92 Sa Mga Huling Araw, Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Kanyang mga Salita

I

Ang huling yugto’y maglilinaw sa’yo

sa batas ni Jehova at pagtubos ni Jesus.

Layuni’y nang maunawaan mo’ng

anim-na-libong-taong plano Niya,

layunin ng gawain at mga salita ni Jesus,

pati bulag mong paniniwala

at pagsamba sa Bibliya.


Magagawa mong maunawaan

ang ginawa ni Jesus noon

at ang ginagawa ng Diyos ngayon.

Makikita mo ang katotohanan,

ang buhay at ang daan.


Itong yugto ng gawain ngayo’y

para sa pagtatapos at paglilinis,

sa pagtatapos ng lahat ng gawain.

Kung may salitang mananatiling ‘di nasabi,

gawai’y ‘di makakaabot sa huli;

sa yugtong ito gawai’y inihahatid

sa huli sa paggamit ng salita.


II

Umalis si Jesus na gawai’y ‘di natapos,

dahil ‘di ‘yon yugto ng gawain Niya;

Kanya’y natapos nung Siya’y ‘pinako sa krus.

Yugto Niya’y may mga salitang ‘di nasabi

o ‘di buong ipinahayag,

ngunit wala Siyang pakialam dito,

ministeryo Niya’y ‘di sa salita.

Kaya Siya’y lumisan sa lupa

matapos Siyang ipako sa krus.


III

Ang huling yugto’y magdadala

sa gawain ng Diyos sa katapusan.

Tao’y mauunawaan plano ng pamamahala Niya.

Kuru-kuro’t balak ng tao,

pananaw niya sa mga Gentil,

maling pagkaunawa sa gawain ni Jehova at Jesus,

at iba pang paglihis ay maitatama.


Tao’y mauunawaan

lahat ng tamang landas sa buhay,

lahat ng nagawa ng Diyos,

ang buong katotohanan.

Saka magtatapos yugtong ito.


Itong yugto ng gawain ngayo’y

para sa pagtatapos at paglilinis,

sa pagtatapos ng lahat ng gawain.

Kung may salitang mananatiling ‘di nasabi,

gawai’y ‘di makakaabot sa huli;

sa yugtong ito gawai’y inihahatid

sa huli sa paggamit ng salita.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2

Sinundan: 91 Ang Gawain sa mga Huling Araw Higit sa Lahat ay Upang Mabigyan ng Buhay ang Tao

Sumunod: 93 Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito