285 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Kailangang Malasap sa Tunay na Buhay

1 Kung nais mong makita ang pag-ibig ng Diyos, kung nais mong tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos, gayon kailangan mong magtungo sa kailaliman ng realidad, kailangan mong magtungo sa kailaliman ng tunay na buhay, at makita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig, at kaligtasan, at nang magawang iwanan ng mga tao kung alin ang hindi malinis, at upang pinuhin ang mga bagay sa loob nila na hindi kayang palugurin ang kalooban ng Diyos.

2 Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang makapaglaan sa tao habang lumilikha rin ng mga kapaligiran sa tunay na buhay na pinahihintulutan ang mga tao na maranasan, Kung, gagamitin ang kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, madalas kang manalangin, at magsiyasat, at maghanap, kung saan natutuklasan mo na iyan ang nararapat mong isagawa, maghanap ng mga pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, tunay na makipagtulungan sa Diyos, at hindi naguguluhan at nalilito, sa gayon ay magkakaroon ka ng landas sa tunay na buhay, at talagang magbibigay kasiyahan sa Diyos.

3 Kapag iyong nabigyang kasiyahan na ang Diyos, sa loob mo ay magkakaroon ng paggabay ng Diyos, at ikaw ay higit na pagpapalain ng Diyos, na magbibigay sa iyo ng isang pakiramdam ng kasiyahan: Makakaramdam ka lalo ng karangalan na nabigyan mo na ng kasiyahan ang Diyos, makakaramdam ka ng higit na liwanag sa kalooban, at sa iyong puso ikaw ay magiging malinaw at mapayapa, ang iyong konsensya ay aaliwin at malaya sa mga bintang, at mararamdaman mong magaan ang kalooban kapag nakita mo ang iyong mga kapatid. Ito ang ibig sabihin ng pagkalugod sa pag-ibig ng Diyos, at ito lamang ang tunay na pagtamasa sa Diyos.

4 Ang pagtamasa ng mga tao sa pag-ibig ng Diyos ay nakakamit sa pamamagitan ng pagdanas nito: Sa pagdanas ng paghihirap, at pagdanas ng pagsasagawa ng katotohanan, nakakamit nila ang mga biyaya ng Diyos. Kung lagi mong ilalagay ang katotohanan sa pagsasagawa sa ganitong paraan, sa gayon ay unti-unti kang makabubuo ng isang malinaw na kabatiran ng lawak ng gawain ng Diyos, at sa panahong iyon ay lagi mong mararamdaman na ang mga salita ng Diyos sa iyong harapan ay kasing linaw ng kristal.

Hango sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mamumuhay sa Kanyang Liwanag Magpakailanman” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 284 Ikaw Ba'y Isang Naghahangad na Magawang Perpekto ng Diyos?

Sumunod: 286 Paalala ng Diyos sa Tao

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito