Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

361 Ginagamit ng Diyos ang mga Salita para Lupigin ang Buong Sansinukob sa mga Huling Araw

1 Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa Kanyang katawang-tao, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na naging tao upang lupigin ang lahat ng tao sa buong sansinukob; tanging ito lamang ang Salita na naging tao, at ito lamang ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, mukhang hindi nakagawa ng maraming gawain ang Diyos—nguni’t kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang lubusang mapaniwala ang mga tao, at para sila’y lubusang humanga. Sa walang katunayan, sumisigaw at naghihiyawan ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, sila ay nananahimik. Tiyak na matutupad ng Diyos ang katunayang ito, sapagka’t ito ang matagal nang naitatag na plano ng Diyos: ang pagtupad sa katunayan ng pagdating ng Salita sa lupa.

2 Sa katunayan, walang pangangailangan para sa Akin na magpaliwanag—ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Jerusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos upang mamuhay kasama ng tao, upang sumama sa bawat pagkilos ng tao, at sa lahat ng kanyang kaloob-loobang mga iniisip. Ito rin ang katunayan na tutuparin ng Diyos, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay magpapakita sa lupa nang isang libong taon, at ipamamalas ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at tatapusin ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, kung saan pagkatapos nito ang yugtong ito ng sangkatauhan ay sasapit sa katapusan.

Hango sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Kahulugan ng Pagkakatawang-tao ay Kinukumpleto ng Pagkakatawang-tao sa mga Huling Araw

Sumunod:Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos

Kaugnay na Content