584 Kinamumuhian ng Diyos ang mga Damdamin sa Pagitan ng mga Tao

1 Hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang mailabas nila ang kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutuhan Kong kamuhian ang mga damdamin ng mga tao sa isang antas. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, kaya Ako ay naging “iba” sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinasamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang “konsensya”; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking paghawak ng mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa mundo?

2 Sino na ang naging katulad Ko, na nagtatrabaho sa araw at gabi, na hindi isinasaalang-alang ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano ng pamamahala Ko? Paano maihahambing ang tao sa Diyos? Paano siya magiging kaayon ng Diyos? Paano na ang Diyos, na lumilikha, ay maging kaparehong uri ng tao, na nilikha? Bakit lagi Akong naninirahan at kumikilos kasama ng tao sa lupa? Sino ang nag-aalala para sa Aking puso? Ang mga panalangin ba ng tao? Sumang-ayon Ako minsan na samahan ang tao at lumakad kasabay niya—at oo, nabubuhay ang tao hanggang ngayon sa ilalim ng Aking pag-aalaga at pag-iingat, ngunit kailan ang araw na maaaring humiwalay ang tao mula sa Aking pag-aalaga? Kahit hindi kailanman iningatan ng tao ang Aking puso, sino ang maaaring manatiling nabubuhay sa isang lupain na walang liwanag? Dahil lamang sa mga pagpapala Ko na nabubuhay ang tao hanggang ngayon.

Hango sa “Kabanata 28” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 583 Mga Taong Nabubuhay Sa Gayon Karuming Lupain

Sumunod: 585 Ano na ang Nailaan Ninyo sa Diyos?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito