Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

693 Nais ng Diyos na Lahat ng Tao ay Maging Perpekto

1 Lahat niyaong nagnanais na magawang perpekto at tapat sa Diyos, lahat niyaong sumusunod, at lahat niyaong tumutupad nang tapat sa kanilang tungkulin—lahat ng gayong mga tao ay magagawang perpekto. Ayaw Kong pabayaan o alisin ang sinuman sa inyo, ngunit kung hindi nagsusumikap ang tao nang mabuti, kung gayon ay sinisira mo lamang ang iyong sarili; hindi Ako ang nag-aalis sa iyo, kundi ikaw mismo. Ang inaasam ng Diyos ay para ang bawat tao ay magawang perpekto, sa kahuli-hulihan ay matamo Niya, lubos Niyang malinis, at maging siyang Kanyang iniibig.

2 Hindi mahalaga kung sinasabi Ko mang kayo ay paurong o mahina ang kakayahan—ito ay tunay lahat. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na hinahangad Kong pabayaan ka, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Ito ay kung ikaw ay nakahanda, ito ay kung ikaw ay naghahabol, sa katapusan magagawa mong makamit ang mga epekto, at walang sinuman sa inyo ang mapapabayaan.

3 Nais Ko na ang lahat ay makahabol, nais na ang lahat ay magkaroon ng gawain at ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at magawang sumunod hanggang sa katapus-tapusan, sapagkat ito ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo. Kapag nagagampanan na ninyong lahat ang inyong tungkulin, lahat kayo ay magagawang perpekto, magkakaroon din kayo ng matunog na patotoo. Ang lahat niyaong mayroong patotoo ay yaong mga nagiging matagumpay laban kay Satanas at natatamo ang pangako ng Diyos, at sila ay siyang mga mananatili upang manirahan sa kamangha-manghang hantungan.

Hango sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Dapat Mong Tularan si Pedro

Sumunod:Naghawakan si Pedro sa Tunay na Pananampalataya at Pag-ibig

Baka Gusto Mo Rin