Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

901 Patiunang Itinalaga ng Diyos Tadhana ng Tao Noon Pa Man

Bilis

901 Patiunang Itinalaga ng Diyos Tadhana ng Tao Noon Pa Man

Pagdating sa tadhana,

lahat ay malaya.

Pagdating sa tadhana,

lahat ay may kanya-kanya.

Kaya walang magulang na makakapigil

sa tadhana ninuman

o makakaimpluwensya

man lang sa tungkulin n'ya.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa,

kahit magulang walang magagawa.

Ang pamilya kung saan ang isa'y isinilang

ay kundisyon sa pagtupad ng misyon niya.

Ang kapaligirang kinalalakihan

ay patiuna ring kalagayan.

Sa anumang paraan

hindi rito naaalaman ang kapalaran ninuman

kung sa'n ang misyon nila'y naisasakatuparan.

Walang magulang ang

nakatutulong sa pagtupad ng misyon ng anak.

At di siya matutulungan ng kanyang kamag-anak.

Kung paano tinutupad ng isa ang misyon niya

at kung saang kapaligiran ginagampanan papel n'ya,

ay 'tinatalaga ng tadhana nila,

na walang makakapigil.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa,

kahit magulang walang magagawa.

Walang ibang kundisyong makakaimpluwensya

sa misyon ng tao na Lumikha lang ang nagtalaga.

Lahat ng tao'y gumugulang sa kapaligiran niya,

lahat sila'y lumalaki nang mag-isa.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa,

kahit magulang walang magagawa.

Isa-isang hakbang,

sila'y sumusulong nang kanya-kanya.

Isa-isang hakbang,

tinutupad ang kanilang tadhana.

Isa-isang hakbang,

pumapasok sila sa lipunan.

Isa-isang hakbang,

papel nila ay ginagampanan.

Isa-isang hakbang,

pananagutan ay ginagawa,

alang-alang sa itinadhana ng Lumikha.

Isa-isang hakbang,

ito'y 'di nila pagkukusa,

alang-alang sa kapangyarihan ng Lumikha.

Itinalaga ng Diyos tadhana ng tao noon pa.

Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha

ang may kinalaman sa tadhana ng isa.

Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,

naitalaga noon pa,

kahit magulang walang magagawa.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Paano Magpasakop sa Awtoridad ng Diyos

Sumunod:Hindi Makokontrol ng Sangkatauhan ang Sarili Nilang Kapalaran

Baka Gusto Mo Rin