858 Ang Taos na Damdamin ng Lumikha para sa Sangkatauhan

Ang mga sumusunod ay

nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10–11:

“At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon

na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man;

na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:

At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive,

sa malaking bayang yaon,

na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao

na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay

at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?”

Ang mga ito ang aktuwal na sinabi ng Diyos na si Jehova,

sa pag-uusap sa pagitan Niya at ni Jonas.

Bagaman ang palitang ito ay maigsi lamang,

ito ay puno ng pagkalinga ng Manlilikha sa sangkatauhan

at ang Kanyang pag-aatubili na bitawan siya.

Ang mga salitang ito ay nagpapahayag

sa tunay na saloobin at nararamdaman

ng Diyos sa Kanyang puso para sa Kanyang nilikha,

at sa pamamagitan ng malinaw na mga salitang ito,

na madalang marinig ng tao,

ay inihayag ng Diyos ang Kanyang tunay

na intensyon para sa sangkatauhan.


Sa lahat ng oras, kasama ng tao ang Lumikha.

Lagi Siyang nangungusap sa kanila

at sa kabuuan ng lahat ng nilikha.

At araw-araw ay may bago Siyang isinasagawa.

Ipinapahayag ang Kanyang disposisyon at diwa,

na ipinararating sa pakikipag-usap Niya sa kanila.

Lubos na inihahayag ang Kanyang mga iniisip at ideya.

Oo, lubos na ipinapakita sa Kanyang mga gawa.

Mga tao sa lahat ng oras, sinasamaha’t minamasdan Niya,

ibinubulong sa kanila at sa lahat ng nilikha

ang Kanyang mahihinang mga salita.

Diyos ay nasa kalangitan, kasama ng Kanyang mga nilikha.

Patuloy na nakabantay, at naghihintay. Katabi mo Siya.

Magiliw at malakas ang Kanyang mga kamay.

Mga yapak Niya’y magaan.

Magiliw at mahina ang tinig Niya,

Anyo Niya’y nagdaraan at pumipihit,

niyayakap ang buong sangkatauhan.

Kaibig-ibig at maginoo, ganyan ang Kanyang larawan.

Kailanma’y hindi Siya umalis na, ni hindi Siya naglaho na.

Araw-gabi, kasama Siya ng tao. Palagi Siyang kasama ng tao.


Tapat na damdamin at pangangalaga

na Kanyang ginugugol sa kanila,

at pagmamahal at tunay na pag-aalala

ay unti-unti nang nakita nang Ninive ay iligtas Niya.

Ang pag-uusap, lalo na, nina Jonas at Jehova

ay lalong nagpakita sa nadamang awa ng Lumikha

para sa taong Kanya Mismong nilikha.

Malalaman mo ang taos na damdamin Niya

para sa mga tao sa pag-uusap nila.

Diyos ay nasa kalangitan, kasama ng Kanyang mga nilikha.

Patuloy na nakabantay, at naghihintay. Katabi mo Siya.

Magiliw at malakas ang Kanyang mga kamay.

Mga yapak Niya’y magaan.

Magiliw at mahina ang tinig Niya,

Anyo Niya’y nagdaraan at pumipihit,

niyayakap ang buong sangkatauhan.

Kaibig-ibig at maginoo, ganyan ang Kanyang larawan.

Kailanma’y hindi Siya umalis na, ni di Siya naglaho na.

Araw-gabi, kasama Siya ng tao. Palagi Siyang kasama ng tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sinundan: 857 Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma’y Hindi Tumigil

Sumunod: 859 Ang Pag-ibig at Diwa ng Diyos ay Walang Pag-iimbot

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito