Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

310 Ang Disposisyon ng Diyos ay Banal at Walang Mali

1 Nang binago ng Diyos ang Kanyang puso para sa mga taga-Ninive, isang pagkukunwari lamang ba ang Kanyang awa at pagpaparaya? Siyempre hindi! Kung gayon, ano ang hinahayaan ng pagbabago sa pagitan ng dalawang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos sa panahon ng magkaparehong pangyayari na makita mo? Ang disposisyon ng Diyos ay ganap na buo; hindi ito kahit kailan nahahati. Naghahayag man Siya ng galit o awa at pagpaparaya tungo sa mga tao, ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon.

2 Naghahayag ng matinding poot ang Diyos bilang tugon sa masasamang gawa ng mga tao; ang Kanyang poot ay walang kapintasan. Ang puso ng Diyos ay naaantig ng pagsisisi ng mga tao, at ang pagsisising ito ang siyang bumabago sa Kanyang puso. Ang pagiging naantig Niya, ang pagbabago ng Kanyang puso gayundin ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao ay lubos na walang kapintasan; ang mga iyon ay malinis, dalisay, walang-dungis at walang-halo. Ang pagpaparaya ng Diyos ay dalisay na pagpaparaya; ang Kanyang awa ay dalisay na awa.

3 Ibubunyag ng Kanyang disposisyon ang poot, gayon din ang awa at pagpaparaya, batay sa pagsisisi ng tao at sa kanyang naiibang asal. Kahit ano man ang Kanyang ibinubunyag at ipinahahayag, lahat ng ito ay dalisay; lahat ng ito ay direkta; ang diwa nito ay iba mula roon sa anumang nilikha. Ang mga prinsipyo ng mga pagkilos na ipinapahayag ng Diyos, ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya o anumang partikular na pagpapasya, gayundin ang anumang nag-iisang pagkilos, ay walang-bahid ng anumang mga kapintasan o dungis.

4 Ayon sa naipapasya ng Diyos at ayon sa kilos Niya, kaya tinatapos Niya ang Kanyang mga pagbalikat. Ang ganitong mga uri ng mga resulta ay tiyak at walang-kapintasan sapagkat ang pinagmulan ng mga iyon ay walang-kapintasan at walang-dungis. Ang poot ng Diyos ay walang-kapintasan. Gayundin, ang awa at pagpaparaya ng Diyos, na hindi taglay ng anumang nilalang, ay banal at walang-kapintasan, at makakatayo ang mga iyon sa pagtatalo at karanasan.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Sagana ang Awa at Matindi ang Poot ng Diyos

Sumunod:Ang mga Plano ng Diyos para sa Kahihinatnan ng Lahat ng Tao

Baka Gusto Mo Rin