Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XII Mga Salita tungkol sa mga Hinihiling, Pangaral, Pag-aliw, at Babala ng Diyos

(II) Mga Salita tungkol sa mga Pangaral at Pag-aliw ng Diyos sa Tao

20. Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.

—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi mo nga ang iyong mga pagkaintindi! Huminto at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka para sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi mo nga ang iyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; mas lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukás sa sangkatauhan sa lahat ng sandali. Minamahal na mga kapatiran, umaasa Akong makikita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at inuumpisahang sundan ang Kanyang mga yapak sa paghakbang ninyo tungo sa isang bagong kapanahunan, at pagpasok tungo sa magandang bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos para sa mga naghihintay sa Kanyang pagpapakita!

—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng bansa, bayan, at kahit industriya na makinig sa tinig ng Diyos, masdan ang gawain ng Diyos, bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, sa gayon ginagawa ang Diyos na kabanal-banalan, ang pinaka-kagalang-galang, ang pinakamataas, at ang tanging pinag-uukulan ng pagsamba sa sangkatauhan, at nagbibigay-daan sa buong sangkatauhan na mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham na nabuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, at tulad nina Adan at Eva, na orihinal na ginawa ng Diyos, na nabuhay sa Hardin ng Eden.

Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.

—mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lamang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa na ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag maging masyadong tiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga iyon ay ang katotohanan o hindi, at kung ang mga iyon ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, nagsasabing, “Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa panahon ng mga huling araw, at hindi dapat maging isang tao na lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa kahuli-huliha’y mapaparusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang gayong katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t isa kang tao na hindi pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?

—mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

24. Maraming may di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay ang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawat yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uulitin ang gawain ng paghatol dahil lang sa “kontribusyon” na nagawa mo, at labis kang magsisisi dahil pinalagpas mo ang gayon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa malaking puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang realidad na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi Ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa paghahagis sa iyo sa lawa ng apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libong taon.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

25. Nabigyan Ko na kayo ng maraming babala at nagkaloob sa inyo ng maraming katotohanan upang lupigin kayo. Sa kasalukuyan nararamdaman ninyo na mas pinayaman kaysa sa kalagayan ninyo noong nakaraan, naiintindihan ang maraming prinsipyo tungkol sa kung paano dapat magpakatao, at taglay ang napakaraming sentido kumon na dapat taglayin ng mga taong tapat. Ito ang inyong natamo sa loob ng maraming taon ngayon. Hindi Ko ikinakaila ang inyong mga nagawa, nguni’t kailangan Kong sabihin nang tapat na hindi Ko rin ikinakaila ang inyong napakaraming mga pagsuway at mga paghihimagsik laban sa Akin sa maraming mga taon na ito, sapagka’t walang isa mang banal sa inyo, lahat kayo ay mga taong ginawang tiwali ni Satanas, at mga kaaway ni Kristo. Ang inyong mga paglabag at ang inyong mga pagsuway hanggang sa kasalukuyan ay hindi mabilang, kaya hindi talaga nakapagtataka na palagi Kong inuulit ang Sarili Ko sa harap ninyo. Ayaw Kong mabuhay sa ganitong paraan kasama ninyo, nguni’t para sa kapakanan ng inyong mga kinabukasan, para sa kapakanan ng inyong mga hantungan, muli Kong babalikan dito kung ano ang Aking nasabi na. Umaasa Ako na pagtitiyagaan ninyo Ako, at higit pa Akong umaasa na magagawa ninyong maniwala sa bawat salita na Aking sinasabi, at higit pa, na inyong mahinuha ang malalim na mga pagpapahiwatig ng Aking mga salita. Huwag magduda tungkol sa kung ano ang Aking sinasabi, o ang mas matindi pa rito, pulutin ang Aking mga salita ayon sa inyong inaasam at basta-basta na lamang itatapon ang mga ito, na sa tingin Ko ay hindi mapagtitiisan. Huwag mong hatulan ang Aking mga salita, at lalong huwag balewalain, o sabihin na lagi kitang tinutukso, o ang mas malala pa, sabihin na ang nasabi Ko na sa inyo ay hindi tumpak. Ang mga bagay na ito ay hindi Ko matatagalan. Sapagka’t itinuturing ninyo Ako at itinuturing kung ano ang Aking sinasabi nang may gayong paghihinala at hindi kailanman ito tinatanggap, sinasabi Ko sa bawat isa sa inyo nang buong kaseryosohan: Huwag ninyong iugnay ang Aking sinasabi sa pilosopiya, huwag isama ito sa mga kasinungalingan ng mga nagmamarunong, at higit pa, huwag kayong tumugon sa Aking mga salita nang may paghamak. Marahil ay walang sinuman sa hinaharap ang makapagsasabi sa inyo ng kung ano ang sinasabi Ko sa inyo, o nagsasalita nang masyadong pabor sa inyo, mas lalong hindi na ipaliliwanag sa inyo ang mga puntong ito nang ganito katiyaga. Ang mga araw na darating ay magugugol sa pag-alala sa masasayang panahon, o sa pag-iyak nang malakas, o pagdaing sa sakit, o kayo ay mabubuhay sa madidilim na gabi nang wala ni kapirasong katotohanan o buhay na inilaan, o naghihintay na lamang nang walang pag-asa, o sa gayong kapait na panghihinayang na kayo ay hindi napapaliwanagan …. Ang alternatibong mga posibilidad na ito ay totoong hindi matatakasan ng sinuman sa inyo. Sapagka’t walang sinuman sa inyo ang nasa isang upuan kung saan talagang sinasamba ninyo ang Diyos; inilulubog ninyo ang inyong mga sarili sa mundo ng kahalayan at kasamaan, inihahalo sa inyong mga paniniwala, tungo sa inyong mga espiritu, mga kaluluwa, at mga katawan, napakaraming bagay na walang kinalaman sa buhay at katotohanan at sa totoo lang ay paglaban sa mga ito. Kaya ang inaasahan Ko sa inyo ay na madadala kayo sa daan ng liwanag. Ang Aking tanging pag-asa ay na nagagawa ninyong alagaan ang inyong mga sarili, nagagawa ninyong ingatan ang inyong mga sarili, hindi labis na nagtutuon sa inyong hantungan kaya inyong nababalewala ang inyong pag-uugali at mga paglabag.

—mula sa “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26. Sa ngayon, hindi ka maaaring masiyahan lamang sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas ng loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat laging isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan? Kaya bang kusang salungatin ng katotohanan ang mga tao? Kung hahabulin mo ang katotohanan, kaya ka ba nitong gulantangin? Kung maninindigan ka para sa katarungan, pababagsakin ka ba nito? Kung ito nga talaga ang iyong hangarin na habulin ang buhay, kaya bang umiwas ng buhay sa iyo? Kung wala sa iyo ang katotohanan, hindi iyan dahil sa hindi ka pinapansin ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan; kung hindi mo kayang manindigan nang matibay para sa katarungan, iyan ay hindi dahil sa mayroong mali ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang lihis ito sa mga katunayan; kung hindi mo natamo ang buhay pagkatapos pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, iyan ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya tungo sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya tungo sa buhay, at naitaboy ang buhay; kung namumuhay ka sa liwanag at hindi nakayang makamit ang liwanag, iyan ay hindi dahil sa imposibleng sumikat ang liwanag sa iyo, kundi dahil sa hindi mo nabigyang-pansin ang pag-iral ng liwanag, kung kaya ang liwanag ay tahimik na lumisan sa iyo. Kung hindi ka naghahabol, kung gayon ito ay masasabi lamang na ikaw ay walang-halagang basura, at walang lakas ng loob sa iyong buhay, at hindi taglay ang espiritu para labanan ang mga puwersa ng kadiliman. Masyado kang mahina! Hindi mo kayang tumakas mula sa mga puwersa ni Satanas na umaatake sa iyo, at handa lamang magpatuloy sa ganitong uri ng ligtas at panatag na buhay at mamatay sa kamangmangan. Ang dapat mong marating ay ang iyong paghahabol na malupig; ito ang iyong nakatakdang tungkulin. Kung sapat na para sa iyo ang malupig, kung gayon ay itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag. Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at para makamit pa nang higit ang katotohanan ay dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pampamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong habulin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat habulin ang isang landas ng buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at hindi maghahabol ng anumang mga layunin, hindi ba sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa gayong pamumuhay? Dapat mong itakwil ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal; walang kahulugan sa kanilang pag-iral!

—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

27. Kung ang layunin ng iyong paghahabol ay hindi ang hanapin ang katotohanan, kung gayon mabuti pang samantalahin mo ang pagkakataong ito at bumalik sa sanlibutan upang ipagpatuloy na ito. Ang pagsasayang ng iyong panahon sa paraang ito ay talagang hindi karapat-dapat—bakit pahihirapan ang iyong sarili? Hindi mo ba matatamasa ang lahat ng uri ng mga bagay sa magandang sanlibutan? Pera, magagandang babae, katayuan, kasiyahan sa sarili, pamilya, mga anak, at iba pa—hindi ba’t ang lahat ng bungang ito ng sanlibutan ang pinakamabubuting mga bagay na maaari mong matamasa? Anong saysay nito na lumaboy rito sa paligid na naghahanap ng isang dako kung saan maaari kang maging masaya? Ang Anak ng tao ay walang mahimlayan ng Kanyang ulo, kaya paano kang magkakaroon ng isang dako ng kaginhawahan? Paano ka Niya malilikhaan ng isang mainam na dako ng kaginhawahan? Iyan ba ay posible? Bukod sa Aking paghatol, ngayong araw ay maaari ka lamang makatanggap ng mga pagtuturo tungkol sa katotohanan. Ikaw ay hindi makatatamo ng kaginhawahan mula sa Akin ni maaari mong makamtan ang masayang himlayan na iyong iniisip sa gabi at araw. Hindi Ko ipagkakaloob sa iyo ang mga kayamanan ng sanlibutan. Kung susunod ka nang totohanan, handa Akong ibigay sa iyo ang daan ng buhay sa kabuuan nito, upang ikaw ay maging tulad ng isang isda na naibalik sa tubig. Kung hindi ka susunod nang totohanan, babawiin Ko itong lahat. Hindi Ako handang ibigay ang mga salita mula sa Aking bibig sa mga taong iyon na ganid sa kaginhawahan at katulad lamang ng mga baboy at mga aso!

—mula sa “Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28. Huwag kang maging walang-pakialam na tagasunod ng Diyos, at huwag habulin yaong pag-uusisa lamang. Sa pagiging sala sa init o sala sa lamig sisirain mo ang sarili mo at maaantala ang buhay mo. Alisin mo sa iyong sarili ang gayong pagiging walang-pakialam at kawalan-ng-pagkilos, at maging dalubhasa sa paghahabol ng mga positibong bagay at mapagtagumpayan ang iyong sariling mga kahinaan, upang maaari mong matamo ang katotohanan at isabuhay ang katotohanan. Walang nakatatakot tungkol sa iyong mga kahinaan, at ang iyong mga pagkukulang ay hindi ang iyong pinakamalaking problema. Ang iyong pinakamalaking problema, at ang iyong pinakamatinding pagkukulang, ay ang iyong pagiging hindi mainit ni malamig at ang kakulangan ng iyong pagnanasa na hanapin ang katotohanan. Ang pinakamalaking problema sa inyong lahat ay ang duwag na kaisipan anupa’t masaya na kayo sa kung ano ang kalagayan ngayon ng mga bagay-bagay, at naghihintay nang walang ginagawang hakbang. Ito ang inyong pinakamalaking balakid, at ang pinakamatinding kaaway sa inyong paghahabol sa katotohanan.

—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29. Sa landas na ito, maraming tao ang makakapagsalita ng maraming kaalaman, nguni’t sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay apaw sa mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakasayang sa isang buong buhay at namuhay para sa wala hanggang sa katandaan. Nauunawaan lang nila ang mga doktrina nguni’t hindi nila kayang isagawa ang katotohanan at magpatotoo sa Diyos, sa halip tumatakbo lang paroo’t parito, abala na tulad ng isang pukyutan; kapag naghihingalo na, sa huli nila nakikita na kulang sila sa tunay na patotoo, na hindi nila tunay na nakikilala ang Diyos. Hindi ba ito kung gayon masyadong huli na? Bakit hindi mo samantalahin ang araw at hanapin ang katotohanan na iyong minamahal? Bakit maghihintay pa hanggang kinabukasan? Kung sa buhay ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o naghahanap na makamit ito, posible bang ninanais mong maramdaman ang panghihinayang sa oras ng iyong paghihingalo? Kung gayon, bakit pa naniniwala sa Diyos? Sa katotohanan, maraming bagay na kung saan ang tao, kung siya’y nag-uukol lamang ng katiting na pagsisikap, ay makakapagsagawa ng katotohanan at sa gayon ay napalulugod ang Diyos. Ang puso ng tao ay palagiang nilulukuban ng mga demonyo kung kaya hindi siya makakakilos para sa kapakanan ng Diyos. Sa halip, siya ay palaging naglalakbay nang pabalik-balik para sa laman, at walang anumang napapakinabang sa katapusan. Dahil sa mga katuwirang ito kaya ang tao ay may palagiang mga problema at paghihirap. Hindi ba ito mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba ito katiwalian ng laman? Hindi mo dapat lokohin ang Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa salita lamang. Sa halip, dapat kang gumawa ng nadaramang pagkilos. Huwag mong lokohin ang iyong sarili; ano ang kahulugan doon? Ano ang iyong mapapakinabang sa pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at pagpapagal para sa katanyagan at kapalaran?

—mula sa “Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

30. Kapag ang init ng tagsibol ay dumarating at ang mga bulaklak ay namumukadkad, kapag ang lahat sa silong ng mga kalangitan ay pawang luntian at lahat ng bagay sa lupa ay nasa lugar, lahat ng tao at mga bagay ay unti-unting papasok tungo sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay matatapos. Ang Diyos ay hindi na gagawa o mamumuhay sa lupa, sapagkat ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Ang mga tao ba ay walang kakayahang isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakapaghati sa pag-ibig sa pagitan ng tao at Diyos? Sino ang makakayang paghiwalayin ang pag-ibig sa pagitan ng tao at Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, mga kapatid-na-babae, mga asawang-babae, o masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsensya ang larawan ng Diyos sa loob ng tao? Ang pagkakautang ba at mga pagkilos ng mga tao tungo sa isa’t isa ay kanilang kagagawan? Ang mga iyon ba ay malulunasan ng tao? Sino ang nakakayang ingatan ang kanilang mga sarili? Nakakaya ba ng mga taong magkaloob para sa kanilang mga sarili? Sino ang malalakas sa buhay? Sino ang nakakayang iwanan Ako at mamuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit nang paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng tao ay magsagawa ng pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos, “Kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay?”

—mula sa “Kabanata 24 at 25” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

31. Siguro sasabihin mo na kung wala kang pananampalataya, sa gayon hindi ka magdurusa ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng paghatol. Nguni’t dapat mong malaman na kung walang pananampalataya, hindi ka lang hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan, kundi magpakailanmang mawawala mo ang pagkakataong makita ang Maylikha. Hinding-hindi mo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at mauunawaan kailanman ang kahalagahan ng buhay ng tao. Kahit na ang iyong katawan ay mamatay at ang iyong kaluluwa ay yumao, hindi mo pa rin mauunawaan ang lahat ng mga ginawa ng Maylikha. Lalong hindi mo malalaman na gumawa ng gayong kadakilang gawain sa mundo ang Maylikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kanyang ginawa, ikaw ba ay pumapayag na di-nauunawaang mahulog nang ganito sa kadiliman at magdusa ng walang hanggang kaparusahan? Kung ihihiwalay mo ang iyong sarili sa pagkastigo at paghatol ngayon, ano ang iyong haharapin? Sa tingin mo ba na minsang maihiwalay sa kasalukuyang paghatol ay makatatakas ka sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lumisan ka sa “lugar na ito,” ang iyong haharapin ay masakit na pagdurusa o malulupit na pinsalang ipinataw ng diyablo? Ikaw ba ay haharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin mo ba dahil lang natakasan mo ang paghatol na ito ngayon, magpakailanman mong maiiwasan ang pahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa iyo? Ito kaya ang Shangri-La na iyong inaasahan? Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ang susunod na walang hanggang pagkastigo sa pamamagitan lang ng pagtakas sa realidad na iyong ginagawa? Pagkatapos ng ngayon, makahahanap ka ba kaya ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala muli? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag dinatnan ka ng sakuna? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag ang lahat ng sangkatauhan ay nakapagpahinga na? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang iyong magkaayong munting pamilya—maari bang sila ang papalit sa iyong hinaharap na walang hanggang hantungan? Kung ikaw ay may totoong pananampalataya, at kung marami kang nakakamtan dahil sa iyong pananampalataya, kung gayon lahat ng iyan ay ang dapat mong—isang nilalang—makamtan at gayundin ay dapat mong taglay. Itong uri ng panlulupig ay ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong buhay.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

32. Yaong namumuhay sa labas ng Aking salita, tumatakas sa pagdurusa ng pagsubok, hindi ba’t silang lahat ay palutang-lutang sa sanlibutan? Sila ay katulad ng mga dahon ng taglagas na naglalaglagan dito at doon, walang dakong mapagpahingahan, lalong wala ng Aking mga salitang umaaliw. Kahit na ang Aking pagkastigo at pagpipino ay hindi sumusunod sa kanila, hindi ba’t sila ay mga pulubing palutang-lutang saanmang dako, pagala-gala sa mga daan sa labas ng kaharian ng langit? Talaga bang ang mundo ang iyong dakong pahingahan? Maaari mo ba talagang, sa pag-iwas sa Aking pagkastigo, matamo ang pinakabahagyang ngiti ng pagpapasalamat mula sa mundo? Maaari mo bang tunay na gamitin ang iyong panandaliang kasiyahan upang takpan ang kahungkagan sa iyong puso na hindi maitatago? Maaari mong dayain ang sinuman sa iyong pamilya, ngunit hindi mo Ako kailanman madadaya. Dahil ang iyong pananampalataya ay napakaliit, hanggang sa araw na ito ikaw ay walang kapangyarihang masumpungan ang anuman sa mga kalugurang maiaalok ng buhay. Ikaw ay Aking hinihimok: mas mabuti pang taos-pusong gugulin ang kalahati ng iyong buhay para sa Aking kapakanan kaysa ang iyong buong buhay sa kababaan at kaabalahan para sa laman, tinitiis ang lahat ng paghihirap na halos hindi makayang tiisin ng isang tao. Ano ang katuturan ng masyadong pagpapahalaga sa iyong sarili at tumakas mula sa Aking pagkastigo? Ano ang katuturan ng pagkukubli ng iyong sarili mula sa Aking panandaliang pagkastigo para lamang umani ng walang-hanggang kahihiyan, ng walang-hanggang pagkastigo? Hindi Ko, sa katunayan, pinasusunod ang sinuman sa Aking kalooban. Kung ang isang tao ay talagang handang magpasakop sa lahat ng Aking mga plano, hindi Ko siya tratratuhin nang masama. Ngunit hinihingi Ko na ang lahat ng tao ay maniwala sa Akin, gaya ng paniniwala ni Job sa Akin, si Jehova. Kung ang inyong pananampalataya ay nakakahigit kaysa roon kay Tomas, kung gayon ang inyong pananampalataya ay magtatamo ng Aking pagpuri, sa inyong katapatan inyong matatagpuan ang Aking kaligayahan, at tiyak ninyong matatagpuan ang Aking luwalhati sa inyong mga araw.

—mula sa “Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

33. Ang karamihan sa mga tao ay patuloy na nakatingin sa hinaharap at hindi nakokontento; lahat sila ay kulang ang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang balisang hangarin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas patungo sa ilang upang gumala na parang isang kabayong ligaw na naitapon na ang mga renda nito, nguni’t ilan ang gustong pumirmi sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang daan ng buhay ng tao. Dahil nakapasok na sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, kung hindi ito tinatamasa ng mga tao, ano pa ang gusto nila? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay nakapasok na sa dako ng kapahingahan, hindi nila nakakayang panindigan ang kanilang tungkulin; hindi ba sila masasamang babae lamang? Kung naiwala mo na ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi-masukat na panghihinayang. Matutulad ka kay Moises na tumitig lamang sa lupain ng Canaan nguni’t hindi niya ito nagawang tamasahin, mahigpit na nakakuyom ang mga kamao at namamatay na puno ng panghihinayang—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang kapasyahan? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas nguni’t hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kahusay ang iyong kasanayan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit?

—mula sa “Ang Landas … (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

34. Hindi nais ng Diyos na lupigin ang mga tao sa pamamagitan ng pagkastigo; hindi Niya nais na palaging pilitin ang mga tao. Nais Niyang sundin ng mga tao ang Kanyang mga salita at gumawa sa isang disiplinadong paraan, at sa pamamagitan nito ay napapalugod ang Kanyang kalooban. Nguni’t ang mga tao ay walang kahihiyan at madalas silang naghihimagsik laban sa Kanya. Ako ay naniniwala na pinakamainam para sa atin na hanapin ang pinakapayak na paraan upang mapalugod Siya, iyon ay, sundin ang lahat ng Kanyang mga pagsasaayos, at kung tunay mong makakamit ito ikaw ay gagawing perpekto. Hindi ba ito isang madali, at nakakagalak na bagay? Tahakin ang landas na dapat mong tahakin nang hindi nag-uukol ng anumang pansin sa kung ano ang sinasabi ng iba o nag-iisip nang masyado. Hawak mo ba ang iyong kinabukasan at ang iyong kapalaran sa iyong sariling mga kamay? Palagi kang tumatakas at nais tahakin ang isang makamundong landas, nguni’t bakit hindi ka makakalabas? Bakit ka ba nag-aalinlangan sa isang sangang-daan sa loob ng maraming taon at pagkatapos ay mauuwi sa pagpiling muli sa landas na ito? Pagkatapos nang paggala sa loob ng maraming taon, bakit nagbabalik ka ngayon sa bahay na ito kahit na ayaw mo naman? Ito ba ay sariling usapin mo lamang? Sa inyong mga nasa ganitong daloy, kung hindi mo pinaniniwalaan ito, kung gayon makinig na lamang sa sasabihin Kong ito: Kung nagbabalak kang umalis, maghintay ka lamang at makikita mo kung pinahihintulutan ka ng Diyos, at makita kung paano ka inaantig ng Banal na Espiritu—danasin mo ito para sa iyong sarili. Sa deretsahang pananalita, magdusa ka man ng kasawian, dapat mo itong pagdusahan sa daloy na ito, at kung mayroong pagdurusa, dapat kang magdusa dito sa kasalukuyan at hindi ka maaaring pumunta saan mang dako. Malinaw mo ba itong nakikita? Saan ka pupunta? Ito ang atas administratibo ng Diyos. Iniisip mo ba na walang kahulugan para sa Diyos na piliin ang grupo ng mga taong ito? Sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi Siya nagagalit agad-agad, nguni’t kung nais ng mga tao na antalahin ang Kanyang plano, mababago Niya ang Kanyang mukha sa isang iglap at nagagawa itong maulap mula sa maaliwalas. Kaya, ipinapayo Ko sa iyo na pumirmi at magpasakop sa mga panukala ng Diyos, tulutan Siya na gawin kang ganap. Ito ang tanging paraan upang maging isang matalinong tao.

—mula sa “Ang Landas … (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

35. Ang iyo bang hinahabol ay ang malupig pagkatapos ng pagkastigo at paghatol, o malinis, maingatan at makalinga matapos ang pagkastigo at paghatol? Alin sa mga ito ang iyong hinahabol? Makahulugan ba ang iyong buhay, o ito ay walang-layunin at walang-halaga? Gusto mo ba ang laman, o nais mo ang katotohanan? Hinihiling mo ba ang paghatol, o kaginhawahan? Yamang napakalawak ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, at yamang namasdan mo ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos, paano ka dapat naghahabol? Paano ka dapat lumalakad sa landas na ito? Paano mo dapat isagawa ang iyong pag-ibig sa Diyos? Ang pagkastigo at paghatol ba ng Diyos ay nagkaroon ng epekto sa iyo? Kung ikaw man ay may kaalaman sa pagkastigo at paghatol ng Diyos o wala ay nakasalalay sa kung ano ang iyong isinasabuhay, at kung hanggang saan mo iibigin ang Diyos! Sinasabi ng iyong mga labi na iniibig mo ang Diyos, ngunit ang iyong isinasabuhay ay ang luma at tiwaling disposisyon; wala kang takot sa Diyos, at lalong wala kang konsensya. Iniibig ba ng gayong mga tao ang Diyos? Ang gayong mga tao ba ay matapat sa Diyos? Sila ba yaong mga tumatanggap sa pagkastigo at paghatol ng Diyos? Sinasabi mong iniibig mo ang Diyos at naniniwala ka sa Kanya, ngunit hindi mo binibitawan ang iyong mga pagkaintindi. Sa iyong gawain, pagpasok, mga salitang iyong sinasambit, at sa iyong buhay, walang pagpapahayag ng iyong pag-ibig sa Diyos, at walang paggalang sa Diyos. Siya ba yaong nakatamo ng pagkastigo at paghatol ng Diyos? Maaari kayang ang taong gaya nito ay si Pedro? Ang mga yaon ba na katulad ni Pedro ay mayroon lamang ng kaalaman ngunit hindi ang pagsasabuhay? Ngayon, ano ang kundisyon na kinakailangan sa tao upang isabuhay ang totoong buhay? Ang mga panalangin ba ni Pedro ay mga salita lamang na lumabas sa kanyang bibig? Hindi ba’t ang mga iyon ay mga salitang mula sa kaibuturan ng kanyang puso? Si Pedro ba ay nanalangin lamang, at hindi isinasagawa ang katotohanan? Para kaninong pakinabang ang iyong paghahabol? Paano mo dapat mapaingatan at maipalinis ang iyong sarili sa panahon ng pagkastigo at paghatol ng Diyos? Hindi ba kapaki-pakinabang sa tao ang pagkastigo at paghatol ng Diyos? Ang lahat ba ng paghatol ay kaparusahan? Maaari bang tanging ang kapayapaan at kagalakan, tanging mga materyal na pagpapala at panandaliang kaginhawahan, ang kapaki-pakinabang sa buhay ng tao? Kung ang tao ay nabubuhay sa kaaya-aya at maginhawang kapaligiran, isang buhay na walang paghatol, malilinis ba siya? Kung nais ng tao na siya ay mabago at malinis, paano niya tatanggapin ang pagiging nagawang perpekto? Alin ang landas na dapat mong piliin ngayon?

—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

36. Na nagagawa mong tanggapin ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at, higit sa rito, nagagawang tanggapin ang mga tagubilin ng Diyos, ay itinalaga ng Diyos sa pasimula ng panahon, at kaya hindi ka dapat masyadong mabagabag kapag ikaw ay kinakastigo. Walang sinuman ang makakaagaw sa gawain na ginawa sa inyo, at sa mga pagpapala na ipinagkaloob sa inyo, at walang sinuman ang makakaagaw sa lahat ng mga ibinigay na sa inyo. Ang mga tao ng relihiyon ay hindi papayag na ihambing sa inyo. Hindi ninyo taglay ang malaking kahusayan sa Biblia, at hindi nasasangkapan ng relihiyosong teorya, ngunit dahil ang Diyos ay gumawa sa inyo, nagkamit na kayo nang higit sa kaninuman sa kabuuan ng mga kapanahunan—at kaya ito ang inyong pinakamalaking pagpapala. Dahil dito, lalo kayong dapat magtalaga sa Diyos, at lalo pang maging tapat sa Diyos. Sapagkat itinataas ka ng Diyos, dapat mong patibayin ang iyong mga pagsisikap at dapat ihanda ang iyong katayuan upang tanggapin ang mga tagubilin ng Diyos. Dapat kang manindigan sa dako na ibinigay sa iyo ng Diyos, hangarin ang pagiging isa sa sambayanan ng Diyos, tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, makamit ng Diyos at sa bandang huli ay maging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Ilan sa mga paninindigang ito ang taglay mo? Kung taglay mo ang gayong mga paninindigan, kung gayon sa bandang huli tiyak kang makakamtan ng Diyos, at magiging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Dapat mong maunawaan na ang pangunahing tagubilin ay pagiging nakamtam ng Diyos at pagiging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Ito ang kalooban ng Diyos.

—mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

37. Sa lahat ng kapatirang nakapakinig ng Aking tinig: Napakinggan na ninyo ang tinig ng Aking mahigpit na paghatol at nakapagtiis na kayo ng matinding pagdurusa. Gayunman, dapat ninyong malaman na natatago ang Aking mga layunin sa likod ng Aking mahigpit na tinig! Dinidisiplina Ko kayo upang maaaring makaligtas kayo. Dapat ninyong malaman na para sa Aking mga minamahal na anak, didisiplinahin Ko kayo at tatabasin Ko kayo at gagawin kayong ganap sa lalong madaling panahon. Sabik na sabik ang puso Ko, pero hindi ninyo nauunawaan ang puso Ko at hindi kumikilos ayon sa salita Ko. … Ang layunin Ko’y nais Kong yaong mga taimtim na ninanais Ako, at yaon lang hinahangad Ako na may totoong puso ang mapapasaya Ako—para sa kanila tiyak na susuporta Ako sa sarili Kong mga kamay at sisiguruhing wala silang makakaharap na mga kalamidad. Ang mga taong totoong ninanais ang Diyos ay magiging handa na magsaalang-alang sa puso ng Diyos at gawin ang kalooban Ko. Kaya, dapat kayong pumasok sa realidad sa lalong madaling panahon at tanggapin ang Aking salita bilang inyong buhay—ito ang Aking pinakamalaking pasanin. Kung pumapasok lahat sa realidad ang mga iglesia at mga banal at kayang tuwirang makisalamuha sa Akin ang lahat, humarap ng mukhaan sa Akin, at isinasagawa ang katotohanan ang katuwiran, saka lamang sila ang Aking mga minamahal na anak, yaong kung kanino Ako lubos na nasisiyahan, at sa kanila ipagkakaloob Ko lahat ng malalaking pagpapala.

—mula sa “Kabanata 23” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

38. Ang lahat ng tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, sa kanilang pag-uugali, at sa kanilang mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong uri ng pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang pagpapalang ito. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.

—mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

39. Bilang isa na naniniwala sa Diyos, dapat mong maunawaan na, ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ng lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap na ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok na sa kalipunang ito ng mga tao. Nailaan na Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nabawi na at naibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, nailipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Dati, narinig na ninyong lahat ang kasabihang ito, nguni’t walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ang mga ito ay mangyayari doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging realidad sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay isinasakatuparan sa isang lupain na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinipino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, nguni’t ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng Kanyang gawain upang ipamalas ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Kinukuha ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng mga tao. Dahil sa pagdurusa ng mga tao, sa kanilang kakayahan, at sa lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makamit yaong mga tumatayong saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kabuluhan ng lahat ng sakripisyo na nagawa na ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito.

—mula sa “Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

40. Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, Aking ibubunyag sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi ganyang kapatag, walang ganyang kasimple! Nais ninyo ng mga pagpapala na madaling makamtan, tama? Ngayon, bawat isa ay magkakaroon ng mapait na mga pagsubok na haharapin, kung hindi ang pusong mapagmahal na taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at kayo ay hindi magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na ito ay maliliit na pangyayari lamang, bawat isa ay dapat na dumaan sa mga iyon, nagkakaiba lamang ang mga iyon nang kaunti sa ilang antas. Ang pangyayari ay isa sa Aking mga pagpapala, ilan ang malimit na lumuluhod sa harapan Ko upang hingin ang Aking pagpapala? Hangal na mga bata! Lagi ninyong nadarama na ang ilang mapalad na mga salita ay naibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi nadarama na ang kapaitan ay isa sa Aking mga pagpapala. Yaong mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ay Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo. Huwag mag-atubiling kumain at uminom at magsaya. Kapag ang dilim ay dumaraan magkakaroon ng liwanag. Ito ang pinakamadilim bago magbukang-liwayway; pagkalipas ng sandaling ito ay unti-unting magniningning, at kalaunan ang araw ay sisikat. Huwag kayong matakot o mahiya. Ngayon, aking inaalalayan ang Aking mga anak at ginagamit ang Aking kapangyarihan para sa kanila.

—mula sa “Kabanata 41” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

41. Sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong pagpipino at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong pagpipino ay upang linisin ang tao, ang masasakit na salita o pagkastigo ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang matuwid na paghatol ay inililigtas kayo, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan—at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natamasa na ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan? Pareho ninyong nakita na ang Diyos na nagkatawang-tao at napagtanto ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan; higit pa rito, naranasan na ninyo ang paulit-ulit na paghampas at disiplina. Nguni’t hindi rin ba kayo nakatanggap na ng pinakadakilang biyaya? Ang inyong mga pagpapala ay hindi ba higit na malaki kaysa sa sinuman? Ang inyong mga biyaya ay higit na sagana kaysa sa kaluwalhatian at mga kayamanang tinamasa ni Solomon! Pag-isipan ninyo ito: Kung ang Aking layunin sa pagdating ay upang hatulan at parusahan kayo, at hindi upang iligtas kayo, maaari kayang magtagal ang inyong mga araw? Magagawa ninyo kayang, ang mga makasalanang nilalang na ito ng laman at dugo, makatagal hanggang sa kasalukuyan? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagpaparusa sa inyo, bakit kakailanganin Kong maging katawang-tao at magsimula ng gayong kalaking proyekto? Hindi ba kakailanganin lamang ng pagbigkas ng isang salita upang parusahan kayong mga mortal lamang? Magbabalak pa ba Akong wasakin ka pagkatapos Kitang parusahan? Hindi mo pa rin ba paniniwalaan ang mga salita Kong ito? Maililigtas Ko ba ang tao sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at awa? O magagamit Ko lamang ang pagkakapako sa krus upang iligtas ang tao? Ang Akin bang matuwid na disposisyon ay hindi higit na kaaya-aya sa paggawa sa tao na maging lubos na masunurin? Hindi ba nito nagagawang lalong ganap na maligtas ang tao?

—mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

42. Sa hinaharap, kung ikaw man ay pagpapalain o isusumpa ay pagpapasiyahan batay sa mga kilos na iyong ginagawa ngayon. Kung kayo ay gagawing perpekto ng Diyos iyon ay magiging ngayon na sa panahong ito; hindi na magkakaroon ng iba pang pagkakataon sa hinaharap. Ngayon din, nais talaga kayong gawing perpekto ng Diyos, at ito ay hindi isang paraan ng pagsasalita. Sa hinaharap, maging anumang mga pagsubok ang matanggap ninyo, anumang mga pangyayari ang maganap, o anumang mga sakuna ang dumating sa inyo, kayo ay nais na gawing perpekto ng Diyos—ito ay isang tiyak at hindi pinagdududahang katotohanan. Mula saan ito maaaring makita? Mula sa katotohanan na ang salita ng Diyos sa lahat ng panahon at mga henerasyon ay hindi kailanman narating ang gayong kalaking tugatog na gaya ngayon —ito ay pumasok sa pinakamataas na kinasasaklawan, at ang gawain ng Espiritu Santo sa sangkatauhan ngayon ay hindi pa kailanman nangyari. Halos walang sinuman mula sa mga henerasyong lumipas ang nakatikim nito. Kahit na sa panahon ni Jesus wala ang mga pahayag ng panahon ngayon; dakilang mga tugatog ang narating sa mga salitang sinabi sa inyo, mga bagay na naiintindihan ninyo, at mga bagay na inyong nararanasan. Hindi kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at mga pagkastigo, at ito ay sapat na upang patunayan na ang gawain ng Diyos ay umabot na sa hindi pa narating na kaluwalhatian. Ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng tao at ito ay hindi isang bagay na pinananatili ng tao, nguni’t sa halip ay gawain ng Diyos Mismo. Kaya, mula sa maraming katotohanan ng gawain ng Diyos makikita na nais gawing perpekto ng Diyos ang tao, at tiyak na kaya Niya kayong gawing ganap. Kung makaya ninyong makita ito, kung makaya ninyong magkaroon ng bagong pagtuklas na ito, hindi ninyo na kailangang maghintay para sa ikalawang pagdating ni Jesus nguni’t sa halip, ay hahayaan ninyong gawing ganap kayo ng Diyos sa kasalukuyang panahon. Kaya, nararapat na ang bawat isa sa inyo ay gawin ang lubos na makakaya at huwag maglimita ng pagpupunyagi upang kayo ay maaaring gawing perpekto ng Diyos.

—mula sa “Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

43. Sa kasalukuyang daloy, bawat tao na tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na gawin Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda basta’t pinanatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay maaari Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t ibang mga tungkulin. Basta’t ginawa mo ang lahat sa iyong lakas at nagpasakop ang iyong sarili sa gawain ng Diyos ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Minsan nagagawa ninyo ang isang uri ng tungkulin at kung minsan nagagawa ninyo ang dalawa; hangga’t ibinibigay ninyo ang lahat ng inyong lakas na ginugugol ang inyong sarili para sa Diyos, sa dakong huli kayo ay gagawing perpekto ng Diyos.

—mula sa “Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

44. Sa panahon ng gawain ng Diyos ng pagliligtas, lahat ng maaaring iligtas ay ililigtas sa sukdulang limitasyon, wala sa kanila ang naitatapon, dahil ang layon ng gawain ng Diyos ay ang iligtas ang tao. Lahat sila, sa panahon ng pagliligtas ng Diyos sa tao, ay hindi nagagawang makamit ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon, lahat silang hindi nagagawang sumunod nang lubos sa Diyos, lahat ay magiging mga pakay para sa kaparusahan. Ang yugtong ito ng gawain—ang gawain sa mga salita—ay nagbubukas sa tao sa lahat ng paraan at mga misteryo na hindi nila naiintindihan, upang magagawang maintindihan ng tao ang kalooban ng Diyos at ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao, upang taglayin nila ang mga kalagayan upang isagawa ang mga salita ng Diyos at magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita upang gawin ang Kanyang gawain, at hindi pinarurusahan ang mga tao sapagkat sila ay may kaunting pagkamapaghimagsik, sapagkat ngayon ang panahon ng gawain ng pagliligtas. Kung bawat isa na mapaghimagsik ay pinarusahan, kung gayon walang sinuman ang magkakaroon ng pagkakataon na maligtas; silang lahat ay parurusahan at babagsak sa Hades. Ang layunin ng mga salita sa paghatol sa tao ay upang tulutan sila na malaman ang kanilang mga sarili at sundin ang Diyos; hindi para sa kanila ang maparusahan sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita. Sa panahon ng gawain ng mga salita, maraming tao ang malalantad ang kanilang pagiging mapaghimagsik at paglaban, at ilalantad nila ang kanilang pagsuway tungo sa nagkatawang-taong Diyos. Ngunit hindi Niya parurusahan ang lahat ng taong ito dahil dito, sa halip itatakwil lamang Niya yaong mga tiwali sa kaibuturan at sinong hindi maaaring iligtas. Ibibigay Niya ang kanilang laman kay Satanas, at sa ilang pagkakataon, wawakasan ang kanilang laman. Yaong mga natira ay magpapatuloy na susunod at mararanasan ang pakikitungo at pagtatabas. Kung habang sila ay sumusunod hindi pa rin nila maaaring tanggapin ang pakikitungo at pagtatabas at sila ay lalong sumama nang sumama, kung gayon mawawala ng mga taong ito ang kanilang pag-asa para sa kaligtasan. Ang bawat isang tao na natanggap na ang paglupig ng mga salita ay magkakaroon nang sapat na pagkakataon para sa kaligtasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa bawat isa sa mga taong ito ay nagpapakikita sa kanila ng Kanyang sukdulang pagkamaawain, nangangahulugang sila ay pinapakitaan ng sukdulang pagpaparaya. Hangga’t ang mga tao ay tumatalikod sa maling landas, hangga’t sila ay makakapagsisi, kung gayon bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon na makamtan ang Kanyang pagliligtas. Nang ang mga tao ay unang naghimagsik laban sa Diyos, walang pagnanais ang Diyos na ilagay sila sa kamatayan, ngunit sa halip ginagawa ang lahat ng Kanyang magagawa upang sila ay iligtas. Kung ang sinuman ay wala talagang puwang sa kaligtasan, kung gayon sila ay itatakwil ng Diyos. Ang pagiging banayad ng Diyos sa pagparusa sa sinuman ay dahil gusto Niyang mailigtas ang lahat ng maaaring mailigtas. Siya ay humahatol, nililiwanagan at ginagabayan ang mga tao sa mga salita lamang, at hindi siya gumagamit ng isang pamalo upang ilagay sila sa kamatayan. Ang paggamit ng mga salita upang iligtas ang mga tao ay ang layunin at kahalagahan ng pinakahuling yugto ng gawain.

—mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

45. Kahit na gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang paraan upang gisingin ang puso ng tao, aabot pa nang matagal bago magising ang mga puso ng tao sa wakas. Ayaw Kong makita ang sinuman na nagdaramdam na tila ba iniwan silang nag-iisa ng Diyos, na pinabayaan sila ng Diyos o na tinalikuran Niya sila. Nais Ko lamang makita na ang lahat ay nasa daan upang hanapin ang katotohanan at naghahangad na maunawaan ang Diyos, matapang na nagpapatuloy sa paglalakad na may matibay na kalooban, nang walang mga pangamba, walang dinadalang mga pasanin. Maging anumang mga kamalian ang nagawa mo, gaano man kalayo kang naligaw o gaano ka man lumabag, huwag hayaan ang mga ito na maging mga pasanin o dagdag na pabigat na dadalhin mo sa iyong paghahangad na maunawaan ang Diyos: Ipagpatuloy ang paglalakad nang pasulong. Kung kailan man ito magaganap, ang puso ng Diyos na siyang kaligtasan ng tao ay hindi kailanman nagbabago: Ito ang pinakamahalagang bahagi ng kakanyahan ng Diyos.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

46. Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng “ama,” at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Noon pa man ay binabantayan ka at lubhang umaasam, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi matutumbasan, at ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ito ay malapit nang magwakas. Nguni’t dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito.

—mula sa “Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

47. Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay nanunuot sa bawat kaliit-liitang detalye ng Kanyang gawaing pamamahala, at hindi alintana kung nakakaya mang maunawaan ng mga tao ang mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawat isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang nagawang tiwali na ni Satanas at lumalaban sa Diyos.

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”

Sinundan:(I) Mga Salita tungkol sa mga Hinihiling ng Diyos sa Tao

Sumunod:(III) Mga Salita tungkol sa mga Babala ng Diyos sa Tao

Baka Gusto Mo Rin