232 Matagal Nang Naghintay ang Diyos

Sino ang nakakaalam kung gaano Ka na katagal naghintay sa pagbabalik-loob ng tao sa Iyo? At sino ang may ideya kung gaanong napakaingat ng ibinayad Mo para sa sangkatauhan? Sino ang makaaarok sa kalawakan ng Iyong awa? At sino ang makapagpapahalaga sa kabutihan at kagandahan ng Iyong Puso?

1 Sa kabila ng paniniwala ko sa Iyo sa napakaraming taon, hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan. Bagama’t nagpakita akong sumusunod sa Iyo, ang puso ko’y hindi sa Iyo. Palagi Kitang dinadaya sa mga panalangin, pinupuri Ka lamang sa salita. Lubos akong nasisiyahan at inaangkin ang lahat ng kaluwalhatian kapag nakagagawa ng maliit na gawain. Tumayo ako sa harapan Mo, ngunit hindi talaga Kita nakilala, at hindi ko rin natutuhan kailanman kung ano ang katotohanan at buhay. Pinahalagahan ko lamang na maturuan ang aking sarili ng mga doktrina, at hindi kailanman isinagawa o dinanas ang Iyong mga salita. Sa pagkaunawa sa kakaunting mga titik at doktrina, masyado na akong nabilib sa aking sarili.

2 Tahimik na dumating sa akin ang Iyong pag-ibig: Itinuwid, dinisiplina, pinungusan at iwinasto Mo ako. Ang paghatol ng Iyong mga salita ay nag-alis ng maskara ng aking pagpapaimbabaw. Hindi ako nagdusa at gumugol ng sarili upang suklian ang Iyong pag-ibig, bagkus ay gumawa lamang para sa aking sariling kahihinatnan at huling destinasyon. Nakita ko kung gaano ako lubos na nagawang tiwali; sobrang mapanlinlang at kahiya-hiya ako. Nang malantad ako sa isang pagsubok, hindi Kita naunawaan, at tumangis ako at nawalan ng pag-asa dahil sa sakit. Hindi ko kailanman napahalagahan ang Iyong mabubuting layunin; wala akong konsiyensiya at katwiran. Dahil sa pagiging napakasuwail, paano ako magiging karapat-dapat na tawaging tao?

3 Ang pag-ibig Mo ay parang isang mainit na agos na tumunaw sa nanigas kong puso. Bagama’t masakit ang mga pagsubok at pagpipino, layon ng mga itong linisin ang aking katiwalian. Ngayong nauunawaan ko na ang kalooban Mo, nagbalik na sa Iyo ang aking puso, at lumuluha ako ng panghihinayang. Namumuhi ako sa sarili ko dahil naging suwail at mangmang ako, at hindi sumunod sa Iyong kalooban. Kahit na ganoon, palagi Kang nagbabantay at naghihintay, at ginagawa ang lahat ng Iyong makakaya para maligtas ako. Napakaganda at napakabuti ng Iyong puso; nais kong hanapin ang katotohanan at pumasok sa realidad. Desidido akong maging bagong tao at gawin ang aking tungkulin na aliwin Ka.

Nakita ko kung gaano Ka kagiliw at kakaibig-ibig. Ikaw lamang ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Hindi na Kita paghihintayin pa; itatalaga ko ang totoong puso ko sa Iyo. Hinihiling ko lamang na ibigin Ka, na wala na akong pagsisisihan pa. Hinihiling ko lamang na ibigin Ka, na ako’y maging katugma sa Iyo.

Sinundan: 231 Kung Walang Paghahanap sa Katotohanan, Tiyak ang Kabiguan

Sumunod: 233 Itangi ang mga Huling Sandali

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito