil ang bansa kung saan inihahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili at ang mga tao kung kanino Niya inihahayag ang Kanyang Sarili ay nagkataon lamang na hindi makatarungan kung itrato ng lahat at nagkataon lamang na ang pinakapaurong sa lupa. Nguni’t ang Diyos ay taglay ang Kanyang karunungan. Sa Kanyang dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at Kanyang disposisyon, tunay na nakamit na Niya ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip, at ang isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawing ganap—isang grupong nalupig Niya, na, dahil natiis na ang lahat ng uri ng mga pagsubok at mga kapighatian at lahat ng uri ng pag-uusig, ay makakasunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).”

Pagkatapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napaiyak ako sa kagalakan at sinabi ko sa mga kapatid, “Dala ng mga salitang ito ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos at mula ito sa Diyos. Ngayon sa wakas ay nauunawaan ko na: Ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga taga-Israel kundi Diyos din ng mga mamamayan ng Tsina, at, higit pa, Siya ay Diyos ng buong sangkatauhan. Tunay ngang nagbalik na ang Diyos! Nitong mga nakaraang araw, hindi ako makakain o makatulog nang mabuti dahil natatakot akong tahakin ang maling landas! Salamat sa pagbabahagi kasama niyo ngayong araw na ito, nawala ang pabigat sa puso ko. Tunay akong nagpapasalamat sa Diyos na hindi ako sinukuan!” Pagkatapos, binigyan ako ng dalawang kapatid ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, at masaya akong umuwi tangan nang mahigpit ang libro sa aking dalawang kamay. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naging kumbinsido ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang ating Panginoong Jesus at talagang nagbalik na!

Sinundan: 13. Saan Nagmula ang Tinig na ito?

Sumunod: 15. Alam Ko na Ngayon ang Bagong Pangalan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito