191 Ginising ng mga Salita ng Diyos ang Puso Ko

1 Nanampalataya ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, at kahit madalas akong dumalo sa mga pagpupulong at magbasa ng mga salita ng Diyos, hindi ko tinanggap kailanman ang paghatol ng mga ito upang suriin at siyasatin ang sarili ko. Tinanggap ko lamang na tiwali ako nang hindi nalalaman ang sarili kong kalikasan o diwa. Nang maunawaan ko ang ilang doktrina, nagyabang ako at inakalang iyon ang realidad. Gumawa ako at nangaral nang hindi man lamang nararanasan ang mga salita ng Diyos o isinasagawa ang mga ito. Kagaya ni Pablo, alam ko lamang kung paano hangarin ang reputasyon at katayuan; nasiyahan ako na tinitingala at sinasamba, at sa kaibuturan ko ay wala akong kinatatakutan. Ipinilit kong gawin ang gusto ko, subalit hambog ako at hindi ako mahimasmasan.

2 Sa pagdanas lamang ng mga kabiguan at mga hadlang ko malinaw na nakita ang katotohanan ng aking katiwalian. Sa harap ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, palagi akong nakikipagtalo at nangangatwiran. Alam na alam kong nakabubuti sa buhay ng mga tao ang katotohanan, ngunit hindi ko ito matanggap o magawang magpasakop dito. Ginampanan ko ang aking tungkulin nang hindi sumusunod sa anumang prinsipyo ng katotohanan, at kumilos lamang ayon sa mga kagustuhan ko. Sa tuwing nakararanas ako ng maliit na sagabal, nagiging negatibo ako at mahina, at gumagawa ng mga pasya tungkol sa sarili ko. Nakikita ko na ngayon kung gaano ako kadukha at kaawa-awa: Wala akong realidad ng katotohanan. Bagaman wala akong pagkilala sa sarili, ipinagyabang ko ang sarili ko, at ito ay lubhang kahiya-hiya. Nang maharap sa mga katotohanan, nakaramdam ako ng hiya hanggang sa puntong iniyuko ko ang mapagmataas kong ulo.

3 Dahil nakaranas ako ng paghatol, mga pagsubok at paglalantad ng Diyos, kilala ko na ngayon ang sarili ko. Ang aking disposisyon ay napakamapagmataas at palalo, at hindi talaga ako gumagalang o nagpapasakop sa Diyos. Sa halip, isa akong mapagpaimbabaw na nandadaya at lumalaban sa Diyos. Kasuklam-suklam ako! Gaano man ako magmadali at gumawa, kung hindi magbabago ang aking disposisyon, mananatili pa rin akong pagmamay-ari ni Satanas. Isa talagang kahihiyan ang hindi makamit ang katotohanan o ang buhay matapos ang lahat ng mga taong ito ng pananampalataya. Sa wakas naunawaan ko na na nagsasayang lang ako ng oras kung hindi ko hahangarin ang katotohanan. Dahil lamang sa paghatol at pagkastigo ng Diyos kaya ako tunay na nakakapagsisi. Nais kong higit pa Niya akong hatulan, kastiguhin, subukin at pinuhin, upang malinis ang aking satanikong disposisyon at upang maisabuhay ko ang isang pagkakatulad sa tao para luwalhatiin ang Diyos.

Sinundan: 190 Puso Ko’y Napukaw ng Paghatol

Sumunod: 192 Inililigtas Ako sa Kasalanan ng Paghatol ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito