Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

VII Mga Klasikong Salita tungkol sa Pagkilala sa Diyos Mismo, na Walang Katulad

(I) Mga Salita tungkol sa Awtoridad ng Diyos

1. Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng bagay, nagsimulang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimulang mabunyag, dahil gumamit ang Diyos ng mga salita para likhain ang lahat ng bagay. Kahit sa ano pa mang paraan Niya nilikha ang mga iyon, ano man ang dahilan kung bakit Niya nilikha ang mga iyon, ang lahat ng bagay ay nagkaroon ng buhay at tumatag at umiral dahil sa mga salita ng Diyos, at ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha. Noong panahon bago lumitaw ang sangkatauhan sa mundo, ginamit ng Lumikha ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad para likhain ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at ginamit ang Kanyang mga natatanging pamamaraan para ihanda ang angkop na kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Lahat ng Kanyang ginawa ay paghahanda para sa sangkatauhan, na hindi maglalaon ay tatanggap ng Kanyang hininga. Na ang ibig sabihin, noong panahon bago nilikha ang sangkatauhan, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng nilalang na iba sa sangkatauhan, sa mga bagay na kasing-laki ng mga kalangitan, ng mga tanglaw, ng mga karagatan, at ng kalupaan, at doon sa maliliit na hayop at mga ibon, gayon din sa lahat ng uri ng mga insekto at mga sukdulan-ang-liit na mga organismo, kasama na ang mga iba’t ibang mikrobyo na hindi nakikita ng mata. Binigyan ng buhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita ng Lumikha, at lumaganap ang bawat isa dahil sa mga salita ng Lumikha, at namuhay ang bawat isa sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha dahil sa mga salita ng Lumikha. Kahit na hindi nila natanggap ang hininga ng Lumikha, ipinakita pa rin nila ang buhay at kasiglahan na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha sa pamamagitan ng kanilang mga iba’t ibang anyo at mga kayarian; kahit na hindi sila nakatanggap ng abilidad para makapagsalita na ibinigay sa sangkatauhan ng Lumikha, nakatanggap ang bawat isa ng paraan ng paghahayag ng kanilang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha, at na naiiba sa wika ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay hindi lamang nagbibigay ng kasiglahan ng buhay sa mga animo’y di-gumagalaw na mga materyal na bagay, para hindi sila kailanman maglaho, kundi, higit pa rito, ay nagbibigay ng likas na kaisipan para manganak at magparami sa bawat nabubuhay na kabuuan, para hindi sila maglalaho kailanman, at para, sa mga susunod na henerasyon, ipapasa nila ang ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha na mga batas at mga prinsipyo ng pananatiling buhay. Ang paraan kung paano iniuunat ng Lumikha ang Kanyang awtoridad ay hindi mahigpit na nakakapit sa pananaw na malaki o maliit, at hindi limitado sa anumang anyo; Kaya Niyang utusan ang pagtakbo ng sansinukob, at hawakan ang dakilang kapangyarihang sa pagkabuhay at pagkamatay ng lahat ng bagay, at, higit pa rito, kayang imaniobra ang lahat ng bagay para sila’y magsilbi sa Kanya; kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng ginagawa ng mga kabundukan, ilog, at lawa, at pagharian ang lahat ng bagay na nakapaloob sa kanila, at, bukod pa rito, ay kayang ibigay kung ano ang kailangan ng lahat ng bagay. Ito ang pagpapamalas ng natatanging awtoridad ng Lumikha sa lahat ng bagay bukod sa sangkatauhan. Ang naturang pagpapamalas ay hindi lamang sa buong buhay, at hindi kailanman hihinto, o magpapahinga, at hindi mababago o masisira ng sinumang tao o bagay, ni madaragdagan o mababawasan ng sinumang tao o bagay—dahil walang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha, at, samakatuwid, hindi mapapalitan ng anumang nilikhang kabuuan ang awtoridad ng Lumikha, at hindi naaabot ng anumang di-nilikhang kabuuan. Halimbawa, ang mga mensahero at mga anghel ng Diyos. Hindi nila taglay ang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong hindi nila taglay ang awtoridad ng Lumikha, at ang dahilan kung bakit hindi nila taglay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay dahil hindi nila taglay ang diwa ng Lumikha. Ang mga di-nilikhang kabuuan, tulad ng mga mensahero at mga anghel ng Diyos, kahit na magagawa nila ang ilang bagay sa ngalan ng Diyos, di nila maaaring katawanin ang Diyos. Kahit na may ilang kapangyarihan sila na wala ang tao, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos na likhain ang lahat ng bagay, at utusan ang lahat ng bagay, at hawakan ang dakilang kapangyarihan sa lahat ng bagay. At kaya hindi mapapalitan ng anumang di-nilikhang kabuuan ang pagiging natatangi ng Diyos, at, ganoon din, hindi mapapalitan ng anumang di-nilikhang kabuuan ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Sa Biblia, may nabasa ka bang sinumang mensahero ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay? At bakit hindi inutusan ng Diyos ang sinuman sa Kanyang mga mensahero o mga anghel na likhain ang lahat ng bagay? Dahil hindi nila taglay ang awtoridad ng Diyos, at kaya wala silang abilidad na iunat ang awtoridad ng Diyos. Tulad din ng lahat ng nilalang, nasa ilalim silang lahat ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha, at nasa ilalim ng awtoridad ng Lumikha, at kaya, sa parehong paraan, ang Lumikha din ang Diyos nila, at Siya rin ang kanilang Pinakamataas na Pinuno. Sa gitna ng bawat isa sa kanila—kung sila man ay marangal o hamak, may malaki o maliit na kapangyarihan—wala ni isa ang makakahigit sa awtoridad ng Lumikha, at kaya sa kanilang lahat, wala ni isa ang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha. Kailanman ay hindi sila matatawag na Diyos, at kailanman ay hindi nila makakayang maging ang Lumikha. Ang mga ito ay di-nababagong mga katotohanan at mga katunayan!

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Bago nalikha ang sangkatauhang ito, ang kosmos—ang lahat ng planeta, ang lahat ng bituin sa kalangitan—ay umiiral na. Sa malawakang antas, ang mga bagay na ito sa kalangitan ay regular na umiikot, sa ilalim ng pagkontrol ng Diyos, sa kabuuan ng kanilang pag-iral, gaano man karami ang mga taon na iyon. Kung anong planeta ang pupunta sa kung saan sa kung anong partikular na oras; anong planeta ang gagawa ng anong gawain, at kailan; anong planeta ang iikot kasabay ng kung anong orbit, at kailan mawawala o mapapalitan—ang lahat ng bagay na ito ay nagaganap nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan nila ay sumusunod sa mahigpit na mga disenyo, na maisasalarawan lahat sa tumpak na mga datos; ang mga landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disenyo ng kanilang mga orbit, ang mga oras ng kanilang iba’t ibang posisyon ay tumpak na mabibilang at maisasalarawan ng espesyal na mga batas. Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga planetang ito ay sumunod sa mga batas na ito, hindi kailanman lumilihis kahit kaunti. Walang kapangyarihan ang maaaring magpalit o magputol ng kanilang mga orbit o ng mga disenyong kanilang sinusundan. Sapagkat ang espesyal na mga batas na namamahala sa kanilang galaw at ang tumpak na mga datos na naglalarawan sa kanila ay itinadhana na ng awtoridad ng Lumikha, kusa nilang sinusunod ang mga batas na ito, sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Lumikha. Sa malawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matagpuan ang ilang disenyo, ilang datos, ganoon din ang ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o di-karaniwang kaganapan. Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Lumikha ang gumawa at may kapamahalaan sa lahat ng bagay, at bukod pa rito ay hindi kinikilala ang pag-iral ng awtoridad ng Lumikha, mas higit na natutuklasan ng mga taong siyentipiko, mga astronomo, at mga pisiko na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, at ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat pinamamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang nag-uudyok sa tao na harapin at tanggapin na may Isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang nakakakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namamahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawat sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang kapangyarihan. Dahil nahaharap sa ganitong katotohanan, dapat tanggapin ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring kontrolin ng mga tao, di-maaaring baguhin ninuman; at kasabay nito dapat tanggapin ng mga tao na di-maaaring ganap na maunawaan ng mga nilalang na tao ang mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, kundi ipinag-uutos ng isang Panginoon at Maestro. Ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring maunawaan ng tao sa malawakang antas.

Sa pangmaliitang pananaw, lahat ng bundok, ilog, dagat, at malalaking lupain na nakikita ng tao sa lupa, lahat ng panahon na nararanasan niya, lahat ng bagay na naninirahan sa mundo, kasama na ang mga halaman, hayop, mikroorganismo, at mga tao, ay napapailalim sa kapangyarihan ng Diyos, at kontrolado ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Diyos, lahat ng bagay ay mabubuhay o mawawala ayon sa Kanyang mga iniisip, ang kanilang mga buhay ay pinamamahalaan lahat ng ilang batas, at sila’y lumalago at dumarami ayon sa mga ito. Walang tao o bagay na hindi saklaw ng mga batas na ito. Bakit ganoon? Ang tanging sagot ay, dahil sa awtoridad ng Diyos. O, sa ibang salita, dahil sa mga iniisip ng Diyos at mga salita ng Diyos; dahil ang Diyos Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito. Ibig sabihin, ang awtoridad ng Diyos at isip ng Diyos ang pinagmumulan ng mga batas na ito; magbabago at magpapalit ang mga ito ayon sa Kanyang mga iniisip, at ang mga pagbabago at mga pagpapalit na ito ay nangyayari o nawawala lahat para sa kapakanan ng Kanyang plano.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Pinanood ng Diyos na mabuhay ang lahat ng bagay na Kanyang nalikha na at tumatatag dahil sa Kanyang mga salita, at unti-unting nagsimulang magbago. Sa sandaling ito, nasiyahan ba ang Diyos sa iba’t ibang mga bagay na Kanyang nagawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ng iba’t ibang gawa na Kanyang nakamit? Ang sagot ay yaong “nakita ng Dios na mabuti.” Ano ang nakikita ninyo rito? Ano ang tinutukoy ng “nakita ng Dios na mabuti”? Ano ang sinisimbolo nito? Ibig sabihin nito, may kapangyarihan at karunungan ang Diyos para tuparin ang Kanyang binalak at iniatas, para tuparin ang mga mithiing Kanyang inilatag na tutuparin. Nang nakumpleto na ng Diyos ang bawat gawain, nakaramdam ba Siya ng pagsisisi? Ang sagot pa rin ay “nakita ng Dios na mabuti.” Sa madaling salita, hindi lamang sa hindi Siya nagsisi, bagkus ay nasiyahan. Ano ba ang ibig sabihin ng wala Siyang pagsisisi? Ang ibig sabihin nito ay perpekto ang plano ng Diyos, na perpekto ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang awtoridad na ang naturang pagkaperpekto ay matutupad. Kapag ang tao ay gumaganap ng isang gawain, makikita ba niya, tulad ng Diyos, na ito ay maganda? Ang lahat ng bagay ba na magagawa ng tao ay natutupad nang mayroong pagkaperpekto? Makukumpleto ba ng tao ang isang bagay nang minsanan at hanggang kawalang-hanggan? Tulad ng sinasabi ng tao, “walang perpekto, mas gumanda lamang,” walang bagay na ginagawa ng tao na makakaabot sa pagkaperpekto. Nang nakita ng Diyos na ang lahat na Kanyang nagawa na at nakamtan ay mabuti, lahat ng ginawa ng Diyos ay itinalaga ng Kanyang mga salita, na ang ibig sabihin, noong “nakita ng Dios na mabuti,” ang lahat na Kanyang nagawa ay naging permanente na ang anyo, pinagsama-sama ayon sa uri, at binigyan ng permanenteng posisyon, layunin, at tungkulin, nang minsanan hanggang sa kawalang-hanggan. Bukod dito, ang kanilang papel sa gitna ng lahat ng bagay, at ang paglalakbay na dapat nilang balikatin sa panahon ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay, ay naitalaga na ng Diyos, at di mababago. Ito ang batas ng kalangitan na ibinigay ng Lumikha sa lahat ng bagay.

“Nakita ng Dios na mabuti,” itong mga simple, di-gaanong pinahahalagahang mga salita, na kadalasang binabalewala, ay ang mga salita ng batas ng kalangitan at alituntunin ng kalangitang ibinigay sa lahat ng nilalang ng Diyos. Ang mga iyon ay isa pang pagsasakatawan ng awtoridad ng Lumikha, isa na mas praktikal, at mas malalim. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang natamo ng Lumikha kung ano ang itinakda Niya na matamo, at nakamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, kundi mapipigilan din ng Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nalikha na, at napapagharian ang lahat ng bagay na Kanyang nagawa na sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, ang lahat ay sistematiko at palagian. Ang lahat ng bagay din ay nabuhay at namatay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, umiral sila sa gitna ng batas na Kanyang naitalaga na sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang hindi saklaw! Nagsimula agad ang batas na ito sa mismong sandali na “nakita ng Dios na mabuti,” at ito’y iiral, magpapatuloy, at gagana para sa kapakanan ng planong pamamahala ng Diyos hanggang sa araw na ipinawawalang-bisa ito ng Lumikha! Ang natatanging awtoridad ng Lumikha ay ipinakita hindi lamang sa Kanyang kakayahang likhain ang lahat ng bagay at utusan ang lahat ng bagay na mabuhay, kundi sa kakayahan din Niya na pamahalaan at hawakan ang dakilang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at ipagkaloob ang buhay at kasiglahan sa lahat ng bagay, at, bukod pa rito, sa Kanyang kakayahang magsanhi, nang minsanan at magpasawalang-hanggan, sa lahat ng bagay na gagawin Niya sa Kanyang plano na lumitaw at umiral sa mundong ginawa Niya sa perpektong hugis, at perpektong kayarian ng buhay, at isang perpektong gagampanan. Gayundin naipakita ito sa paraan kung saan ang mga kaisipan ng Lumikha ay hindi sumailalim sa anumang mga limitasyon, na di-limitado ng oras, puwang, o heograpiya. Tulad ng Kanyang awtoridad, ang natatanging pagkakakilanlan ng Lumikha ay mananatiling di-nagbabago mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Ang Kanyang awtoridad ay laging magiging pagpapakita at sagisag ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan, at ang Kanyang awtoridad ay magpakailanmang iiral kaagapay ng Kanyang pagkakakilanlan!

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ang mismong awtoridad ay maipapaliwanag bilang kapangyarihan ng Diyos. Una, masasabi nang may katiyakan na positibong pareho ang awtoridad at kapangyarihan. Walang koneksiyon ang mga ito sa anumang bagay na negatibo, at hindi kaugnay ang mga ito sa anumang nilikha o di-nilikhang mga kabuuan. Kayang lumikha ng kapangyarihan ng Diyos ng mga bagay sa anumang anyo na may buhay at kasiglahan, at nalalaman ito sa pamamagitan ng buhay ng Diyos. Ang Diyos ay buhay, kaya Siya ang pinagmumulan ng lahat ng nabubuhay na nilalang. At saka, mapapasunod ng awtoridad ng Diyos ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa bawat salita ng Diyos, iyon ay, makarating sa pagiging naaayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at mamuhay at magparami sa pamamagitan ng utos ng Diyos, na matapos ito’y napaghaharian at nauutusan ng Diyos ang lahat ng nabubuhay na nilalang, at hindi kailanman magkakaroon ng paglihis, magpakailanman. Walang tao o bagay ang mayroong mga ganitong bagay; tanging ang Lumikha lamang ang nagtataglay at mayroong gayong kapangyarihan, at kaya ito ay tinatawag na awtoridad. Ito ang pagiging natatangi ng Lumikha. Sa gayon, kung ito man ay ang salitang “awtoridad” mismo o ang diwa ng awtoridad na ito, ang bawat isa ay maiuugnay lamang sa Lumikha, dahil ito ay sagisag ng natatanging pagkakakilanlan at diwa ng Lumikha, at kumakatawan ito sa pagkakakilanlan at katayuan ng Lumikha; bukod sa Lumikha, walang tao o bagay ang maiuugnay sa salitang “awtoridad.” Ito ay isang pagpapakahulugan sa natatanging awtoridad ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. May bagong pagkakilala na ba kayo ngayon sa awtoridad ng Diyos? Una, may kaibahan ba sa pagitan ng awtoridad ng Diyos na kababanggit lamang, at ng kapangyarihan ng tao? At ano ang kaibahan? May mga taong nagsasabi na walang pagkakahalintulad sa dalawa. Tama iyon! Bagama’t sinasabi ng mga tao na walang pagkakahalintulad sa dalawa, sa mga kaisipan at mga pagkaintindi ng tao, madalas na napagkakamalang awtoridad ang kapangyarihan ng tao, na kadalasang pinaghahambing na magkatabi ang dalawa. Ano ang nangyayari dito? Hindi ba nagkakamali ang mga tao sa di-sinasadyang pagpapalit ng dalawa? Hindi magkaugnay ang dalawa, at walang pagkakahalintulad sa pagitan nila, nguni’t hindi pa rin ito maiiwasan ng mga tao. Paano ba ito dapat lutasin? Kung talagang gusto mong maghanap ng kalutasan, ang tanging paraan ay ang pag-intindi at pagkilala sa natatanging awtoridad ng Diyos. Pagkatapos maintindihan at malaman ang awtoridad ng Lumikha, hindi mo na babanggitin ang kapangyarihan ng tao at ang awtoridad ng Diyos sa parehong sukatan.

Ano ba ang tinutukoy na kapangyarihan ng tao? Sa madaling salita, isa itong abilidad o kasanayan na nagdudulot sa tiwaling disposisyon, mga pagnanasa at mga ambisyon ng tao na mapalaki o matupad sa pinakamalawak na paraan. Naibibilang ba ito na awtoridad? Kahit gaano pa kalaki o kapaki-pakinabang ang mga ambisyon at pagnanasa ng tao, ang taong iyon ay hindi masasabing nagtataglay ng awtoridad; sa pinakamalapit, ang kalabisan at katagumpayang ito ay pagpapakita lamang ng pagpapatawa ni Satanas sa mga tao, at sa pinakamalapit isa itong katatawanan kung saan gumaganap si Satanas bilang sarili nitong ninuno para tuparin ang ambisyon nito na maging Diyos.

Paano mo ba talaga tinitingnan ang awtoridad ng Diyos ngayon? Ngayon na ang mga salitang ito ay naibahagi na, dapat ay mayroon kang bagong pagkakilala sa awtoridad ng Diyos. At kaya tinatanong Ko kayo: Ano ang sinasagisag ng awtoridad ng Diyos? Sinasagisag ba nito ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo? Sinasagisag ba nito ang kapangyarihan ng Diyos Mismo? Sinasagisag ba nito ang natatanging katayuan ng Diyos Mismo? Sa lahat ng bagay, saan mo na nakita ang awtoridad ng Diyos? Paano mo ito nakita? Sa usapin ng apat na panahon na naranasan ng tao, mababago ba ng sinuman ang batas ng pagpapalitan sa pagitan ng tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig? Sa tagsibol, sumusuloy at namumulaklak ang mga puno; sa tag-init sila’y nababalot ng mga dahon; sa taglagas sila’y namumunga, at sa taglamig nalalagas ang mga dahon. Kaya bang baguhin ng sinuman ang batas na ito? Sinasalamin ba nito ang isang aspeto ng awtoridad ng Diyos? Sinabi ng Diyos “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag. Umiiral pa rin ba ang liwanag na ito? Ano ang dahilan nito para umiral? Umiiral ito dahil sa mga salita ng Diyos, siyempre, at dahil sa awtoridad ng Diyos. Ang hangin ba na nilikha ng Diyos ay umiiral pa rin? Ang hangin ba na hinihinga ng tao ay galing sa Diyos? Maaalis ba ng sinuman ang mga bagay na nanggagaling sa Diyos? Mababago ba ng sinuman ang kanilang diwa at tungkulin? Kaya bang guluhin ng sinuman ang gabi at araw na inilaan ng Diyos, at ang batas ng gabi at araw na iniutos ng Diyos? Magagawa ba ni Satanas ang gayong bagay? Kahit hindi ka natutulog sa gabi, at gawin ang gabi na araw, ito’y gabi pa rin; maaari mong baguhin ang iyong araw-araw na karaniwang gawain, nguni’t wala kang kakayahan na baguhin ang batas ng pagpapalitan ng gabi at araw—at ang katunayang ito ay hindi nababago ng sinumang tao, hindi ba? Kaya ba ng sinuman na pag-araruhin ng lupa ang leon tulad ng baka? Kaya ba ng sinuman na gawing buriko ang elepante? Kaya ba ng sinuman na paliparin nang matayog sa himpapawid ang manok tulad ng agila? Kaya ba ng sinuman na pakainin ng damo ang lobo tulad ng tupa? (Hindi.) Kaya ba ng sinuman na patirahin ang isda sa tuyong lupa? Hindi iyan magagawa ng mga tao. At bakit hindi? Dahil ipinag-utos ng Diyos sa isda na manirahan sa tubig, at kaya naninirahan sila sa tubig. Hindi sila makakapanatiling buhay sa lupa, at mamamatay; hindi nila kayang suwayin ang mga hangganan ng kautusan ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay may batas at hangganan sa kanilang pag-iral, at may sariling likas na pag-uugali ang bawat isa sa kanila. Itinatalaga ito ng Lumikha, at di-mababago at di-malalampasan ng sinumang tao. Halimbawa, laging maninirahan ang leon sa gubat, malayo sa mga pamayanan ng tao, at hindi kailanman magiging maamo at matapat tulad ng baka na kasamang namumuhay, at nagtatrabaho para sa tao. Bagama’t parehong hayop ang mga elepante at buriko, at parehong may apat na paa, at mga nilalang na humihinga ng hangin, magkaibang klase ang mga ito, dahil hinati-hati sila ng Diyos sa magkakaibang uri, may kanya-kanya silang likas na pag-uugali, at kaya hindi sila kailanman mapagpapalit. Bagama’t may dalawang binti ang manok, at mga pakpak tulad ng isang agila, hindi ito kailanman makalilipad sa himpapawid; makakalipad lamang ito tungo sa isang puno—at pinagpapasyahan ito ng likas na ugali nito. Hindi na kailangang sabihin, ang lahat ng ito ay dahil sa mga kautusan ng awtoridad ng Diyos.

Sa pag-unlad ngayon ng sangkatauhan, masasabing yumayabong ang siyensiya ng sangkatauhan at ang mga nakamtan ng maka-siyensyang pananaliksik ng tao ay mailalarawan bilang kahanga-hanga. Ang abilidad ng tao, kailangang masabi, ay humuhusay nang humuhusay, nguni’t may isang pambihirang tagumpay ang siyensiya na hindi pa kayang gawin ng sangkatauhan: Nakagawa na ang sangkatauhan ng mga eroplano, mga kargahan ng eroplano, at ng bombang atomika, nakarating na sa kalawakan ang sangkatauhan, nakalakad sa buwan, nakaimbento ng Internet, at namuhay nang may “hi-tech” na estilo ng pamumuhay, nguni’t walang kakayahan ang sangkatauhan na lumikha ng isang buhay, at humihingang bagay. Ang mga likas na pag-uugali ng bawat buhay na nilalang at ang mga batas ng pamumuhay ng mga ito, at ang pag-ikot ng buhay at kamatayan ng bawat uri ng buhay na bagay—ang lahat ng ito ay imposible at hindi kayang kontrolin ng siyensiya ng sangkatauhan. Sa puntong ito, kailangang masabi na kahit gaano kataas ang naaabot ng siyensiya ng tao, hindi ito naihahambing sa alinman sa mga kaisipan ng Lumikha, at walang kakayahang talusin ang mahimalang paglikha ng Lumikha, at ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad. Napakarami ang mga karagatan sa ibabaw ng lupa, nguni’t hindi sila kailanman lumalabag sa kanilang mga hangganan at basta-basta na lamang umaagos sa lupa, at ito’y dahil itinatakda ng Diyos ang hangganan ng bawat isa sa kanila; nanatili sila kung saan man sila inutusan, at hindi sila malayang makagagalaw nang walang pahintulot ang Diyos. Kapag walang pahintulot ang Diyos, hindi sila maaaring manghimasok sa bawat isa, at makagagalaw lamang kapag sinabi ng Diyos, at kung saan sila pumupunta at mananatili ay pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos.

Para gawin itong malinaw, “ang awtoridad ng Diyos” ay nangangahulugang bahala ang Diyos. May karapatan ang Diyos na magpasya kung paano gawin ang isang bagay, at ginagawa ito sa kung papaanong paraan Niya naisin. Nakasalalay sa Diyos ang batas ng lahat ng bagay, at hindi nakabatay sa tao; ni hindi ito mababago ng tao. Hindi ito magagalaw sa pamamagitan ng kalooban ng tao, bagkus ay binabago ng kaisipan ng Diyos, at ng karunungan ng Diyos, at ng mga utos ng Diyos, at ito ay isang katunayan na hindi kayang itanggi ng sinumang tao. Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay, ang sansinukob, ang mabituing kalawakan, ang apat na panahon ng taon, yaong nakikita at di-nakikita ng tao—ang lahat ng iyon ay umiiral, gumagana, at nagbabago, nang walang kamali-mali kahit katiting, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ayon sa mga utos ng Diyos, ayon sa mga kautusan ng Diyos, at ayon sa mga batas ng simula ng paglikha. Walang kahit isang tao o bagay ang makakapagbago ng kanilang mga batas, o makakapagbago ng likas na landas ng kanilang paggana; sila ay naging kung ano sila dahil sa awtoridad ng Diyos, at nawawala dahil sa awtoridad ng Diyos. Ito ang mismong awtoridad ng Diyos.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng bagay ay umiiral at namamatay dahil sa Kanyang awtoridad, dahil sa Kanyang pamamahala. May ilang bagay na dumarating at umaalis nang tahimik, at hindi masasabi ng tao kung saan nanggaling ang mga ito o maunawaan ang mga patakarang sinusunod ng mga ito, lalong hindi maunawaan ang mga dahilan kung bakit dumarating at umaalis ang mga ito. Bagaman maaaring masaksihan, marinig, o maranasan ng tao ang lahat ng nangyayari sa gitna ng lahat ng bagay; bagaman may epekto ang lahat ng ito sa tao, at bagaman hindi namamalayang inuunawa ng tao ang pagiging hindi pangkaraniwan, regular , o maging ang pagiging kataka-taka ng iba’t ibang pangyayari, wala pa rin siyang alam tungkol sa kalooban ng Lumikha at sa Kanyang isip na siyang nasa likod ng mga ito. Maraming kuwento sa likod ng mga ito, maraming natatagong katotohanan. Dahil ang tao ay nalihis nang malayo mula sa Lumikha, dahil sa hindi niya tinatanggap ang katotohanan na ang awtoridad ng Lumikha ang namamahala sa lahat ng bagay, kailanma’y hindi niya malalaman at mauunawaan ang lahat ng nangyayari sa ilalim ng dakilang kapangyarihan nito. Sa kalakhang bahagi, ang pagkontrol at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay lumalampas sa mga hangganan ng imahinasyon ng tao, ng kaalaman ng tao, ng pagkaunawa ng tao, ng kayang makamit ng siyensiya ng tao; hindi ito maaaring katunggaliin ng mga kakayahan ng nilikhang sangkatauhan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. “Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.” Ito ang orihinal na mga salita na binigkas ng Lumikha sa sangkatauhan. Habang sinabi Niya ang mga salitang ito, lumitaw ang isang bahaghari sa harapan ng tao, kung saan ito ay nanatili na hanggang ngayon. Lahat ay nakakita na ng naturang bahaghari, at kapag nakikita mo ito, alam mo ba kung paano ito nagpapakita? Walang kakayahan ang siyensya na patunayan ito, o hanapin ang pinagmulan nito, o tukuyin kung nasaan ito. Iyan ay dahil ang bahaghari ay tanda ng kasunduan na itinatag sa pagitan ng Lumikha at ng tao; hindi nito kailangan ang maka-siyensyang basehan, hindi ito ginawa ng tao, ni hindi ito kayang baguhin ng tao. Pagpapatuloy ito ng awtoridad ng Lumikha matapos Niyang bigkasin ang Kanyang mga salita. Ginamit ng Lumikha ang Kanyang sariling partikular na paraan para tumalima sa Kanyang kasunduan sa tao at Kanyang pangako, at kaya ang paggamit Niya sa bahaghari bilang isang tanda ng kasunduan na Kanyang naitatag na ay isang kautusan at batas ng kalangitan na magpakailanman ay mananatiling di-nagbabago, kung patungkol man sa Lumikha o sa nilikhang sangkatauhan. Datapuwa’t ang di-nagbabagong batas na ito, kailangan itong masabi, ay isa pang tunay na pagpapamalas ng awtoridad ng Lumikha kasunod ng paglikha Niya ng lahat ng bagay, at kailangang masabi na ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay walang-hangganan; ang paggamit Niya ng bahaghari bilang tanda ay pagpapatuloy at karugtong ng awtoridad ng Lumikha. Isa na naman itong kilos na ginampanan ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita, at tanda ng kasunduang naitatag na ng Diyos sa tao gamit ang mga salita. Sinabi Niya sa tao ang tungkol doon sa Kanyang ipinasyang gawin, at sa kung papaanong paraan ito matutupad at makakamit, at sa paraang ito ang bagay ay natupad ayon sa mga salita mula sa bibig ng Diyos. Tanging Diyos lamang ang mayroong ganoong kapangyarihan, at ngayon, ilang libong taon matapos Niyang bigkasin ang mga salitang ito, makakatingin pa rin ang tao sa bahaghari na binigkas mula sa bibig ng Diyos. Dahil sa mga salitang yaon na binigkas ng Diyos, nanatiling walang pagbabago at di-nagbabago ang bagay na ito hanggang sa ngayon. Walang sinuman ang makatatanggal sa bahagharing ito, walang makapagbabago ng mga batas nito, at umiiral lamang ito para sa mga salita ng Diyos. Ito mismo ang awtoridad ng Diyos. “Kasingbuti ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita, at kung ano ang natupad ay mananatili magpakailanman.” Malinaw na ipinapahayag ang mga naturang salita rito, at malinaw itong tanda at katangian ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Ang gayong tanda o katangian ay hindi taglay o nakikita sa anumang mga nilikhang kabuuan, ni nakikita man ito sa anumang di-nilikhang mga kabuuan. Sa natatanging Diyos lamang ito, at tinutukoy ang kaibahan ng pagkakakilanlan at diwa na taglay lamang ng Lumikha mula roon sa taglay ng mga nilikhang iyon. Kasabay nito, ito rin ay tanda at katangian, na maliban sa Diyos Mismo, ay hindi mahihigitan ng anumang nilikha o di-nilikhang kabuuan.

Ang pagtatatag ng Diyos sa Kanyang kasunduan sa tao ay isang pagkilos na may malaking kahalagahan, at isa na hinangad Niyang gamitin para magpaabot ng isang katunayan sa tao at sabihin sa tao ang Kanyang kalooban, at para sa layuning ito gumamit Siya ng isang natatanging paraan, gamit ang isang espesyal na tanda para magtatag ng kasunduan sa tao, isang tanda na isang pangako ng kasunduan na Kanyang naitatag sa tao. Kung gayon, malaking pangyayari ba ang pagtatatag ng kasunduang ito? At gaano ba ito kalaki? Ito ang napakaespesyal sa kasunduang ito: Hindi ito isang kasunduang itinatag sa pagitan ng isang tao at ng isa pa, o isang grupo at isa pa, o isang bansa at isa pa, kundi isang kasunduang itinatag sa pagitan ng Lumikha at ng buong sangkatauhan, at mananatili itong may bisa hanggang sa araw na binubuwag ng Lumikha ang lahat ng bagay. Ang Lumikha ang tagapagpatupad ng kasunduang ito, at ang Lumikha din ang tagapagpanatili nito. Sa madaling salita, ang kabuuan ng kasunduan ng bahaghari na itinatag sa sangkatauhan ay natupad at nakamit ayon sa pag-uusap sa pagitan ng Lumikha at sangkatauhan, at nanatili pa rin hanggang ngayon. Ano pa ba ang maaaring gawin ng mga nilalang kundi ang magpasakop, at sumunod, at maniwala, at magpahalaga, at sumaksi, at magpuri sa awtoridad ng Lumikha? Sapagka’t walang sinuman kundi ang bukod-tanging Diyos lamang ang may kapangyarihang magtatag ng naturang kasunduan. Ang pagpapakita ng bahaghari, muli’t muli, ay nagbabalita sa sangkatauhan at tinatawag ang kanyang atensiyon sa kasunduan sa pagitan ng Lumikha at ng sangkatauhan. Sa patuloy na mga pagpapakita ng kasunduan sa pagitan ng Lumikha at ng sangkatauhan, ang ipinakikita sa sangkatauhan ay hindi isang bahaghari o ang mismong kasunduan, kundi ang di-nagbabagong awtoridad ng Lumikha. Ang paglitaw ng bahaghari, muli’t muli, ay nagpapakita ng matindi at mapaghimalang mga gawa ng Lumikha sa mga nakatagong lugar, at, kasabay nito, ay isang mahalagang pagsalamin sa awtoridad ng Lumikha na hindi kailanman kukupas, at hindi kailanman magbabago. Hindi ba ito isang pagpapakita ng isa pang aspeto ng natatanging awtoridad ng Lumikha?

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Matapos basahin ang “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa” sa Genesis 18:18, mararamdaman ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? Madarama ba ninyo ang pagiging pambihira ng Lumikha? Madarama ba ninyo ang pangingibabaw ng Lumikha? Ang mga salita ng Diyos ay tiyak. Sinasabi ng Diyos ang mga naturang salita hindi dahil, o sa pagkatawan, sa Kanyang tiwala sa tagumpay; ang mga iyon, sa halip, ay katibayan ng awtoridad ng mga pagbigkas ng Diyos, at utos na tumutupad sa mga salita ng Diyos. May dalawang pagpapayahag na kailangan ninyong pagtuunan ng pansin dito. Kapag sinasabi ng Diyos na “Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa,” may anumang elemento ba ng kalabuan sa mga salitang ito? Mayroon bang anumang elemento ng pag-aalala? Mayroon bang anumang elemento ng takot? Dahil sa mga salitang “tunay na” at “magiging” sa mga pagbigkas ng Diyos, ang mga elementong ito, na partikular sa tao at laging nakikita sa kanya, ay hindi kailanman nagkaroon na ng kaugnayan sa Lumikha. Walang sinuman na mangangahas na gamitin ang mga ganitong salita kapag nagnanais ng mabuti sa iba, walang sinumang mangangahas na basbasan ang isa pa ng isang dakila at makapangyarihang bansa nang may gayong katiyakan, o mangako na ang lahat ng bansa sa mundo ay pagpapalain sa kanya. Habang mas tiyak ang mga salita ng Diyos, mas may pinatutunayang bagay ang mga iyon—at ano ang isang bagay na ito? Pinatutunayan ng mga iyon na ang Diyos ay may gayong awtoridad, na kaya ng Kanyang awtoridad na tuparin ang mga bagay na ito, at hindi maiiwasan ang kanilang katuparan. Ang Diyos ay tiyak sa Kanyang puso, nang walang katiting na pag-aalinlangan, sa lahat ng Kanyang pagpapala kay Abraham. At saka, matutupad ang kabuuan nito alinsunod sa Kanyang mga salita, at walang kahit anong kapangyarihan ang maaaring makapagpabago, humadlang, sumira, o gumambala sa katuparan nito. Kahit ano pa man ang nangyari, walang makakapagpawalang-bisa o makakaimpluwensiya sa katuparan at pagsagawa ng mga salita ng Diyos. Ito ang mismong kapangyarihan ng mga salitang binigkas mula sa bibig ng Lumikha, at ang awtoridad ng Lumikha na hindi nagpapahintulot sa pagtatanggi ng tao! Sa pagkabasa sa mga salitang ito, nakakaramdam ka pa rin ba ng padududa? Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang gayong kapangyarihan at awtoridad, at ang di-maiwasang katuparan ng katunayan, ay hindi naaabot ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan at hindi nalalampasan ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan. Tanging ang Lumikha lamang ang kayang makipag-usap sa sangkatauhan nang may gayong tono at intonasyon, at napatunayan ng mga katunayan na ang Kanyang mga pangako ay hindi mga salitang walang-laman, o mga walang-kwentang kayabangan, kundi ang pagpapahayag ng natatanging awtoridad na di-nalalampasan ng sinumang tao, bagay, o layon.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Nang sinabi ng Diyos “pararamihin ko ang iyong binhi,” ito ay kasunduang itinatag ng Diyos kay Abraham, at tulad ng kasunduan ng bahaghari, matutupad ito magpasawalang-hanggan, at ito ay isa ring pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham. Tanging Diyos lamang ang kwalipikado at may kakayahang gawing ganap ang pangakong ito. Kung pinaniniwalaan man ito ng tao o hindi, kung tinatanggap man ito ng tao o hindi, at kung paano man ito tinitingnan ng tao, at kung paano niya ito ipinalalagay, matutupad ang lahat ng ito, nang eksakto, ayon sa mga salitang binigkas ng Diyos. Hindi mababago ang mga salita ng Diyos dahil sa mga pagbabago sa kagustuhan o mga pagkaintindi ng tao, at hindi mababago dahil ang mga pagbabago sa anumang tao, bagay o layon. Maaaring mawala ang lahat ng bagay, nguni’t mananatili ang mga salita ng Diyos magpakailanman. Sa kabilang dako, ang araw na mawawala ang lahat ng bagay ay ang mismong araw kung kailan ang mga salita ng Diyos ay lubos na natutupad, dahil Siya ang Lumikha, at taglay Niya ang awtoridad ng Lumikha, at ang kapangyarihan ng Lumikha, at kontrolado Niya ang lahat ng bagay at lahat ng puwersa ng buhay; kaya Niyang magsanhi ng isang bagay na magmula sa wala, o mawala ang isang bagay, at kontrolado Niya ang pagbabagong-anyo ng lahat ng bagay mula sa pagkabuhay hanggang sa kamatayan, at kaya para sa Diyos, walang magiging mas payak kaysa pagpaparami ng anak ng isang tao. Mukha itong hindi kapani-paniwala sa tao, parang isang kwentong pambata, nguni’t sa Diyos, yaong Kanyang ipinapasyang gawin, at ipinangangakong gawin, ay hindi isang bagay na hindi kapani-paniwala, ni isang kwentong pambata. Sa halip ito ay katunayang nakikita na ng Diyos, at tiyak na matutupad. Pinahahalagahan ba ninyo ito? Pinapatunayan ba ng mga katunayan na napakarami ang mga inapo ni Abraham? At gaano nga ba karami? Sindami ba ng “mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat” na sinabi ng Diyos? Kumalat ba sila sa lahat ng bansa at rehiyon, sa bawat lugar sa mundo? At ano ang tumupad sa katunayang ito? Natupad ba ito sa pamamagitan ng awtoridad ng mga salita ng Diyos? Sa ilang daan o libong taon matapos binigkas ang mga salita ng Diyos, patuloy na natutupad ang mga salita ng Diyos, at patuloy na nagiging mga katunayan; ito ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at katibayan ng awtoridad ng Diyos. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pasimula, sinabi ng Diyos na magkaroon ng liwanag, at nagkaroon ng liwanag. Mabilis na nangyari ito, natupad sa napakaikling panahon, at walang pagkaantala sa paggawa at katuparan nito; agaran ang mga bisa ng mga salita ng Diyos. Parehong pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, nguni’t nang pinagpala ng Diyos si Abraham, hinayaan Niyang makita ng tao ang isa pang panig ng diwa ng awtoridad ng Diyos, at hinayaan ang tao na makita ang di-matantiyang awtoridad ng Lumikha, at higit pa rito, hinayaan ang tao na makita pa ang mas totoo at mas magarang panig ng awtoridad ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Hindi patay-sindi ang awtoridad ng Diyos, hindi pabalik-balik, at walang sinuman ang makakasukat kung gaano kadakila ang Kanyang awtoridad. Kahit pa gaano katagal ang panahon na lumilipas, kapag pinagpapala ng Diyos ang isang tao, magpapatuloy ang pagpapalang ito, at ang pagpapatuloy nito ay magdadala ng patotoo sa hindi-matantyang awtoridad ng Diyos, at hahayaan ang sangkatauhang makita ang muling pagpapakita ng hindi-namamatay na puwersa ng buhay ng Lumikha, muli at muli. Ang bawat pagpapakita ng Kanyang awtoridad ay ang perpektong paglalarawan ng mga salita mula sa Kanyang bibig, at ito’y ipinakikita sa lahat ng bagay, at sa sangkatauhan. Bukod pa rito, ang lahat ng bagay na tinupad ng Kanyang awtoridad ay magarang walang-kapantay, at lubusang walang-kapintasan. Masasabing ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga salita, ang Kanyang awtoridad, at ang lahat ng gawaing Kanyang tinutupad ay larawang lahat na walang-katulad ang kagandahan, at para sa mga nilalang, ang wika ng sangkatauhan ay walang kakayahang sabihin nang malinaw ang kabuluhan at halaga nito. Kapag nangangako ang Diyos sa isang tao, kung ito man ay kung saan sila nakatira, o kung ano ang kanilang ginagawa, ang kanilang nakaraan o matapos nilang matanggap ang pangako, o kung gaano man katindi ang mga kaguluhan sa paligid ng kanilang tinitirahan—ang lahat ng ito ay kasing pamilyar sa Diyos ng likod ng Kanyang kamay. Kahit pa gaano katagal na panahon ang lumilipas matapos nabigkas na ang mga salita ng Diyos, para sa Kanya, parang kabibigkas lamang ng mga ito. Na ang ibig sabihin ay may kapangyarihan ang Diyos, at may gayong awtoridad, na kaya Niyang subaybayan, kontrolin, at ganapin ang bawat pangako na Kanyang ginagawa sa sangkatauhan, at kahit ano pa man ang pangakong iyon, kahit pa gaano katagal bago ganap na matupad ang mga ito, at, higit pa rito, kahit gaano pa kalawak ang nasasaklaw ng katuparan niyon—halimbawa, oras, heograpiya, lahi, at iba pa—matutupad ang pangakong ito, at magaganap, at, bukod pa rito, hindi mangangailangan na kumilos ni katiting ang Diyos para sa katuparan at kaganapan nito. At ano ang pinatutunayan nito? Na ang lawak ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay sapat upang kontrolin ang buong sansinukob, at ang buong sangkatauhan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Matapos pagpalain ng Diyos sina Abraham at Job, hindi nanatili ang Diyos kung nasaan Siya, ni inutusan Niya ang Kanyang mga mensahero habang naghihintay para makita kung ano ang kalalabasan. Sa kabaligtaran, sa sandaling binigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, sa ilalim ng gabay ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng bagay ay nagsimulang sumunod sa gawain na hinangad gawin ng Diyos, at nakahanda na roon ang mga tao, bagay, at layon na kinakailangan ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling binigkas na ang mga salita mula sa bibig ng Diyos, iniunat na ang awtoridad ng Diyos sa buong kalupaan, at nagtakda na Siya ng landas para gawin at tuparin ang mga pangako Niya kina Abraham at Job, habang ginagawa rin ang lahat ng naaangkop na mga plano at mga paghahanda para sa lahat na kailangan para sa bawat hakbang at bawat mahalagang yugto na plano Niyang isakatuparan. Sa panahong ito, hindi lamang minaniobra ng Diyos ang Kanyang mga mensahero, kundi ang lahat din ng mga bagay na nalikha Niya. Na ang ibig sabihin ay ang sakop kung saan ang awtoridad ng Diyos ay iniunat ay hindi lamang kasama ang mga mensahero, kundi, higit pa rito, ang lahat ng bagay, na minaniobra para makaayon sa gawain na hinangad Niyang tuparin; ito ang mga partikular na paraan kung saan iniunat ang awtoridad ng Diyos. Sa inyong mga naguguniguni, maaaring mayroon ang iba ng mga sumusunod na pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos: may awtoridad ang Diyos, at may kapangyarihan ang Diyos, at kaya kailangan lamang manatili ang Diyos sa pangatlong langit, o kailangan lamang manatili sa isang pirming lugar, at hindi kailangang gumawa ng anumang partikular na gawain, at ang kabuuan ng gawain ng Diyos ay nagaganap sa loob ng Kanyang kaisipan. May mga maaari ding maniwala na, bagama’t pinagpala ng Diyos si Abraham, hindi na kailangang gumawa ng anumang bagay ang Diyos, at sapat na para sa Kanya na bigkasin lamang ang Kanyang mga salita. Ito ba talaga ang tunay na nangyari? Malinaw na hindi! Bagama’t may taglay ang Diyos na awtoridad at kapangyarihan, tunay at totoo ang Kanyang awtoridad, hindi hungkag. Ang pagiging totoo at realidad ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay unti-unting nabubunyag at kinakatawan sa Kanyang paglikha ng lahat ng bagay, at pagkontrol sa lahat ng bagay, at sa proseso kung saan pinangungunahan at pinamamahalaan Niya ang sangkatauhan. Ang bawat paraan, bawat pananaw, at bawat detalye ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa sangkatauhan at sa lahat ng bagay, at lahat ng gawain na Kanyang natupad, gayundin ang Kanyang pagkaunawa sa lahat ng bagay—ang lahat ng iyon ay literal na nagpapatunay na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi hungkag na mga salita. Ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay patuloy na ipinapakita at ibinubunyag, at sa lahat ng bagay. Ang mga pagpapamalas at pagbubunyag na ito ay nagsasalita tungkol sa tunay na pag-iral ng awtoridad ng Diyos, dahil ginagamit Niya ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan para ipagpatuloy ang Kanyang gawain, at para utusan ang lahat ng bagay, at para pagharian ang lahat ng bagay sa bawat sandali, at ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad ay hindi mapapalitan ng mga anghel, o ng mga mensahero ng Diyos. Ipinasya ng Diyos kung anong mga pagpapala ang Kanyang ipagkakaloob kina Abraham at Job—depende ito sa Diyos. Kahit pa personal na bumisita ang mga mensahero ng Diyos kina Abraham at Job, ang kanilang mga kilos ay naaayon sa mga kautusan ng Diyos, at sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nasa ilalim din sila ng dakilang kapangyarihan ng Diyos. Bagama’t nakikita ng tao ang mga mensahero ng Diyos na binisita si Abraham, at hindi nasaksihan si Jehova na Diyos na personal na gumawa ng anumang bagay sa mga tala sa Biblia, sa katunayan, ang tanging Isa na tunay na nag-uunat ng kapangyarihan at awtoridad ay ang Diyos Mismo, at hindi nito tinitiis ang pagdududa ng sinumang tao! Bagama’t nakita mo na ang mga anghel at mga mensahero na nagtataglay ng matinding kapangyarihan, at nakagawa na ng mga himala, o nagawa na nila ang ilang bagay na inutos ng Diyos, ang mga pagkilos nila ay para lamang sa pagtupad ng utos ng Diyos, at ang mga ito ay walang-dudang hindi pagpapakita ng awtoridad ng Diyos—dahil walang tao o bagay ang mayroon, o nagtataglay, ng awtoridad ng Lumikha para lumikha ng lahat ng bagay at pagharian ang lahat ng bagay. At kaya walang tao o bagay ang makakapag-unat o makakapagpakita ng awtoridad ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Tingnan natin itong sipi ng kasulatan: “At nang masabi Niya ang gayon, ay sumigaw Siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas….” Nang ginawa ito ng Panginoong Jesus, nagsabi lamang Siya ng isang bagay: “Lazaro, lumabas ka.” At sa gayon Si Lazaro ay lumabas mula sa kanyang puntod—ito ay naisakatuparan dahil sa nag-iisang linya na binigkas ng Panginoon. Sa panahong ito, hindi nagtayo ang Panginoong Jesus ng dambana, at hindi Siya nagpatupad ng anumang iba pang mga pagkilos. Nagsalita lamang Siya ng isang bagay. Matatawag ba itong himala o pag-uutos? O ito ay isang uri ng salamangka? Kung tutuusin, tila ito ay maaaring matawag na isang himala, at kung titingnan ninyo ito mula sa makabagong pananaw, mangyari pa maaari pa rin ninyo itong matawag na isang himala. Gayunman, tiyak na ito ay hindi maaaring tawaging isang orasyon upang tawagin pabalik ang isang kaluluwa mula sa patay, at lalong hindi pangkukulam. Tamang sabihin na ang himalang ito ay ang pinakakaraniwan, bahagyang pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Ito ang awtoridad, at ang kakayahan ng Diyos. May awtoridad ang Diyos na hayaang mamatay ang isang tao, hayaang lisanin ng kaluluwa ang kanyang katawan at bumalik sa Hades, o kung saan man ito dapat tumungo. Kapag ang sinuman ay namatay, at kung saan sila tutungo pagkatapos mamatay—ang mga ito ay pinagpapasyahan ng Diyos. Magagawa Niya ito anumang oras at kahit saan. Hindi Siya nababahala sa mga tao, mga pangyayari, mga bagay, espasyo, o lugar. Kung gusto Niyang gawin ito magagawa Niya ito, sapagkat ang lahat ng bagay at lahat ng buhay na nilalang ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala, at ang lahat ng bagay ay nabubuhay at namamatay sa pamamagitan ng Kanyang salita, Kanyang awtoridad. Maaari Niyang buhaying muli ang isang taong patay—ito ay isa ring bagay na magagawa Niya anumang oras, kahit saan. Ito ang awtoridad na ang Lumikha lamang ang nagtataglay.

Nang ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang bagay gaya ng pagbuhay muli kay Lazaro mula sa patay, ang Kanyang layunin ay upang magbigay ng katunayan para sa mga tao at para kay Satanas na makita, at upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng bagay ng sangkatauhan, ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay pinagpapasyahan ng Diyos, at bagamat Siya ay nagkatawang-tao, gaya nang dati, nananatili Siyang may kapangyarihan sa pisikal na mundo na makikita at gayundin sa espirituwal na daigdig na hindi makikita ng mga tao. Ito ay upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng bagay ng sangkatauhan ay hindi nasa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Ito ay isang paghahayag at isang pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, at ito ay isa ring paraan para sa Diyos na makapaghatid ng mensahe sa lahat ng bagay na ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang pagbuhay muli ng Panginoong Jesus kay Lazaro—ang ganitong uri ng pagharap ay isa sa mga pamamaraan ng Lumikha upang turuan at tagubilinan ang sangkatauhan. Ito ay isang kongkretong pagkilos kung saan ay ginamit Niya ang Kanyang kakayahan at awtoridad upang tagubilinan ang sangkatauhan, at upang magkaloob para sa mga tao. Ito ay isang paraan na walang mga salita para sa Lumikha na tulutan ang sangkatauhan na makita ang katotohanan na Siya ang may pamamahala sa lahat ng bagay. Ito ay isang paraan para masabi Niya sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos na walang kaligtasan maliban sa pamamagitan Niya. Ang ganitong uri ng tahimik na mga pamamaraan ng Kanyang pagtatagubilin sa sangkatauhan ay tumatagal nang walang-hanggan—ito ay pamalagian, at nagdulot ito sa mga puso ng tao ng isang pagkagimbal at kaliwanagan na hindi kailanman maaaring kumupas. Ang pagkabuhay mag-uli ni Lazaro ay nakaluwalhati sa Diyos—ito ay may malaking epekto sa bawat isang mga sumusunod sa Diyos. Ito ay matatag na itinatakda sa bawat tao na nauunawaang mabuti ang pangyayaring ito, ang pananaw na tanging ang Diyos lamang ang makakapamahala sa buhay at kamatayan ng sangkatauhan.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Bagama’t nagtataglay ang Diyos ng awtoridad at kapangyarihan, napakahigpit Niya at maprinsipyo sa Kanyang mga pagkilos, at nananatiling totoo sa Kanyang salita. Ang pagiging mahigpit Niya, at ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos, ay nagpapakita sa katangian ng Lumikha na di-nasasaktan at di-nalalampasan ang awtoridad ng Lumikha. Kahit na nagtataglay Siya ng kataas-taasang awtoridad, at lahat ng bagay ay nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan, at kahit na may kapangyarihan Siya na pagharian ang lahat ng bagay, hindi kailanman nasira o nagambala na ng Diyos ang Kanyang sariling plano, at sa bawat pagkakataon na Kanyang iniuunat ang Kanyang awtoridad, ito ay mahigpit na naaayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo, at tiyak na sumusunod sa kung ano ang binigkas mula sa Kanyang bibig, at sumusunod sa mga hakbang at layunin ng Kanyang plano. Hindi na kailangan pang sabihin, ang lahat ng bagay na pinagharian ng Diyos ay sumusunod din sa mga prinsipyo kung paano iniuunat ang awtoridad ng Diyos, at walang tao o bagay ang hindi kasali sa pagsasaayos ng Kanyang awtoridad, ni mababago nila ang mga prinsipyo kung paano iniuunat ang Kanyang awtoridad. Sa mga mata ng Diyos, yaong mga pinagpala ay nakakatanggap ng magandang kapalaran na dala ng Kanyang awtoridad, at yaong mga isinusumpa ay nakakatanggap ng kanilang kaparusahan dahil sa awtoridad ng Diyos. Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos, walang tao o bagay ang hindi saklaw ng pag-uunat ng Kanyang awtoridad, ni kaya nilang baguhin ang mga prinsipyo kung paano iniuunat ang Kanyang awtoridad. Ang awtoridad ng Lumikha ay hindi nababago ng mga pagbabago sa anumang salik, at gayundin, hindi nagbabago ng anumang dahilan ang mga prinsipyo kung paano ang Kanyang awtoridad ay iniuunat. Maaaring sumailalim sa napakalaking pagbabago ang langit at lupa, nguni’t ang awtoridad ng Lumikha ay hindi magbabago; mawala man ang lahat ng bagay, nguni’t hindi kailanman mawawala ang awtoridad ng Lumikha. Ito ang diwa ng di-nagbabago at di-nasasaktan na awtoridad ng Lumikha, at ito mismo ang pagiging natatangi ng Lumikha!

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Kung saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo—maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano magaganap ang mga ito. Sa buhay, ang mga di-nakikitang pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, at ito’y mga pang-araw-araw na pangyayari. Ang araw-araw na malaking mga pagbabago at ang mga paraan ng pagkakaganap ng mga ito o ang mga disenyo ng pangyayari ng mga ito, ay palagiang mga paalala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang sapalaran, na ang landas sa pagbuo na kukunin ng mga bagay na ito at ang pagiging di-maiiwasan ng mga ito, ay hindi mababago ayon sa kagustuhan ng tao. Bawat pangyayari ay naghahatid ng isang paalala ng Lumikha sa sangkatauhan, at nagpapadala rin ito ng mensahe na hindi maaaring makontrol ng mga taong nilalang ang kanilang sariling mga kapalaran; kasabay nito ang bawat pangyayari ay isang pagsalungat sa padalus-dalos, walang-saysay na ambisyon at mga pagnanasa ng sangkatauhan na ilagay sa sarili nilang mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang mga ito’y parang malalakas na sunud-sunod na sampal sa sangkatauhan, pinupuwersa ang mga tao na isaalang-alang kung sino, sa bandang huli, ang namamahala at kumokontrol sa kanilang kapalaran. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay paulit-ulit na nahahadlangan at nadudurog, likas na humahantong ang mga tao sa walang-malay na pagtanggap sa kung ano ang inilaan ng kapalaran, isang pagtanggap sa realidad, sa kalooban ng Langit at sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha. Mula sa pang-araw-araw na malalaking pagbabago tungo sa mga kapalaran ng buong buhay ng mga tao, walang bagay na hindi nagbubunyag sa mga plano ng Lumikha at ng Kanyang dakilang kapangyarihan; walang anumang hindi nagpapaabot ng mensahe na “ang awtoridad ng Lumikha ay hindi malalampasan,” ang hindi nagpapadala ng walang hanggang katotohanan na “ang awtoridad ng Lumikha ay pinakamataas.”

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Kaya ang mga taong nakakatagpo ng sinumang tao sa proseso ng kanyang paglaki, at ang mga bagay na nararanasan niya, ay di-maiiwasang nagkakaugnay lahat sa pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha. Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang mga ganitong uri ng masalimuot na mga ugnayan, o makontrol o maarok ang mga ito. Maraming iba’t ibang bagay at maraming iba’t ibang tao ang may kabuluhan sa kapaligiran na kinalalakihan ng isang tao, at walang sinumang tao ang may kakayahang magsaayos at magplano ng ganoong kalawak na sistema ng mga koneksyon. Walang tao o bagay maliban sa Lumikha ang makakakontrol sa anyo, presensiya, at pagkawala ng lahat ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, at ang ganoong malawak na sistema ng mga koneksyon lamang ang humuhubog sa pag-unlad ng isang tao ayon sa itinadhana ng Lumikha, humuhubog sa iba’t ibang kapaligiran na kinalalakihan ng mga tao, at lumilikha ng iba’t ibang gagampanang papel na kailangan para sa gawaing pamamahala ng Lumikha, paglalatag ng matatatag, matitibay na saligan para tuparin nang matagumpay ang kanilang mga misyon.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Hindi maaaring piliin ng isang tao kung kaninong pagtuturo o impluwensya ang kalalakhan niya. Hindi mapipili ng isang tao kung anong kaalaman o kakayahan ang maaari niyang matamo, anong mga pag-uugali ang mahuhubog sa kanya. Hindi mapipili ng isang tao kung sino ang magiging mga magulang o mga kaanak niya, kung anong uri ng kapiligiran ang kalalakhan niya; ang mga ugnayan sa ibang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa kanyang kapaligiran, at kung paano nakakaimpluwensya ang mga ito sa kanyang pag-unlad, ang lahat ay lampas sa kanyang kontrol. Kung gayon, sino ang nagpapasya ng mga bagay na ito? Sino ang nagsasaayos ng mga ito? Yamang walang pagpipilian ang mga tao sa bagay na ito, yamang hindi nila maaaring pagpasyahan ang mga bagay na ito para sa kanilang mga sarili, at yamang malinaw na hindi natural na nabubuo ang mga ito, maliwanag na ang paghubog sa lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Lumikha. Tulad ng pagsasaayos ng Lumikha sa mga partikular na kalagayan ng kapanganakan ng bawat tao, Kanya ring isinasaayos ang partikular na mga kalagayan na kinalalakhan ng isang tao. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay nagdadala ng mga pagbabago sa mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid niya, kung gayon ang paglago at pag-unlad ng naturang tao ay makakaapekto rin sa mga ito. Halimbawa, may ilang tao na ipinapanganak sa mahirap na mga pamilya, subalit lumalaki na napapaligiran ng kayamanan; ang iba ay ipinapanganak sa mayayamang pamilya subalit nagiging sanhi ng pagbagsak ng mga kayamanan ng kanilang pamilya, kung kaya lumalaki sila sa mahirap na mga kapaligiran. Walang kaninumang kapanganakan ang napapamahalaan ng isang nakatakdang tuntunin, at walang taong lumalaki sa ilalim ng isang di-maiiwasan, nakatakdang hanay ng mga pangyayari. Ang mga ito ay hindi mga bagay na maaaring isipin o kontrolin ng isang tao; ang mga ito ay mga bunga ng kapalaran ng isang tao, at itinatakda ng kapalaran niya. Siyempre, ang punto ay itinatadhana ng Lumikha ang mga ito para sa kapalaran ng isang tao, na ang mga ito ay ipinapasya ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha, at ng Kanyang mga plano, para sa kapalaran ng naturang tao.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Kapag lilisanin ng isang tao ang kanyang mga magulang at magsarili, ang panlipunang mga kondisyon na kakaharapin niya, at ang uri ng trabaho o karera na makukuha niya ay kapwa iniaatas ng kapalaran at walang kinalaman sa kanyang mga magulang. May ilang tao na pumipili ng isang pangunahing kurso sa kolehiyo at pagkatapos ay nakakatagpo ng isang kasiya-siyang trabaho kapag makapagtapos, gumagawa ng matagumpay na unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay. May ilang tao na natututo at nagiging dalubhasa sa maraming iba’t ibang kasanayan ngunit kailanman ay hindi makahanap ng trabaho na angkop sa kanila o makahanap ng kanilang posisyon, mas lalong hindi magkaroon ng karera; sa simula ng kanilang paglalakbay sa buhay natatagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahahadlangan sa bawat liko, dinadagsa ng mga ligalig, madilim ang hinaharap at walang katiyakan ang kanilang mga buhay. Ang ilang tao ay masigasig sa kanilang pag-aaral, ngunit halos napapalampas ang lahat ng kanilang mga pagkakataon na makatanggap ng mas mataas na pinag-aralan, at tila itinadhanang kailanma’y hindi makakakamit ng tagumpay, ang kanilang kauna-unahang hangarin sa paglalakbay sa kanilang mga buhay ay nalulusaw sa hangin. Hindi alam[a] kung ang daraanan ay patag o mabato, nararamdaman nila sa kauna-unahang pagkakataon kung gaano kapuno ng mga pagbabago ang tadhana ng tao, kung kaya’t itinuturing ang buhay nang may pag-asa at pangamba. May ilang tao, kahit hindi gaanong nakapag-aral, ay nakakapagsulat ng mga aklat at nakakatamo ng kaunting katanyagan; ang ilan, bagaman halos ganap na walang pinag-aralan, ay kumikita ng pera mula sa negosyo at sa gayon ay nasusuportahan ang kanilang mga sarili…. Anumang trabaho ang pinipili ng isang tao, paano man siya naghahanap-buhay: may anumang kontrol ba ang mga tao tungkol sa kung sila ba ay gumagawa ng tamang pagpili o maling pagpili? Sumasang-ayon ba sila sa kanilang mga pagnanais at kapasyahan? Karamihan sa mga tao ay nagnanais na mabawasan ang kanilang pagtatrabaho at kumita nang mas malaki, na hindi magtrabaho sa ilalim ng araw at ng ulan, manamit nang maganda, magningning at kuminang sa lahat ng dako, pangibabawan ang iba, at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno. Ang mga hangarin ng tao ay napakaperpekto, subalit kapag ginawa na nila ang mga unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay, unti-unti nilang naiintindihan kung gaano kaimperpekto ang tadhana ng tao, at sa kauna-unahang pagkakataon tunay nilang nauunawaan ang katotohanan na, bagaman maaaring makagawa ang isang tao ng mapangahas na mga plano para sa sariling kinabukasan, bagaman ang isang tao’y maaaring magtanim sa isip ng mapangahas na mga pantasya, walang sinuman ang may kakayahan o may kapangyarihan na isakatuparan ang kanyang sariling mga pangarap, walang sinuman ang nasa posisyon na kontrolin ang kanyang sariling kinabukasan. Palaging magkakaroon ng ilang agwat sa pagitan ng mga pangarap ng isang tao at ng mga realidad na dapat niyang harapin; ang mga bagay ay hindi kailanman ayon sa ninanais ng isang tao, at sa harap ng ganoong mga realidad hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kasiyahan o katiwasayan. May ilang tao pa nga na gagawin ang anumang maaaring gawin, magpupunyagi nang husto at gagawa ng malalaking sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga hanapbuhay at hinaharap, sa pagtatangka na baguhin ang kanilang sariling kapalaran. Subalit sa katapusan, kahit na matupad nila ang kanilang mga pangarap at ninanais sa pamamagitan ng kanilang sariling marubdob na paggawa, hindi nila kailanman mababago ang kanilang mga kapalaran, at gaano man kasidhi nilang subukin, hindi nila kailanman malalampasan ang naitakda na sa kanila ng tadhana. Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa kakayahan, IQ, at paghahangad, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang hanapbuhay na sinisikap na matamo, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at gaano karami ang naiimpok niyang kayamanan sa buhay ay hindi napapagpasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, kundi ng itinatadhana ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Maliban sa pagsisilang at pagpapalaki ng anak, ang tungkulin ng mga magulang sa buhay ng isang bata ay ang bigyan lang sila ng isang pormal na kapaligiran na kalalakihan nila, sapagka’t walang may kaugnayan sa kapalaran ng tao maliban sa itinadhana ng Lumikha. Walang sinuman ang makakakontrol kung anong uri ang magiging kinabukasan ng isang tao; ito ay nauna nang naitadhana, at kahit na ang sariling mga magulang ay hindi mababago ang kapalaran ng isang tao. Kung patungkol sa kapalaran, ang bawat isa ay nagsasarili, at bawat isa ay may sariling kapalaran. Kung kaya walang mga magulang ninuman ang makakapagpatigil sa kapalaran sa buhay ng isang tao o makaka-impluwensya sa papel na gagampanan ng isang tao sa buhay. Maaaring sabihin na ang pamilya kung saan naitadhanang maisilang ang isang tao, at ang kapaligiran na kinalalakihan niya, ay mga paunang kondisyon lamang upang matupad niya ang sarili niyang misyon sa buhay. Hindi ipinapasya ng mga ito, sa anumang paraan, ang kapalaran ng isang tao sa buhay o ang uri ng tadhana kung saan tinutupad ng isang tao ang kanyang misyon. Kung kaya’t walang mga magulang ninuman ang makakatulong sa kanya na matupad ang misyon niya sa buhay, walang kaanak ninuman ang makakatulong sa kanya na akuin ang sarili niyang papel sa buhay. Kung paano isinasagawa ng isang tao ang sariling misyon at sa anong uri ng pamumuhay sa kapaligiran niya ginagampanan ang sarili niyang papel ay ganap na itinatadhana ng sariling kapalaran sa buhay. Sa ibang mga salita, walang iba pang patas na mga kondisyon ang makakaimpluwensya sa misyon ng isang tao, na itinatadhana ng Lumikha. Ang lahat ng tao ay nagkakagulang ayon sa kanilang sariling kinalakihang mga kapaligiran, pagkatapos, unti-unti, sa bawat hakbang, tumutungo sa kanilang sariling mga landas sa buhay, tinutupad ang mga tadhana na binalak para sa kanila ng Lumikha, nang natural, hindi sinasadyang pumapasok sa malawak na karagatan ng sangkatauhan at inaako ang sarili nilang mga papel sa buhay, kung saan sinisimulan nila ang pagtupad sa kanilang mga katungkulan bilang mga nilalang para sa kapakanan ng pagtatadhana ng Lumikha, para sa kapakanan ng Kanyang dakilang kapangyarihan.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay itinadhana ng nakaraan niyang buhay, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng tadhanang yaon. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay simula ng isang misyon sa buhay na ito, samakatwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng misyong yaon. Yamang ang Lumikha ang nagtadhana ng isang nakapirming hanay ng mga pangyayari para sa kapanganakan ng isang tao, hindi man sabihin Siya rin ang nagsaayos ng isang pirming hanay ng mga pangyayari para sa kamatayan niya. Sa ibang salita, walang sinuman ang ipinanganak na nagkataon lang, walang kamatayan ang hindi inaasahan, at kapwa ang kapanganakan at kamatayan ay kinakailangang konektado sa nakaraan at kasalukuyang buhay ng isang tao. Ang mga pangyayari ng kapanganakan at kamatayan niya ay kapwa itinadhana ng Lumikha; ito ang tadhana ng isang tao, ang kapalaran ng isang tao. Ganoon din karami ang masasabi tungkol sa kapanganakan ng isang tao, magaganap ang kamatayan ng bawat tao sa ilalim ng magkakaibang hanay ng espesyal na mga pangyayari, kung kaya may magkakaibang haba ng buhay ang mga tao at magkakaibang kaparaanan at mga oras ang kanilang mga kamatayan. May ilang tao na malakas at malusog ngunit namamatay nang maaga; ang mga iba ay mahina at sakitin ngunit nabubuhay hanggang sa tumanda, at namamatay nang mapayapa. Ang ilan ay namamatay sa di-natural na mga sanhi, ang iba’y sa natural. Ang ilan ay tinatapos ang kanilang mga buhay nang malayo sa tahanan, ang iba’y ipinipikit ang mga mata kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilang tao ay namamatay sa himpapawid, ang iba’y sa ilalim ng lupa. Ang ilan ay lumulubog sa ilalim ng tubig, ang iba’y nawawala sa mga sakuna. Ang ilan ay namamatay sa umaga, ang iba sa gabi. … Ang lahat ay nagnanais ng isang tanyag na kapanganakan, isang maningning na buhay, at isang maluwalhating kamatayan, subalit walang sinuman ang makakawala sa sarili niyang tadhana, walang sinuman ang maaaring makatakas sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha. Ito ang kapalaran ng tao. Maaaring gawin ng tao ang lahat ng uri ng mga plano para sa kanyang kinabukasan, subalit walang sinuman ang maaaring makapagplano ng kaparaanan at panahon ng kanyang kapanganakan at ng kanyang pag-alis mula sa mundo. Bagaman ginagawa ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan at tutulan ang pagdating ng kamatayan, gayunpaman, tahimik na lumalapit ang kamatayan nang hindi nila nalalaman. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan sila mamamatay o kung paano sila mamamatay, lalong hindi alam kung saan magaganap iyon. Malinaw na hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi isang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Lumikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, ngunit bunga ng kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

20. Sa ilalim ng awtoridad ng Diyos aktibo o di-aktibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa katapusan siya ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Lumikha para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha, ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, ang may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, mababaw man o taimtim; ang lalim ng inyong pagkaunawa ay nakabatay sa inyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at inyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan, kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kahusay na nakikilala ang diwa at disposisyon ng Diyos—ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa kung ang mga nilalang na tao ay nagpapasakop sa mga ito? Ang katotohanan ba na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay ipinapasya ng kung ang sangkatauhan ay nagpapasakop dito? Umiiral ang awtoridad ng Diyos kahit ano pa ang mga kalagayan; sa lahat ng sitwasyon, idinidikta at isinasaayos ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao at lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, sa Kanyang mga ninanais. Hindi ito magbabago dahil nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Kaya mang kilalanin at tanggapin ng tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, kaya mang magpasakop dito ng tao, hindi nito binabago kahit kaunti lang ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Ibig sabihin, kahit ano pa ang magiging saloobin ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito maaaring basta lang baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay. Kahit na hindi ka nagpapasakop sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, inaatasan pa rin Niya ang iyong kapalaran; kahit na hindi mo makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, ang Kanyang awtoridad pa rin ang umiiral. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pinipili ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, bawat sandali. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay hindi kailanman papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi hinihigpitan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ang hindi nagbabagong kapalaran mula pa noong unang panahon!

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Tuwing ginagawang tiwali ni Satanas ang tao o nakikibahagi sa di-mapigilang pamiminsala, ang Diyos ay hindi nagsasawalang-kibo, ni hindi rin Siya nagwawalang-bahala o nagbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga hinirang. Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay ganap na malinaw at naiintindihan ng Diyos. Anuman ang gawin ni Satanas, anumang kalakaran ang pinalilitaw nito, nalalaman ng Diyos ang lahat ng sinusubukang gawin ni Satanas, at hindi isinusuko ng Diyos ang Kanyang mga hinirang. Sa halip, ginagawa ng Diyos nang hindi man lang nakatatawag-pansin, palihim, tahimik, ang lahat ng kinakailangan. Kapag sinimulan Niyang gumawa sa isang tao, kapag napili Niya ang isang tao, hindi Niya ito ipinahahayag kaninuman, ni ipinahahayag Niya ito kay Satanas, lalong hindi gagawa ng anumang kahanga-hangang pagpapahayag. Ginagawa lamang Niya nang napakatahimik, nang napakasimple kung ano ang kinakailangan. Una, pumipili Siya ng pamilya para sa iyo; anong uri ng karanasan mayroon ang pamilya, sinu-sino ang iyong mga magulang, sinu-sino ang iyong mga ninuno—ang lahat ng ito ay napagpasyahan na ng Diyos. Sa madaling salita, ang mga pagpapasyang ito na ginawa Niya ay hindi padalus-dalos, sa halip ito ay isang gawain na nasimulan na matagal na panahon na ang nakalilipas. Sa sandaling nakapili na ang Diyos ng isang pamilya para sa iyo, pinipili rin Niya ang petsa kung kailan ka isisilang. Sa kasalukuyan, pinanonood ka ng Diyos habang ikaw ay ipinanganganak na umiiyak sa mundo, pinapanood ang iyong pagsilang, pinapanood habang binibigkas mo ng iyong unang mga salita, pinanonood kang nadadapa-dapa sa iyong unang mga hakbang, pinag-aaralan kung paano lumakad. Una humahakbang ka ng isa at pagkatapos ng isa pa … ngayon ay makatatakbo ka na, ngayon makatatalon ka na, ngayon makakapagsalita ka na, ngayon makakapagpahayag ka na ng iyong mga damdamin. Habang lumalaki ang tao, ang mga titig ni Satanas ay nakatuon sa bawat isa sa kanila, kagaya ng isang tigreng pinagmamasdan ang bibiktimahin nito. Subali’t sa paggawa ng Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi kailanman dumanas ng anumang mga limitasyon ng mga tao, mga pangyayari o mga bagay, ng espasyo o panahon; ginagawa Niya kung ano ang kailangan Niyang gawin at ginagawa kung ano ang dapat Niyang gawin. Sa proseso ng paglaki, maaaring masagupa mo ang maraming bagay na hindi mo nagugustuhan, masasagupa mo ang mga karamdaman at mga kabiguan. Subali’t habang lumalakad ka sa daang ito, ang iyong buhay at ang iyong kinabukasan ay nasa ilalim ng mahigpit na pangangalaga ng Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng isang tunay na garantiya na magtatagal sa buong buhay mo, sapagkat Siya ay nasa tabi mo, binabantayan ka at inaalagaan ka. Hindi mo namamalayan ito, ikaw ay lumalaki. Nagsisimula kang makipag-ugnayan sa bagong mga bagay at nagsisimulang kilalanin ang mundong ito at ang sangkatauhang ito. Ang lahat ay sariwa at bago sa iyo. Gusto mong gawin kung ano ang gusto mo. Namumuhay ka sa loob ng iyong sariling pagkatao, namumuhay sa loob ng iyong sariling tinitirhang espasyo at wala ka ni katiting na pagkaintindi tungkol sa pag-iral ng Diyos. Subali’t pinanonood ka ng Diyos sa bawat pagkakataon habang lumalaki ka, at pinanonood ka habang ikaw ay humahakbang pasulong. Kahit kapag ikaw ay natututo ng kaalaman, o nag-aaral ng siyensiya, kahit isang hakbang hindi kailanman umalis ang Diyos sa iyong tabi. Kapareho mo lang ang ibang tao na, sa kalagitnaan ng pagkilala at pakikipag-ugnayan sa mundo, naitatag mo ang sarili mong mga mithiin, taglay mo ang sarili mong mga libangan, sarili mong mga interes, at nagkikimkim ka rin ng matatayog na ambisyon. Madalas mong pagnilayan ang sarili mong kinabukasan, kadalasang iginuguhit ang balangkas kung paano dapat ang hitsura ng iyong kinabukasan. Subali’t anuman ang mangyari sa paglalakbay, malinaw na nakikita ng Diyos ang lahat. Marahil ikaw mismo ay nakalimot na sa iyong sariling nakaraan, subali’t sa Diyos, walang sinuman ang makauunawa sa iyo nang mas mainam kaysa sa Kanya. Nabubuhay ka sa ilalim ng pagbabantay ng Diyos, lumalaki, nagkakagulang. Sa panahong ito, ang pinakamahalagang gawain ng Diyos ay isang bagay na walang sinuman ang nakaiintindi kailanman, isang bagay na walang sinumang nakaaalam. Tiyak na hindi sinasabi ng Diyos sa iyo ang tungkol dito. Kaya’t ano itong pinakamahalagang bagay? Masasabi na ito ay isang garantiya na ililigtas ng Diyos ang isang tao. Ito’y nangangahulugan na nais ng Diyos na iligtas ang taong ito, kaya dapat Niyang gawin ito, at ang gawaing ito ay lubhang napakahalaga kapwa sa tao at sa Diyos. Alam ba ninyo kung ano ito? Tila ba wala kayong anumang pakiramdam tungkol dito, o anumang konsepto nito, kaya sasabihin Ko sa inyo. Mula sa panahon nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, isinagawa ng Diyos ang maraming gawain para sa iyo, subali’t hindi ka Niya binibigyan ng detalyadong ulat ng lahat ng bagay na ginawa Niya. Hindi ipinahintulot ng Diyos na malaman mo, at hindi Niya sinabi sa iyo. Gayunpaman, sa tao, ang lahat ng Kanyang ginagawa ay mahalaga. Sa Diyos, ito ay bagay na dapat Niyang gawin. Mayroong isang mahalagang bagay sa puso Niya na kinakailangan Niyang gawin na lubhang nakahihigit sa anumang mga bagay na ito. Iyon ay, mula sa panahong ipinanganak ang tao hanggang sa kasalukuyan, dapat magarantiyahan ng Diyos ang kaligtasan nila. Pagkarinig sa mga salitang ito, nadarama ninyo marahil na parang hindi ninyo ganap na nauunawaan, sinasabing “Ang kaligtasan bang ito ay napakahalaga?” Kaya ano ang literal na kahulugan ng “kaligtasan”? Marahil nauunawaan ninyong nangangahulugan ito ng kapayapaan o marahil nauunawaan ninyong nangangahulugan ito ng hindi pagdanas kailanman ng anumang sakuna o kalamidad, ang mamuhay nang mabuti, ang mamuhay ng isang normal na buhay. Subali’t dapat ninyong malaman sa inyong mga puso na hindi ganoon kasimple iyon. Kaya ano ba talaga ang bagay na ito na tinutukoy Ko, na dapat gawin ng Diyos? Ano ang kahulugan para sa Diyos ng kaligtasan? Ito ba talaga ay garantiya ng inyong kaligtasan? Hindi. Kaya ano ang ginagawang ito ng Diyos? Ang kaligtasang ito ay nangangahulugan na hindi ka nilamon ni Satanas. Ito ba ay mahalaga? Hindi ka nilamon ni Satanas, kaya ito ba ay may kinalaman sa iyong kaligtasan, o wala? Ito ay may kinalaman sa iyong personal na kaligtasan, at walang maaaring anumang bagay ang higit na mas mahalaga. Sa sandaling lamunin ka ni Satanas, ang iyong kaluluwa ni ang iyong laman ay hindi na nabibilang sa Diyos. Hindi ka na ililigtas ng Diyos. Tinatalikuran ng Diyos ang mga kaluluwang ganoon at tinatalikuran ang mga taong tulad ng ganoon. Kaya sinasabi Ko na ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos ay ang garantiyahan ang iyong kaligtasan, ang garantiyahan na hindi ka lalamunin ni Satanas. Ito ay napakahalaga, hindi ba? Kaya bakit hindi kayo makasagot? Tila hindi ninyo mararamdaman ang dakilang kabutihan ng Diyos!

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Hindi kailanman nangahas na si Satanas na suwayin ang awtoridad ng Diyos, at, higit pa rito, ay laging maingat na nakinig at sumunod sa mga utos at partikular na kautusan ng Diyos, hindi kailanman nangangahas na labagin ang mga ito, at siyempre, hindi nangangahas na malayang baguhin ang anuman sa mga utos ng Diyos. Gayon ang mga hangganan na inaitalaga na ng Diyos kay Satanas, at kaya hindi kailanman nangahas na si Satanas na lumampas sa mga hangganang ito. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos? Hindi ba ito patotoo sa awtoridad ng Diyos? Kung paano kumilos tungo sa Diyos, at kung paano tingnan ang Diyos, may mas malinaw na pagtarok si Satanas kaysa sa sangkatauhan, at kaya, sa espirituwal na daigdig, napakalinaw na nakikita ni Satanas ang katayuan at awtoridad ng Diyos, at may malalim na pagpapahalaga sa kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos at sa mga prinsipyo sa likod ng pag-uunat ng Kanyang awtoridad. Hindi nito pinangangahasan, ni minsan, na hindi pansinin ang mga ito, ni nangangahas na labagin ang mga ito sa anumang paraan, o gawin ang anumang bagay na sumusuway sa awtoridad ng Diyos, at hindi ito nangangahas na hamunin ang poot ng Diyos sa anumang paraan. Bagama’t likas na masama at mapagmataas ito, hindi kailanman nangahas na si Satanas na lumampas sa mga hangganan at limitasyon na itinalaga para dito ng Diyos. Sa milyun-milyong taon, ito’y mahigpit na sumunod sa mga hangganang ito, sumunod sa bawat kautusan at utos na ibinigay dito ng Diyos, at hindi kailanman nangahas na lampasan ang tanda. Kahit masama ang hangarin nito, di-hamak na mas matalino si Satanas kaysa sa tiwaling sangkatauhan; alam nito ang pagkakakilanlan ng Lumikha, at alam nito ang sarili nitong hangganan. Mula sa mga “masunuring” kilos ni Satanas, makikita na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay mga kautusan ng kalangitan na hindi masusuway ni Satanas, at dahil mismo sa pagiging natatangi at awtoridad ng Diyos kaya ang lahat ng bagay ay nagbabago at dumadami sa isang maayos na paraan, na nabubuhay ang sangkatauhan at dumarami sa loob ng landas na itinatag ng Diyos, na walang tao o bagay ang may kakayahang guluhin ang kaayusang ito, at walang tao o bagay ang may kakayahang baguhin ang batas na ito—dahil ang lahat ng iyon ay galing sa mga kamay ng Lumikha, at mula sa utos at awtoridad ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Kahit na tinitingnan ni Satanas si Job nang may inggit sa mga mata, kapag wala ang pahintulot ng Diyos hindi ito nangahas na hipuin ni isang buhok sa katawan ni Job. Kahit pa likas itong masama at malupit, matapos ibaba ng Diyos ang Kanyang utos dito, walang nagawa na si Satanas kundi sumunod sa kautusan ng Diyos. At kaya, kahit na si Satanas ay kasing-ulol ng isang lobo sa gitna ng mga tupa pagdating kay Job, hindi nito kinalimutan ang mga hangganan na itinakda ng Diyos para dito, hindi nangahas na labagin ang mga utos ng Diyos, at sa lahat ng ginawa nito, hindi nangahas na lumihis si Satanas mula sa mga prinsipyo at mga hangganan ng mga salita ng Diyos—hindi ba ito isang katunayan? Mula rito ay makikita na hindi nangangahas si Satanas na salungatin ang anumang mga salita ng Jehova na Diyos. Para kay Satanas, ang bawat salita mula sa bibig ng Diyos ay isang utos, at isang batas ng kalangitan, at isang pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos—dahil sa likod ng bawat salita ng Diyos ay ipinahihiwatig ang kaparusahan ng Diyos para sa mga lumalabag sa mga utos ng Diyos, at sa mga sumusuway at sumasalungat sa mga batas ng kalangitan. Malinaw na alam ni Satanas na kapag nilabag nito ang mga utos ng Diyos, kailangan nitong tanggapin ang mga bunga ng pagsuway sa awtoridad ng Diyos, at pagsalungat sa mga kautusan ng kalangitan. At ano ba ang mga kahihinatnang ito? Hindi na kailangang sabihin, ang mga iyon, siyempre, ay kaparusahan ng Diyos dito. Ang mga pagkilos ni Satanas tungo kay Job ay isang maliit na daigdig lamang ng katiwalian nito sa tao, at nang isinakatuparan ni Satanas ang mga pagkilos na ito, ang mga itinakdang hangganan ng Diyos at ang Kanyang ibinabang mga utos kay Satanas ay isang maliit na daigdig lamang ng mga prinsipyo sa likod ng lahat ng ginagawa nito. Dagdag pa rito, ang tungkulin at papel ni Satanas sa bagay na ito ay isang maliit na daigdig lamang ng tungkulin at papel nito sa gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lubos na pagsunod ni Satanas sa Diyos sa panunukso nito kay Job ay isang maliit na daigdig lamang kung paanong hindi nangahas si Satanas na kumontra kahit katiting sa Diyos sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Anong babala ang ibinibigay ng maliliit na mundong ito sa inyo? Sa lahat ng bagay, kasama na si Satanas, walang tao o bagay ang makakasuway sa mga batas ng kalangitan at mga utos na itinakda ng Lumikha, at walang tao o bagay ang nangangahas na labagin itong mga batas at utos ng kalangitan, dahil walang tao o bagay ang makakapagpabago o makakatakas mula sa kaparusahan na ipinapataw ng Lumikha sa mga sumusuway sa mga ito. Tanging ang Lumikha lamang ang makakapagtatag ng mga batas at mga utos ng kalangitan, tanging ang Lumikha lamang ang may kapangyarihan na ipatupad ang mga ito, at tanging ang kapangyarihan lamang ng Lumikha ang hindi masusuway ng sinumang tao o bagay. Ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha, nangingibabaw ang awtoridad na ito sa lahat ng bagay, at kaya, imposibleng sabihin na “ang Diyos ang pinakadakila at pangalawa si Satanas.” Maliban sa Lumikha na nagtataglay ng natatanging awtoridad, wala ng iba pang Diyos!

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

24. Libu-libong taon nang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Nakagawa na ito ng hindi-masabing dami ng kasamaan, nakapanlinlang na ng sunud-sunod na henerasyon, at nakagawa na ng mga kasuklam-suklam na kasalanan sa mundo. Naabuso na nito ang tao, nalinlang ang tao, naakit ang tao para salungatin ang Diyos, at nakagawa na ng masasamang pagkilos na nakalito at paulit-ulit na nagpahina na sa plano ng pamamahala ng Diyos. Gayunman, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng bagay at buhay na nilalang ay patuloy na sumusunod sa mga patakaran at batas na itinalaga ng Diyos. Kumpara sa awtoridad ng Diyos, napakapangit ang masamang kalikasan at kayabangan ni Satanas, sobrang nakakadiri at kasuklam-suklam, at napakaliit at napakahina. Kahit na naglalakad si Satanas sa kalagitnaan ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, hindi niya kayang gumawa ng katiting na pagbabago sa mga tao, bagay, at layon na iniutos ng Diyos. Nakalipas na ang ilang libong taon, at tinatamasa pa rin ng sangkatauhan ang liwanag at hangin na ipinagkaloob ng Diyos, hinihinga pa rin ang hininga na inihinga ng Diyos Mismo, tinatamasa pa rin ang mga bulaklak, ibon, isda at mga insektong nilikha ng Diyos, at tinatamasa ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos; patuloy pa rin ang pagpapalitan ng bawat araw at gabi; ganoon pa rin ang paghahalinhinan ng apat na panahon; ang lumilipad na gansa sa papawirin ay umaalis sa taglamig na ito, at bumabalik pa rin sa susunod na tagsibol; ang mga isda sa tubig ay hindi kailanman umaalis sa mga ilog at lawa—na kanilang tahanan; ang mga kulilis sa lupa ay malakas na kumakanta sa mga araw ng tag-init; ang mga kuliglig sa mga damo ay marahang humuhuni nang sabay sa hangin sa panahon ng taglagas; ang mga gansa ay nagsasama-sama sa kawan, habang nananatiling mag-isa ang mga agila; pinapanatili ang puri ng mga leon sa pamamagitan ng panghuhuli; hindi lumalayo ang usa sa damo at mga bulaklak…. Ang bawat uri ng buhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay ay umaalis at bumabalik, at umaalis ulit pagkatapos, milyun-milyong pagbabago ang nangyayari sa isang kisap-mata—nguni’t ang hindi nagbabago ay ang kanilang mga likas na pag-uugali at ang mga batas ng pananatiling buhay. Nabubuhay sila sa ilalim ng tustos at pagpapakain ng Diyos, at walang sinuman ang makakapagbago ng kanilang mga likas na pag-uugali, at walang sinuman ang makakasira sa kanilang mga patakaran ng pananatiling buhay. Bagama’t ang sangkatauhan, na namumuhay sa gitna ng lahat ng bagay, ay nagawang tiwali na at nalinlang ni Satanas, hindi pa rin maaaring mawala sa tao ang tubig na ginawa ng Diyos, at ang hangin na ginawa ng Diyos, at ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos, at namumuhay pa rin at dumadami ang tao sa kalawakang ito na ginawa ng Diyos. Ang likas na pag-uugali ng sangkatauhan ay hindi pa nagbago. Nakadepende pa rin ang tao sa kanyang mga mata para makakita, sa kanyang mga tainga para makarinig, sa kanyang utak para makapag-isip, sa kanyang puso para makaunawa, sa kanyang mga binti at paa para maglakad, sa kanyang mga kamay para magtrabaho, at iba pa; ang lahat ng likas na pag-uugali na ipinagkaloob ng Diyos sa tao para kanyang matatanggap ang mga panustos ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago, ang mga kakayahan na sa pamamagitan nito ay nakikipagtulungan ang tao sa Diyos ay hindi nagbago, ang kakayahan ng sangkatauhan para gumanap ng tungkulin bilang isang nilikhang katauhan ay hindi nagbago, ang mga pangangailangang espirituwal ng sangkatauhan ay hindi nagbago, ang pagnanais ng tao para makita ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbago, ang paghahangad ng sangkatauhan na mailigtas ng Lumikha ay hindi nagbago. Ganyan ang kasalukuyang mga pangyayari sa sangkatauhan, na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nagtiis na ng madugong pagkasira na ginawa ni Satanas. Bagaman ang sangkatauhan ay napasailalim na sa pagpapahirap ni Satanas, at hindi na sina Adan at Eva mula sa simula ng paglikha, sa halip ay puno ng mga bagay-bagay na laban sa Diyos, tulad ng kaalaman, imahinasyon, mga pagkaunawa, at iba pa, at puno ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas, sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay pareho pa rin ang sangkatauhan na Kanyang nilikha. Ang sangkatauhan ay pinaghaharian at inaayos pa rin ng Diyos, at namumuhay pa rin sa loob ng landas na itinalaga ng Diyos, at kaya sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan, na ginawang tiwali na ni Satanas, ay nababalot lamang ng dumi, na may kumakalam na sikmura, na may kaunting kabagalan ang reaksiyon, may alaalang hindi na kasingganda ng dati, at medyo may katandaan na—nguni’t ang lahat ng paggana at likas na pag-uugali ng tao ay lubos na hindi nasira. Ito ang sangkatauhan na hinahangad ng Diyos na iligtas. Kailangan lamang marinig ng sangkatauhan ang tawag ng Lumikha, at marinig ang tinig ng Lumikha, at tatayo siya at magmamadaling hanapin ang pinagmumulan ng tinig na ito. Kailangan lamang makita ng sangkatauhan ang anyo ng Lumikha at siya’y mawawalan na ng pakialam sa lahat ng iba pa, at tatalikuran ang lahat, para ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at ibubuwis pa ang kanyang buhay para sa Kanya. Kapag naintindihan ng puso ng sangkatauhan ang taos-pusong mga salita ng Lumikha, tatanggihan ng sangkatauhan si Satanas at lalapit sa tabi ng Lumikha; kapag lubos nang nahugasan ng sangkatauhan ang dumi mula sa kanyang katawan, at muling natanggap na ang tustos at pagpapakain ng Lumikha, saka mapanunumbalik ang alaala ng sangkatauhan, at sa panahong ito ang sangkatauhan ay tunay nang babalik sa kapamahalaan ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

25. Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakaugnay sa kapangyarihan ng Lumikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Lumikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Lumikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng bagay nagsisimulang maunawaan ng tao ang mga pagsasaayos ng Lumikha at ang Kanyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng pagkakaligtas nararamdaman niya ang pamamahala ng Lumikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan ng paggamit ng Lumikha sa Kanyang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa lahat ng bagay at mga nabubuhay na nilalang at tunay na nasasaksihan kung paano pinapalitan ng mga pagsasaayos at paghahandang iyon ang lahat ng batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa sa lupa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na tanggapin na hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang ang kapangyarihan ng Lumikha, na walang puwersa ang maaaring makialam o magpalit sa mga pangyayari at mga bagay na itinadhana ng Lumikha. Sa ilalim ng mga banal na batas at mga patakarang ito na nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na kumakatawan sa awtoridad ng Lumikha?

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “Hindi alam.”

Sinundan:VI Mga Klasikong Salita tungkol sa Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Kung Ano Siya

Sumunod:(II) Mga Salita tungkol sa Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin