Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

893 Ang Awtoridad ng Diyos ay ang Batas ng Langit na Hindi Malalampasan ni Satanas

1 Hindi kailanman nangahas na si Satanas na suwayin ang awtoridad ng Diyos, at, higit pa rito, ay laging maingat na nakinig at sumunod sa mga utos at partikular na kautusan ng Diyos, hindi kailanman nangangahas na labagin ang mga ito, at siyempre, hindi nangangahas na malayang baguhin ang anuman sa mga utos ng Diyos. Gayon ang mga hangganan na inaitalaga na ng Diyos kay Satanas, at kaya hindi kailanman nangahas na si Satanas na lumampas sa mga hangganang ito. sa espirituwal na daigdig, napakalinaw na nakikita ni Satanas ang katayuan at awtoridad ng Diyos, at may malalim na pagpapahalaga sa kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos at sa mga prinsipyo sa likod ng pag-uunat ng Kanyang awtoridad. Hindi nito pinangangahasan, ni minsan, na hindi pansinin ang mga ito, ni nangangahas na labagin ang mga ito sa anumang paraan, o gawin ang anumang bagay na sumusuway sa awtoridad ng Diyos, at hindi ito nangangahas na hamunin ang poot ng Diyos sa anumang paraan. Bagama’t likas na masama at mapagmataas ito, hindi kailanman nangahas na si Satanas na lumampas sa mga hangganan at limitasyon na itinalaga para dito ng Diyos.

2 Sa milyun-milyong taon, ito’y mahigpit na sumunod sa mga hangganang ito, sumunod sa bawat kautusan at utos na ibinigay dito ng Diyos, at hindi kailanman nangahas na lampasan ang tanda. Kahit masama ang hangarin nito, di-hamak na mas matalino si Satanas kaysa sa tiwaling sangkatauhan; alam nito ang pagkakakilanlan ng Lumikha, at alam nito ang sarili nitong hangganan. Mula sa mga “masunuring” kilos ni Satanas, makikita na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay mga kautusan ng kalangitan na hindi masusuway ni Satanas, at dahil mismo sa pagiging natatangi at awtoridad ng Diyos kaya ang lahat ng bagay ay nagbabago at dumadami sa isang maayos na paraan, na nabubuhay ang sangkatauhan at dumarami sa loob ng landas na itinatag ng Diyos, na walang tao o bagay ang may kakayahang guluhin ang kaayusang ito, at walang tao o bagay ang may kakayahang baguhin ang batas na ito—dahil ang lahat ng iyon ay galing sa mga kamay ng Lumikha, at mula sa utos at awtoridad ng Lumikha.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Malalampasan ni Satanas ang Awtoridad ng Diyos Kailanman

Sumunod:Nililigtas ng Diyos ang Sumasamba sa Kanya at Lumalayo sa Kasamaan

Baka Gusto Mo Rin