Ano ang Dapat Nating Hangarin sa Buhay?

Setyembre 3, 2023

Ni Song Zihan, Tsina

Hindi maganda ang kalusugan ko noong bata ako at karamihan sa pera ng aming pamilya ay karaniwang napupunta sa pangangalaga ng kalusugan ko, kaya hindi talaga ako gusto ng papa ko, at madalas niya akong sinasaktan at sinisigawan. Kinutya at ibinukod ako ng iba dahil doon. Madalas akong magtago at umiyak nang mag-isa, miserable at agrabyado ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay parang, “Minamaliit ninyo ako. Paglaki ko, sisiguruhin kong magkakaroon ako ng magandang propesyon para ipapamukha ko iyon sa inyong lahat.” Hindi kami magkasundo ng asawa ko pagkatapos naming makasal kaya naghiwalay kami. Iniwan ko ang aking apat na taong gulang na anak na lalaki sa pangangalaga ng nanay ko at tumulong ako sa isang beauty salon na binuksan ng isang kaklase ko. Isa siyang guro sa business school, kaya dahil may trabaho siya, nagpatulong siya sa akin na pamahalaan ang shop. Hindi nagtagal, tuluyan siyang nagbago, naging malayo ang loob at naging mapanghamak, inuutus-utusan ako mula sa kanyang posisyon bilang amo. Hindi talaga ako naging komportable, at nagkaroon ng distansiya sa pagitan namin. Isang araw nagtalo kami dahil sa isang bagay at ginusto kong umalis. Kinutya niya ako, sinabi niyang, “Song Zihan, hindi kita minamaliit. Pero malamang na pumuti muna ang uwak bago mo kakayanin nang wala ako!” Talagang sumama ang loob ko nang marinig iyon. Talagang dagok iyon sa kumpiyansa ko sa sarili. Naisip ko, “Masyado kang walang respeto. Hindi mo dapat husgahan ang isang libro sa pabalat nito. Dahil sa sinabi mo, bubuo ako ng propesyon para sa sarili ko, upang ipamukha ito sa iyo, kahit na ikamatay ko pa ito. Simula ngayon, ipapakain ko sa iyo iyang mapang-alipusta mong mga salita. Balang araw, papanoorin kitang bawiin ang sinabi mo.” Inimpake ko ang aking mga bag at galit na umalis noong araw ding iyon.

Nagsimula akong magtrabaho at mag-ipon ng pera, at hindi ako kailanman humingi ng oras ng pahinga kahit kapag may sakit ako. Kapag napapagod ako at sumasakit ang likod ko, nananatili akong determinado at nagpapatuloy. Pagkalipas ng apat na buwan, nagsimula na akong mamahala ng hair salon nang mag-isa. Pinatakbo ko ito nang mag-isa upang makaipon ako ng pera, kumakain lang nang isang beses sa isang araw. Kumakalam ang sikmura ko sa gabi, at umiinom lang ako ng tubig para mapawi ang gutom ko. Minsan maganda ang takbo ng negosyo at nagtatrabaho ako hanggang alas-dos o alas-tres ng umaga bago matulog. Pinipilit ko ang aking sarili na bumangon sa kama nang alas-sais ng umaga, kahit medyo pikit pa ang mga mata ko. Nagbabalat at sunog na ang mga kamay ko dahil sa mga kemikal na pang-perming. Dumudugo agad ang mga daliri ko sa sandaling itiklop ko ang mga ito—napakasakit talaga. Madalas akong magtago sa kumot ko, umiiyak, pero sa sandaling naiisip ko ang panghahamak ng aking ama at ang pangungutya ng aking kaklase, tahimik kong hinihikayat ang aking sarili, iniisip na “Kailangan mong pagtiisan ang matinding pagdurusa upang manguna,” at “Dapat ay may lakas ang mga tao na ipaglaban ang kanilang dignidad.” Pakiramdam ko, isang araw ay magtatagumpay rin ako, at magbabago ang tingin sa akin ng lahat ng nangmaliit sa akin at tumapak sa pride ko. Napuno ako ng motibasyon na magtrabaho nang husto. Noong 1996, sa wakas ay nagbukas ako ng sarili kong salon. Mas malaki ito kaysa sa shop ng kaklase ko at mas kaakit-akit ang mga palamuti nito. Sa araw ng pagbubukas, talagang napaiyak ako. Naisip ko, “Sa wakas, nakapagbukas na ako ng shop at ako na ang amo ngayon—at may maipagmamalaki na ako. Hindi nagtagal, gusto kong palawakin ang shop at gawin itong mas magarbo at mas kaakit-akit para lubusang mapahiya ang kaklase ko. Kung malalaman ng aking mga kaibigan at kapamilya sa bayan namin na nagbukas ako ng sarili kong shop, mapapabilib sila.” Pagkatapos ng tatlong taon ng pagsusumikap, nakapagtabi ako ng kaunting pera. Upang lalong respetuhin ng mga tao, namuhunan pa ako para magbukas ng mas malaking beauty salon at isang kompanya ng cosmetics, at nagbukas ako ng siyam na chain store sa iba’t ibang rehiyon. Sumali rin ako sa ilang national beauty competition at nanalo ng ilang gintong medalya. Pagkatapos ng maraming taon ng pagsusumikap, sa wakas ay naging respetado ako sa industriya, at napuno ako ng hindi maipaliwanang na kasiyahan. Gusto kong tumayo sa tuktok ng bundok at sumigaw: “Natupad na ang pangarap ko! Hindi na ako ang taong dating kinukutya ng lahat!” Habang minamaneho ang kotse ko pauwi, tinitingnan ako ng lahat nang may inggit. Talagang nakaramdam ako ng kasiyahan at pagmamalaki. Tila ba tinahak ko ang tamang landas, at dapat akong mas magsikap sa hinaharap para mas mapalawak ang negosyo ko.

Noong 2002, nagbukas ako ng isang malaking beauty salon sa isa pang malaking lungsod. Habang lumalago ang negosyo ko, parami nang parami ang nakakakilala sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay kaya ko nang maglakad nang may kumpiyansa, mas masigla ang pakiramdam ko at may saya sa paglalakad ko. Naisip ko, “Kung makakasalubong ko ang kaklase ko, kailangan ko talagang ‘magpasalamat’ sa kanya. Kung hindi dahil sa kanyang mga namamahiyang komento, hindi ko mararating kung ano ang mayroon ako ngayon.” Pero sa gulat ko, nalaman ko na nagkaroon siya ng cancer sa baga at pumanaw na. Nagulat ako at talagang nadismaya. Hindi ko maintindihan kung bakit napakarupok ng buhay ng mga tao. Namatay siya sa edad lamang na 39. Nagtagumpay na ako sa wakas matapos magbayad ng napakalaking halaga, gusto kong bawiin niya ang kanyang mga sinabi na labis na nakainsulto sa akin at yumurak sa aking dignidad. Pero masyado nang huli para maipakita ko sa kanya ang aking tagumpay at kaluwalhatian, dahil bigla na siyang lumisan. Gaano man kalaki ang iyong kasikatan o kayamanan, hindi mo madadala ang alinman sa mga ito kapag namatay ka na, kaya ano ang saysay ng buhay? Hindi maipaliwanag ang aking pagkadismaya at kawalan ng pag-asa dahil sa isiping iyon. Talagang naapektuhan ako sa pagkamatay ng aking kaklase. Ilang panahon akong palaging ginugulo ng katanungang iyon, pero walang makapagsabi sa akin ng sagot.

Hindi nagtagal ay muli kong ibinuhos ang aking lakas sa trabaho ko at inisip kong magpalit ng propesyon. Ang pagbubukas ng beauty salon ay mababa pa rin sa herarkiya ng lipunan, pero ang pagiging doktor ay isang trabahong may mataas na reputasyon at lubos na iginagalang. Kaya, nang hindi iniisip ang mahal na matrikula, nagpunta ako sa ilang malaking lungsod, naghahanap ng mga sikat na doktor at acupuncturists para matuto ng Chinese medicine. Sa pagsisikap na matupad ang pangarap ko, napabayaan ko ang pag-aaral ng aking anak, at tuluyan ko pa ngang nakalimutan na may anak pala ako. Hindi ko inalagaan ang aking tumatanda nang ina o inisip man lang ang sarili kong negosyo, sa halip ay ibinuhos ko ang aking lakas sa aking pag-aaral. Naglalakad man, kumakain, o nakahiga sa kama, ang ginawa ko lang ay siyasatin ang mga nakababagot na teorya ng Chinese medicine, nang walang oras para magsaya kasama ang aking mga kaibigan o makipag-usap sa aking mga magulang o mga kapatid na babae. Minsan nararamdaman ko na talagang mahirap ito at gusto ko nang bitiwan ang aking pag-aaral, pero nang maisip kong maaaring umangat ang aking katayuan sa lipunan dahil sa pag-aaral ng medisina at mas makukuha ko ang paghanga ng mga tao, binalaan ko ang sarili ko na huwag sumuko sa kalagitnaan at huwag hayaang maliitin ng iba. Kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral, gaano man ito kahirap at nakakapagod. Upang maangatan ang iba, patuloy kong pinalalakas ang loob ko sa ganitong paraan. Sa labin-limang taon ng masigasig na pag-aaral, pagsasaliksik, at pagsasanay, medyo nakabuo ako ng reputasyon sa larangan ng medisina, at nagsimula akong maglakbay sa buong bansa, nagsasanay sa acupuncture at pangangalagang pangkalusugan. Pagkatapos ng mahabang panahon ng palaging pagiging abala sa mga pagsasanay, paroo’t parito sakay ng mga eroplano at tren, nagkaroon ako ng mga problema sa panunaw, na lubha ring nakaapekto sa aking pagtulog, at palagi akong nahihilo at nalulula. Pero hindi ako nagpatingin sa doktor. Minsan, nang lumalala na ang pamamaga ng aking sikmura, nagkaroon din ako ng anal fistula at naging lubhang duguan ang aking dumi. May training ako noon, kaya’t kinailangan kong tiisin ito at sumakay ako ng eroplano patungo sa isang lungsod na mahigit 300 milya ang layo. Pagbaba ko pa lang ng eroplano, napalibutan na ako ng mga bulaklak at palakpakan, at narinig ko ang mga naiinggit na tinig ng magagandang opinyon sa likod ko: “Iyan si Professor Song, napakabata at napakaganda.” “Oo, dumalo ako sa isang klase niya—napakahusay ng pagkakaturo nito.” Sa sandaling iyon, naramdaman kong sulit ang lahat ng sakripisyo at pagsusumikap ko, at tahimik kong sinabi sa sarili ko nang paulit-ulit, “Manatili kang matatag, kaya mo iyan. Maraming pagsusumikap ang nasa likod ng tagumpay.” Pinilit kong tiisin ang matinding pananakit ng tiyan at panlalamig ng pawis, tatlong araw akong tumatayo sa entablado habang nagtatalumpati nang nakangiti. Kumaway ako para magpaalam sa mga estudyante nang bumaba ako sa entablado, at sa sandaling iyon, kakaibang lungkot ang naramdaman ko sa kahungkagan ng lahat ng ito. Pinilit ko ang mahina at pagod kong katawan na makabalik sa aking hotel, pabagsak akong humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Napuno ako ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at kapanglawan. Ang mga bulaklak at palakpakan ay dating simbolo ng aking tagumpay at kabantugan, pero ang lahat ng iyon ay hindi nagtatagal, panandalian lang. Hindi ito makakatulong na mapalaya ako mula sa aking karamdaman at kahungkagan. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko: “Ngayong nakuha ko na ang respeto at paghanga ng iba, bakit hindi ako masaya kahit kaunti? Sa halip, hungkag, miserable, walang magawa, at malungkot ang pakiramdam ko. Para saan ba talaga nabubuhay ang mga tao? Paano mabubuhay ang mga tao nang may kabuluhan?”

Sa tuwing umuuwi ako nang pagod na pagod, paulit-ulit akong tinatanong ng nanay ko, nang malungkot, “Anak, abalang-abala ka mula madaling araw hanggang dapit-hapon. Hapong-hapo ang katawan mo. Sulit lang ba iyon? Dapat kang manampalataya sa Diyos—tayo ay nilikha Niya. Sa pagkakaroon ng pananalig, makakamit mo ang katotohanan, na siyang tanging paraan para mamuhay nang makabuluhan at payapa. Kung walang pananalig, anumang bagay na hinahangad mo sa mundong ito ay magiging walang kabuluhan.” Sa totoo lang, alam kong magandang bagay ang pananalig, pero ang buong puso ko ay nasa trabaho ko. Gusto kong maging isang mananampalataya kapag mas matanda na ako, kapag nagretiro na ako. Paanong hindi ako tututok sa propesyon ko gayong napakabata ko pa? Kaya naman hindi ko sineryoso ang sinabi ng nanay ko.

Dahil palagi akong naii-stress, kapwa sa trabaho at sa emosyonal na aspeto, nagkaroon ako ng endocrine disorder at bumaba ang immunity ko. Nagkaroon din ako ng kakaibang kondisyon sa balat na sobrang makati, isang pangangati na nagmumula sa kailaliman ng aking balat. Walang naitulong ang pagkamot ng mga kamay ko, o ang pag-inom ng mga gamot. Hinahawakan ko ng isang kamay ko ang balat sa mukha ko, at sa kabilang kamay ay hawak ko naman ang isang karayom na pang-skin test, tinutusok ko ang balat nang paulit-ulit hanggang sa duguan na ang buong mukha ko. Hindi ko makayanan ang pangangati ng balat ko at pakiramdam ko ay mas mabuti pang mamatay na lang ako. Sobrang namamaga ang mukha ko. Nang makita ko ang sarili sa salamin, hindi ko malaman kung mukha pa ba akong tao o multo, alam kong hindi ako makakalabas ng bahay. Naisip ko, “Kaya kong pagalingin ang lahat ng uri ng sakit sa iba na mahirap gamutin, pero hindi ang sa sarili ko. Kalunos-lunos!” Napakadakila ko dati, pero ngayon ay wasak na wasak ako. Gusto kong tumalon sa bintana para mamatay. Patuloy akong umiiyak at tumatangis, “Siguro nakagawa ako ng napakalaking kasamaan sa nakaraan kong buhay at ito ang nagiging kabayaran ko!” Pumunta ako sa isang doktor ng Chinese medicine para ipagamot ito pagkatapos niyon. Sinabi niya na nakakita na siya noon ng kondisyon na kagaya ng sa akin, at hindi ito gumaling sa 20 taon ng paggagamot. Masyado akong pinanghinaan ng loob nang marinig iyon. Talaga bang magiging ganoon na lang ako habang-buhay? Nagpakahirap ako halos buong buhay ko para magkapangalan, pero ganito lang ang nangyari sa akin. Ano pa ang saysay ng buhay ko? Ginusto kong uminom na lang ng ilang gamot pampatulog at matapos na ito. Habang naghahanda akong tapusin na ang buhay ko, noong Abril 2018, muling ibinahagi sa akin ng nanay ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Napanood ko ang musical drama ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang “Kuwento ni Xiaozhen.” Labis akong naantig. Nakapaloob dito ang ilang salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay Niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng ‘ama,’ at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Noon pa man ay binabantayan ka at lubhang umaasam, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagmamasid at paghihintay ay hindi matutumbasan, at ang mga ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagmamasid at paghihintay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ang mga ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat). Ang bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos ay nakaantig sa puso ko. Ang kuwento ni Xiaozhen ay parang isang tunay na paglalarawan ng sarili kong buhay. Naramdaman ko ang pagtawag sa akin ng Diyos na yakapin Siya, “Anak, bumalik ka na!” Napaluha ako sa pagmamahal ng Diyos, at hindi ko napigilang humikbi. Sa sandaling iyon naramdaman ko ang init ng pag-uwi. Nakahanap na ng kanlungan ang puso kong naliligaw at ligtas na ito. Ang mga taon na iyon ng pag-iisa, paghihirap, at kalungkutan, at maging ang mga lihim na hindi ko kailanman sinabi sa sinuman, sa wakas ay maibabahagi ko na sa Diyos. Sumigaw ako, sa puso ko, “Ang Diyos lang ang nakakaalam kung gaano kahirap ang naging buhay ko. Tanging ang Lumikha ang kayang magmahal nang tunay sa mga tao!” Luhaan akong lumapit sa Diyos at sinabi sa Kanya, “Diyos ko! Noong pagod na pagod ako sa pagpapakahirap sa aking propesyon, ibinahagi Mo sa akin ang ebanghelyo nang paulit-ulit sa pamamagitan ng nanay ko, pero ayaw kong lumapit sa Iyo alang-alang sa aking propesyon. Nang makita kong paulit-ulit na tumatawag ng ‘Diyos,’ ‘Diyos’ si Xiaozhen sa entablado, naantig ako nang sobra-sobra. Kinamumuhian ko ang sarili ko sa paulit-ulit na pagtutulak palayo sa Iyong kamay na magliligtas, paulit-ulit Kitang sinasaktan. Ngunit hindi Mo sinukuan ang aking kaligtasan. Nanatili Ka sa aking tabi, naghihintay sa sandaling babaling ako sa Iyo, para mailigtas Mo ako sa aking labis-labis na pasakit. Oh Diyos, gusto kong manalig sa Iyo. Gusto kong sumunod sa Iyo nang malapitan at sambahin ka!” Pagkatapos, iniyak ko sa Diyos ang lahat ng ibinaon ko sa aking puso sa lahat ng taon na iyon. Gumaan nang husto ang buong pakiramdam ko at bumuti ang lagay ng kalooban ko. Dahil sa aking pagharap sa Diyos, naging pinakamasaya akong tao, at talagang pinagsisihan ko kung gaano naging matigas ang ulo ko, paulit-ulit na itinataboy ang pagliligtas ng Diyos.

Pagkatapos niyon, gutom na gutom kong kinain ang mga salita ng Diyos. Labis akong naantig nang makita ang ipinapakita sa atin ng Diyos na totoong larawan ng pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan. Ang mga salita ng Diyos ang lahat ng katotohanan at ibinubunyag ng mga ito kung ano talaga tayong mga tao. Talagang nasisiyahan ako sa pakikipagtipon sa mga kapatid at sa pag-awit ng mga himno ng papuri sa Diyos. Masayang-masaya ako. Nakita ko na matapat at sinsero sa isa’t isa ang mga kapatid. Kapag nagpapakita sila ng katiwalian, kaya nilang hayagang magbahaginan at magtulungan nang walang anumang uri ng intriga o pandaraya. Pakiramdam ko ay nabubuhay ako sa isang ganap na naiibang mundo at tuluyan ko nang nakalimutan ang dati kong paghihirap. Unti-unti ring bumuti ang kalusugan ko. Lubos akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos. Iniisip ko na mula nang ako ay maging isang mananampalataya, nagbabasa ng mga salita ng Diyos at kumakanta ng mga himnong pumupuri sa Diyos araw-araw, naging napakasaya ko. Bakit noong nasa mundo ako sa labas, may propesyon, reputasyon, katayuan, at pera, hindi man lang ako masaya, sa halip, napakamiserable ng buhay ko? May nabasa ako sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at nagtataksil sa Kanya at lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng katanyagan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi mo makikita nang malinaw ang usapin na ito at iisipin mo, ‘Magandang magkaroon ng kahandaang lumaban; ito ay nararapat. Paano mabubuhay ang mga tao kung wala silang kaunting kahandaan na lumaban? Kung wala silang kaunting kahandaan na lumaban, hindi sila magkakaroon ng anumang sigla o lakas para mabuhay. Kung gayon, ano pa ang kabuluhan ng mabuhay? Nagpapasakop sila sa bawat di-kanais-nais na sitwasyon—napakahina at napakaduwag naman niyon!’ Iniisip ng lahat ng tao na dapat silang lumaban upang maipakita ang kanilang halaga. Paano sila lumalaban para maipakita ang kanilang halaga? Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa salitang ‘laban.’ Anuman ang sitwasyong kinakaharap nila, sinusubukan nilang makamit ang kanilang mga layon sa pamamagitan ng pakikipaglaban. Ang mentalidad ng hindi pagsuko ay nagmumula sa salitang ‘laban.’ … Sa pang-araw-araw nilang buhay ay nakikipaglaban sila. Anuman ang kanilang ginagawa, palagi nilang sinisikap na makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pakikipaglaban, at ipinagyayabang nila ang kanilang tagumpay. Sinisikap nilang lumaban upang maipakita ang kanilang halaga sa lahat ng kanilang ginagawa—matatamo ba nila ito? Para sa ano ba mismo sila nakikipagkumpitensiya at nakikipaglaban? Ang lahat ng kanilang pakikipaglaban ay para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan; ang lahat ng kanilang pakikipaglaban ay para sa kanilang pansariling interes. Bakit sila nakikipaglaban? Ito ay para magmukhang bayani at matawag na mataas na tao. Gayunpaman, ang pakikipaglaban nila ay dapat magtapos sa kamatayan, at dapat silang maparusahan. Walang duda rito. Saanman naroroon si Satanas at ang mga demonyo, mayroong pakikipaglaban. Mawawasak sila sa huli, at pagkatapos ay magwawakas din ang labanan. Ito ang magiging kahihinatnan ni Satanas at ng mga demonyo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Ekskorsus: Kung Ano ang Katotohanan). Nalutas ng mga salita ng Diyos ang kalituhan sa puso ko, at agad akong naliwanagan. Napagtanto ko na ang kasikatan, kayamanan, at katayuan ay mga pamamaraan, taktikang ginagamit ni Satanas para gawing tiwali, iligaw, at kontrolin ang mga tao. Ang mga ito rin ay mga tanikalang inilalagay sa atin ni Satanas, at sa mga tanikalang ito, walang sinuman sa atin ang makakawala. Miserable ang buhay ko sa 28 taong nagtrabaho ako nang husto. Itinuring ko bilang mga positibong bagay na dapat hangarin ang mga satanikong lason tulad ng “Dapat ay may lakas ang mga tao na ipaglaban ang kanilang dignidad,” “Dapat magsikap ang mga tao na magkaroon ng dignidad,” “Kailangan mong pagtiisan ang matinding pagdurusa upang manguna,” “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Itinuring ko ang mga ito bilang mga layon ko sa buhay. Walang habas na tinahak ko ang landas ng paghahabol sa kasikatan at kayamanan, namumuhay nang miserable. Sa pagbabalik-tanaw sa umpisa, nang kutyain at maliitin ako ng aking kaklase, isinumpa ko na lalaban ako para mapahiya siya. Napagtagumpayan ko ang mga pasikot-sikot ng katayuan at kabantugan. Nagsimula akong magpakahirap at magdusa para sa kasikatan at kayamanan. Nagbalat at nagdugo ang mga kamay ko dahil sa mga kemikal na pang-perming, pero ayaw kong gumastos ng pera para kumuha ng tauhan. Upang makatipid, isang beses lang ako kumakain sa isang araw at pinapawi ko ang aking gutom sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Sobrang-sobra ang pagod ko, pero ayaw ko pa ring magpahinga. Ginawa kong motibasyon ang “Kailangan mong pagtiisan ang matinding pagdurusa upang manguna” sa paghahangad ng kasikatan at kayamanan. Kalaunan, sa wakas ay naging kilala na ako at pansamantala akong nasiyahan, pero hindi pa rin ako huminto sa aking paghahangad ng reputasyon at katayuan. Patuloy lamang na lumalaki ang aking ambisyon at hangarin. Upang mapabuti ang aking katayuan sa lipunan, madagdagan ang aking kabantugan, at mas makamit ang paghanga at pagpapahalaga ng mga tao, hindi ako nagdalawang-isip na gumugol ng 15 taon sa pag-aaral ng medisina, wala na akong oras umuwi para makita ang nanay at anak ko. Wala na akong inisip na iba maliban sa propesyon at reputasyon ko. Sa sandaling nakamit ko ang tagumpay, binalewala ko ang lahat para magsaya sa mga bulaklak at palakpakan. Paulit-ulit ko pa ngang itinulak palayo ang kamay ng pagliligtas ng Diyos. Upang mabola at mapuri ng iba, nagpanggap ako. Hapong-hapo at pagod na pagod ang katawan ko hanggang sa nagkasakit na ako, pero patuloy pa rin akong nangangaral. Pagkatapos, ang lahat ng naipon na pagod ay naging isang kakaibang sakit, at hiniling ko na lang na mamatay. Nakapanghihina ang landas na tinahak ko nang may tanikala ng kasikatan at kayamanan. Kagaya ng isang kalabaw na humihila ng gilingan sa dilim, hindi ako makalaya kahit gaano pa kalakas ang paghila ko. Namumuhay ako sa mga satanikong lason na ito, nang walang iba kundi kasikatan at kayamanan sa puso ko at ang pagpapahalaga ng iba sa aking isipan. Talagang naging makasarili ako at ubod ng sama, lubos na walang pagmamalasakit at pagmamahal. Para akong isang walang awang nilalang, namumuhay na parang hindi tao o halimaw. Ako lang ang nakakaalam ng pasakit sa likod ng reputasyong natamo ko. Hindi iyon isang tamang landas sa buhay. Dahil sa bagay na iyon na sinabi ng kaklase ko, hindi ko ginustong maging isang pangkaraniwang tao, kundi ginusto kong pamunuan ang iba, na maitaas ako. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nagdusa ako na para akong iniihaw sa hurno. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung lagi mong gustong maging isang taong namumukod-tangi, na mas mahusay kaysa sa iba, ipinapahamak mo ang sarili mo, sinisira mo ang sarili mo, at pinahihirap mo ang sariling buhay mo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Kung hindi dahil sa mga paghahayag ng mga salita ng Diyos, walang sinuman sa atin ang makakakita na mga maling paniniwala ang “Dapat magsikap ang mga tao na magkaroon ng dignidad,” at “Kailangan mong pagtiisan ang matinding pagdurusa upang manguna,” na ang mga ito ay taktikang ginagamit ni Satanas sa pagtitiwali sa mga tao.

May iba pa akong nabasa sa mga salita ng Diyos: “Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanap-buhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit sa damdamin at di-maibsang pagdurusa, hanggang sa hindi na siya makalingon sa nakaraan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng isang tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at paghahanap sa tunay na buhay ng tao siya unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, at maiibsan ang lahat ng kahungkagan sa buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napagtanto ko mula sa mga salita ng Diyos, na ang dahilan kung bakit napakasakit para sa akin ang nakalipas na 20 kakatwang taon ay dahil hindi ko kilala ang Diyos. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya nang walang tamang layon at direksyon sa buhay. Iyon ang naglagay sa akin sa maling landas na iyon. Walang awang pinaglalaruan ako ni Satanas at nabubuhay ako nang walang anumang kabuluhan. Kailangan kong lumapit sa Diyos, tanggapin ang Kanyang mga salita bilang batayan ng aking pag-iral, magpasakop sa Kanyang pamumuno at mga pagsasaayos, at tahakin ang daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan upang mahanap ang tamang landas sa buhay. Katulad lang ito ni Job, na siyang pinakamayamang tao sa Silangan at may pamilyang may malaking kayamanan, ngunit alam niya na ang lahat ng mayroon tayo ay inorden ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi siya naghangad o nagdiwang sa kasikatan o katayuan, kundi nagtrabaho lang siya nang normal. Namuhay siya nang malaya at masaya. Pagkatapos, sa loob ng isang gabi, inalis ang kayamanan ng kanyang pamilya at lahat ng kanyang anak ay namatay, subalit pinuri pa rin niya ang ngalan ng Diyos, sinasabing “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Isa siyang kahanga-hangang saksi para sa Diyos. Nagawa ni Job na magpasakop sa pamamahala at mga pagsasaayos ng Diyos, at tinahak niya ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Namuhay siya nang may dignidad at sa huli ay nakamit niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Gusto kong tularan si Job, talikuran ang maling landas na tinahak ko sa buhay, magkaroon ng tunay na pananalig, basahin ang mga salita ng Diyos, hangarin ang katotohanan, at gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Iyon ang tanging paraan para maging malaya sa kahungkagan at pasakit sa puso ko, at maging malaya sa pinsala at mga tanikala ni Satanas. Iyon ang tanging landas para sa akin. Nagdasal ako sa Diyos, nagnanais na maging isang taong nakikinig sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanya.

Ngunit noong gusto ko nang talikuran ang propesyon ko at ibuhos ang aking sarili sa aking pananampalataya at tungkulin, naharap ako sa ilang balakid. Nakatanggap ako ng tawag mula sa aking anak isang araw. Ang kompanya ay nasa bingit na ng pagsasara at gusto niya akong bumalik at sumaklolo para iligtas ito. Talagang nagtalo ang kalooban ko nang marinig iyon. Pagkatapos ng 28 taong pagsisikap, talaga bang matatapos na lang iyon nang ganoon? Sa isang iglap lang ay mawawala na sa akin ang lahat, tulad noong bago pa ako nagsimulang magtagumpay sa propesyon ko. Ano na lang ang magiging tingin at sasabihin sa akin ng mga tao? Paano ko haharapin ang iba? Hindi na ako magkakaroon ng paraan para makapaghanapbuhay. Hindi ako handang isuko iyon nang ganoon-ganoon na lang. Habang nagpaplano akong bumalik para iligtas ang kompanya, namula ang magkabilang braso ko at nagsimula itong kumati nang husto, tulad ng pangangati ng mukha ko noon. Sumakit din ang katawan ko at talagang nainis din ako. Dahil hindi pa ako ganap na gumagaling, paano kung pumunta ako tapos sumama ulit ang pakiramdam ko? Alam ko na, kapag nahaharap sa ganoong uri ng paghihirap, ang pakikipag-usap sa Diyos ang tanging solusyon. Kaya’t nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko! Alam kong nasa maling landas ako noon, naghahabol ng pera at kasikatan. Ngayon gusto kong basahin ang Iyong mga salita at gawin ang aking tungkulin araw-araw, pero malapit nang magsara ang kompanya ko. Naguguluhan talaga ako. Ayaw ko pong magsara nang ganoon na lang ang negosyong pinaghirapan ko nang mahigit 20 taon. O Diyos, talagang hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pakiusap, gabayan Mo po ako.” Pagkatapos, isang umaga, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang kapwa apprentice, sinabi niyang na-stroke sa eroplano ang guro namin, at dinala sa ospital pero hindi na nailigtas. Napagtanto ko na iyon ay alerto at babala ng Diyos para sa akin, para ipakita sa akin na gaano man karami ang pera ko o gaano man ako kabantog, hindi nito maililigtas ang buhay ko. Pagkatapos ibaba ang tawag, lumuhod ako sa harapan ng Diyos at nagdasal, “O Diyos! Alam kong dininig Mo ang dasal ko. Natauhan ako sa pagkamatay ng aking guro. Ngayon nauunawaan ko na ang magawang mabuhay ay pagliligtas Mo sa akin. Noong pinahirapan ako ng sakit hanggang sa puntong gusto ko nang mamatay at tapusin ang lahat, tinulutan Mo akong marinig ang Iyong tinig, inililigtas ako. Gusto kong pakaingatan ang mahalagang pagkakataong ito ngayon, at hindi ko na pwedeng ulitin ang mga dati kong pagkakamali.”

Noong panahong iyon, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin at mas malinaw na nagpakita sa akin kung ano ang dapat nating hangarin sa buhay. Sabi ng Diyos: “Bagaman ang pinaggugugulan ng mga tao ng kanilang buhay na pagiging mahusay sa iba’t ibang kasanayan para maipagpatuloy ang buhay ay maaaring makapaghandog ng kasaganaan sa mga materyal na kaginhawahan, ang mga ito ay di-kailanman nakapagdadala sa puso ng isang tao ng tunay na kapayapaan at kasiyahan, sa halip ay patuloy na nagiging dahilan ang mga ito para mawala ng mga tao ang kanilang direksyon, mahirapang kontrolin ang kanilang mga sarili, mapalampas ang bawat pagkakataon na matutuhan ang kabuluhan ng buhay; ang mga kasanayan na ito na para sa patuloy na pamumuhay ay lumilikha ng pagkaligalig kung paano angkop na haharapin ang kamatayan. Sa ganitong paraan, nasisira ang mga buhay ng mga tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kapag malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makapagpapahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo. Habang mas lalong ganito ang nararamdaman ng mga tao, lalo nilang ninanais na patuloy na mabuhay; habang mas nararamdaman ito ng mga tao, mas kinatatakutan nila ang pagsapit ng kamatayan. Tanging sa punto lang na ito nila tunay na napagtatanto na ang kanilang mga buhay ay hindi sa kanila, hindi sa kanila para kontrolin, at walang sinuman ang makapagsasabi kung siya ay mabubuhay o mamamatay—ang lahat ng ito ay wala sa kanyang kontrol(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Binigyang-sigla ng mga salita ng Diyos ang puso ko at nakapagbibigay-liwanag ang mga ito. Naisip ko ang aking guro na naghabol ng kasikatan at pakinabang sa buong buhay niya. Ipinagdiriwang siya saanman siya magpunta, at masasabing pareho niyang taglay ang kasikatan at kayamanan. Ngunit gaano man siya kamatagumpay, nang magkasakit siya at nanganib ang buhay niya, hindi siya mailigtas ng kasikatang iyon. Ipinakita talaga sa akin niyon na kahit gaano pa kaganda ang reputasyon ng isang tao, hindi nito kayang pahabain ang kanyang buhay nang kahit isang segundo. Kahit gaano pa karami ang pera niya, hindi niyon mabibili ang kalusugan. Naging ganoon din ako. Nagkaroon ako ng tagumpay at kasikatan, pero ang pagdurusang dulot ng karamdaman ay nagtulak sa akin na naisin ang kamatayan. Ano ang silbi ng mas magandang reputasyon? Hindi niyon maiibsan kahit katiting ang kahungkagan ng damdamin ko at ang sakit ng katawan ko. Tapos, tunay kong naranasan na ang kasikatan at kayamanan ay parang mga bulalakaw, mga hungkag na bagay na kumikislap lang, nagdadala lamang ng panandaliang katuwaan at kasiyahan. Pero hindi ba’t ordinaryong tao pa rin ako bagamat nagkamit ako ng kasikatan at kayamanan? Kailangan kong kumain nang tatlong beses sa isang araw para mabusog, kailangan ko ng lugar na mahihigaan. Hinarap ko ang aking kalungkutan nang mag-isa, tiniis ko ang lahat ng aking pasakit nang mag-isa, pinasan ko ang matinding pagod nang mag-isa, at inasikaso ko ang sarili kong karamdaman nang mag-isa. Katulad lang din ako ng iba. Kung walang pananalig, kung walang pagharap sa Diyos at pagbabasa ng Kanyang mga salita, hindi natin mauunawaan ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at hindi natin makikilala ang mga positibong bagay mula sa mga negatibong bagay. Ang magagawa lang natin ay sundin ang mga uso, ang masasamang makamundong uso, nahihirapang makasulong sa bawat hakbang dahil sa mga tanikala ng kasikatan at kayamanan, pinaglalaruan, niyuyurakan, at sinasaktan ni Satanas. Isang babala sa akin ang pagkamatay ng aking kaklase at guro. Kung nanatili ako sa landas ng paghahabol sa kasikatan at kayamanan, matutulad lang din ako sa kanila. Nang mapagtanto ito, saka ko lang naramdaman ang tunay na takot. Nagdasal ako sa Diyos, handa na akong iwaksi ang mga tanikala ng kasikatan at kayamanan, magkaroon ng tunay na pananalig, at tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan at pagpapasakop sa Diyos.

Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na naghikayat sa akin na maging determinado sa aking pasya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Handa ba kayong tamasahin ang Aking mga pagpapala sa lupa, mga pagpapalang katulad ng mga nasa langit? Handa ba kayong pahalagahan ang pag-unawa sa Akin, ang pagtatamasa ng Aking mga salita at ang pagkakilala sa Akin, bilang ang pinakamahalaga at makabuluhang mga bagay sa inyong buhay? Kaya ba talaga ninyong lubos na magpasakop sa Akin, na hindi iniisip ang inyong sariling mga interes? Kaya ba talaga ninyong tulutan ang inyong sarili na patayin Ko, at akayin Ko, gaya ng isang tupa? Mayroon bang sinuman sa inyo na may kakayahang kamtin ang ganyang mga bagay? Maaari kaya na ang lahat ng Aking tinatanggap at tumatanggap ng Aking mga pangako ay yaong mga nagkakamit ng Aking mga pagpapala? May naintindihan ba kayo na anuman mula sa mga salitang ito? Kung susubukin Ko kayo, kaya ba ninyong lubusang ilagay ang inyong mga sarili sa Aking pagsasaayos, at, sa gitna ng mga pagsubok na ito, hanapin ang Aking mga intensyon at damhin ang Aking puso? Hindi Ko nais para sa iyo na makapagsalita ng maraming makabagbag-damdaming salita, o makapagsabi ng maraming nakasasabik na kuwento; sa halip, hinihingi Ko na makaya mong magpatotoo nang mainam sa Akin, at na makapasok ka nang lubusan at malaliman sa realidad. Kung hindi Ako nagsalita nang tuwiran, tatalikuran mo kaya ang lahat ng bagay sa iyong paligid at tutulutan ang iyong sarili na gamitin Ko? Hindi ba ito ang realidad na Aking hinihingi? Sino ang nakakatarok sa kahulugan ng Aking mga salita? Subalit hinihingi Ko na huwag na kayong mabigatan pa sa mga pagdududa, na maging aktibo kayo sa inyong pagpasok at intindihin ang diwa ng Aking mga salita. Pipigilan kayo nito na magkamali sa pag-unawa sa Aking mga salita, at malabuan sa ibig Kong sabihin, at sa gayon ay lumabag sa Aking mga atas administratibo. Sana ay naiintindihan ninyo ang Aking mga layunin para sa inyo sa Aking mga salita. Huwag na ninyong isipin pa ang sarili ninyong mga pag-asam, at kumilos kayo ayon sa inyong matibay na pagpapasya sa Aking harapan na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay. Dapat ang lahat niyaong tumatayo sa loob ng Aking sambahayan ay gawin ang lahat ng kanilang makakaya; dapat mong ihandog ang iyong pinakamahusay hanggang sa huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Handa ka ba talagang isagawa ang gayong mga bagay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sobra akong naantig na bumuhos na ang mga luha ko. Naramdaman ko ang Diyos sa mismong tabi ko, na parang kaharap ko Siya, at tinatanong Niya ako kung handa akong isuko ang lahat sa Kanya at tanggapin ang Kanyang mga pagsasaayos at magpasakop sa Kanya. Naisip ko si Pedro. Ang kanyang panghabambuhay na hangarin ay ang mahalin at palugurin ang Diyos, at sa huli, naging mapagpasakop siya sa Diyos hanggang kamatayan, minamahal ang Diyos nang sukdulan. Ipinako siya sa krus nang patiwarik para sa Diyos, naging isang matunog na saksi at namuhay nang makabuluhang buhay. Naisip ko ang nakaraan, noong narinig ko ang walang kwentang sinabing iyon ng kaklase ko. Isinakripisyo ko ang aking kabataan at kalusugan, desperadong hinahabol ang kasikatan, kayamanan, at katayuan para sa paghanga ng iba, ginagawang lubos na miserable ang buhay ko. Inalis ako ng Diyos sa maraming tao, at pagkatapos ay iniligtas ako sa bingit ng kamatayan. Napakaswerte ko na makalapit sa Diyos at makarinig sa Kanyang tinig, personal na tinatanggap ang Kanyang pagdidilig at pagpapastol. Ito ang kamangha-manghang pagliligtas sa akin ng Diyos. Sa mga huling araw, nagpahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan, upang linisin at iligtas tayong mga tao, upang maiwaksi natin ang mga satanikong disposisyon, maging ganap na malaya mula sa mga hadlang ng impluwensya ni Satanas, at hindi na mapinsala ng katiwalian ni Satanas, bago tayo tuluyang dalhin sa Kanyang kaharian. Hindi ko pwedeng palampasin ang pambihirang pagkakataong ito na iligtas at gawing perpekto ng Diyos ang tao, at lalong hindi ko maaaring biguin ang Diyos sa Kanyang puspusang pagsisikap. Kailangan kong magkaroon ng tunay na pananalig at hangarin ang katotohanan. Sa isiping ito, sinabi ko sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko, handa na ako! Kahit wala nang maiwan sa akin sa pagtanda ko, walang kasikatan o kayamanan, nais ko pa ring magpasakop sa Iyong mga pagsasaayos, maging isang taong nakikinig sa Iyong mga salita at nagpapasakop sa Iyo, at gumagawa sa tungkulin ng isang nilikha.”

Pagkatapos niyon, ipinasa ko ang pamamahala ng negosyo sa anak ko, at sa wakas ay ganap na akong nagpaalam sa dati kong buhay. Bumuti ang kalusugan ko. Hindi nagtagal, nagkaroon ako ng tungkulin sa iglesia, at nagsimulang maranasan ang mga tao at bagay na isinaayos ng Diyos. Nakatuon na ako ngayon sa paghahangad sa katotohanan at pagkatuto ng mga aralin, at nakaramdam ako ng isang uri ng kapayapaan na hindi ko kailanman naranasan noon. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Diyos Ay nasa Aking Tabi

Ni Guozi, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya, at noong ako ay isang taong gulang, tinanggap ng aking ina ang...

Ang Pinili ng Guro

Ni Mo Wen, Tsina Habang lumulubog ang araw sa kanluran, sa oras ng takipsilim, bukas ang pinto ng isang maliit na bahay sa bukid, na may...