Ngayon Ko Lamang Naunawaan Kung Ano ang Pagpasok sa Buhay

Setyembre 30, 2019

Ni Yulu, Portugal

Noong mga unang buwan ng 2017, gumanap ako sa isang tungkulin sa pamunuan sa iglesia. Pagkaraan ng matagal na pagsasanay, binigyan ako ng rekomendasyon ng ilang kapatid: Sabi nila napakaliit ng pag-unawa ko hinggil sa kanilang mga sitwasyon at paghihirap, at wala ako nagawang anumang tunay na gawain. Para mabago ang paglihis na ito, naghanda akong gumawa ng sunud-sunod na pagsubaybay sa lahat ng kapatid sa iglesia para maunawaan ko ang kanilang sitwasyon. Para magawa ito, nagparoo’t parito ako sa iglesia araw-araw, at naging abala sa pakikibahagi sa mga kapatid at pag-aalok ng suporta at tulong. Nang magbago nang kaunti ang kanilang mga sitwasyon at nagkaroon ng kalutasan ang kanilang mga paghihirap, naipasiya ko na talagang kaya kong gumawa ng kaunting tunay na trabaho, at medyo nasiyahan ako. Laking gulat ko nang isang araw ay sabihin sa akin ng lider ng grupong tagapagdilig, “Sa pulong ngayon, pagkatapos maunawaan ang ating sitwasyon, sinabi ng nakatataas na pamunuan na kamakailan ay palagi na lamang tayong abala sa gawain at hindi sa pagpasok sa buhay. …” Nang marinig ko ito, gulat na gulat ako, at naisip ko, “Akala ko naipaalam na ng mga kapatid ang kanilang katayuan sa pulong at nagtamo sila ng kaunting kaalaman tungkol sa kanilang sarili, kaya paano nila nasabi na wala silang pagpasok sa buhay? Kung walang sinuman sa kanila ang nakapasok sa buhay, at ako ang responsable sa kanilang gawain, hindi ba ibig sabihin niyan ay hindi pa rin ako nakapasok sa buhay?” Pakiramdam ko kinontra ako, at hindi ko nagawang tanggapin ang mga payo ng mga nakatataas sa akin.

Makalipas ang ilang araw, nilapitan ako ni Sister Li pagkatapos ng isang pulong at malungkot na sinabi sa akin, “Matapos makinig sa pagbabahagi mo ngayon, hindi ako nasiyahan. Habang nagsasalita ka binanggit mo na nasabi ng nakatataas na mga lider na hindi nakapasok sa buhay ang mga kapatid na nasa grupong tagapagdilig—kaya paano mo nalaman ito? Nagtuon ka na ba ng pansin sa sarili mong pagpasok sa buhay kamakailan? Dapat kang gumugol ng kaunting panahon sa pagninilay tungkol sa iyong sarili.” Ang mga salita ng kapatid na iyon ay parang isang palanggana ng malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Labis na nagdamdam para tanggapin ang mga iyon, naisip ko sa sarili ko, “Nakikipagpulong at nagbabahagi ako sa mga kapatid araw-araw, at anuman ang kanilang sitwasyon, nagagawa kong tulungan at suportahan sila. Kapag pinag-uusapan ang mga salita ng Diyos, isinasama at ikinukuwento ko rin ang personal na mga karanasan ko, kaya paano mo nasabi na hindi pa ako nakapasok sa buhay? Talaga bang mawawari mo kung nakapasok na nga ako o hindi pa? Napakalaki ng hinihiling mo sa akin. Sa palagay ko, kapag nagbabahagi ka, ni wala ka ng malalim na pagkaunawang taglay ko; kung susunod ako sa mga utos mo, hindi ko alam kung paano ako magbabahagi.” Natanim sa isipan ko ang mga salita ng kapatid na ito, at nang lalo ko itong pag-isipan, lalo akong nagalit. Ni ayaw ko nang tingnan si Sister Li. Kinabukasan, sinabi sa akin ng partner kong si Sister Wang, “Kagabi, tinanong din ako ni Sister Zhang kung nagtuon lamang tayo o hindi sa paggawa ng gawain kamakailan at hindi sa pagpasok sa buhay.” Nang marinig ko ito, lalong sumama ang loob ko. Naisip ko sa sarili ko, “Paano naatim ni Sister Zhang na sabihin din iyon? Madalas akong makipagpulong sa kanya, at lagi kong isinasama ang sarili kong mga karanasan sa aking pagbabahagi, at narinig na niya akong gawin iyon—kaya paano niya nasabi na hindi pa ako nakakapasok sa buhay? Ngayo’y dalawang kapatid na ang nagsabi niyon; totoo kayang hindi pa nga ako nakakapasok sa buhay? Kung gayon, paano ko madidiligan ang mga kapatid? Wala kaya akong kakayahang gampanan ang tungkuling ito?” Sa sandaling iyon para akong bolang inalisan ng hangin; pakiramdam ko lungkot na lungkot ako. Sa gitna ng aking pagdurusa, nagdasal ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Ang sama-sama ng loob ko ngayon. Hindi ko alam kung paano danasin ang sitwasyong ito, ni hindi ko alam kung anong aral ang dapat kong matutuhan. Diyos ko! Nagsusumamo ako na gabayan Mo ako; ipaunawa Mo sa akin ang Iyong kalooban. …”

Pagkatapos manalangin, naisip ko ang isang sipi sa pagbabahagi, “Napakasimple ng kalooban ng Diyos. Iyo’y ang gamitin ang lahat ng uri ng sitwasyon, lahat ng uri ng mga kapatid, at lahat ng uri ng isyu para subukan ka, lagyan ka ng balakid sa daan, isailalim ka sa pagpipino at pagkatapos ay ipaunawa sa iyo ang sarili mo. Sa huli, talagang makikilala mo ang iyong sarili at makikita na wala ka man lang kabuluhan, masaya mong tatanggapin ang katotohanan, tatanggapin na maituwid at mapungusan, at susundin ang gawain ng Diyos upang makapasok sa liwanag patungo sa tamang direksyon sa iyong pananampalataya. Ito ang kalooban ng Diyos. Ang kalooban ng Diyos ay talagang hindi para gamitin ang mga sitwasyon para madapa ka at hindi na makabangon, pagkatapos ay hayaan kang mamatay. Hindi iyon ganoon. Iyon ay ang lubos na ipaunawa sa iyo ang iyong sarili at pagkatapos ay agad kang makabangon at hanapin ang katotohanan. Ito ay dahil ang mga tao ay sumasandig lamang sa Diyos at hinahanap ang katotohanan kapag desperado sila. … Pinipigilan at pinupungusan ka ba para manghina ka o para maging mas akma kang gamitin? Inilalantad ba ang iyong kawalan ng katotohanan at realidad para husgahan at sumpain ka, o para makabangon ka at palakasin ang sarili mo sa katotohanan at hanapin mo ang katotohanan? Kung pag-iisipan mo ito nang paulit-ulit, hindi mo ba mauunawaan ang kalooban ng Diyos?” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Matapos pagbulayan ang sermon na ito, bigla kong napagtanto na ang di-kanais-nais na mga tao, kaganapan, at bagay na sunud-sunod kong naranasan kamakailan ay talagang nagmula sa pagpupungos at pagtutuwid sa akin ng Diyos; ang mga iyon ay Kanyang matuwid na disposisyon, na ipinakita sa akin, at naroon ang mabubuting layon ng Diyos. Ang Kanyang kalooban ay hindi para maging negatibo ako, ni para mabuhay ako na nakikipagtalo tungkol sa tama at mali; bagkus, iyo’y para dalhin ako sa Kanyang harapan na pinagninilayan ang aking sarili para makilala ko ang aking sarili, magtuon ako sa paghahanap ng katotohanan, at magpunyaging baguhin ang aking disposisyon. Gayunman, matapos akong mapungusan at maituwid, sa halip ay tumanggi akong pagnilayan ang aking sarili o hanapin ang katotohanan. Napuno ng pagkontra at pagsuway ang puso ko, at naisip ko pa na ang layunin ng pagkasadlak sa akin sa gayong sitwasyon ay para ilantad ako sa pagiging hindi angkop na gumanap sa ganitong uri ng tungkulin, kaya nga nabuhay ako sa pagiging negatibo at walang kibo. Talagang nawalan ako ng katwiran! Naisip ko, sa nakaraang ilang araw, kung paano nasabi sa akin ng ilang kapatid na hindi ako nakapasok sa buhay kahit paano, at napagtanto ko na matagal na silang ginagamit ng Diyos para ipaalala sa akin na kailangan kong huminahon at masigasig na pagnilayan ang aking sarili upang malaman kung ano talaga ang aking mga problema, kung bakit nasabi ng mga kapatid na hindi ako nakapasok sa buhay, at una sa lahat kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagpasok sa buhay.

Kalaunan, nabasa ko ang sumusunod mula sa pakikibahaging “Ano ang Pagpasok sa Buhay at ang Daan para Makapasok sa Buhay”: “Ang pagpasok sa buhay ay tumutukoy sa pagpasok sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Tumutukoy ito sa pag-unawa sa katotohanan ng katiwalian ng mga tao, at sa diwa ng kanilang katiwalian, at pagkatapos ay magawang tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang mga salita ng Diyos, at gawin nilang buhay ang mga iyon. Tanging ang anumang nauugnay sa ganitong klaseng karanasan ang pagpasok sa buhay.” “Ang pagpasok sa buhay ay tumutukoy sa pagpasok sa katotohanan. Ang pagpasok sa katotohanan ay batay sa mga taong nagdaranas ng salita ng Diyos at nagkakaroon ng pag-unawa sa katotohanan.” “Kapag mayroon tayong tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, patunay iyan na mayroon tayong tunay na pagpasok sa Kanyang mga salita. Kapag mayroon tayong tunay na kaalaman tungkol sa ating sariling tiwaling diwa at sa katotohanan ng ating sariling katiwalian, patunay rin iyan na mayroon tayong tunay na pagpasok sa mga salita ng Diyos. Kapag tayo ay tunay na masunurin sa gawain ng Diyos, sa Kanyang realidad, at sa Kanyang diwa, kapag tunay nating binibigyang-kasiyahan ang lahat ng Kanyang hinihingi, patunay rin iyan na mayroon tayong tunay na pagpasok sa Kanyang mga salita. Basta’t may tunay na pagpasok na batay sa Kanyang mga salita, ang tunay na pagpasok sa katotohanan, at nakamtan ang mga resultang dapat makamtan, ibig sabihin ay taglay natin ang realidad ng pagpasok sa buhay” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Sa mga salitang ito, biglang kumislap sa aking isipan ang isang kabatiran: Ang kinalabasan, ang pagpasok sa buhay ay tumukoy sa pagdaranas ng mga tao ng mga salita ng Diyos at pag-unawa sa katotohanan, at pagpasok sa realidad ng katotohanan. Sa madaling salita, nangahulugan ito na kapag nagdaranas ng gawain ng Diyos, maaari nilang isagawa ang Kanyang mga salita at unti-unting maunawaan ang katotohanan hanggang sa magtamo na sila ng kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos at sa Kanyang gawain, maging ng tunay na kaalaman tungkol sa sarili nilang tiwaling pagkatao at diwa at sa tunay na mukha ng kanilang katiwalian. Nangahulugan ito na maaari nilang kamuhian ang kanilang sarili, talikuran ang sarili nilang mga maling layon at napakasamang pagkatao, at isakatuparan ang katotohanan, magpasakop sa Diyos, at bigyan Siya ng kasiyahan alinsunod sa Kanyang kalooban at mga hinihingi. Sa ganitong paraan lamang sila mabibilang na tunay na nagtamo ng pagpasok sa buhay. Nang ikumpara ko ang aking sarili sa mga kundisyon at pagpapakitang ito, hindi ko napigilang pagnilayan ang aking sitwasyon kamakailan: Mula nang gawin ng aking mga kapatid ang rekomendasyon na hindi ko nakaya ang pasanin ng aking tungkulin at hindi ako nagtuon ng pansin sa paglutas sa kanilang mga problema, para mapigilan ko silang sabihin ang gayong mga bagay tungkol sa akin, nag-abala ako sa pagsubaybay sa sitwasyon ng aking mga kapatid at nag-ukol pa ako ng oras para sa mga espirituwal na debosyon upang maghanap ng mga sipi ng mga salita ng Diyos na maaaring lumutas sa kanilang mga problema. Subalit bihirang-bihira akong naging mahinahon at nagmuni-muni mismo tungkol sa mga salita ng Diyos, o naghanap ng katotohanan at kalooban ng Diyos sa mga pagbigkas na iyon. Sa pagtupad sa aking tungkulin, hindi ako nagtuon man lang ng pansin sa sarili kong mga kaisipan at ideya, ni pinagnilayan ko ang aking sarili para tuklasin kung aling mga tiwaling disposisyon ang nailantad ko at aling mga katotohanan ang kailangan kong pasukin, lalo na kung ang landas na tinatahak ko ay tama o mali. Bawat pagkakataon na nagbahagi ako sa kanila sa mga pulong, kinuha ko lang ang mga salita ng Diyos at ipinaalam ang mga ito sa aking mga kapatid para humayo sila at isagawa nila ang katotohanan, subalit hindi ko mismo sinamantala ang mga pagkakataong ito upang pagnilayan ang aking sarili o pumasok sa mga salita ng Diyos na kasama nila. Kung minsan, matapos mailantad ang ilan sa aking tiwaling disposisyon, itinugma ko lamang ito sa mga salita ng Diyos o naghanap ako ng ilang nakahihikayat o nakaaaliw na mga siping mababasa. Nabigyang-kasiyahan nito ang paghihirap na nadama ko sa puso ko, ngunit bihirang-bihira kong pinagnilayan o sinuri ang sarili ko alinsunod sa mga binigkas ng Diyos upang malaman ang aking tiwaling diwa. Dahil dito, hindi ako napoot sa sarili ko, at sa dakong huli ay hindi ako nakapagtuon sa pagsasagawa ng katotohanan. Nang magdanas ako ng iba pang gayong sitwasyon, muli akong nagpakita ng parehong katiwalian. Dahil sa lahat ng palatandaang ito na malinaw sa akin, paano ko masasabi na nakapasok na ako sa buhay? Alang-alang sa reputasyon at katayuan, nagawa ko ang lahat upang iukol ang aking sarili sa gawain, subalit hindi ko nabigyan ng kahalagahan ang pagninilay sa mga ito kapag kadalasa’y kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos. Nabigyang-kasiyahan ko lamang ang sarili ko sa kaalaman tungkol sa doktrina, ngunit hindi ko tunay na naunawaan ang Kanyang kalooban at mga hinihingi at maging kung anong mga resulta ang nais Niyang makamit sa mga salitang ito na Kanyang binigkas. I Hindi ko pa tunay na naunawaan ang katotohanan, lalo nang wala akong patotoo tungkol sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Talagang wala akong aktuwal na karanasan, at hindi pa ako nakapasok man lang sa buhay! Matapos kong higit na pag-isipan kung paano ako pinungusan at itinuwid kamakailan ng nakatataas na mga lider at ng aking mga kapatid, nakita ko na nabunyag na mahilig akong kumontra, sumuway, at makipagtalo. Kung talagang nakapasok na ako sa buhay, matapos akong mapungusan at maituwid ay nagawa ko na sanang hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang sarili ko, subalit hindi sana ako nabubuhay nang negatibo at suwail. Ngayon lamang ako lubos na nakumbinsi na talagang hindi pa ako nakapasok sa buhay, at na sa pakikibahagi ko sa aking mga kapatid, nagsalita lamang ako nang nagsalita tungkol sa mga salita at doktrina. May kasabihan nga, “Ang kilos ng mga heneral ay nakakaapekto sa mga kilos ng kanilang mga sundalo.” Dahil hindi pa ako mismo nakapasok sa buhay, paano ko madadala ang aking mga kapatid sa realidad ng mga salita ng Diyos? Hindi ba malamang na mabitag at mapahamak ang aking mga kapatid sa paraang ito ng pagtatrabaho ko? Nang matanto ko ito, nakaramdam ako ng kaunting takot. Mabuti na lang, nagamit ng Diyos ang mga kapatid na iyon upang bigyan ako ng napapanahong paalala na pagnilayan ang sarili ko para makilala ko ang aking sarili; kung hindi, patuloy sana akong nagtuon lamang sa panlabas na gawain at mga utos, subalit hindi sana ako nakapasok mismo sa buhay, at sa huli ay hindi sana ako nagkaroon ni katiting na pagbabago sa aking disposisyon sa buhay—at nalantad at naalis lang sana ako ng Diyos. Salamat sa Diyos sa Kanyang patnubay! Napakaganda ng pagkakaayos ng Diyos sa gayong mga tao, kaganapan, at bagay, at ang mga iyon mismo ang kinailangan ko. Sa pagpupungos at pagtutuwid lamang sa gayong paraan ko naunawaan kung ano ang tunay na pagpasok sa buhay, at natamo ang kaunting kaalaman tungkol sa sarili kong tunay na sitwasyon. Nakita ko na sa hindi paghahanap sa katotohanan at hindi pagbibigay ng pansin sa pagtatamo ng pagpasok sa buhay, nanatili sana ako sa aking pananampalataya hanggang sa nabigo ako sa huli.

Pagkatapos niyon, sadya akong nagtuon sa sarili kong pagpasok. Araw-araw sa aking mga espirituwal na debosyon, tapat kong sinanay ang sarili ko na sikaping pagnilayan ang mga salita ng Diyos at nagtuon ako sa paghahanap ng katotohanan sa mga iyon, at isinakatuparan ang mga ito sa tunay na buhay. Sa mga tao, kaganapan, at bagay na nakaharap ko, nagtuon ako sa pag-unawa sa sarili kong mga kaisipan at ideya, pagninilay sa aking mga layon at karumihan sa pagtupad ko sa aking tungkulin, pagsusuri sa aking pagkatao at diwa, at paghahanap ng paraan ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos para makapasok sa buhay. Sa paglutas ng mga problema ng aking mga kapatid, hindi na ako basta nagbahagi lamang upang lunasan ang kanilang sitwasyon; nagtuon ako sa pagninilay at pagkilala sa sarili ko upang malaman kung ganoon din ang mga problema ko, upang makapasok ako na kasabay ng aking mga kapatid. Pagkaraan ng kaunting panahon ng paggawa nito, nadama ko na naging mas malapit ang kaugnayan ko sa Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting karanasan at kaalaman tungkol sa Kanyang mga salita. Nagkamit din ako ng ilang resulta sa aking gawain para sa iglesia. Kalaunan, nakita ko mula sa pagbabahagi ng aking mga kapatid na nang maharap sila sa mga problema, lahat sila ay nagsimulang pagnilayan ang kanilang sariling mga layon at karumihan, at sinuri nila ang kanilang sariling pagkatao at diwa. Nagawa rin nilang pumasok sa ilan sa mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Matapos mapungusan at maituwid, nagkaroon ako ng kaunting tunay na kaalaman kung ano ang pagpasok sa buhay, at mas malinaw kong nakita ang sarili kong mga pagkukulang. Sa pagtupad sa aking tungkulin, nagsimula akong magtuon sa sarili kong pagpasok at natikman ko kung gaano katamis ang mahanap ang katotohanan at maisagawa ito. Lahat ng ito ay mga epekto ng gawain ng Diyos sa akin. Salamat sa Diyos! Sa lahat ng nararanasan ko mula ngayon, sana’y maging matatag at makatotohanan ako sa aking paghahanap sa katotohanan, at sikapin kong magkaroon ng pagbabago sa aking disposisyon balang araw.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Espiritu Ko’y Pinalaya

Ni Mibu, Spain“Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na...